View Full Version : Hay naku -> OS sa OS
Tonyang
05-22-2006, 10:29 PM
Ka-TF, I am sure may kakilala rin kayong matatagal nang bilog sa Japan at dahil di na nauwi, may kinakasama nang iba at ang sinasabi nilang "shoganai", alam ng pamilya sa Pinas. At malungkot sa lahat, sa simbahan pa sila aktibo.
Eto iyung sinasabing "social cost" of migration. Infact, puwede nating ilahad na "legal separation" means ang pagiging OFW kung gusto nating humiwalay sa ating asawa... like iyung mga OS, tumagal na sila ng mahigit 15 taon sa Japan. Obviously, ibang tao na sila pagbalik sa Pinas...
May paraan bang mabago ang lahat? Paano ninyo hinaharap ang ganitong sitwasyon kung inyong ina, ama, kapatid o anak o malapit na kapamilya ang gumagawa nito? May mga OS akong nakakausap na hindi naman humihingi ng advice o minsan implied dahil naikukuwento nila ang kanilang buhay... yes, alam nilang kasalanan pero "shoganai" raw dahil di pa sila uuwi sa Pinas. Iyung iba, nag-iingat para di magkaanak. Pero may mga sitwasyon na may isinisilang na sanggol sa ganitong pagsasama. Ang masaki... illegitimate sila at tiyak, pag nahuli ang isa man sa kanila, BIG QUESTION MARK na naman ang kinabukasan ng mga batang ito.
Nabalik sa isip ko ang ganitong sitwasyon...infact, marami na rin akong nakasalamuha na ganito ang setup. Parang hiniram muna ang asawa ng iba habang nasa Japan o habang di pa nahuhuli o nade-deport. Noong isang araw kasi, may nabisita akong isang simbahan at may lumapit sa aking babae at isang matandang lalaki. Akala ko mag-ama sila... may relasyon pala sila. Pareho silang kasal sa Pinas at di pa hiwalay sa kani-kanilang asawa. Eto iyung example ng "shoganai" relationship sa Japan dahil mga OS at may mga pangangailangan sila bilang mga nilalang ng Diyos.
Again, tanong ko sa mga concerned... paano natin mababawasan ang social costs ng migration tulad nito?
docomo
05-22-2006, 11:36 PM
@ tonyang
this is the question ~ kung pano mababawasan ?
kamusta sis ... siguro kung di na talaga tatanggap na mga worker na OS dito sa japan mapa malaki o maliit na kumpanya as in general ,yan malamang talaga mabawasan... wala ng choice ang mga OS but to go home.... i doubt it kung ma implement yan.. usually ang mga japanese mas gusto nila filipino workers compared sa mga ibang lahi.. pero sa akin yan lang ang isang effective na way para mabawasan talaga.. opinyon ko lang yan ha :)
summerghie
05-23-2006, 12:46 AM
ang buhay nga naman kahit na minsan di mo gustong gawin eh andian na nga pumapasok ang word na "shoganai" dahil lamang sa matinding pangangailangan. pero ang mga batang walang kamalay-malay ang ngsa-suffer..:doh:
mahirap ata tanong mo tonyang kasi alam mo tama si docomo kung di nga lng tatangap ng OS ang mga kaisha siguro yun mababawasan. lalo na yun na invite lang dito for tourist tas tumatakbo na eh naku maraming ganun at may kakilala akong ganun sitwasyon. di rin naman kasi check ata ng japan embassy satin yun name nun nginvite para malaman kung my record ng nginvite na sya at yun invite nya ba eh umuwi ba sa tamang takdang araw na ibinigay sa kanya.maybe in that way mababawasan ang OS at social costs ng migration. kasi yun mare ko andito bago siya invite ng tita niya nkapag-invite na yun ng iba yun ang papa ng friend ko na kapatid ng tita niya. yun papa niya tumakbo din halos ilang taon na rin dito tas sumunod invite yun friend ko after 2 yrs eto ngaun ang mare ko andito OS siya at pareho sila ng papa niya nkakapag work.
siguro 1 thing na pwede rin mabawasan is to make sure na yun mga tourist eh bumabalik sa pinas pero naisip ko madali kayang icheck yun..
May paraan bang mabago ang lahat? Paano ninyo hinaharap ang ganitong sitwasyon kung inyong ina, ama, kapatid o anak o malapit na kapamilya ang gumagawa nito?
siguro kung aasensyo pinas at mabibigyang ng mga trabaho yun mga nangangailangan baka walang mangyayaring ganito;walang broken family or illegitimate child..pero ika nga nila tao lang daw tayo natutukso rin..
oopps..wag po sanang maoffend yun mga OS natin kapatid dito sa tf opinion lang po regarding the situation given..peace po...
mylfer919mdo
05-23-2006, 09:46 AM
siguro kung di na talaga tatanggap na mga worker na OS dito sa japan mapa malaki o maliit na kumpanya as in general ,yan malamang talaga mabawasan... wala ng choice ang mga OS but to go home.... i doubt it kung ma implement yan.. :)
Precisely! Docomo is correct. Kung wala ng mangongonsente, mababawasan na ang mga OS na tulad ng nabanggit ni Ka Tonyang. But mahirap talaga itong gawin.
About the opinion of Summerghie, well I agree with you Sis. But I think the Immigration is the one who should be responsible for that. They should submit to the embassy a copy of returnees from Japan ( tourist or dependent visa holders of course) so at least the Embassy could check how many persons endorsed by a particular sponsor had returned or not.
Ito ay opinion ko po lamang.
mika-chan
05-23-2006, 09:51 AM
Ka-TF, I am sure may kakilala rin kayong matatagal nang bilog sa Japan at dahil di na nauwi, may kinakasama nang iba at ang sinasabi nilang "shoganai", alam ng pamilya sa Pinas. At malungkot sa lahat, sa simbahan pa sila aktibo.
Bakit naman ikinalulungkot mo ang pagiging akitbo nila sa simbahan?:confused: Naging OS din ako jan sa Japan at naging aktibo din ako sa church & Filipino Community. Yun lang ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob ang DIYOS, dahil sa mabuti sya sa akin naging aktibo ako. Maraming plastic na Filipino sa tutuo lang (as my own experience) ayaw nga nilang makisalamuha sa mga OS. Madalas pa yung may mga bala pa ang mga banta sa kanila sa pagiging OS.
Bakit hindi nyo na lang pag-isipan kung paano sila matulungan? Example free counseling para mabigyan ninyo sila ng payo para maayos nila ang kanilang buhay (Spiritual & Moral Counselling)
lenemen
05-23-2006, 10:29 AM
Di naman siguro dapat ikalungkot na maging aktibo sila sa simbahan. Sa pagpupunta nila sa tahanan ng Diyos doon siguro nila naiibsan ang bigat ng kanilang kunsiencia, may takot rin sila sa KANYA kaya habang ginagawa nila itong maling relasyon at the same time ay humihingi ng kapatawaran,pero di pa rin maiwasan o matigil gawa ng ibat-ibang pangangailangan. Pero mabait SIYA, nasa KANYA na ang pagahatol di ba? For the meantime, tayo naman "mi mamoru" na lang at buhay nila yan. :chatter:
NemoySpruce
05-23-2006, 11:14 AM
Again, tanong ko sa mga concerned... paano natin mababawasan ang social costs ng migration tulad nito?
Nalito po ako sa tanong ninyo. Ang pagkaalam ko kasi ang 'social cost' ay 'economic' cost to a society. Magkano ang binabayad ng isang society para sa isang bagay o activity. Economists use it to gauge if an action is beneficial from a larger perspective. For example, is it economically prudent to segragate your garbage?. From the individual's perspective, it is not. Bibili ka pa ng plastic, na red green or blue, tapos ihihiwalay mo pa ang recycleable, bio degredabol at kung ano ano pang abol... bat di mo na lang ilagay sa kahit anong plastic at itapon sa tapat ng kapit bahay? well because, the 'social cost' will be greater, the city will need to hire more garbage collectors, you will have increased population of pests and parasites, health care will increase, and you will need to appropriate more land for land fills... basically, if private cost is greater than social cost, thats a good thing. If social cost is greater than private cost, that bad.
this line of thinking cannot be simply applied to real world situations like 'over staying'. Maraming dahilan ang mga kababayan natin para mag overstay. Im not saying its right, Im not justifying it, ang akin lang ay, give some respect to our kababayans who choose to extend their stay here or in other countries. Sa tingin ko ay pinag isipan na nila ng husto ang desisyon na maging ninja. Iba ibang sitwasyon yan, at kung nag hahanap ka ng solusyon, hindi dito sa Japan makikita yan. Nandun sa atin, sa pilipinas. Dun ka maghanap ng solusyon at masisisi.
siguro kung di na talaga tatanggap na mga worker na OS dito sa japan mapa malaki o maliit na kumpanya as in general ,yan malamang talaga mabawasan...
i think mas maganda kung tumanggap pa din sila, pero ayusin nila ang visa nang mga hire nila.. mas ok yun diba? kasi kawawa naman mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho, qualified naman sila, papeles lang ang problema.
PACIFIC GP
05-23-2006, 11:30 AM
lenemen,
I agree with you na kailangan na mi-mamoru tayo sa kanila. Pero hanggang duon na lang ba? Di ba sila ay kapatid natin sa panginoon....kung ikaw ay isang tunay na kapatid ano ang gagawin mo para sa kapakanan ng isang kapatid na naliligaw ng landas?
docomo
05-23-2006, 11:39 AM
i think mas maganda kung tumanggap pa din sila, pero ayusin nila ang visa nang mga hire nila.. mas ok yun diba? kasi kawawa naman mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho, qualified naman sila, papeles lang ang problema.
oo naman .. agree ako dyan.. na tumanggap pa rin sila.. sana nga ganon..:)
v_wrangler
05-23-2006, 11:45 AM
Nalito po ako sa tanong ninyo. Ang pagkaalam ko kasi ang 'social cost' ay 'economic' cost to a society.
Bagamat literally ay merong monetary cost ang migration lalo na sa host countries, sa palagay ko mas ibig tukuyin ni Ka Tonyang ang mga epekto ng migration sa lipunan tulad ng pagkakawatak-watak ng pamilya, pagiging dependent ng mga naiwan, ang patuloy na pag-focus ng pamahalaan sa manpower export sa halip na bumuo ng mga kabuhayang-panloob, at isa na rito ay ang problema sa moralidad katulad ng inihalimbawa niya sa taas. Tama ba ako Ka Tonyang?
Just to add to doc's - part of the MOJ gameplan to halve the numbers of illegal economic migrants is to require companies to report whether they have foreigners on staff or not. I just can't find the links to that particular MOJ doc. I'll post again when I find them.
mylfer919mdo
05-23-2006, 11:58 AM
i think mas maganda kung tumanggap pa din sila, pero ayusin nila ang visa nang mga hire nila.. mas ok yun diba? kasi kawawa naman mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho, qualified naman sila, papeles lang ang problema.
Well, you have a point. But I think mas maganda kung mga OS skilled workers ang bibigyan ng ganitong chance but if not, just dont give any consent to completely eradicate such cases.
docomo
05-23-2006, 12:05 PM
Just to add to doc's - part of the MOJ gameplan to halve the numbers of illegal economic migrants is to require companies to report whether they have foreigners on staff or not. I just can't find the links to that particular MOJ doc. I'll post again when I find them.
ok.. thanks :)
... clear ko lang ha nemoy spruce i am not against filipinos who works here in japan..
let's stay on topic~ ang tanong kasi is kung pano ba mababawasan ang mga problema ng OS to OS na nilahad ni tonyang .. eh opinyon ko lang naman , kung kinukunsinti kasi na tumanggap ng OS dito sa japan .. eh di natural hindi uuwi yang mga yan .. for good hanggang pwedeng magtrabaho .. eh pag ganon ang mangyayari na di na uuwi .. dyan lumalabas ang mga iba ibang suliranin na gaya nga ng sinabi ni tonyang isa na yang OS sa OS .. sana maganda pagkakasabi ko sa tagalog :D
PACIFIC GP
05-23-2006, 12:39 PM
i agree with docomo and v_wrangler, very well said. yeah, LET'S STAY ON THE TOPIC. i think there is a need to go back to the basics gaya ng filipino culture na "bayanihan", etc. para magkaroon ng pagtutulungan sa mga maliliit at malalaking problema ng pinoy community dito sa japan.
i have heard na ang ganitong kultura natin ay naging isang magandang haligi para magtulungan ang mga nasa new zealand. well, maaring may magsabi na iba ang new zealand sa japan pero, kung titingan natin in a positive way....if there is a will there is a way.
NemoySpruce
05-23-2006, 01:47 PM
.. dyan lumalabas ang mga iba ibang suliranin na gaya nga ng sinabi ni tonyang isa na yang OS sa OS ..
aaah.. anu po ba ang OS sa OS? Ober staying and Ober sex? nalito po ata ako sa topic natin.... hihhi :D
docomo
05-23-2006, 02:01 PM
aaah.. anu po ba ang OS sa OS? Ober staying and Ober sex? nalito po ata ako sa topic natin.... hihhi :D
hihihi ka dyan.. lagot ka kay tonyang :p :D overstay sa kapwa over stay po :p
vectra1123
05-23-2006, 08:34 PM
Magandang gabi po sa inyong lahat! Lalo na po kay ka Tonyang na syang starter nitong thread na ito!Pagpaumanhin nyo po kung medyo mali ang pagkakaintindi ko sa balak nyong ipahiwatig. OS sa OS? direct to the point na sana ang tumbok natin,yun ho bang pakikipagrelasyon nila sa kapwa nila bilog na parehong may mga pamilya sa atin?Tanong ko po sa inyo mga bilog lang ba ang alam nyong gumagawa nito?Kung nagiging pabigat o problema man sila ng lipunan konting pang-unawa na lang sana ang ibigay natin sa kanila.Tao lang ika nga .At isa pa mahirap na pong makialam lalot personal na buhay na nila ang pinag-uusapan at hindi naman sila direktang nakakaperwisyo sa atin. Peace po Tayo!!!:)
sensei
05-23-2006, 08:48 PM
@vectra san,
tama ka dyan hehe...wala naman akong maitutulong sa OS to OS, labas na ako sa gusto nilang gawin sa buhay nila...problema na nila yan kase kahit pag usapan yan buong maghapon sa TF wala ring lalabas na solusyon.
So, anong plano nio guys pagkatapos kalkalin at unkatin ang buhay nila? Eh nakaupo lang tayo sa harap ng PC eh.
Anong magagawa ng kapwa pinoy? ako hindi ko alam...
Leave it to the migmig na lang...pag napauwi na sila kanya kanyang solve ng problema yan...alangan bang sundan pa natin sa pinas at magsermon ngkatakot takot na mali un ginawa nila dito sa japan.
Peace ulet...antok na ko eh

exactly! why do we always have to focus the culprit of a certain problem to those who have violated the law? whether you live here legally or illegally, no one is exempted from doing such act. it is their own personal choice. and i am certain they too know about the consequences of such act. why don`t we discuss the said problem in general not only pertaining to the overstays? you always make us feel that we are a burden to the community. personally, i am against such act. but for Christ`s sake, please don`t pinpoint it to a particular group only. it sounds like overstays doesn`t have the right to do such thing while those with visa have the free will to do so.
c2ny2
05-23-2006, 09:11 PM
Magandang gabi po sa inyong lahat! Lalo na po kay ka Tonyang na syang starter nitong thread na ito!Pagpaumanhin nyo po kung medyo mali ang pagkakaintindi ko sa balak nyong ipahiwatig. OS sa OS? direct to the point na sana ang tumbok natin,yun ho bang pakikipagrelasyon nila sa kapwa nila bilog na parehong may mga pamilya sa atin?Tanong ko po sa inyo mga bilog lang ba ang alam nyong gumagawa nito?Kung nagiging pabigat o problema man sila ng lipunan konting pang-unawa na lang sana ang ibigay natin sa kanila.Tao lang ika nga .At isa pa mahirap na pong makialam lalot personal na buhay na nila ang pinag-uusapan at hindi naman sila direktang nakakaperwisyo sa atin. Peace po Tayo!!!:)
Whoaaaa!:confused: Di nakatiis si sexy?:) Ayaw mo noon parang komiks:D
Para di naman maging OT ako...Share ko lang sa inyo ito. Last Sunday sa Morinomiya sa simbahan active yong mga magsing-irog. Pero matutuwa po ako sa kanila dahil kahit papano eh di sila nakakalimot sa Itaas. Ok naman sila, wala naman silang inaabala. Sa tingin ko po ay di naman sila pabigat. Kong ano man ang kahihinatnan ng buhay nila sa pag-uwi sana ay malalaman pa rin natin. Kung may masipag pang mag subaybay sa kanila.:D
Peace po tayong lahat:band:
japphi
05-23-2006, 09:50 PM
@vectra san,
tama ka dyan hehe...wala naman akong maitutulong sa OS to OS, labas na ako sa gusto nilang gawin sa buhay nila...problema na nila yan kase kahit pag usapan yan buong maghapon sa TF wala ring lalabas na solusyon.
So, anong plano nio guys pagkatapos kalkalin at unkatin ang buhay nila? Eh nakaupo lang tayo sa harap ng PC eh.
Anong magagawa ng kapwa pinoy? ako hindi ko alam...
Leave it to the migmig na lang...pag napauwi na sila kanya kanyang solve ng problema yan...alangan bang sundan pa natin sa pinas at magsermon ngkatakot takot na mali un ginawa nila dito sa japan.
Peace ulet...antok na ko eh
Tama ka sensei.....ang nangyayari tuloy.....tsismis na ito eh....kahit na ba ganoon ang nagiging labas nila...private life nila yon.Kahit na ba legal o illegal tayo dito.....andito tayo sa bansang hapon......pilipino lahat.Sa palagay ko ay hindi na dapat pag-usapan o halungkatin dito sa forum ang mga ganyang kwentuhan o tsismisan....may masama man silang nagagawa yun ang nakakalungkot na parte.....
Pero ang dahil sa masama sila sa tingin natin halos yata nang mga galaw nila ay nakikita ay halungkatin pa at itinda dito sa forum.....isa ka bang makabayan nyan...o isa kang makapiling matatawag...?......b uti na lang at tayo-tayo lang dito:rolleyes: Huwag namang ganyan....dahil ba sa okey ang visa o status natin dito ganyan na lang.....may karapatan din naman sila....kaya hayaan na lang natin.....sa aking opinyon lang naman.
vectra1123
05-23-2006, 10:05 PM
Tama ka sensei.....ang nangyayari tuloy.....tsismis na ito eh....kahit na ba ganoon ang nagiging labas nila...private life nila yon.Kahit na ba legal o illegal tayo dito.....andito tayo sa bansang hapon......pilipino lahat.Sa palagay ko ay hindi na dapat pag-usapan o halungkatin dito sa forum ang mga ganyang kwentuhan o tsismisan....may masama man silang nagagawa yun ang nakakalungkot na parte.....
Pero ang dahil sa masama sila sa tingin natin halos yata nang mga galaw nila ay nakikita ay halungkatin pa at itinda dito sa forum.....isa ka bang makabayan nyan...o isa kang makapiling matatawag...?......b uti na lang at tayo-tayo lang dito:rolleyes: Huwag namang ganyan....dahil ba sa okey ang visa o status natin dito ganyan na lang.....may karapatan din naman sila....kaya hayaan na lang natin.....sa aking opinyon lang naman.Isa pang pahabol!!!Wag naman sanang umabot sa ganitong sitwasyon,dahil sa nagiging personalan ang talakayan maaring magkaroon ng grupo-grupo dito sa tf!!Grupo ng mga overstay,grupo ng mga permanent at grupo ng mga gwapings!Wag naman sana ,kala ko ba ang tf ay para sa lahat ng pinoy sa Japan?:mad:
Panzar327
05-23-2006, 10:36 PM
Makikisagot nalang din po..tama po sila di naman overstay lang ang gumagawa noon at di lang din pilipino..saka wag naman po sana nating masyadong iunderestimate ang mga overstay...:)
Tonyang
05-23-2006, 11:00 PM
Salamat sa inyong lahat... tsismis ba? Hehe! Akala ko may aral... di tsismis iyun mga kapatid. Di ako mahilig sa tsismis. Mahilig akong pag-usapan ang mga lesson na kapupulutan ng aral.
Ganoon ba? Kahit pag-usapan, wala tayong magagawa? So, kung ganoon ang thinking natin, wala na bang lugar sa atin iyung pakikisama? Maaaring di tayo ang makagawa ng solusyon pero baka maka-impluwensiya tayo sa iba para iwas sa mga ganoong bagay. So di lang short-term ang thinking sana... gawa tayo ng mabuti sa pakikisama, mabuti rin ang resulta nito sa hinaharap.
Sulat ni Vectra, di tayo perfect. Totoo naman iyon pero huwag nating abusohin iyung freedom natin.
Di ba tayo, concerned sa mga nangyayari pansarili, kapamilya at sa komunidad?
Di rin natin sinisisi ang mga OS... yes buhay nila iyon. Pero kadalasan, nahihirapan ang mga gustong tumulong sa kanila kapag lumalapit sila dahil imposible na ang mga solusyon nila sa problema sa buhay. Nakikialam ba tayo? Hindi tayo nakikialam... lumalapit sila para tulungan na eh. Example, nagkaanak, parehong OS at parehong may pamilya sa Pinas. Nabasa ko rito, di lang naman mga OS ang gumagawa noon, so anong ibig sabihin noon? "Ok lang" o "Common lang"? Anong gusto ninyong ipahiwatig sa ganyang punto kapatid? Ibang anggulo ito. Di dapat ikumpara iyung sitwasyon sa mga di bilog. Ang pinag-uusapan iyung mga bilog at di natin sila tinitira.
Mikichan, pag nasa simbahan tayo, di ba tayo nahihiya sa Diyos kung haharap tayo sa Kanya na kunwari lamang kasi pagtalikod, may kasalanan tayong ginagawa? Tama ba iyon? Di ba dapat isinasabuhay ang mga natututunan natin sa simbahan? Yes maaaring nagsisisi sila dahil sa "shoganai relationship" na iyon pero nagsisisi na hindi ginagawa iyung angkop na aksyon sa pagsisisi. OS na aktibo sa simbahan, ok lang iyon pero sana mga OS na hindi nagbabalatkayo. Sabi nga nila, ang visa ay man-made. Di naman daw ginawa ng Diyos.
Nandito ka pala, Taki. Bakit mo kami iniwan sa "Amnesty - thread"? Kumusta ka na?
Sa preventive measures tayo papunta, Docomo. Tumpak ang iyong mensahe sa aking palagay.
pola228
05-24-2006, 04:24 AM
Bakit hindi nyo na lang pag-isipan kung paano sila matulungan? Example free counseling para mabigyan ninyo sila ng payo para maayos nila ang kanilang buhay (Spiritual & Moral Counselling)
sangayon po ako dito sa sinabi ni mikachan...:king: kaya kailangan may magaling na Councilor(tama ba?) para mag payo sa ating mga kababayang nalilito sa buhay buhay...:)
sensei
05-24-2006, 08:24 AM
"Paano nga ba mababawasan ang social cost of migration na tulad nito?" as started on this thread.
Dito sa Japan nagpuntahan para maghanap ng trabaho. Shoganai dahil naghihirap sa pinas kaya nag OS. Pwede ba natin silang pigilan na wag ng magpunta ng japan kung manlalalake o mambababae lang. Hindi natin/nila alam na ganon pala magiging kahihinatnan. Kahit ang mga tagarelease ng visa para makapasok sa japan, alam ba nilang mag o-OS ito? Ang kapwa pinoy ba, makakatulong ba sa pagpigil at pagbawas ng social cost of migration stated on this thread?
Ang kaya lang natin siguro eh counselling... pero wag po natin ipagkait ang trabaho dito sa japan dahil me mga pamilya silang binubuhay sa pinas.
Ganoon ba? Kahit pag-usapan, wala tayong magagawa? So, kung ganoon ang thinking natin, wala na bang lugar sa atin iyung pakikisama?
Paano po natin ipapakita ang pakikisama habang nandito tayo nagpo-forum sa TF at hindi kilala ang aite? Sabihin na nating concerned tayo sa kapwa natin pinoy, nasaan sila OS? Alam ba nilang sila na ang topic dito sa TF? Alam ba ng mga OS na nagconfide sa inyo na nakalathala ang buhay nila sa TF? Baka pagmumurahin nila tayo dito at sabihing "kankeinai kayo sa buhay namin".
Pag nakita sila sa simbahan...ay ayun pala un OS sa OS na topic sa TF.
Haay...pakisabi po sa mga OS magregister sila sa TF at baka makatulong ang members sa private nilang buhay. I was an OS before...maybe I can give some advice:)
ritzyu
05-24-2006, 08:58 AM
Mikichan, pag nasa simbahan tayo, di ba tayo nahihiya sa Diyos kung haharap tayo sa Kanya na kunwari lamang kasi pagtalikod, may kasalanan tayong ginagawa? Tama ba iyon? Di ba dapat isinasabuhay ang mga natututunan natin sa simbahan? Yes maaaring nagsisisi sila dahil sa "shoganai relationship" na iyon pero nagsisisi na hindi ginagawa iyung angkop na aksyon sa pagsisisi. OS na aktibo sa simbahan, ok lang iyon pero sana mga OS na hindi nagbabalatkayo. Sabi nga nila, ang visa ay man-made. Di naman daw ginawa ng Diyos.
Tama ka yata dito Ka Tonyang, yung Ten Commandments nga pala ay hindi
multiple choice :D...humaharap ka nga pala sa Diyos na puno ka ng kasalanan
dapat ngang mahiya. Me kasabihan pala tayo na nahiya sa tao, di nahiya sa Diyos.
Pero nakakaharap sila sa Panginoon. Araw- araw nagpipinetensya, di kaya natin
kayang magpatawad.;)
NemoySpruce
05-24-2006, 10:11 AM
Ang gulo naman. Ang halo-halo masarap lang pag may yelo at leche plan... pag ganitong problema ang pinag uusapan, masakit sa ipin.
1) social cost of migration
2) Over staying
3) Adultery
pili lang muna kaya tayo ng topic. kasi parang ang nangyayari ang topic ay 'ang cost of migration ng mga over staying adulterers'
parang generalized ang mga 'over staying' as adulterers and we are treating them like a problem that has to be 'eradicated', i think thats callous and unproductive.
Galadriel
05-24-2006, 10:47 AM
Sa pagkaintindi ko, ang paghanap ng mga solusyon sa epekto ng migration ang pakay ng thread na ito. Huwag na sana nating banggitin yung ibang activities na walang kinalaman sa problema, gaya ng pagiging active nila sa simbahan kahit may mali silang ginagawa, issue on pagbabalatkayo/hypocrisy, etc.
Agree naman siguro ang TF community sa mga thread na kapupulutan ng aral. Maganda ang intensyon pero mukhang mali ang approach sa issue. Title pa lang biased na. Mas maganda siguro kung ang naging focus ng kwento sa mismong epekto ng migration. Bagamat ordinaryo lang tayo para masolusyunan talaga yung problema, posible pa rin na makakuha tayo ng magagandang
recommendations, pag napag-usapan na.
Kumplikado ang issue kapag ininvolve ang ibang tao sa kwento natin. Especially kung ilalahad natin yung hindi magagandang bagay sa kanila. Unless may consent yung taong may problema at gusto rin na makakuha ng opinyon dito sa forum. Ang panghihingi ng advice ng isang tao, pag nagpasalin-salin sa mga taong hindi nya kilala, hindi solusyon yung nahahanap, kundi condemnation.
vectra1123
05-24-2006, 12:41 PM
Sa pagkaintindi ko, ang paghanap ng mga solusyon sa epekto ng migration ang pakay ng thread na ito. Huwag na sana nating banggitin yung ibang activities na walang kinalaman sa problema, gaya ng pagiging active nila sa simbahan kahit may mali silang ginagawa, issue on pagbabalatkayo/hypocrisy, etc.
Agree naman siguro ang TF community sa mga thread na kapupulutan ng aral. Maganda ang intensyon pero mukhang mali ang approach sa issue. Title pa lang biased na. Mas maganda siguro kung ang naging focus ng kwento sa mismong epekto ng migration. Bagamat ordinaryo lang tayo para masolusyunan talaga yung problema, posible pa rin na makakuha tayo ng magagandang
recommendations, pag napag-usapan na.
Kumplikado ang issue kapag ininvolve ang ibang tao sa kwento natin. Especially kung ilalahad natin yung hindi magagandang bagay sa kanila. Unless may consent yung taong may problema at gusto rin na makakuha ng opinyon dito sa forum. Ang panghihingi ng advice ng isang tao, pag nagpasalin-salin sa mga taong hindi nya kilala, hindi solusyon yung nahahanap, kundi condemnation. Agree ako dyan sa sinabi mong yan! At para kay Ka Tonyang.natural concerned din ako para sa komunidad at para sa kanila .Saan ka nga ba nagsisimba ? Maybe one of this days pupuntahan kita dyan sa area nyo at ng magkausap din tayo ng personal! Gusto ko rin syempre ma meet yung sinasabi mong OS sa OS.Palitan lang ba ng kuro-kuro!Malay mo makatulong at makapulot din ng aral.:)
docomo
05-24-2006, 12:55 PM
.. iba iba kasi ang pag interpret naten sa mga nababasa natin..yung iba ayaw tingnan yung punto ng pagtatanong.. yung iba nape~personal .. pinepersonal ... yung pagtatanong din minsan may laman .. ma~personal ... wala tayong pwedeng sisihin dyan , ganon talaga... kaya sana cool lang lahat .... :)
logical
05-24-2006, 01:34 PM
makasali naman po sa usapan:
When you say OS, it is illegal diba? It is illegal, thererefore, maari itong magdulot ng kasiraan o perhuwisyo sa lipunan. Ano po ba ang maaring idulot ng kasiraan o perhuwisyo sa lipunan ng bansang hapon ang isang OS.
Sorry po kung medyo off-topic yata.
docomo
05-24-2006, 01:44 PM

OS or over stay.. yes it's illegal ... the rest of your question .. no comment medyo maselang katanungan ito.. :)
summerghie
05-24-2006, 02:18 PM
tama si docomo magkakaiba kasi ng interpretation sa topic na ito....may ibang angulo yun iba tinignan..wala naman siguro satin ang against sa mga OS dahil kababayan natin sila ofcourse mahal natin sila; maaring di lang sila pinalad makakuha ng visa kaya naging illegal na sila..may iba rin naman sila dahilan bakit ganoon ang sitwasyon nila ngaun ( OS to OS ) at oo wala na tayo doon..
maaring iba lang ang pa kaka conjuct ng sentence ni tonyang at ang lumabas eh iba ang meaning sa iba satin..wala naman tayong intensyon pagtsimisan sila....this thread maybe post just something interesting to talk about....siguro naman nothing in personal...
peace po tayong lahat...:D
NemoySpruce
05-24-2006, 02:31 PM
Ang gulo naman. Ang halo-halo masarap lang pag may yelo at leche plan... pag ganitong problema ang pinag uusapan, masakit sa ipin.
1) social cost of migration
2) Over staying
3) Adultery
pili lang muna kaya tayo ng topic. kasi parang ang nangyayari ang topic ay 'ang cost of migration ng mga over staying adulterers'
parang generalized ang mga 'over staying' as adulterers and we are treating them like a problem that has to be 'eradicated', i think thats callous and unproductive.
ikaw naman kase nemoyspruce, sabat ka ng sabat, eh wala kanaman kinalaman sa thread na ito. may pa leche plan leche plan ka pa. Hindi kanaman overstaying at wala kanamang pamilya at wala ka ding kinakasama dito sa japan. pake alamero ka lang talaga. dun ka na lang tumambay sa friendster at baka may kumausap pa sa yo don....
tatamigurl
05-24-2006, 02:39 PM
Ka-TF, I am sure may kakilala rin kayong matatagal nang bilog sa Japan at dahil di na nauwi, may kinakasama nang iba at ang sinasabi nilang "shoganai", alam ng pamilya sa Pinas. At malungkot sa lahat, sa simbahan pa sila aktibo.
Eto iyung sinasabing "social cost" of migration. Infact, puwede nating ilahad na "legal separation" means ang pagiging OFW kung gusto nating humiwalay sa ating asawa... like iyung mga OS, tumagal na sila ng mahigit 15 taon sa Japan. Obviously, ibang tao na sila pagbalik sa Pinas...
May paraan bang mabago ang lahat? Paano ninyo hinaharap ang ganitong sitwasyon kung inyong ina, ama, kapatid o anak o malapit na kapamilya ang gumagawa nito? May mga OS akong nakakausap na hindi naman humihingi ng advice o minsan implied dahil naikukuwento nila ang kanilang buhay... yes, alam nilang kasalanan pero "shoganai" raw dahil di pa sila uuwi sa Pinas. Iyung iba, nag-iingat para di magkaanak. Pero may mga sitwasyon na may isinisilang na sanggol sa ganitong pagsasama. Ang masaki... illegitimate sila at tiyak, pag nahuli ang isa man sa kanila, BIG QUESTION MARK na naman ang kinabukasan ng mga batang ito.
Nabalik sa isip ko ang ganitong sitwasyon...infact, marami na rin akong nakasalamuha na ganito ang setup. Parang hiniram muna ang asawa ng iba habang nasa Japan o habang di pa nahuhuli o nade-deport. Noong isang araw kasi, may nabisita akong isang simbahan at may lumapit sa aking babae at isang matandang lalaki. Akala ko mag-ama sila... may relasyon pala sila. Pareho silang kasal sa Pinas at di pa hiwalay sa kani-kanilang asawa. Eto iyung example ng "shoganai" relationship sa Japan dahil mga OS at may mga pangangailangan sila bilang mga nilalang ng Diyos.
Again, tanong ko sa mga concerned... paano natin mababawasan ang social costs ng migration tulad nito?
I appreciate the topic that you brought up..There is a law of "abandonment" sa Pilipinas. I`m not sure sa number of years but I think 8 years. But one must prove that no conact was done. Kaso lang eh, normal ang tawagan sa telepono at communication sa mga OS na ito..
I think its their choice and their family? ano nga ba ang rason? pera? masaganang buhay?
at ano ang kapalit? pamilya? moralidad? dignidad?
Lahat tayo may mga rason kayat hindi natin maituro kun sino ang tama o mali...
Ang sa akin ay, ito`y desisyon na dapat panindigan...
pola228
05-24-2006, 02:41 PM
.. iba iba kasi ang pag interpret naten sa mga nababasa natin..yung iba ayaw tingnan yung punto ng pagtatanong.. yung iba nape~personal .. pinepersonal ... yung pagtatanong din minsan may laman .. ma~personal ... wala tayong pwedeng sisihin dyan , ganon talaga... kaya sana cool lang lahat .... :)
i agree with that docomo san! kaya iba iba ang sagot kasi iba iba tayo ng mind thinking....kaya siguro mas maganda kung wag nalang na parang nag d-debate na ang labas...kung gusto mong sumagot:mad: sagot:D kung ayaw mo at wala kang ma ishare magbasa nalang at palawakin ang esep!:p
OS to OS (overstay sa kapwa overstay na relationship! how to prevent at anong aral nyan sa atin??) yan po ang pagkakaintindi ko:)
sagot: well....wala po akong masabi:D joke! ...iwasan nalang po lalo n sa mga makakabasa nito na OS kasi kung magbunga ang inyong "pagmamahalan" kahit mali sa mata ng tao, kaawa awa po ang magiging lagay ng anak nyo...yun po ang nakikita kong pinaka malaking disadvantage (btw, may advantage ba?) kung ituloy ang pakikipagrelasyon ng isang OS sa kapwa OS...kayo narin ang unang sumira sa kinabukasan ng bata...at maybe ang target ni Tonyang kaya nya pinost ito dito ay para patamaan yung mga readers na same ang situation ng saganun makapag esep esep naman yung taong yun...ganun lang...:p edi tama ngang i post ni Tonyang ito baka sakaling kahit isa makabawas pa...:D peace on TF:)
lenemen
05-24-2006, 07:42 PM
lenemen,
I agree with you na kailangan na mi-mamoru tayo sa kanila. Pero hanggang duon na lang ba? Di ba sila ay kapatid natin sa panginoon....kung ikaw ay isang tunay na kapatid ano ang gagawin mo para sa kapakanan ng isang kapatid na naliligaw ng landas?Siguro nga kung may magagawa tayo, pero ang kwestiyon paano maitutuwid ang landas na sa umpisa pa lang ay alam na nang may katawan na naliligaw siya, kaya nga "shoganai" dahil may mga pansarili silang dahilan o motibo na sila lang ang nakaka-alam. Pero sana na may magawa ang mga kapatid nating may mabuting kalooban at tiyagang magtama ng kanilang napapariwarang landas. God Bless!!!:)
Tonyang
05-24-2006, 08:40 PM
.. iba iba kasi ang pag interpret naten sa mga nababasa natin..yung iba ayaw tingnan yung punto ng pagtatanong.. yung iba nape~personal .. pinepersonal ... yung pagtatanong din minsan may laman .. ma~personal ... wala tayong pwedeng sisihin dyan , ganon talaga... kaya sana cool lang lahat .... :)
Yes mga kasama, cool lang tayong lahat. Vectra, sa Meguro ako regular churchgoer pero sa Koiwa, Yamate at iba pang simbahan ko sila nakilala at lumapit sa akin. So meaning di lang isang couple itong binabanggit ko at hindi ito tsismis.
Prevention ang gusto nating puntohin. Iyung economic factor ng pagiging overseas worker, maliwanag iyan at rason ng nakararami sa atin pero malayo sa social cost na binabanggit natin dito.
May nabasa rin akong anggulo na wala ang mga OS na binabanggit natin sa forum na ito para ma-impluwensiya natin sila. Tama naman pero what about us, our own possible effect to the community? Besides, may ibang level pa rin na nalalaman natin...maaaring nababasa o naririnig ang mga advice pero nagbubulagbulagan o nagbibingibingihan. Big issue ito... so aral na lang sa atin at impluwensiya sa mga kakilala natin ang markado rito tiyak.
Paano ba tayo magkakaisa sa mga sagot na lumabas? Puwede bang maging tema, magkaisa tayo para matulungan ang sitwasyon kaysa magpagalingan o mag-away tayo? That way, maganda iyung kalalabasan ng sharing natin.
Puwede ba tayong magkaisa ng dapat gawin sa example na ito? Huwag muna nating lahatin ang topic ng "migration" dahil napakalaking sector ito... specific muna tayo. Itong kaso na inilabas natin iyung social cost... paano natin mababawasan? Counseling... magandang paraan pero di lahat may talent sa counseling at ang mga kina-counsel usually, may counselor-shopping silang ginagawa. I think agree kayo sa bagay na ito. Samakatwid, may solusyon tayong magagawa maaaring di direct na maso-solve ang kaso pero preventive na pang-individual at malaki ang epekto nito sa komunidad. Pag-usapan natin ang mga solusyong ito, mga kapatid.
May isang off-topic akong natuklasan dito... maraming concerned sa mga OS. May isang thread on amnesty issue para sa mga OS na ni-rally natin pero in the end, naubos iyung mga gustong tumulong dahil aksyunan na. Baka mayroon ditong gustong sumama sa thread na ito... dito natin gawin ng husto ang ating concern sa mga OS sa Japan: http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=155 1&page=19
NemoySpruce
05-24-2006, 11:41 PM
Tonyang. pwede po ba paki liwanagin lang sa isa o dalawang sentence ang punto ng thread na ito? social cost ng imigration or tsismis at patama sa mga kakilala mong overstaying na may kinakasamang overstaying?
@ logical
legal man o illegal, maari pong may maidudulot na kasiraan o perhuwisyo sa lipunan. Pare-pareho tayong tao. Sorry for the OT.
Nandito ka pala, Taki. Bakit mo kami iniwan sa "Amnesty - thread"? Kumusta ka na?
Good day to you Ka Tonyang. Hindi sa iniwanan ko kayo sa Amnesty thread which i started months ago. I have some reasons for that which i will further discuss in that thread. What caught my attention with this thread was that, it seem to be so biased according to my own interpretation along with others who have also shared their reaction. I am here not to argue but to clear things up and make a common understanding regarding the issue. I understand that it so happened you have learned such case from an OS. But for the welfare of everyone here, maybe you should have think first to be more balance with your approach in this thread. From the title itself "Hay Naku - OS to OS", to me is quite below the belt. Parang sinabi mo na illegal na nga sila, gumagawa pa ng masama. Pero pag may visa ka at gumawa ng ganung bagay, hindi big deal sa inyo kasi legal naman sila. I don`t know but that is how i see it. Ika nga, iba iba ang pananaw ng mga tao.
If your main concern here is to alleviate the problem on what you call as "social cost" of migration, perhaps you should focus your subject on every individuals who are capable of doing such act. It would be very unfair if you would only direct this issue with the OS. Hiling ko lang, let us all be balance in everything.
mbstorun
03-02-2007, 09:33 PM
Ka-TF, I am sure may kakilala rin kayong matatagal nang bilog sa Japan at dahil di na nauwi, may kinakasama nang iba at ang sinasabi nilang "shoganai", alam ng pamilya sa Pinas. At malungkot sa lahat, sa simbahan pa sila aktibo.
absent na naman ako nung lumabas itong thread huli na pero post parin ako. :p ka Tonyang totoo yan meron talagang OS o bilog dito sa Japan at alam nating lahat yun at kahit ako may alam rin ako na OS/bilog dito na may kinakasama nang iba at shioganai nga siguro so nakakalungkot man pero walang magawa kapit sa patalim!
adechan
03-03-2007, 01:01 AM
hay naku OS to OS
muka ngang bias ang title ~~~ but i think being Overstay, e dapat talagang pag-isip isapan nila na huwag nang dagdagan nang bigat ang situation nila na makikipag relasyon IMMORALLY.
Sariling buhay nila iyun, pero talagang kawawa ang magiging anak nila. Anak na sa kasalanan, wala pang identity at karapatan sa society.
Lalo na pag tinakasan pa nang tatay na OS ang babae, dahil ang asawa e dumating na rin dito sa Japan para mag OS din. Kawawang babae, hindi pa nasasabi sa pamilya niya sa pilipinas na may anak na siya, pero kailangan na niyang umuwi dahil grade one na ang anak niya sa susunod na pasukan. Tunay na istorya po ito.
Kung sino man iyun OS na may ganitong sitwasyon, magalit na sila, pero dapat ipamukha sa kanila na MALI ang ginagawa nila, at KAWAWA ANG BATA.
Pero may magagawa ba tayo sa sitwasyon na ito?
I think that's out of our boundery. Very private kase iyan eh. All we have a hand here is how to give support and care to those children, like some kind of special school for them. Pero pag ginawa naman natin iyan, para na rin natin silang kinunsinti.
adechan
03-03-2007, 01:09 AM
About sa patulan
hindi lang talaga OS ang gumagawa.
Maraming pilipinang umiiyak dahil ang kalaguyo pa nang asawa nila kapwa pa natin Pilipina.
May mga grupo nang mga Nikeijin dito na pasapasahan sila. Pansamantalang samahan habang naghihintay ang tunay na pamilya nila sa pinas.
May mga Pilipina din na may asawang hapon at nakikipag relasyon sa mga OS or pinoy.
Nakabangga na ba kayo nang mga operation Pinoy na tumatarget nang mga permanent visa holder? ^^^ ingat lang po.
Nabanggit ko pa ang sitwasyon na ganito para ma i compare sa mga OS.
Ang mga eto pag nag-kaanak marami silang paraan para mag karoon nang identity ang bata. Magkaroon nang proper visa, insurance at makapag-aral sa school. Sa overstay, WALA. Problema talaga.
sharpener
03-03-2007, 07:44 AM
Nakabangga na ba kayo nang mga operation Pinoy na tumatarget nang mga permanent visa holder? ^^^ ingat lang po.
sis, ano po yang operation pinoy na yan??
ano ginagawa nila sa mga permanent visa holder??..sorry ngayon ko lang po nalaman na may ganyan pala.....:confused:
adechan
03-07-2007, 04:03 PM
sis, ano po yang operation pinoy na yan??
ano ginagawa nila sa mga permanent visa holder??..sorry ngayon ko lang po nalaman na may ganyan pala.....:confused:
oopzz ~~ gomen sharpener, ngayon lang ako nakadalaw dito sa thread,
iyung operation pinoy, naging bansag lang namin iyan doon sa barkaradang iyung nang mga OS na pinoy.
May nagkaroon kase naging trouble dito last year, about sulutan daw nang boyfriend, mga Pinay na may asawang nagtatrabaho sa gabi, nang magkabukingan, etong OS na pinoy, eh gala pala talaga sa omise ~~ etc, etc, mahabang istorya, i short cut na natin para hindi dumami ang tsismis :D nagkaalaman kung sino sino ang nililigawan at kung saan ang mga bahay, at kung sino ang mga kabarkada, eh maliit ang japan, lalo pa sa mga maraming kakilala,
iyung isang barkada nila may ka live na pinay, divorced na sa hapon, at on the process na yata ang pagpapakasal nila pati ang visa, at eto pang ibang mga barkada, pareho pareho daw nang style, makukulit, sa omise, sa date, sa denwa, at puro may mga asawang hapon ang mga nililigawan, lalo na iyung mga nasa omise.
Eh ang kaso, pag ang pinay permanent visa holder na, hindi na oobra iyung mga style na bulok, maliban na nga lang kung na in love din, o nadala sa bola.
Ay naku pasensiya na po ~~~ gomen Tonyang ~~~ naging tsismis:bowdown:
Pasensiya na po, sana huwag po ninyong isipin na tsismis, "yono naka amakunai" may mga cases na ganito, para at least alam ninyo.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.