PDA

View Full Version : Sa mundo nang ibang bayan


ABISALA!!!
05-23-2006, 12:15 PM
GOOD DAY po sa lahat ng TF family...new member po ako dito sa TF.
isa po ako sa libo libong OS dito sa japan dito po ako ngayun sa Tokyo
6months palang po ako dito sa japan at hindi pa gaanong marunong mag nehonggo..
nag desisyon po akong mag OS dahil sa sobrang kahirapan ng bansa natin about laboring..na kahit na 3yr college ay hirap paring makapasok sa trabho...bago po ako pumunta dito sa japan ay ilang resume na ang naubos ko kaka aply ng trabaho sa pinas,hindi naman mataas na posisyon ang inaaplayan ko pero bakit sobrang hirap parin makapasok,alam ko sa sarili ko na kaya kong makapag trabaho at masipag ako,pero wala parin...hanggang sa kunin ako ng tita kong nandito sa japan...laking tuwa ko nuon dahin sawakas may pag asa na akong makapag trabaho at kumita nang sariling pera...kahit na mahirap ang sitwasyon ng mag alaga nang pinsan kong 1yr old at mag trabaho sa omise ng gabi ay kinaya ko para lang may maipong pera at pag balik sa pinas ay may pang simula ako nang kahit maliit na negosyo...pero habang nasa ganuong sitwasyon ako ay pinag desisyon na ako ng tita ko kung uuwi pa ako o mag OS nlang ako kasi mahigpit daw ngayon ang immigration sa pinas baka hindi nadaw ako makabalik...na isip ko hindi pa kaya nang ipon ko kung uuwi ako ng pinas,isa pa nag papadala din ako nang pera sa mga magulang ko duon at mga kapatid na maliliit na nag aaral...kaya naisip kong mag OS nalang...

dumating ang boyfriend ko dito sa japan dahil kinuha din sya nang tita nya na taga fuji ngunit hindi pwedeng tumira sa kanya kya pinaki usapan ang isa pa niyang tita na OS na taga Saitama na dumito muna at pumayag naman sila nang kinakasama nyang brasiljin...sa pinas palang,kami nang dalawa nang boyfriend ko ang nag tutulungan sa lahat nang problema...sinabi ko na mag OS nako at tamang tama na makakasama ko sya dito sa japan,nag karuon sya nang trabaho duon sa tulong nang boyfriend nang tita nya dahil pinasok sya sa kaisha na pinag tatrabahuan nito at humingi din ako nang tulong sa tita nya na makahanap nang trabaho duon,pumayag naman sya at hahanapan daw nya ako,pumayag din ang tita ko na lumipat ako dun ngunit kailangang ipalabas namin sa asawa nya na umuwi nako.....nung nanduon na kami at kasamang na ninirahan ang tita nya at Brasiljin...hindi namin nagustuhan ang pakikitungo nang boyfriend nya...ok lang sana ang pagiging plastic nya na kapag kaharap kami at ang tita nya ay puro kabaitan ang pinapakita ngunit kapag kami kami nalang ang nag uusap ay puros paninirang puri tungkol sa mga pilipino na kesyo ang mga pilipino daw dito sa japan ay puta(sorry for the word) na kahit may mga asawa na daw ay nakikipag bedmate sa iba...halos araw araw naming naririnig sakanya iyon na kahit mag comment ka ay sasabihan ka pang walang alam dito sa japan...kasama nya sa trabaho ang boyfriend ko at kahit duon ay marumi ang tingin nang mag kalahi nya at mga perujin sa mga pilipino.na iinis nga daw sya sa sarili nya kung bakit sya na inlove sa pilipina tuloy na tutukso sya nang mga kalahi nya..nagulat pa kami dahil nang isumbong namin ito sa tita nya ay mas kinampihan pa nya ang kumag kesa saming kapwa nya pilipino..na isip nalang naming matagal na kasi siya ditong bilog kaya baka na hawa na sa ugali nun...kasabay pa nito ang paulit ulit na may utang na loob daw kami sa kanya...ok lang yun dahil sinusuklian namin nang kasipagan iyon sa loob nang bahay na halos kami na lahat ang gumagawa at nag babayad kami nang 8lapad para saming dalawa sa isang bwan,kahit na nakakapag taka na 5lapad lang naman ang upa nang bahay,hindi na kami nag rereklamo duon ang problema lang ay ang ugali nila,pag katapos nila sa trabaho ay yayayain na nang brasiljin na un ang boyfriend ko sa pachinko at kapag natalo sya at alam nyang may pera pa ang BF ko ay uutangan nya kya lang wala nang bayaran o kakalimutan na nangutang sya,at kahit manalo sya ay kailangan mo pang ipaalala sa kanya na may utang sya at kailangan mo ang pera bukas......hindi ko rin masasabing kasundo ko ang tita nya dahil minsan hindi ako nuon pinapansin o kinaka usap...napapansin ko rin na parang ayaw nya akong mag karuon nang trabaho dahil hindi sya nag sasabi nang tungkol sa pinag tatanungan niya nang trabaho para sakin....hanggang sa ma puno nalang kami nang boyfriend ko isang araw at mag desisyong umalis na sa poder nila...wala kaming ka kilala sa saitama,kaya bumalik kami nang tokyo....

ngayon nandito na kame sa tokyo at na ngungupahan...pareho na kaming OS,nag tatrabaho ako ngayon sa omise at sya ay nag aantay pa nang trabaho mula sa mga ka kilala ko na pinag tanungan ko...mahirap palang ma muhay dito sa japan,wala akong BALA(o VISA)pero kailangan marami kang BALAng panalangin,tibay nang loob para sa mga pag subok,kasipagan at pasensya sa ibang taong mapanira....mahirap makipag sapalaran dito...pero mas mahirap kung sa pinas ka makipag sapalaran...malaki nga ang hawla mo sa pinas wala nmang pagkain dito maliit lang ang hawla pero may pag kain sa loob....hehehe

pasensya napo kung sumakit ang mata nyo sa kakabasa...
humihingi po ako nang tulong sa lahat nang TF family na kung may alam po kayung trabaho para sa mahal kong boyfriend ay ikatutuwa po namin ito,24y/o na po sya at 5'5 heght...gusto lang po naming maka pag ipon bago umuwi nang bansa natin...salamat po...
kung maaari po ay i mail nyo nalang ako sa email add ko na email address deleted

pola228
05-23-2006, 02:49 PM
just wanna ask kung ano bang course nyo nung college kayo at ganun nalang kahirap maghanap ng work sa pinas?

c2ny2
05-23-2006, 03:15 PM
ABISALA, Welcome to TF. Tama ang sinabi mo, masakit nga sa mata pero nababasa naman. Well anyway, nandito na kayo sa Japan at wala ng bala. Ibig sabihin niyan ay tingin sa kanan, kaliwa at likuran. Ingat nalang at mamuhay ng tahimik.

Tungkol doon sa atin na mahirap ang trabaho, hindi ako sang-ayon doon. Ang daming trabaho sa atin mapili nga lang tayo. Gusto kasi natin yong bang magaan at malaki ang kita. Wala na ngayon yon, dapat mag-umpisa muna tayo sa mababa, hangat tayo umangat.

tricia06
05-23-2006, 03:19 PM
hi!.pag may alam ako na work for your bf i will mail you...:) :)

Sacod
05-23-2006, 06:33 PM
akoy naa awa sa situation nyo,,kung ako sa inyo wag kayo dito sa tokyo kasi madali lang kayo mahuli maraming immigration police na naka sibilyan ngayun,,mas buti kung doon kayo sa probensya kasi walang masyadong hulihan doon...
good luck sa inyo sis, sana magtagumpay kayo..
:cool:

ABISALA!!!
05-24-2006, 02:00 PM
thanks for your consern sacod san....yan nga din iniisip ko kaya lang wala nman akong alam na probinsya na pwede nming puntahan na may trabaho na agad...thanks sa pag mamalasakin!

and sa iba na nag reply thanks po sa inyong lahat!!!

bukid
05-25-2006, 11:57 PM
abisala

if you can move out of tokyo as soon as possible much better.koizumi vowed to cleanse japan starting in tokyo from illegal and overstaying foreigners. there are a lot of non uniformed immigration police scattered.you cant survive longer in tokyo unless the incumbent pm is deposed.

i suggest you contact someone from gunma,its a safer place for os.how much do you get in tokyo per hour?if you can work in omise in gunma ken 1,300 -1,500 円 per hour 、prob wont be bad for you.your bf can work in some kaisha through a broker.


contact mike (9-10 pm only)..mike is a year old os and helps a lot of os get job.he speaks japanese and have several japanese broker friends in gunma ken.

as precaution, before you move out, make sure you have clear informations on how to travel and the best time to travel.because even at train stations, there are lots of ilmmigration police.even local police were deputized to apprehend and arrest without warrant over and illegal stayers.

dont give up.you dont have a choice but fight over with your circumstances.

sana po nktulong

v_wrangler
05-26-2006, 08:03 AM
contact mike (9-10 pm only)..mike is a year old os and helps a lot of os get job.he speaks japanese and have several japanese broker friends in gunma ken.

as precaution, before you move out, make sure you have clear informations on how to travel and the best time to travel.because even at train stations, there are lots of ilmmigration police.even local police were deputized to apprehend and arrest without warrant over and illegal stayers.

dont give up.you dont have a choice but fight over with your circumstances.

sana po nktulong

Yes magbubukid, I think you did very well. You have just wholeheartedly pimped our sister and at the same time made Mr. Mike very popular. With your help above, Mr. Mike will probably start getting fan calls he wouldn't like very much.

So you know, please take time to read the forum rules (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365 ) and this one (http://www.timog.com/forum/showpost.php?p=95402&postcount=12) which I think could help you figure out what to post the next time.

Regards,




"Use PM, it's there for a reason!" - Albert Einstein

ABISALA!!!
05-26-2006, 01:42 PM
salamat po sa payo nyo bukid san at sayo din v_wrangler san,hayaan nyo po at gagawin ko ang sinabi nyo...:)