PDA

View Full Version : safe nga ba sa japan?


summerghie
05-23-2006, 10:34 PM
magandang gabi mga ka tf. maraming hapon na nakapunta na satin. sa mga ibat ibang bagay at experienced na naranasan nila kadalasan nila sinasabi di daw safe sa pinas dahil sa mga magnanakaw,patayan etc.. bakit kaya di nila naisip na di rin naman nalalayo ang bansa nila...maaring magulo nga satin pero dito rin naman may ibang klaseng kaguluhan.

bakit ba nauso ang pagpatay sa mga bata dito? safe paba anak natin sa paglalakad sa labas?
kaliwat kanan ang pagpatay sa mga bata kadalasan nasa edad na 4-8 . tapos kelang lng naman may isang di kilalang lalaki daw ang nilaglag ang bata sa mansion na kung saan nakatira yun bata. nakakatakot naman..:nono:

ano ang masasabi nyo sa ganitong mga krimen? at sa mga hapon na nagaakala di safe sa pinas ano masasabi nyo?

Panzar327
05-23-2006, 10:46 PM
walang konsensya kung sino man ang gumagawa noon..pati bata na walangkamalaymalay nadadamay:mad:

sa palagay ko di natin maiiwasan na mag isip talaga ng ganyan ang maga hapon..dahil ako rin sa sarili nating bayan mas natatakot pa kong mag lakad lakad..kesa dito sa japan:)
opinion lang po:)

pola228
05-23-2006, 11:23 PM
nabalitaan ko nga yun yung hinulog na bata..hayyy:( pero may nabasa ako sa abante 3yrs old na batang babae hinulog from 3rd floor ng asawa ng yaya ng bata..:( naku kahit san man tayo naroroon di na talaga safe..kahit nasa loob na ng bahay...pero dahil mas maraming problema sa pinas at mas maraming tao...mas maraming panganib kaysa dito...

Autumn
05-23-2006, 11:23 PM
mas marami talagang krimen sa bansa natin......sa atin mas marami ang rape case sa mga bata ..dito naman karamihan eh may tama yata sa isip oh duwag kasi bata lang ang kaya nilang gawan ng krimen..ano ba ang lakas ng bata compared sa kanila.? sabi nga ng anak ko sa loob na lang daw ng bahay safe..ewan ba ano na ba ang nagyayari sa kapaligiran..:(

megan
05-24-2006, 03:21 AM
Ay! mga kapatid sang ayon ako dyan :yesyes: , dami talaga mga tourista sa atin na nagrereklamo dahil di talaga safe sa bayan nating sinilangan :order: kahit ako nga nagrereklamo din dahil paglabas ko pa lang ng airport ang dami nang nakaabang na mandurogas :rant: , kaya paglumalabas na ako ng airport yakap-yakap ko talaga yung bag ko :ohlord: , noong nilabas ko na CP ko dahil tinatawagan ako ng sundo ko, pinagsabihan talaga ako ng guard sa airport, na mag-iingat daw kako dahil ang daming snatcher na nakaabang :scratch: , so, you see! nasa airport pa lang yan ha, how much more kaya kung gagala-gala ka sa daan :rolleyes: , ang dami talagang krimen sa Pilipinas, kahit ang mga news sa TV waaah! grabe! ang mga balita talagang kahindik-hindik :yikes: . Sa japan naman dami rin krimen na nagaganap, actually kahit saang panig ng mundo meron talaga :nono: , pero sa aminin ko man o hindi mas gusto ko ang japan kaysa sa Pilipinas dahil mas safe ang pakiramdam ko kahit nasa labas man ng bahay at kahit ibandera ko man ang CP ko kahit naglalakad ako eh di ako takot, and if ever man, wala din namang magkaka interest dahil luma na CP ko waaaahhh :cry: :cry: :cry:

pola228
05-24-2006, 03:48 AM
kahit ibandera ko man ang CP ko kahit naglalakad ako eh di ako takot, and if ever man, wala din namang magkaka interest dahil luma na CP ko waaaahhh :cry: :cry: :cry:

...:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: natawa naman ako dun megan san!:D e kasi naalala ko nung nasa pinas ako di ako nangangamba na baka may mag snatch ng cel ko e luma na kasi..baka hablutin nga tapos itapon lang kasi walang silbi:biglaugh:tama ka mas feeling safe parin dito sa Japan...kahit feeling nalang dibah:p e sa pinas diko talaga ma feel:( kung makikita nyo bahay namin dun kala mo kulungan:hihi: pano puro rehas hindi halatang takot sa magnanakaw no :toofunny:....

love
05-24-2006, 08:39 AM
good day to everyone!
the first time i arrived japan, feeling ko safe ako kahit saan ako magpunta or maglakad at kahit ano ang suot at dala ko compare sa philippine. but lately napapansin ko sa mga news ang dami daming mga bata ang nababalitang namamatay, iniisip ko bakit nga ba nila pinapatay kadalasan ang mga bata dito?! di na rin ba safe sa japan?
everytime i discuss things w/ my husband regarding safety between japan & philippine, ang sagot ng husband ko is "Sa philippine most of the people kill because of money" "Sa japan naman most of the reason is the killer are insane not for money" in short, may reason daw ang mga filipino why they do kill but in japan, no reason at all. kaya feeling nya di na daw safe ang japan compared before.

angelica
05-24-2006, 09:14 AM
:yesyes: sangayon ako s inyong lahat mga kapatid.ang dami daming cases saikin tungkol s mga batang pinapatay ng kung sinosinong mga taong:devil: wala lang magawa s mundo,,, :order:pero ang mas kahindikhindik n balita ay yung mga batang pinapatay ng sarili nilang mga magulang.....marami rin cases n ganyan dito..at nde ko lubos maisip kung paano nila sinisikmura ito.:(

summerghie
05-24-2006, 01:32 PM
hello sa inyo lahat and thanks for sharing your opinion.:tiphat:
kahit talaga saan magulo. :doh: ang nakakaawa lang ang mga batang walang kalaban laban..haay :(
im prayin for the peace on earth...:thumb: :grouphug:

docomo
05-24-2006, 10:34 PM
.. how awful those stories are.. what a horrible death for kids ...


..there is no safeguard for kids sometimes.. life can be very harsh :(

Firipinjin
05-24-2006, 11:11 PM
I noticed that a lot of Japanese are apathetic (walang paki-alam). Kung sa Pilipinas nangyayari yan, malamang hina-hunting na yung criminal o kung may makakita sa krimen ay baka bugbog sarado na bago pa makarating ang mga pulis patola. At wala masyadong tanod dito sa Japan. Kung meron man ay mga retirees na.

myukasky
05-25-2006, 12:30 AM
Hay grabe na yata mga batang walang kamuwang muwang yun ang kanilang binibiktima. Mga bagay na nagagaw lamang ng di husto ang takbo ng isip. Nakakatakot di mo na alam kung saan ang safe na lugar. Kaya ako ingat din lalo na may anak din ako. Di ko pinababayaan na mawalay sa paningin ko yung anak ko lalo na kapag nasa labas kami. Aba mahirap na seconds lang may nangyayari na. Sana mahuli na yung mga gumagawa ng ganun:(

mai
05-25-2006, 10:31 PM
tapos kelang lng naman may isang di kilalang lalaki daw ang nilaglag ang bata sa mansion na kung saan nakatira yun bata. nakakatakot naman..:nono:


lumabas na po yung resulta ng pag iimbestiga sa ng police sa news na yan, at kakapanuod lang po namin... at ang resulta at ayun na rin sa mga nakapansin sa bata bago ito makitang patay sa ibaba ng parking ng masion ay aksidente ang pangyayari. may mga nakakita sa bata na naglalaro ito kasama ng ibang bata sa may pasilyo kung san floor ng mansion nakatira ang bata (8th floor) bago ito makitang patay.

tungkol naman kung aling ba ang mas safe sakin eh mas nararamdaman kong mas safe ako dito sa japan. kahit na sa gabi magsampo ako at madili ng konti wala akong nararamdaman na takot... mas natatakot pa ako pag naiimagine ko yung mga mumu... kase sa atin (pinas) mas madaming gumagawa ng krimen, using baril, knife, o hilahin ka na lang sa dilim...

pero kahit san bansa naman may mga masasamang loob kaso sa ngayon mas pakiramdam ko na safety parin ang basang japan kesa sa pilipinas..

mahalkita
05-26-2006, 06:12 PM
Well, generally safe pa naman.
Pero recently maraming crimes na involve is mga bata.
Meron ding anak pinatay ang magulang at magulang pinatay ang anak.

Problema kasi sa Pilipinas may nag-away lang na magkapit bahay eh lumalabas na sa media. Since napapanood ito hindi lang natin kundi ng mga banyaga din kaya tuloy tingin nila sa Pinas eh napakagulo.

kidd11211988
05-26-2006, 06:21 PM
i think japan is safe ..para sakin ..tahimik ..maganda ang lugar ...clear surroundings as you can see ...thats why japan is safe ...though recently marameng balita na marame ang crime ngaun sa japan ..konting ingat nalng po tau sa mga lugar na ating pupuntahan ..miske sa ating bhay ay di nating alam kung ano ang mangyayayare ..just pray na wala naman sana ..

summerghie
05-28-2006, 12:58 AM
oo naman agree ako sa inyo mga kapatid; iwanan mo nga cell mo sa isang tabi pagbalik mo andun prin at kung sino man makuha ng gamit nyo ay ibabalik eh sa pilipinas eh halos itago mo na yun cell mo kasi kapag nilawit mo wala pang segundo nasa GSM na. pero ang di ko maintindihan bakit ang dami pinapatay ng bata dito eh kahit magulo namn satin eh di naman ganun kalaki percentage ng mga batang pinapatay.:(

atsaka bakit ang daming ngpapakamatay dito sinasama pti yun bata?

japina
05-31-2006, 01:43 AM
hi!! po sa mga tf community


nabalitaan ko nga po yun tungkol sa mga news na ganyan dito nag wory talaga ako. kasi lalo na may anak din ako 4 yrs.old babae pa. saan pa ba may safe na lugar? kaya sa atin mga magulang ingat na lang palagi!! sa pag babantay ng mga anak.

prettylily_1203
06-01-2006, 03:57 AM
palagay ko hindi na sa ngayon.............. a year ago pauwi ako, bigla na lang hinablot ang bag ko. talaga namang nakaladkad ako since nakasakay sa kotse ang humablot.... kaya ngayon, kahit malapit ang bahay ko sa trabaho ko sobrang ingat ko talaga.............: cry:

summerghie
06-01-2006, 06:28 PM
palagay ko hindi na sa ngayon.............. a year ago pauwi ako, bigla na lang hinablot ang bag ko. talaga namang nakaladkad ako since nakasakay sa kotse ang humablot.... kaya ngayon, kahit malapit ang bahay ko sa trabaho ko sobrang ingat ko talaga.............: cry:

talaga :eek: dito sa japan? ay kaloka naman yun , ano siya japanese or gaijin ? ingat ka na lang
ganun talaga siguro noh kahit saan di na safe so we have to take extra care everytime we go out, minsan nga kahit sa loob ng bahay din diba... ang nakakatakot lang dito masyadong tahimik sa gabi atsaka sa ibang place walng masyadong street lights kaya nkakatakot maglakad sa gabi; saka parang feeling ko kapag hinalbot ka sa dilim eh kapag sumigaw ka walang sasaklolo sayo pano parang ang aga matulog :sleep: ng mga tao at parang saradong sarado mga bahay tipong di ka maririnig sa loob...:weep:

halloween
06-01-2006, 10:16 PM
Sa tingin ko safe naman dito sa Japan kung ikukumpara mo sa Pinas.

Ang common crime naman dito eh mga pagnanakaw ng undies (di ko pa na experience) na napaka petty naman.

Ilang buwan pa lang ako dito ng maging witness sa isang public display of genitals ng isang Hapon. Nag ba bike kami ng friend ko tapos ilang dipa bago naman madaanan yung guy eh bigla ba namang binaba yung jeans nya kasama na pati ang underwear. Grabe, ang bilis naming pumidal sa bike. Kakatakot itsura nya, parang may mental disorder.

Eh kung hunk pa sha eh di sana di ako natakot, hahahaha :D :D :D.

myukasky
06-01-2006, 10:39 PM
Para sa akin safe pa naman dito kung icompare sa pinas. Kahit saang lugar naman yata may mga crimes. Di na nga yata mabubuo ang isang lipunan kung walang ganyan. Sa pinas may phobia na ako marami na rin kasi ako naexperienced. Noong high school ako sakay ako jeep papuntang bayan sana doon ako sakay papuntang school namin. May sumakay na lalake tamang tama kami na lang dalawa sa likuran ng jeep, bigla ako nagulat kasi akala ko kung ano ginagawa aysus nagmasterbate sa harap ko. Yung driver at isa sa tabi ng driver di napapansin kasi panay chikka nila. Sa gulat ko at takot na rin sabay sabi ko ng para. :( Di ko makalimutan yung itsura ng lalakeng yung grabe may sakit yata yun.:rolleyes: Second naman noong nagprapractice ako ng PDSP, bago sana kami practice punta muna kami sa pasay para naman sa medical check-up namin. May binigay yung manager ko pera pambayad sa medical. Ako ang naghawak buti na lang at nilagay ko sa pocket ng jeans ko at di sa bag ewan ko ba that time parang feeling ko may mangyayari talaga. Sakay kami jeep sa pasay, pagbaba namin nagulat ako may tumutulo akala ko blood ko na yun. Pagtingin ko laslas yung bag ko at tinamaan yung eskinol at nahiwa sya kaya tumapon sa bag ko. Pagtingin ko sa bag ko grabe laslas isang dangkal yata.:eek: Kaya mula noon halos ayaw ko na magdala ng bag. Third naman sa jeep ulit papuntang muntinlupa naman, yung nakasabit sa jeep grabe hinablot yung necklace noong babae di talaga tinigilan noong lalake. Ang bilis ng kamay parang kidlat mashashock ka talaga nakatakbo yung snatcher. At ang last naman sa luneta yata yun. Noong worked pa si hubby sa travel agency, may friend yung shacho nya na nagpapatulong kung paano makakuha ng COE kasi magpapakasal din sa pinay. So tamang tama nasa pinas noon si hubby ko, that time sa may malapit sa luneta ang check-in nya. Habang wait kami sa pagsundo sa airport sana noong hapon lakad muna kami sa luneta. May lalake pala sa likod namin, tapos biglang sumigaw ako naman nagulat so pagkagulat ko biglang yakap ko sa bag ko. Aysus nagalit yung lalake sa akin no daw ba akala ko sa kanya magnanakaw. Eh yung lalake mukhang ano pa naman so takot agad ako. Kung anu ano na sinabi sa akin na kesyo isaksak ko sa ano ko yung bag ko. :rolleyes: So explained pa nga ako doon sa lalake na di po sa ganun pero galit pa rin sya. Tapos inabangan kami doon sa dadaanan namin ni hubby sa takot ko pinara ko yung kalesa wala kasing masyadong tao at walang ibang sasakyan.:rolleyes: Buti na lang huminto yung kalesa sabi ng hubby ko bakit ko daw pinara sabi ko baka kung ano gawin noong otoko doon. Di kami sumakay ang ginawa namin di muna kami naglakad ayon umalis yung lalake pag-alis noong lalake hinila ko si hapon papuntang hotel sabi ko ayaw ko na pumunta ng luneta.:(

summerghie
06-03-2006, 12:06 AM
myukasky and halloween di pla nalalayo ang experience ko sa nangyari sa inyo.:ohlord: high school din ako noon nung may nababalitaan ako sa mga kaschool mate ko na my pumaparada daw na mecedes benz pa ning sa may malapit sa school namin at ang sabi ngpapakita nga daw yun lalaki ng pgmamasterbed; nun una di pa ko naniwala abay nun pauwi na ko eh syempre mapapalingon ka minsan diba sa mga nakaparada na kotse akalain mo ba naman na yun na nga yun lalaki ng ~ :yikes: alam mo na ay ning sa takot ko talaga syempre di pa ko nakakakita nun sa personal (syempre virgin pa:sssh: ) ay nagkakaripas ako ng lakad at :yuck: yuck talaga..sakit na kasi yun eh at eto pa highschool din ako nun..im with my friends tas ngdecide kami kumain sa wendys; di ang sarap pa ng kwentuhan namin habang inaantay namin yun barkada namin matapos gumawa ng malaking salad :food: (diba kailangan expert ka doon lalo na kapag marami kayo kaylangan pataasin mo hehehehhe:lol: ) eto na nga nakaupo kami sa may salamin yun kita yun labas di kwentuhan :gossip: di napalingon ako sa labas akalain mo bang may lalaking nakatayo doon sa labas at tapat na tapat pa talaga sa amin ha halos kulang idikit yun katawan sa salamin eh nakalawit ang pototoy nya :yikes: nagulat ako at sumimple ako sa pagsabi ko sa fren ko ayun nakita din nya alam mo tumayo na lng kmi kasi di kami makareact kasi nahiya kami eh..nawalan gana kami tuloy kumain kasi ngflafalsh back yun itsura nun lalaki...:weep:

tungkol naman sa mga nakawan sa jeep eh naku nun college ako maraming beses na ko nakakasaksi nyan ; kung di kasakayan ko sa jeep eh kasabayan ko maglakad kaya di na bago. meron nun sa manila ko nagaral nun college syempre gabi uwian diba maraming akong bata nakikita ng rurugby tas minsan ang sama ng tingin sayo..kaloka :doh:

dito naman yun mga gaijin kinatatakutan ko minsan lalo na yun pakistan ba yun kasi minsan susundan ka sa :insane: paglalakad kapag type ka nila tas kakausapin ka pa eh nakakatakot .
naku naranasan ko na manakawan dito ng damit at undies..at yun ninakawa pa sa kaibigan ko ay hiram lang at yun undies ko at ibang damit tinanagay din..okashi ne :ohlord: :scratch: bakit kaya ngnanakaw sila ng undies,nihongene nagawa nun..

ay tama kayo kahit saan talaga magulo mapalad lang tayo kasi di tayo nasa iraq doon talagang araw araw nenerbyosin ka..maiimune ka na lng ata sa tunog ng bala...thankful parin ako dahil andito tayo,,:thumb:

honey
06-03-2006, 12:54 AM
Hmmm kahit naman saan hindi safe ... Meron akong nabalitaan dito ang ikinamatay ng asawa nya e natumba lang sa palayan makitid kasi yung inaapakan nung hapon ayun natumba patay....:confused: hindi ko nga alam kung matatawa ako o ano e!?

Sa atin sa pinas kaya hindi safe maraming masamang tao dahil sa kahirapan etc....Dito sa japan maraming di matino pagiisip halimbawa sunugin ang sariling bahay para makatanggap ng pera,patayin ang sariling anak at kung ano ano pa hindi naman normal yun diba!!!walang ganyan sa atin.

mikan1227
06-03-2006, 10:50 AM
Ang common crime naman dito eh mga pagnanakaw ng undies (di ko pa na experience) na napaka petty naman.

naku ako na experience ko na grabeh nde ako makapaniwala akala ko kwento lang yun pala totoo kasi nawalan ako ng 6pcs ng panties putcha kakainis talaga kasi lahat pa naman yun avon!!!:D kabwisit!!!! kaya ayun napabili ako ng isang dozenang panties hahahaha

well i think safe naman ang japan yun nga lang wag you masyadong kampante kasi nde rin natin alam ang takbo ng isip ng ibang hapon minsan kasi kahit mukhang matino sila eh nde naman pala kaya ingat na lang lalo na sa ating mga gaijin kasi kadalasan tayo ang target kasi kakaiba tayo sa kanila kaya iba ang naiisip nila sa atin...

pero masasabi ko na kahit saan naman kasi nde na safe kaya nasa atin na lang talga ang lahat ng pagiingat!!!

o mga kababayan ko na nandito na sa japan magparamdam naman kayo kasi dito sa place ko ilang filipino pa lang ang nakikita ko eh....

autumn_in_oki
06-04-2006, 03:09 PM
Compared sa ating bayan, di hamak na mas safe nga dito sa Japan. Yun nga lang, nakakashock ang mga krimen dito... kakaiba. Tulad nalang nung retarded na basta nalang pumatay ng batang walang kamuwang muwang sa mall, pati na din ung mga nanghuhulog ng bata mula sa mataas na floor ng bldg. Anubayun. :eek:

uy grabe mikan1227 totoo pala yun?! kala ko din sabi sabi lang e. yikes.

ay_me
06-08-2006, 11:49 PM
gud evening mga kabayan naku kahit saan naman ngayon abunai na iba na talaga ang earth ngayon new amiga ako yorushiku ne see :eek: you again

ay_me
06-08-2006, 11:53 PM
gud evening mga kabayan naku kahit saan naman ngayon abunai na iba na talaga ang earth ngayon new amiga ako yorushiku ne kaya yung iba hindi na nag-aanak dahil hindi nila alam kung pano magpalaki mahirap na talaga buti pa noon ano

summerghie
06-09-2006, 11:47 AM
ay naku may pinatay na naman na bata kakatakot naman kahit my liwanang pa eh my pumapatay pa rin...:angry:

summerghie
06-09-2006, 11:49 AM
gud evening mga kabayan naku kahit saan naman ngayon abunai na iba na talaga ang earth ngayon new amiga ako yorushiku ne see :eek: you again
ay_me welcome to tf pla..dnt forget to read the rules of tf..:)

houseboy
06-09-2006, 10:42 PM
talaga :eek: dito sa japan? ay kaloka naman yun , ano siya japanese or gaijin ? ingat ka na lang



Bat lagi na lang gai-jin? Hehehe.... The gai-jin did it! Yun lagi sinasabi....:D

Peace po!

ritzyu
06-22-2006, 01:51 PM
Para sa akin medyo safe pa rin sa Japan, yung mga nagsa-sanpo nang
aso sa hating-gabi (wala kasi time gawin sa araw) ay kinakatakutan
pa rin sila ng mga magnanakaw. Sa atin mo gawin yan, pupuwede kaya:p
( peace po tayong lahat) :D

summerghie
06-22-2006, 02:19 PM
Bat lagi na lang gai-jin? Hehehe.... The gai-jin did it! Yun lagi sinasabi....:D

Peace po!
pano kasi tayo ay alien sa bansa nila di nila ma-admit na maraming okashi na hapon at mga hapon din ang pumapatay ng mga bata..

Para sa akin medyo safe pa rin sa Japan, yung mga nagsa-sanpo nang
aso sa hating-gabi (wala kasi time gawin sa araw) ay kinakatakutan
pa rin sila ng mga magnanakaw. Sa atin mo gawin yan, pupuwede kaya
( peace po tayong lahat)

malamang yun aso i-asosena nila lalo na kapag imported...

summergirl
06-23-2006, 06:07 AM
tama ang sabi mo dear,mga kawawang nilalang ang pinapatay dito ang mga mahihinang bata kahit ultimo mga anak nila,sinasksak,nilal agay sa kahon at pinapaagos sa tubig,sa bansa natin mga praning lang sigurp ang kayang gumawa noon,pero madalang pa sa patak ng ulan dahil daiji sa atin ang mga anak natin,kaya talagang apektado ako sa mga insidenteng yan,dahil malayo ang school ng ank ko,45min.walk at dadalawa lang silang nag-lalakad babae pa pareho,kaya kahit mahirap araw2 kong hatid sundo ang anak ko dahil ang nilalakaran nilang halos ay puro rice field.At watch out ka marami ring puro underage ang gumagawa ng krimen dito,at ang sistensya nila any napakaan 3-4 na taon pwede ka ng lumaya kaya dumadami ang krimen dito..Sana bago sila mamintas ng ibang bansa ,sana tingnan din nila ang mga krimen dito sa bansa nila na mas karumal dumal...

icecream
07-06-2006, 10:59 PM
para sa 'kin mapajapan man o mapa pilipinas kung patayan ang pag uusapan parehas me krimen na nangyayari pero tingin ko mas lesser ang krimen sa japan yun nga lang naiiba ang reason ng krimen dito. anyway kahit saan me danger, to make your life safe take good care na lang yata and be aware always sa paligid. pero kung convenience ang paguusapan dito ako sa japan lahat accessible magsipag ka lang maraming pera, maraming pera mas comfortable.

uragon
07-06-2006, 11:13 PM
para sa 'kin mapajapan man o mapa pilipinas kung patayan ang pag uusapan parehas me krimen na nangyayari pero tingin ko mas lesser ang krimen sa japan yun nga lang naiiba ang reason ng krimen dito. anyway kahit saan me danger, to make your life safe take good care na lang yata and be aware always sa paligid. pero kung convenience ang paguusapan dito ako sa japan lahat accessible magsipag ka lang maraming pera, maraming pera mas comfortable.korek ka dyan icecream pero minsan kapag maraming pera mas feeling uncomforteble ako eh,buti na lang wala akong pera he he he.anyway mas feeling safe pa rin po ako sa japan kesa satin kase kung sa krimen lang nakakaniyerbyos na tlaga satin sorry sa ating bansang pilipinas pero kakatakot na po talaga satin.Peace po tayo.:)

kate
07-06-2006, 11:24 PM
pareho po tayo ng opinion mga kafatid.....@uragon san @ice cream san.dito..sa japan medyo maluwag pa at kokonti rin ang hindi nananagot sa batas dito....kase nalulutas kagad at ginagawan kagad ng aksyon di tulad sa atin pera ang labanan ..kaya mahirap at kawawa ang mga mahihirap at naghihikahos sa buhay..kapag batas na ang pinag usapan..

vhallotte
07-07-2006, 10:47 AM
totoong nakakatakot nga sa atin, dahil kahit ako takot. sa balita, halos puro krimen ang laman. kaso kung iisipin mo kung ano ang pinag ugatan ng lahat eh PERA di ba? kaya ganun ka-dami ang krimeng nagaganap.

pero parang mas nakakatakot yata dito sa japan. Ke may pera o wala basta napagtripan kang patayin......yun na! maraming krimen na may kinalaman sa bata ngayon. kung hindi yung mga bata ang pinatay.....mga kabataan naman ang pumapatay sa sarili nilang magulang. emotional problem naman ang pinaguugatan ng krimen dito.

nagpapating din ang tenga ko pag nakakarinig ako ng ganung comment mula sa hapon. ito ang sagot ko lagi. "jodan ja nai yo!" "kung puro reklamo ka bakit gf mo pilipina, bakit sa phil. bar ka nagpupunta, baklit napag-aaralan mo wika namin at bakit ka nagpupunta ng pinas eh bulgar naman na abunai sa amin." di lang kasi bulgar ang baho ng japan eh. "monku iu nara filipinjin to tsukiau na yo!"
:mad: :mad: :mad:

summerghie
07-07-2006, 12:45 PM
@summergirl,icecream ,uragon,kate and vhallotte salamat sa pagshare ninyo ng inyo mga opinion..totoo yun na kahit mapasaan man tayo ay may nagaganap na krimen yun nga lang iba-iba ang klase ng krimen.Dito sa japan malaki ang percentage ng mga batang pinapatay sa kadahilanan na marami ang okashi dito sa japan.Marami ang di magkaanak kaya dala ng inggit,yun iba pinagtritrippan,yun iba ibinabaling sa bata ang galit o problema at etc..etc..
Pero ang pinaka nakakatindig balahibo at nakakaawa eh yun mismo ang magulang ang pumatay sa sarili nilang anak.Kelan lang may lumabas na naman sa news na magasawa pinatay nila ang anak nila sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig na mainit sa bata..:( nakakaawang bata mismo magulang nya pa papatay sa kanya sana di na lang sila naganak.Para sa iba pang impormasyon http://mdn.mainichi-msn.co.jp/national/news/20060706p2a00m0na029 000c.html

Jyumarujho
07-09-2006, 12:08 AM
Nakita nyo na ba ang mga news tungkol sa missile from N. Korea , sabi nila that missile target is japan , pero malayo pa lang sa japan ,nag counter shot na ang mga hapon sa missile... kya ngayon si kuysumi nakikipagmeeting sa other big country asking for any advice or support in what to do.., hindi ako sure sa mga usapan na to... pero ito ang nasagap ko tungkol don ,,, so kung mali ang balita or kung ano man ang alam nyo pls reply... alam ko maiinit talaga ang N.korea sa japan ... baka mag-gira in the future ...

pinkheart
07-09-2006, 12:18 AM
in my opinion, very safe sa japan compare here sa pinas na talagang nakakatakot...:eek: kahit madaling araw ka lumabas dyan sa japan ay hindi ka matatakot :D dahil walang holdaper di ba?? eh dito sa atin sa pinas?? medyo gabihin ka lang... :mad: nandun talaga yung takot at nerbiyos...:confused :