PDA

View Full Version : Mahal kong Ina


Tonyang
05-23-2006, 11:10 PM
Ka-TF:

Tanong ko lang kung made-describe ninyo kung gaano ninyo kamahal ang inyong ina?

Nagtataka kasi ako sa mga kabataan ngayon...lalo na iyung mga may inang nagtatrabaho sa Japan bilang yaya o entertainer.

Di ko yata mapapatawad ang sarili ko pag nangyari sa nanay ko ang ganoon para sa aming kinabukasan. In short, masyado kong mahal ang aking ina para pahirapan siya ng ganoon para sa aming kinabukasan.

Tapos iyung iba sa atin, obserbasyon ko lang, napagtapos na ng pag-aaral sa pagiging yaya sa ibang bansa tapos, iaaasa pa rin natin sa kanya ang ating mga gastos pati gastos ng ating mga anak.

Di ko talaga kayang tanggapin na mangyayari ito sa mahal na mahal kong ina. Ngayon nga, kasi retired na siya bilang teacher, ako naman ang nagsisilbi sa kanya.

Isang sharing lang sa inyong lahat... sana makatulong kahit konti. "Di ko papayagang maging alipin ang aking pinakamamahal na ina sa ibang bayan para sa aking ikabubuhay."

Firipinjin
05-23-2006, 11:22 PM
Mahal na mahal ko ang nanay ko. Kaya lang matagal na siyang kinuha ni Lord. Masayang-masaya na siya ngayon. :)

summerghie
05-23-2006, 11:34 PM
hi tonyang..i like this topic because for me my mom is my hero, inspiration and my strenght.my mom is a good role model for me and if i will be reincarnate i will still choose her to be my mom.:love:

naopen na rin lang itong topic na ito ishashare ko lang sa inyo kung bakit hero para sakin ang mama ko. malilit pa kami binuhay nya kami sa paglalabada dahil noon walang permanent job si papa ko. kasama sama nya ko sa paglalabada kaya namulat ako sa kahirapan.dumating ang time nakahanap ng trabaho yun papa ko doon lang tumigil sa paglalabada mama ko.then dumating yun time na kapos pa rin napilitan tumulong si mama ko ulit at ngtrabaho siya bilang messenger sa isang company.hangang sa nakatapos kami ng pagaaral at nakatungtong naman sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagsisikap ng mama ko at syempre papa ko na rin.maraming problema dumating sa buhay namin pero ni minsan di ko nakita ang mama ko sumuko. na lagi niyang sinasabi na kahit mgkatulong daw siya para mabuhay niya lng kami gagawin niya..iba talaga ang nanay noh..kaya noon maliit ako tumanim sa sarili ko na kapag lumaki na ko ako naman mgbibigay ng kaginhawaan sa kanya.kung pwede nga lang dito na mama ko sakin at di na siya uuwi pinas ngonegai na sana ako sa asawa ko kaso wala eh.. alam nyo ba na ngdalawang isip pa asawa ko kunin mama ko kasi alam niya na mahihirapan na namn daw ako humiwalay sa mama ko kilala na kasi niya ko eh...kaya nun umuwi siya ulit pinas 1 linggo na naman ako umiiyak sa tanda kong ito ha..ayan naiiyak tuloy ako tonyang:cry: im being emotional whenever it comes to my family especially my mom. MAMAS GIRL ako eh.

i love my mom so much and i will never let her suffer just for us to live..i will do everything i can para lang di siya ulit maghirap..:mushy:

censya na napahaba ata...:hihi:

nokiko
05-24-2006, 01:05 AM
Para sa akin malaking hangaan ang isang taong nagsasakripisyo para sa pamilya. Kahit na entertainer o yaya sila, hindi mandin nila ginusto iyon, yun ay dahil alang alang sa mga anak nila. Sino bang may gustong maging entertainer o yaya? Sa isyu nang di ko mapapatawad ang aking sarili kapag naging entertainer ang aking ina, mali ito sa palagay ko dahil ang nanay ang pumili ng pagiging yaya o entertainer para sa kinabukasan ng mga anak(at walang magagawa ang anak tungkol rito dahil desisyon yun ng ina simula nung bata pa sila). Saka parang mali, kasi sa totoo lang, ang dapat na sagot, sa tingin ko, dapat magpasalamat pa ang nga isang anak dahil sya ay mayroong ina (kaysa sa magsisi siya na may ina sya na entertainer). Sabihin nating iba ang pagiging ina at iba rin ang trabaho.

Di ko rin masyadong maipaliwanag ito pero gusto ko lang sabihin ay ganito "Kung ikaw ay isang ina, dala ng walang pagpipilian at kailangang maging yaya o entertainer para sa kinabukusan ng anak, at napagtapos mo ang iyong anak sa pag-aaral.... tapos sasabihin ng anak:"Mama, bakit ka nag entertainer o nagyaya, (kilos na mukhang kinakahiya ka ng anak mo)"... anong mararamdaman mo bilang ina? "

Ang ibig kong sabihin dito, sana magpasalamat tayo dun sa positive side.

"Di ko yata mapapatawad ang sarili ko pag nangyari sa nanay ko ang ganoon para sa aming kinabukasan."-masakit marinig to sa isang ina, galing sa anak nya, na dala ng pagkakataon ay piniling maging yaya o entertainer para sa anak.

Para sa akin ang taong nagsilang sa akin at nag aruga sa kin, naghinang ng aking pang-unawa sa araw araw na buhay na mayroon ako, ay ang aking ina... at magpakailanman sya pa rin ang aking ina.

Tonyang
05-24-2006, 06:58 AM
Thanks, Firipinjin, Summerghie at Nokiko. Nokiko, maganda iyung pinunto mo. Infact, Kapatid, walang tama o mali sa mga opinyon natin sa palagay nating makatutulong dahil mga sariling ideya natin lamang ang mga ito. May karapatan na mamili sa mga choice ang isang tao. Pero ilang choices mayroon ang isang tao? Maraming factors. Ang pagiging yaya o entertainer ay 2 sa mga choice na mayroon ang isang ina. Bakit niya ito napili? Dahil alam niyang natatanging paraan marahil para "maiahon" ang pamilya sa hirap. Pag naiahon na sila o napagtapos na ng pag-aaral ang anak, patuloy ba sila sa kanilang pagiging alipin sa ibang bansa. Choice nila muli ... tama! Sa mga napagtapos na anak, anong choice nila? Magpatuloy na maging dependent sa mga magulang o gumawa naman ng paraan para sa sariling kaunlaran?

ritzyu
05-24-2006, 08:33 AM
Si Ka Tonyang di pa kasi naging magulang, kaya daming kwestiyon,
hirap answer ..jowk lang yan peace po tayo :D

Alam mo Ka Tonyang ang swerte ng mother mo sa iyo, dalaga ka pa nakuha
niya ang buong attention pagmamahal at paglilingkod mo. Sabi mo retired teacher
pa siya me pension siyang tinatanggap, plus support mo napakaswerte niyang
ina nagkaroon siya talaga ng anak na di na nag-asawa sa laki ng pagmamahal niya
sa kanyang ina.

Alam mo hindi lahat ng ina ganyan at hindi naman lahat ng anak ay katulad
mo, sa totoo me nang-aabuso na sa ina pero para sa ina manhid na siguro ang
pagka pusong ina dahil sa ang umaabuso naman ay anak niya wala na lang siguro
magawa si kawawang ina, marami talaga niyan Ka Tonyang. Katulad ng eehemplo
kong ito, sa ganyang organisation sana walang nang-aabuso sa inyo dahil masakit di ba
o hindi naman siguro dahil sa iba naman nanggagaling ang perang itinutulong ( ot na
yata ito) kaya ok lang yan, pwede pasar ika nga. Pasensya ka na sa naging takbo ng
usap, di naman siguro ot ito dahil sa pang-aabuso naman ang tema ng usap naten.:)

Maganda ang topic mo Ka Tonyang, sana lagi kang malakas ng marami ka pang
matulungan..saludo ako sa iyo :)

Autumn
05-24-2006, 08:56 AM
@ka tonyang.share din ako.
nakagisnan ko na na ang nanay ko ay laging wala sa bahay pag gising sa umaga at may gabi na nakakatulog ako na wala pa sila ng tatay ko.dahil sa kahirapan namin kailangan magtrabaho sila pareho.hindi man sila nangibang bayan.pero halos pareho din ng iba ..nag papakahirap magtrabaho at laging kulang ang tulog.alang alang sa minamahal na mga anak..
hindi nya ako napagtapos ng Pag aaral dahil may ate ako at kuya na ginastusan nila sa pag aaral...dahil umaasa sya na makakatulong yun mga kapatid ko pag napagtapos na sila..pero walang nagyari..naging makasarili sila ..walang iniisip kundi paano makakalayo sa amin..bakit nga ba kung sino pa yun mga napagtapos na anak ang walang paki alam sa magulang.?

pag may mga problema naman takbo kay inay..puro sila pabigat..talaga naman :mad:..minsan hindi ko maiwasang magalit ng todo..naiyak nga minsan si inay sabi nya kung sino pa daw yun napabayaan nya ang hindi nya inaasahan na magpapakita ng pagmamahal at susuporta sa kanila.... siguro dahil sa laging wala si inay at mas inuna nya mga kapatid ko..hindi ko napansin na nakikipag compentent ako sa mga kapatid ko.. nandoon yun palaging gusto ko na ako naman tignan nya,dahil mahal ko sya.na hindi ko kailangan ang kung ano anong bagay.basta makita ko oh maramdaman na anak din ako..nagsikap ako sa sariling paraan mabigyan ko lang si inay ng konting ginhawa. mabawasan man lang yun loads nya..malalaki na kaming magkakapatid..at may idad na magulang namin...pero sa totoo lang ang taong sanay magtrabaho..hindi mo pwedeng sabihing "dyan ka lang'' hindi ko maawat ..nagtatrabaho pa din..para daw may maibibigay sa mga anak pag may problema..ganyan yata talaga nag mga magulang..walang iniisip kundi mga anak..
kaya di natin masisi minsan yun mga Ina na nag paalila sa ibang bayan dahil sa mga Anak.na nagtatrabaho pa kahit na nakapagtapos na mga anak..dahil meron din mga anak na hindi marunong magbalik sa magulang..kaya ang ina kayod uli para naman sa pagtanda nya at para may maiwan pa din sa mga makasariling mga Anak..

PILIPINAS
05-24-2006, 07:51 PM
Ka-TF:

Tapos iyung iba sa atin, obserbasyon ko lang, napagtapos na ng pag-aaral sa pagiging yaya sa ibang bansa tapos, iaaasa pa rin natin sa kanya ang ating mga gastos pati gastos ng ating mga anak.

Isang sharing lang sa inyong lahat... sana makatulong kahit konti. "Di ko papayagang maging alipin ang aking pinakamamahal na ina sa ibang bayan para sa aking ikabubuhay."

Ako naman, PAPA's girl. But of course, mahal na mahal ko din ang mommy ko.
Since napag-uusapan ang tungkol sa mga nanay, napanood ninyo ba ang Anak (http://www.imdb.com/title/tt0246425/)? May sinabi doon si Josie(played by Vilma Santos), na sa tingin ko ay may kabuluhan. "Sa unang alis sa Pilipinas (para magtrabaho sa ibang bansa), ang siguradong dahilan ay pera. Sa pangalawa at maging sa pangatlo. Pero sa pang-apat na alis, pera lang din ba ang tunay na dahilan?" Ang iba kase, sa tagal na nilang nawala sa Pilipinas, hindi na nila lubusang kilala ang kanilang mga anak, parang "strangers" na sila sa isa't isa. Tapos puro problema pa ang nararanasan nila kaya napipilitan silang umalis ulit. Parang 'yung iba ay, gusto na lang tumakas kase hindi na sanay sa ingay at gulo ng pamumuhay sa atin. Well, it is just a movie. :D

myukasky
05-24-2006, 10:47 PM
Ako naman, PAPA's girl. But of course, mahal na mahal ko din ang mommy ko.
Since napag-uusapan ang tungkol sa mga nanay, napanood ninyo ba ang Anak (http://www.imdb.com/title/tt0246425/)? May sinabi doon si Josie(played by Vilma Santos), na sa tingin ko ay may kabuluhan. "Sa unang alis sa Pilipinas (para magtrabaho sa ibang bansa), ang siguradong dahilan ay pera. Sa pangalawa at maging sa pangatlo. Pero sa pang-apat na alis, pera lang din ba ang tunay na dahilan?" Ang iba kase, sa tagal na nilang nawala sa Pilipinas, hindi na nila lubusang kilala ang kanilang mga anak, parang "strangers" na sila sa isa't isa. Tapos puro problema pa ang nararanasan nila kaya napipilitan silang umalis ulit. Parang 'yung iba ay, gusto na lang tumakas kase hindi na sanay sa ingay at gulo ng pamumuhay sa atin. Well, it is just a movie. :D

Ay sis napanood ko yan dito sa japan sa cable ilang beses ko napanood at paulit ulit with my family. Nagulat pa nga ako kasi akala ko hiram ng ganong dvd yung husband ko yun pala dubbing nya kasi madaling araw daw pinalabas yun dito. Nakakatouched nga ganun pala ang feelings ang hirap intindihin lalo na mother na rin ako ngayon. Sa palagay ko nangyayari yun sa tunay na buhay at mas matindi pa nga yata.

myukasky
05-24-2006, 11:02 PM
Share din ako. Single parent na lang kami kasi yung father ko maagang nag-abroad na one way lang ang visa (RIP). Ayon na nga apat kaming binuhay ni inang ko sa pamamagitan ng pagkakatulong nya. 4 years old lang yata ako noon ng iniwan kami ng father ko. Bunso ako at tatlo kaming babae at isang lalake. Grabe hirap ng inang ko sya na nanay sya pa tatay. Ni isang kamag anak walang tumulong sa amin. Tumulong man may kapalit yung alilain din kami. Pero ganun pa man nakaraos kami at napag aral kami ng inang ko. May bahay naman kami kaya lang ang problema kapag tag-ulan pati sa loob ng bahay naulan.:D Nakakatuwa nga kasi kahit ganyan yung bahay namin dami pa rin bisita napunta at sa amin din nakatira yung lola ko. Kinuha sya ng mga kapatid ng inang ko pero bumabalik sya sa amin kasi daw kawawa kami. Kasi nga naman doon sa mga kapatid ng inang ko mabubuhay sya ng normal doon di tulad sa amin. Pero sobrang pagmamahal ng lola ko sa amin hanggang mamatay sya di nya kami iniwan. Yun lang ang hinangaan ko sa inang ko di sya sumuko sa mga pagsubok sa buhay nya noon. Alam nyo kung icocompare ang inang ko sa ibang ina malayong malayo inang ko pero ganun pa man di namin sya ipagpapalit. Sapat na yung nabuhay nya kami at napag-aral. Katwiran ng nanay ko mahirap ang walang pinag-aralan yun lang daw ang maipapana nya sa amin.

Kaya noong nagdalaga na ako di ako nagbf at isa pa wala namang nanliligaw sa akin na sa palagay ko eh serious kaya okey lang nakatulog din. Inisip ko noon ano bang paraan ang gagawin ko para maiahon sa hirap ang nanay ko? Kasi puro hirap na sya at nakita naman namin yun. Kaya noong nag offer yung classmate ko na mag japan na lang ako medyo doubt ako pero nilakasan ko loob ko. Doubt ako kasi wala akong talent:( at di naman ako kagandahan na tulad ng iba na talagang pang japan.:( Sabi ng classmate ko naku puwede ka practice lang at medyo tiis at saan ba ang makakaalis ka din. Ayon nagdilang angel si classmate at nakaalis ako at eto na nga kahit papaano nakatikim ng guinhawa yung family ko. At higit sa lahat si inang ko bumagyo man di na sya mababahala na mababasa sa loob ng bahay.:D Basta proud ako sa inang ko.;) Sensya na sis Tonyang napahaba:D

NemoySpruce
05-25-2006, 12:10 AM
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

tanggal ang ilong tangal ang ilong.......

At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo


tanggal ang ilong tangal ang ilong.......


At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamal

docomo
05-25-2006, 01:40 PM
A pat on the back peeps ,and God Bless You .. We did and do our best we can .. We shine in our glory because we love our mothers.. :)