View Full Version : Passport renewal
Konichiwa mga ka TF,
My passport will expire this November and sa pagtatanong tanong ko kapag dito sa Japan ka magre renew 10.500yen ang bayad. Last time kasi ng mag renew ako ng passport nasa pinas pa ako and mura lang doon sa atin maximum of 1 month nasa iyo na yung passport mo ang wala ng appearance na kailangan.
Ang tanong ko is pwede ba na ipadala ko yung passport ko sa Pinas and ibigay ko sa isang agency na mag aayos ng passport renewal ko and after that ipadala ulit sa akin?
If not is there another alternative way na hindi ako magbabayad ng ganoong kamahal sa pagre renew ng passport?
regards to everyone
sev
kidd11211988
05-25-2006, 03:26 PM
i think kailangan ng personal apperance ..though nand2 ka sa japan ..kelangan mong umuwe .if thats wat u want ..kelangan din nung bago mong pix un ..gudluck
docomo
05-25-2006, 03:38 PM
@sev
mahirap pa yang ipapaayos mo pa sa agency, magbabayad ka din eh ..nakakatakot pa.. ...may personal appearance .. kaya kailangan mo talaga ipakita yang kagwapuhan o kagandahan mo sa Philippine Embassy... kung sa pilipinas mo pa yan ipapa renew.. mamasahe ka pa kase no choice ka dahil kailangan mo ding mag appear? mas lalo kang mapapamahal :)
makulit
05-25-2006, 06:46 PM
hmmmm ...
fact is, hindi mo naman kailangan mag personal appearance sa DFA para magrenew ng passport. Actually, doon sa atin sa Pilipinas, para sa mga passport holder, hindi mo na nga kailangan magpunta ng DFA, may service na sila na they will pickup your application, old passport and pictures via courier service, then DFA will process and send you back via courier. prepayment po yan via internet.
wala pa akong narinig na pilipino na naninirahan sa ibang bansa at gustong mag-renew ng passport sa manila kasi namamahalan sa bayad sa embassy...
tama yung sabi nila na its very risky ... baka mawala ang passport mo pag pinadala mo. may mga visa stamps pa naman doon na maaring valid pa hanggang ngayon. ikaw din ... ang pasisisi nasa huli ... well, sabi nga nila, baka lang ... pwede ding hindi mawala ... o pwedeng mawala ... its a risk that you have to take ...
well hindi mo talaga malalaman kung hindi mo gagawin ... doon ka kaya mag renew at balitaan mo na lang kami?
walang alternative way ... just pay embassy fees.
rodem
05-25-2006, 07:32 PM
kapatid, tama din yung mga sinabi nila sayo... pero wala nang personal appearance kapag renewal na... for additional info click the links below:
http://www.dfa.gov.ph/consular/passport.htm#Require ments%20for%20renewa l%20of%20passport
http://www.dfa.gov.ph/news/pr/pr2003/jul/pr338.htm
I hope it helps...:)
RODSKI
05-25-2006, 08:10 PM
Hello:) Naku poooooo! kung ako sayo di ko ipagkakatiwala sa agency basta basta lalo na pag dating sa mga personal docs. lalo na passport, aware ka naman siguro satin. mas ok talaga kung ikaw na ang mag aayos, tipid ka na sigurado ka pa na safe.
bukid
05-25-2006, 08:31 PM
kapatid, ang renewal ng passport kung sa pinas mo gagawin, maaring sa 2 paraan; personal k magpunta doon at 2 days lang ay makukuha mo na. o kaya, ay daanin mo sa dfa courier service nila na maaring 1 week ang aabutin mo. totoo, mas makakamura ka pag sa pinas mo pinarenew and passport mo.subalit,ngunit at datapwat, kelangan mamasahe ka para magawa mo ito.kapag gusto mo idaan sa agency, naiisip mo na ba na maari kang mabiktima ng "baklas passport"? o kaya naman kung magtagumpay ka sa agency, naisip mo na bang maari kang mabiktima ng staff ng courier tulad ng ems?na kapag nakuha ang passport mo na may visa for japan ay maari itong ibenta sa black market ng milyon ang halaga?
pero bago pa yan, kapag pinarenew mo ang passport mo, ang luma mong passport ay bubutasan na nila katunayan na ito ay hindi mo na maaring gamitin pa.anong mangyayari sa visa mo kaya?alalahanin mo, hindi saklaw ng dfa sa pinas ang bagay tungkol sa visa mo.
wala kang pinakamabuting gawin kundi, pumunta sa philippine embassy sa tokyo at doon iparenew ang mapapaso mong pasaporte.sila rin ang nakakaalam kung papano magpapatuloy ang japan visa stamp mo sa bago mong passport.hindi katipiran ang iniisip mo iha,kundi kakuripotan....mabab awi mo pa ang 10,500 yen sa loob ng 5 years validity ng new passport mo, di ba?
naway, nakatulong....
prue33
05-25-2006, 10:28 PM
hi! i think mas mabuting dito ka na lang magrenew, wag ka nang manghinayang sa 10,500 yen... kung ipapadala mo sa pinas at idadaan mo sa agency..ganun din naman ang magagastos mo.. eh kung by accident mawala pa ang passport mo..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.