View Full Version : Bakit kaya puros hiwalay ang kwentuhan...
TR250
05-26-2006, 12:31 AM
Kadalasang nagtataka ako kung bakit ilang babae na ang hiningian ako ng payo tungkol sa divorce nila eh hindi naman ako pro sa pagiging tagapayo tungkol sa pagdi-divorce. Minsan ay nakakapundi rin dahil hindi konti ang lumapit sa akin at humingi ng payo. Inis ako sa divorce lalu na pag may anak pero halos lahat ng humingi sa akin ng payo ay talagang nauuwi sa pag di-divorce. Ngayong taon lang na ito ay 2 na ang lumapit at humingi ng payo. Kahapon ay meroon na namang isa. Nakakahalata na rin ako na parami ng parami ang mga single moms na kaibigan ko at nagiging kindergarten na minsan ang trabaho ko. Dumarami man ang mga kaibigan pero mas gugustuhin ko talaga kung ang mga kwento nila ay happy family diba. Syempre argabyado yung babae at umabot na sa dulo kaya nga wala ng ibang maipayo kundi hiwalay.
Mahirap ding magbigay ng payo dahil talagang very depressing ang kwento at parang sirang plaka na paulit-ulit ng topic at sagabal talaga sa trabaho. Naandiyan na rin ang pagbibigay ng moral support pagkatopos nilang mag hiwalay at pati bata ay napapalapit din talaga sa akin. Natutuwa lang talaga ako pag nakikitang nakakabangon sila pagkatapos ng ilang panahon at nakakapag-umpisa ulit ng panibago. Karamihan sa napayuhan ko ay bonga na ngayon at mga blooming. Ilan na rin ang may nobyo na at nag asawa na ulit. Ang pinaka-inis ko lang talaga ay pag happy na sila ay halos hindi ko na nakikita ang mga anak nila. Mahilig ako sa bata kaya nakakalungkot pag hindi ko na sila nakikita ng madalas. Ewan ko kung bakit madalas ang ganito sa akin, kayo meroon din ba kayong "gift" (na ayoko) na katulad ng sa akin?
chubby_kulot
05-26-2006, 09:11 AM
hello TR250 :wavey:
wow naman ha...magaling ka palang listener at adviser :king: lalapit din sana ako sau pero di para humingi ng payo sa divorce [dahil wala sa isip kong makipag divorce sa hubby chubby ko ....] ibang payo ang hihingin ko sau.... :hihi: pero bilib ako sau..kasi ang pagiging listener minsan ay nakaka-stress din sa atin..lalo na kung ang topic ay paulit ulit pero iba iba lang ng tao ang sangkot....at ang pagiging adviser minsan nakakapikon din...mostly kung di naman nakikinig un pinapayuhan mo...i mean di nya iniintindi un binibigay mong payo....pero shoganai naman kasi diba...we`re friendly kasi :sweeties: always handang tumulong at magpayo..[kahit pa magmukhang tang tayo kakapayo...] :hihi:
pero may ibang tao talaga na after mong mapayuhan or kahit na matulungan eh pag naayos na problema nila at maganda na uli ang buhay para bang nakakalimutan na tayo..although di natin sila masisisi siguro namiss nila ang pagiging masaya at na-carried away na siya..kaya tayo naman eh far away sa esep nya....pero sana man lang di lang nila tayo naaalala dahil sa may mundai sila...sana kahit na saling pusa tayo sa ligayang tinatamasa na nila ngayon ay maisali tayo diba :roll: di na ako nagkwento dahil sa halos un naranasan ko ay may hawig din sau...[di nga lang sa divorce ang topic...] about a bf - gf relationship naman... paulit ulit na parang sirang plaka...pero like what i`ve said..shoganai :D mas mainam na tayo ang tumulong at umunawa kesa tayo ang tinutulungan at pilit na inuunawa.... :king:
mbstorun
05-26-2006, 09:51 AM
....baka po maraming tukso~tukso sa kapaligiran kaya maraming hiwalayan blues..:p....
TR250
05-26-2006, 12:45 PM
chubby_kulot,
Oo talagang nakaka stress makinig ng sad stories tapos mas mahirap mag payo dahil mahirap magbigay ng masamang payo at ayokong mas maging masmasama ang buhay niya dahil sa payo ko. Kung saan-saan din napupunta ang kwentuhan at kadalasan dito ay parang bukas na libro na ikinukwento ang buong buhay nila. Di ko naman kailangang malaman yung iba pero pati sikreto ay parang tubig na umaagos kaya pagkatapos mag isip tungkol sa sinabi nila ay karamihan ay dapat kalimutan na para bang pasok sa isang tenga at labas sa kabila lalu nat pag masyadong lihim at foul yung mga inilabas. Karamihan din ay talagang down at nawalan ng bilib sa sarili kaya andiyan na rin ang pagpapayo kung papaano magiging beauty ulit. Isang katerbang bolahan din para malaman niya ang dala niyang potential na matagal ng nawalan sila ng bilib sa sarili. Kaya kadalasan tuwing pangalawang punta ay naka make-up na at medyo "trying" at beauty na di katulad nung unang pagpunta na parang galing sa gera. Dami rin nag-umpisang mag diet at ngayon ay super attractive na at "ready to face the world". Hindi na rin naman kasi mga bata sila at yung iba ay 30's to 40's na rin kaya't medyo may duda na sa beauty potential nila. Labas ko ay beauty adviser pa at ilang beses na rin na sinamahan ko pa yung babae para mag shopping at ako ang pumili ng lahat ng gagamitin para sa kanyang bagong image change. Tapos sang katerbang pag puri para mas ganado. Parang labas ko tuloy ay fashion adviser e di naman ako bakla. Kasama na rin diyan ang financial advice, bagong lilipatan, payo para sa mga anak at payo kung papaano makakapag hunting ng boyz ulit. Masyadong nakaka stress lalu nat pag umiiyak yung babae at kung papaano papatahanin sila. Isang rason kaya hindi ako masyadong nagsusuot ng puting damit dahil pag umiyak ay siguradong may lipstick at foundation and balikat ko at pag minalas at pati luha at uhog nakadikit na rin. Alam ni misis na madalas nangyayari ito sa akin pero maski naiintindihan pa man niya ay hindi magandang umuwi na amoy babae at may lipstick sa balikat diba. Mahirap na at baka ako naman ang hiwalayan ni misis at pag minalas pa ay baka magkaroon pa ako ng blackeye.
Ewan ko ba kung bakit ang daming mga taong tamad at pinababayaan ang kanilang responsibilidad pinansyal. Meroong nananakit at meroon din namang parang tuod na tingin ay invisible yung asawa. Meroon ding super bossy na parang trabahador ang tingin sa asawa. Meroon din namang super babaero yung asawa at andiyan din naman yung bitin na bitin si misis dahil alang aksyon ang mag-asawa. Mahirap talagang pumasok sa buhay ng may buhay pero hindi ko naman ito pinili at sila naman ang lumapit sa akin. Mas masaya lang talaga kung masaya ang kwentuhan at di itong hiwalayan.
ibang payo ang hihingin ko sau.... :hihi: : eh ano nga bang payo ang hihingiin mo :D
TR250
05-26-2006, 01:02 PM
....baka po maraming tukso~tukso sa kapaligiran kaya maraming hiwalayan blues..:p....
Oo, mukhang marami nga. Tungkol naman sa tukso ay yan din ang isa kong matalik na kalaban lalu na't mga blooming ay talagang hirap magtimpi. Pag basyang ay OK lang pero karamihan ay mga cute at pag nag-umpisa ng ng image change ay kadalasang naka "full battle gear" na sila. Dahil nga image change kadalasan ay andiyan na yung grabe ang make-up, andiyan na rin yung mga tight fits at sexing damit. Normal na rin ang naka mini na na halos lumuwa ang mata ko at kailangan kong magpatong ng libro sa hita ko para di vuking :whistle: at andiyan na rin yung hindi ako pwedeng biglaang tumayo dahil baka makahalata na di yung kwento nila ang inanatupag ko kundi yung binti nila :lol: . Siguro iyan lang nga talaga ang maliit kong enjoyment sa pagbibigay ng payo :D Basta ang rule ko ay maski anong magyari ay di pwedeng mag take advantage sa sitwasyon ng babae at kung kakailanganin man niya ang "ibang" serbisyo ko ay dadaan muna sila sa butas ng karayum (na sing laki ng bintana :biglaugh: ) Mahirap na at baka mapagkamalan pakong "easy to get" :D diba :biglaugh:
kaori
06-07-2006, 08:10 PM
:D hayyyy...pareng tr250...kailangan pala pag nagkaproblema rin ako ,sa iyo na lang ako lalapit...:D para naman nde ako mabuang...sa mga problema sa buhay...:rolleyes: wag ka mag-alala,nde ako nagmi-mini skirt,wala ka makikita hita at dibdib sa akin,nakatago lahat yan,kaya lang hapit na hapit naman ang mga damit ko..:D :D :D
TR250
06-07-2006, 10:27 PM
:D hayyyy...pareng tr250...kailangan pala pag nagkaproblema rin ako ,sa iyo na lang ako lalapit...:D para naman nde ako mabuang...sa mga problema sa buhay...:rolleyes: wag ka mag-alala,nde ako nagmi-mini skirt,wala ka makikita hita at dibdib sa akin,nakatago lahat yan,kaya lang hapit na hapit naman ang mga damit ko..:D :D :D
Anytime Kaori :D Medyo hima nga ako ngayon dahil wala pang report yung kausap ko dati.
Walang problema maski hindi ka naka mini. Maski magbalot ka naman ng futon sa katawan ay may X-ray vision naman ako kaya alang problema:devil: Hay naku, pag nagkita tayo ay ipapakita ko sa iyo ang mga pics sa portable phone ko na galing sa mga kaibigan... magugulat ka dahil di na kailangan ng X-ray vision... :hihi:
kokorokara
06-08-2006, 11:01 AM
Ok ka pala TR250 san,para ka palang kuya Eddie,at least marami kang natulungan na mga tao na nawawala ng landas,maganda naman yun at least may mga nasabihan sila sa mga problema nila kasi hindi sila naka gawa ng masama o na papunta sa masama lalo na kamo may mga anak sila.hayaan mo na sila If nakalimot sila sa iyo at least ang importante nakatulong ka hayaan mo`t nakikita naman ni Lord yun gawi mo,ipagpapala ka kahit medyo may pagka maginoo pero medyo bas....:furious: :devil: yun pag advise mo...pero alam ko naman from the bottom of your heart na sincere ka sa pagtulong....peace tayo ha,kasi opinion ko lang yun,sa contents ng message mo, kasi sabi mo pagsexy iba ang tingin mo:D .Para sa akin kasi If talagang hindi na nagwowork out ang realationship maigi pang mag hiwalay kaysa magkasama kayo sa isang bubong na puro problema naman ang inaabot ng isang babae,kawawa talaga diyan yun babae lalo na pag may mga anak,kasi karamihan ng babae hindi talaga matitiiis ang mga anak.MOre POwer to you!!!
TR250
06-08-2006, 10:53 PM
Ok ka pala TR250 san,para ka palang kuya Eddie,at least marami kang natulungan na mga tao na nawawala ng landas,maganda naman yun at least may mga nasabihan sila sa mga problema nila kasi hindi sila naka gawa ng masama o na papunta sa masama lalo na kamo may mga anak sila.hayaan mo na sila If nakalimot sila sa iyo at least ang importante nakatulong ka hayaan mo`t nakikita naman ni Lord yun gawi mo,ipagpapala ka kahit medyo may pagka maginoo pero medyo bas....:furious: :devil: yun pag advise mo...pero alam ko naman from the bottom of your heart na sincere ka sa pagtulong....peace tayo ha,kasi opinion ko lang yun,sa contents ng message mo, kasi sabi mo pagsexy iba ang tingin mo:D .Para sa akin kasi If talagang hindi na nagwowork out ang realationship maigi pang mag hiwalay kaysa magkasama kayo sa isang bubong na puro problema naman ang inaabot ng isang babae,kawawa talaga diyan yun babae lalo na pag may mga anak,kasi karamihan ng babae hindi talaga matitiiis ang mga anak.MOre POwer to you!!!
Malayo pa ako kay Kuya Eddie. Siguro ay swinerte lang at maraming kaibigang nagbibigay ng tiwala. Hindi ko rin naman ginusto ito pero syempre pag may lumapit ay binibigyan ko ng oras. Kung tututusin nga ay sagabal ang karamihan sa trabaho dahil work hours sila kung pumunta pero di naman pwedeng itaboy dahil nga sa maselan na sitwasyon. Kadalasan din naman ay sa akin bumubili ng mga kotse at kadalasan ay nagsasama pa ng kaibigan nilang buyer kaya nakakatulong din sila ng malaki sa akin. Syempre ayoko ang mapunta ang kasal sa wala pero pag alam kong argabyado at parang basahan o mali ang ang trato sa kakilala ko ay wala akong magagawa kundi ang masabi ang sa tingin ko ay dapat. Marami rin akong kalokohan sa sarili kaya di rin alam kadalasan ang maipapayo lalu na't kung mahilig sa babae ang asawa (pero hindi ako mahilig sa babae :D ).
Tungkol naman sa "mini" ay sabihin na lang nating isa itong pakonswelo o bonus para sa oras ko. Kadalasan ng mga pumupunta sa akin ay masasabi kong may mga hitsura at yung ilan ay talagang beauting Ponesa at ilan din ang mga nasa early 20s na wala akong magagawa kundi tanggapin na lang ang fashion style ng mga kabataan :whistle: . A man has to do what a man must do, hindi naman ako pinanganak nung panahon ni kopong-kopong. Di ko naman pinagsasamantalahan ang pagkakataon at hanggang pa tingin-tingin at paamoy a-moy na lang ako... hmmmmm, ang babangaoooooo!!! :biglaugh:
ritzyu
06-15-2006, 01:33 PM
Pwede bang sumingit din po dito.
TR250 san, me naranasan ka bang mismong Hapon na lalaki nanghingi ng advice
sa inyo, na hihiwalayan yung matandang asawa niya at papakasal sa pinay, at anong
ia-advice mo sa problema niyang iyon?
Me kaibigan ang asawa ko (not best friend) bigla na lang nag pingpong sa bahay mga
seven o'clock ng gabi, nagulat ako manghihingi daw ng advise sa aming mag-asawa,
lalo na daw sa akin , pinay daw kasi ang papakasalan niya..marami siyang na soudan sa akin na hindi ko talaga masagot, :confused: paano mo sasagutin yung mga tanong niya eh hindi ko kilala ang babae, kung pamangkin ko siguro yon, baka magkabaliktad kami. ako ang mag-inter- view pa sa kanya. Ang isinagot ko lang sa kanya, kung mahal niya ang babae, wag na niyang intindihin ang sasabihin ng mga kamag-anak niya, pero pakaisipin rin niyang mabuti dahil me edad na siya at wakai yung pinay na gusto niyang ipalit sa asawa niya. Mahirap magsisi sa bandang huli. nagpahabol lang ako ng salita na ang pagsasama ng mag-asawa wala namang sikreto doon, basta lawakan lang nang bawat -isa ang pang-unawa.....nasabi ko tuloy sa asawa ko na, iyon na lang huling usap namin ng kaibigan niya,.:)
Naawa po ako doon sa asawa niyang Haponesa. :(
inaiinaiba
06-15-2006, 04:25 PM
:bricks: :gossip: :) masakit sa ulo yan:confused: seguro mabait ka tao:D kaya maytiwala sila sayo:dogpile: hayaan mo pag mag rerekon ulit ako.sayo ko susudan:eek: trf san! yorushiko onegaishimas:toast:
TR250
06-15-2006, 05:06 PM
Pwede bang sumingit din po dito.
TR250 san, me naranasan ka bang mismong Hapon na lalaki nanghingi ng advice
sa inyo, na hihiwalayan yung matandang asawa niya at papakasal sa pinay, at anong
ia-advice mo sa problema niyang iyon?
Me kaibigan ang asawa ko (not best friend) bigla na lang nag pingpong sa bahay mga
seven o'clock ng gabi, nagulat ako manghihingi daw ng advise sa aming mag-asawa,
lalo na daw sa akin , pinay daw kasi ang papakasalan niya..marami siyang na soudan sa akin na hindi ko talaga masagot, :confused: paano mo sasagutin yung mga tanong niya eh hindi ko kilala ang babae, kung pamangkin ko siguro yon, baka magkabaliktad kami. ako ang mag-inter- view pa sa kanya. Ang isinagot ko lang sa kanya, kung mahal niya ang babae, wag na niyang intindihin ang sasabihin ng mga kamag-anak niya, pero pakaisipin rin niyang mabuti dahil me edad na siya at wakai yung pinay na gusto niyang ipalit sa asawa niya. Mahirap magsisi sa bandang huli. nagpahabol lang ako ng salita na ang pagsasama ng mag-asawa wala namang sikreto doon, basta lawakan lang nang bawat -isa ang pang-unawa.....nasabi ko tuloy sa asawa ko na, iyon na lang huling usap namin ng kaibigan niya,.:)
Naawa po ako doon sa asawa niyang Haponesa. :(
Meroon akong kakilalang Hapon na pareho ang kinakatayuan. Isang beses ay nagsubok siyang magpahaging sa akin tungkol sa sitwasyon niya na parang naghahanap ng kakampi. Dahil Pilipino ako ay akala niyang kakampihan ko siya pero duon siya nagkamali. Lahat naman tayo ay nai-inlab pero dahil kaibigan ko itong Hapon ay payong diretso lang ang maibibigay ko. Halata namang pinapaikot lang siya nung babae at ang nalaman ko pa ay may pamilya yung babae at nakatunganga lang siya at naghihintay na baka sakaling totohanin siya nung bata. Madalas din siyang pumupunta sa Pinas para makita lang yung babae at kadalasan ay bagamat nasa Pinas siya ay hindi nakikipag kita yung babae pero umaabot naman daw yung mga pinadala niya sa babae... Naaawa rin ako dun sa pamilya niya sa mga kabaliwan na ginagawa ng kanyang asawa. Wala nga lang akong magagawa dahil mukhang bulag na itong si Hapon.
Matanda na siya at alam na niya ang tama at mali at hindi na niya kailangan pa ang mga payo ko. Malapit na siyang mag 60 at bobo pa rin kaya nasasakanya na ang pag dedesisyon.
japphi
06-15-2006, 07:05 PM
Dear Kuya Eddie.......magandan g araw/gabi sa'yo......ba't ngayon mo lang sinabi ito....akala ko ay nag-iisa akow....ha ha ha ha ha..........
Nakow Lowlo TR250.....natatawa ako dito sa thread mow.....hindi ko akalain na mula sa pagiging Bagets....Elvis Presley.....fave of the 80's.....sa bandang huli pala eh....Kuya Eddie ang nagiging labas mo ngayon!!
Alam na alam ko ang nasa loob mo Kuya Eddie..........dahil ako ay ganyan din na katulad mo.......galing sa fave of 80's.......huwag isnabin ...hanggang ngayon ay Super Hard ang buhok kow!!......at ngayon ay naging Ate Helen naman akow..............:(
Karamihan naman ay mga kasamahan sa trabaho nang asawa ko...........ang ayoko lang ay puro tungkol sa mga pilipina na GF nila o second wife........ang labas ko tuloy ay parang tulay yata at advicer/interpreter nila........taga tawag din ako sa Pinas kung minsan.Nakakatuwa lang ay lagi pag pupunta sila sa ibang lugar para sa trabaho nila ay may mga pasalubong...lalu na pag galing sila sa Pinas he he he he he............
Katulad mo ay kung minsan ay nakukulingling ang tenga ko sa pakikinig sa mga hinaing nila:( .......pero kung minsan ay naiisip ko rin naman na maganda rin siguro dahil kahit papaano ay nakakatulong........ ..kaya lang nako-konsensya rin naman......
Tulad sa problema nang Boss ni Lowlo......may GF sya pero may asawa na haponesa...yung isa rin na kasamahan nya,may asawa na haponesa pero may GF na Pinay......yung ilan naman ay kasal na sa Pinay pero pag nag-away naman ay lagi ang tawag sa akin o sa asawa ko.Haayyy....kung minsan tuloy ay parang ako ang may problema.....
Pero may kasabihan di ba.......na mabuti pang ikaw ang nag-a-advice ....kaysa naman sa ikaw ang humihingi nang advice di ba...........at least kayong mag-asawa ay maganda ang pag-sasama o kami ni Lowlo.....at least kahit na ganoon lang ay nakaka-share tayo.
Kaya lang yung hinanakit mo na mahilig ka sa mga bata na napalapit na sa'yo...pag okey na yung problema nila ay nalalayo naman yung mga bata at nami-miss mo..........well sa ganoong hinaing mo Kuya Eddie........ang maipapayo ko sa'yo.......medyo tumabi ka ulit kay Misis para naman masundan ninyo yung Jr ninyo he he he he he............(nagus tuhan kaya ni Kuya Eddie yung payo kow.....:rolleyes: )
ritzyu
06-15-2006, 07:32 PM
TR250 san, medyo mahirap ngang mamagitan di ba.....tama rin naman si
Japphi chan na mabuti na rin yung tayo ang nag-aadvise kaysa tayo ang
nanghiihngi ng payo.:)
mOtt_erU
08-30-2006, 02:33 AM
Hi TR250...:)
Alam mo hindi ka nagiisa, like you mahilig din ako sa bata...
ngayon nga newly maaried pa lang kase ako kaya wala pakong anak.
Alam mo tama ka gifted tayo kase mahilig tayo sa bata.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.