View Full Version : Funeral ceremony
miles
05-28-2006, 11:44 AM
Hello guys.:)
I just wanted to know the tradition of japanese if their loved ones passed away. If there anyone had experienced. pareho lang ba ng tradition natin? Thanks:)
PILIPINAS
05-28-2006, 01:18 PM
Hello guys.:)
I just wanted to know the tradition of japanese if their loved ones passed away. If there anyone had experienced. pareho lang ba ng tradition natin? Thanks:)
Naka-attend na ako once. Pero, hindi ko pa nasubukang maka-attend ng lamay. Very formal dito. Lahat ng bisita ay mukhang namatayan, kahit bisita lang sila. Walang ngumungiti at lahat ay parang nagbubulungan kung mag-usap. Halos lahat ay naka-formal black outfit. Unlike sa atin, wala akong nakitang nag-mamadyong at nag-totonghits o baraha. Mayroon din pa-ocha at juice.
After the cremation of the body, 'yung mga naiwang anak ng namatay, may hawak silang hashi, tapos inayos nila ang buto at ash ng remains at nilagay sa lalagyan. Grabe, nakakaiyak talaga. I hate funerals!:(
After the ceremony, ay ang walang katapusang inuman at kainan (osushi). At that time, medyo pwede nang ngumiti. :O
wolfgang
05-28-2006, 01:57 PM
Hello Miles...ako maraming beses nang naka attend nang burial rites or otsuya at sohshiki nila kasi maraming namatay na kamag-anak asawa ko for the last six years,
pagnamatay ngayon maaring bukas o ngayon ang lamay kasi isang araw lang nila yun paglalamayan...lahat na ka itim na damit tapos bawal ang may kumikinang na alahas ..madalas ang nakikita ko lang na sinusuot nila ay pearl
tapos sa lamay or otsuya may padasal din nang obosan..
sa araw na sohshiki may may padasal din nang obosan tapos habang nagdarasal yung obosan may umiikot na insenso na nakalagay sa lalagyan yun [osyohkou] ay tatlong beses mong lalagyan tapos ibibigay mo sa katabi mo..
magkahiwalay ang upuan nang kamag-anak at pamilaya nang nang namatay sa mga nakikilamay lang...bale mostly sa kanan bahagi nang burol nakaupo ang mga kamag-anak
siyanga pala yung patay laging ang ulo ay nasa north..
pagkatapos nang padasal nang obosan mag-ispeech ang pamilya nang namatayan tapos
mag papasalamat sila sa mga dumating
ngayon sa cremenation mga kamag-anak na lang ang matitira...ihahatid nila sa sunugan..
tapos mag kakainan sa isang lugar or sa bahay yung mga kamag-anak...pag katapos noon..
babalik sila para sa buto nang namatay...
yung pamilya ang unang kukuha nang buto nang namatay sa bahagi nang ulo
tapos sunod na yung mga kamag-anak sa buto ilalagay sa nila isang garapon...tapos yung matitirang buto...maiiwan na doon...sa sunugan
tapos pag dating nang uwian may give-away sila sa kamag-anak nila..kadalasan ang laman noon ay tuwalya..okashi at asin kaya may asin dahil pag-uwi nila sa bahay bago sila pumasok sa loob mag papagpag muna sila nang asin sa balikat at katawan..
meron din silang 49 days kung sa atin sa pilipinas ay 40 days pagkamatay may padasal din at kainan..nakaitim din dapat ang suot
at babang luksa nang 1 taon ...nakaitim pa rin yon
Sana naipaliwanag ko kahit papano...:)
hotcake
05-28-2006, 08:06 PM
Hello miles, may related na thread dati na ginawa ni maple, ang title ay Otsuya, Osoushiki, Dabi, at iba pa.... (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=204 4&highlight=osoushiki) . Try mo rin siyang basahin, siguradong marami ka rin matutunan sa thread na iyon.:)
miles
05-29-2006, 09:43 AM
Hello miles, may related na thread dati na ginawa ni maple, ang title ay Otsuya, Osoushiki, Dabi, at iba pa.... (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=204 4&highlight=osoushiki) . Try mo rin siyang basahin, siguradong marami ka rin matutunan sa thread na iyon.:)
hello hotcake, salamat ha.. ang dami kong nalaman sa thread mo...
Faerie
08-27-2008, 03:08 PM
Hello po, i won't bother to make a new thread anymore, related naman itatanong ko...
Ano po ba pwedeng isuot sa ganitong ceremony? I often see old people in black dresses, kaso wala nako oras bumili. I dont have any dress or skirt. Im leaving in a hour for my grandma's funeral.
Help naman po/ first time ko aattend sa ganito....
Pwede ba ang black 2pc pantsuit sa babae? Kung pwede ano ba dapat inner? White or black na may collar? help pls salamat
pineapple
08-27-2008, 03:20 PM
i think all black is the best ... (my opinion)
Faerie
08-27-2008, 03:23 PM
^ so pant suit with black inner will do?!
betsyboo
08-27-2008, 03:35 PM
ok naman yang pantsuit but please walang white kasi ang white is for happiness dito ! ang inner mo dapat black...pure black na walang kumikintab na anuman. black stockings and black shoes na plain black walang mga gold o silver na mga ornaments or buckle. ang bag mo rin formal black na wala ring kumikintab kung wala ka nito maski anong black bag na lang na hindi masyadong malaki at simple lang dapat walang shiny ornaments. ang jewelries mo dapat pearl na stud earrings at pearl neclace na isang strand lang parang choker. kung wala kang pearl huwag ka na lang gumamit ng anumang accessories para safe.
sana nakatulong maski papano..
betsyboo
08-27-2008, 03:38 PM
sis faerie, dapat ang inner mo na black ay yong hindi sexy :) dapat naka tago ang mga cleavage.
Faerie
08-27-2008, 03:41 PM
this helps a lot, thank you so much.
betsyboo
08-27-2008, 03:54 PM
now, you`re ready to go the funeral service of your grandma.....but not the least please accept my condolences . take care.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.