PDA

View Full Version : nilisan


ranberzul
05-29-2006, 07:31 PM
Ang tagal ko ng inaantay
Ang iyong kasagutan
Bakit mo ako iniwan?
Ako’y iyong pinabayaan.

Hindi man kita natulungan
Walang naibigay na pangkabuhayan,
Di makapaghatid ng magandang balita
Parati na lang ako ang masama.

Panibagong buhay ang nais makamtan
Ngunit kapalit, pagtalikod sa pinagmulan
Ikahiya mo man ako
Dugo ko’y dumadaloy sa’yo.

Kung kailan kita kailangan
Ako’y iyong nilisan
Bakit inuna pa ang ibang bayan
Kaysa sa sariling pinagmulan?

Hinubog ko ang iyong isipan
Puso’t damdamin ay pinanday
Ngunit ako’y iyong pinagsamatalahan
Iniwan sa gitna ng karimlan

Kapalaran man ang nagtadhana
O sariling mong pagpapasya
Darating din ang araw
Ako’y iyong ma-aalala

Ako si Pilipinas parating lumuluha
Sa aking mga anak ako’y nangungulila.
Sa bawat hakbang ng inyong pag-alis
Hangad ko’y iyong pagbabalik at muling makapiling.

chubby_kulot
05-29-2006, 07:36 PM
hello ranberzul... :wavey:

ka-touch naman :cry: di ko mapigilan tuloy ang ma-home sick... di lang kasi si Pilipinas ang nami-miss ko...syempre pati na ang pamilya ko dun... :cry:

wag kang mag alala Pilipinas...nasa banyagang bansa man ako ngayon...di kita nakakalimutan...dara ting din ang araw na babalik ako dyan sa piling mo :sweeties:

wolfgang
05-29-2006, 09:41 PM
Hello ranberzul...ang ganda nang tula mo masyadong makabayan ....di ko mapigilan ang tumulo ang luha ...maganda kasi....naalala ko tuloy yung panatang makabayan..:wink: .
kahit siguro malayo ako malapit pa rin ang puso ko para sa bayan ko...pag nangungulila ako sa bayan aking tinubuan...kinakanta ko na lang yung kanta nang asin..BAYan ko nasan ka ako ngayoy nag-iisa..nais kongh magbalik sa iyo bayan ko...patawarin mo ako kung akoy nagkamali sa landas na aking tinahak.....pasensya na ha emote tuloy ako... pero babalik ako sa bayang aking sinilangan yan din ang pangako ko sa sarili ko...:)

docomo
05-30-2006, 10:58 AM
@ranberzul

..i like it ~ makes me feel like someone can relate :)

mOtt_erU
09-11-2006, 03:01 AM
........Again a Hearwarming & Inspirational Poem from you :)