PDA

View Full Version : Immitation Kekkon Visa ng isang OS

pola228
05-30-2006, 09:19 PM
Lets talk about immitation kekkon visa...( mga nagpapakasal sa hapon na OS na dito sa Japan pero hindi nagsasama sa iisang bahay, mga nagbayad lang para makasal at magkaroon ng visa...)

Ano ano po kayang storya ang meron sa mga OS na gumagawa ng ganito? share nyo naman dito mga katf kung may mga kakilala kayong ganito ang status...

Share ko lang po yung nangyari sa kasamahan sa umise ng friend ko..OS po sya at kailan lang nakasal sya sa bf nyang hapon(totoong kekkon po..nagsasama sila sa isang bahay) nakasal na po sila at waiting nalang po marelease ang visa nya..habang syay naglalakad bigla nalang po syang hinuli dahil wala po syang mapakitang aliencard..sinabi nya ang status nya ngayon pero kinulong parin sya..dapat daw 1month syang ikukulong pero naging 2weeks nalang...dinadalaw naman sya ng asawa nya kaya nakumbinsi ang mga taga immig ba or pulis na hindi sya immitation kekkon... alam na kasi ng mga taga immig ang tungkol sa mga immitation kekkon kaya ayan nakaisip na naman ng paraan para di makalusot ang kung sinong gumagawa nito:D
btw, ibig sabihin kung di magpakita sa kulungan ang asawang hapon mapapawalang sala ang marriage cert ng mga ito?:confused:

myukasky
05-30-2006, 09:26 PM
Wala akong alam na story about this pero may napanood ako before sa TV di sya firipinjin, i think chinese yata nadiscovered na fake yung kekkon nila kaya ayon pareho sila hinuli. Marami na kasing ganito kaya medyo mainit na rin sa immigration.

pola228
05-31-2006, 12:41 AM

naku mananagot din pala yung hapon na pumayag sa ganung kasal no...kung sakaling mabisto sila..

may nabalitaan pako na may agency daw sa tokyo na nagaasikaso ng mga papers ng mga ganito at naniningil ng 5lapad at maayos man o hindi ang documents wala ng refund....at pagnaayos saka palang magbabayad every month sa hapon na pumayag sa immitation kekkon... dapat ang mga ganitong tao ang sinusumbong sa immig e:mad:

bukid
05-31-2006, 01:19 AM
mga ka tf

marami akong mga kaibigan na OS at karamihan ay naghahanap ng imitation kekkon.wag sana nating kondenahin ang mga taong nagpapa imitation kekkon. eto lang ang alam nilang paraan upang sila ay patuloy na makapanirahan dito sa japan, makapaghanapbuhay at matulungan ang mga pamilya nilang naghihikahos sa pilipinas.maaring mali ito sa legal na pananaw, pero mas mali na hayaan natin silang magpatalo sa kahirapan na dulot ng isang bulok na gobyernong pilipino.kung tayo ay may mas maitutulong na makakabuti sa mga OS, mas mainam na ito ang hangarin natin kaysa sa isuplong sila autoridad.wag natin kalusin ang sugat ng kahirapan na nagtutulak sa karamihan sa ating mga kababayan ng mag OS dito sa japan.hirap din sila.ngunit kung ang mga OS ay nakakapinsala sa ating personal na integridad, pagkatao, at seguridad, wag mag-atubili na ipahuli sila. wala na silang kabuluhan na manatili dito.:( :cool:

pola228
05-31-2006, 02:09 AM
@ bukid thanks sa reply sa thread na ito:)

.....dapat ang mga ganitong tao ang sinusumbong sa immig:mad: ....

yung agency ang tinutukoy ko...kasi yung iba naloloko lang ng ganitong agency...
kaya ko naisip ang ganitong usapin dahil alam kong maraming mga tf member na nasa pinas at nangangarap pumunta dito...mas magandang hindi lang puro positive ang malaman nila...para malaman ng iba kung anong possible result kung sakaling gumawa rin sila ng ganitong illegal na bagay...para kahit papano makapagisip...:)

Autumn
05-31-2006, 11:51 AM
Yung kababata ko matagal syang naging OS.yung dating may ari ng omise na pinagtatrabahuhan nya ng offer ng immitation kekkon sa kanya..matagal din nya pinag isipan ito pero yun japanese ang eager kasi naaawa at natutuwa sa kanya dahil gambatteiru sya talaga..dahil pareho talaga kaming galing sa mahirap lang na pamilya.isang kahig isang tuka nga na masasabi.13 years syang OS at ngayon may 2 years na rin syang may visa..nagbibigay sya ng pera sa japanese kahit ayaw nun lalaki..kimochi lang naman para sa kababata ko.katuwiran ng kaibigan ko maano ba yun konting pera na iyon kumpara mo sa kalagayan nyang walang bisa noon na laging kakaba kaba..
minsan naman kasi hindi naman mga OS lang ang gustong makatulong sa pamilya oh kaibigan kaya sila nandito at napipilitang mag imitation kekkon..yung mga japanese na naging kaibigan din ng mga kababayan natin.gusto nila makatulong alam nilang mataas ang risk ng ganitong set up..pero sige pa rin .."para" nga kahit paano makatulong..
yun iba naman na nagpapabayad..alam din naman nila ang risk.pero wala din silang magawa..pera na din ang usapin dito..kung baga vice versa ..nagkakatulungan..m ay visa ka may pera din sya..fair enough sa kanila yun..
nakakalungkot talagang isipin ang buhay ..nang dahil sa kahirapan at dahil sa pera kahit sa patalim kakapit at kakapit talaga ang mga taong gipit..maswerte na lang talaga yun mga ibang pinalad.at yun mga pinanganak na hindi mahirap..minsan naiiisip ko sana lahat nalang pantay pantay..kaya lang ganito talaga ang buhay..

Hello Kitty
05-31-2006, 02:03 PM
ganito ang nangyari sa kanya,sa pinas palang sya non sa kagustuhan nyang makapunta dito para magtrabaho pinaayos paper nya at nakapunta sya dito na gamit nya ang name ng tita ko na nagpalake saken.pagdating nya dito hindi nya gusto yung sahod dahil mababa,nag run away sya,kasi alam nya na kapag tumakbo sya marami syang pupuntahan dito na kamag anak kaya nag os sya.dirin nagtagal nahuli sya at napauwi ng pinas,tapos gusto nyang bumalik dito kaya yung asawa ng tita ko dito na hapon,may kaibigan at nakiusap pagkatapos non umuwi ng pinas para magpakasal ng imitation kekkon.dirin nagtagal nakabalik yung pinsan ko dito.at nagtrabaho ulit nagbabayad sya ng 5lapad a month sa hapon pero gustung gusto sya ng hapon kaya totohanin nalang yung kasal para hindi na magbayad.e ayaw naman ng pinsan ko sa kanya kaya nagtyaga sya magbayad.tapos ilang bwan palang nakakalipas nakakita sya ng ibang hapon at gusto rin syang pakasalan,e gusto rin sya ng pinsan ko,kaya ang ginawa nung hapon nagbayad ng malake sa isang hapon para mapawalang bisa yung kekkon imitation,tapos non nabuntis nasya at pinanganak nya kaya lang 2months palang yung baby binawi na kaagad sa kanya..dikaya isang malaking karma yon:confused: para saken karma ang nangyari sa kanya.wala kasing utang na loob..masyado atang mahaba yung kwento:D pasensya na..

pola228
05-31-2006, 03:28 PM

@Autumn san thanks sa pag share mo:)

first time kong nakarinig ng ganyang istorya na ayaw magpabayad ng lalaki..at napaka swerte ng kababata mo sa lagay na yun..

may friend akong bilog balak din mag pa immitation kekkon...naaawa ako sa kanya kasi gagawin nya yun para nga makatulong sa pamilya sa pinas kaya lang yung nanay nya grabe parang feeling ang ganda ng buhay ng anak nya dito sa Japan...pagnagpadala sya di man lang magpasalamat at makaka received pa sya ng txt na bakit ganito lang..e halos sya na nga lahat bigay para sa gastusin sa bahay sa pinas..:( naiinis ako sa ganyang magulang:mad: (mommy ko kasi ganyan din:weep: )...sabi ko nga pag nag ka visa na sya invite nya dito at ng malaman nya buhay ng anak nya:(

pola228
05-31-2006, 03:36 PM
ganito ang nangyari sa kanya,sa pinas palang sya non sa kagustuhan nyang makapunta dito para magtrabaho pinaayos paper nya at nakapunta sya dito na gamit nya ang name ng tita ko na nagpalake saken.pagdating nya dito hindi nya gusto yung sahod dahil mababa,nag run away sya,kasi alam nya na kapag tumakbo sya marami syang pupuntahan dito na kamag anak kaya nag os sya.dirin nagtagal nahuli sya at napauwi ng pinas,tapos gusto nyang bumalik dito kaya yung asawa ng tita ko dito na hapon,may kaibigan at nakiusap pagkatapos non umuwi ng pinas para magpakasal ng imitation kekkon.dirin nagtagal nakabalik yung pinsan ko dito.at nagtrabaho ulit nagbabayad sya ng 5lapad a month sa hapon pero gustung gusto sya ng hapon kaya totohanin nalang yung kasal para hindi na magbayad.e ayaw naman ng pinsan ko sa kanya kaya nagtyaga sya magbayad.tapos ilang bwan palang nakakalipas nakakita sya ng ibang hapon at gusto rin syang pakasalan,e gusto rin sya ng pinsan ko,kaya ang ginawa nung hapon nagbayad ng malake sa isang hapon para mapawalang bisa yung kekkon imitation,tapos non nabuntis nasya at pinanganak nya kaya lang 2months palang yung baby binawi na kaagad sa kanya..dikaya isang malaking karma yon:confused: para saken karma ang nangyari sa kanya.wala kasing utang na loob..masyado atang mahaba yung kwento:D pasensya na..

hello kitty san salamat sa ibinahagi mong kwento...sa una natuwa ako kahit papano nakabalik ulit sya dito at nakasal pa sa lalaking gusto nya rin...kaso lang nakakalungkot naman ang nangyri sa naging anak nila:( :( :(

Hello Kitty
05-31-2006, 03:58 PM
hello kitty san salamat sa ibinahagi mong kwento...sa una natuwa ako kahit papano nakabalik ulit sya dito at nakasal pa sa lalaking gusto nya rin...kaso lang nakakalungkot naman ang nangyri sa naging anak nila:( :( :(e kasi naman san ka nakakita,1month palang yung baby nag omise kaagad mapera naman yung napangasawa at nagtatabako kasi saloob ng bahay kaya ayun...

meg
06-02-2006, 11:12 AM
may kakilala din akong os na pumasok sa imit na kekkon...malapit na syang mag dalawang taon dito sa japan pero hindi pa narerelease yung visa nya....sabi naman daw ng immig eh malapit na...mahirap kasi umuwi s pinas na walang pera kaya pinasok nya...ngayon may trabaho sya....

Yujin
06-02-2006, 12:29 PM
Ang "immitation kekkon" ay isa sa mga popular choice ng maraming foreign national na gustong makapasok at magtagal sa Japan. Hindi lamang mga kababayan natin ang gumagawa nito, Chinese at Koreans ay mga parokyano din ng sistemang ito. But from around mid 90's, nakakalungkot na marami ring mga Filipina-Pinays (dont know kung merong ding Pinoy) ay gumagawa ng bagay na ito.

Ilan na rin ang mga kabayan nating Pinay ang nakilala ko na gumawa at hanggang sa ngayon ay patuloy na bumabayad. Kagaya ng post ng ilan dito sa thread, mayroong mga pinalad na nagkagustuhan at natuloy sa totoong pagsasama bilang mag-asawa.
Ang sistemang ito, sa pagkakaalala ko sa naikuento sa akin, Mayroong mga malalapitang "agency" para magasikaso nito.
Mayroong tinatawag na fake marriage fee na around 300, 000 yen to 400, 000 yen sa unang bayaran. Then an obligation to pay around 30,000 yen to 50,000 yen a month is made to seal the deal. Siyempre pa ang perang ibabayad ay hindi refundable.

Konting dagdag impormasyon, Hindi ko alam kung sino ang nag-umpisa ng katawagang "immitation kekkon". Sa palagay ko ay salitang nabuo ng mga kababayan natin dito sa Japan, katulad din ng mga salitang "Bilog" for Overstaying Forigeners at "Lapad" for Ichiman yen. :D
Ang tamang term po na tiyak na maiitindihan ng mga Japanese na makakausap natin about this matter ay 偽装結婚 -- Gisou Kekkon -- Fake Marriage. Tandaan po natin ang salitang ito at nang magkaintindihan kayo ng mayos ng iba nating hindi kabayan. :)

iAm_mich
06-02-2006, 08:43 PM
ganito ang nangyari sa kanya,sa pinas palang sya non sa kagustuhan nyang makapunta dito para magtrabaho pinaayos paper nya at nakapunta sya dito na gamit nya ang name ng tita ko na nagpalake saken.pagdating nya dito hindi nya gusto yung sahod dahil mababa,nag run away sya,kasi alam nya na kapag tumakbo sya marami syang pupuntahan dito na kamag anak kaya nag os sya.dirin nagtagal nahuli sya at napauwi ng pinas,tapos gusto nyang bumalik dito kaya yung asawa ng tita ko dito na hapon,may kaibigan at nakiusap pagkatapos non umuwi ng pinas para magpakasal ng imitation kekkon.dirin nagtagal nakabalik yung pinsan ko dito.at nagtrabaho ulit nagbabayad sya ng 5lapad a month sa hapon pero gustung gusto sya ng hapon kaya totohanin nalang yung kasal para hindi na magbayad.e ayaw naman ng pinsan ko sa kanya kaya nagtyaga sya magbayad.tapos ilang bwan palang nakakalipas nakakita sya ng ibang hapon at gusto rin syang pakasalan,e gusto rin sya ng pinsan ko,kaya ang ginawa nung hapon nagbayad ng malake sa isang hapon para mapawalang bisa yung kekkon imitation,tapos non nabuntis nasya at pinanganak nya kaya lang 2months palang yung baby binawi na kaagad sa kanya..dikaya isang malaking karma yon:confused: para saken karma ang nangyari sa kanya.wala kasing utang na loob..masyado atang mahaba yung kwento:D pasensya na..

:( :( :( :( :( :( :(

Bakit naman KARMA ang tingin mo sa PAGKAMATAY ng baby nya? Ano ba natapos mo?
My anak ka na ba? Bkit Na-KARMA ka na rin ba? Gusto mo bang isipin na lahat ng BAD THINGS
na nangyari sa yo or sa Pamilya mo ay dahil... My BAD kang ugali?

Kapag my NAMATAY sa PAMILYA mo (magulang, kapatid).. knock on wood. Hwag sana
isipin ng mga kakilala mo na BAD ka kya ka-namatayan. :(

My son kc me. And ayaw kong isipin na mawawala sya and UNFAIR na isipin ng iba na BAD
me ne? Yun lang poh. Bye God Bless!:O

Hello Kitty
06-03-2006, 10:27 PM
Bakit naman KARMA ang tingin mo sa PAGKAMATAY ng baby nya? Ano ba natapos mo?
My anak ka na ba? Bkit Na-KARMA ka na rin ba? Gusto mo bang isipin na lahat ng BAD THINGS
na nangyari sa yo or sa Pamilya mo ay dahil... My BAD kang ugali?
Kapag my NAMATAY sa PAMILYA mo (magulang, kapatid).. knock on wood. Hwag sana
isipin ng mga kakilala mo na BAD ka kya ka-namatayan. :(
My son kc me. And ayaw kong isipin na mawawala sya and UNFAIR na isipin ng iba na BAD
me ne? Yun lang poh. Bye God Bless!:Odiko po sinasabi na lahat ng tao ay nakarma,pinsan kopo yung pinagsabihan ko ng karma,kung ayaw nyopong isipin na mawala yung son nyo,nasasainyo napo yun kung gusto nyong isipin.at wag din po kayong magsalita ng ganyan saken dahil hindi nyo po alam lahat lahat ng storya...kung bakit kopo pinagsabihan na karma ang nangyari sa pinsan ko.lahat naman po tayo kung gagawa ng masama ay makakarma din po kaya ingat and god bless din po sayo...

puting tainga
06-05-2006, 07:27 AM
As you know, Imitation Marriage, or Giso Kekkon is a crime here in Japan.
(By the way, “immitation” is not a correct spelling.
I think the reason is that the first “im” does not mean “hindi”, whereas in “immoral”, “immobile” “immoderate” etc, the first “im” means “hindi”.)

It is illegal.
It is one of the crimes that is included in the legal jargon of Kosei Shosho Genpon Fujitsu Kisai 公正証書原本不実記載, meaning “writing something that is not true in the original of official document.”
Theoretically speaking, those who are concerned will get up to 2 years in prison.
However, most verdicts tend to be much more lenient.

There was a case that I was concerned as a volunteer interpreter:
The city hall accepted the marriage, after we could prove them it was not a fake marriage, how madly in love was this Japanese guy to her.
But the immigration did not issue spouse visa for the husband was “too old to be regarded a true marriage.”
He was in his 80s at that time.
This was another tragedy caused by so many fake marriages.

Tonyang
06-11-2006, 08:52 PM
Lets talk about immitation kekkon visa...( mga nagpapakasal sa hapon na OS na dito sa Japan pero hindi nagsasama sa iisang bahay, mga nagbayad lang para makasal at magkaroon ng visa...)

Ano ano po kayang storya ang meron sa mga OS na gumagawa ng ganito? share nyo naman dito mga katf kung may mga kakilala kayong ganito ang status...

Share ko lang po yung nangyari sa kasamahan sa umise ng friend ko..OS po sya at kailan lang nakasal sya sa bf nyang hapon(totoong kekkon po..nagsasama sila sa isang bahay) nakasal na po sila at waiting nalang po marelease ang visa nya..habang syay naglalakad bigla nalang po syang hinuli dahil wala po syang mapakitang aliencard..sinabi nya ang status nya ngayon pero kinulong parin sya..dapat daw 1month syang ikukulong pero naging 2weeks nalang...dinadalaw naman sya ng asawa nya kaya nakumbinsi ang mga taga immig ba or pulis na hindi sya immitation kekkon... alam na kasi ng mga taga immig ang tungkol sa mga immitation kekkon kaya ayan nakaisip na naman ng paraan para di makalusot ang kung sinong gumagawa nito:D
btw, ibig sabihin kung di magpakita sa kulungan ang asawang hapon mapapawalang sala ang marriage cert ng mga ito?:confused:

Pola, you mean sinabi niya na immitation kekkon visa ang hawak niya sa pulis kaya siya ikinulong? Di ko nagets kung bakit siya kinulong dahil wala siyang alien card.

puting tainga
06-11-2006, 11:57 PM
>Di ko nagets kung bakit siya kinulong dahil wala siyang alien card.

Technically speaking, bilog siya at that time.
That’s why.

“Selective enforcement” and “ Zero tolerance” are the key words to understand Japanese and US police activities.

They can’t arrest everyone, but they may arrest someone just for a minor offence.

Halimbawa:
Though a lot of other cars are parked on the street without being billed, you may get billed just after a couple of minutes you left your car.

You may not agree with this way of enforcement, but this is the way they are.[/FONT]

Tonyang
06-12-2006, 07:04 AM
Salamat Putingtainga. So walang nag-trigger sa pulis na kausapin o i-harrass siya dahil isa siya sa mga random na tao at nagkataon na iyun ang sitwasyon niya? Tama ba, Pola sis?

miles
06-12-2006, 12:02 PM
Mabuhay!!!
May friend din ako na nagpakasal sa hapon, dati syang OS for 5 yrs. sumuko sya after na makipagsundo sa taxi driver na hapon na pakakasalan sya, nagpunta ang hapon sa Pinas at pinakasalan sya, sinagot lahat ng friend ko lahat ng gastusin ng hapon mula sa eroplano hanggang sa proseso ng kasal.
After less than 1 yr, lumabas na ang visa nya. Go na sya sa japan at trabaho agad every month binibgyan nya ang hapon ng 5 lapad,syempre bayad, sa ngayon nadala na nya yung anak nya at pinag-aaral, tinanong ko sya kung masaya sya sa buhay nya? ok lang daw kaya lang nakakapagod dahil walang humpay na pagbabayad ng utang na loob sa hapon na nagpakasal sa kanya. Every time na gusto ng hapon at kailangan sya, pupuntahan sya, minsan naman pupunta sya sa bahay ng hapon para maglinis ng bahay nito at mamalantsa at maglaba. OK pa rin sa kanya ang ganoong set -up. Shou ga nai date...
Sa mga may planong pumatol sa immitation kekkon, Please think not only 2x but 100x before you decide to get immitation kekkon. Masarap mabuhay ng tahimik at may dangal..

2 yrs. ago may nag offer sa akin ng ganyan. nag- isip din ako at humingi na advice sa mga sempaii ko. they adviced me to think dahil minsan magulo ang buhay ng mga pinay na pumapayag ng ganyan sistema. OS ako that time pero di ako pumayag, at least isa lang ang iniiwasan ko ang mga migmig lang.

pola228
06-12-2006, 03:27 PM
Salamat Putingtainga. So walang nag-trigger sa pulis na kausapin o i-harrass siya dahil isa siya sa mga random na tao at nagkataon na iyun ang sitwasyon niya? Tama ba, Pola sis?

sensya na sis ngayon lang ako napadpad ulit dito..hehe...dahil wala raw mapakita na aliencard dinala sya sa presinto parin...alam naman kasi nating lahat na need dalhin yun kahit san ka man pumunta...at kahit sabihin nya nga na kinasal na sya pero waiting pa yung visa nya , syempre hindi naman agad maniniwala yung pulis lalo na sa tokyo pa yun nangyari..alam na nila na marami ngang gumagawa nun diba...pero kahit nandyan na asawa nya at dinadalaw sya sa kulungan di parin pinakawalan..yun lang ang kwento sakin ng ate ko na ngayon ay nahuli na nga..:D

mukomae
10-20-2006, 05:39 PM
Hello kitty sayang naman yung pinag ka loob sa kanya ng Diyos. Wala siyang contentment sa buhay kaya binawi ulit ng Diyos sa kanya. Siguro ng na karma siya.. naniniwala pa naman ako sa karma:(

makulit
10-20-2006, 11:59 PM
meron po akong kakilala na may immitation kekkon visa. lalaki po ang kakilala ko at hindi pilipino.

hindi po sya nagbayad o nagbabayad doon sa nagpakasal sa kanya para maging legal ang stay nya dito. kaibigan po nya yung pinakasalan nya ng 12 years. diborsyada po at matanda sa kanya ng 10 taon. professional po itong nagpakasal sa kanya, isang dentista. gusto lang sya talagang matulungan ...

love0308
10-21-2006, 10:16 AM
I cannot judge those people who go for immitation kekkon Visa. Siguro yun na lang ang choice nila. Pareho pareho lang naman tayo gusto natin guminhawa ang buhay:) as long as wala silang sinasaktan na tao ok lang yan:D pero sana sa mga OS magpakasal na lang talaga dun sa love nila para talagang walang hassle and may peace of mind pa. kasi immitation kekkon and OS parang wala namang difference yan eh meaning may tinatago ka pa rin di ba?:D

hayaren
10-21-2006, 05:10 PM
there's nobody above the law, the clock's ticking for the good and bad things, anytime it can turn out to be either way's turn, yun lang po:)

emay
02-12-2007, 11:56 AM
Hello Yujn,

Pwede ba malaman kung anong agency yong nag aasikaso nitong Immitation Kekkon? Yong kaibigan ko (lalaki) galing dyan sa Japan medyo matagal tagal rin ang pag OVER STAY niya dyan. Andito na siya sa pinas ngayon kasi sumuko siya last December 2005 at pinauwi dito. Gusto daw niyang bumalik dyan kaso walang ibang paraan para makabalik sa Japan kundi eto lang Immitation Kekkon na tinatawag. Kaso wala rin siyang kaibigan na Haponesa na kanyang mapakasalan. Baka meron din kayong kakilala na papayag sa ganitong set-up, please let me know...

Thanks

Ang "immitation kekkon" ay isa sa mga popular choice ng maraming foreign national na gustong makapasok at magtagal sa Japan. Hindi lamang mga kababayan natin ang gumagawa nito, Chinese at Koreans ay mga parokyano din ng sistemang ito. But from around mid 90's, nakakalungkot na marami ring mga Filipina-Pinays (dont know kung merong ding Pinoy) ay gumagawa ng bagay na ito.

Ilan na rin ang mga kabayan nating Pinay ang nakilala ko na gumawa at hanggang sa ngayon ay patuloy na bumabayad. Kagaya ng post ng ilan dito sa thread, mayroong mga pinalad na nagkagustuhan at natuloy sa totoong pagsasama bilang mag-asawa.
Ang sistemang ito, sa pagkakaalala ko sa naikuento sa akin, Mayroong mga malalapitang "agency" para magasikaso nito.
Mayroong tinatawag na fake marriage fee na around 300, 000 yen to 400, 000 yen sa unang bayaran. Then an obligation to pay around 30,000 yen to 50,000 yen a month is made to seal the deal. Siyempre pa ang perang ibabayad ay hindi refundable.

Konting dagdag impormasyon, Hindi ko alam kung sino ang nag-umpisa ng katawagang "immitation kekkon". Sa palagay ko ay salitang nabuo ng mga kababayan natin dito sa Japan, katulad din ng mga salitang "Bilog" for Overstaying Forigeners at "Lapad" for Ichiman yen. :D
Ang tamang term po na tiyak na maiitindihan ng mga Japanese na makakausap natin about this matter ay 偽装結婚 -- Gisou Kekkon -- Fake Marriage. Tandaan po natin ang salitang ito at nang magkaintindihan kayo ng mayos ng iba nating hindi kabayan. :)

docomo
02-14-2007, 01:42 PM
@emay

pasensya na pero walang makakapag bigay sa yo ng sagot sa katanungan mo... hindi namin tino~tolerate dito sa TF na mag payo o magbigay ng impormasyon regarding sa issue na yan... :)