View Full Version : masama loob ko
alamagawa
06-03-2006, 02:40 PM
masama loob ko sa asawa ko kasi today kasama nya anak nya, wagamama ko no,well anak nya yun sa dati nyang asawa na haponesa. o siguro nagseselos lang ako. hindi ko alam.....basta ilalabas ko lang kasi kurushiiiiii....nung hindi pa kami kasal sinabi nya sakin na may anak sya pero nasa asawa nya....tapos nung kami na at dito na ko tumira nagkikita sila paminsan minsan....okay lang sakin, syempre anak yun and alam ko naman yung feeling ng anak kasi naging anak din ako, at syempre understood na yung feeling ng ama diba, pag kailangan sya nung anak nya sa school punta sya, nagpapaalam pa nga sya kaya ok lang sakin,kaso minsan parang ayoko ng ganung set-up.Minsan iniisip ko na lang ok nga yun diba kasi mabuti syang tatay na kahit hiwalay na sila nagagawa pa rin nya yung duty nya as a father......kaso minsan naiiyak ako kasi sinasabi ko sa kanya ok lang pero deep inside pala hindi pala talaga ok sakin kasi naiiyak ako eh like kanina nung sinabi nya sakin na may undo daw yung anak nya, basta hindi naintindihan eh basta may undo, sabi ko "talaga anu un?" sabi ko, hindi ko naintindihan paliwanag nya pero parang activity sa iskul,sabi ko ok cge itterrashai...pero after 3 seconds tumulo na luha ko sabay talukbong ng kumot nagtulogtulogan na lang ako para hindi nya makita....aaaaahhhh parang nagsisisi tuloy ako bakit nagpakasal pa ko sa kanya....kung hindi ko lang mahal to hay naku buhay talaga....may experience ba kyo na ganito...share naman o advice pampalubag loob .........
hello alamagawa,ganyan din ako dati,kasi ang asawa ko may anak din dati sa una nyang asawa.kaya lang minsan dumadaan din sakin ang pagseselos.di mo naman maiaalis yan kasi tao tayo,normal lang yan.pero sila ganyan talaga,so kelangan mong unawain kasi meron silang anak.kasi sila pagdating sa anak talagang responsible sila.kaya asahan mo na na kapag may event sa skol kelangan talaga ang magulang.di katulad sa atin sa pinas.unawain mo na lang at sigurado naman na ikaw ang mahal ng asawa mo.goodluck!!!!!tawa naman dyan:D
alamagawa
06-03-2006, 03:19 PM
lalo ko naiyak ano ba yan...pero thank you te ha.......ayoko na nga umiyak kasi baka pag dumating yun magtataka sabihin bat mugto mata ko..gusto ko sabihin sa kanya yung totoo kaso pag sinabi ko baka sabihin nya or isipin nya na wagamama ko o kaya baka hindi na sya magsabi sakin next time kung magkikita sila ng mga anak nya...buti ka pa parang naintindihan mo na sya, ako bago pa lang hindi pa sanay....kaya iyakin pa....nung dati nga tumawag sya after work nya, magdidinner daw sya kasama anakis nya ako naman ok lang sige sa loob loob ko shoganai ne, pero wag ka iyak na ko pagpatay nung phone, tapos pagdating nya nahalata nya na umiyak ako,sabi nya bakit?galit ka ba kasi kasama ko sila o nagseselos ka ba?, sabi ko hindi nahomesick lang ako,sabi ko bat naman ako magseselos sa anak mo ok lng yun sabi ko...hirap sabihin ng totoo....
fremsite
06-03-2006, 03:56 PM
alamagawa chan ... siguro mas mabuti rin na sabihin mo sa kanya nararamdaman mo .. para hindi bumibigat sa loob mo .. kasi kung ganyan ka ng ganyan .. pabigat ng pabigat dadalhin mo .. hanggang ma-stress ka ng husto .. baka dumating pa ang araw .. uminit pa ulo mo ..
kausapin mo ng ayos ang asawa mo at sabihin mong nagseselos ka talaga sa mga anak niya .. e ano kung malaman niya ? .. mabuti nga at sasabihin mo sa kanya para mabigyan niya ng solusyion . palagay ko .. mahal ka naman ng asawa mo kasi nagpapa-alam pa siya sa iyo pag pupunta siya sa mga anak niya .. ang hindi niya alam .. iniiyakan mo yun .. kung ano nararamdaman mo .. sabihin mo .. para makapag-isip din siya ... hindi wagamama yun prend ..
mag-asawa na kayo .. kailangan .. magsasabi ka kung ano nasa loob mo para lumuwag dibdib mo at para sa pagsasama ninyo ng ayos .. lakasan mo loob mo para masabi mo sa kanya .. :)
SMILE ~~~ :p
alamagawa
06-03-2006, 04:07 PM
oo nga eh sana masabi ko hirap kasi magnihongo kung tagalog lang nun ko pa nasabi sa kanya siguro eh ...anu ba yan naiyak na naman ako, tumigil na nga eh pauwi na pa naman daw sya after one hour......wala pa namang visine dito ....nahihiya pa naman ako pag nakikita ko nung umiyak eh lalo na pag magtatanong na sya kung bakit ako umiiyak mas lalong ang hirap magsalita anu ba to......buti na lang may tf thank you fremsite and bell...bawi ako sa inyo.........
v_wrangler
06-03-2006, 04:18 PM
I don't think the solution is something that your husband will do. It is something that you must do or change. What would you feel if it was the other way around? Halimbawang ikaw ang may anak, would you feel fine if your husband thinks its something you should stop?
I personally think you should be glad your husband takes time to tell you about what he intends to do. Buti at nagpapa-alam sya. In my humble otosan opinion - what he's doing is commendable.
Being a father isn't supposed to stop when he married you. So I guess - while it may be fine to feel a bit lonely and selfish at times - it would make your relationship more meaningful if you'd rather continue to support and understand that he was and will always be a father to his sons. Your future kids included.
Have you thought of joining him sa undoukai? I know it might not be easy with the former wife's presence but try to share in his joys sometime. I'm sure he'll reciprocate in more ways you may not have even thought of.
Goodluck.
fremsite
06-03-2006, 04:19 PM
oo nga eh sana masabi ko hirap kasi magnihongo kung tagalog lang nun ko pa nasabi sa kanya siguro eh ...anu ba yan naiyak na naman ako, tumigil na nga eh pauwi na pa naman daw sya after one hour......wala pa namang visine dito ....nahihiya pa naman ako pag nakikita ko nung umiyak eh lalo na pag magtatanong na sya kung bakit ako umiiyak mas lalong ang hirap magsalita anu ba to......buti na lang may tf thank you fremsite and bell...bawi ako sa inyo.........
alamagawa sis .. pag nakita niyang mugto mata mo .. sabihin mo na lang .. " *** chan ga inai kara .. chotto samishi katta .. " ganun na lang .. baka ma-gets na niya .. :)
no problem .. kaya mo yan .. kahit barok na nihonggo .. okay lang yan .. basta masabi mo ..:yesyes: SMILE .. ulet ~~~~ :sweeties:
myukasky
06-03-2006, 04:51 PM
Alam mo masuwerte ka kasi kahit papaano binibigay pa rin ng husband mo yung karapatan ng anak nya sa dati nyang asawa. Bihira sa hapon yung ganyan may mga namet ako kwento sila di na nila nakita yung anak or mga anak nila sa ex wife nya. Di ba mas masakit yun? Dyan na ako minsan nagseselos ka pero lawakan mo pa pang unawa mo at pasalamat ka din at nagpapaalam pa sayo paano pa kaya kung secret nya sayo yun di mas masakit? Minsan may mga bagay na dapat tayong unawain mahirap man pero ganun talaga buhay. May anak ba kayo? Kung wala nga natural lang yan pero kung meron siguro kahit papaano lubos mo siya maiintindihan. Isipin mo sis paano na lang kung sarili nyo na anak yun so mas masuwerte ka. :D Goodluck :D :p
alamagawa
06-03-2006, 04:55 PM
I don't think the solution is something that your husband will do. It is something that you must do or change. What would you feel if it was the other way around? Halimbawang ikaw ang may anak, would you feel fine if your husband thinks its something you should stop?
I personally think you should be glad your husband takes time to tell you about what he intends to do. Buti at nagpapa-alam sya. In my humble otosan opinion - what he's doing is commendable.
Being a father isn't supposed to stop when he married you. So I guess - while it may be fine to feel a bit lonely and selfish at times - it would make your relationship more meaningful if you'd rather continue to support and understand that he was and will always be a father to his sons. Your future kids included.
Have you thought of joining him sa undoukai? I know it might not be easy with the former wife's presence but try to share in his joys sometime. I'm sure he'll reciprocate in more ways you may not have even thought of.
Goodluck.
alam ko po yan..yan nga po yung inisip ko at yan din yung pumipigil sakin para sabihin sa kanya yung totoo...pero minsan diba hindi mapigilan ang selos and pagiging selfish na alam ko na hindi maganda lalo na anak nya yung invoved...kaya nga po sa tf na lang ako naglalabas eh para kahit papano mabawasan...about naman joining them in family activities together with the former, parang mahihirapan ako na gawin...naiintindiha n ko po kayo kasi tatay din po pala kayo.....thank you po pag share...
proud me
06-03-2006, 05:04 PM
Alamagawa san...kailangan turuan mo narin siguro ang sarili mo...diba sa simula palang alam mo naman na me mga anak ang asawa mo...sorry sa sasabihin ko kung maka sama sayo...iba ang pagmamahal sa mga anak...iba rin sa asawa...ang mga anak sariling dugo...ang asawa inibig mo bilang asawa para makasama sa buhay...sana maturuan mo pa ang sarili mo lalo pa...dahil wala kang dapat ika selos sa mga anak ng asawa mo dahil mag kaiba ang sitwasyon ninyo sa puso ng asawa mo...ikaw nga eh,asawa nya sa puso nya sana na get mo yong ibig kong sabihin...:) :sweeties:
alamagawa
06-03-2006, 05:11 PM
May anak ba kayo? Kung wala nga natural lang yan pero kung meron siguro kahit papaano lubos mo siya maiintindihan. Isipin mo sis paano na lang kung sarili nyo na anak yun so mas masuwerte ka. :D Goodluck :D :p[/quote]
wala pa nga eh... pero kung gusto nya na anytime ok lang, kaso wala naman sya sinasabi eh tsaka lagi po kaming safe... bata pa kasi yung mga anak nya kaya siguro ayaw nya pa...ewan hindi ko alam.....
alamagawa
06-03-2006, 05:19 PM
Alamagawa san...kailangan turuan mo narin siguro ang sarili mo...diba sa simula palang alam mo naman na me mga anak ang asawa mo...sorry sa sasabihin ko kung maka sama sayo...iba ang pagmamahal sa mga anak...iba rin sa asawa...ang mga anak sariling dugo...ang asawa inibig mo bilang asawa para makasama sa buhay...sana maturuan mo pa ang sarili mo lalo pa...dahil wala kang dapat ika selos sa mga anak ng asawa mo dahil mag kaiba ang sitwasyon ninyo sa puso ng asawa mo...ikaw nga eh,asawa nya sa puso nya sana na get mo yong ibig kong sabihin...:) :sweeties:
sa simula pa lang alam ko na pero iba pala pag nangyayari na...ok lang po proud me....sabi ko nga lalawakan ko yung pasensya ko eh..pag nagmahal talaga kailangan may sacrifice din na kasama eh no......thank you din ha proud me and myukasky......and fremsite ulit.....
dr_knockers
06-03-2006, 06:08 PM
hello there friend...smile lang po.:)
i want to say something to ease or lessen your burden at least a little, but just cant think of any. hehehe. but let me try...
your case, i see insecurities and possesiveness in your part which i think makes you so jelly right now... it is not a bad feeling anyway - you were just being true to your yourself.
Maybe you should try to see it in a more positive way, that your husband is just doing only what is the right thing to do as a father. In the first place you knew all these things before you bond yourself to marriage. So, we presume you have already prepared or conditioned yourself for this. aint it so?
Like what others say, please widden more your understanding with your husband. Give him the benefit of the doubt everytime he wants to see his son. You are lucky still, your husband tells you his whereabouts, which is more enough manifestation of love and respect. what if he wont? that really hurts.
Hope you can cope up with this delima in time. just keep yourself truthful and dont let insecurities over rules.
smile and cheer up...over bottles of beer. hehehe. SMILE po ulet.:bonk:
Autumn
06-03-2006, 09:17 PM
Wala man akong experience na tulad ng sa iyo,but as a Parent like your husband katungkulan nyan gampanan yun ..why being jealous? nasa iyo naman husband mo all the time..very rare na nga yun time nya sa anak nya diba..?isipin mo ..kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ng anak nya..what would you feel.? anak ka din naman ng parents mo..swerte ka lang siguro kasi magkasama parents mo..lumaki ka na nakikita mo sila pareho.lagi sa tabi mo to attend your needs..have a heart doon sa bata..alam mo naman in the first place na may anak hubby mo diba ?sana mahalin mo rin mga mahal nya.
paano pag nag kaanak na kayo? baka lalo kang maging posessive sa husband mo..at baka dumating yun time na lagi mong ikokompara or ipag kokompetensya yun anak mo sa anak nya? sorry ha but i dont seen any reason para umiyak ka dahil lang sa magkikita silang mag ama..mas masakit sa bata yun na makikita lang nya tatay nya minsan lang..sana lakihan mo pa puso mo..mas mamahalin ka ng hubby mo pag nakikita nya na may pagmamahal ka sa (mga) anak nya;)
benihana
06-05-2006, 12:52 AM
if you TRULY love your husband, you would also TRULY love his family.....
sabi nga, kung talagang mahal mo ang isang tao, mahal mo rin ang mga mahal nya sa buhay.:)
sam_227
06-05-2006, 10:18 AM
Alamagawa good am alam mo may anak din ang asawa ko sa una malalaki naman na sila nakasama ko pa ung panganay ng anak ng asawa ko,napakahirap sila kasama kaya nagtiis ako dahil sa mahal ko asawa ko..Lumipas ang buwan nag decide din ang asawa ko na bumukod kami dahil sa simula pa lang parang di ako matangap ng anak nya wala ako magagawa kaya palagi ko iniisip nalang na asawa ko naman ang pakikisa mahan ko at hindi sila.Masakit din sa akin yon malayo ang loob ng anak nila sa akin,ngayon may anak na kami hanggan ngayon di pa nila nakikita ang kapatid nila o baka di nila kami tangap hang gang ngayon .Minsan nga tinatanong ko asawa ko "ayaw ba nila makita yon kapatid nila" alibi nalang asawa ko pero ramdam ko ayaw nila kami makita.Wala ka pa anak kaya ganyan ang nararamdaman siguro pag nag ka anak ka mararamdaman mo din ito.Ako pa ang nakikiusap sa asawa ko na kumustahin nya mga anak sa una,Kahit manlang sa pone tawagan nya para kumustahin.Kaya huwag ka ng mag selos natural mente anak nya yon kahit ba hiwalay na sila asawa nya.dapat isipin mo din kung papano ka mapapalapit sa mga anak nya.Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa mga anak nya sana dumating ang araw matanggap nila kami mag-ina.Sana kahit konte makatulong ako sayo ganbatte ne huwag ka na iyak ha.:p
ritzyu
06-05-2006, 10:25 AM
Alamagawa san pasingit lang din ha.
Alam mo naiintindihan kita, likas talaga sa ating mga babae ang magselos,
gusto mo unawain ang sitwasyon kung bakit di mo pa rin magawa, kung
baga natatalo ng puso mo ang pag-iisip mo. Maswerte ka na dahil mabuting
ama ang hubby mo sa mga anak niya...at di hamak na mahal ka rin niya dahil
nagpakasal uli siya sa kabila nang haharapin niyang obligasyon sa inyong lahat.
Di naman masama mag-selos..tanda ng pagmamahal daw yan. :D
angel_cullet
06-05-2006, 02:59 PM
masama loob ko sa asawa ko kasi today kasama nya anak nya, wagamama ko no,well anak nya yun sa dati nyang asawa na haponesa. o siguro nagseselos lang ako. hindi ko alam.....basta ilalabas ko lang kasi kurushiiiiii....nung hindi pa kami kasal sinabi nya sakin na may anak sya pero nasa asawa nya....tapos nung kami na at dito na ko tumira nagkikita sila paminsan minsan....okay lang sakin, syempre anak yun and alam ko naman yung feeling ng anak kasi naging anak din ako, at syempre understood na yung feeling ng ama diba, pag kailangan sya nung anak nya sa school punta sya, nagpapaalam pa nga sya kaya ok lang sakin,kaso minsan parang ayoko ng ganung set-up.Minsan iniisip ko na lang ok nga yun diba kasi mabuti syang tatay na kahit hiwalay na sila nagagawa pa rin nya yung duty nya as a father......kaso minsan naiiyak ako kasi sinasabi ko sa kanya ok lang pero deep inside pala hindi pala talaga ok sakin kasi naiiyak ako eh like kanina nung sinabi nya sakin na may undo daw yung anak nya, basta hindi naintindihan eh basta may undo, sabi ko "talaga anu un?" sabi ko, hindi ko naintindihan paliwanag nya pero parang activity sa iskul,sabi ko ok cge itterrashai...pero after 3 seconds tumulo na luha ko sabay talukbong ng kumot nagtulogtulogan na lang ako para hindi nya makita....aaaaahhhh parang nagsisisi tuloy ako bakit nagpakasal pa ko sa kanya....kung hindi ko lang mahal to hay naku buhay talaga....may experience ba kyo na ganito...share naman o advice pampalubag loob .........
U should be happy mahilig pla sa bata aswa mo at responsible sya sa kid. healthy un.
Best thing u shoud do is to come up with your own.
Gawa rin kau baby.
alamagawa
06-05-2006, 04:29 PM
sa lahat po nagreply and nagshare thank you...sa lahat ng advices.......i realized na maciado kong isip bata hehe....nakakahiya.. ..and i realized too that the problem is me and not him.....thanks tf...........keep posting......
honey
06-05-2006, 10:16 PM
hi! alamagawa
Nakakatuwa ka naman e!:D ayain mo yung asawa mo na isama naman ang anak nya sa inyo at ng masya diba!!!magkakasama kayong lalabas para mapalapit sayo anak ng asawa mo maging kaibigan mo.Nang sa ganun maging masaya asawa mo at hindi sya nagkamali ng pagpili sayo.Lawakan mo ang pangunawa mo 'wag ka makipaghiwalay wala naman ginawang masama asawa mo para ikagalit mo :D hindi pa yun mabigat na dahilan para hiwalayan mo sya.
mOtt_erU
08-30-2006, 02:38 AM
HI alamagawa...
Alam mo natural lang yang naging reaksyon mo kase dokushin/ single ka nung nagpakasal ka sa asawa mo kaya hindi ka used/sanay sa ganoong klase ng sitwasyon...
Tama lang na iniyak mo..atleast totoo ka sa nararamdaman mo..
Kaya mo yan...sige unti unti turuan mo nalang yung isip at puso mo ng ACCEPTANCE.
na mahal mo asawamo kaya pinakasalan mo..at yung anak niya parte ng nakaraan niya na hindi na mabubura..kaya mo yan..hindi ibibigay ni Lord sayo nag Trial na yan kung hindi mo makakayanan..God bless you..:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.