View Full Version : Hindi na mahal...
sugar ray
06-03-2006, 07:09 PM
Ano kaya pang sabihan ka ng hubby mo na di ka na nya Mahal????:mad:
proud me
06-03-2006, 07:36 PM
natawa naman ako sa post mo...ako pag sinabihan ako na hindi na ako mahal...sagutin ko siya lumabas muna siya sa labas at mag pahangin...baka nabibigla kalang...yabang no :D pero okey lang kung hindi naba talaga mahal eh....okie lang sakin :) :D ilang iyakan lang yan siguro for me ha...dahil me edad nako...
ayumi
06-03-2006, 08:10 PM
ang SAKIT nun!..pero,kung ayaw na nya..e di ano pa magagawa mo? mag-usap ng masinsinan,pag-usapan ang mga pinagsamahan,magpa-counselling tapos usap ulit.When you feel the "MAGIC" is really gone...."SAYONARA" baby na!...aba!..sayang ang oras...at mag-enjoy sa pag-iisa,magpa over-haul at GO! maghanap...maghanap ng simbahan............ ...
at baka magmadre na lang ako....he.he..he..ma lungkot mag-isa eh,at least sa simbahan maraming madre na kakuentuhan.....
lyl_kym26
06-03-2006, 10:00 PM
Iyan ang greatest fear ng lahat ng mga maybahay diba, ang sabihan ng kanyang asawa na hindi na siya mahal...pero nothing is permanent in this world sabi nga nila. Pag-ibig man ay naglalaho din...pero kung darating sa akin ang sitwasyon na ito, sabihin lang sa akin ng asawa ko ang totoong nararamdaman niya at maiintindihan ko siya. mas mahirap ang magkasama kami sa isang bubong at magkunwaring mahal pa niya ako kung hindi na talaga diba..mahirap ang hinog sa pilit,ika nga.
Autumn
06-03-2006, 10:24 PM
Ako eto kaka divorced ko lang,its took 13 years na magkasama sa isang bahay.na walang paki alaman.nagsama lang dahil we are raising our children..dahil nun sinabi nya na hindi pala nya ako mahal dalawa na anak namin,tinapos ko na pagiging mag asawa namin..civil kami sa isat isa..mahirap ipilit ang di na pwede..masakit syempre noon una..pero pagdaan ng panahon.natanggap ko din. nawala yun galit ko at kahit papaano naging parang mag kaibigan din kami.
ganoon talaga.there's no permanent in this world .feelings nagbabago ..oh pwede din sabihin nagkakamali tayo ng akala na tunay na pagmamahal yun nararamdaman ..
now im facing my life alone..living alone..pero dumadalaw naman mga bata dito sa bahay ko..tama sabi ng lola ko noon..letting it go and move on...:) masaya naman ako.......
fisher
06-03-2006, 10:36 PM

I salute your courage and will Autumn Tsang!
Bangis
06-03-2006, 10:45 PM
I salute your courage and will Autumn Tsang!
Masaya na siya bro kasi nakapag-karaoke na sila ng friend nya diba? hindi kaya ikaw ang friend ni autumn na kasama nya sa karaoke? :D :biglaugh: :biglaugh:
Autumn
06-03-2006, 10:53 PM
Masaya na siya bro kasi nakapag-karaoke na sila ng friend nya diba? hindi kaya ikaw ang friend ni autumn na kasama nya sa karaoke? :D :biglaugh: :biglaugh:
Oy bangis..baka gusto mong matanggal yan pagka bangis mo ? :D
hala dapa para mapamaga yan pwet mo...pati si Akol pagbintangan ba..magalit si ano..... ewan pag nakita kita..im sure walang matitira dyan sa tenga mo..:fence::biglaugh :
Bangis
06-03-2006, 10:59 PM
Oy bangis..baka gusto mong matanggal yan pagka bangis mo ? :D
hala dapa para mapamaga yan pwet mo...pati si Akol pagbintangan ba..magalit si ano..... ewan pag nakita kita..im sure walang matitira dyan sa tenga mo..:fence::biglaugh :
Hahaha paborito mo pala tenga.. ngayon alam ko na.. pag nakakita ako ng lalakeng walang tenga.. sigurado yun yong kaibigan mo na kasama mo sa karaoke.. :biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:
japphi
06-04-2006, 02:06 PM
Ako eto kaka divorced ko lang,its took 13 years na magkasama sa isang bahay.na walang paki alaman.nagsama lang dahil we are raising our children..dahil nun sinabi nya na hindi pala nya ako mahal dalawa na anak namin,tinapos ko na pagiging mag asawa namin..civil kami sa isat isa..mahirap ipilit ang di na pwede..masakit syempre noon una..pero pagdaan ng panahon.natanggap ko din. nawala yun galit ko at kahit papaano naging parang mag kaibigan din kami.
ganoon talaga.there's no permanent in this world .feelings nagbabago ..oh pwede din sabihin nagkakamali tayo ng akala na tunay na pagmamahal yun nararamdaman ..
now im facing my life alone..living alone..pero dumadalaw naman mga bata dito sa bahay ko..tama sabi ng lola ko noon..letting it go and move on...:) masaya naman ako.......
Wow Autumm..all alone ka pala ngayon.....pero tama rin siguro yung desisyon mo na set him free...mahirap nga naman ang mamilit ano.Ang mahirap lang ay may mga anak kayo...pero I assure you....mawala man ang connection ninyong mag-asawa...connection n'yo nang mga anak mo ay zutto....ikaw pa rin ang mother nila.
Kung sa akin siguro sinabi ang "Hindi na kita mahal"....at talagang final na yon.....I'll set him free too.....dahil kung mahal mo ang isang tao handa kang magparaya...handa kang magbigay para sa ikaliligaya nya......at anong malay ko....somewhere out there...someday....s omeone ay may nakalaan naman para sa akin na mas mahigit sa pinag-paraya ko....and if time comes nagbiro ang tadhana....at pinabalik sya sa akin.....aba...kung ang toilet paper ay hinihila sya para maubos.....aba...ang Lowla...ibabalik at ibabalik ko sya para hindi sya maubos...baka dugsungan ko pa sya nang isa pang roll para matumbasan yung nagkulang na parte.
myukasky
06-04-2006, 05:24 PM
Kung sa akin sabihin ng husband ko yan syempre sa una masakit at ilang timba siguro ang mailuluha ko bago ko matanggap. Pero ganun talaga buhay di natin hawak ang pag-iisip at tibok ng puso nila. Kahit siguro may anak kami at ayaw na nya sa akin as in di na niya ako mahal ano pa magagawa ko? Lumuha man siguro ako ng bato di na magbabago yun. Siguro naman ako lang ang di nya mahal at yung kids namin doon pa rin yung pagmamahal nya. Tama na rin siguro yung palayain ko sya at hanapin yung path nya. Sa umpisa mahirap siguro mag-adjust lalo na kung maraming magandang memories.:D Sa part namin di rin ako sure kung kami na talaga, kung ako tatanungin gusto ko sya makasama till the end pero yung siya kung sino gusto nya makasama di pa rin ako sure. Wish ko lang sana if ever na dumating yan sana handa ako at matanggap ng kids namin.
benihana
06-05-2006, 01:15 AM
i may sound mean, but..... WHAT A RELIEF!;)
if two people can no longer function as one, then why prolong the agony?:rolleyes:
maimai
06-05-2006, 04:03 AM
sometimes people fall out of love...it happens. Its hard but it happens...people change and love changes.:( It is very hard to find out that the person you love doesn't have the same feelings as you..maybe its better to let him go...and move on with mylife alone..:)
sharja
06-05-2006, 04:03 AM
Kaya lang, anong magagawa ko kung talagang ayaw na sa akin. It might not be a total loss, pero iiyak, ako. I might need a bottle of tequilla but iiyak ako. I will even wear black outfit for a year. Sisindi din ako ng candles. I will do the ritual just like when one dies, kasi parang ganoon na yon. Then I will give myself flowers, I'll buy a dozen every sunday for a year. Then after that I will have a big celebration, just like, ano yon sa tagalog, baba ng luksa then I will move on with my life, go to the gym, take dancing lessons, go out on a date ( kung me magkamali pa:D ) life must go on, (I will take my journey back to life).
Babygirl
06-05-2006, 04:09 PM
Ako napagsabihan na ng hubby ko na di na nya ako Mahal grabe talaga ang iyak ko at wala ako palagi sa isip ko kasi di ko matanggap sa una.tinanong ko yong hubby ko bakit ganoon gusto daw nyang maging binata uli(baka di ba wagamama)pero tanggap nya na mali daw talaga nya.di ako nawalan ng pag-asa sinabi ko sa kanya na wakaretaikonaiyo anato no koto o aishiteru kara.(drama ako toto naman mahal ko ang hubby ko)nag sodan ako sa titser ko na japanese sabi nya pabayaan ko daw cya basta ang responsibilidad ko sa loob ng bahay gawin ko lng daw hwag daw ako agad agad mag akirameru sabi ng titser kasi minsan meron daw talaga sa mag asawa na darating ganyang season.I always pray to God talaga but yong hubby ko until now di sya pabaya sa akin lahat ng bayaran sya parin kinakausap nya ako.treat nya ako na wife nya ako but i do know kong plastikan lng basta ako andito pa rin ako sa bahay nya pakapalan nalang ng mukha.kasi sa isip ko pumunta ako dito sa Japan para samahan sya for better 4 worst at responsibilidad nya buhayin nya ako hehehe!!! tama ba ako payuhan nyo po ako
Tantantin
06-05-2006, 06:58 PM
I'm sorry to hear the sad experiences you have with your partners. I can only say that don't ever lose hope in life. My wife has similar experience or worse to some of you. She was also was married to a Jap and had 2 daughters which I happily adopted. Walang problema. Now they are both grown. Yung youngest, her name is Yuki and was with me since she was 1 year old so ako na ang nakilala nya. She's doing great the same as the eldest one her name is Miho.
When I was there I recalled most of the Pinays have to marry for convenience. Some has to marry out of pregnancy or some did it without the knowlege of really what it means whilst did not stop them from pursuing the true meaning. (By the way I spend 15 years of my life there as an OS waiting for my US petition) I know many would disagree with me, but 85% of the marriages of our kababayans in Japan was a failure or ended up in divorce. Yung iba kasi nagmadali and I don't blame them. Most did not even bother to take into consideration how things will be in the next 5, 10, 15 years of what marriage will become. Yung outlook lang ba. I did not say that you can read exactly what the future holds for everybody but it might be better na i-condition mo mabuti yung foreign partner mo on life with a Filipina and her cultures. Most Jap mens are polygamous and at the same time there are still some who treats women as second class citizen which is absurd. In my opinion they should have spent time more together knowing each other before jumping to the married life. Neverthless, its make or break at an early stage if there is time.
honey
06-05-2006, 09:46 PM
Kung sabihin sa akin yan tatanungin ko muna kung sigurado ba sya sa pinagsasabi nya kapag sigurado sya e di maghiwalay na kami....pero bago yun kailangan maging mautak ako bakit naman ako makikipag hiwalay na wala akong mapapala diba :D kung magiging maligaya sya sa disisyon nya na hindi na nya ako mahal dapat mas maging maligaya ako kailangan may makuha akong sustento danyos perwisyo nya sa akin sustento sa anak kailangan malaki sa akin kahit wla na alamin nya lahat ng obligasyon nya at tuparin kailangan may pirmahang mangyayari.... para sigurado.
Nang saganun walang sisihan at mabuhay kami pare parehong maligaya :D.
Nakakalungkot na sabihan ka nyan na hindi ka na mahal lalo na't asawa mo at matagal na kayo pero mahirap pilitin yung taong ayaw na talaga diba!!! mas lalo lang magiging masakit.Kaya shoganai iset free pabayaan sa disisyon basta wala nang balikan at idadahilan na para sa mga anak e kailangan magkabalikan o wag maghihiwalay ano yun!?yung mga anak magkakaroon ng sariling pamilya kaya kankenai yan ang importante dyan ay ang feeling lang ng 2 tao kasi kayo ang may sariling puso at may nararamdaman yung mga bata kapag lumaki sila saka nila maiintindihan ang mga bagay bagay kahit gaaano man kahirap.
green03
06-07-2006, 03:25 PM
:) pano naman pag babae na mismo ang may ayaw sa kanyang asawa?:) kailangan bang magtiis para sa bata?napaka martir noh?
summerghie
06-07-2006, 03:35 PM
letting go is the hardiest thing to do especially when you still love that person. for us girls parang it is so easy to say you dont love him anymore coz` we used to start the break ups when we used to have bf`s diba but in this case we were the one to be break up..:weep:
i know how it hurts..maybe i just can help but cry and ask him where did i go wrong?, is there a new one? OR ask him another chance to start over again but if things really fallin apart :bricks: well its time for letting go and move on w/ your life. pain dont really fade that easy but prayin and trusting yourself again will help a lot...:) :yesyes:
honey
06-08-2006, 12:17 AM
:) pano naman pag babae na mismo ang may ayaw sa kanyang asawa?:) kailangan bang magtiis para sa bata?napaka martir noh?
Mahirap na tanong ito hindi masyadong naipaliwanag ang situation..... pwede lang naman makipaghiwalay ang mga babae sa asawang hapon sa ganitong mga dahilan.....hindi ko na lalagyan ng list baka maraming magalit sa akin....:D.
Tanungin ang mga bata kung ok lang ba na maghiwalay ang mga magulang syempre hindi naman pedeng magulang lang ang magusap tungkol dyan dahil may mga utak at puso naman ang mga bata na nakakintindi at masasaktan.Siguraduh in din na may sapat na dahilan kung makikipaghiwalay kasi kung makikipaghiwalay ka lang ng dahil sa sarili mong kaligayahan napaka makasarili ang labas mo nyan:( .
Marami akong kilala na ginawa yan nakipaghiwalay sa asawa, nagsisi lang sila at hindi na makabalik sa nakaraan na tinuldukan na ng taong totoong nagmamahal sa kanila.
sensei
06-08-2006, 08:48 AM
Ano kaya pang sabihan ka ng hubby mo na di ka na nya Mahal????:mad:
Naramdaman ko yan, ang sakit pala....sabihan kang hindi na mahal at lumayas ka na dito sa pamamahay ko.
Nagwala ako, basag lahat ng plato. Winasak ko lahat ng gamit, para akong si superwoman na kahit mabigat ung TV, nabuhat ko at binalibag sa pader. Iyak ako ng iyak, parang binagyo un bahay namin. Nagsikip ang dibdib ko, nakita ko un PIKO ko pati pala siya nasaktan. Wasak din un cage nia, lipad lang siya ng lipad sa heya. Parang umiiyak, lalo akong napaluha. Kinausap ko dadi ko, bakit anong problema sa akin...hindi siya sumagot, tumalikod lang siya. Nagbalot ako ng gamit ko, mga damit tska important belongings ko. Ibinalik ko sa kanya un wedding ring, tska lahat ng gamit na ibinigay nia sa akin. Ang dala ko lang, mga gamit ko nung nag runaway ako 3 years ago, puro luma na pero ok lang. Tska un first picture namin ni dadi nung nag runaway ako. Picture namin...mugto rin ang mata ko dun kase natakot ako tumakbo.Saan ako pupunta?...may asawa na ung bestfriend ko...sa gabi ang trabaho nung mga naging kaibigan ko sa omise. Anlayo nila...
Tapos na empake ko...hinihintay ko siya na pigilan ako. Sabi nia, hintayin mo ako pagtapos ng trabaho ko at mag-uusap tayo. Hindi ako makakapaghintay sabi ko...."bakit, dahil ba hindi ako magkaanak?".....
Kahit ngayon habang tina-type ko to umiiyak ako....ang sakit pala.
Meron ka na bang ibang mahal?...ang sikip sa dibdib kase parang ayaw nia na akong kausapin.
Sinampal nia ako...pagkalakas-lakas.
Ginising nia ako kase binabangungot daw ako....anlakas daw ng iyak ko tapos puro luha...basang basa ang unan. Niyakap nia ako...lalo akong naiyak, humahagulgol talaga ako.
Tanong siya ng tanong kung ano un napanaginipan ko. Sabi nia sa akin pagkatapos ng kwento. "BIG BAKA!!! malayong mangyari yang sinsabi mo...pag naghiwalay tayo para akong pinutulan ng 2 kamay at paa. Ayan ang impluwensiya ng TF sayo...hehehe"
Palagay ko lang bangungot yon...tabesugi ako kahapon. Nagyasumi kami dalawa at nanood sa Odawara Robinson ng sine. DaVinci Code tska Poseidon...walang humpay ang kain ko...nagpunta kami ng Red Lobster bago umuwi...full tank ako bago natulog. Buti na lang sinampal nia ako...kahit masakit hanggang ngayon pisngi ko.
Naramdaman ko kung gaano kasakit sabihan ka ng hindi na mahal...kahit sa panaginip di ko matatanggap.
summerghie
06-08-2006, 11:03 AM
@ sensei; you caught my attention:eeek: ..naloka naman ako sayo..na carried away na nga ko sa kwento mo muntik na rin ako maiyak tas sa dulo panaginip lang pala ...:insane: :scratch:
nice one...pero totoo masakit talaga, it might happen in real life.
Galadriel
06-08-2006, 11:07 AM
@ sensei. Haha mukhang masakit ngang malaman ang totoo. Pero at least assured ka sa feelings ng husband mo :) .
Pag sa akin nangyari, hihingan ko sya ng paliwanag. Pag valid and talagang nararamdaman at nakikita kong wala na, tatanggapin ko. Mahirap pilitin ang wala na. Ayoko din ng mahabang usapan. Pag ganyan sya ka-honest, thankful pa ako.
sensei
06-08-2006, 11:15 AM
@ sensei; you caught my attention ..naloka naman ako sayo..na carried away na nga ko sa kwento mo muntik na rin ako maiyak tas sa dulo panaginip lang pala ...
nice one...pero totoo masakit talaga, it might happen in real life.
@summerghie,
kala ko rin totoo, hirap pala tanggapin...natawa nga ako kase nabuhat ko pati TV eh malaki pa sa akin yon. ayoko mangyari in real life...naiiyak pa rin ako hanggang ngayon eh.
hindi na ako kakain ng marami...
Pag sa akin nangyari, hihingan ko sya ng paliwanag. Pag valid and talagang nararamdaman at nakikita kong wala na, tatanggapin ko. Mahirap pilitin ang wala na. Ayoko din ng mahabang usapan.
@Galadriel
Nattokudekinai ako pag ganyan...siguro kahit anong paliwanag hindi ko maiintindihan kung sasabihin niang hindi nia na ako mahal. Lahat kase gingawagawa ko para maging succesful realtionship namin kahit pinay ako at hapon siya. waah ayoko po talaga.
bye back to work...
aprilluck
06-08-2006, 11:43 AM
Naramdaman ko yan, ang sakit pala....sabihan kang hindi na mahal at lumayas ka na dito sa pamamahay ko.
Nagwala ako, basag lahat ng plato. Winasak ko lahat ng gamit, para akong si superwoman na kahit mabigat ung TV, nabuhat ko at binalibag sa pader. Iyak ako ng iyak, parang binagyo un bahay namin. Nagsikip ang dibdib ko, nakita ko un PIKO ko pati pala siya nasaktan. Wasak din un cage nia, lipad lang siya ng lipad sa heya. Parang umiiyak, lalo akong napaluha. Kinausap ko dadi ko, bakit anong problema sa akin...hindi siya sumagot, tumalikod lang siya. Nagbalot ako ng gamit ko, mga damit tska important belongings ko. Ibinalik ko sa kanya un wedding ring, tska lahat ng gamit na ibinigay nia sa akin. Ang dala ko lang, mga gamit ko nung nag runaway ako 3 years ago, puro luma na pero ok lang. Tska un first picture namin ni dadi nung nag runaway ako. Picture namin...mugto rin ang mata ko dun kase natakot ako tumakbo.Saan ako pupunta?...may asawa na ung bestfriend ko...sa gabi ang trabaho nung mga naging kaibigan ko sa omise. Anlayo nila...
Tapos na empake ko...hinihintay ko siya na pigilan ako. Sabi nia, hintayin mo ako pagtapos ng trabaho ko at mag-uusap tayo. Hindi ako makakapaghintay sabi ko...."bakit, dahil ba hindi ako magkaanak?".....
Kahit ngayon habang tina-type ko to umiiyak ako....ang sakit pala.
Meron ka na bang ibang mahal?...ang sikip sa dibdib kase parang ayaw nia na akong kausapin.
Sinampal nia ako...pagkalakas-lakas.
Ginising nia ako kase binabangungot daw ako....anlakas daw ng iyak ko tapos puro luha...basang basa ang unan. Niyakap nia ako...lalo akong naiyak, humahagulgol talaga ako.
Tanong siya ng tanong kung ano un napanaginipan ko. Sabi nia sa akin pagkatapos ng kwento. "BIG BAKA!!! malayong mangyari yang sinsabi mo...pag naghiwalay tayo para akong pinutulan ng 2 kamay at paa. Ayan ang impluwensiya ng TF sayo...hehehe"
Palagay ko lang bangungot yon...tabesugi ako kahapon. Nagyasumi kami dalawa at nanood sa Odawara Robinson ng sine. DaVinci Code tska Poseidon...walang humpay ang kain ko...nagpunta kami ng Red Lobster bago umuwi...full tank ako bago natulog. Buti na lang sinampal nia ako...kahit masakit hanggang ngayon pisngi ko.
Naramdaman ko kung gaano kasakit sabihan ka ng hindi na mahal...kahit sa panaginip di ko matatanggap.
@Sensei ,
Hahahahaha,muntik mo na akong mapaiyak ,akala ko totoong-totoo .....buti na lang nag-short cut ako ng pagbasa kundi di matitigil ang pag -e-emote ko !!!!!Okey sa Allright ang pasok ng kuwento ,Hay jyos me ,muntik na akong malinlang .........Sa totoo lang.:)
Galadriel
06-08-2006, 11:58 AM
Nattokudekinai ako pag ganyan...siguro kahit anong paliwanag hindi ko maiintindihan kung sasabihin niang hindi nia na ako mahal. Lahat kase gingawagawa ko para maging succesful realtionship namin kahit pinay ako at hapon siya. waah ayoko po talaga.
bye back to work...
:D Pag valid lang naman yung reason sensei. Assuming all options have already been considered (counselling, self check, etc.) to make things better...yet andun pa din yung problema. Then both of us should move on. Life is too short to live in an unhappy relationship :) .
Autumn
06-08-2006, 11:59 AM
@sensei..ako nga naiyak eh..tapos laglag panga ko eh..:D
pero minsan talaga yun panaginip talagang ramdam na ramdam..dont worry kabaligtaran naman eh..
sensei
06-08-2006, 02:40 PM
muntik mo na akong mapaiyak :)
sorry po...galing sa puso ko iyung sakit, nagkamali lang ng entrada.
seryoso talaga ako...nakaramdam ako ng takot.
yet andun pa din yung problema. Then both of us should move on. Life is too short to live in an unhappy relationship :) .
I agree with that Galadriel. Ayoko ring maging prisoner of my own sa one sided relationship.
Pero as long as ma-maintain namin, ima shiawase wo tsukanderu...zutto tsuyoku tsukanderu.
@sensei..ako nga naiyak eh..tapos laglag panga ko eh..:D
Naramdaman ko kahit sa panaginip...talaga palang iiyak ka. Pero tulad ng sinabi ni Galadriel, move on !!! ito ang mahirap gawin kahit pala mahal mo yung tao...
Alam kong maraming girls dito na magaling magnihonggo.
I need help...so badly:O
Please visit my thread - My Japanese Bestfriend (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=462 5)
Dahil siguro dito binangungot ako...
Sabihan kang...."hindi na mahal"
Sorry for OT, this is just an extension.
japphi
06-08-2006, 03:25 PM
D'yaske sensei:eek: ....kamuntik ko nang malunok itong nga nga kow!!:eek: Kailan lang sa ibang thread ang ganda nang entrada mo...tapos biglang drama:eek: ....buti na lang at nakapag-preno ako at nag-isip....sabi ko pa mandin..."ba't ang dali naman....?"
D'yaske...panaginip lang pala....:eek:
Buti naman at panaginip lang...e kung tutoo nga...baka naman gustuhin mong matulog at muna at gumising nang maayos ano ha ha ha ha ha...haaaahhhhh....Y okatta.....!:p
maimai
06-08-2006, 05:01 PM
@sensie tsang..akala ko talaga totoo yung kwento mo...iniisip ko naman din kung sa akin kaya mangyari yun...ano kaya ang gagawin ko!.
nageemote na sana ako nung nabasa ko ang huling paragraph!
buti na lang di pa tumulo yung luha ko!:D :D
anyway,minsan talaga pumapasok sa mga panaginip natin ang ayaw natin mangyari...tulad mo rin,maraming beses na rin ako nakaganyan..meron pa nga,umuwi ako ng pinas tapos pinadalhan daw ako ng habibi ko ng divorce paper....grabe din ang iyak ko nun...buti na lang nagising ako,tapos biglang sabi...hay panaginip lang pala!
Tantantin
06-08-2006, 06:47 PM
@ sensei
Holy Chit. ROFL. Habang binabasa naming mag-asawa yung kapalaran mo ay feel na feel namin ang Agony sa Buhay mo. My wife even almost got to tears tapos yan pala ay isang panaginip lamang. My wife ended up changing her panties dahil naihi siya sa katatawa at ako naman ay nalaglag sa pagkakaupo at sumakit ang aking tiyan at kandautot ako. Whew!!! That was something.
Anyway, its good for you to have a loving husband. That is mostly missing sometimes from marriages. Husband and Wife do not spend time to each other anymore. Good and keep it up.
:D :eek: :) ;)
mOtt_erU
09-03-2006, 02:24 AM
HI sugar Ray,
alam mo baka hindi ako makapagsalita agad pag sinabi niya na hindi niya nako mahal at masampal ko nalang siya...:)
darlene
09-03-2006, 10:44 AM
hmmm, pagsinabi nang hubby ko na hindi niya ako mahal? well, simple lang hindi ako iiyak noh, sports lang hehehe tapos say bye bye........:(
Tarena314
09-03-2006, 11:01 AM
kung sakaling manyari na sabihan ako ni otosan ko na hindi na nya ako mahal,abah ! eh !, sinong tinakot nya at sino ba ang nawalan????? , mahirap na yata ngayon ang maghanap ng babae na matiisin ah !! wala akong gagawin kundi tanggapin ang katotohanan,,,....:) :)
sweet
09-03-2006, 01:37 PM
malamang na mag wala ako :fence: kasi baka di ko agad matanggap e,madali kasi akong magalit akyat ang dugo sa ulo.pero tapos nun ok na sakin yun bibigay ko ang hinihingi nyang kalayaan kung kinakailangan.as in katulad ng panaginip ni sensei kaya nga sabi ko pareho pala kami ni sensei un pala ang kanya'y isang panaginip lang...yokatta sensei:)
love0308
09-13-2006, 03:58 PM
God sana naman wag niya akong sabihan niyan dahil sasampalin ko siya! He he anyway if ever lang eh madadaan yan sa usapan kung ayaw di ayaw wag pilitin he he basta ba wag niyang itigil ang suporta sa baby he he joke lang po!:)
michiko
09-13-2006, 04:35 PM
talagang masakit kung sakaling sabihin saken ng habibi ko na di nya na ako mahal..iiyak ako at magtatanong kung bakit? pero kung talagang nawala na ang pagmamahal nya saken eh hindi ko na sya pipilitin na makisama saken. hahayaan ko sya aalis ako at maghahanap ng work para mabuhay ko ang sarili ko..
mahirap kasing makisama o makasama ang taong wala ng pagmamahal sayo..yan ang pinakamasakit na part na mangyayari sa mag asawa kung saka sakali..
sugar ray
09-14-2006, 09:48 AM
Magandang Araw po mga ka tf nag papasalamat po ako sa inyo sa mga opinyon nyo sa isa't isa.as of now ok na po kami ng asawa ko mula nong sinabihan nya ako ang sakit po talaga hindi ko po matanggap yong sinabi nya sa akin na di na nya ako Mahal.pero di po agad nag give-up pinabayaan ko lang sya at tinanggap ko lahat ang mga ayaw nya sa akin.ang dami nya pong mga ayaw nya sa akin hindi ko na po isa isahin kasi ang haba po talaga:D .din nag hiwalay po ako sa kanya ng higaan pero ang responsibilidad ko sa loob ng bahay is still go on pa rin.sasagot lang ako kong tatanungin nya ako wala para akong tanga nong time na yon.lumipas ang buwan bumalik na sya sa dati kinakausap na nya ako at niyaya mag gala kahit saan.siguro ganun lang yata ang tao minsan may tupak as a wife and husband minsan darating ang mga trials.bukod po sa mga ka TF na nahihingian ko ng tulong tinulungan din po ako ng titser ko na Haponesa sya po ang pangalawa kong nanay dito sa japan.sinabi ko lahat ang problema ko din sinagot nya lahat na ginito ganyan ang mga Hapon.at talino nya po talaga kasi ni isang beses di pa nya nakita ang asawa ko alam nya ang ugali ng asawa nakuha nya.pero mgayon Happy na po ako at nabigyan na rin po ako ng permanent visa.at kaya nabigayan agad ako ng visa ng dahil rin sa asawa ko nong sinabi nya sa akin na di na nya ako mahal sabi nya apply tayo ng permanent visa after 6 months mabigayan ka noon saka tayo maghiwalay(lol)kasi daw mali nya lahat para din sa future ko na di ako makauwi sa pinas kaya nagkaroon ako ng PR.kaya mga kabayan ko ano man ang problema natin bilang mag-asawa huwag po tayo agad mag panic pag-isipan po natin ng maigi.Mga ka TF ほんとねありがとうございます。心から感謝 しています
Autumn
09-14-2006, 11:02 AM
Im happy for you..korekara mo gambatte kudasai ne...
japina
09-14-2006, 11:25 AM
sugar ray happy rin ako for you. sabi nga nila "pag may tyaga, may nilaga" ako pag sinabi ng asawa ko na hindi na nya ako mahal. hindi ko siguro alam ang gagawin ko. kasi to be honest hindi naman basta-basta ganun na lang diba? mahirap makalimutan yun taong mahal mo. organize ko ang lahat. isipin ko kung saan ako nagkamali bilang asawa. at bakit kailangan humantong sa pagsasabi ng ganun. masakit if ever na sabihan ka ng asawa mo ng ganun. pero kung talagang ayaw na nya wala akong magagawa. mahirap ipag pilitan ang sarili at mahirap din na ikaw lang ang nagmamahal.
pero buti na lang at masaya kaming nag sasama, at ipinag darasal ko lang lagi na magtagal pa kami. dahil mahal namin ang isa't-isa.
xxxholic
09-14-2006, 12:58 PM
Naramdaman ko yan, ang sakit pala....sabihan kang hindi na mahal at lumayas ka na dito sa pamamahay ko.
Nagwala ako, basag lahat ng plato. Winasak ko lahat ng gamit, para akong si superwoman na kahit mabigat ung TV, nabuhat ko at binalibag sa pader. Iyak ako ng iyak, parang binagyo un bahay namin. Nagsikip ang dibdib ko, nakita ko un PIKO ko pati pala siya nasaktan. Wasak din un cage nia, lipad lang siya ng lipad sa heya. Parang umiiyak, lalo akong napaluha. Kinausap ko dadi ko, bakit anong problema sa akin...hindi siya sumagot, tumalikod lang siya. Nagbalot ako ng gamit ko, mga damit tska important belongings ko. Ibinalik ko sa kanya un wedding ring, tska lahat ng gamit na ibinigay nia sa akin. Ang dala ko lang, mga gamit ko nung nag runaway ako 3 years ago, puro luma na pero ok lang. Tska un first picture namin ni dadi nung nag runaway ako. Picture namin...mugto rin ang mata ko dun kase natakot ako tumakbo.Saan ako pupunta?...may asawa na ung bestfriend ko...sa gabi ang trabaho nung mga naging kaibigan ko sa omise. Anlayo nila...
Tapos na empake ko...hinihintay ko siya na pigilan ako. Sabi nia, hintayin mo ako pagtapos ng trabaho ko at mag-uusap tayo. Hindi ako makakapaghintay sabi ko...."bakit, dahil ba hindi ako magkaanak?".....
Kahit ngayon habang tina-type ko to umiiyak ako....ang sakit pala.
Meron ka na bang ibang mahal?...ang sikip sa dibdib kase parang ayaw nia na akong kausapin.
Sinampal nia ako...pagkalakas-lakas.
Ginising nia ako kase binabangungot daw ako....anlakas daw ng iyak ko tapos puro luha...basang basa ang unan. Niyakap nia ako...lalo akong naiyak, humahagulgol talaga ako.
Tanong siya ng tanong kung ano un napanaginipan ko. Sabi nia sa akin pagkatapos ng kwento. "BIG BAKA!!! malayong mangyari yang sinsabi mo...pag naghiwalay tayo para akong pinutulan ng 2 kamay at paa. Ayan ang impluwensiya ng TF sayo...hehehe"
Palagay ko lang bangungot yon...tabesugi ako kahapon. Nagyasumi kami dalawa at nanood sa Odawara Robinson ng sine. DaVinci Code tska Poseidon...walang humpay ang kain ko...nagpunta kami ng Red Lobster bago umuwi...full tank ako bago natulog. Buti na lang sinampal nia ako...kahit masakit hanggang ngayon pisngi ko.
Naramdaman ko kung gaano kasakit sabihan ka ng hindi na mahal...kahit sa panaginip di ko matatanggap.
:D putsa,Sensei......ka hit bago lang ako dito sa TF saka kahit Sensei tawag sa 'yo parang gusto kitang batukan.......hee hee!serious na serious ako sa pagbabasa ng post mo and kakasabi mong "sakit-sakit ng dibdib" mo feeling ko naninikip na rin 'yung dibdib ko......at maiyak-iyak na talaga ako,ha!'yun pala panaginip lang.....NGEK:p !hahahahaha......
nakaisa ka du'n ha!p'wede kang writer.....
pero tutuo ka......ako rin minsan napanaginipan ko na sinabi sa akin ng asawa ko na di n'ya na raw ako mahal at may nakita na s'ya ng iba.kasama n'ya pa 'yung babae,naghihintay sa labas ng bahay.........waaaaa aaaah:cry: .ginising n'ya rin ako kase lakas daw ng atungal ko.paggising ko talagang umiiyak nga ako........grabe ang tears!at talagang masakit pa rin 'yung dibdib ko.when i told him about my dream,tawa ng tawa ang loko.pero flattered naman s'ya......
gano'n ko daw pala s'ya kamahal.......panagi nip pa lang para na akong luka-luka......:D
hmmmmm......pero kung mangyayari s'ya in real life.............ewa n ko,BAKA MAPATAY KO S'YA...hee hee!well,nothing is permanent nga daw in this world....so,i guess i just have to accept it.ano pa nga ba magagawa ko kung di n'ya na ako mahal..........'yan ang sabi ng logical mind ko!pero kung ako lang......malamang di talaga ako papayag!ayoko magkahiwalay kami......waaaaaaahh hhh!
sugar ray
09-14-2006, 07:30 PM
Autumn san and japina san,salamat din po sa inyo.masaya na po ako ngayon at naging matigas na ang puso ko sa sunod kong meron na naman syang ayaw sa akin ay handa na po ako.ang hirap po talaga kapag ang mapangasawa mo yong Hapon na typical yong medyo maypa ka sinaunang tao:D (江戸時代)maraming bawal.pero accept ko rin sa sarili ko na marami akong mali kasi po di ko talaga alam yon and now alam ko na nag-iingat na po ako.at sya din nag-iingat na rin utagai sama.kong may mga problem kayo about sa husband nyo consult to me hehehe:D :D :D joke lng po
mi-ca2720
09-29-2006, 07:49 AM
di lang naman mga japanese ang ganyan,,,yung asawa kong pinoy sinabihan din ako na"bakit akala mo ba mahal kita,hinde kita mahal no!"i-apply mo yung permanency tapos ipa-annul mo yung kasal natin ayokong makisama sayo habangbuhay no!"...............tagos hanggang ngayon yang salitang yan dito sa puso ko at hindeng hindi na yan mabubura s isipan ko......
masakit pero ang nasabi ko lang"matagal ko n rin naman gustong gawin yan kaya lang naaawa ako s mga bata...walang luhang pumatak ayokong makita nya,,pero pag talikod ko nilabas ko lahat.mahaba ang 10 taon pinilit kong maging mabuting tao,mabuting asawa,at nanay syempre.....bakit ganon?
sa ngayon mgkasama p rin kami ginagawa ko pa rin ang mga responsibilidad ko s bahay,,,pero tinutoo ko yung sinabi nya na mag-apply ng permanency,,,at pinipilit kong ihanda ang sarili ko sa mga susunod n mangyayari..
mamimo
09-29-2006, 08:19 AM
ang SAKIT nun!..pero,kung ayaw na nya..e di ano pa magagawa mo? mag-usap ng masinsinan,pag-usapan ang mga pinagsamahan,magpa-counselling tapos usap ulit.When you feel the "MAGIC" is really gone...."SAYONARA" baby na!...aba!..sayang ang oras...at mag-enjoy sa pag-iisa,magpa over-haul at GO! maghanap...maghanap ng simbahan............ ...
at baka magmadre na lang ako....he.he..he..ma lungkot mag-isa eh,at least sa simbahan maraming madre na kakuentuhan.....
Gusto ko tong comment mo,
Step#1 Mag-usap ~ pag-usapan kung anong real score baka may dinadaanan lang na problema partner mo at naguguluhan, basta dapat be honest kung may third party aminin.
Step#2 Counselling ~ tamang solusyunan muna at hingin advice ng experts/experienced kasi mas may knowledge sila kaya pwede kayong matulungan i-assess ang situation whether if the marriage need a little repair, overhaul or whatever.
Step#3 Parting Ways ~ kung nagawa nyo na yung steps 1 & 2 at firm pa rin kayo sa desisyon then let it go.
gosh! ang sakit nun:( ,but i guess its better rather than to pretend.at least his honest enough to tell what he really feels,kesa kung ano ano dahilan at lies ang sasabihin nya.un lang:) by the way im a new member and the reason why this topic catches my attention is because,i think ill be having the same prob,my relationship w/ my husband right now really is on the rocks,:O the hardest part of it is weve been only living together for only 8mos now,and he started to change.im so disappointed and upset.i dont know what to do:confused:
taurean06
10-07-2006, 02:06 PM
Pag sinabihan ka nia ng ganoon, di sagutin mo cia ng" bakit, sa palagay mo mahal pa rin kita?" then pag sinabi niya bakit ka pa nakikisama sa kanya, sabihin mo eh bakit din cia ganun sa iyo?? In other words,IBALIK mo sa kanya lahat ng sinasabi niya sa yo at tingnan mo, mapapagod din yan sa mga negatibong bagay na gusto niyang sabihin sayo! I know it sounds childish pero minsan it works u know! At isa pa, mare-realize niya how painful it is na pagsabihan ka ng ganun....yun ay kung mahal ka pa niya! Anyway good luck to you!
mukomae
10-19-2006, 01:48 PM
Hello sugar ray
Pag ako sinabihan ako ng hubby ko na hindi na niya ako mahal...
ask ko kung paano ang gagawin namin? Mag rikon ba tau o wala nalang paki elamanan.. Alis siya sa house ko hanap siya sarili niya house... rikon man o hindi ... :mad: :mad: :mad:
dianne
10-19-2006, 04:50 PM
waaaaaaahhhhhhhhhh!! !!!!!!!!!!!!!!:nono: ayaw :rolleyes: it will never hapen :p paano nga kaya no esep-esep muna:ohlord:
pineapple
10-19-2006, 05:08 PM
hindi ko pa naman eto nariring sa loves ko pero.. if ever na magka ganon.. huh di ko alam gagawin ko sakanya umiikot mundo ko.. hindi ko siguro kaya.. pero .. ill just cross the bridge when i get there.. no matter what .. siya parin mamahalin ko kahit na hindi na nya ko mahal... (wag naman po.. )
sugar ray
10-19-2006, 07:19 PM
Pag sinabihan ka nia ng ganoon, di sagutin mo cia ng" bakit, sa palagay mo mahal pa rin kita?" then pag sinabi niya bakit ka pa nakikisama sa kanya, sabihin mo eh bakit din cia ganun sa iyo?? In other words,IBALIK mo sa kanya lahat ng sinasabi niya sa yo at tingnan mo, mapapagod din yan sa mga negatibong bagay na gusto niyang sabihin sayo! I know it sounds childish pero minsan it works u know! At isa pa, mare-realize niya how painful it is na pagsabihan ka ng ganun....yun ay kung mahal ka pa niya! Anyway good luck to you!
taurean06 san,salamat po for your comment sa thread ito.mahirap po talga pag masabihan tayo ng mga hubby natin na di na Mahal,pero mahal ko ang asawa ko kaya po nagpakumbaba ako.sa awa naman ni Lord may magandang kapalit naman po naging mabait sya sa akin at di na nya sainabi ulit sa akin yong sinabi nya.sa mga time na yon di ko kasi sya inaway at pinabayaan ko sya sa buhay nya kasi ang inisip ko dati na mabigyan ako ng PR at libre ako sa bahay.hirap yatang hati sa bayaran:D .as of now wala na pong problema sirguro po nong time na yon stress lang po sya at tao lang po tayo na nagkakamali at may pagbabago sa buhay na di dapat madiktahan kahit sino man:D :D :D
taurean06
10-20-2006, 02:11 PM

Hi Sugar,
Im glad to hear na okey ka na, good for you :) Alam mo kasi sa marriage maraming challenge na dumarating. Nasasabi ninyo sa isat isa ang hindi magandang bagay pag pareho kayong galit. Pag sinabi sa akin yun ng hubby ko na galit na galit siya, that means dala lang siguro yun ng galit niya(away ninyo) ganunpaman hindi din okey yun diba?.Pero dahil may feelings ka din na nasasaktan, siempre ganun din ang ibabalik mong salita sa kanya. Later on ,may regrets ka nga kung bakit no yun nasabi sa taong totoong mahal mo pero ganunpaman dapat lang sigurong ipakita mo rin sa kanya na meron ka ring pride,lalo pa hindi lang siya ang lalaki sa mundo no!! But balik tayo sa topic , pero halimbawa sinabi niya yun(di ka na niya mahal) ng mahinahon at seryoso, that means that's the end of it. Kailangan tapusin mo na kahit pa mahal na mahal mo siya. You have to move on with your life, sayang ang buhay mo kung ifo focus mo lang sa taong ayaw na sayo ang mundo mo. Isipin mo nalang, may binibigay sayo si Lord na mas deserving para sayo. Think positve at alam ko magiging ok kalang. Panibagong chapter ng buhay ika nga:)
Anyway congrats at PEACE na kayo ni hubby mo! Yan ang pinaka importante. Pag hindi pa naman siya tumino eh baka malintikan pa siya sa yo no !:D
taurean06
10-20-2006, 02:20 PM
taurean06 san,salamat po for your comment sa thread ito.mahirap po talga pag masabihan tayo ng mga hubby natin na di na Mahal,pero mahal ko ang asawa ko kaya po nagpakumbaba ako.sa awa naman ni Lord may magandang kapalit naman po naging mabait sya sa akin at di na nya sainabi ulit sa akin yong sinabi nya.sa mga time na yon di ko kasi sya inaway at pinabayaan ko sya sa buhay nya kasi ang inisip ko dati na mabigyan ako ng PR at libre ako sa bahay.hirap yatang hati sa bayaran:D .as of now wala na pong problema sirguro po nong time na yon stress lang po sya at tao lang po tayo na nagkakamali at may pagbabago sa buhay na di dapat madiktahan kahit sino man:D :D :D
At least umepekto sa hubby mo yung silent treatment na ginawa mo sa kanya sugar. Siguro na realise niya yung mga mali niya. Sana ma maintain mo na yang relationship niyo para happy ka palagi:) Good Luck!
sugar ray
10-20-2006, 06:56 PM

baka po na realized nya yong mga mali nya kasi ako na realize ko yong mga mali ko rin sa kanya.but di ko na sya tinanong sa mga bagay na yan at subukan lang nya sabihin nya sa akin ulit sa akin yon at ready na akong mag alsa balutan kasi PR na ang lowla:D :D :D
sugar ray
10-20-2006, 07:03 PM
Hello sugar ray
Pag ako sinabihan ako ng hubby ko na hindi na niya ako mahal...
ask ko kung paano ang gagawin namin? Mag rikon ba tau o wala nalang paki elamanan.. Alis siya sa house ko hanap siya sarili niya house... rikon man o hindi ... :mad: :mad: :mad:
mukomae san,sa desisyon nyo tama po kayo hiwalay or alis sa bahay,sa akin naman po inisip ko yang mga ganyan nong sinabihan nya ako sa oras na yon pero kalma lang po ako kasi iniisip ko rin na di pa ako permanent nong time na yon at saka baka magbabago pa ang isip nya.kasi ayaw kong maghiwalay kami na kahit singkong duling wala man lang akong makuha sa kanya:D .sabi ko sa kanya bigyan mo ako ng permanent bago tayo maghiwalay e di pumayag sya but until now may PR na ako wala na syang sinabi about sa hiwalay magkasama pa rin kami at open na sya lahat sa akin pati sa nangyayari sa work nya sini share nya sakin.dati wala un :D
sugar ray
10-20-2006, 07:04 PM
hindi ko pa naman eto nariring sa loves ko pero.. if ever na magka ganon.. huh di ko alam gagawin ko sakanya umiikot mundo ko.. hindi ko siguro kaya.. pero .. ill just cross the bridge when i get there.. no matter what .. siya parin mamahalin ko kahit na hindi na nya ko mahal... (wag naman po.. )
wow!sarap naman:p :D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.