View Full Version : kapatid ko nahuli!
pola228
06-03-2006, 09:42 PM
Gusto ko lang share sa inyong lahat ang nangyari sa aking kapatid...
Dec3,2005 dumating dito ang aking ate nag work sya sa Tokyo (umise) at nag OS..kahapon nahuli sya..nung una kong tinawagan cel nya nag r-ring lang..sumunod nasagot nya at ang sinabi nya lang" nahuli ako!"...tapos diko na ulit nakontak:( kagabi before 6pm nag ring ang cel ko at narinig ko ang pag interview sa kanya...pinarinig lang sakin ng ate ko..ewan ko kung alam ng pullis na may dala syang cel..maya maya nagtxt sya at sabi nya lang "alis sila sa bahay!" ang tinutukoy nya ay yung ibang kasamahan nyang bilog...tinext ko sa kaibigan nya..umalis na sila agad..before 9pm may tumawag na ang # ay start sa 03 kaya alam ko ng from immigration or police station yun...pagsagot ko malumanay naman nagsalita ang pulis at ang naintindihan ko lang...nahuli nga daw nila kapatid ko at ngayon nasa ganitong lugar at kung maaari dalhan ng damit para makapagpalit..makaka uwi naman daw ate ko pero hindi agad agad..wag daw akong magalala:D ..wait ko lang daw ulit tawag nila..may mga sinabi pa sya kaso lang sa sobrang kaba ko parang lumabas nalang sa kabilang tenga ko..before 10pm tumawag ulit ako at tinanong ko kung sang police station..kasi nga diko naintindihan nung una..so ok na..pinapunta ko yung friend kong may visa para magdala ng damit doon..ngayon yun hindi ko pa alam kung ano ng nangyari...
hayyy..:( siguro tanong ng ibang makakabasa nito bakit ko pinayagan mag tnt ate ko...naawa kasi ako sa kanya dahil 2 anak wala pa tatay...kaya nagbaka sakali dito..pero ok narin naman nangyari atleast mak-kwento nya samin kung gano kahirap maging tnt...ang magpalipat lipat ng tirahan..kung gano kahirap mag work sa umise...hayyy..syemp re ako malamang di na makaka pag invite...
kanina ko lang sinabi sa byenan ko..sya nga pala alam ng asawa ko lahat ng nangyari....at yun na nga sabi ng byenan ko "so to omota:rolleyes: "...akala ko talaga pagagalitan ako kaya panay praktis ko kung pano ko sasabihin...ayun buti nalang ok na...pero secret namin kay ojisan kasi baka atakihin sa puso e:D ...
sabi nga pala ng pulis pag nandun naraw sya sa NYUKAN TOKYO makakausap ko raw naman ate ko.. kaya pagnakausap ko na sya ulit kwento ko sa inyo:D
hayyyy.....hayyyyy.. ..shoganai:D
v_wrangler
06-03-2006, 09:47 PM
"so to omota"(just as I thought...)
Kung gigisahin mo ang mga katagang iyan, sadyang masaklap.
Sana ay magsilbing aral sa ating lahat. Hindi lamang iyong mga nago-overstay ang mapapariwara. Gayun din ang mga nag-imbita sa mata ng ating mga kaanak dito sa Japan.
pola228
06-03-2006, 10:58 PM

kaya ko nga kinapalan ang mukha kong ikwento dito ang nangyari samin baka sakaling magsilbing aral e:D
docomo
06-03-2006, 11:08 PM
Kung gigisahin mo ang mga katagang iyan, sadyang masaklap.
Sana ay magsilbing aral sa ating lahat. Hindi lamang iyong mga nago-overstay ang mapapariwara. Gayun din ang mga nag-imbita sa mata ng ating mga kaanak dito sa Japan.
a good honest feedback 'cause honestly i think most of us had to deal with the ugly side anyways :)
@pola228
.. sorry to hear about that.. don't sweat it , it's not the end of the world :)
honey
06-05-2006, 10:04 PM
hi! pola228 kawawa naman ate mo sana mapauwi agad sya sa pinas ng ligtas.
Marami rin akong kilalang nag TNT dito sa japan at inaaaya nila akong magimbita ng mga kamag-anak o kapatid na walang trabaho para magtrabaho din dito sa japan.Kaya lang kung iisipin ko gusto kong maayos ang pagpunta nila dito sa japan hindi TNT at ng hindi ako kakaba kaba.
pola228
06-06-2006, 11:09 PM

alam mo honey kung nalaman ko lang agad itong site nato malamang diko na ginawa yun..marami talaga akong natutunan dito sa TF...pero ok lang din naman kasi atleast malalaman ng mga ibang kamaganak namin ang buhay na dinanas nya here...e yung isang sis ko pa nga e gusto rin pa invite...hindi ko naman sinabing ayoko pero di nya alam isip lang ako idadahilan ko sa kanya...:D eto na nga sabihin ko di na ko pwede maginvite...penalty nako:p apply pa naman ako permanent visa next week...bigyan kaya ako:weep: ...
maimai
06-06-2006, 11:55 PM
hi pola...ganyan talaga ang buhay...pag araw mo na talaga araw mo na..:)
ganyan din ang nangyari sa friend ko dati...pinasukan din yung omise na pinagtatrabahuhan nya..overnight sila sa police station tapos nung kinaumagahan dinala agad sila sa migmig...
huwag ka na mag-alala pagnasa immigration na yun..pakakatawag na sya sayo...yung friend ko isang linggo lang sya nakakulong dun kasi kumpleto naman ang papeles nya..may passport kasi sya kaya nakauwi agad sya sa pinas...yung mga kasamahan nya daw umaabot ng isang bwan kasi walang maipapakitang identification...:)
pola228
06-09-2006, 03:46 PM

thanks maimai:D last friday nahuli sis ko kahapon tumawag pulis at ininterview lang ako..alam kong inaalam lang nila kung magtutugma yung sasabihin ko sa sinabi ng ate ko...ok naman..mabait yung pulis kausap:D nagalala lang ako nung una kasi narinig ko sa paginterview sa kanya sinabi nyang wala sa kanya passport...e kahapon tinanong ko pulis sabi nya hawak daw ng ate ko...malamang sinabihan yun ng mga kasabayan nyang nahuli na aminin ng dala nya kundi mas matatagalan sya...parang di yata hinahalungkat gamit nila:confused: kasi dala nya cel mukhang di alam yata ng pulis..sinabi nyang nagtrabaho sya 1 week lang sa umise pero tinigil nya narin kaya hanap sya iba..kasi kung sabihin nyang nag w-work sya dun ipapaturo yung umise e ang dami nyang kasamahan dun na OS...siguro next week or sa monday tatawag na ate ko sakin para sa tiket nya:rolleyes: :D ...
japphi
06-09-2006, 05:14 PM
Hi pola......marami rin naman sa mga kababayan natin ang ganyan na nahuhuli.....talagan g ganyan...hanggang doon na lang siguro....at least natulungan mo sya kamo.
Noon may pinsan din ako na nag-OS din 10 years din sya dito...pero hindi ko alam na pumunta sya dito sa Japan....nabigla nalang ako nang tawagan nya ako....tinulungan daw sya nung hipag at bayaw nyang hapon...then nag-trabaho sa construction.Ok naman ang naging buhay nya dito dahil mabait yung boss nya na bayaw nya.
Sabi nang asawa ko..."dame...pauwiin mo na kanya illegal yan"...e masasabi ko ba naman sa pinsan ko yon....at dumaan ang ilang taon....pero sabi ko sa kanya na huwag nyang sayangin ang pagiging OS nya...mag-ipon sya at pag may ipon na saka mag-planong umuwi.
Tamang tama naman na last year ay 10 years na sya dito.......sumuko sya at habang inaayos ang mga papeles sa pag-uwi ay hindi sya tumawag sa akin o hindi pinaalam man lang na sumuko o uuwi na sya...para daw huwag akong mag-alala.Nalaman ko na lang nung nakauwi na sya...pinatawag nya yung hipag nya sa akin.Kaya pola...may hangganan ang lahat..huwag ka nang malungkot.....at hindi ka na rin kinakabahan nyan dahil makakauwi na rin sya.
pola228
06-09-2006, 09:04 PM

thanks lola japphi:) swerte naman nun 10yrs sya, sigurado kahit papano nakapagipon sya..ate ko saktong 6months sya kaya 3months syang OS..walang naipon..kasi padala panggastos sa mga anak nya everymonth..buti nalang full payed na nya yung tuition fee ng anak nya...pati mga gamit nabili narin..yun lang ang magandang napuntahan ng pera nya..buti nalang:D
Hi pola228,sorry to hera that,pero talaga yatang ganyan ang buhay ano?
Dalawa pa naman ang mga anak nyang binubuhay,Hayy,nakak alungkot:(
Kumusta na sya ngayon,makakauwi ba agad siya?
summergirl
06-15-2006, 06:27 AM
Relax ka lang Pola,paano ka makakaisip ng tama kung tense ka,ok lang yon,at least andiyan ka na pwedeng tulungan sya in case na mag ka problema,pera lang ang solusyon diyan,kung may pamasahe sya na pambili ng tiket hindi sya mag tatagal ,kaya relax dear baka makasama sa iyo.At dont mind kung ano ang sasabihin sa iyo ng tao kung bakit mo sya pinag -os,may mga dahilan ang tao kaya nila nagagawa iyon,kaya ok lang yun para sa IKABUBUHAY ng mga bata
pola228
06-15-2006, 09:28 PM
salamat po depp at summergirl :) ...worried na nga ako ngayon kasi bukas 2weeks na di parin sya tumatawag..kasi sabi ng pulis tatawag yun sakin pag nailipat na sa immig...wait ko nga call nya kasi yung sa tiket e..:(
mikan1227
06-15-2006, 10:43 PM
nalulungkot ako :( ewan ko ba naaawa ako sa mga kababayan natin na talaga naman nagkakandahirap makaahon lang ang pamilya. marami pa talga akong bigas na kakainin bago ko maintindihan lahat ang pamumuhay dito sa japan. wish ko lang na sana dumating yung time na makapagwork na ng legal ang mga pinoy dito sa japan nde lang bilang mga entertainer (well wala naman masama sa pagiging entertainer) sana lang may iba pang field na pwedeng ilabas ang galing ng pinoy!
pola sorry to hear that sana ok na ang ate mo at sana makahanap siya agad ng work paguwi nya sa pinas kasi mahirap maging single mom :( sana may naging bf siyang japon para pakasal na lang sila (wish ko lang kasi naawa ako sa ate mo eh) at makapagwork na siya dito sa japan ng legal. i pray for your ate!!! itsumo kioskitte...
reading this thread gives me more courage napakapetty lang pala ng problema ko kesa sa iba.i hope sana umayos na ang bansa natin para naman nde na tayo naghihirap ng ganito wala ng tnt sila na ang pupunta sa bansa natin to work....just wishfull thinking :rolleyes:
goodluck to all!!! kailangan talaga nating magkaisa mga kababayan ko!!!! Mabuhay ang people power nyahahaha:D
midnight
06-16-2006, 12:53 AM
a good honest feedback 'cause honestly i think most of us had to deal with the ugly side anyways :)
@pola228
.. sorry to hear about that.. don't sweat it , it's not the end of the world :)
docomo, i like what u said here..." dontsweat it,its not the end of the world....vrery good ka talaga. i like that phrase..:)
ngayon ko lang nabasa post mo.nakakalungkot naman nangyari sa kapatid mo,kumusta na sya ngayon?sana makauwi na sya agad.
miles
06-19-2006, 05:38 PM
upps!!! nadoble yung post reply ko, gomen ne..
miles
06-19-2006, 05:44 PM
Ngayon ko lang nabasa itong post mo. siguro naman by this time makakauwi na ang ate mo, Natapos na ung walang katapusang pagtatanong sa kanya na paulit-ulit lang naman.
nakakalungkot pero ganoon talaga pag OS asahan na ganito ang mangyayari dapat laging handa, sana naman may ipon ang ate mo para makapagsimula uli dito sa Pinas, ang hirap pa naman na buhay dito. anyway the good thing is makakasama na nya ang mga anak nya. Gambatte na lang pakisabi sa ate mo.
pola228
06-19-2006, 06:31 PM
sa inyong mga nagalala maraming salamat at naintindihan nyo ang nangyari kahit naba masama sa mata ng batas...pero masaya ako ngayon kasi kaninang tanghali tumawag na sya sakin at ngayon lang daw sila dinala sa immig..naiiyak nga e pero sabi ko ok lang yon sabi nga ni docomo san its not the end of the world:D at tama si miles na the good thing is magkasama na sila ngayon ng kanyang mga anak..sa work naman balik sya sa pinsan kong mayari ng asian massage...balik sya sa pagiging trainor:D
kaya inaasikaso ko tiket nya ngayon..basta may tiket na makakauwi na..dami daw nila at mas marami chinese..
salamat ulit sa inyo:)
pola228
06-20-2006, 04:33 PM
kanina tumawag ulit sis ko at sinabing pag hindi pa na receive ang pambili ng ticket or ang plane ticket mismo bago mag alas tres ililipat na sila sa Ibaraki..
(parang kidnapped for ransom:D ) at talaga namang para akong call operator na busy sa pakikipagusap sa kanya at sa mga taong pinagoonegai an ko dahil malayo nga ako diba..at grabeeee ang ticket doon 6-7lapad:eek: ...hayyy..pero shoganai kailangan ng doon bumili kundi malilipat sya sa Ibaraki at matatagalan daw sya doon pagnagkataon..buti nalang may dala pala syang pera at doon daw sya bumili ng underwear nya:O ...at ang card pantawag ang mahal..wala pa yatang 5mins yun..1000yen na!:eek: pagmagaabot pala ng pera or ticket doon kailangan kabisado mo buong name at jusho ng magdadala kasi itatanong doon..ngayon nasa sayo na yun kung gusto mong makausap or makita pero kung hindi na pwede na iwan sa staff..(yun ang ginawa ng nagabot ng pera) wish ko lang makarating nga sa ate ko..kapag ok na yun bukas makakatawag ulit ate ko...at baka bago mag friday makauwi na yun..sana!
napaka hirap palang magasikaso nun.. kaya para sa mga bilog na ang mga kamaganak ay nasa malayong lugar or hindi agad pwedeng lumuwas..kailangan handa kayo lagi sa bag nyo ng pera pantawag man lang at mga # ng kamaganak nyo or mga kakilala nyong may visa na pwedeng pumunta mismo sa lugar na kung san kayo nandun..prepare kayo ng pera pambili ng ticket..kung hindi talagang ewan ko nalang kung pano na..basta matatagalan kayo..
at kailangan magtutugma ang mga sinasabi nyo at ng kamaganak nyo para mapabilis..
bukas ko na malalaman kung tuloy na ate ko na makakauwi na this week..
proud me
06-20-2006, 04:57 PM
pola228...mabuti nga yong ate mo nandyan ka..nag aasikaso...bigla ko lang naalala nong ako rin noong araw nong sumuko ako...meron akong mga nakasabay na mga kababayan natin nahuli...matagal rin daw sila nakulong...tapos nong pauwi na kami...mula immig.hanggang pag pasok sa eroplano nakatali sila sa bewang at nakaposas yong mga kamay nila...dalawa kaming suko sa immig. akala nga naming dalawa pati kami itatali at lalagyan ng posas natakot ako talaga :D atleast malapit na rin ang ate mo makaraos makakauwi narin sya sa mga anak nya...
pola228
06-20-2006, 08:17 PM

salamat proud me:) but you mean pagnahuli ka poposasan ka gaya ng sinabi mo? at kung sumuko ka naman walang posas? ibig sabihin poposasan pala ate ko:eek: ..
well ok lang kung hanggang pagsakay lang ng eroplano, wag lang hanggang pinas:(
meron nga pala akong kilala na sumuko last month lang pero binigyan pa sya ng 3months to stay kasi gusto nya ng umuwi talaga kasi magpapaopera sya dahil may breast cancer sya:(
proud me
06-20-2006, 08:34 PM
salamat proud me:) but you mean pagnahuli ka poposasan ka gaya ng sinabi mo? at kung sumuko ka naman walang posas? ibig sabihin poposasan pala ate ko:eek: ..
well ok lang kung hanggang pagsakay lang ng eroplano, wag lang hanggang pinas:(
meron nga pala akong kilala na sumuko last month lang pero binigyan pa sya ng 3months to stay kasi gusto nya ng umuwi talaga kasi magpapaopera sya dahil may breast cancer sya:( pola228 san...15 yrs.ago na yong kwento ko...ewan ko lang kung iba na ngayon...sumuko tapos 3months pa sya papauwiin?...kung ganon iba na nga ako kasi pagsuko ko 2 days lang naka uwi na ako :)
pola228
06-21-2006, 01:31 AM
pola228 san...15 yrs.ago na yong kwento ko...ewan ko lang kung iba na ngayon...sumuko tapos 3months pa sya papauwiin?...kung ganon iba na nga ako kasi pagsuko ko 2 days lang naka uwi na ako :)
sorry that i confused you..yung 3months na iyon request nya(siguro hanggang 3months pwede) kasi sayang din naman kung uwi ka agad..malaking pera rin kasi need nya sa pampaopera nya..
pola228
06-21-2006, 09:13 PM
tumawag ate ko kanina at sinabi nyang nailipat din sya sa Ibaraki kasi na late ng isang oras at kalahati ang paghatid ng perang pambili ng ticket nya..pero ok lang daw kasi mas malinis maayos naman daw doon kaysa sa mga nauna..may recreation pa yata..kumbaga parang gugustuhin mo rin doon na tumigil:D dami nila ibat ibang lahi..marami syang naging kaibigan at marami syang natutunan(ano kaya:confused: ) basta ok na po sya kasi hawak na nya pambili ticket nya:)
pola228
06-29-2006, 04:01 PM
nakauwi na po ate ko ng maayos noong monday(june26)
sobrang tagal kasi nakulong muna sya dahil hindi nya tinuro ang bahay nya..(lahat kasi nakatira puro bilog)
sabi nya mga lalaki lang pinosasan..at syempre may bantay sila..pagdating sa airport nagstay pa sila dun sa parang kulungan ulit at may pinapirma daw..
may nakausap daw syang abogado noong nasa immigration palang sya at nakakulong..sabi ng abogado kahit makasal sa pinas after 5years parin makakabalik dito sa Japan base nga sa kanyang penalty..pero kung magkakaanak daw madaling makakabalik...totoo kaya yun?
ahccofharyne
07-04-2006, 12:38 AM
Hi.
Ngayon lang ako nakarinig nang ganyang kwento. Yung nahuli. May kaibigan naman ako nag OS sha, tapos nag kaanak pro tinakbuhan ng bf nyang japanese. inayos yung papers (hindi ko na alam how it done) at ngayon permanent visa na sha and attemting to be NIHONJIN.
Eh, how about our penalty naman?
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.