PDA

View Full Version : pls. need some advice


kawaii111
06-04-2006, 11:50 AM
i'm new here. itatanong ko po sana kung pwede kumuha ng COE for working visa un kapatid ko lalake kahit na high scholl lang un natapos nya. gusto ko po sana sya kunin as family visa then pagdating po nya dito gusto ko po sana ipachange to working visa.pwede po ba un? anyone here na mkakapagbigay ng advice kung no dapat ko gawin. salamat.:confused:

ganda_girl89
06-04-2006, 12:24 PM
yap pwede syang makakuha ng working visa kahit HS grad lang kung maipapakita nya na may technical expertise sya na mahigit sa 10 taon sa isang particular na trabaho.

kawaii111
06-05-2006, 11:18 AM
thank you po sa sagot e pno po naman kung wala po sya experience na ganun katagal sa trabaho ibig po ba sabihin nun hindi sya pwede kumuha ng COE?:confused:

ganda_girl89
06-05-2006, 12:13 PM
thank you po sa sagot e pno po naman kung wala po sya experience na ganun katagal sa trabaho ibig po ba sabihin nun hindi sya pwede kumuha ng COE?:confused:

maraming klase ang CoE sa working visa.
heto ang listahan.

Professor
Artist
Religious Activities
Journalist
Investor/Business Manager
Legal/Accounting Services
Medical Services
Researcher
Instructor
Engineer
Specialist in Humanities/International Services
Intracompany Transferee
Entertainer
Skilled Labor

lahat halos yan,except sa entertainer at skilled labor ay minimum reqt ang university diploma o mataas na education level.doon sa skilled labor,kailangan ay 10 yrs expertise sa 1 particular na field ng trabaho.

maybe ang natitirang option sa relative mo ay entertainer na lang para makakuha sya ng working visa.pero as of 2005march,kailangan na ding grad sa entertainer school ang mga entertainers o working experience outside jpn and phils.

kawaii111
06-05-2006, 12:39 PM
thanks po ulit sa sagot. marami po ko natututunan. pero wala na po ba iba paraan bukod sa working visa para magstay ng mas matagal dito sa japan un brother ko or un sister ko pag kinuha ko? kung may alam po kayo pati na rin po sa mga katf pakishare naman po sakin kung ano dapat ko gawin at ano klase ng COE ang iaapply ko sa pagpapachange ng visa ng kapatid ko. mrami po salamat.:confused:

pointblank
06-06-2006, 08:03 PM
Hello, kawaii111. Welcome sa Timog.

Naiintindihan ko ang ninanais mo na dalhin dito ang mga kapatid mo. Hindi ko alam kung ano ang katayuan ninyo sa buhay sa Pinas, pero maraming Pilipino ang gustong dalhin ang mga kamag-anak sa Japan o sa ibang bansa dahil sa hirap ng buhay sa atin.

Ngunit kailangan ay tignan din natin minsan ang mga bagay mula sa panig ng mga Hapon para maging balanse ang ating pananaw. Walang responsibilidad ang bansang Hapon na pakainin o bigyan ng trabaho ang lahat ng Pinoy na gustong pumunta dito. Kaya mahigpit ang mga immigration laws ay dahil nga hindi nila gustong tumira dito ang mga sa tingin nila ay hindi kailangan ng lipunan nila. Natural lang yan. Ginawa din yan ng Pinas sa ibang bansa nung sikat pa tayo in the 1950s & 60s.

Kaya ikinalulungkot kong sabihin sa 'yo na malamang ay walang paraan para magtrabaho sila dito kung hindi sila qualified. Pwede silang pumunta dito ng ilang buwan bilang dependent mo, kung meron kang sapat na visa status para mag-sponsor ng tao - pero HINDI siya pwedeng magtrabaho sa panahon na yon. Otherwise ay magiging illegal siya at made-deport pag nahuli, at pati ikaw ay masasabit. Kung gusto talaga nilang magtrabaho, bumalik muna sila sa eskwela at magtapos muna ng college, nang maging tao siya na kakailanganin ng bansang Hapon. Walang aanihin kung walang tinanim.

Sorry for the mini-lecture, pero dapat na rin kasi iparating sa maraming Pinoy dito na nag-aakalang may utang na hanapbuhay sa kanila ang mundo dahil mahirap tayo. Merong pang magtuturo pa sa 'yo ng nearly-illegal o talagang ilegal na paraan. Meron din magsasabi pa na "what allegiance do I owe to Japan?" Pwes, yan mismo ang attitude na nagpapasama ng reputasyon ng Pilipino. If you cannot respect the rules of this country, you are welcome to leave anytime. (Sorry uli kay kawaii111 at na-off thread ako...)

PILIPINAS
06-06-2006, 08:48 PM
Sorry for the mini-lecture, pero dapat na rin kasi iparating sa maraming Pinoy dito na nag-aakalang may utang na hanapbuhay sa kanila ang mundo dahil mahirap tayo. Merong pang magtuturo pa sa 'yo ng nearly-illegal o talagang ilegal na paraan. Meron din magsasabi pa na "what allegiance do I owe to Japan?" Pwes, yan mismo ang attitude na nagpapasama ng reputasyon ng Pilipino. If you cannot respect the rules of this country, you are welcome to leave anytime. (Sorry uli kay kawaii111 at na-off thread ako...)

Wow, straight to the point!

kawaii111
06-07-2006, 01:57 PM
wala po un salamat n rin sa sagot pointblank. hindi ko na nga po iaaply ng working visa un kapatid ko lalake kasi po hindi naman sya qualify sa mga requirements for working visa. ang nais ko na lang po makasama yun bunso namin babae kahit na di ko na makuha un kapatid ko lalake magmimigrate na kasi un nanay ko papunta sa ate ko sa ohio so bale maiiwan un sister ko sa pinas at wala naman sya makakasama dun kundi yun kapatid ko lalake na my asawa na, kaya po nagtatanong tanong ako dito sa mga katf kung may nakakaalam na paraan para magtagal un family na kukunin sa pinas. kahit na po di permanent basta lang magtagal kahit 1 taon kasi di naman po sya pwede iadopt ng asawa ko. yun lang po sana yun gusto ko malaman. kung nabasa nyo po un isa ko thread its about my sister kung pano ko po sya kukunin. ngayon po naliwanagan na po ko sa sinabi nyo na wala iba way kundi ang pansamantala lang na pagbisita ng sister ko dito sa kin ng mga ilang buwan. pero nabangit nyo na rin po sa sagot nyo na mgraduate na muna sya ng college eto taon na po kasi na 2 kakagraduate lang ho nya ng college. so ano po ba dapat ko gawin para maging qualify sya dito sa bansa hapon kung nakapagtapos na sya ng college. yun lang po salamat ulit sa reply pointblank...:)

Dax
06-07-2006, 03:44 PM
kakagraduate lang ho nya ng college. so ano po ba dapat ko gawin para maging qualify sya dito sa bansa hapon kung nakapagtapos na sya ng college.
[Mag-aral]
Pwede nyang subukan umapply sa Mombukagakusho scholarships (http://www.ph.emb-japan.go.jp/scholarship/monbusho.html), pero tapos na ang para sa taong 2007 kaya next year na siya pwede. Hawak yan ng gobyerno ng Japan (Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology). Nandyan lahat sa link ang impormasyon na kailangan nyang malaman: mga requirements na kailangang ipasa, contact info, atbp. Hindi madaling pumasa sa document selection, exam at interview, pero hindi rin imposible kung gagalingan niya. Sa pagpasa pa lang ng documents mabusisi na.

May iba pang scholarships maliban sa Mombukagakusho, pakitingnan sa: http://www.jasso.go.jp/study_j/scholarships_e.html

Pakicheck na din ng mga thread na ito baka makakuha ka ng idea:
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=158 5
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=296 7
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=353 2

[Mag-trabaho]
Kung ayaw nya na mag-aral at gusto nang mag-trabaho, sa tingin ko mas mahirap makapunta dito. :O Hintayin na lang natin ang ibang ka-TF baka may payo tungkol dito.

kawaii111
06-07-2006, 04:45 PM
marami po salamat sa sagot dax.