PDA

View Full Version : citizenship


jade_24
06-04-2006, 06:55 PM
hello po! kasasali ko lang po dito sa TF. Puwede po ba magtanong? yung anak kopo kasi pinanganak ko sa pilipinas nung nov24 2005. tapos ngayon naasikaso na po namin ng asawa kong japanese ang mga papel sa cityhall na kinikilala siya ng japan bilang mamamayan nito. andito napo kami nung february 4 pa ng taong itokasama ang aking baby.
ang tanong ko po ay ganito, does it mean na japanese citizen na siya? paano po yun pauwi po kami ngayong buwan naito sa atin para magbakasyon. ibig sabihin po ba nito yung anak ko is allowed lang ng 2wks sa atin dahil japanese citizen na nga siya? dalawa po ang passport niya. japan at philippine passport. kelangan pa po ba siya i-apply sa atin ng dual citizenship or pwede na pong everytime na uuwi kami at babalik dito sa japan ay 2 passport ang laging ipapakita ko tulad nung ginawa ko nung february 4. naguguluhan po ako kasi may nagsabi sa akin na ganun na nga lang daw po ang gawin ko kasi considered pa rin na filipino ang anak ko dahil sa filipina ako at dun siya ipinanganak. pero may nagsabi din naman po sa akin na di daw pwede yun dapat daw ay iapply ko muna siya sa atin ng dual citizenship.
pasensiya na po, ganito po ba ang tamang pagpopost? bago lang po kasi ako dito. please help po.

PILIPINAS
06-04-2006, 07:37 PM
Jade, share ko sa 'yo ang case ng anak ko. Kumuha ako ng "report of birth " (http://www.tokyope.org/) certificate sa Philippine Embassy. Ito ay parati kong dala kapag umuuwi kami sa Pilipinas. Japanese passport lang ang hawak ng anak ko. About the citizenship, our children have the privelege to stay in the Philippines until they reach the age of 21. At 21, our child should declare their citizenship, whether Filipino or Japanese. Hindi pwedeng pareho. At that time, mawawala ang privelege nila na tumagal sa Pilipinas not unless they apply for a visa.
Wait. Marami pang sasagot sa 'yo.
Btw, welcome to Tf .:D

Autumn
06-04-2006, 07:43 PM
dun sa tanong mo kung 21 days lang pwede sa anak mo..hindi po..basta kasama mo sya lagi uuwi bibigyan sya ng 1 year visa sa atin.yun tungkol sa dual citizenship.ang alam ko sa pilipinas lang yun dahil dito sa japan walang dual citizenship.
hintay ka pa rin sa iba natin kapatid dito baka mas may alam sila..
welcome nga pala..:)

jade_24
06-04-2006, 07:49 PM
Jade, share ko sa 'yo ang case ng anak ko. Kumuha ako ng "report of birth " (http://www.tokyope.org/)certificate sa Philippine Embassy. Ito ay parati kong dala kapag umuuwi kami sa Pilipinas. Japanese passport lang ang hawak ng anak ko. About the citizenship, our children have the privelege to stay in the Philippines until they reach the age of 21. At 21, our child should declare their citizenship, whether Filipino or Japanese. Hindi pwedeng pareho. At that time, mawawala ang privelege nila na tumagal sa Pilipinas not unless they apply for a visa.
Wait. Marami pang sasagot sa 'yo.
Btw, welcome to Tf .:D

ah ganun pala po yun. thanks po! gee! it is really cool here in TF. sa pagbabrowse pa lang andami ko na agd natututunan. thanks po ulit!

jade_24
06-04-2006, 07:51 PM
dun sa tanong mo kung 21 days lang pwede sa anak mo..hindi po..basta kasama mo sya lagi uuwi bibigyan sya ng 1 year visa sa atin.yun tungkol sa dual citizenship.ang alam ko sa pilipinas lang yun dahil dito sa japan walang dual citizenship.
hintay ka pa rin sa iba natin kapatid dito baka mas may alam sila..
welcome nga pala..:)

salamat po! :)