PDA

View Full Version : Barya baryang Kinabukasan

Tonyang
06-04-2006, 10:00 PM
Ka-TF:

Noong Sabado, nakapaglinis din ng bahay...hehe sa wakas! Ayun, naipon ko ang mga barya-barya na 1 yen, 5 yen at 10 yen at inilagay ko sa garapon at mineral water bottle na 300 ml. Siguro bawat bote may makukulektang 500 to 1000 yen. Sayang din. Dati sa Yokohama, nagkaroon ng partisipasyon sa 1 yen drive para sa mga biktima ng El Nino. Iyung 2liter na mineral water, inabot ng 7-10,000 yen. Ang laki pala rin pag inipon iyung mga barya.

http://www.tpmovers.org/barya1.jpg http://www.tpmovers.org/barya2.jpg

Patuloy iyung Iskolar-Pinoy program kasi ng Tulong Pinoy. Eto iyung lumang flyer na di pa nabago since then: http://www.tpmovers.org/Iskolar_Pinoy_Journa lv3.pdf

Nabanggit ko lang at baka isang paraan ito para maisip natin na iyung barya-barya natin sa bahay ang itulong natin sa pagpapaaral ng mga deserving na estudyante sa Pinas. Para sa atin, barya ang mga iyon pero para sa mga nasa Pinas, napakalaking oportunidad para masuportahan natin ang kanilang magiging susi sa isang maayos na kinabukasan.

Muli, nabanggit ko lang although alam na ninyo ang bagay na ito.

Maraming salamat sa inyong pagbasa ng mensaheng ito.

Mga Mod ng TF, inspirational lamang ito at hindi ako nangungulekta mga kapatid... isang sharing lamang ito kung bakit talagang di imposible na hindi tayong lahat magkatulungan para makapagpaaral man lang ng mga mahihirap sa Pinas. Sa ating mga silid, ang mga basurang tinatawag natin, magiging baryang puwede nating ipunin lahat para pang-tuition ng walang pampaaral sa Pinas. There are 100+ ways to collect from what we consider as the wastes in our homes. Example, old clothes, old books, old stamps, old phone cards, old shoes, old bags, etc.

hayaren
08-30-2006, 06:40 PM
Hi Tonyang san, may God bless your soul all throughout your lifetime altogether your loved ones. That's so very generous of you to point out these concerns. Helping charitable organizations thru our naiipong barya or either reasonable amount of contribution can lead a long way to the needy/the less fortunate:) !

mOtt_erU
08-30-2006, 11:25 PM
Hi Tonyang SALUDO ako sayo!......Nice & Meaningful Thread.., Simply an Inspiration.

Tama ka, siguro sa Ibang tao yung mga 1yen, 5yen etc eh wala ng masyadong halaga , minsan nga pagnahulog sa sahig eh hindi na dinadampot.....pero pag inipon mo nga naman kahit paunti unti lang eh hindi mo namamalayan na Malaki na ang value nito, at may CHANCE pang makapagbigay tulong sa ating kapwa lalo na sa mga kababayan naten....:)

Tonyang
09-06-2006, 08:31 PM
:D hayaren at mOtt_erU, pili na kayo ng tutulungan natin once may naipon na tayong mga barya-barya. Maraming salamat

Eleina
09-06-2006, 11:53 PM
Ka-TF:

Noong Sabado, nakapaglinis din ng bahay...hehe sa wakas! Ayun, naipon ko ang mga barya-barya na 1 yen, 5 yen at 10 yen at inilagay ko sa garapon at mineral water bottle na 300 ml. Siguro bawat bote may makukulektang 500 to 1000 yen. Sayang din. Dati sa Yokohama, nagkaroon ng partisipasyon sa 1 yen drive para sa mga biktima ng El Nino. Iyung 2liter na mineral water, inabot ng 7-10,000 yen. Ang laki pala rin pag inipon iyung mga barya.

http://www.tpmovers.org/barya1.jpg http://www.tpmovers.org/barya2.jpg

Patuloy iyung Iskolar-Pinoy program kasi ng Tulong Pinoy. Eto iyung lumang flyer na di pa nabago since then: http://www.tpmovers.org/Iskolar_Pinoy_Journa lv3.pdf

Nabanggit ko lang at baka isang paraan ito para maisip natin na iyung barya-barya natin sa bahay ang itulong natin sa pagpapaaral ng mga deserving na estudyante sa Pinas. Para sa atin, barya ang mga iyon pero para sa mga nasa Pinas, napakalaking oportunidad para masuportahan natin ang kanilang magiging susi sa isang maayos na kinabukasan.

Muli, nabanggit ko lang although alam na ninyo ang bagay na ito.

Maraming salamat sa inyong pagbasa ng mensaheng ito.

Mga Mod ng TF, inspirational lamang ito at hindi ako nangungulekta mga kapatid... isang sharing lamang ito kung bakit talagang di imposible na hindi tayong lahat magkatulungan para makapagpaaral man lang ng mga mahihirap sa Pinas. Sa ating mga silid, ang mga basurang tinatawag natin, magiging baryang puwede nating ipunin lahat para pang-tuition ng walang pampaaral sa Pinas. There are 100+ ways to collect from what we consider as the wastes in our homes. Example, old clothes, old books, old stamps, old phone cards, old shoes, old bags, etc.

old clothes?? May i know how you made a buck out of them.

And yes i totally agree. Andami ko na ring 1yen and 5ers. Nakakahiya kasi pagnagbabayad ka. Minsan they mind. Pagnaglagay ka ng buo, minsan di na nila iniintay kung maglalagay ka ng barya. Naranasan ko na rin ung ibalik sa akin yung barya at yun buo na lang ang kinuha. Nakakahiya.

Tonyang
09-07-2006, 09:30 PM

Di ko ipinagbibili ang mga lumang damit na nakukulekta ko Eleina. Ang mga nakulekta mismo ang ipinapadala sa Pilipinas.

May mga kakilala ako na ipinagbibili sa mga bazaar ang mga lumang damit nila at iyung kinita ang ipinapadala nila sa selected beneficiary sa Pinas.

Gusto mo bang umpisahan natin ang 1-yen o 5-yen fundraising drive para sa mga Iskolar-Bulilit program?:)