PDA

View Full Version : BIGAMY against my half sister...

SHIEKKA
06-07-2006, 06:59 PM
Good evening TF family...Another case ho ito na gusto ko sanang itanong sa ating mga members baka may alam ho kayo na case na kamukha nito.....

There is a criminal complaint for Bigamy against my half sister...And yes totoo na she was married twice..First yung sa Filipino husband and second yung sa Japanese...As of now andito siya sa Japan together with the current husband with one child..But she also had a child dun sa first Filipino husband..And the other child stays with his father in the Philippines...

Paano ho kaya iyon kapag ang verdict ay proven guilty siya? Makakancel kaya ang visa niya rito sa Japan? This is the only thing left for me para makatulong and magtanong tanong for the sake of my sister...The evidences against her are all clear kasi mismo ako ho nakita ko rin yung CENOMAR niya na nag appear talaga yung dalawang kasal niya...

And the Filipino husband is cooperating talaga to pursue the case against my sister...And may mga nababalitaan na ho kami na kapag na issue han na ng warrant of arrest ang sister ko at humingi sila ng tulong sa NBI interpol ay posible daw na mapabalik ng PIlipinas ang sister ko dahil pwede daw ipacancell ang passport niya...

Kahit ako rin ho nag aalala na talaga...Pero wala naman rin ho ako sa posisyon para ijudge pa ang sister ko...Sana na lang mag - kaayos na sila ng Filipino husband niya...Papaano na ho kaya ang sister ko?:(

chubby_kulot
06-07-2006, 07:10 PM
hello shiekka,

mabigat na kaso ang BIGAMY... lalo na sa atin sa Pilipinas... ang tanong lang naman eh..paanong nakapagpakasal ang half sister mo at ang husband nyang japanese kung di sya nakipag-divorce sa asawa nyang pinoy? di bat may ini-issue na certificate of singleness..and etc.. dito sa Phil.embassy para mabigyan ng LCCM ang kung sino mang Pinoy na gustong magpakasal...?Paano syang nabigyan ng singleness certificate mula sa NSO kung di parin sya divorce o di man lang annul un kasal nya sa ex-hubby nya?

sa tingin ko lang ha....opinyon ko pala.... medyo mabigat talaga ang kaso na bigamy... lalo na kung nakikita sa mga ebindensya na guilty ang half sister mo... mas mainam na lang siguro eh makipag usap si half sister mo ng maayos dun sa ex-hubby nya..para di na mapunta pa sa korte ang gulo nila... goodluck po :king:

SHIEKKA
06-07-2006, 07:20 PM
Thank you sa reply mo kabayan...Sa Pilipinas rin siya ikinasal dun sa Japanese husband niya...Sa atin hindi naman inirerequire ang single certificate di ba...

Gusto ko na rin matapos na sana to kaya nga lang wala ako sa posiyon naaawa na kasi ako sa sister ko...Aminado naman siya na mali ang desisyon niya...Nag try na rin siya makipag-usap sa Filipino husband niya kaya lang itinuloy talaga ang demanda....

Hindi na rin ako makatulog sa gabi kasi kahit half sister ko lang siya ako ang itinuturing niya talagang Ate...Wala ako magawa para sa kanya kaya ang sakit sa dibdib...Hindi pa yata ito alam ng Japanese husband niya..

chubby_kulot
06-07-2006, 07:49 PM
hello shiekka :wavey:

hindi man ako sa Pilipinas ikinasal o di ko naranasan ang magpakasal sa Pilipinas...sa pagkakaalam ko...meron din silang hinihingi na katibayan na single un 2 taong magpapakasal.. marriage license ang tawag yata dun... dahil lalo na sa atin di sila pumapayag na makasal ng dalawang beses ang isang tao lalo na kung kasal ito sa iba unless kung ito ay divorce o annul na... tanong ko uli...paanong nabigyan ng marriage license ang half sister mo kung di sya divorce o annul sa ex hubby nya? unless kung may dinaya sa papers ni half sister mo... sorry sa katagang "dinaya"...kasi paano sya makakasal sa Pilipinas ng 2 beses kung parehong real information nya ang mga nakasulat sa mga papers..dahil kung real info nya lahat,means lalabas na kasal sya dun sa ex hubby na pinoy... at di mapapayagan na makasal sya sa hubby nya now na japanese... mas mainam kasi na i-elaborate mo kung paano syang nakasal sa hubby nya na japanese ganon kasal pa sya sa ex hubby nya na pinoy... and then saka natin malalaman kung ano ang pwedeng gawin ni half sister mo..para maligtas sya sa kasong bigamy...

hope na di mo masamain ang mga words or sentence ko...nais ko lang ang makatulong at di makagulo...goodluck :king:

Autumn
06-07-2006, 07:50 PM
Parang may mali yata ?..ikinasal din ako sa philipinas.20 years ago..pero hinanapan ako ng legal capacity to marry..lalo na at foriegner ang mapapangasawa...
nakapagtataka naman na hindi nalaman kaagad ng pinoy mister nya na nagpakasal uli mrs nya..may anak pa kamo?
mabigat na kaso nga iyan..at malaking gastusan sa demandahan..good luck nalang sa kapatid mo..sanay maayos nya itong problema nya ng mahusay..

vectra1123
06-07-2006, 07:53 PM
Hello sa iyo! Katulad nga ng sabi nila ,mabigat na kaso talaga ang bigamy at may mabigat na parusa kapag napatunayan na may sala ang akusado!Sa totoo lang napakarami sa ating mga kababayan ang gumagawa ng ganyan, may asawa sa atin tapos magpapakasal sa Hapon sa hindi mo malamang dahilan,magsilbing babala na rin at paalaala salahat kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo maaabot ka ng batas!May posibilidad na mapauwi sya kung mapatunayan na may kasalanan sya lalot nandito sya at hindi makakaattend sa hearing sa korte!Hindi ko rin masisisi ang brother-in law mo sa pagsampa nya ng kaso sa kapatid mo ,masakit talaga para sa mga lalaki ang ganyan!:confused:

RAIN
06-07-2006, 07:53 PM
Good evening,
Maraming case sa pinas katulad niyan bigyan ko na 60 or 70% lalo na uso noong abroad sa saudi,japan,US,UK marami nahiwalay sa asawa Karanasan ko kasal ang babae or lalake nag sasama sila sa kuwarto pag uwi sa pinas silang dalawa nag sasama.may case nabuntis ng kapitbahay,kaibigan and other pero wala pa akong narinig na bigamy case lalo na kasama dito interpole first time ko narinig lalake nag hahabol sa babae madalas kasi babae nag hahabol;)

Sacod
06-07-2006, 07:58 PM
hello shieka,
hindi ako law expert pero may tinatawag na batas sa atin na EXTRADICTION case.kahit ang suspect ay nasa ibang bansa pwede syang kasuhan at posibleng ma deport pa balik sa pilipinas..
alam mo nasa Japan ang half sister mo at mainit ang immigration dito lalo na sa mga fake marriage.pweding bawi-an o mapa walang bisa ang Spouse Visa ng Half sister mo kung ma patunayan na talagang ika dalawang beses syang kinasal...
Bigamy hindi biro ang kaso na ito lalo na na malakas ang ebidensyang hawak ng ex husband ng half sister mo...
Alam mo walang imposible basta may pera kalang,pera lang ang katapat dyan.
just my two cents
:D

PILIPINAS
06-07-2006, 08:04 PM
If your sister is still legally married 'dun sa first husband, chances are null or void ang marriage niya doon sa Japanese husband. Mawawala ang lahat ng privileges niya as a spouse of a Japanese national. Try amicable settlement or magbayaran na lang? :confused:

Sacod
06-07-2006, 08:15 PM

tama ka Pilipinas,,,pero pweding mag take advantage ang husband nyang pinoy instead na mag pa bayad ng full payment for moral damage,,pwedi ito humingi ng monthly finantial support
mas malaki ito dahil lifetime ang bayaran....sana hindi ito mabasa ng husband niyang Pinoy baka gayahin nya ang sinasabi ko...
:D

PILIPINAS
06-07-2006, 08:24 PM
@Sacod,
He..he..you have a point. Dapat magaling ang abogadong hahawak.

One more thing, ang biktima dito ay ang mga bata. Posible kaseng ilayo ang mga bata sa ina, based on immorality.

puting tainga
06-07-2006, 08:28 PM
If there is something illegal in the papers of divorce or annulment of the first marriage, (for example, pekeng signature) then the first marriage is still considered to be lasting, thus the second marriage automatically becomes illegal, name of which is bigamy.

sharja
06-07-2006, 08:35 PM
Hi sheikka,
Tama ang sabi nila, kailangan ayusin ito out of court kasi mali talaga sister mo. Siguro, find someone to go in between, like, sister in law, or someone close to the first(legal) husband. Hindi rin madali ang kaso sa Pilipinas, kung wala lang din pera 'yong nandoon, matagal bago maimplement ang kaso.
I'll ask my brother in law. He is here vacationing sa US. he is a pulic prosecutor sa Pilipinas, kung anong dapat defense 'dyan.

SHIEKKA
06-07-2006, 08:41 PM
hello shiekka :wavey:

hindi man ako sa Pilipinas ikinasal o di ko naranasan ang magpakasal sa Pilipinas...sa pagkakaalam ko...meron din silang hinihingi na katibayan na single un 2 taong magpapakasal.. marriage license ang tawag yata dun... dahil lalo na sa atin di sila pumapayag na makasal ng dalawang beses ang isang tao lalo na kung kasal ito sa iba unless kung ito ay divorce o annul na... tanong ko uli...paanong nabigyan ng marriage license ang half sister mo kung di sya divorce o annul sa ex hubby nya? unless kung may dinaya sa papers ni half sister mo... sorry sa katagang "dinaya"...kasi paano sya makakasal sa Pilipinas ng 2 beses kung parehong real information nya ang mga nakasulat sa mga papers..dahil kung real info nya lahat,means lalabas na kasal sya dun sa ex hubby na pinoy... at di mapapayagan na makasal sya sa hubby nya now na japanese... mas mainam kasi na i-elaborate mo kung paano syang nakasal sa hubby nya na japanese ganon kasal pa sya sa ex hubby nya na pinoy... and then saka natin malalaman kung ano ang pwedeng gawin ni half sister mo..para maligtas sya sa kasong bigamy...

hope na di mo masamain ang mga words or sentence ko...nais ko lang ang makatulong at di makagulo...goodluck :king:

Ok lang no problem...Last week ko lang nalaman ang buong story...My half sister called me gusto niya raw ako makita at makausap so nagkita nga kami...Umiyak siya at nanghingi agad ng sorry kasi hindi ko rin alam na ganito pala ang nangyari natakot siya magsabi sa akin kasi alam niya magagalit ako for making a wrong decision...

Umuwi sila ng Japanese husband niya sa Pilipinas at dun nagpakasal mayroon daw inirefer ang dati niyang kasamahan sa club na nag-aayos ng kasal dahil yun din daw ang nag-ayos ng kasal ng co-talent niya with similar situation but that's a different story na..Nagbayad daw sila ng \200,000 yen at yung tao na raw yun ang bahala and then naiayos lahat nakakuha ng marriage license at naikasal sila sa ibang lugar..

Address lang ang iba sa marriage contract...Because ipinakita naman po sa akin ng sister ko ang dalawa niyang marriage contract...After a year at saka nagdemanda yung first husband...Maybe nag gather talaga sila ng mga evidence at pinag isipan mabuti..Actually nagkaroon na ng hearing di nga lang naka attend ang sister ko dahil andito nga siya at yung mother nya yata ang nakatanggap ng subpoena..

Kahit gusto ko talaga magalit sa sister ko di ko na rin magawa kasi andito na kailangan mag focus na lang sa solution...Inamin naman niya na mali siya...Syempre naman ho ako bilang Ate niya talagang alalang alala na kahit di pa tapos ang kaso dahil criminal case ito...

Halata ang pagkabalisa sa sister ko kaya naman kahit sa ganitong paraan man lang makatulong ako sa mga nag rereply at mag rereply pa baka may mga advice din na makatulong...:(  

aprilluck
06-07-2006, 08:43 PM
If your sister is still legally married 'dun sa first husband, chances are null or void ang marriage niya doon sa Japanese husband. Mawawala ang lahat ng privileges niya as a spouse of a Japanese national. Try amicable settlement or magbayaran na lang? :confused:

Yes,kaya maba-bale wala ang second marriage niya doon sa Japanese husband dahil may first legal husband s'ya.And wala naman kasing divorce sa Pilipinas,ang mayroon lang sa atin ay marriage annulment,pero ito naman ay para sa mga may pera lang ,mahabang procedure kasi ito kung i-kukumpara sa divorce .

Kaya na rin maraming nakakalusot na ganitong kaso ay di maayos ang pag-iingat sa ng mga public documents sa 'Pinas .Dito sa Japan nasa koseki tohon lahat ng family history ,births,marriage ,divorce ,adoption ,ect. Kaya pag magpapakasal kita na agad ang ebidens'ya sa lahat ng bagay regarding family status,ect.

SHIEKKA
06-07-2006, 08:53 PM
Salamat sa pagbibigay ninyo ng mga reply mga brothers and sisters...

Nag try na ho makipag-ayos ang sister ko dun sa First husband niya..Ayaw na raw talaga makipag ayos at sinabi nga daw sa kanya na" sana pinag isipan muna niya mabuti ang pinasok niya"...

Ayaw rin ng out of court settllement..Talaga hong pursigido sila... Kaya talagang gulong-gulo na ho ang sister ko...Until now hindi pa rin ito alam ng Japanese husband niya...:(

SHIEKKA
06-07-2006, 09:01 PM
Hi sheikka,
Tama ang sabi nila, kailangan ayusin ito out of court kasi mali talaga sister mo. Siguro, find someone to go in between, like, sister in law, or someone close to the first(legal) husband. Hindi rin madali ang kaso sa Pilipinas, kung wala lang din pera 'yong nandoon, matagal bago maimplement ang kaso.
I'll ask my brother in law. He is here vacationing sa US. he is a pulic prosecutor sa Pilipinas, kung anong dapat defense 'dyan.

Maraming salamat sharja san...Napakabuti mo para gawin ito...Iintayin ko ang iyong sagot ha...Siyanga pala pakibanggit na rin sa brother in law mo na may kaso na...Maraming maraming salamat....

sharja
06-07-2006, 11:01 PM
Hi Shiekka,
I ask my brother in law, mahirap daw, the only person who can withdraw the case is The plaintiff. Pero, kung talagang pinagsisihan nya ang ginawa nya, then all she can do is pray for a miracle. I know hindi ito birong problema, but God is a forgiving God. Pray to Him and he will surely give her the lesser punishment. Yong makakayanan nya.
I'm sorry that I cannot help more. Just reach out to God!
Take care.

SHIEKKA
06-07-2006, 11:12 PM

Thank you very much sa mga reply mo sharja san...Sana na nga lang mabigyan pa siya ng kaunting pagpapatawad ng ex-husband niya....I think the ex-husband is not thinking of withdrawing the case...

But then salamat talaga...Tanging dasal na nga lamang siguro ang makakatulong...

halloween
06-07-2006, 11:48 PM
@Shiekka

Ang pagkakaalam ko ang bigamy ay may prescriptive period (panahon na kung kailan dapat isampa ang kaso) ng 15 years. At ang period of commencement o dapat na ikaso ito ay yung time na na discover ng asawa ang pagpapakasal. So maybe one possible defense could be the husband despite having personal knowledge of the crime failed to file the action within the limited time provided by law. Mag pepresent na lang ng evidence para i establish yon. Yun nga lang mahabang panahon, 15 years. Still that could get your sister off the hook.

Afflictive penalty o pagkabilggo ng 8 years and 1 day to 12 years (medium to maximum period of prision mayor sabi sa Revised Penal Code) ang parusa.

About what Sacod said, I think Japan and the Philipines have an extradition treaty which provides for procedure to be taken by each country in case a person charged of a crime resides in either state.

Private crime kasi sa pagkakaalam ko ang bigamy which means it can prosper or can be withdrawn on the discretion of the offended spouse. Di gaya halimbawa kung ito ay murder na pwedeng on the initiative ng prosecutor ay pwedeng umusad ang kaso. So ang importante dito ay forgiveness ng asawa. Yung forgiveness na yan eh pwedeng implied that is gaya ng nasabi ko sa taas kung may consent naman ng aggrieved party, that is alam na nya all along pero wala naman shang hakbang na ginawa. At doon mag-a apply ang prescriptive period na 15 years.

Eto po ay opinyon ko lang.

Sana ma resolve ng sister mo ang problemang 'to.

Isang malaking good luck!

Galadriel
06-08-2006, 12:04 AM
Hi Shiekka,

Hindi ako lawyer, pero subukan kong i-share yung alam ko. Gaya ng sabi mo, criminal case ang haharapin ng kapatid mo. And nakakalungkot dahil based on your story, tagilid ang lagay ng sister mo talaga. I am assuming na hawak ng first husband ang copy ng marriage record ng sister mo sa 2nd marriage, dahil bigamy na yung na-ifile na kaso. Kung wala kasing record na maipapakita na evidence (eg marriage certificate) yung plaintiff, pwedeng adultery ang isampa nya sa sister mo. Ayaw ko i-justify yung ginawa nya, pero kung adultery ang nasampang kaso, kahit papaano may laban dahil mas mahirap i-prove yung mga ganitong sitwasyon.

Also, just be ready pwede rin sampahan ang sister mo ng falsification of documents and abandonment, para sa part naman ng anak niyang Filipino.

Best solution, settlement. Nothing else. Especially may admission na pala galing sa kapatid mo. Aside sa moral damages na babayaran nya, pwede sya makulong 6 to 10 years up. Sad but true.

Edit: Ni-limit ko yung penalty sa 6-10 years up, in case may nabago sa Penal Code. I guess Haloween is correct. (last na alam ko parang nasa 6-12 years max pa kasi). Goodluck!

honey
06-08-2006, 12:28 AM
mahirap ang kaso na bigamy maraming gumagawa nyan .....
Nun ikinasal ako hinanapan ako ng legal capacity na single nga ako kami ng asawa ko.

Sana malagpasan nya yan .

Goodluck sa kanya and godbless.

thermometer
06-08-2006, 07:35 AM
Ok lang no problem...Last week ko lang nalaman ang buong story...My half sister called me gusto niya raw ako makita at makausap so nagkita nga kami...Umiyak siya at nanghingi agad ng sorry kasi hindi ko rin alam na ganito pala ang nangyari natakot siya magsabi sa akin kasi alam niya magagalit ako for making a wrong decision...

Umuwi sila ng Japanese husband niya sa Pilipinas at dun nagpakasal mayroon daw inirefer ang dati niyang kasamahan sa club na nag-aayos ng kasal dahil yun din daw ang nag-ayos ng kasal ng co-talent niya with similar situation but that's a different story na..Nagbayad daw sila ng \200,000 yen at yung tao na raw yun ang bahala and then naiayos lahat nakakuha ng marriage license at naikasal sila sa ibang lugar..

Address lang ang iba sa marriage contract...Because ipinakita naman po sa akin ng sister ko ang dalawa niyang marriage contract...After a year at saka nagdemanda yung first husband...Maybe nag gather talaga sila ng mga evidence at pinag isipan mabuti..Actually nagkaroon na ng hearing di nga lang naka attend ang sister ko dahil andito nga siya at yung mother nya yata ang nakatanggap ng subpoena..

Kahit gusto ko talaga magalit sa sister ko di ko na rin magawa kasi andito na kailangan mag focus na lang sa solution...Inamin naman niya na mali siya...Syempre naman ho ako bilang Ate niya talagang alalang alala na kahit di pa tapos ang kaso dahil criminal case ito...

Halata ang pagkabalisa sa sister ko kaya naman kahit sa ganitong paraan man lang makatulong ako sa mga nag rereply at mag rereply pa baka may mga advice din na makatulong...:(  
Hi Shekka ,

Sa akin po na opinyon...kung dumaan ang sister mo sa tamang Processo ng Kasal maari hinde dapat naikasal ang kapatid mo sa hapon dahil me valid pa rin ang kasal nila sa dati nila asawa.

Siguro pnerahan lang siya nong Filipino na nag marunong tungkol sa Kasal pra lang maiaayos..pero ito na nga ang consequence.

..Isa lang ang alam ko po.. ang Kasal ng kapatid mo sa una nya asawa ang Valid pa din at malaki ang chance na makulong ang kapatid mo ..dahil kahit ano pa ang sabihn nila..valid pa rin ang kasal ng kapatid mo sa una nya asawa.

...Solution is... masinsinan na pag uusap nalang sa dati nya asawa..kung talagang hinde n nila mahal ang isat isa mag paraya nalang..
Wala hinde maayos sa mabuting usapan pra maiwasan ang pag kakulong ng kapatid mo.

Malaki ang labang ng dati nya asawa... kung anu man ang dahilan bakit ngayon lang nag habol ang dati nya asawa personal na dahilan na iyon siguro dahil kung nuon pa man dapat naayos na ang lahat pero bakit pinaabot pa sa ganitong panahon.

.. Aral po sa atin..
Ang batas ay ginawa para sa kapakanan ng nakararami..sana matuto tayo na sumunod para dito ..mas maganda pa din mag tiwala sa kinauukulan kesa mag bayad sa kabayan natin na nag mamarunong po..:D

..2yen for my words.

PILIPINAS
06-08-2006, 09:46 AM
SHIEKKA, ayaw kong maging konsintidor kase MALI talaga ang kapatid mo. Pero sa kasong Bigamy, kailangan ng veteran at magaling na lawyer. Madugo at mahabang processo ito, pero hanapan lang ng "butas" ang dating asawa (halimbawa, irresponsable, babaero, may masamng bisyo). Mga dahilan kung bakit iniwan ni misis si mister. Gaano katagal silang nag-kahiwalay, bago nagpakasal si misis sa iba. Base on the legal definition of marriage, natupad ba ito? Malaki pa ang pag-asa pa ng kapatid mo. It's a matter of finding a good lawyer, who can bend the rules. Maraming flaws ang ating Family Code. Kase karamihan sa mga law-makers natin ay immoral, at ayaw itong baguhin o ayusin.
For the meantime, kausapin at humungi ng tawad sa Japanese husband. And the rest will follow......
Good Luck!

proud me
06-08-2006, 10:01 AM
Hi!shekka...siguro mas magandang harapin nalang ng kapatid mo yong problema niya...kung kinakailangan umuwi siya mas makakabuti dahil ang problema ay nasa pinas kasi yong kasong bigamy...mahabang panahon at malaking pera ang kailangan diyan..pareho silang mangangailangan gumastos ng malaking halaga...kung kinakailangan nyang ipagtapat sa asawa nya mas makakabuting gawin nya nalang siguro...kung nandito lang siya at hindi nya harapin yong problema nya ngayon...mas mahihirapan lang siya na walang hinahanap na sulusyon sa problema niya...dahil wala dito ang sulusyon ng problema...ito ay opinyon ko lang nasa kapatid mo parin ang desisyon...:D

Galadriel
06-08-2006, 10:32 AM
Kung Filipino yung pangalawang asawa, sigurado kasama sya sa demanda. Pag napatunayan yung bigamy, sama sya sa kulong. Dahil pareho nilang alam yun sitwasyon. Hindi ko lang alam kung applicable sa asawang hapon yung batas.

As mentioned by Pilipinas, kailangan ipaalam sa asawang Hapon yung problema agad. And in case mag-desisyon yung kapatid mong umiwi sa Pilipinas, i suggest ihanda nya ang loob nya at kausapin ng masinsinan ang asawa at anak nya dito. Baka sa tigas ng loob ng una nyang asawa, mag-file pa ito ng restraining order para hindi sya makabalik sa Japan. Although, pwede naman syang (sister) mag-file ng Petition for this, thru your lawyer.

Pasensya na medyo discouraging yung mga comments ko, pero sana madaan sa maayos na usapan lahat. May mga batang apektado kasi.

halloween
06-08-2006, 11:46 AM
@Galadriel

Six years and one day to twelve years ang penalty for prision mayor. You are correct in that aspect. Kaya lang naging 8 years and 1 day kasi medium to maximum period ang sabi sa Revised Penal Code (RPC). So the computation would be, 12-6 = 6; 6/3= 2; 6+2=8 so:

6 years & 1 day to 8 years-minimum period;
8 years & 1 day to 10 years- medium period and
10 years & 1 day to 12 years- maximum period

Sabi kasi sa RPC medium to maximum period daw.

@Shiekka

This is not in anyway intended to scare you. Nag comment lang ako sa sinabi ni Galadriel tungkol sa penalty.

crystal
06-08-2006, 12:45 PM
in short talagang positive na may kaso yung sister mo,sorry ha opinyon lang po,ayon po kasi sa nabasa ko,bawal magpakasal ang taong naikasal na.at isa pa po sa tingin ko delikado rin yung nag-ayos ng papers nyo,baka makasuhan rin sila.isa pa po sa tingin ko alam na rin pala ng asawa niya sa una yung pagpapakasal sa hapon.bakit pinatagal pa,agree rin po ako sa sinabi ni galadriel.kasama rin sa kaso yung asawa nya.di ko naman po kayo sa tinatakot ,pero yun lang po ang totoo.pray na lang siya na maiurong yung demanda laban sa kanya..kasi matagal na proseso yan.panahon na nga lang ang makapagsasabi.just keep on praying.

asarkanaba
06-08-2006, 01:07 PM
Bigamy....

mahirap na kaso ang ganyan.... pero marami paring pinoy ang di natatakot sa ganyan..kasi madalang sa mga lalaki ang maghabol at kadalasan ay babae ang naghahabol at di ang mga lalaki na "tulad ko"...unless na mahal talaga namin un girl.. :tiphat: kahit patayan,ihahabol ko talaga siya...

pakiusapan nyo na lang un ex bayaw nyo...baka makuha pa sya sa maperang usapan..ay mali pala sa maayos na usapan pala...

aimi2819
06-08-2006, 01:28 PM
Ang hirap ng kalagayan ngayon ng half sister mo, pero diba alam naman nya na sya rin ang may kasalanan, kung ako sa kanya, humingi sya ng tawad, kung maaari lang na gayahin nya kung pano humingi ng tawad ang mga hapon, gawin nya, wag na nyang pairalin ang pride nya, kesa naman makulong sya, siguro naman kung makapag usap silang mabuti ng ex-husband nya, baka may chance pa na mapatawad sya, kahit paano naman siguro may pinagsamahan din silang maganda.

Galadriel
06-08-2006, 04:55 PM
Baka sa tigas ng loob ng una nyang asawa, mag-file pa ito ng restraining order para hindi sya makabalik sa Japan.
Sorry, Hold Departure Order yung gusto kong sabihin dito.

@Halloween
Thanks sa info about penalty.

sharja
06-08-2006, 09:54 PM
Maraming ng kaso nangyari sa atin. Nakausap ko relatives kung lawyers, prosecutors mostly na dismiss, dahil nagsasawa rin ang nagsasampa sa matagal na process. Huwag siyang basta umuwi kasi, hindi biro din ang mag extradite, kaya huwag siyang matakot.
Suhol suholan na lang niya 'yong husband nya doon, later on, magsawa din sya, sa gastos at slow process sa Philippines.

jazz
06-16-2006, 05:19 AM
opinyon ko lng,bka kc nag gather pa ng money ung 1 husband,kc ung iba kc tlgng pinag iipnan muna nila bgo sila mag file ng case

tagarp
06-16-2006, 09:16 AM
Ang hirap ng kalagayan ngayon ng half sister mo, pero diba alam naman nya na sya rin ang may kasalanan, kung ako sa kanya, humingi sya ng tawad, kung maaari lang na gayahin nya kung pano humingi ng tawad ang mga hapon, gawin nya, wag na nyang pairalin ang pride nya, kesa naman makulong sya, siguro naman kung makapag usap silang mabuti ng ex-husband nya, baka may chance pa na mapatawad sya, kahit paano naman siguro may pinagsamahan din silang maganda.

I agree rin sa view mo Ms. Aimi.. makiusap na lang sya sa first husband nya na filipino kasi sya rin naman ang gumawa ng ikasasakit nya ng ulo.. Well, I can say for the sake of their kids kaya nya siguro ginawa iyon.. And take the risks, chances and settlements na lang.. :( Goodluck..

starbucks
06-18-2006, 12:11 PM
ask ko lang po! wala kasi akong nabasa kung nung time na nagpakasal ang half sis mo sa japanese, "nagsasama pa rin ba sila ng husband nyang pinoy?"i mean in good terms pa ba sila ng panahon na yun? welll it may be stupid to ask such question, kac karamihan ng cases na nagpapakasal na ganito..hindi na in good term ang both parties...eg. hiwalay na sila ng mahabang panahon, meron na ring ibang kinakasama or pamilya ang dati nyang asawa, (regardless na i'ts against the law....walang kaso kung walang magrereklamo.... )dahil kung both wala ng pakialaman, wala na sigurong maghahabol.... gusto lang ba magkapera ng asawa nyang pinoy? sa part naman ng asawa nyang hapon ..mabigyan kaya sya ng full support? or the moment na she revealed the truth... baka i divorce pa sya..(wag naman sana) if i were her try to convince na lang yung pinoy na iurong ang demanda....ang caso sa pinas pahabaan ng "pisi"(pera) mas mahaba pisi mo makakakuha ka ng magaling na abogado panalo ka sa caso..maraming "loop hole ang batas"

good luck!!

SHIEKKA
10-14-2006, 01:47 PM
:confused: Nakakakaba ang mga susunod na mangyayari.....

love0308
10-14-2006, 02:44 PM
Sa tingin ko lang naman po kaya naghahabol si lalaki dahil sa pera:( kasi bihira po sa mga ganyan case ang talaga umaabot sa demandahan lalo na po malaki ang perang magagastos:D wala po ako maipapayo kundi kausapin na lang po ang lalaki yun eh kung makukuha sa uspan:D

louvette_15
01-18-2007, 11:29 PM
hello shiekka :wavey:

hindi man ako sa Pilipinas ikinasal o di ko naranasan ang magpakasal sa Pilipinas...sa pagkakaalam ko...meron din silang hinihingi na katibayan na single un 2 taong magpapakasal.. marriage license ang tawag yata dun... dahil lalo na sa atin di sila pumapayag na makasal ng dalawang beses ang isang tao lalo na kung kasal ito sa iba unless kung ito ay divorce o annul na... tanong ko uli...paanong nabigyan ng marriage license ang half sister mo kung di sya divorce o annul sa ex hubby nya? unless kung may dinaya sa papers ni half sister mo... sorry sa katagang "dinaya"...kasi paano sya makakasal sa Pilipinas ng 2 beses kung parehong real information nya ang mga nakasulat sa mga papers..dahil kung real info nya lahat,means lalabas na kasal sya dun sa ex hubby na pinoy... at di mapapayagan na makasal sya sa hubby nya now na japanese... mas mainam kasi na i-elaborate mo kung paano syang nakasal sa hubby nya na japanese ganon kasal pa sya sa ex hubby nya na pinoy... and then saka natin malalaman kung ano ang pwedeng gawin ni half sister mo..para maligtas sya sa kasong bigamy...

hope na di mo masamain ang mga words or sentence ko...nais ko lang ang makatulong at di makagulo...goodluck :king:
hello chubby_kulot,

may hinihingingang ganun dapat sa 2 taong magpapakasal. that i know as a fact. but, my father who is married to my mom since 1978 was able to remarry again to another woman last 1991. madali na lang kasi ngaun yong kasal sa huwas dahil wala ng masyadong hinihingi n documents, basta magbabayad ka. and i was really shock dahil my marriage contract talaga sila papa and ung 2nd wife nya from the NSO. i assume na meron din sila ni mama dahil 2 times sila ikinasal bale sa huwes and sa church...anyway, hindi na naghabol si mama and kaming anak sa una, ika nga, dahil yong reason ni papa though shallow ay may point. hindi nga naman kasi makapag enroll sa school ang mga anak nila(3 kids) kung walang marriage contract and binyag ang mga bata.

love0308
01-19-2007, 01:35 PM
Ang dapat eh sabihin na muna niya kay japanese husband ang problem and then sakaling mapauwi man siya at maging null ang kasal niya kay japanese eh tuloy pa din siyang pa support emotionally and financially ngayun after the case mag sampa na lang siya ng annulment sabi nga nila pera lang katapat nito, yan ay kung willing si japanese tumulong:) may work ba si pinoy hubby niya kasi magandang reason for annul is yung pagiging irresponsible nung pinoy then kahit na matagal ang process mag wait na lang siya tapos pag na annul siya eh pakasal ulit siya kay japanese. Yung advice ko medyo pang advance kasi talo talaga si sister sa kasong Bigamy eh:(

tisay
01-19-2007, 04:24 PM
:coffee: medyo matagal na nga ang thread na'to,,ano na kaya nangyari sa kaso ng half-sister niya....sana nalagpasan niya ang bigamy case na sinampa ng 1st husband niya...:)

tadashi
08-28-2007, 08:29 AM
matagal na itong thread nato...ano na po nangyari???