View Full Version : Japanese ba or Filipino citizenship?
lenemen
06-09-2006, 10:25 AM
Ask opinions ko sana kung anak nyo ay kailangan nang pumili ng "Nationality o Citizenship" nya, which would you like him/her to choose? My son is 23 yrs.old na, asked him before his birthday kung gusto nyang mag papalit ng nationality dahil pwede na siyang mamili.dahil nga nasa edad na cia. Since birth naman ay maraming beses na rin siyang naka uwi sa Pilipinas. (Ako naman kasi I maintained my own nationality, kahit anong pilit ng mga in-laws ko kasi aware cila baka daw maka-affect pag mag a-apply na sila (mga kids) ng trabajo in the future, pero i sticked to my opinion ayokong maging foreigner sa sarili kong bayan, isa pa Dual Citizenship ay hindi pwede rito sa Japan. Napatunayan ko rin na being "HALF" does not matter kasi nga he is now employed as a Kokka Koumuin). So nang tanungin ko nga cia, hindi na daw.. Dito na siya lumaki nakatatak na lahat pati culture nila, his source of income is here baka daw mas maging complicated pa pag nag palit siya ng nationality. Isa pag Japanese passport holder ka pa ay pwedeng mag travel abroad without visa required daw pag Phil. pass. nga naman kasi kailangan pa natin mag apply ng visa. Kaya ayun, pinabaya-an ko siya sa decision niya at palagay ko rin naman ay may point naman siya. Basta ikako huwag mong kalilimutan na kalahati ay Pinoy ka ha?
proud me
06-09-2006, 10:56 AM
kung ako ang tatanungin rin siguro tulad mo rin.desisyon ng anak para sa sarili nya ang aayunan ko :) lalo nat wala naman akong maling makikita kung ano man ang maging desisyon ng anak :)
Erika
06-09-2006, 11:05 AM
Siguro kung ako ang tatanungin, gaya mo, papabayaan ko rin syang magdecide para sa sarili nya. Kung gusto nyang maging Japanese, ok lang. Hindi naman kasi mawawala kung pagkaFilipino nya kasi Filipina ang nanay na gumagabay sa kanya:D .
Autumn
06-09-2006, 11:15 AM
hindi Interesado mga anak ko na magpalit ng citizenship.dito sila ipinanganak.nag aral at nagtatrabaho na panganay ko.at tsaka syempre pag pinili nila pag ka pilipino nila eh di syempre kailangan na nila ng visa dito sa japan.maraming problema .syempre kailangan din nila ng alien card.kada lalabas ng bansa eh kailangan ng re enry permit. pero hindi nila nakakalimutan ang pinag mulan ko .
tiki-tiki
06-09-2006, 01:09 PM
Kaya ayun, pinabaya-an ko siya sa decision niya at palagay ko rin naman ay may point naman siya. Basta ikako huwag mong kalilimutan na kalahati ay Pinoy ka ha? [/FONT]
Congratulations! Iyon yon, ang nagpagaan ng loob mo sa katanungan mo - bigyan laya ang anak sa pagdedesisyon. What is nationality anyway?
v_wrangler
06-09-2006, 01:23 PM
Congratulations! Iyon yon, ang nagpagaan ng loob mo sa katanungan mo - bigyan laya ang anak sa pagdedesisyon. What is nationality anyway?
Pandagdag...
Hindi naman kinakailangan pumili kung di naman nag-apply ng Filipino citizenship. Ibig sabihin, kung ang anak ninyo ay pinanganak na Japanese citizen at di naman nagpasa ng aplikasyon para sa dual-citizenship (ng Pilipinas), then there is no need to make a choice at all, dahilan sa iisa lang ang kanyang nationality.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.