PDA

View Full Version : Unfaithful Husband..

maimai
06-10-2006, 03:47 PM
pano kung isang araw nalaman nyo ang iyong pinakakamahal na asawa ay may babae...at ang masakit pa ang AIJIN nya ay katulad nating pinay!:)

ano ang una-una nyong gawin sa asawa nyo??:confused:

i would like to share the story of my co-worker..:) .

last year umuwi po sya ng pinas,dahil nakaproblema yung business nya...di sumama ang husband nyang hapon dahil busy daw sa work dito...

nung nasa pinas na si maria (nickname)...at dahil nga may problema dun..after 2 days na sya nakatawag sa asawa nya..pero nung tumatawag sya sa bahay nila,walang sumasagot..kahit yung kietai yung asawa nya ay palaging rusuban...nagtaka si maria bakit ganun...ilang araw na sya tumatawag pero wala talaga...kaya di nakatiis,tumawag ito sa opisina ng husband nya..

at sinabi ng co-worker.. nakaleave daw dahil umuwi ng pinas kasama ang asawa nya dahil nakaproblema nga daw sa pinas...

nagtaka at nagulat si maria...sinabi nya dun sa co-worker ng husband nya na nasa pinas sya at di nya kasama ang asawa...

tumawag agad si maria sa mga biyenan,wala din alam kung nasaan ang anak nila...

after 4 days...tumawag yung biyenan nya at sinabi sa kanya na nakabalik na daw yung asawa nya...

nag-usap sila ng asawa nya sa phone...ito ang nakakainis...pumunta pala ng pinas ang asawa nya at dun tumuloy sa probinsya ng babae nya ng isang linggo..talento pala yung pinay at dahil umuwi na ng pinas,sumama yung asawa nya....natukso daw!:mad:

instead na isang bwan ang bakasyon ni maria..umuwi sya agad dito sa japan..nag-usap sila ng asawa nya.....di nakatiis at dahil galit na galit na talaga si maria..winasak nya ang mga gamit sa bahay nila...at pinagbabato nya ang asawa nya ng mga kaldero....

humihingi ng kapatawaran ang asawa nya sa kanya..pati yung mga byenan nya humingi din ng sorry sa ginawa ng anak nila....

binigyan ni maria ng isang pang chance ang asawa nya dahil nga mahal nya naman ito...:) sa ngayun ok na ulit ang pagsasama nila..naging majimi na ang asawa nya ngayun...

kung kau sa lugar ni maria..ano ang gagawin nyo sa asawa nyo...bibigyan nyo pa ba ng chance??

naekwento ko po yan sa asawa ko...sinabi ko sa kanya..pag ako ang niloko mo...jodan janai yo! puputulin ko talaga ang kaligayahan mo!:mad: ...natawa na lang ang asawa ko at biglang sabi wala na nga sya oras sa sarili nya magpahinga dahil sa trabaho at sa akin...sa ibang babae pa kaya...
masasabi ko rin siguro dyan ako maswerte sa asawa ko dahil walang hilig sa babae...at ako lang ang nag-iisa sa puso nya..;)

Panzar327
06-10-2006, 04:26 PM
kung ako si maria..bibigyan ko sya ng change kung me anak kami..para sa bata..
pero kung wala ,di ko pa muna masasagot una di ko pa nararanasan yang ganyang sitwasyun ehh

TR250
06-10-2006, 04:26 PM
Kaya nga ba ako takot sa Pinay dahil grabe pag nagalit. May machinegun bunganga na may unidentified flying kaldero pa, at pag minalas ay baka putulin pa yung kaligayahan... :biglaugh:

Wala akong maiko-comment sa nagawa ng lalake dahil wala naman akong hilig sa babae :D

maimai
06-10-2006, 04:56 PM

hehehhe~~ganyan po siguro magmahal ang pinay..todo bigay..pero pag nagalit at niloko..todo bigay din ang bunganga with matching unidentified flying caldero pa!:hihi: :hihi:

TR250
06-10-2006, 05:28 PM
hehehhe~~ganyan po siguro magmahal ang pinay..todo bigay..pero pag nagalit at niloko..todo bigay din ang bunganga with matching unidentified flying caldero pa!:hihi: :hihi:

Masarap talagang magmahal ang Pinay at champion pag naglambing (I miss the good ol days..) pero pag nagalit ay talagang champion din.

sam_227
06-10-2006, 06:30 PM
Sa amin naman hindi pa naman babae pinag aawayan namin mag asawa sampal ang inaabutan ng asawa ko babae pa kaya?:grrr: sabi ko subukan nya babae baka sa labas na sya matulog na bahay namin.Ewan ko ba lapitin ang asawa ko lalo na mga obasan.Minsan nga sa store namin may okyaksan kami mga 40yrs old na obasan di pa siguro alam na ako asawa,pinag sabihan ba naman ang asawa ko "i love you", aha! kapal nya hah :mad: tingnan ko sya at lumabas ako sandali,at sabay sabi ng asawa ko" oksan desu"..sabay tawa ng okyaksan di daw nya alam na may asawa (danasan)..mag mula noon madalang ng bumili sa amin.Tototo yan wala ng tatalo sa mga pinay na malalambing pero pag nagalit asus! mag tago ka na!:eek:

michiko
06-12-2006, 12:09 PM
kung ako ang nasa lugar ni maria siguro hindi na lang.. kasi pag nawala na ang respeto ng lalake sa asawa nya eh magagawa nyang mambabae kahit na may pagmamahal pang natitira sa puso ko para sa kanya eh mabuti pang wag na lang kasi nawala na din ang tiwala ko sa kanya..

baka lalo lang maging hindi maganda ang pagsasama namin kasi lagi akong may doubt..kung sakaleng may anak na siguro pwede pang pagbigyan alang alang sa bata pero kung wala pa namang anak eh makikipag hiwalay na lang ako ng tuluyan..para saken kasi mahalaga ang respeto at tiwala sa pagsasama ng mag asawa pag nawala yan..goodbye na lang siguro..

Bangis
06-12-2006, 02:37 PM
Buti na lang ako faithful in both parties.. kaya walang away :biglaugh:

Pag meron kasi akong babae sinasabi ko kay esmi.. sabi ko Love may babae ako.. medyo pabiro nga lang kaya hindi naniniwala, pero kung malaman nya na totoo pala, wala siyang laban sa akin.. sasabihin ko sa kanya, eh diba sinabi ko na sayo ayaw mo lang maniwala :D .. And dun naman sa kabilang party, sinasabi ko kagad na may sabit ako kaya hindi na nagtatanong ng kung anu-ano pa. alam nya na kagad schedule ko :D

Kaya totoo yong kasabihan.. "ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat" :biglaugh:

Kung ako si Maria... :D uunawain ko na lang ang asawa ko.. kasi siguro nagkukulang ako.. ahihi..

katty0531
06-12-2006, 02:59 PM
Ang tindi din nya (lalake) natukso ano hehehehe isang linggo talaga, wala ng konsensya konsensya siguro yon....

Para sakin sorry....gomennsai.. .pasayloa...NO CHANCE hihihihi~~~matindi din to magalit kasing tindi ng tukso niya...mapapatawad ko siguro pero mahirap na ibalik pa yong tiwala ko, magdududa mag seselos lang naman ako mag aaway lang kami parati, wag nalang siguro makikita lang ng mga anak namin(kung meron ng anak):D kawawa naman sila (mga bata)...kore kara sakki no koto kangaetara ang hirap, hindi madaling lunukin nalang yon nangyari para sakin...babangon nalang uli ako at pagsikapang palakihin mga anak at baka may naghihintay pa talagang para sakin na hindi ako lulukuhin hihihih...mag aasawa nalang ako uli.:D

tfcfan
06-12-2006, 04:42 PM
Ako pag nangyari sa kin yan,pagsisisihan nya ang araw na gumawa sya ng kalokohan,:D
.................... .................... ............
Pero maiba lang ako,depende po iyan sa lalake,Sa tingin ko sa asawa ko ngayon,so much inlove sya sa kin kaya malabong mangyari na maghanap pa sya ng iba..:hihi::p

ichimar
06-12-2006, 04:53 PM
hindi po ganyan habibi ko.................. may respeto pa naman sa akin,kahit tumaba ako:( he he he.............pero kung magyari man yan,siguro bibigyan ko pa din sya ng chance ,siyempre,wala namang taong perpekto,talaga namang may tukso,sa kapaligiran,pero dapat magbago sya,di lang sa salita,kundi sa gawa...............: )

Hello Kitty
06-12-2006, 05:32 PM
ang bait naman ni maria,na touch ako:( biru mo ang tindi ng ginawa ng asawa nya,pero binigyan pa ng chance.ako nga rin palagi kong sinasabi sa jowa ko na pag nag uwaki sya hindi ko sya bibigyan ng chance,at tapos na maliligayang araw mo.at kukunin ko lahat na kung ano yung meron sya:furious: .ang sinasabi ng jowa ko shinpai shinaide zettai shinai kara,shinjite.ako kasi laging think negative at alam ng jowa ko yun:D kasi bago palang kami magsama ang dami nitong talento at pinagsabay sabay nya kame,pero di sila humantong sa kama.nag nonomi ni iku lang sya yun lang.kasi wakai pasya.at di akalain ng jowa ko na ako na pala mapupunta sa kanya.kaya pinangako nya raw sa sarili nya na hindi sya mag uuwaki..palagi nga syang nagcocol saken pag nasa work sya.at kung nasan sya para hindi ako mag shinpai,minsan nga bibiruin ko nasan ka talaga.pag ayokong maniwala nag teterebi denwa pa pinapakita nya saken kung nasan sya..ganon kabait ang jowa ko..kaya kung may lumapit man tukso sakin di ako magpapatukso tibayan lang ng loob diba?jowa kopanga ang may takot na baka mag uwaki daw ako:lol:

maimai
06-12-2006, 09:58 PM
..kaya kung may lumapit man tukso sakin di ako magpapatukso tibayan lang ng loob diba?jowa kopanga ang may takot na baka mag uwaki daw ako:lol:

hehehhe~~ganyan talaga paginlab na inlab sa atin ang ating mga jowa~~sila pa ang natatakot baka maghanap tayo ng kabit!:hihi: :hihi:

fremsite
06-12-2006, 10:31 PM
pano kung isang araw nalaman nyo ang iyong pinakakamahal na asawa ay may babae...at ang masakit pa ang AIJIN nya ay katulad nating pinay!:)

ano ang una-una nyong gawin sa asawa nyo??:confused:

kung kau sa lugar ni maria..ano ang gagawin nyo sa asawa nyo...bibigyan nyo pa ba ng chance??

pretty maimai chan ~~~ hindi ko pa alam kung ano gagawin ko kung ako si maria . hindi ko alam kung ano gagawin sa asawa ko pag nangyari ang ganyan ... :confused: wala siguro akong gagawin kasi hindi ko na siya kikibuin ..or hindi na siya makakapasok sa house namin .. or hindi na niya kami makikita .. or mag-iiyak ako hanggang sa lumuwag pakiramdam ko .. or papirmahin ko siya para sa monthly sustento namin ... or papirmahin ko ulet siya para akin na itong hse and lot namin at dun siya sa aijin niya tumira ... or gawin kong alila dito sa house .... ang dami ko palang options ... :eek: :D

kidding aside ... ? .. nope .. hindi ko siya siguro mabibigyan ng second chance ..
sorry .. cannot do talaga eh ... kahit pa sabihing may anak kami ... :( :)

inaiinaiba
06-14-2006, 11:20 PM
ang hirap pag daanan nyan ha:eek: sabi nila pag ang lalake nag simula mang babae.uulit at uulit daw yan:( pag pinagbig yan mo palagi.mapapagod ka lang.pano pag tumanda kana?hay naku:O pero lahat ng lalake hindi ganyan kaya tiwa parin tayo sa jowa natin:love:

mOtt_erU
08-29-2006, 02:23 AM
HI MaiMai San..:)
saken pag nangyari yan eh I told my husband na YURUSANAI ko talaga siya!
Lalo pat kasal kame sa Simbahan, nangako kame sa harap ng mahal ko sa buhay at sa Diyos na kame lang 2 ang magmamahalan.....

Anyways alam mo may mga Nihonjin na naguuwaki kase PASAWAY at hindi mo din kase malaman yung ibang Pinay....aminin na nung Iba na karamihan naman na pumapayag ng maging AIJIN eh mapera o Satchoo yung hapon....which is MALI talaga....
I mean sabi nga sa GOLDEN RULE kung ayaw mo gawin sayo bakit ginagawa mo sa Iba.
HIndi naman ako against sa mga AIJIN dahil may Friend akong AIJIN , kaso nga as usual PERA lang habol niya at KOMPORTABLENG BUHAY...ano ba naman klaseng pag-iisip yan..Kahit sino gaganda at kokomportable ang buhay KUNG MAGSISIKAP ka at hindi makikiHITCH lang sa asawa ng IBA at pera ng iba..
Kalungkot pero totoo.

Ako ayokong maging AIJIN kase hindi ko masisikmura at maaatim na kahapon IBA ang ka MAKE love niya at ngayon AKO na! .....yikes!

maimai
12-20-2006, 03:36 PM
sa mga nagreply po ditow...salamat po..

update ko lang..

sa ngayun..ok na sila ng asawa nya...di na nagbabae..:)
takot na siguro sa mga unidentified flying caldero..:D

alamagawa
12-20-2006, 03:48 PM
hi mai mai chan.....siguro kung sakin mangyayari eh mag-aadik ako or magpapakamatay...... hehe joke lang........wala ng second second chance, rikon na agad...ayoko ng niloloko kasi ko eh......madali naman ako kausap........sabihi n mo lang agad......

tfcfan
12-20-2006, 03:49 PM
sa mga nagreply po ditow...salamat po..

update ko lang..

sa ngayun..ok na sila ng asawa nya...di na nagbabae..:)
takot na siguro sa mga unidentified flying caldero..:D

yokatta ne! buti kaldero at hindi kutsilyo... :lol:
may they live happily forever;)

Inday_36
12-20-2006, 04:18 PM
kung ako si maria aparador ang ipupukpuk ko sa ulo nya! :grrr:

maimai
12-20-2006, 04:27 PM
kung ako si maria aparador ang ipupukpuk ko sa ulo nya! :grrr:

natawa naman ako sayo inday...kayang kaya mo buhatin ang aparador..:lol:

pineapple
12-20-2006, 05:01 PM
natawa naman ako sayo inday...kayang kaya mo buhatin ang aparador..:lol:
pagmatindi na siguro talaga yung galit mo mabubuhat mot alaga yung aparador sa sobrang galit... :hihi:
Pero if i were maria...at nagluko asawa ko at umuwi pa sa pinas... naku walang patawaran din yun... hindi ko sila patatahimikin ng aijin nya.... magsama sila kung gusto nya pero ewan ko lang.... ipaparamdam ko muna sa kanya ang aking revenge :fire: hehehehe :bite: mahal na mahal ko hubby ko pero subukan nya magloko at... makikita nya ang hindi pa nya nakikita... :devil:

mukomae
12-20-2006, 05:01 PM
naku naman, kung ako siguro si maria it takes time to heal the pain kasi wala na yun trust and respect...makikipag divorce nalang ako , kapag makulit si hubby na humihingi ng chance i will give him another chance wag niya expect na parang walang nanyari.. dapat ibalik niya ang trust at respect ko sa kanya siguro it will takes time to heal the pain...kaya mag ganbatte siya...
pero kung hindi , naku Rekon ko na agad siya madami GUY diyan hello;)

pineapple
12-20-2006, 05:02 PM
natawa naman ako sayo inday...kayang kaya mo buhatin ang aparador..:lol:
pagmatindi na siguro talaga yung galit mo mabubuhat mot alaga yung aparador sa sobrang galit... :hihi:
Pero if i were maria...at nagluko asawa ko at umuwi pa sa pinas... naku walang patawaran din yun... hindi ko sila patatahimikin ng aijin nya.... magsama sila kung gusto nya pero ewan ko lang.... ipaparamdam ko muna sa kanya ang aking revenge :fire: hehehehe :bite: mahal na mahal ko hubby ko pero subukan nya magloko at... makikita nya ang hindi pa nya nakikita... :devil:

Inday_36
12-20-2006, 05:07 PM
ikaw naman maimai, aparador ng barbie doll yung sinasabi ko! hihihiiii!

pero ewan ko kung bakit may ganyang mga pilipina? mahirap magsalita, kasi di rin naman ako perpekto, naranasan ko rin makapagtrabaho sa omise noon, pero never akong gumawa ng ikasasakit ng kapwa ko kalahi...iba-iba talga ang tao.

mr.kuripot
12-20-2006, 05:32 PM
nyay..pag sa akin nagyari yan (wag naman sana) baka bigyan ko pa din ng 1 chance ang asawa ko pero dadaan na muna sya s butas ng karayom;)..kaylangan ligawan nya ulet ako..hehehee..pero as of now naman faithful ang asawa ko:Dsabi nya kirai nya daw yung mga nagpaparu paro...at 100% ang trust nmin s isat isa..

freegirl
12-20-2006, 07:32 PM
Kung ako si Maria bibigyan ko pa asawa ko ng chance. There is always a second chance. Kailangan natin minsan magpatawad ikanga. Pero next time pag tlagang ginawa nya pa ulit ako rin putulin ko kaligayahan nya!:)

Chibi
12-20-2006, 11:30 PM
pano kung isang araw nalaman nyo ang iyong pinakakamahal na asawa ay may babae...at ang masakit pa ang AIJIN nya ay katulad nating pinay!:)

ano ang una-una nyong gawin sa asawa nyo??:confused:

i would like to share the story of my co-worker..:) .

last year umuwi po sya ng pinas,dahil nakaproblema yung business nya...di sumama ang husband nyang hapon dahil busy daw sa work dito...

nung nasa pinas na si maria (nickname)...at dahil nga may problema dun..after 2 days na sya nakatawag sa asawa nya..pero nung tumatawag sya sa bahay nila,walang sumasagot..kahit yung kietai yung asawa nya ay palaging rusuban...nagtaka si maria bakit ganun...ilang araw na sya tumatawag pero wala talaga...kaya di nakatiis,tumawag ito sa opisina ng husband nya..

at sinabi ng co-worker.. nakaleave daw dahil umuwi ng pinas kasama ang asawa nya dahil nakaproblema nga daw sa pinas...

nagtaka at nagulat si maria...sinabi nya dun sa co-worker ng husband nya na nasa pinas sya at di nya kasama ang asawa...

tumawag agad si maria sa mga biyenan,wala din alam kung nasaan ang anak nila...

after 4 days...tumawag yung biyenan nya at sinabi sa kanya na nakabalik na daw yung asawa nya...

nag-usap sila ng asawa nya sa phone...ito ang nakakainis...pumunta pala ng pinas ang asawa nya at dun tumuloy sa probinsya ng babae nya ng isang linggo..talento pala yung pinay at dahil umuwi na ng pinas,sumama yung asawa nya....natukso daw!:mad:

instead na isang bwan ang bakasyon ni maria..umuwi sya agad dito sa japan..nag-usap sila ng asawa nya.....di nakatiis at dahil galit na galit na talaga si maria..winasak nya ang mga gamit sa bahay nila...at pinagbabato nya ang asawa nya ng mga kaldero....

humihingi ng kapatawaran ang asawa nya sa kanya..pati yung mga byenan nya humingi din ng sorry sa ginawa ng anak nila....

binigyan ni maria ng isang pang chance ang asawa nya dahil nga mahal nya naman ito...:) sa ngayun ok na ulit ang pagsasama nila..naging majimi na ang asawa nya ngayun...

kung kau sa lugar ni maria..ano ang gagawin nyo sa asawa nyo...bibigyan nyo pa ba ng chance??

naekwento ko po yan sa asawa ko...sinabi ko sa kanya..pag ako ang niloko mo...jodan janai yo! puputulin ko talaga ang kaligayahan mo!:mad: ...natawa na lang ang asawa ko at biglang sabi wala na nga sya oras sa sarili nya magpahinga dahil sa trabaho at sa akin...sa ibang babae pa kaya...
masasabi ko rin siguro dyan ako maswerte sa asawa ko dahil walang hilig sa babae...at ako lang ang nag-iisa sa puso nya..;)
ano ba yan Mai???siguro bibigyan ko pa siya ng second chance ,pero sa totoo lang,ang prinsipyo ko kase "kaya mong gawin pwes kaya ko rin"ang hirap na kaseng ibalik ng TRUST & Respect,love ?anjyan pa rin yan....madali na nga lang mawala....patunayan nya!!para ma convince nya koh!that's all!

fisher
12-20-2006, 11:58 PM

Asus! Hoy! Yung kaliwang kilay mo nakataas pa noh!:D :p .

Hungry eyes
12-21-2006, 12:11 AM
NO WAY wala na syang babalikan.
he dint have any single respect and love kaya nya nagawa yun.imagine pareho kayung nandoon .ikaw nag papakahirap sa kung papaano gagawin mo sa business.tapos sya monkey business doon :mad:
hindi ako bayolenteng tao .walang gamit na lilipad, isosoli ko na lang sya sa Nanay nya,
sasabihin ko may depekto eh hempin shimasu:D

mOtt_erU
12-21-2006, 01:03 AM
napaisip naman ako dito maimai san.... hati ang kimochi ko eh..

*sabi ng isip ko-- hindi ko na siya papatawarin!!....
*sabi naman ng puso ko -- kung sakaling mahal ko pa rin siya sa kabila ng panloloko niya at may awa pa kong nararamdaman pwede ko din siguro mabigyan ng chance pero hindi madaling maibabalik yung pagsasama namen gaya ng dati, mahihirapan siya talaga....pero kung talagang gusto niyang makipag-ayos at isave ang marriage namen dapat willing at masigasig siyang maghintay kung kelan babalik sa normal ang pagsasama namen at kelan ako makakalimot at magpapatawad........ .:)

Autumn
12-21-2006, 03:20 PM
:eek: nyek...parang nagbalik ang aking kahapon ah :D..
Pinatawad ko sandali lang ..papaano sandali lang din nagpakatino..tumahim ik ako as in tahimik na nag mukha akong pipi ,,bulag ..at bingi..kinakausap ko lang pag tungkol sa mga bata.
pasalamat din ako at nacontrol ko sarili ko .dapat lilipad din mga kutsilyo dito sa house..mahilig pa naman akong maghasa ..
nagpalaki lang ng Anak..at pinatanda ko muna si papa staka iniwan mag isa noh di pala mag iisa ibinigay ko na kay pinay..bahala na syang mag alaga..:D paka alila sya..:rolleyes:

hug
12-21-2006, 04:58 PM
kung sa akin mangyayari ito ayayay maghahalo muna ang balat sa tinalupan. tapos isasalin nya na sa akin lahat ang pera nya sustento sa bata at ang bahay at lupa sa pangalan ko na rin dapat. panggastos nya i-overtime nya. pwede sya umuwi sa bahay pero wala syang dadatnang pagkain, malinis na damit , ofuro sa madaling salita bahala na sya sa sarili nya. magutom sya magluto sya etc. pero kung ipapakita naman nya na nagbago sya pwedeng bigyan ko pa sya ng isang chance. basta bago ko sya bigyan ng another chance lahat ng pag-aari nya e malilipat na muna sa akin. :D

lalen16loves
12-21-2006, 05:21 PM
sabi ng nanay ko, gaano man karami ang mga pagsubok na dumating sa inyong mag-asawa, wag lang ang pambababae ng asawa dahil hindi mo kakayanin.....para ka raw masisisraan ng bait..:mad: yan po ay base sa experience ng family namin, nung nagloko ang tatay ko..kaya, nung nagkasakit si tatay , ibinalik sya sa amin ng kabit nya..pinagsilbiha parin ng nanay , inalagaan hanggang sa huling hininga nya...naaawa ako sa nanay ko nun , dahil araw-araw umiiyak..wala naman kasi kaming makitang dahilan para lokohin ang nanay, dahil napakabait nya..:( kaya nung namatay si tatay , hindi man lang umiyak ang nanay ko..dahil narin siguro naubos na ang luha nya kahit napatawad nya na si tatay..

kaya, kung ako siguro ang lolokohin ng asawa ko , baka makta nyo ako sa TV, na hinuhuli ng pulis dahil napatay ko ang asawa ko...:mad: yan ang lagi kong sinasabi sa kanya , hindi ako manghihinayang sa buhay ko na makulong kung gagaguhin nya lang ako...kaya kung gagawa sya ng kalokohan , wag nalang syan magpakita at sasamain sya sa akin...:mad: ganbatteru ako sa agsasama namin , tapos sya magloloko lang .....ano sya hilo ?????

sana wag namang mangyari....:rolleye s: at kung magkataon .........haayyy naku!!!ewan ko lang talaga :mad:

pero,,,,,,,,,,kung ako ang makahanap ng poging papa OKAY pa...............sab ay takbo.........
hehehe (joke lang )baak kasi gantihan din :)

Inday_36
12-21-2006, 06:07 PM
pinatanda ko muna si papa staka iniwan mag isa noh di pala mag iisa ibinigay ko na kay pinay..bahala na syang mag alaga.. paka alila sya..
__________________

@autum bilib ako sayo, buti pa nga si papa may pinay na nagtyaga, yung tatay ko, pito ang naging asawa, nagkalat pa ng lahi., yung huling napangasawa nya sobrang bata, matanda pa ako, ayun nagtapos muna sa kolehiyo, nag apply sa america, pinangakuan ang tatay kong ipipitisyon, iniwan din sya., kaya di ko rin masisi ang nanay ko kung bakit ganon nalang ang galit nya sa tatay ko. Mahal ko at naaawa rin ako sa tatay ko kaya lang di sya marunong magpahalaga. :rolleyes:

katty0531
12-21-2006, 06:23 PM
Hehehehe, bakla pag saken nang yari ito.......
Sorry no chance, chance!!! kukunin ko lahat lahat ng makukuha ko! (pride,dignity,money ,family) saka ko sya iwan, bye bye na.

bara
12-21-2006, 06:59 PM
makisingit lang po...kung sakin po gawin yan ng ni take ko yung babae po ang ipapahunting ko tapos kapag na trace ipapahiya ko po talaga at kung retoke ang ilong niya naku yan ang uunahin kong suntukin ng mabulok at pumangit siya!!!hahaha
may kasabihan po kasi kapag pala na lumapit sa sisiw!!!dito nga po samin may pinay parang gusto pa yata gawin sugardaddy si take ko kasi ibis na ako hanapin dito sa bahay para sanlaan daw ng bulgari niya ay asawa ko hinahap...ma appeal ho yata may asawa!!!

proud me
12-21-2006, 08:46 PM
nagpalaki lang ng Anak..at pinatanda ko muna si papa staka iniwan mag isa noh di pala mag iisa ibinigay ko na kay pinay..bahala na syang mag alaga.. paka alila sya..
__________________
.....pinay din ba?....ano ba yan!...dibale sana kung nasa pinas tayo...ba't kaya ganon noh...parang nakaka-inis...siguro kasi nga parehong kababayan...pero iba karin ha,....talagang pinatunayan mong me pinagsamahan parin kayo kahit paano kaya inisip mo na bigyan siya ng alila para me mag-asikaso sa kanya!:D

aeroguy30
12-24-2006, 12:07 AM
Ang mga pinay super magmahal bukod sa pagiging malambing maasikaso pa. Huwag mo lang gagalitin at may kalalagyan ka swerte mo na kung putulan ka lang ng kaligayahan hahahaha :D:D:D

Nasa both parties naman iyan kung paano nila handle ang mga ganyang temptations sa kanilang relasyon. :):):)

Kaya kung minsan masarap pa rin ang may freedom ka saka na muna ang commitment para sa akin... ;):p:rolleyes:

emyken1423
12-27-2006, 09:56 AM
Para sa akin okey lang, ala naman ako that time na nagluko sya e nasa pinas naman... sa akin kasi bago ko pinakasalan c hubby tinanong nya ako kung sakaling makasal na kami okey lang daw ba kung pupunta pa daw sya sa mga karaoke sabi ko okey lang kasi lalake naman sya e mas pangit naman kung tayong mga babe ang magluko di ba may madadag-dag sa kanila ala.. basta mag lagay lang sya lagi ng protection. Kc minsan pag umuwi kami ni baby ko sapinas mga 4months kami doon kaya c hubby ko kasama ny mga friends nya tapos tatawagan ako sabihin nya pupunta daw sa karaoke sabi ko oks lang. pero once na nasa japan na ako pagkatapos ng trabaho diretcho na sa bahay on time naman lagi 6o'clock nasa bahay na..... Di sya makakaisa sa akin pag nasa japan ako dahil tintawagan ko sya sa office nya para mag check pag natutulog nasya sa bahay check ko keitai nya.....

aeroguy30
12-30-2006, 09:19 PM
emyken1423 tight guarding pala ang ginagawa mo sa hubby mo hehehe :D:D:D pero bilib ako sa laki ng pang unawa mo sa "needs" ng asawa mo lalo na kapag nasa Pilipinas ka. Bibihira ang mga ganyan pero mahirap pa rin at baka umabuso :);):rolleyes: si mister.

emyken1423
12-31-2006, 11:09 AM
emyken1423 tight guarding pala ang ginagawa mo sa hubby mo hehehe :D:D:D pero bilib ako sa laki ng pang unawa mo sa "needs" ng asawa mo lalo na kapag nasa Pilipinas ka. Bibihira ang mga ganyan pero mahirap pa rin at baka umabuso :);):rolleyes: si mister.

Hi aeroguy30 medyo lang di naman masyadong tight......Pag nasa pinas sya kasama pa nga nya yung mga kapatid kong lalake mag goodtime sa mga clubs alam mo na malapit kami kasi sa Balibago angeles city. Ang akin lang lang naman dapat mag enjoy tayo habang nabubuhay kasi minsan lang yan diba..Okey lang basta bago huwag lang nyang babalikan yung nakaraan nya ibang usapan na yon........Ito lang advice ko kahit pinaka paborito mong pagkain minsan nagsasawa ka rin di ba kaya hahanap ka ng ibang putahe , pero babalikan mo pa rin yung pinaka paborito mo... Ganyan yung paniniwala ko......

jem
12-31-2006, 12:39 PM
hahaha naks oo ganyan din sinasabi ng mga male friends ko back home,kasi minsan topic namin bakit ang ibang laalake hindi makuntento sa isa lang..tapos ganon ang sagot nila.
ABout dun sa story ni maria,naku grabe naman un at talagang sobrang sakit nun..no wonder na lahat ng gamit sa bahay eh naihagis lahat sa taksil nyang asawa,eh ganyan naman talaga tayo sobrang lambing pero sobra rin pag nagalit.:D
Mahirap mag comment sa situation na yan,kasi hindi ganon kadaling magsalita kung hindi naman ikaw yung nasa sitwasyon di bah?I think dapat pa ring iconsider ung mga bagay na maaapektuhan sa magiging desisyon nung involve.
haayyy hirap talaga!

YAN
12-31-2006, 03:54 PM
Kung sakin nangyari yun, never,no as in no!!:furious: Once is enough no,nagawa nya yun ganon,galing mag alibi ha.Kung nagawa nya yun once,pwde nya pang ulitulitin noh,once a liar,always a liar:grrr:.Im not saying that i dont lie,but such kind of lie?Untolerable, para kang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo:bonk: :nono: .Bilib naman ako dun sa girl,matiyaga,kung sakin yun pag balik ko siguro idedemanda ko sya,at magfa file ako ng divorce.

aeroguy30
01-01-2007, 01:17 AM
sister Yan easy ka lang masyado kang high blood hehehe :D;):p hindi naman kasi pare-pareho ang sitwasyon at nasa tao rin yan kung paano nya handle ang ganyang problema mayruong mga taong nagsasawalang kibo na lang at meron ngang high blood tulad mo hehehe joke lang... peace tayo :).

Nasa both parties naman iyan kung paano nila resolve ang problema at paano din maiiwasan na magloko ang lalake o maging ang babae din. Love, Trust and Respect lang naman ang kailangan sa isang relationship in order to work out... :D

RODSKI
01-02-2007, 10:28 AM
Happy New Year po sa inyo:) sa nihon-jin putol daliri sabi ng ( yakuza) :D pero kung sa pinoy putol ang kaligayahan nyahahahahahahahahah ah:D :p , Well lahat naman ng problema nagagawan ng paraan yun eh nasa maayos na pag uusap ng parehong partido, kung putol ba or hinde nyahahahaha:D (joke lang po) isa pa di lang naman lalaki gumagawa nun, so tulad nga po ng sabi ng ibang mga ka TF yung mag asawa lang ang tanging makakasolve ng naging problema nila.

YAN
01-02-2007, 03:27 PM
@aeroguy---yah i know,depende nga sa tao db,and the threadsetter's asking for our opinion and i posted mine,so why dont you just post your opinion instead of making side comments to other member's posts:( .

aeroguy30
01-04-2007, 03:41 AM
Yan kung sa tingin mo na offend kita... I'm sorry about that :):):)