View Full Version : Baradong bathtub
halloween
06-10-2006, 08:35 PM
Hello!
Mga ka-TF, patulong naman.
Yung bathtub ko kasi ay barado pati washing machine ko rin apektado. Sobrang na haha hassle na ko, kailangan ko pang lumabas at pumunta sa coin laundry.
Sabi sa 'ken ng friend ko ang gastos daw sa serbisyo ng tubero daw dito ay aabot ng 2 lapad. Totoo ba yon?
Sana kung pwede pang maagapan ng kung anong liquid na pang dissolve eh mabuhusan.
Salamat sa ano mang maipapayo nyo.
I attached the picture of the liquid ala sosa dito sa Japan na ginamit ko pero wa epek.
Yujin
06-10-2006, 09:18 PM
hi halloween
Istorbo iyang baradong tubo, malaking abala hindi ba.
Pupuede mong masubukan itong serbisyo na ito. From 8,000 yen lang ang fee nila for baradong tubo. Nasubukan narin namin ito pero ilang years ago na.
Andito ang main page nila. Kurashi-Anshin (http://www.qracian.co.jp/)
At narito naman ang sa lugar mo riyan based sa nakalagay sa location info mo.
Tokushima-Kurashi-Anshin (http://www.qracian.co.jp/network/ichiran/tokushima.html).
Address:
徳島営業所
板野郡藍住町徳命元村123-1
Tokushima Eigyosho
ItanoGun AizumiChou Tokumei Motomura 123-1
(pages only in japanese)
TR250
06-10-2006, 09:33 PM
halloween,
Minsan ay kayang tunawin ng mga liquid chemicals ang bara sa loob ng tubo pero hindi lahat. Dahil mukhang mahilig ka sa DIY (do it yourself) ay sa tingin ko ay pwede kang mag experimento at mag "cosplay" na tubero. Tatandaan mo na iba-iba ang mga sistemang ginagamit ng mga tubero dito at yun ang una mong dapat pag-aralan. Kadalasan ay may access pipe o service hole na maaari mong makita sa malapit sa drainage ng bathroom at labahan mo. Ilan ang pwedeng pagtaguan ng service hole tulad ng sa ilalim ng lababo, sa may malapit sa garahe, o di kaya ay may nakalitaw na pipe na nakadikit sa lupa o sa dingding. Yung iba ay may cover at yung iba naman ay exposed pero malamang ay kakailanganin mong gumamit ng monkey wrech para mabuksan ito. Pag nabuksan mo ito ay may nabibiling panundot sa pipe sa mga home centers. Pwede ka ring gimamit ng alambre kaya nga lang ay medyo may kahirapang gamitin ito. Pwede mo ring buksan ang drainage hole ng bathroom at duon ka mag-umpisang manundot ng alambre at baka swertehin ka at malapit lang ang bara sa drain hole.
Tatandaan mo rin na may dalawang klaseng drainage dito na ang isa ay kailangan i-pump out pag napunu na ang reservoir tank ng poso negro boys. Kadalasan naman ay yung pipe ay diretso sa public works drainage na di napupuno. Mahusay talagang alam mo muna kung ano ang drainage na ginagamit ninyo. Kung bahay ay kadalasan iba-iba ang ginagamit na sistema pero pag builings ay diretso na sa city drainage pipe at hindi na sa reservoir tank. Meroon pa rin sigurong gumagamit ng lumang sistema lalu nat pag luma ang tatemono...
O kwentuhan mo na lang kami sa "The Amazing Adventures of Halloween in the Dark Tunnels of Hell"...
vectra1123
06-10-2006, 09:59 PM
Good evening sa iyo! Mahirap talaga ang may bara o problema ang drainage sa bahay,perwisyo talaga! Kadalasan hindi kayang tanggalin ng basta chemical lang ang bara.Depende sa pagkakagawa at design ng bahay ang panggagalingan ng bara,kaya kung akala mo sa bathtub ang problema minsan sa drainage galing sa lababo palabas ng bahay ang bara! Kadalasan itong nangyayari lalot madalas kang magluto ng malangis na ulam!Ang lababo kasi mas mataas ang lugar kesa sa paliguan kaya una mong mapapansin ang pagtaas ng tubig dito.Kung hindi mo kaya ang magmano mano ng sundot ,try ka na lang magpaservice!:)Pahab ol! Kung ang tinitirhan mong bahay ay sarili nyo at medyo matagal na ang yari ,ikutin mo ang paligid at baka may mapansin ka na parang drainage system na may takip na bilog ,subukan mo munang buksan at silipin kung puno ng tubig ,ibig sabihin sa labas ng bahay ang bara at hindi sa bathtub!
halloween
06-10-2006, 10:10 PM
Maraming salamat sa payo nyo Yujin, TR250 at vectra very much appreciated.
Haaay, sa mga ganitong pagkakataon ko na rerealize na very helpful pala pag may housemate akong boy, hehehehe. Sus ginoo, di ko alam kung pano gagawin yung mga sinabi ni TR250 although gustong gusto ko.
Pinagsusundot ko na ng pinanipis na chopstick eh. Una natanggal naman yung konting bara eh ang problema kinarir ko yung pagbubuhos ng liquid sa pag-aakalang tuluyan ng baba ang tubig. Aba'y naging stagnant pa lalo.
Ang iniisip ko eh posible kayang natunaw yung pinakailalim kung kayat hanggang sa flooring ng bath eh nag-ooverflow ang H20?
Lagi na lang akong naglilimas ng tubig, grabe, feeling taga third world country talaga! Pag nag inspect ang boss ko dito, lagot ako.
I'll attach a picture kapag nalimas ko na ulit ang tubig, hirap kasing i-explain eh at shempre lilinisin ko na rin para di naman dyahe.
@TR250
Inulit ulit ko yung sinabi mo pero ala yata akong talent para dito. Ni hindi ko alam kung ano yung monkey wrench. Monkey2 annabel lang ang alam ko, hehehehe! Haaay, nakakabaliw talaga pag wala ka sa teritoryo mo.
May amazing adventures of halloween ka pang nalalaman, grabe, ang lakas maka alaska ng mama, hehehehe :D
ganda_girl89
06-10-2006, 10:27 PM
kundi makuha sa DIY,sabihin mo na lang sa may ari ng bulding.dito sa tirahan ko,kapag may problema sa bara,yung may ari ang kumukuha ng trabahador at sila ang nag aayos.
sabihin mo may bara pero hindi ikaw ang may gawa at masisira ang building sa baha kapag di ginawa agad.
halloween
06-11-2006, 12:09 AM
@Ganda girl
Salamat sa payo mo.
Ang may-ari kasi ng building ay boss ko. KUng ibang tao sana, mas okay para di naman malaking minus sa ken. Baka kasi singilin ako since salary deduction ang sistema ng pagbabayad ko ng renta sa apartment.
Malamang kontakin ko na lang yung sinabi ni Yujin.
Nakakahinayang lang kasing magbayad ng close to 1 lapad samantalang ordinaryo lang naman ang paggamit ko ng bathtub, as in goli lang talaga. Hindi ko maisip kung bakit nag bara ng ganon.
Dati hindi pa apektado yung washing machine pero the last time I used it nagbaha sa flooring, bad trip, kahoy pa man din. Baka isipin ng boss ko eh lahat ng kasangkapan dito eh sinira ko na. Sobrang dyahe naman, first time pa man din nya mag hire ng Pilipino.
Anyway, ganon talaga eh, ano pa nga bang magagawa kung hindi gumastos ng ma -resolba ang problema, haaay!
japphi
06-11-2006, 08:43 AM
Halloween....ang hirap nga pag barado yan ano.....kami noon nagkaganyan din yung sa may washing machine namin...2 days akong lagi sa coin laundry din.Gumamit na rin ako nang ganyan na bibili mo....wala rin.Ang ginawa nang asawa ko ay bumili sya nito.....
3333
then...sinundot nya nang ilang beses sabay buhos nyang chemical na tulad nang binili mo....sundot pa rin.....tapos nilabas yung tubig sa washing machine para malaman kung ok na.....at last hayun at pumasok....okey na sya.Ano kaya subukan mo yang nasa picture...mahaba rin yan eh....may 4 or 5 meters din yata.Hindi ko nga lang naitanong sa asawa ko kung magkano nyang binili yan....pero hindi naman siguro kamahalan.ganbatte ne....
halloween
06-11-2006, 11:24 AM
@Japphi
Maraming salamat po Tita Japphi (eto na lang tawag ko sa inyo, di bagay sa beauty nyo ang lola, hehehe).
Try ko po ito at kapag wala pa rin, tawag na lang ako tubero. :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.