View Full Version : Public apology or just edit it?
The story goes like this:
Nagkasiyahan sa isang birthday party ng isa kung kaibigan. Mukha namang "lahat" ay masaya sa naganap na party(you may notice it from the posts).
May incidente po kasi na nawala yung digital camera ng isa ko pang kaibigan (sorry bro, though you want it forgotten).
Nagumpisa po kasi ang problema nung nag post si Bangis (kaba talaga?) sinabi niya na: "hindi naman natin tiyak na taga tf ba ang kumuha, dahil may mga non tf members din na dumalo sa party. Si Marjie, may mga kasama din syang mga non tf members."
Dahil po sa irresponsible statement na to, di po makatulog ng mahimbing ang matalik kung kaibigang si Marjie sa mga nakaraang araw, ganun din po ang inis at galit ng mga nabanggit na kasama ni marjie, na mga pinsang buo po nya yun. Hanghang ngayon po, nanginginig parin sa inis ang kaibigan ko, di po makatrabaho kanina.
I'm sure napansin din etong irresponsible statement na to, ng isang moderator dahil nga inedit na po yung statement after 24hours.
Kung makilala nyong lubusan si Marjie, baka kayo ang di makatulog sa pagsisi sa pagawa ng statement na yun, dahil napaka baet po niya, isa syang tunay na tao at di mo talaga mapagbintangan, kahit indirectly pa. Kaya nga di ko pinalampas tong ginawa ng isa nating member, nag expect po kami na bawiin nya yung statement at humingi ng apology in public. (Be man enough if you are).
Tama po bang basta iedit nalang after 24hours? o kelangan ng apolgy ni Bangis para makatulog at makapagtrabaho ng maayos ang kaibigan nating si Marjie?
katty0531
06-12-2006, 09:34 PM
HI! kawawa naman dai margie, sana di nalang nag comment pa kung hindi sigurado sa sinong kumuha talaga....kahit indirectly masakit parin yon...may hindi nakatulog....may ibang tao first time palang na meet (non-member sa Tf), kung sakin mangyari to o kung ako si margie, ay naku magkita tayo uli sa bumanggit ng name ko! para sa sarili ko at para sa mga pinsan ko....
maytatsu
06-12-2006, 09:46 PM
that isnt fair:( ....walang tao na may right magbintang nang kung sino man...ni hindi nga masyado nag rereact yung tao na mismong nawalan diba?....i hate this kinda conversation i mean i dont usually post but i just cant let this thing get away lalo na ngayon na may kaibigan kaming nasasaktan. sana naman before posting we must bear in mind kung nakakasakit ka ng tao or hindi:rolleyes: ...
itchay
06-12-2006, 10:14 PM
i've read the entire thread, before it was edited...may mga irresponsableng statements nga duon...at hindi lang patungkol sa isang tao, pati na rin sa mga pinoy...let’s not jump to rush judgments po...pati nga po yong may mga bolang crystal, nagkakamali pa rin...tsaka na talaga tayo manghusga pag meron na talagang ebidensiya....at, ika nga “if you point a finger at someone, your three other fingers are pointing back at you”...
nabasa ko rin ang whole thread kagabi,at talagang nasaktan din ako kasi i met marjie twice....shes so nice....
sana naman bago tayo magbuka ng salita,isipin natin ng maraming beses dahil makakasakit tayo ng damdamin ng tao...
at huwag magpadalus-dalos sa mga salitang bibitawan....
Bangis
06-12-2006, 10:47 PM
I dont need to say sorry... that's IT!!
Kung marunong kang magbasa ng statement... at kung hindi ka apektado wag kang mag-react!
Statement before it was edited:
" Yun ba yong camera na pinang kuha sa body shot picture? Sayang papa-send ko pa naman sana sa e-mail ko yung picture :D collection hehehe: Papano pa mapopost yun kung hindi TF member ang may hawak ng camera? Nung last na tawag ko kay pooh sabi nya sa akin dun daw nakapatong sa ibabaw ng fax machine na may malapit sa pintuan yata ng kwarto nya. Eh kahit yong fax machine hindi ko napansin kung saan nakalagay. Tapos diba dun nakatambay yong kasama ng margie ba yun? Mga pinoy nga naman oh oh.. kahit saan makarating hindi nawawala ang malilikot ang kamay.."
Noone mentioned who grabbed the cam right? What i mean here is Bakit Hindi sila ang tanungin?.. kasi masama ang dating sa akin ng mga tanong ni pooh hindi ko lang masabi sa kanya, dalawang beses syang nagtanong sa akin tungkol sa tinamaan ng kulog na cam na yan! Bakit ko naman pag iinteresan ang bwakanang yan kahit siguro dalawa oh kahit isa man lang kaya ko rin naman sigurong bumili nyan.. isa pa.. may sarili akong akin. So nagbigay lang ako ng defense statement ko.
Ok, dun sa nasabi kong "mga pinoy nga naman" how bout you? sino pang iisipin mo na naki-alam sa camera?
Ang masasabi ko lang.. kung sino man ang may hawak ng camera ni LJ ngayon... Marami kang naapektuhan, salbahe ka!
I dont need to say sorry... that's IT!!
Kung marunong kang magbasa ng statement... at kung hindi ka apektado wag kang mag-react!
Buti nalang binigyan mo ng pansin ang thread ko.
I assure you na marunong ako magbasa ng statement at marunong din akong umintinde ng statements mula noong high school pa ako.
Apektado rin ako, dahil ganyan ako sa mga kaibigan ko. Sa totoo nyan, kahit sino sa mga tinuring kung kaibigan, isusugal ko ang buhay ko para sa kanila (I really mean it).
Tungkol sa sagot mo, its your choice.
Everything are laid out, and I opt to forgo my rebuttal.
Honestly, I was chagrined by your rebuttal, it is like rubbing salt to an open wound.
I won't opt to close this thread, hoping you will come back as a man and offer what was requested on you. Like the prodigal son, you all have the choices to embrace what it is like in a civil society.
sensei
06-12-2006, 11:04 PM
Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat
I don't know anyone here in TF, pero bawat isa sa inyo me kanya kanyang responsibility.
Kasalanan ng nawalan
Kasalanan ng nakakuha
Kasalanan ng mga walang malay kung pano ito nawala
Kasalanan ng mga nagbibintang
Kasalanan ng mga nag aaway na
Kasalanan mga irresponsableng tao
Responsibilty sa:
personal things
personal opinion
personal post
etc. ayoko ng isummarize pa
matatanda na siguro kayo para makaintindi
I'ts about responsibility!!!
Wakatta ka yo?!!!
Magsorry kayo sa isa't isa at matutulog na ako...
What would you feel if you can hear statements like this:
"Nung namalayan na nawala ang digital camera, tsinitsek ang mga bags ng lahat ng mga guests, except those who went ahead"
Ironically, I've heard you went ahead!
Though I didnt point a finger on you directly, I figured it out that the above statement might tickle your delicate pride. I'm sorry for this, just a metaphor I guess. You may not nibble so much on the least point.
vectra1123
06-12-2006, 11:18 PM
Easy lang kayo mga pare,pasensyahan na lang sa isat-isa, buti na lang wala ako don sa party kundi isa pa ako sa mga pinoy na napagbintangang magnanakaw!Mahirap din kasing magbitiw ng salita kung hindi mo mismong nakita ang salarin!Hindi patapangan ang labanan dito sa Japan.:)
Bangis
06-12-2006, 11:18 PM
Buti nalang binigyan mo ng pansin ang thread ko.
I assure you na marunong ako magbasa ng statement at marunong din akong umintinde ng statements mula noong high school pa ako.
~~~~~~
I won't opt to close this thread, hoping you will come back as a man and offer what was requested on you. Like the prodigal son, you all have the choices to embrace what it is like in a civil society.
Kala ko ba marunong kang umintindi!!!? oh talaga lang makulit ka!? Pasensya ka na... naipaliwanag ko na ang side ko! Matutulog narin ako.. at sana matulog ka narin..
itchay
06-12-2006, 11:19 PM
Kung marunong kang magbasa ng statement... at kung hindi ka apektado wag kang mag-react!
assume ko lang po ito ay patungkol sa ginawa kong statement....apektad o po ako kasi marjie happens to be a good friend of mine.
Noone mentioned who grabbed the cam right? What i mean here is Bakit Hindi sila ang tanungin?
assume ko na rin na itoy patungkol sa statement ko....edit ko lang po statement ko....medyo malayo yata yung sinulat ko, hindi lang pala isang tao kundi "sila" pala yung ginamit mo na word.
Ok, dun sa nasabi kong "mga pinoy nga naman" how bout you? sino pang iisipin mo na naki-alam sa camera?
ito, assume ko na rin na para sa akin.....talaga bang merong kumuha?? o baka naman kaya nahalo lang sa ibang gamit....nahulog kaya...maraming possibilities, di ba...it's not about who has done it or not, ang question is if the act was actually done...hangga't hindi napapatunayan, the possibilities are there..if you've said those statements in an office setting, malamang demandahan na...kung ang mga pinoy kaya didto sa forum na ito eh magka-isa na mag file ng kaso against you....moral damages pa lang, malaki na mababayaran mo.
simple lang naman ang solusyon dito....public apology.
Bangis
06-12-2006, 11:23 PM
What would you feel if you can hear statements like this:
"Nung namalayan na nawala ang digital camera, tsinitsek ang mga bags ng lahat ng mga guests, except those who went ahead"
Ironically, I've heard you went ahead!
Though I didnt point a finger on you directly, I figured it out that the above statement might tickle your delicate pride. I'm sorry for this, just a metaphor I guess. You may not nibble so much on the least point.
:biglaugh: Hahaha.. dyan pagtatawanan lang kita young boy or girl ka man! Kaya nga suggest ko sa inyo! pahulaan nyo sa espiritista! :biglaugh: para matapos na ang gulo at makatulog na kayo! :biglaugh: Gusto mong bilihan kita ng camera!? hahaha :biglaugh: nagmumukha ka lang ugot! pare ko'y Ni katiting kahit sinuman sa pamilya ko, walang lahi tulad ng kung ano mang lahi meron ka!
Wala na akong panahong makipagtalo sayo! Peace be with you!
katty0531
06-12-2006, 11:26 PM
Yes! for our good friend margie!!! we demand for a public apology.... apektado kami kasi nice friend namin sya......wag mong ilabas magka immatured mo dito! be a man pare....
:biglaugh: Hahaha.. dyan pagtatawanan lang kita young boy or girl ka man! Kaya nga suggest ko sa inyo! pahulaan nyo sa espiritista! :biglaugh: para matapos na ang gulo at makatulog na kayo! :biglaugh: Gusto mong bilihan kita ng camera!? hahaha :biglaugh: nagmumukha ka lang ugot! pare ko'y Ni katiting kahit sinuman sa pamilya ko, walang lahi tulad ng kung ano mang lahi meron ka!
Wala na akong panahong makipagtalo sayo! Peace be with you!
I think I would like to forward this statements to our dear moderators. I went over the rules in timog forum, and I found the above statements to be out of bounds. I would like to request your honors, to please consider the statements above.
My only purpose here is to exonerate my dear friend Marjie from the rigors of irresponsible statements of some kiddy maniac.
DJchot
06-12-2006, 11:53 PM
@Marjie
cheer up! :)
daming nagmamahal sa yo and di naman nagbago ang pagtingin nila sa yo...especially me...yehee! di man magbigay ng public apology si bangis, the outcome of this thread is already enough to clear your name.
:sweeties: hugs and :kiss: kiss para makatulog ka na.
honey
added: tnx dkid for starting this thread for marjie
pooh_chan
06-13-2006, 12:23 AM
Hi sister, tama si djchot san, kung ayaw nya mag apology bahala sya basta maraming nakakakilala sayo at malinis ang konsensya mo, hindi lang ikaw ang apektado pati ako na rin kasi it so sad na sa bahay ko pa nangyari:cry: :cry: :cry: wag mo na masyadong dibdibin yan sister kasi marami namang nakakakilala sayo basta importante hindi ka guilty, love you sis:kiss:
Teka, isasara ko muna itong thread na ito, matulog na muna kayong lahat at magpalamig ng ulo at baka bukas magkaroon kayo ng ibang pananaw sa buhay.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.