View Full Version : Parenting Support Group
Galadriel
06-13-2006, 02:03 PM
Hello TF parents, especially mga first time parents here in Nihon.
I am a happy mommy to a 4-month old baby boy. I'm sure agree lahat na mahirap magpalaki ng bata dito. Walang mga lola na pwedeng mag-substitute sa pag-aalaga para makakain ka sa oras, o makapagpahinga ng konti para ma-recharge ang energy mo para sa panibagong magdamagang alagaan. :D Actually no complaints here. Graduate na po ako sa puyatan. I am now enjoying my baby's giggles and excitedly waiting for more growing surprises.
Para sa mga TF parents na nag-aaral pa rin ng Nihonggo, kagaya ko...minsan mas gusto natin na makakuha ng opinyon galing sa mga expert mommies kaysa tumakbo agad sa doctor. Lalo na kung hindi naman tungkol sa sakit yung gusto nating malaman. Example, anong age pwede isabay ni otousan si baby sa ofuro, kailan nyo unang ginupitan ng buhok si baby, tips para makatulog ang mga chikitings sa oras..o kahit anong impormasyon na pwedeng i-share na pwedeng makatulong sa ibang TF parents. Open din ito sa mga preggy mommies. Kahit anong kwento basta usapang nanay and informative.
Expecting, new and expert TF mommies (& daddies), kwentuhan tayo. Minna-san yoroshiku onegaishimasu.
v_wrangler
06-13-2006, 02:19 PM
Perhaps a subforum for parents? I'll consult with our Admins and supermods.
Thanks and Goodluck Galadriel!
docomo
06-13-2006, 02:24 PM
@wrangler
mas ok talaga siguro kung meron.. parang ang category about home, health and family.. example nito eh parenting , katulad ng thread na ito (suggestion lang po):)
Galadriel
06-13-2006, 02:38 PM
Perhaps a subforum for parents? I'll consult with our Admins and supermods.
Thanks and Goodluck Galadriel!
Thanks v_wrangler-san. If it's not too much to ask, then another thank you po. Mas maganda nga sigurong magkaroon sya ng sarili nyang sub-forum for easy reference.
..category about home, health and family..
Nice idea docomo :) .
PILIPINAS
06-13-2006, 03:01 PM
Wow, this is good news! This will make browsing easier. Specially, during emergencies, when we need urgent informations about child rearing.
Galadriel, you are a great mom.:D
Galadriel
06-13-2006, 03:36 PM
@ Pilipinas
:O Although nakakalula yung compliment, thank you pa rin sa intention. Honestly, i have to wait for another 20 or 30 years more to really know how i will do as a mother.
Sana we can help each other thru TF to become good, loving & sensitive parents to our kids. Yoroshiku ne :) .
Galadriel
06-13-2006, 03:56 PM
Para sa mga Avent users, pwede kayong makabili ng products sa Babies R Us. Marami silang items galing US, Canada & UK. Naging problema ko yung pagpalit ng teats dati kaya nag-shift ako sa Pigeon bottles.
Mas marami rin silang Johnsons&Johnsons na products kumpara sa ibang baby stores.
PILIPINAS
06-13-2006, 04:03 PM
Hello TF parents, especially mga first time parents here in Nihon.
Example, anong age pwede isabay ni otousan si baby sa ofuro, kailan nyo unang ginupitan ng buhok si baby, tips para makatulog ang mga chikitings sa oras..o kahit anong impormasyon na pwedeng i-share na pwedeng makatulong sa ibang TF parents. Open din ito sa mga preggy mommies. Kahit anong kwento basta usapang nanay and informative.
Since you opened this topic, please allow me to start sharing.
Six months ang baby ko nung sinabay namin siya sa ofuro, around 15 to 20 minutes. Depende sa mood nung bata. A diary helped me to keep an eye on his progress. He was one year old nung una kong ginupit ang buhok niya and I still have his hair on my drawer.
;)
Galadriel
06-13-2006, 04:23 PM
Naku mukhang maaga ko yatang nilusong sa ofuro anak ko :eek: . At 3 months, hindi na sya kasya sa mini bath tub nya. Kaya nag-decide kaming mag-asawa na i-promote na sya sa ofuro :D. Ok lang naman daw sabi ng mga pinsan ng asawa ko kaya napapayag na rin kami. Pero hanggang ngayon 5 minutes or so lang ang babad nya. Kailangan una rin sya sa amin mag-asawa mag-ofuro kasi mas maligamgam yung tubig nya :).
tagarp
06-13-2006, 08:17 PM
Maganda itong topic na to.. :thumb: .. Share ko din ang experiences ko.. Ako, I let my 1st child to be in ofuro with his otosan noong 3 sai na sya.. Late na talaga. Nung start sya pumasok ng yochen.. :) .. I do it also in my 2nd baby. And then I keep their cut imbilical cord with the silver coin 1945 (its a family tradition that my father gave a silver coin to his apo.. para daw tumalino).. :confused: and their loosen tooth in 1 case. :D .. The silver coin war era was from the collection of my Father who's in the US Army that time and fought against the Japanese2nd World War.. Crazy, now his son in law is a Japanese.. :lol: ..
summergirl
06-14-2006, 06:34 AM
mahirap talagang mag-palaki ng baby di ba,pero enjoy while they r still babies kasi nakaka miss,talagang full time ka sa kanila pero pag lumaki sila kagaya ng mga anak ko,para bang nakaka-lungkot,I have 20 yrs old son & 12,1 month pa lang sila nilulublob ko na sila sa opuro with there Papa kasi japanese sila kaya kung ano ang nakagawian ng mga hapon join ka,kaya lang ang lambot kaya nakaka -takot,parang puyat na unggoy dahil palaging puyat feeding them tapos iiwan ka rin pala pag malaki na.Ganon talaga dear ang mag alaga ng bata,konting tiis at ganon talaga ang sakripisyo nating mga mommy's
neehs_iris
06-14-2006, 11:58 AM
Makikisalo na din sa magandang thread na to. Ang baby girl ko din, sa ofuro na at 3 months kasi hindi nga magkasya na sa baby tub. mga 5 minutes lng before pero ngyn, 10-15 minutes basta check ko lang na yung water temperature eh hindi masyadong bumaba at baka lamigin din. At 7 months now, nagtatampisaw na ng mga kamay at nalilibang na kakalaro sa rubber toys kaya mas enjoy ngayon ang ofuro, di gaya dati na anlambot pa at takot na takot ako sa paghawak at suporta sa katawan.
justmissin
06-14-2006, 02:20 PM
hello mga kaTF, ako naman may 3 months old na baby.Hay grabe sa pagod at hirap lalo na pag wala ka katuwang sa pag aalaga.Hindi ko pa sya natatry sa ofuro kahit di n sya mag kasya sa baby tub nya. Ginagamitan ko sya ng bigkis or maliit n lampin para sa pusod nya para daw sumeksi? Natutuwa ako sa baby ko kapag split second lang wala ako sa tabi nya hay nakatawag na kaagad,kung nakakapagsalita lang siguro sya maya`t maya ako tinatawag.Hihihi!Nah ihirapan ako specialy sa health consultation nya.konti lang kasi alam ko nihonggo.Lalo na tungkol sa pagdumi nya kasi hinde regular,kailangan ko pa sundutin ng cotton buds with baby oil para sya madumi.And my baby love jingle bell song at kailangan ako ang kakanta para makatulog sya.At grabe sya magpawis sa ulo.Mahirap na masarap pala ang maging nanay. sana magkaron nga ng sub tread itong forum para sa mga mommies and mommies to be.
luvberry
06-14-2006, 02:37 PM
Ang cu cute naman ng mga babies nyo.. Parang kelan lang.. lumaki na kasi ang mga babies ko eh, Anyway, I advice to all of you na start na kayo kumuha ng educational plan nila habang maliliit pa sila. Ako kinuha ko yung "KAMPO" sa post office meron non. Or make some savings for them. Kasi pag pasok nila sa School like Yochien (kinder), High School nila, hindi na kayo mabibigla sa gastos at may naitatabi na kayo para sa kanila.. Naku ang mahal mag paaral dito.. sisterly advice :)
Galadriel
06-15-2006, 12:23 PM
...I keep their cut imbilical cord with the silver coin 1945 (its a family tradition that my father gave a silver coin to his apo.. para daw tumalino)..:confused : and their loosen tooth in 1 case. :D...
Hello tagarp, pareho tayo mahilig magtago for memories. Mula sa hospital tags hanggang sa mga firsts ng anak ko, pwera pa yung mga pre-birth abubot ko. Sa dami hindi ko na alam kung paano io-organize. Naisip kong kunan na lang ng mga pictures para walang masyadong kalat, kaya lang nanghihinayang ako. Okashii daw sabi ng asawa ko, pati unang gupit ng kuko ng anak ko nakatabi din kasi :D.
mahirap talagang mag-palaki ng baby di ba,pero enjoy while they r still babies kasi nakaka miss,talagang full time ka sa kanila pero pag lumaki sila kagaya ng mga anak ko,para bang nakaka-lungkot,I have 20 yrs old son & 12,1 month...
Hi summergirl, minsan naisip ko paglaki ng anak ko baka hindi ko na sya masyadong makulit, kaya ngayon pa lang sinasamantala ko na sobra yung experience. Pero mukhang konting panahon na lang may makakalaro ka na ulit na baby, may mga binata ka na pala :). Mukhang marami na kaming matutuhan sa'yo, yoroshiku ne:) .
..Ang baby girl ko din,..At 7 months now, nagtatampisaw na ng mga kamay at nalilibang na kakalaro sa rubber toys kaya mas enjoy ngayon ang ofuro, di gaya dati na anlambot pa at takot na takot ako sa paghawak at suporta sa katawan.
Hi neehs_iris, nakakatuwa enjoy sya sa bath time nya noh. Naalala ko tuloy last time na dumaan kami ng baby store, ang dami ng naka-display na magagandang bathing suits for kids. Next summer for sure rarampa na rin ang mini-model mo. Sobrang cute sigurado.
...Ginagamitan ko sya ng bigkis or maliit n lampin para sa pusod nya para daw sumeksi? Natutuwa ako sa baby ko kapag split second lang wala ako sa tabi nya hay nakatawag na kaagad,kung nakakapagsalita lang siguro sya maya`t maya ako tinatawag.Hihihi!Nah ihirapan ako specialy sa health consultation nya.konti lang kasi alam ko nihonggo.Lalo na tungkol sa pagdumi nya kasi hinde regular....
Hello justmissin, another cute baby girl din pala sa'yo. At mukhang figure-conscious na at her age (ang nanay, hehe). Naku wait ka pa ng 1 month makikipag-usap na yan sa'yo. Lagi pang naka-bungisngis. Baka sa sobrang enjoy mo, hindi mo na sya maiwan.
Tungkol sa pagdumi nya, i assume napa-check mo na sya sa doctor. Taihen si baby girl mo no:( ? Mahina ba syang uminom ng gatas? Good timing may naka-schedule na naman kayong visit sa hospital/clinic para sa BCG nya. Pwede mo ulit ikunsulta yung problema. Tawag lang for appointment para hindi masyado maghintay ng matagal. Btw, in case may gusto kang ipa-translate post ka lang marami pwedeng mag-assist sa atin dito sa forum:) .
Baby ko din pawisin, hindi ako sure kung may kuneksyon dahil winter sila pinanganak:confused: .
Galadriel
06-15-2006, 12:30 PM
Ang cu cute naman ng mga babies nyo.. Parang kelan lang.. lumaki na kasi ang mga babies ko eh, Anyway, I advice to all of you na start na kayo kumuha ng educational plan nila habang maliliit pa sila. Ako kinuha ko yung "KAMPO" sa post office meron non. Or make some savings for them. Kasi pag pasok nila sa School like Yochien (kinder), High School nila, hindi na kayo mabibigla sa gastos at may naitatabi na kayo para sa kanila.. Naku ang mahal mag paaral dito.. sisterly advice :)
Hello luvberry. Thank you, ang ganda ng advice mo:thumb:. Pwede mo kaya kaming bigyan please ng kahit overview lang dun sa KAMPO. Malaki o maliit ba monthly nya? Bakit mo sya pinili over private insurance companies? Pasensya na ha, baka marami din kasing interesado kamukha ko. Para pag kinausap ko asawa ko, kahit papaano ma-explain ko ng maayos, baka sakaling ma-convince ko na this time. Mas prefer nya ang savings kasi. Ako naman kung pwede sana, gusto ko pareho para sigurado na yung pang-eskwela nya. Yoroshiku ne :) .
justmissin
06-15-2006, 01:12 PM
to galadriel
ako po ba ang kailangan magpaschedule ng check up ni baby?wala kasi ako alam sa sistema ng pagpapacheck up ng baby. Saka yung sa bakuna? Tungkol sa gatas, marami naman siguro siya nadede kasi marami naman syang iniihi,saka tumataas ang weight nya. Every minute nga kung dumede,breastfeeding po ako kung tatanungin nyo. At ngayon naman ang dami nyang pula sa leeg na parang bungang araw,sa katabaan eh hindi na tuloy makita ang leeg kaya pahirapan pa sa pagpapatuyo. Salamat po sa post.It will realy help me a lot.:tfrocks:
tagarp
06-15-2006, 01:36 PM

hello Mrs Justmissin.. share ko lang sayo about the check up ng baby mo.. Kasi nung aking mga era pa e, mayroon akong Bostetcho ng baby ko.. at naka sulat naman doon ang schedule monthly, I do directly schedule sa doctor ng monthly check up nya at may dumarating na papel sa akin from the City Hall about their vaccination. Dadalhin mo lang yung paper at bostetcho na yon sa mga Clinic near you at yung mga Doctor ang mag ii schedule ulit ng next check up and vaccination. Kung walang dumarating sayong mga papers, .. Go straight to the Hokenjo or health centers sa inyong ward or magtanong ka sa City Hall. They will provide you one. But in case of emergency about your baby, go straight to the doctor na. Umpisa na rin ang Summer kasi, merong nabibiling Pigeon powder sa mga drug store or supermarkets.. pulbusan mo na lang ang leeg nya to avoid the rashes.. So heres the infos.. OK need to go to the school na.. good luck.. :)
Galadriel
06-15-2006, 02:22 PM
Additional info..tama si tagarp, may ipapadala sa'yo ang city hall na mga reading materials and mga questionnaires para sa immunization ni baby. Doon nakalagay yung schedule ng bakuna. Unfortunately lahat yan all written in Japanese. So kailangan ng cooperation ng husband talaga. Kailangan mong dalhin yung BCG slip na yun para hindi ka magbayad. Kung sakaling makalimutan, pwede yata ipa-reimburse din ito.
Tanong po: Naipa-register mo na ba sa city hall yung baby mo pagkapanganak mo?
Una sa schedule ng bakuna ang BCG, (between 3 months - 6 months). Anytime pwede mo itong gawin basta bago mag-lapse yung period na stated. Either sa private clinic/hospital or health centers pwede. Mas malapit yung isang private clinic sa bahay namin kaya doon namin dinala anak ko. Walang phone reservation kasi first time and may mga informations na kailangan isulat sa record ng bata. (Subukan kong i-post yung other info sa bakuna later, pa-explain ko lang ulit sa asawa ko).
Make sure na may thermometer ka sa bahay, may mga bata kasing may reaction sa bakuna. Yung anak ko after 3 days, nilagnat. Kaya punta ulit kami sa clinic. Mangiyak-ngiyak ako kasi hindi kami nakatawag for appointment dahil gusto ko na syang ipa-check up agad. Pagdating namin doon halos 2 hours kaming waiting:( .
Kapag may napapansin kang problema sa anak mo, dalhin mo na agad sa doctor. Dito sa lugar namin hanggang 3 years old, wala kang gagastusin sa mga check-ups & gamot.
Tungkol sa gatas, marami naman siguro siya nadede kasi marami naman syang iniihi,saka tumataas ang weight nya. Every minute nga kung dumede,breastfeeding po ako kung tatanungin nyo.
Siguro nga nakakakuha sya ng sapat na dami ng gatas pero banggitin mo ulit yan sa doctor ha. Basta magandang dumumi sya 1x/day minimum.
Yung sa rashes, alagaan mo lang sa lagay ng baby powder as suggested also by tagarp.
justmissin
06-15-2006, 03:27 PM
to tagarp and galadriel
salamat po sa info na binigay nyo,actualy nakita ko nga po sa bostetcho na may schedule ng 3 months.Nabanggit ko nga kay habibi kagabi na kailangan ipachek up na si baby.Confuse lang kasi ako kasi sa Pinas monthly check up ng pamangkin ko at binakunahan na after 2 weeks nung pinanganak sya. And about city registration,naregis ter na po sya. Kaka 3 months pa lang naman po ni baby noong June 12.:) kaya siguro wala pa letter from city hall. but this saturday pa check up namin sya kasi hanggang ngayon nga hindi pa rin sya makadumi ng sarili nya.Ginagawa ko naman ang advice nung doctor yun ngang sa cotton buds kaya lang syempre nakakaawa naman kung araw araw kong gagawin yun pag di sya dumumi.Baka pag pinachek up ko uli sya bigyan na sya ng gamut.
Hayyyyy Grabeee!!! :D Thank You uli talaga...
tfcfan
06-15-2006, 05:21 PM

hi there mommy!:)
Tungkol po sa di makadumi si baby .may nabibili naman pong suppository para lumabas ang dumi ng bata or kanchou ang tawag nila, sa mga drugstore meron po nyan dito,sabihin nyo lang po na pambaby na kanchou or mas mabuting sabihin nyo na rin kung ilang buwan or taon na ba si baby.depende po kase sa edad kung anong kanchou ang bagay sa baby nyo.
yoroshiku..:)
tfcfan
06-15-2006, 05:40 PM
Hello TF parents, especially mga first time parents here in Nihon.
Para sa mga TF parents na nag-aaral pa rin ng Nihonggo, kagaya ko...minsan mas gusto natin na makakuha ng opinyon galing sa mga expert mommies kaysa tumakbo agad sa doctor. Lalo na kung hindi naman tungkol sa sakit yung gusto nating malaman. Example, anong age pwede isabay ni otousan si baby sa ofuro, kailan nyo unang ginupitan ng buhok si baby, tips para makatulog ang mga chikitings sa oras..o kahit anong impormasyon na pwedeng i-share na pwedeng makatulong sa ibang TF parents. Open din ito sa mga preggy mommies. Kahit anong kwento basta usapang nanay and informative..
Hi there Galadriel mommy,
Thank you for opening this thread.
Malaking tulong di lang sa mga mommies pati na rin sa mga daddies.Share ko na rin ang naexperience ko sa aking Ayaka...
First time nyang mag-ofuro na kasama ang papa nya eh a week old pa lang sya,
3399
Ginupitan ko sya ng buhok nung mismong nagbday sya ng 1 year.
At nakatago pa rin yun kasama ng pusod nya at name strap nung pinanganak ko sya with her diary na ginawa ko.
3400.
Hay ang masasabi ko lang masarap na mahirap ang maging isang ina.:sweeties:
I just hope na marami pang ka-tf ang makapag share about their babies and kids.;) :)
summerghie
06-15-2006, 07:42 PM
@GALADIEL ako po may baby na 6 months,at first sa mini bath tub ko sya pinapaliguan atska every morning kasi mas mabilis daw paglaki ng bata kapag sa umaga pinapaliguan at araw araw ; alam nyo naman paniniwala ng mga matatanda and then napansin ko di na sya mgkakasya nun mg 3 months sya so ginawa ko bumili ako ng net para sa mini bath tub nya doon ko sya nilalagay kaya ngkasya sya hangang 4 months..nakasabay nya papa nya nun ng 4 months na sya saka every sunday lang kasi 9 na ng gabi nauwi si hubby kaya talaga kungdi sa umaga sa hapon ko sya ini-ofuro saka most of the time ako kasabay niya..:) nakakatuwa kasi marunong na siya mg tampisaw sa tubig...
hi there mommy!:)
Tungkol po sa di makadumi si baby .may nabibili naman pong suppository para lumabas ang dumi ng bata or kanchou ang tawag nila, sa mga drugstore meron po nyan dito,sabihin nyo lang po na pambaby na kanchou or mas mabuting sabihin nyo na rin kung ilang buwan or taon na ba si baby.depende po kase sa edad kung anong kanchou ang bagay sa baby nyo.
yoroshiku..:)
na open mo na rin yun tungkol dito tfcfan kasi yun baby ko mula nun nag 5 months siya di na sya nagdudumi madalas..5 days yun una kaya natakot ako kya dinala namin siya sa dr. tas akala ko ok na hangang ngaun kina kanchou parin namin siya kasi my time na talagang 5-6 days di sya nadumi...natatakot ako baka masanay siya sa ganun ..may prob. kaya baby ko?..i hope may makapagbigay ng advice sakin...thanks in advance ...pasensya na po OT po ata...:(
docomo
06-15-2006, 08:45 PM

... padedehin mo rin ng water as much as possible after mo syang i~breast feed or bottle feed.. minsan kailangan mo din sundutin ng cotton buds yung labasan ng dumi para pantulong yun para mailabas nya.. lagyan mo lang ng baby oil yung labasan ng dumi bago mo ipasok yung cotton buds .. yung pang baby na cotton buds ha at hindi mo lahat ipapasok yung tip lang ng cotton buds :)
myukasky
06-16-2006, 01:15 AM
to galadriel
ako po ba ang kailangan magpaschedule ng check up ni baby?wala kasi ako alam sa sistema ng pagpapacheck up ng baby. Saka yung sa bakuna? Tungkol sa gatas, marami naman siguro siya nadede kasi marami naman syang iniihi,saka tumataas ang weight nya. Every minute nga kung dumede,breastfeeding po ako kung tatanungin nyo. At ngayon naman ang dami nyang pula sa leeg na parang bungang araw,sa katabaan eh hindi na tuloy makita ang leeg kaya pahirapan pa sa pagpapatuyo. Salamat po sa post.It will realy help me a lot.:tfrocks:
About sa pagpapacheck-up sa experienced ko sa two kids ko kapag sa health center sila ang nagpapadala ng hagaki para ipaalam sayo kung kailan ang check-up nya. Sa bakuna naman may bakuna na dapat sa biyoin or clinic ginagawa kaya ikaw ang pupunta sa biyoin na malapit sa place mo at magtanong ka doon. Yung sa kids ko pinaschedule ko lahat sa doctor doon sa malapit na clinic sa amin para di ko nakakalimutan. Ako breast feeding din sa second baby ko at iba nga kapag breast feed, alam mo never sya magkasakit ng madalas tama na yung once a year.:D About sa leeg ng baby mo dapat pagkatapos nya mag ofuro huwag mo pababayaan na basa yung leeg, singit ng hita at kili kili para di magkaroon ng singaw or parang bungang araw. Pahiran mo mabuti ng towel at lagyan mo ng powder.
myukasky
06-16-2006, 01:23 AM
hello mga kaTF, ako naman may 3 months old na baby.Hay grabe sa pagod at hirap lalo na pag wala ka katuwang sa pag aalaga.Hindi ko pa sya natatry sa ofuro kahit di n sya mag kasya sa baby tub nya. Ginagamitan ko sya ng bigkis or maliit n lampin para sa pusod nya para daw sumeksi? Natutuwa ako sa baby ko kapag split second lang wala ako sa tabi nya hay nakatawag na kaagad,kung nakakapagsalita lang siguro sya maya`t maya ako tinatawag.Hihihi!Nah ihirapan ako specialy sa health consultation nya.konti lang kasi alam ko nihonggo.Lalo na tungkol sa pagdumi nya kasi hinde regular,kailangan ko pa sundutin ng cotton buds with baby oil para sya madumi.And my baby love jingle bell song at kailangan ako ang kakanta para makatulog sya.At grabe sya magpawis sa ulo.Mahirap na masarap pala ang maging nanay. sana magkaron nga ng sub tread itong forum para sa mga mommies and mommies to be.
Sa kids ko dumaan din sila dyan sa time na di regular ang pagdumi, tanong ako noon sa doctor sabi nya cotton buds with baby oil nga daw kasi di rin maganda yung sanayin yung baby sa gamot na ipapasok sa puwet kasi masasanay sya daw ng ganon at kung di mo lalagyan ng ganon sa puwet di dudumi. Once ko lang natry maglagay sa puwet ng baby ko pero di na naulit. Cotton buds with baby oil ako at daming water na painom sa kanya. Kawawa kasi ang baby kapag di nakakadumi ng regular.
Galadriel
06-16-2006, 10:20 AM
Hi there Galadriel mommy, Thank you for opening this thread. Malaking tulong di lang sa mga mommies pati na rin sa mga daddies.Share ko na rin ang naexperience ko sa aking Ayaka...
Hello mama tfcfan, thank you din for telling us about Ayaka. May bagong little ate na ang mga junior babies namin :). Mas maaga pala nyang nakasama sa ofuro ang papa nya at 1 week old. Ang sweet naman nilang mag-ama, mukhang excited si papa na makipaglaro sa unica hija nya agad siguro no? Yoroshiku ne :).
@GALADIEL ako po may baby na 6 months,at first sa mini bath tub ko sya pinapaliguan atska every morning kasi mas mabilis daw paglaki ng bata kapag sa umaga pinapaliguan at araw araw...
Hello din po summerghie, nakakainggit ka naman. Napaliguan mo na little angel mo ng mag-isa. Minsan gusto kong gawin yan para pahinga na lang asawa ko pag-uwi galing trabaho. Kaya lang hinayaan ko din na, yun lang naman daw kasi ang bonding moment nilang mag-ama. Yung style ng paliligo na sabi ng matanda, ok lang din yun. Basta alam mo na hindi makakasama sa bata, wala pong masama. Mabilis nga bang lumaki ;) ?
Walang OT, anything na gusto mong itanong about your baby ok lang po. Hanggat kayang sagutin ng mga TF fellow parents. Tulungan tayong lahat.
:( Pareho kayo ni justmissin ng problema. Additional input lang aside sa payo ng doctor at ni DOC ( mukhang hands-on dad si docomo:thumb: ). At 6 months, i'm sure binibigyan mo na din sya ng soup, mashed food & juices. Minsan daw pag-sinimulan na natin i-introduce ang mga solid food, naninibago yung tiyan ng baby. I suggest i-try mo yung prune juice ng meiji. Baka sakaling maka-trigger ng pagdumi nya. Subukan mong ipa-inom ito in between ng milk feedings nya. Baka kasi ayawan lang ni baby kung isusunod mo agad, kasi nabusog na sya sa nainom nyang gatas. Soft massage mo din yung tiyan nya pagdumudumi sya (conditioning style). And before every feeding, habang nakahiga sya ilapit mo yung tuhod nya sa tiyan nya paulit-ulit, back & forth, para makapaglabas din sya ng gas. Sana makatulong :) .
Galadriel
06-16-2006, 10:25 AM
Yung sa kids ko pinaschedule ko lahat sa doctor doon sa malapit na clinic sa amin para di ko nakakalimutan...
Magandang suggestion ito :) .
pola228
06-16-2006, 11:20 AM
share ko lang yung sa umbilical cord ng baby ko..yung panganay ko kasi saktong 1month natanggal at ok naman..yung bunso ko saktong 1 week natanggal kaso lang nagkaroon sya ng umbilical granuloma sa nihongo nikuge. nung natanggal kasi yung heso may nakausbong na maliit na mamula mulang laman..akala ko naman natural lang na meron ganun hanggang sa umabot na ng 3weeks parang hindi maganda ang amoy at pagumiiyak sya parang lobong lumalaki:eek: nung 1month check up nya diko nasabi sa doctor..search ko sa internet at nakita ko photos at pareho ng sa anak ko at kung pano matanggal yun kailngan ngang ipa consult sa doc.. kinabukasan i decided to consult this matter to the nearest clinic here..yun na nga nalaman kong isa palang uri ng sakit ito..ginamot ng silver nitrates at naka 5 balik kami kasi di agad sya natanggal..at ayun buti nalang natanggal na nga at grabe ang ganda ng pusod nya:D malalim..
napansin ko nung sa panganay ko araw araw ko nililinis ko ang pusod nya ng ethanol kaya umabot ng 1month yung heso nya..itong sa bunso ko pag pinapaliguan ko lang nalilinis ng tubig yung pusod nya kaya mabilis..yun nga lang nangyari...pero sabi ng doc sa 10 nanganak 1 or minsan di daw nangyayari yun sa mga baby..
teka luto na po ako..next time ulit!:D
tfcfan
06-16-2006, 02:22 PM
na open mo na rin yun tungkol dito tfcfan kasi yun baby ko mula nun nag 5 months siya di na sya nagdudumi madalas..5 days yun una kaya natakot ako kya dinala namin siya sa dr. tas akala ko ok na hangang ngaun kina kanchou parin namin siya kasi my time na talagang 5-6 days di sya nadumi...natatakot ako baka masanay siya sa ganun ..may prob. kaya baby ko?..i hope may makapagbigay ng advice sakin...thanks in advance ...pasensya na po OT po ata...:(
Pinakamabuti eh ,painumin mo ng juice or water,at yung sabi ng isang Mommy na prunes juiceyan din kase pinainom ko sa anak ko,kase di rin maganda na masanay sa kanchou si baby.:)
summerghie
06-16-2006, 03:16 PM
... padedehin mo rin ng water as much as possible after mo syang i~breast feed or bottle feed.. minsan kailangan mo din sundutin ng cotton buds yung labasan ng dumi para pantulong yun para mailabas nya.. lagyan mo lang ng baby oil yung labasan ng dumi bago mo ipasok yung cotton buds .. yung pang baby na cotton buds ha at hindi mo lahat ipapasok yung tip lang ng cotton buds :)
hi docomo...thanks doc for the advice but ive tried that already eh..gaano ba katagal sundutin?
Hello din po summerghie, nakakainggit ka naman. Napaliguan mo na little angel mo ng mag-isa. Minsan gusto kong gawin yan para pahinga na lang asawa ko pag-uwi galing trabaho. Kaya lang hinayaan ko din na, yun lang naman daw kasi ang bonding moment nilang mag-ama. Yung style ng paliligo na sabi ng matanda, ok lang din yun. Basta alam mo na hindi makakasama sa bata, wala pong masama. Mabilis nga bang lumaki ;) ?
hi din sayo...yeah i dot it alone..kailangan eh walang maasahan..nandito pa lang mama ko nagpratice na ko na paliguan siya magisa..kasi nun una i was so afraid kasi malambot pa kaya si mama ko madalas mgpaligo andun lang ako assistant niya and then when he turned 2 months yun doon ako ngstrart magpaligo magisa..it was hard but ive made it..kasi inisip ko kapag umalis na si mama ko wala na ko makatulong eh kung di pa ko masanay mahihirapan ako lalo na yun hubby ko late na lagi natatapos work niya so every sun lang ang bonding nila kapag sat. naman masyado na late para sakin un 7 pm eh ..nasanay na kasi ang bagets ko ng umaga or hapon...well lumaki naman ...:) di nga siya pagkamalan 4 months dati akala 6 months na kasi malaking bata daw...
At 6 months, i'm sure binibigyan mo na din sya ng soup, mashed food & juices. Minsan daw pag-sinimulan na natin i-introduce ang mga solid food, naninibago yung tiyan ng baby. I suggest i-try mo yung prune juice ng meiji. Baka sakaling maka-trigger ng pagdumi nya. Subukan mong ipa-inom ito in between ng milk feedings nya. Baka kasi ayawan lang ni baby kung isusunod mo agad, kasi nabusog na sya sa nainom nyang gatas. Soft massage mo din yung tiyan nya pagdumudumi sya (conditioning style). And before every feeding, habang nakahiga sya ilapit mo yung tuhod nya sa tiyan nya paulit-ulit, back & forth, para makapaglabas din sya ng gas. Sana makatulong :) .
thanks din galadiel napainom ko na rin siya niyan kaso once lang wala kasi ako mahanap ng prune lang sa buong pack nakita ko lang un 4 types of fruits sa isang box eh 2 pack lang yun prune kaya 2x ko pa lang siya napapainom..when he turned 4 months ive tried also giving him enough ounce of water daily..i also tried massaging his belly with my 3 fingers under his navel and also tried pumping his legs while hes lying on his back; still he pass a tool unfrequent.hes been like this alomost a month..natatakot ako baka masanay siya sa kanchou eh..before pure breastfeed lang siya ngayon kasi mix na nun ngturned siya ng 6 months kasi di na enough yun milk ko for him and i also introduced him to solid food....he has a big stomach now..:D
but i will try all your advices..thank you mga mare ko sa tf...:)
justmissin
06-16-2006, 08:16 PM
hello po to everyone
Salamat po sa mga nagreply kahapon. to summerghie, about dun sa kung gaano katagal? Ang ginagawa ko kasi dinadamihan ko ang lagay ng oil sa cotton buds para pagpasok sa puwet madulas split seconds ang tinatagal nya wala namang minuto then sinasabayan ko ng OH OHHHHHH :bonk: para daw malaman ni baby na pinapapupu sya(sabi ng nakatatanda????):gri nny: tapos lumalabas naman sya,kailangan nakabend ang legs sa tummy nya,tama ba??:scratch: and with konting himas sa tiyan nga sabi nila dito sa forum.hindi ko naman araw araw ginagawa,may pagitan naman.Pero pagdumumi sya ng sarili nya happy ako:halo:
tagarp
06-16-2006, 10:46 PM
Mga Mommies.. I wanna share some of my experiences nung 5 > 6 months old ang mga babies ko about eating their solid foods.. I remember na I bought a mugi cha na pang baby available sa mga drugstore baby corner, and some potato-pumpkin (ako ang nag microwave)
with baby cereal mixed.. Basta lahat minashed ko with a bit of hot water para madali silang matunawan. Or minsan, kung anong ulam naming magasawa, yung soup noon, I mixed in the porridge rice at yun ang pinakakain ko.. kasunod pinaiinom ko ng water. Kasi para di daw sila maging choosy sa pagkain.. Oh and one thing, when we got in Swiss pala.. pinakain ko ang bunso kong ng banana yogurt.. 5 1/2 months sya noon.. naku gustong gusto.. at talagang gumanda ang panunaw ng baby ko.. So I do every day ko na tuloy sila binibigyan ng yogurt hanngang sa paglaki.. :p
hello sa lahat ng tf members
happy ako at nagkaroon ng ganitong thread regarding parenting...i have a 5-month old baby boy...at first time ko din maging mommy...super hirap talaga mag alaga ng baby dito sa japan walang katulong sa pag aalaga kay baby... share ko na din experience ko....
when i gave birth(normal) bale 5 days kami sa hospital pag uwi ko sa bahay parang may bagyo sa kalat...kasi sa hospital din natutulog ang hubby ko kaya super kalat ang bahay..naiyak talaga ako sa pagod kasi pag uwi namin sa bahay nagluto pa ako ng lunch...nagligpit ng kalat...walang tulog kasi evry 3 hours ang milk ni baby...ang mahirap pa konting ingay lang nagigising na baby ko...tapos ang isa pa nito ...kasama kasi namin ang mother in law ko...kaya naiinis ako kasi andami sinasabi pero i cant argue kasi first time ko nga...sabi nila mga hapon ang baby pagumiyak..hayaan mo lang kasi daw exercise sa puso...andun na ako pero naawa kasi ako kaya diko matiis kinakarga ko agad...kaya minsan dumating sa point na nag away na kami ng asawa ko...gusto kasi nila mamatay sa iyak ang baby...naiinis ako nun sa kanila...kaya nung 3 months na cya umuwi kami ng anak ko sa pinas kasi gusto ko talagang magpahinga....feelin ko mamamatay nako sa pagod kasi may scoliosis pa ako...kaya kahit mahirap bumyahi ng nag iisa kasama ang baby ginawa ko..isang buwan kami sa pinas...
nganyon 5 months na cya medyo nakakahinga na ako konti..pero sumasakit parin likod at mga binti ko sa kakakarga....hindi kasi sya natutulog pag hindi ako ang naghehele,..kaya medyo hirap parin...everyday im learning sa pagiging mommy....mahirap pero ok lang kasi pagnakasmile si baby masay na ako/....7
ako mga 9 days kasama na ng hubby ko nag ofuri si baby...super aga...winter nun....
ask ko na lang din sa mga mommies....gusto ko kasi mag work kaya gusto ko ipasok si baby sa hoekien(wrong spelling ata ako)..sa tingin nya super aga ba? at what age nya ba pinasok mga babies nyo?
thanks
summerghie
06-17-2006, 12:33 PM
@justmissin thanks ha..sige itry ko pagsabay-sabayin yan baka maging effective kasi 4 times na siya na kanchou baka nasasanay na..ipapacheck up namin siya next week para malaman kung may prob. ba kasi 1 month na siya ganito eh..:nono: i will let you guys know what happen ha...
@meg hello..di pala nagkakalayo age ng baby natin nauna lang ako saiyo ng 1 month dec ako ikaw jan. am i right kasi as what you said 5 months na siya ngayon..first baby ko rin 6 months na siya ngayon..naawa naman ako saiyo kasi kung ako nga na may nakatulong pa eh nahirapan pano ka pa kaya..mahirap talaga kapag kasama mo biyenan mo sa bahay kasi may mga biyenan na pakialamera tas gaijin ka pa..buti pumayag hubby mo na iuwi yun baby nyo eh 3 months pa lang siya may BCG naba siya nun inuwi mo? pero alam mo ok na rin siguro yun umuwi ka keysa sa mastress ka kasi mas nakakatakot yun..kung ako nga natulungan ng mama ko hangang 3 months baby ko eh nastress :hellfire: na ikaw pa kaya..alam mo ba nagkaroon ako jimanshi (it is a skin allergy) na pantal pantal na ang kati kati dahil sa stress at pagod daw yun tas eto pa sumasabay pa yun kafunsho ko imagine that sabay sabay sila kumakati tas iiyak baby mo,andian mglilinis ka at magluluto...:banghea d: haaaay naloka ako ning talaga totoo yun meg mapapaiyak :cry: ka na lng kasi wala ka makatulong eh..ang pinakamahirap na stage kasi is 1-3 months,buti ikaw every 3 hrs padede mo ako every 2 hrs beastfeeding kasi ako eh tas nun ng 4 months siya another change of mood.may time talaga na iyakin ang baby.as they grow old there moods change..pero makakaluwag ka na talaga kapag ng 5 months na sila..atsaka we have 1 thing in common meron dina ako scoliosis :weep: din ako kaya naku di talaga ako natagal ng karga yan ang nirereklamo ko sa asawa ko..eh mabigat baby ko eh nun 4 months sya 8 kilos na siya ewan ko lang ngayon 6 months siya..diba nakakangalay..about naman sa pagiyak ng bata sinabi rin ng mama ko na ok lang umiyak ang baby sa umaga para exercise daw sa baga pero pagabi wag daw pabayaan umiyak kasi kakabagan ang bata..sobra naman ata yun saiyo eh kung nangingitim na bata sa kakaiyak at kurushi na siya tama lng na buhatin mo na..
tungkol naman sa question mo eh yun hoikuen infant pwede mo na iwan basta nasa 3 months na siya..ako kasi di ko siya ipapasok doon..i want to take care of him since di pa naman ako magwork.hope it helps..:thumb:
@summerghie
dec 28 ang baby ko halos kasabay ng bday ko kasi 29 ako....wala pa cyang BCG nung inuwi ko...naiintindihan naman ng hubby kokaya pumayag sya...sama sana sya kaya lng may trabaho..
cguro abutin pa ng isang taon bago ko ipasok..ayaw kasi pumayag ng hubby ko ..naiindihan ko naman..kaya lang minsan nakakabored na kasi sa bahay...
mahirap @ag may scolio...isang araw di ako makatayo at makalakad dahil sa sakit ng likod ko...gumagapang lng ako nun..ang hirap talaga..hindi naman makapunta nanay ko kasi nahirapan sya sa passport nya kasi chinese mama ko...pero inaayos na ngayon...
mahirap talaga pero kakayanin
summerghie
06-17-2006, 01:32 PM

ah ganun ba kaya di mo nakuha mama mo..ganun talaga tiis gambarushikanai kasi this is the path we chose so we have to deal with it..buti na nga lang at may mga pc tayo at tf na pugad kungdi nakakabored talaga..lalo na ko lakwatsera talaga ako;i dnt like staying at home..kaya ang laki ng adjustment ginawa ko pero i get used to it slowly..gambatte ne meg...:)
thnx summerghie
ako nasa bahay lang ,,,hindi naman ako lumalabas kung wala hubby ko...lalo nat may baby...ikaw rin ganbatte ne....salamat sa tf
@summerghie
ask ko lang sayo anong oras ba sleeping time ni baby mo?
sa akin kasi tulog siya ng mga 8~9pm tapos gising sya ng 12mn (milk) balik sya tulog tapos gising naman mga 4 or 5am tapos tulog ulit tapos mga 6 or 7am gising na talaga sya...
sayo anong oras mga gising nya?normal ba yung sa akin?
ozy_m3
06-17-2006, 02:54 PM
karanasan tungkol sa baby d ako masyadong expert but sa anak ko sabi ng byenan ko noon dapat mag 1 yr yong baby saka mo gupitan ng buhok.:) noon yon nung unang baby.in my 2nd baby makapal kasi at mahaba na rin ang buhok nya pinu2lan ko mismo 10 mnths palang sa tingin ko wala naman cgurong exact tym or month kung kelan as long as mahaba na ang hair ng baby depende yan sayo.:p tungkol naman sa kuko kailangan mong gupitan as long as mahaba kasi abunai alam mo ang baby ay kamot ng kamot sa mukha buti kung may gloves ang kamay niya pero kelangan mo...paring gupitan meron naman kasing nailcutter na pambaby..:) sa uforo naman in my experience 5 mnths ata yon kasama ng husband ko sa pagliligo depende kasi pagtalagang kaya ng mister mo marami kasi takot magpaligo ng baby lalo nasa uforo pa..gambatte ne happy mommy:yippee:
Galadriel
06-19-2006, 09:15 AM
As promised to justmissin, although sobrang late na, sensya na po..
Standard vaccines (Prefectural government subsidized, free of charge):
BCG (Tuberculosis) - 1 shot, between 3-6 months after birth
Polio/OPV (Oral Polio Virus) - 2x application, 6 to 7 months apart. Between 4 months and 7 years old
DPT (Diphtheria Pertussis Tetanus/Whooping Cough) - 4 shots, between 6 months and 7 years old.
Measles & Rubella (German measles) - 2 shots, between 1 year and 7 years old
Japanese encephalitis - 3 shots in about 7 months period. Usually around 3 years old.Available upon request (with fee):
Influenza
Varicella (Chicken pox)
Mumps
Hepatitis BGuide lang po ito para kahit papaano may idea. Kung may mali pakitama na lang po, baka hindi ko naintindihan masyado yung paliwanag sa akin:( . Para sigurado maki-double check na lang po sa asawa ninyo yung mga detalye o kahit sa mga doctors nyo po.
In case nagtataka kayo kung bakit may bayad yung set of vaccines sa ibaba (chicken pox, etc.)..unlike sa Pilipinas, hindi po kinukunsider na alarming or threatening yung sakit dito, hence hindi kailangan sa Japan. So pwede pong wala o meron, depende po sa desisyon ng magulang :) .
OT-thanks luvberry:)
Galadriel
06-19-2006, 09:30 AM
Importante din na maging resourceful po tayo. Sa mga TF parents na planong umuwi sa atin kasama ang mga anak natin, especially babies, siguro magandang magkaroon po tayo ng information kung ano po ang present health status sa Pilipinas. Aside sa mga newspapers online, cabled local news, pwede po tayong makibalita kahit sa mga kamag-anak natin sa Pilipinas kung may delikado o nakakahawa sakit sa oras ng pag-uwi natin (e.g. meningococcemia, etc.)
I'm sure available din sa embassy natin yung mga ganitong advisory, or siguro kahit i-check natin directly mismo sa DOH (http://www.doh.gov.ph/index.htm) para makasiguro :).
myukasky
06-19-2006, 10:51 AM
As promised to justmissin, although sobrang late na, sensya na po..
Standard vaccines (Prefectural government subsidized, free of charge):
BCG (Tuberculosis) - 1 shot, between 3-6 months after birth
Polio/OPV (Oral Polio Virus) - 2x application, 6 to 7 months apart. Between 4 months and 7 years old
DPT (Diphtheria Pertussis Tetanus/Whooping Cough) - 4 shots, between 6 months and 7 years old.
Measles & Rubella (German measles) - 2 shots, between 1 year and 7 years old
Japanese encephalitis - 3 shots in about 7 months period. Usually around 3 years old.Available upon request (with fee):
Influenza
Varicella (Chicken pox)
Mumps
Hepatitis BGuide lang po ito para kahit papaano may idea. Kung may mali pakitama na lang po, baka hindi ko naintindihan masyado yung paliwanag sa akin:( . Para sigurado maki-double check na lang po sa asawa ninyo yung mga detalye o kahit sa mga doctors nyo po.
In case nagtataka kayo kung bakit may bayad yung set of vaccines sa ibaba (chicken pox, etc.)..unlike sa Pilipinas, hindi po kinukunsider na alarming or threatening yung sakit dito, hence hindi kailangan sa Japan. So pwede pong wala o meron, depende po sa desisyon ng magulang :) .
OT-thanks luvberry:)
Dagdag ko lang yung Japanese encephalitis ay paste out na po, yung sa daugther ko kasi yung last na Japanese encephalitis nya di na sya nabigyan kasi pinagbawal na daw. According doon sa doctor na nag bibigay ng vaccine sa kids ko may ipapalit kaso di pa nila alam kung kailan. At yung ipapalit dito sa Japanese enciphalitis may bayad but di naman expensive. Sana nakatulong kahit paano:D
Galadriel
06-19-2006, 11:54 AM
Thank you sa update myukasky, magandang information ito :). Mukhang kailangan i-update din yung mga circulars galing sa cityhall :( . Pero ok yung mga changes na ganyan, at least sigurado ang mga parents na well-monitored ng Japan kung effective & harmful ang ingredients ng mga vaccines nila.
justmissin
06-19-2006, 05:16 PM
As promised to justmissin, although sobrang late na, sensya na po..
Standard vaccines (Prefectural government subsidized, free of charge):
BCG (Tuberculosis) - 1 shot, between 3-6 months after birth
Polio/OPV (Oral Polio Virus) - 2x application, 6 to 7 months apart. Between 4 months and 7 years old
DPT (Diphtheria Pertussis Tetanus/Whooping Cough) - 4 shots, between 6 months and 7 years old.
Measles & Rubella (German measles) - 2 shots, between 1 year and 7 years old
Japanese encephalitis - 3 shots in about 7 months period. Usually around 3 years old.Available upon request (with fee):
Influenza
Varicella (Chicken pox)
Mumps
Hepatitis BGuide lang po ito para kahit papaano may idea. Kung may mali pakitama na lang po, baka hindi ko naintindihan masyado yung paliwanag sa akin:( . Para sigurado maki-double check na lang po sa asawa ninyo yung mga detalye o kahit sa mga doctors nyo po.
In case nagtataka kayo kung bakit may bayad yung set of vaccines sa ibaba (chicken pox, etc.)..unlike sa Pilipinas, hindi po kinukunsider na alarming or threatening yung sakit dito, hence hindi kailangan sa Japan. So pwede pong wala o meron, depende po sa desisyon ng magulang :) .
OT-thanks luvberry:)
salamat sa information mo. pinacheck up ko si baby nung saturday tungkol sa mga pula nya sa leeg. Pinahinto ng doktor ang paglalagay ng powder kasi makakasama daw sa baby kaya binigyan nya kami ng oitment. i forgot the name of the medicine kasi wala ako sa bahay.pag nagkatime uli ako umupo sa pugad ishare ko d2 kung anung ointment.at summer na daw kaya ingatan ko si baby kasi mataba.salamat uli and more power sa TF;)
summerghie
06-19-2006, 08:24 PM
@summerghie
ask ko lang sayo anong oras ba sleeping time ni baby mo?
sa akin kasi tulog siya ng mga 8~9pm tapos gising sya ng 12mn (milk) balik sya tulog tapos gising naman mga 4 or 5am tapos tulog ulit tapos mga 6 or 7am gising na talaga sya...
sayo anong oras mga gising nya?normal ba yung sa akin?
oo normal lang yun..nagbabago talaga ang routine ng gising nila like un sa baby ko nun nag 5 months siya 2 weeks siya di nagising sa madaling araw bali natutulog siya ng 9 minsan tas gigising siya ng 11 or 12 tas umaga na ng 6 ulit gising niya then tulog siya tas gisng niya 9 ayun tas ngaun naman bumalik ulit un sa maadaling araw na gising niya sleeping time niya is 9 then gising siya ulit kungdi 2 minsan 3 tas gising siya ulit ng mga 6 or 7 tas 9 na ulit gising niya depende kung ano oras siya natulog naadjust un gising niya basta fix na un 9 na gising niya maaga na un 8:30 na gising niya, pero natutulog siya ulit ha mga 11 or 12 ng tanghali..tulog pa naman sila ng tulog pero kapag naging 6 months na siya iikli na tulog nila sa hapon puro laro na like my little boy bihira na siya matulog ng straight na 2 hrs minsan 1 hr mahigit tas laro for 3 hrs tas tulog ulit..ganun lang normal lang yun sa bata..dont worry..kung may mga questions ka about babys try mo itong website http://www.babycenter.com marami ka rin matutuhan dian..mula buntis ako hangang ngayon nalalaman ko development niya ..try mo puntahan..goodluck..
Galadriel
06-22-2006, 09:34 AM
Pinahinto ng doktor ang paglalagay ng powder kasi makakasama daw sa baby kaya binigyan nya kami ng oitment. ;)
Naku gomen na-suggest ko pa. Hmmm bakit kaya?!? May epekto kaya pagna-inhale nung bata yung powder o dahil minsan sobra ang fragrance ng mga powder dito. Anyway, siguro nga hindi sya dapat as preventive measure. Kung may problema talaga dapat ikunsulta na agad sa doctor. Gomen ne.
@meg,
Hi there Meg:) . Siguro mas makakagaan ng konti kung lahat ng nakikita mong problema pag-uusapan nyong mag-asawa ng maayos. Huwag din padalos-dalos ha. Normal yung self-pity na naramdaman mo, post-partum effect. Naranasan ko din yan:( . Kaya importante ang moral support ng asawa para nagkakatulungan kayo. Hanggat maari lawakan mo din pang-unawa mo. Iba kasi ang pamamaraan nila, pero kung sa tingin mo hindi na maganda yung nangyayari, subukan mong ipaliwanag para maayos yung problema hanggat maaga. Mabigat sa dibdib yung may tampuhan sa bahay, nararamdaman ni baby yung mga ganyang negative na emosyon:(. Pwede rin sila ma-stress sa ganyang age. And kung hindi kaya ng katawan mo, huwag mong piliting gumawa sa bahay. Paano na si baby pag lalong grumabe yung sakit mo?
Confused lang ako bakit mukhang hindi pa yata sanay matulog si baby mo ng diretso sa gabi? Kami ng baby ko (4 months) 5x per day ang gatas niya (bottle feeding). Last feeding (180-220ml) nya mga 10pm-11pm. 630am na gising nya. Pag walang gana minsan 4x lang siya in a day, kaya para matapat ulit ng 10-11pm yung last feeding nya, binibigyan ko sya ng supplementary juices in between. Nagigising pa rin sya minsan sa madaling araw. Sa isang buwan, mga 2x pa lang sya nagising. Kaya kahit papaano nakakapahinga ng konti:) .
Mas maganda may fixed schedule kayong mag-ina, para masanay sya sa ganon routine. Ganbatte ne!
justmissin
06-22-2006, 06:46 PM
Naku gomen na-suggest ko pa. Hmmm bakit kaya?!? May epekto kaya pagna-inhale nung bata yung powder o dahil minsan sobra ang fragrance ng mga powder dito. Anyway, siguro nga hindi sya dapat as preventive measure. Kung may problema talaga dapat ikunsulta na agad sa doctor. Gomen ne.
ok lang yun.May epekto nga daw yun pag nasisinghot yung powder. salamat din sa suggestion,ginagawa ko naman talaga yun kahit wala pa syang pula pula sa leeg.thank you uli
@galadriel
thanks sa reply mo...ok lng naman kami ng hubby ko...minsan nase-stress out lng ako kasi nabobored sa bahay..walang makausap kasi wala naman akong kakilalang pinoy na malapit sa amin...buong araw pare-pareho na lang ang ginagawa....so far ok na din baby ko sa tulog nya kaya lang umaangal ako sa pagkakarga dahil sa bigat...hindi kasi tumatahan ang baby ko pag papa o biyenan ko ang kumakarga...madali din nagigising ang baby ko pagmay konting ingay...hindi ko naman sya sinanay sa tahimik..normal lang ya lang nuon pa ganun na reaksyon nya sa ingay....kaya inis ako pagmay mga bata na naglalaro sa harap ng bahy...nakakairita minsan...
magaan talaga sa loob pag may kakwentuhan...kaya bago minsan anak ko kakwentuhan ko kahit hindi pa nya ako naiintindihan...hehe he.mahirap walang kaibigan na malapit,,,,pero nasasany na din ako magdadalawang taon nako dito kaya sa katagalan masasanay rin...
TR250
06-23-2006, 04:13 AM
Payong kuya lang na regular nyong titignan at che-chekin kung ok ba ang balls nung anak nyo pag lalake. May mga kasong bagamat mukhang nasatamang posisyon ang balls ay umakyat o tumaas o pumasok sa loob ang isa o dalawa sa balls ng bata. Masakit ito para sa mga lalake at dahil baby at di makapagsalita ay walang magagawa kundi umiyak na lamang. Hindi rare na kaso ito at mapapansin din ninyo na pag check-up ng doctor sa bata ay parating kasama ang pag check sa balls ng baby.
Ang normal body temperature ng bata ay mas mataas kaysa sa mga matatanda kaya ang ibig sabihin nito ay pag giniginaw kayo ay tama lang ang temperature sa bata. Maraming ina ang masyadong binabalot ang kanilang anak ng sang katerbang damit at kumot at hindi mahusay ito lalu na pag summer dahil nga mas mataas ang normal na temperatura ng bata kaysa sa mga gurang.
Ang bata sa umpisa ay hindi pa marunong mag burp kaya pag katapos padedehin ay mahusay pa lungadin ang bata para mailabas ang excess air sa loob ng tiyan.
Mahusay din na magbasa o mag-aral kayo ng mga first aid books na para sa pang matanda at para sa mga baby dahil medyo iba ng konti lalu nat pag sanggol pa lamang ang bata. Mahusay din na mag-aral kayo ng CPR, kung papaano pabababain ang lagnat ng bata, papaano sisipsipin ang uhog kung talagang hindi na makahinga ang sangggol. Maraming mga magulang ang hindi nag-basa o nag-aral ng first aid at umaasa na lamang sa biyenan, kapit-bahay, sariling nanay, doctor, ambulancia, etc. na ang masasabi ko ay baka huli na... Marami ring bilib sa sariling ina dahil batikan at experiensado sila pero malamang ay hindi sila experiensado sa "life and death" situations na maaaring ma experiensa ng maski sino.
Nag-aral ako ng advance first aid at survival first aid. Mahilig din akong magbasa, dalawa sa pamilya ang trabaho ay sa hospital, at 3 na ang naging nobya kong mga doctora kaya medyo parang takot ako. Natuto din ako dati ng ilang pamamaraan ng mga taga bundok sa paggagamot, pagpapaanak, at paghahanap at paggamit ng mga halamang gamot, kaya bagamat hindi ako doctor ay nag-iingat talaga ako. 4 bata na ang biglang tumaas ng grabe ang lagnat at inilagay ko sa bath tub habang tinatambakan kami ng yelo para pababain ang temperatura ng mataas na lagnat ng bata. Isa dito ay kapatid ko, ang pinsan ko (sa Pinas), at ang anak ko rin pati na rin yung anak ng kapit-bahay ko ngayon (dito sa Japan). Nung ginawa ko ito sa anak ko at sa anak ko ay malapit na ng 41 at yung sa anak ng kapit-bahay ko ay tumirik na ang mga mata at nung dumating ang ambulansiya ay nasa loob pa kami ng bathtub na nag yeyelo ako sa ginaw pero saved yung bata at di umabot sa utak yung init. Walang nasabi yung mga nasa ambulansiya dahil alam nila kung ano ang ginawa ko at pagkatapos ay ako naman ang ang tinignan dahil tirik na raw ang mga mata ko sa lamig. Pagkatapos ay kung ano-ano ng mga medical terms ang pinagtatatanong sa akin siguro akala ay duktor ako dahil pati heart beat, paghinga, oras ng pagtirik ng mga mata at oras ng pag balik nito sa normal ay lahat ipinasulat ko sa nanay nung bata.
Walang mawawala sa ating mga magulang kung mag-aaral tayo ng sarili at hindi iaasa sa iba dahil "fk-ups happen without warning" and "and all that dummies can do is wait for help for the arrival of the ambulance while their babies are dying"... sad but true.
Habang lumamalaki ang bata ay lumalawak din ang curiosity kaya matuto rin kayong manungkit ng lalamunan o magpasuka lalu nat pag bigla na lang may sinubo ang bata at di makahinga. 3 na ang batang sinungkit at pinasuka ko para makahinga. Yung anak ko naman ay nagpasok ng plastic beads sa ilong at di mailabas kaya trabaho nanaman ulit si tatay. Isa pang sisiguraduhin ay ang maglagay ng mga bakod o harang sa mga hagdanan, itago ang mga matutulis na bagay, mag ingat sa mga electric fan at heater. Tatandaan din na kailangan ng bata (pati matanda) ng proper ventilation.
Palitan parati ang damit, diapers, at siguraduhing parating malinis ang bata. Sabi nung iba na walang namamatay pag di pinapaliguan PERO dipende rin dahil andiyan ang mga mikrobyo ay mga germs na kailangan nating ingatan. Bigyan ng sapat (hindi kulang at hindi sobra) na pagkain o gatas ang bata. Hindi ibig sabihin pag mataba ang bata ay "healthy" dahil pag nasobrahan ay obese ang kinakalabasan na hindi rin mahusay.
Tatandaan ninyo na kailangan din ng mga babies ng exercise. Tulungan ninyo silang mag stretch o mag excercise habang nilalaro ninyo ang sila. Ang mga bata ay kailangan din ng stress outlet kaya bigyan ninyo sila ng sapat na attention, pakikipag laro, pakikipag-usap at higit sa lahat ay security na alam nilang hindi sila nag-iisa at may nagmamahal sa kanila.
Ang PINAKA IMPORTANTE lalu na sa mga nag-iisang nanay na bago lang dito at wala pang mga kaibigang na maaaring kahingahan o ka chikahan ay kailangan ninyong makontrol ang stress ninyo. Mahirap ang maging ina lalu na kung sa ibang bayan na walang kapamilya o kaibigan pero wala kayong magagawa kundi maging matatag dahil HINDI TANGA ang mga sanggol at ramdam nila ang stress ng ina. Tatandaan sana na maraming hindi na maaaring gawin tulad nung nag-iisa lang kayo dahil ka double nyo na yung baby ninyo at kailangang tanggap ito ng buong puso dahil may mga ina na madaling ma stress at mahihina na minsan ay dumadating sa punto na napapabayaan ang bata o minsa ay napapagbalingan ng init ng ulo ang mga anak (gakutai). Kung hindi meroon mang bumabasa nito na hindi masaya, hindi kontento, maraming pag-aalala, maraming problema sa buhay, etc. ay sana pilitin ninyong hindi iparamdam sa bata ang inyong stress dahil. Ang trabaho ninyo ay ang palakihin ng mahusay ang mga bata at ang trabaho naman ng bata ay kumain, matulog, umiyak, tumawa, dumumi, maglaro, tapos kumain, at matulog ulit... Kaya huwag na huwag kayong ma i-istress kung umiiyak ang bata dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Kung stressed kayo ay itago nyo na lang. Huwag din kakalimutan ang magpa beauty si mommy maski super busy kay baby dahil "everybody loves a beautiful mommy with a beautiful baby"... ngayon ay buking na kung bakit marami akong kaibigang mga nanay... I love beautiful kids (and beautiful moms :D )
TR250
06-23-2006, 04:14 AM
double post, sorry.
summergirl
06-23-2006, 06:16 AM
:D mahirap talaga mag-alaga ng mga babies dito dahil ikaw lang mag-isa,kailangan matibay ka puyatan at pasensyiyosa..ang mga anak ko mga 3t o 4 week pa lang nilalagay na ng ama sa ofuro kasi mga hapaon daw iyon,kaya lang sa gabi nga lang,hindi ako masyadong hirap kasi andito ang mother ko at hindi pa mahigpit sa immigration noon,malalaki na ang mga anak ko,20 at 12 kaya nakaka miss ang mga bata,kasi pag malalaki na sila parang hati na ang oras sa mga kaibigan at sa iyo,kung pwede nga lang lagi silang baby..lahat ng anak ko marunong mag tagalog at english kaya pag may hindi ako alam sa japanese sila na ang nag tuturo sa aki,hindi ko na kailangang mag aral sa japanese school dahil i have my own teachers here with me.
Galadriel
07-03-2006, 01:04 PM
Hi TR250, thank you so much sa mga payo. Well-appreciated po lahat:D . Although, i must admit panic agad din ako, in case those things will happen. Last CPR & Heimlich training ko, highschool pa ako. Pero syempre iba ang pressure application sa bata:( . Lucky lang kaming mag-anak, may nagbukas na pambatang clinic sa kapitbahay. I'm sure pwede rin namin silang katukin anu't-anuman.
Additional tip lang huwag kalimutan magkaroon ng emergency numbers na nasa obvious na location sa bahay (near-phone, ref, door, first-aid box, etc.), during emergency situations. May mga hospitals and clinics na hindi open 24 hours and during weekends/holidays. Isama din po natin sa listahan yan. Maganda rin kunin ang mga addresses ng clinics and hospitals na malapit sa bahay natin. In case matagalan ang dating ng medical assistance/ambulance, maganda na may option pa tayo.
Huwag din kakalimutan ang magpa beauty si mommy maski super busy kay baby dahil "everybody loves a beautiful mommy with a beautiful baby"... ngayon ay buking na kung bakit marami akong kaibigang mga nanay... I love beautiful kids (and beautiful moms :D )
:D detta!
justmissin
07-26-2006, 06:04 PM
hello mga kaTF moms.Ask ko lang, pag ba nagkaperiod na may possiblity ba na huminto na rin ang pagdaloy ng milk or humina na?and my baby is 4 months old,help naman po kung pano ko matuturuan dumede si baby sa bottle kasi ayaw nya dumede sa bote,pero pag breast na dumedede naman sya.Pag umaalis kasi ako di ko maiwan ng matagal kasi di nga sya dumedede sa bote.di naman ako makapag pump ng milk kasi hindi ako makaipon kasi maya`t maya dumedede si baby. at ayaw din nya ng patupat.:( Salamat po sa magrereply.
tfcfan
07-26-2006, 07:00 PM

Hi Just missin mommy!:) Sa naranasan ko di naman sya humina kahit dumating na yung monthly period ko pagkapanganak ko.Tuloy tuloy mo lang pagkain ng masustansyang pagkain at yung may sabaw.About sa pagdede ni baby sa bote,sa una lang yan aayaw kase di nga nasanay,pero later on matututunan din nya yan,wag kang mag-aaalala na baka magkasakit sya kung ayaw nyang dumede sa bote,at medyo nakakaawa nga naman lalo na kung umiiyak pero ganun naman talaga lahat ng bagay pinag-aaralan ,tiisin mo lang kahit na alam mong umiiyak sya.Kase ako nung inawat ko sa breastfeed ang anak ko eh mga 6 mos.nung una ayaw din nya at naaawa man ako pero mahirap lalo na kung lagi kami sa labas pero ilang araw pa at nakasanayan nya ring dumede sa bote...:)
honey
07-26-2006, 09:04 PM
justmissin hi!:)
Pwede na nga padedehen sa bote ang 4 months sanayin mo para pede mo syang maiwan.Sabi kasi sa akin ng doc. noon kailangan hanggang 3 months padedehen ang bata breastfeed ba kasi masustansya ang milk mula kay mommy yun nga lang ako hindi kasi nagpadede dahil alang lumabas kahit anong piga kaya 1 week lang ako nagpabreastfeed.:( Buti nga lumaking masigla itong anak ko :D .
Hay naku ang hirap nga maging mommy pero naggagambatte :) Kahit ganitong hirap at walang sub kapag kakain ako inaayon ko pa rin sa oras para hindi naman ako magkasakit.Kailangan laging malakas para sa inaarugang pamilya kasi kapag wala ang isa lalong mahirap.:(
mizo_shiru
07-27-2006, 12:00 AM
Hi, Galadriel. Napaganda nitong thread na ito. Sana noong baby pa ang mga kids ay meron ng ganito. Marami rin kasing mga problemang na-encounter lalo na sa first baby ko. First few weeks pa lang nya, mapulang-mapula na sya dahil sa mga skin rashes nya sa iba't ibang katawan, sabi ng duktor eh, atopy daw 'yun,ganoon kaaga, nalaman kaagad. Sobrang mahirap, ang daming gamot, may allergic reaction pa sya sa milk kasi mixed feeding ako noon, kay a palaging linggu-linggo ay nasa duktor kami.
Additional tip lang huwag kalimutan magkaroon ng emergency numbers na nasa obvious na location sa bahay (near-phone, ref, door, first-aid box, etc.), during emergency situations. May mga hospitals and clinics na hindi open 24 hours and during weekends/holidays. Isama din po natin sa listahan yan. Maganda rin kunin ang mga addresses ng clinics and hospitals na malapit sa bahay natin. In case matagalan ang dating ng medical assistance/ambulance, maganda na may option pa tayo.
pwede mo rin i-add ang sarili nyong address, tel no., cellphone # ng asawa mo at company tel. # near-phone, in either case di mo ma-reach 'yung isang no. Kasi, in very emergency situations at kailangan mong tumawag ng ambulance, minsan sa sobrang pagkatuliro mo, di mo na kasi maalaala ang sariling address. Kasi dati, nangyari na ito sa kin, yung cell number ng asawa ko ay makailang beses ko munang nai-dial bago ko sya makontak.
sam_227
07-27-2006, 12:36 AM
maki join na rin.Ako naman 2 months pa lang baby ko sabay narin sila ni hubby ko sa ofuro.Lucky din ako kasi 5 months old na sya wala ako naging problema sa gabi hindi talaga sya namumuyat.Sa milk naman ang ginawa ko umpisa pa lang pag gising nya sa umaga breastfeeding tapos nun hangang hapon sa bote na sya tapos pag dating ng gabi breastfeeding ulit .hanggang 4 months ganyan gawain namin ni baby,kaya nun nag stop na breast (milk) ko kahit sa bote nalang sanay din sya.Thanks god din kasi sa ngayon ang lusog ni baby sam at di rin sya sakitin.Kami lang din kasi ni hubby ang nag aalaga,mabuti na lang si hubby ko sobra asikaso kay baby.At isa tip din mainam pala yun palagi nilalabas yun baby at mayroon nakakausap,tulad ni baby sam 5 months old pa lang "mama" "papa" at "baba" ganyan yun naririnig namin sa kanya.Ang hilig pa nya gusto nya palgi sya may naririnig na song,kaya bumili kami ng HON na may music.:)
pisay81
07-27-2006, 06:19 AM
Hi there TR250 san,
Super Dad ka siguro, saludo ako sa iyo. Tama ang lahat ng sinabi mo regarding first aid for our kids. :king:
Dapat pag-aralan lahat kasi you'll never know what happens if you have kids.
Once I had the experience na tumatakbo ang four year old son ko sa bahay, at nabangga ang noo niya sa handle ng pintuan sa may bandang living-dining room. He was playing with his kuya and I was taking my 30-minute nap. Nagising ako sa malakas na iyak at ang gumulat sa akin ay duguang mukha. :yikes: Nag-panic ako pero I took a deep breath as I started cleaning up his wound. Pero kita ko 'yung laman ng noo at nakabuka ang sugat sabay daloy ng dugo.
Kaya nga ba hindi ako nag-doktor or nag-nurse, hindi ako comfortable sa mga ganitong bagay. I didn't know what to do. :(
Mabuti na lang I have a handy abridged medical book at home, super big, at merong info tungkol sa ganito.
In-order ko pa ito sa internet from the U.S.
Kaya nilagyan ko ng medical tape 'yung wound para magsara at the same time para mahanginan at medyo matuyo 'yung sugat. I cut several 2-millimeter strips ng medical tape at saka pinagdikit ko 'yung opened skin ng forehead niya, kasi talaga namang kita ko na 'yung flesh. :eek:
Sabay angkas sa bicycle at takbo sa hospital mga 30 minutes from our house, pero nalipad namin 'yun ng mga ten minutes siguro sa sobrang nerbiyos, wala na akong pakialam sa stoplight. Basta no cars in sight, derecho, mabilis! :D
There's just me and my husband to take care of our six boys (there's three of them left here kasi nasa bakasyon si one-year old baby sa 'Pinas at nagsarili na ang mga binata ko, 22 & 21) here in Japan. Hirap talaga ng sariling sikap in all ways.
Kaya ngayon, when I am so tired and need to take a nap sometimes, :sleep:I let my three boys (12, 11 and 6) play TV or PC games for around 30 minutes or so, of course after they have read books of their choice, while I sleep sa adjacent room sa sala. House rules sa bahay ang playing games for not more than one hour, or else may penalty--bawas ng several privileges like hindi puwedeng maglaro outside with friends.
Trabaho talaga ng mga bata ang lahat ng sinabi mo sa ibaba at trabaho ng parents ang alaagan sila at unawain at palakihin nang maayos nang walang reklamo. After all, it is because of the parents that the kids came out into this world, di ba?
Gambatte to all of us, parents, and may we all enjoy taking care of our kids although difficult at times. We can find ways to do fun things together with the kids, like games, hobbies and learning just anything together. And of course, we have to do it as a family, isali natin dapat si fafa. He works hard for the needs of the whole family, as well as he deserves to relax also. :dowave:
Be creative...:)
Ang PINAKA IMPORTANTE lalu na sa mga nag-iisang nanay na bago lang dito at wala pang mga kaibigang na maaaring kahingahan o ka chikahan ay kailangan ninyong makontrol ang stress ninyo
... dahil may mga ina na madaling ma stress at mahihina na minsan ay dumadating sa punto na napapabayaan ang bata o minsa ay napapagbalingan ng init ng ulo ang mga anak (gakutai).
...Ang trabaho ninyo ay ang palakihin ng mahusay ang mga bata at ang trabaho naman ng bata ay kumain, matulog, umiyak, tumawa, dumumi, maglaro, tapos kumain, at matulog ulit... Kaya huwag na huwag kayong ma i-istress kung umiiyak ang bata dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Kung stressed kayo ay itago nyo na lang. Huwag din kakalimutan ang magpa beauty si mommy maski super busy kay baby dahil "everybody loves a beautiful mommy with a beautiful baby"... ngayon ay buking na kung bakit marami akong kaibigang mga nanay... I love beautiful kids (and beautiful moms :D )
pisay81
07-27-2006, 06:56 AM
Hi justmissin san,
Pareho tayo ng naging problema sa third son ko, "dede only" lang siya kaya hindi ako makaalis ng bahay nang matagal; kung puwede lang iwanan kay fafa ang breasts ko...:O
Importante sa first six months ang breastfeeding kasi 'yung antibodies mo raw na kasama sa breastmilk ay nakukuha ng baby kasi hindi pa siya maka-produce ng sarili niyang antibodies sa ganoong age.
Mas matibay ang resistensiya ng baby kapag breasfed. After that puwede nang ihinto ang breastfeeding, kasi he will start to eat on his own, and appreciate the good taste of solid food. (I read this info sa isang book a long time ago.)
Pero why will you stop, kung meron pa namang napo-produce na breastmilk? It's good for skinship/bonding with your baby, sabi ng mga Haponesa. Relaxing time to spend with your baby, at the same time, communication ng mga titig niya sa iyo, sabay ngiti niya sa iyo. Kahit anong stress mo siguro ay tanggal agad. :)
Pero kung talagang dapat nang ihinto ang breastfeeding, lagyan mo ng ampalaya juice ang nipples mo at ibigay mo sa kaniya everytime na he wants to feed. Siguradong madi-discourage siya sa lasa. ;)
Pero babies are really intelligent creatures. 'Yung baby ko noon (mag-13 na ngayon) ay titiisin niya 'yung pait ng ampalaya 'tapos 'pag may lumabas nang maraming breastmilk ay enjoy na siya sa pagdede. :rolleyes:
Nakakaawa naman talaga, ang hirap tiisin kaya matagal ding kaming nag-diplomasyahang mag-ina, hanggang kusang huminto na lang ang gatas ko kasi nabuntis na naman uli ako bago siya mag-one year. :p
At saka pumili ka ng feeding bottle nipple na may natural shape and feel that closely resembles the human breast. Maganda 'yung silicon nipple, madaling hugasan. And these silicone nipples come in different sizes and flow rates, pang-newborn, slow, medium and fast yata.
Gambatte to being a good mother! :thumb:
hello mga kaTF moms.Ask ko lang, pag ba nagkaperiod na may possiblity ba na huminto na rin ang pagdaloy ng milk or humina na?and my baby is 4 months old,help naman po kung pano ko matuturuan dumede si baby sa bottle kasi ayaw nya dumede sa bote,pero pag breast na dumedede naman sya.Pag umaalis kasi ako di ko maiwan ng matagal kasi di nga sya dumedede sa bote.di naman ako makapag pump ng milk kasi hindi ako makaipon kasi maya`t maya dumedede si baby. at ayaw din nya ng patupat.:( Salamat po sa magrereply.
justmissin
07-27-2006, 08:09 AM
hello again and good morning! salamat sa mga nagreply.actually hindi pa naman ako titigil sa pagbreastfeed,hindi ko lang kasi sya maiwan ng matagal kasi hindi nga sya dumedede sa bote pag gutom na sya.Nakakaawa naman kung iyak ng iyak. Try ko ulit na padedehin sa bote para matuto sya.Paminsan minsan pinakakain ko na sya ng mashed potato,paunti unti.Paano ba malalaman kung allergy si baby sa pagkain,may sintomas ba ito? Salamat sa walang sawang pagreply.God Bless!!!
Galadriel
07-27-2006, 02:12 PM
Hi justmissin mommy :) . Pwedeng magkaroon ng changes kasi mag-a-adjust na naman yung katawan mo while menstruating. Pero pwede mong alagaan ulit, in case humina yung gatas mo, gaya ng sabi ni tfcfan. Maintain your liquid/soup intake. Dagdagan mo na lang din yun regular diet mo ng pagkain na may iron.
Kung ready ka na talaga to introduce your baby to mix feeding, check mo yung NUK nipples. Ito yung gamit ng clinic na pinanganakan ko. Yaan lang yata ang available na nipple na malaki ang pagkakatulad sa nipple ng nanay. Baka sakali umubra sa baby mo. Good luck :) .
Paminsan minsan pinakakain ko na sya ng mashed potato,paunti unti.Paano ba malalaman kung allergy si baby sa pagkain,may sintomas ba ito? Salamat sa walang sawang pagreply.God Bless!!!
Curious lang, home prepared ba ang mashed potato mo, o binibili mo? Ingat lang ha, baka mabilaukan si baby. Kung mapapansin mo sa mga tindahan pureed yung starting food nila. Saka pa lang sunod yung mga mashed na pagkain.
On allergy, sa libro sa bahay, mainam daw na huwag paghaluhaluin ang pagbibigay ng pagkain sa baby. Halimbawa kung meron kang banana yogurt o kahit anong gerber product, kailangan sa isang lingo, yan lang muna ang ipakain mo sa kanya. Sa susunod ibang flavor naman. Basta 1 week ang duration. Para madaling malaman kung alin sa mga kinain nya yung dahilan ng allergy nya, kung meron man.
Possible symptoms:
skin rashes
stomach upsets
breathing problems
Basta kung may makitang problema, takbo agad sa duktor. Meron allergy na delikado kasi.
Galadriel
07-27-2006, 02:40 PM
Hi super mommy pisay81:) . Wow sobrang bilib ako..6 kids and all boys. Mukhang you are destined to be the only princess in your house. Sana mapadalas ang pagsilip mo sa TF, we need expert mommies around. Yoroshiku onegaishimasu :tiphat: .
pwede mo rin i-add ang sarili nyong address, tel no., cellphone # ng asawa mo at company tel. # near-phone, in either case di mo ma-reach 'yung isang no.
Hi mommy mizo_shiru. Buti naman nasilip mo kami :) . Malaking bagay kasi yung nagkakatulungan pare-pareho di ba. Sana kahit papaano may improvement na yung Atopy ng baby mo. Lifelong treatment yata ang kailangan dyan di ba? All the best ha.
Gusto ko yung additional tip mo, makakalimutin din ako. Talaga naman minsan kahit sarili kong number sa keitai hindi ko magawang ma-memorize :O . Arigatou. Kore kara yoroshiku ne.
tulad ni baby sam 5 months old pa lang "mama" "papa" at "baba" ganyan yun naririnig namin sa kanya.Ang hilig pa nya gusto nya palgi sya may naririnig na song,kaya bumili kami ng HON na may music.:)
Naku mommy sam, nakakatuwa naman talaga si baby sam, at very smart. Ang baby ko hagikgik at hiyaw pa lang ang alam. Pero gusto din nya na kinakantahan sya at binabasahan ng book :) . Sobrang happy ng pakiramdam di ba? Yoroshiku.
mizo_shiru
07-27-2006, 04:11 PM
@Galadriel, Konnichiwa. Kochira kouzo yorushiku onegaishimasu.
Always welcome din ako sa mga tanong nyo, sasagutin ko lahat ang mga tanong nyo, sa abot ng makakaya ko. Tama ang sinabi mo Galadriel na dapat talaga tayong magtulungan lalo na't pagpapalaki sa mga bata ang pinag-uusapan.
Thanks, pero okey na ang atopy ng panganay ko, hindi ko na kailangang ibandage ang buo nyang katawan para hindi magkamot at maiwasan ang paglala, may nag-refer sa akin last year sa youchien ng anak ko, sa
NCCHD (http://www.ncchd.go.jp/English/Englishtop.htm) , doon sya gumaling, ngayon nakakain na sya ng itlog at dairy goods na dating ipinagbabawal sa kanya. Naeenjoy na rin nya ang pool.
Sa lahat ng mga mommies na may mga problema sa atopy tanungin nyo lang ako, willing akong mag-share,ang dami kong lahat pinagdaanan dyan, at ngayon nagpapasalamat sa Diyos at bumuti - buti na ang kalagayan ng 2 kids ko.
justmissin
07-27-2006, 04:25 PM
to galadriel thanks sa advice.pinapakain ko lang sya katiting lang at konti.homemade mashed potato pero mashed na mashed para madali nyang malunok.paminsan minsan ko lang naman sya pinapakain hindi araw araw.Afraid kasi....:D salamat po uli..:king:
myukasky
07-27-2006, 05:38 PM
hello again and good morning! salamat sa mga nagreply.actually hindi pa naman ako titigil sa pagbreastfeed,hindi ko lang kasi sya maiwan ng matagal kasi hindi nga sya dumedede sa bote pag gutom na sya.Nakakaawa naman kung iyak ng iyak. Try ko ulit na padedehin sa bote para matuto sya.Paminsan minsan pinakakain ko na sya ng mashed potato,paunti unti.Paano ba malalaman kung allergy si baby sa pagkain,may sintomas ba ito? Salamat sa walang sawang pagreply.God Bless!!!
Tama yan sis huwag mo itigil ang pagbreast feed mo. Doon sa first baby ko noon till 3 months lang ako nagpabreast feed nagkasakit kasi ako noon at akala ko may side effect sa baby wala naman pala basta kapag inom ka lang gamot dapat may reseta ng doctor. Pero okey naman yung eldest ko kahit formula na sya. Pero itong second baby ko breast feed talaga ako till 1 year and six months sya.:D Ayaw nya kasi ng formula dami ko nga nabili noon kasi akala ko okey lang sa kanya ayon nasayang lang ayaw nya talaga. Sabi ng doctor nasanay na kasi yung baby ko sa breast feed kaya kapag iba ng klase ng milk ayaw na nya. Kaya di ako makalayo noon or di makatagal sa labas medyo sacrifice talaga pero okey lang good naman para kay baby ko. Imagine 1 year and six months na sya twice pa lang nagkasakit at lagnat lang. Yung food naman nya lahat gawa ko kasi ayaw din nya noong nabibili na instant. Lumalabas sa katawan ng bata kapag allergy sya sa food like nagkakaroon siya ng rushes sa katawan. The best talaga ang gatas ng ina at higit sa lahat nakakatulong din kasi sayang din yung ipambibili di ba:D
leftbehind
07-27-2006, 07:56 PM
Dito nga sa Pinas 2 years na ang bata breast-fed pa rin ng mga nanay e.The advisable length of time is 2-6 months matagal na ung 2 years,madede lang nila ung thick, yellowish fluid called colostrum which is rich in antibodies. And oh, The Philippines holds the record nga pala sa Simultaneous Breastfeeding early 2006.3000+ Mommies ang nagpadede ng sabay sabay sa isang Covered Gym sa Manila, natalo natin ang USA.
seanty
07-27-2006, 08:13 PM
hi muna sa lahat ng mommy and daddy here. minsan, sumisilip-silip ako sa thread na ito kase I find it helpful. Gaya sa gaya ko na me allergy ang baby, importante talaga yung me napagtatanungan tungkol sa bagay bagay dahil mahirap maging magulang sa bansang banyaga at wala ang mga magulang o mga nakakatanda sa atin para gumabay.
Yung baby ko, 10days pa lang sya meron na syang skin rashes, ang pula pula ng face nya tapos gumapang yun hanggang leeg nya. Takang-taka ako dati kasi wala naman sa pamilya ko ang me allergy, tapos, dinadala namin siya sa pedia nya, nagbibigay lang ng cream...winter kasi noon kaya akala eh sa panahon lang. when he turned 4 months, nag-decide yung doctor to get some blood samples to check if he has allergy...BINGO!!! meron pala syang MILK and EGG allergy. Although breastfeed sya sa akin, nakukuha nya rin yung allergen sa gatas ko dahil si Mommy eh hindi alam na me allergy si baby kaya ako naman kain ng egg, drink ng milk etc...Hay, kawawa talaga ang baby ko dati naging colic kase sya and syempre makati yung pakiramdam nya...hay
Ngayon, 2 years old na sya at wala na siyang MILK allergy. ang problema naman is, nagkaroon naman sya ng allergy sa dani and dust at yung EGG eh nandun pa din.
@mizo_shiru, paano nawala yung allergy ng baby mo???despereda na kasi ako dahil ang hirap magpakain ng batang me allergy, isa pa, kahit ako nadi-dieta ako sa mga cakes at iba dahil ayoko maghain ng pagkain na hindi makain ng baby ko....kawawa naman kasi.
sa iba, paano ba magtanggal ng dani sa bahay? sabi sa akin linis lang daw ng bahay...eh araw-araw na nga naglilinis pero ganun pa din...huhuhu o negai naman kung me nakakaalam, o-shiete kudasai
yoroshiku.
myukasky
07-27-2006, 09:11 PM

About Dani, ako ito ang ginagamit ko ダニアース. Tinutusok lang sya sa tatami at doon mo sya spray. Kapag sa carpet naman spray lang sya, sa palagay ko epektive naman sya. At syempre isa ding the best ay yung maglinis at ibilad yung mga futon kapag iitenki. Yung eldest ko kasi problema ko yan dati kasi sa binti pa nya ang daming kagat di mo naman masabi na lamot kasi ang liliit at basta na lang lumalabas.:( Sa malalaking drugs store nabibili yan at sa mga supermarket meron din.
pisay81
07-27-2006, 11:58 PM
hi seanty san,
Kami sa bahay ay Balsan ang ginagamit, 'yung small can container na nage-emit ng usok, pero dapat walang tao sa bahay n'yo for several hours kapag gagagamitin mo. Hindi dapat malanghap ang fumes noon. I looked for pics sa internet and found this site.
http://varsan.lion.co.jp/
At saka, using carpets in the house is not good for people with dust and "dani" allergy, kasi pinamamahayan ito ng mga iyon. :(
If you really want to use carpets ay kailangan na i-vacuum mo mabuti ang carpets, afterwards ay punasan mo ng basahan na basa na may konting carpet detergent/multicleaner solution para malinis mabuti. Napaka-mendoukusai. :mad:
I do this sa bahay kasi ako ang may allergy sa amin, hindi ang mga anak ko. At saka lagi akong nagpupunas ng alikabok with basang basahan, almost everyday. :O
I even bought a vacuum cleaner na ang filter ay water. You put water sa tank everytime you clean up and dispose of it afterwards. I don't say you have to buy one like this kasi napaka-expensive. Nabola ako ng salesman nang bilhin ko 'yun nung araw, mabuti at matibay naman. Magpa-5 years ko nang ginagamit ay buo pa rin. :rolleyes:
May bagong labas ngayon na mura lang yata, nakita ko sa magazines, also uses water as filter.
Sabi ng ENT doctor ay punas, punas, at punas pa ng basang basahan sa buong bahay ang solusyon sa dust allergy. Maganda siguro na walang masyadong kung anu-anong bagay sa bahay n'yo para mapabilis ang linis mo. Kung maraming small things that need wiping of dust ay...gambatte kudasai. Maghapon kang maglalampaso at magpupunas. :D
hi muna sa lahat ng mommy and daddy here. minsan, sumisilip-silip ako sa thread na ito kase I find it helpful. Gaya sa gaya ko na me allergy ang baby, importante talaga yung me napagtatanungan tungkol sa bagay bagay dahil mahirap maging magulang sa bansang banyaga at wala ang mga magulang o mga nakakatanda sa atin para gumabay.
Yung baby ko, 10days pa lang sya meron na syang skin rashes, ang pula pula ng face nya tapos gumapang yun hanggang leeg nya. Takang-taka ako dati kasi wala naman sa pamilya ko ang me allergy, tapos, dinadala namin siya sa pedia nya, nagbibigay lang ng cream...winter kasi noon kaya akala eh sa panahon lang. when he turned 4 months, nag-decide yung doctor to get some blood samples to check if he has allergy...BINGO!!! meron pala syang MILK and EGG allergy. Although breastfeed sya sa akin, nakukuha nya rin yung allergen sa gatas ko dahil si Mommy eh hindi alam na me allergy si baby kaya ako naman kain ng egg, drink ng milk etc...Hay, kawawa talaga ang baby ko dati naging colic kase sya and syempre makati yung pakiramdam nya...hay
Ngayon, 2 years old na sya at wala na siyang MILK allergy. ang problema naman is, nagkaroon naman sya ng allergy sa dani and dust at yung EGG eh nandun pa din.
@mizo_shiru, paano nawala yung allergy ng baby mo???despereda na kasi ako dahil ang hirap magpakain ng batang me allergy, isa pa, kahit ako nadi-dieta ako sa mga cakes at iba dahil ayoko maghain ng pagkain na hindi makain ng baby ko....kawawa naman kasi.
sa iba, paano ba magtanggal ng dani sa bahay? sabi sa akin linis lang daw ng bahay...eh araw-araw na nga naglilinis pero ganun pa din...huhuhu o negai naman kung me nakakaalam, o-shiete kudasai
yoroshiku.
pisay81
07-28-2006, 12:30 AM
hello justmissin mommy,
Maganda ang home-prepared foods para sa baby. Maraming recipes available sa mga baby books and magazines dito sa Japan.
Ako lahat ng mga anak ko ay pinapakain ko na from as far as I remember mga 2 to 3 months old yata. :p
Mga soup muna (pinaglagaan ng veggies and sifted), hanggang paunti-unting nagiging mashed foods habang lumalaki sila.
I cook once or twice a week 'tapos ipi-freeze ko. Kasi naranasan ko noon na sa dami ng housework, 'pag nagutom na ang baby ko at saka pa lang ako gagawa ng pagkain niya was not such a good experience.:(
At saka ayaw din kumain ang mga anak ko ng instant baby foods, nasasayang lang. Sa eroplano nga ay nagbabaon pa kami ng pagkain para lang sa kanila.:O
'Nung lumabas ka sa hospital, maraming ibinigay sigurado sa iyong booklets, etc. for you and your baby. Basahin mo or magpaturo ka sa husband mo kung medyo mahirap nang basahin ang Japanese characters. Maraming helpful tips on taking good care of your baby written there.;)
At saka once na pinakain mo na siya ay dapat magkaroon siya ng eating and feeding pattern which is similar everyday para ma-develop niya ang good eating habits, at hindi ka mahirapan sa schedule mo sa kaniya. May oras dapat lahat--feeding, eating, playing, tulog, etc. This is the start of disciplining your child from infancy, from these small things.
I'll try to look for baby food recipes 'pag nagkaoras ako at sana ay mai-post ko dito sa thread na ito.:)
And especially, you must also take good care of yourself so you can look after you baby pretty well. Please take the time to rest at mag-relax. :wavey:
to galadriel thanks sa advice.pinapakain ko lang sya katiting lang at konti.homemade mashed potato pero mashed na mashed para madali nyang malunok.paminsan minsan ko lang naman sya pinapakain hindi araw araw.Afraid kasi....:D salamat po uli..:king:
mquial
07-30-2006, 10:59 AM
ooopppss...gagalit s i papa hehehe
seanty
07-30-2006, 11:03 AM
mommy myukasky, yung ダニアース ba eh pwede sa flooring?wala naman kasi kaming tatami dito sa house, and hindi na rin ako nagka-carpet kasi mendouksai, mahirap linisin.madali pa ang flooring, punas ng tubig tapos floorwax. Hindi ko nga alam kung san nanggagaling yung dani. Wala naman mga kagat si baby pero nung lumabas yung test result nya recently, meron na sya dani allergy. Kapag ii tenki, talagang binibilad ko ang futon pati mga pillows, kasi gustong gusto ko rin yung amoy nga mga bagong bilad na pillow. Masarap gamitin parang fresh. Bumili pa nga ako ng Dani herb, para i-spray sa mga futon sana maging effective.
Ita-try ko yung balsan mommy pisay81, and check ko rin yung special vacuum na sinasabi mo.
Thanks po sa info.
myukasky
07-30-2006, 11:06 AM

Seanty san yung balsan na lang gamitin mo, ask mo si papa mo kung paano paggamit. At maraming nabibili na anti Dani at iba ibang klase nga lang ang paggamit.:D Naku sis yang Dani masyado daw maliliit yan at halos di mo makita, basta maramdaman mo na lang na may nangangati na sayo.
mizo_shiru
07-31-2006, 04:04 PM
@mizo_shiru, paano nawala yung allergy ng baby mo???despereda na kasi ako dahil ang hirap magpakain ng batang me allergy, isa pa, kahit ako nadi-dieta ako sa mga cakes at iba dahil ayoko maghain ng pagkain na hindi makain ng baby ko....kawawa naman kasi.
sa iba, paano ba magtanggal ng dani sa bahay? sabi sa akin linis lang daw ng bahay...eh araw-araw na nga naglilinis pero ganun pa din...huhuhu o negai naman kung me nakakaalam, o-shiete kudasai
yoroshiku.
Hi, Seanty. Konnichiwa. Sori ha kung ngayon lang ako nakapagrespond. 'yung tungkol sa allergy ng baby, alam ko ang nararamdaman mo, nakakadesperate talaga, hindi mo na alam kung ano ang ipapakain, tapos magi-guilty ka kapag naglabasan na ang mga pula-pula sa balat at walang katapusang pangangati ng anak mo, 'kala mo may napakain kang di tama.
Since, alam mo na kung anong pagkain may allergy ang bata, 'wag na 'wag mo na lang syang pakainin, kahit ano na may itlog, katulad ng mayonnaise (pwede vegetable mayonnaise)kasi madali silang mangati doon. Iniiwasan ko rin dati ang pakainin sila ng cakes at cookies, marami namang snacks na walang eggs katulad ng fresh fruits, dried fruits, plain biscuits pero ang maganda sa lahat gumawa ka ng sarili mong homemade recipe. Mendoukusai kung iisipin, pero kahit ano basta para sa mga anak natin ay gagawin natin, di ba? Sa mga anak ko, natuto akong gumawa ng apple pie, iba-ibang klase ng fruit pie, experiment lahat, baked sweet potato, tapos sa mga vegetables boiled, steamed, at paminsan-minsan lang akong gumamit ng oil. Madali kasi silang mangati doon.Tumitingin-tingin rin ako sa Atopy recipe for kids. Experiment ka lang ng experiment sa iba't ibang klaseng pagkain, ilista mo ang succesfull
na nagawa at sa tingin ko pinakamaigi lahat, gumawa ka ng diary ng anak mo para makita mo ang follow-up progress nila.
Ask mo lang ulit ako sa ibang detalye kasi nangungulit itong baby sa likod ko.
mizo_shiru
07-31-2006, 04:42 PM
Yung baby ko, 10days pa lang sya meron na syang skin rashes, ang pula pula ng face nya tapos gumapang yun hanggang leeg nya. Takang-taka ako dati kasi wala naman sa pamilya ko ang me allergy, tapos, dinadala namin siya sa pedia nya, nagbibigay lang ng cream...winter kasi noon kaya akala eh sa panahon lang. when he turned 4 months, nag-decide yung doctor to get some blood samples to check if he has allergy...BINGO!!! meron pala syang MILK and EGG allergy. Although breastfeed sya sa akin, nakukuha nya rin yung allergen sa gatas ko dahil si Mommy eh hindi alam na me allergy si baby kaya ako naman kain ng egg, drink ng milk etc...Hay, kawawa talaga ang baby ko dati naging colic kase sya and syempre makati yung pakiramdam nya...hay
Pareho pala ang experience natin, ilang days pa lang 'yung baby ko ay talagang pulang-pula na sya, hindi pa nga sya nag-one month eh makailang beses kaming pabalik-balik sa hifu-ka, kasi yung doktor nila dito ay pang-ilang days lang nagbibigay ng medicine, para daw ma-check kung umeepekto ang gamot ang kung hindi papalitan. Ang dami nyang rashes noon sa leeg mga singit halos lahat na 'ata ng katawan nya. Gumagaling ng mga ilang days lang, tapos andito na namn, namumula ulit.
Mabuti't okey na sila ngayon.
Iniingatan ko lahat mula sa paglalaba, hiwalay ang mga damit ng baby sa otona at very mild ng soap na ginagamit ko. I recommend 'yung lahat ng product ng MIYOSHI, maganda sya para sa mga bata as well as adults na sensitive ang skin, very mild kasi ang gamit nilang ingredients mula panlaba hanggang shampoo at sabong pampaligo.Recommende d din ito ng mga duktor ng anak ko at talagang effective sya.
seanty
07-31-2006, 05:25 PM
ah dapat ba hiwalay yung mga damit ni baby sa laundry? dati hinihiwalay ko tapos since nag-two years old na siya,actually 2 yrs and 8 months na sya ngayon,sinasama ko na yung damit nya sa damit namin...cge ihihiwalay ko na lang ulit heheheh
sa mga food naman, sabi ng pedia nya pwede ko na raw sya bigyan unti-unti ng food na me itlog yun nga lang hindi pwede biglain. By end of year daw,pwede ko na sya bigyan ng kaunting egg.
sagot ako ulit ha, kulit ni bunso
sensei
07-31-2006, 06:20 PM
Parenting Support Group
Gusto ko po manghingi ng advice...gusto ko na rin magkababy.
Off Topic ba yung request ko?
seanty
07-31-2006, 10:05 PM
heto na ako ulit...
yung blood test ni baby last december, halos ok na yung Egg allergy nya...heto ngayon, pagdating ng April, tumaas ulit kasi nagkaron nga sya ng allergy sa Dani...huhuhu akala pa namin ng pedia nya eh OK na.
Me mga recipe rin me na hindi kelangan gumamit ng egg sa food. Yun nga lang, medyo iba ang lasa kasi gumagamit ng substitute/s. Like banana for baking, baking powder for frying etc. Naubos yata ang oras ko sa kaka-research sa internet dati hehehe. Trial and error kung ano ang magustuhan nya, yun ang niluluto ko. Like dati, gusto nya ng misua soup, miso shiro, sinigang at nilaga...halos paulit ulit un din ang ulam namin hehehe. Pero ngayon, heto na si adobo, stew etc...hindi ko bini-baby kung allergy kasi parang mas lalo nagiging maselan habang iniingatan.
One time, pinakain ko sya ng vanilla ice cream...grabe!!! Yun yung first and last time na lumobo talaga yung hitsura nya. EH holiday yun then gabi pa, hindi ko alam kung ano gagawin ko. buti na lang bukas yung health center sa ward office(and thank GOD malapit lang kami nakatira don) kaya naagapan sya pero after non, kahit kumain sya ng ice cream ok na hindi na sya nag-re-react.
sagot ulit me mamaya ha, papatulugin ko lang si baby.
seanty
07-31-2006, 10:06 PM
Parenting Support Group
Gusto ko po manghingi ng advice...gusto ko na rin magkababy.
Off Topic ba yung request ko?
Sister sensei, anong klaseng advice po ang gusto ninyo???:p
sensei
08-01-2006, 08:41 AM
Sister sensei, anong klaseng advice po ang gusto ninyo???:p
Gomenne seanty, para kasing off topic ako kaya...I'd rather look for a thread na related sa seiri fuujin (tama ba spelling?:confused: )
nakakainggit lang...gusto ko mag share as a mother eh wala naman akong baby:(
mizo_shiru
08-01-2006, 03:46 PM
heto na ako ulit...
yung blood test ni baby last december, halos ok na yung Egg allergy nya...heto ngayon, pagdating ng April, tumaas ulit kasi nagkaron nga sya ng allergy sa Dani...huhuhu akala pa namin ng pedia nya eh OK na.
First time na blood test ng anak noong isang taon, ako katulad din ng sayo, talgang shock kaming lahat sa resulta, di namin akalain na ganoon kalala ang allergy nya. Kung normal na Dani allergy level sa dugo ay less than 100, sa anak ko ay 40,000+. Meron pa syang sugi,komugi, etc, kasi dati pumupunta kami sa futsuu na Allergy Clinic, di naman inaalam kung gaano ang allergy level sa buong katawan nya. Basta pinapahiran lang sya ng mga gamot at binibigyan lang kami ng take home medicines. Ganon palagi yung cycle, gagaling sya ng konti at medyo nagiging malinis ang balat nya pero kapg naubos na yung gamot ay balik na namn kami sa clinic. Paulit-ulit naming ginagawa ng mga ilang taon, palipat-lipat kami ng clinic para lang gumaling yung baby namin, halos pare-pareho lang ang style nila, bibigyan ka nila ng gamot at susundin mo lang ang mga instructions nila. Sobrang nakaka-frustrate talga kasi kapag dumarating na ang pagpapalit ng season, ayan para na namng piniritong longganisa.Ayokong mag-exaggerate, pero ganon talaga kagrabe. Pinakamahirap na nangyari na talagang tandang-tanda ko pa hanggang ngayon ay nung 4 yrs. old sya, sa sobrang dry ng skin, winter noon, eh ang daming skin flakes ang natatanggal sa katawan nya, kahit oras-oras winawalis ko ang bahay talgang napupuno pa rin yung dust pan ko.Pinapainom ko sya palagi ng sports drink para di ma-dehydrate. Mangiyak-ngiyak ako noon, lalo na't nakikipagsabayan pa ang allergy ng asawa ko, minsan di ko na talaga alam ang gagawin, pray na lang palagi na wag sumuko.
Dumating yung time na sa sobrang dami na ng steroids na pinapahid sa katawan nya mulat' sapul pa ay nagkaroon na sya ng side effects. Halos every other month ay may lumalabas sa kanyang katawn na butsu-butsu na parang chicken pox. Masakit at makati sya. Basta kapag mahina ang resistensya nya kahit sipon lang siguradong maglalabasan na namn 'yun ulit. Awang-awa na talga ako ko, kung pwede lang yung dinaranas nya ay ibigay nal lang sakin. Ito yung point na nagdecide na talaga ako na uuwi na lang kami ng 'pinas kasi walang mga alle-allergy doon. Maiiwan dito ang hubby ko at bibisita na lang sya sa amin, yun na talga ang plano namin. Nang isang araw,may nagbalita sa akin na isang Nanay sa youchien ng anak ko na gumaling daw ang anak nya sa NCCHD sa Setagaya. Heavensent talaga sya, kung kelan nawawalan na kami ng pag-asa ay may
naghahatid naman sa yo ng magandang balita.
Eto kami ngayon after one year of treatment, once in two months na lang kami nagpapacheck-up. Pang-maintain na lang na medicine ang gamit namin, na mild lang at tsaka wala na rin syang iniinom na gamot.Hindi na rin isrikto sa diet nya. Dito sa bagong hosp. ng anak ko, ang focus nila ay sa kapwa curative at preventive medicine.Inaalam muna ang punot- dulo ng sakit tsaka bibigyan ng mausisang gamutan. Ang advice ko lang sa ibang mommies na may ganitong karamdaman ang babies nila ay 'wag tayong susukong humanap ng magaling na pagamutan o duktor para sa mga anak natin, kung sa tingin natin ay hindi sila gumagaling, gamitin natin ang ating mother's instinct, kasi they deserve the best.
@seanty wag ka sanang matakot sa kinuwento ko dito, di naman siguro mangyayari sayo ang naranasan ko, just pray hard, basta kung kelangan mo ng advice andito lang ako.
love0308
10-18-2006, 09:58 AM
About sa oforo 2 months pa lang pinasabay na siya sa amin ni hubby as long as magaling na ang pusod nya sasabihin po yan ng doctor natin kung magaling na:D about po sa pag lilinis ng bottle be careful po lalo na kung steam ang gawa natin kasi may mga bottle na di pwede sa microrange :) maaga pa lang po sanayin na natin si baby uminom ng mugicha para po di tayo mahirapan magpa inom pag malaki na like my 5mos old baby now lakas uminom ng mugicha and pag ka oforo po mas maganda mag pa inom.
coolgirl
12-27-2006, 11:27 AM
galadriel...san may store ng baby ur us dito malapit sa yokohama..? may alam ka?
Galadriel
01-14-2007, 11:05 AM
Hi coolgirl, click this link (http://www.toysrus.co.jp/truj/babiesrus/english/stores/index.html). Paki-check na lang yung section ng Kanto region. Gomen nahuli ng reply, nasabay sa bakasyon kasi :) .
Thanks love0308 for sharing, yoroshiku ne. Tungkol sa mugicha, nice tip. Sanayin ang panlasa ng baby...hanggat hindi marunong umangal :), para hindi lumaking pihikan sa lasa ng mga pagkain.
babyangel
01-15-2007, 01:06 AM
Payong kuya lang na regular nyong titignan at che-chekin kung ok ba ang balls nung anak nyo pag lalake. May mga kasong bagamat mukhang nasatamang posisyon ang balls ay umakyat o tumaas o pumasok sa loob ang isa o dalawa sa balls ng bata. Masakit ito para sa mga lalake at dahil baby at di makapagsalita ay walang magagawa kundi umiyak na lamang. Hindi rare na kaso ito at mapapansin din ninyo na pag check-up ng doctor sa bata ay parating kasama ang pag check sa balls ng baby.
Ang normal body temperature ng bata ay mas mataas kaysa sa mga matatanda kaya ang ibig sabihin nito ay pag giniginaw kayo ay tama lang ang temperature sa bata. Maraming ina ang masyadong binabalot ang kanilang anak ng sang katerbang damit at kumot at hindi mahusay ito lalu na pag summer dahil nga mas mataas ang normal na temperatura ng bata kaysa sa mga gurang.
Ang bata sa umpisa ay hindi pa marunong mag burp kaya pag katapos padedehin ay mahusay pa lungadin ang bata para mailabas ang excess air sa loob ng tiyan.
Mahusay din na magbasa o mag-aral kayo ng mga first aid books na para sa pang matanda at para sa mga baby dahil medyo iba ng konti lalu nat pag sanggol pa lamang ang bata. Mahusay din na mag-aral kayo ng CPR, kung papaano pabababain ang lagnat ng bata, papaano sisipsipin ang uhog kung talagang hindi na makahinga ang sangggol. Maraming mga magulang ang hindi nag-basa o nag-aral ng first aid at umaasa na lamang sa biyenan, kapit-bahay, sariling nanay, doctor, ambulancia, etc. na ang masasabi ko ay baka huli na... Marami ring bilib sa sariling ina dahil batikan at experiensado sila pero malamang ay hindi sila experiensado sa "life and death" situations na maaaring ma experiensa ng maski sino.
Nag-aral ako ng advance first aid at survival first aid. Mahilig din akong magbasa, dalawa sa pamilya ang trabaho ay sa hospital, at 3 na ang naging nobya kong mga doctora kaya medyo parang takot ako. Natuto din ako dati ng ilang pamamaraan ng mga taga bundok sa paggagamot, pagpapaanak, at paghahanap at paggamit ng mga halamang gamot, kaya bagamat hindi ako doctor ay nag-iingat talaga ako. 4 bata na ang biglang tumaas ng grabe ang lagnat at inilagay ko sa bath tub habang tinatambakan kami ng yelo para pababain ang temperatura ng mataas na lagnat ng bata. Isa dito ay kapatid ko, ang pinsan ko (sa Pinas), at ang anak ko rin pati na rin yung anak ng kapit-bahay ko ngayon (dito sa Japan). Nung ginawa ko ito sa anak ko at sa anak ko ay malapit na ng 41 at yung sa anak ng kapit-bahay ko ay tumirik na ang mga mata at nung dumating ang ambulansiya ay nasa loob pa kami ng bathtub na nag yeyelo ako sa ginaw pero saved yung bata at di umabot sa utak yung init. Walang nasabi yung mga nasa ambulansiya dahil alam nila kung ano ang ginawa ko at pagkatapos ay ako naman ang ang tinignan dahil tirik na raw ang mga mata ko sa lamig. Pagkatapos ay kung ano-ano ng mga medical terms ang pinagtatatanong sa akin siguro akala ay duktor ako dahil pati heart beat, paghinga, oras ng pagtirik ng mga mata at oras ng pag balik nito sa normal ay lahat ipinasulat ko sa nanay nung bata.
Walang mawawala sa ating mga magulang kung mag-aaral tayo ng sarili at hindi iaasa sa iba dahil "fk-ups happen without warning" and "and all that dummies can do is wait for help for the arrival of the ambulance while their babies are dying"... sad but true.
Habang lumamalaki ang bata ay lumalawak din ang curiosity kaya matuto rin kayong manungkit ng lalamunan o magpasuka lalu nat pag bigla na lang may sinubo ang bata at di makahinga. 3 na ang batang sinungkit at pinasuka ko para makahinga. Yung anak ko naman ay nagpasok ng plastic beads sa ilong at di mailabas kaya trabaho nanaman ulit si tatay. Isa pang sisiguraduhin ay ang maglagay ng mga bakod o harang sa mga hagdanan, itago ang mga matutulis na bagay, mag ingat sa mga electric fan at heater. Tatandaan din na kailangan ng bata (pati matanda) ng proper ventilation.
Palitan parati ang damit, diapers, at siguraduhing parating malinis ang bata. Sabi nung iba na walang namamatay pag di pinapaliguan PERO dipende rin dahil andiyan ang mga mikrobyo ay mga germs na kailangan nating ingatan. Bigyan ng sapat (hindi kulang at hindi sobra) na pagkain o gatas ang bata. Hindi ibig sabihin pag mataba ang bata ay "healthy" dahil pag nasobrahan ay obese ang kinakalabasan na hindi rin mahusay.
Tatandaan ninyo na kailangan din ng mga babies ng exercise. Tulungan ninyo silang mag stretch o mag excercise habang nilalaro ninyo ang sila. Ang mga bata ay kailangan din ng stress outlet kaya bigyan ninyo sila ng sapat na attention, pakikipag laro, pakikipag-usap at higit sa lahat ay security na alam nilang hindi sila nag-iisa at may nagmamahal sa kanila.
Ang PINAKA IMPORTANTE lalu na sa mga nag-iisang nanay na bago lang dito at wala pang mga kaibigang na maaaring kahingahan o ka chikahan ay kailangan ninyong makontrol ang stress ninyo. Mahirap ang maging ina lalu na kung sa ibang bayan na walang kapamilya o kaibigan pero wala kayong magagawa kundi maging matatag dahil HINDI TANGA ang mga sanggol at ramdam nila ang stress ng ina. Tatandaan sana na maraming hindi na maaaring gawin tulad nung nag-iisa lang kayo dahil ka double nyo na yung baby ninyo at kailangang tanggap ito ng buong puso dahil may mga ina na madaling ma stress at mahihina na minsan ay dumadating sa punto na napapabayaan ang bata o minsa ay napapagbalingan ng init ng ulo ang mga anak (gakutai). Kung hindi meroon mang bumabasa nito na hindi masaya, hindi kontento, maraming pag-aalala, maraming problema sa buhay, etc. ay sana pilitin ninyong hindi iparamdam sa bata ang inyong stress dahil. Ang trabaho ninyo ay ang palakihin ng mahusay ang mga bata at ang trabaho naman ng bata ay kumain, matulog, umiyak, tumawa, dumumi, maglaro, tapos kumain, at matulog ulit... Kaya huwag na huwag kayong ma i-istress kung umiiyak ang bata dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Kung stressed kayo ay itago nyo na lang. Huwag din kakalimutan ang magpa beauty si mommy maski super busy kay baby dahil "everybody loves a beautiful mommy with a beautiful baby"... ngayon ay buking na kung bakit marami akong kaibigang mga nanay... I love beautiful kids (and beautiful moms :D )
Maraming salamat sa thread mo ito,natauhan po ako at talagang nabuksan mo isipan at damdamin ko.Napaiyak mo ako at ito nga tumutulo pa mga luha ko.Isa rin po ako mommy at going 2 yrs old ng baby ko,at tulad din po ng iba taga TF na wala katulong na mg-asikaso sa baby kundi husband ko po.Wala din pinoy na kakilala dito kundi mga taga TF lang po.Baby boy po ang baby ko,at habang lumalaki na po sya ay talagang genki po sya napakalikot po lahat ng bagay at lalo nasa sa panibagong bagay na makita hindi titigil hanggat di mahawakan o makuha kahit na hindi naman dapat pwede pglaruan.At ito naman po ako napakaikli ng pasensya at magagalit na po agad at minsan di maka pgpigil napagbubuhatan na po ng kamay at minsan nakaka pg-salita ng di maganda.Gustuhin ko man po pigilan ang sarili ko di ko mapigilan,at totoo ka nga po dahil sa stress nga po talaga siguro,at minsan sa mga problema dumadating kaya madali uminit ang ulo at pati sa baby tuloy di na maka pg pahaba ng pasensya.Nakakahiya man po i want to tell po sa inyo ang sitwasyon ko.Naiisip ko po talaga lalo nasa gabi matutulog na po kami umiiyak ako at naiisip ang minsang ganyan nagagawa ko sa baby ko,hirap na hirap po ako at nakokonsensya talaga.Katulad po ngaun nabasa ko po threads mo,tulungan nyo naman ako mga kapwa ka TF ko gusto ko po maging tunay na 1 mommy at lahat nga po talagang ginagawa ko para sa kanya at lahat ng luho ata ng 1 baby binibigay ko talaga namin mg-asawa sa kanya love na love po namin sya.Talagang ganito po ba ang mommy minsan di maka pg-pigil nakakapg-salita ng di maganda minsan at napapalo sa puwit.Pano po ba habaan ang pasensya ng 1 mommy na kung pwede wag umabot sa point na ganyang nagagawa ko sa baby ko:confused: Advice naman po sainyo mga taga TF.Hirap po ng ganito tayo lang at ni wala kapamilya natin maka tulong sa oras na mga ganito pangyayari tulad ng sinabi nga po ni kapatid TR250 san:(
Galadriel
01-23-2007, 01:18 PM
Hi babyangel,
Sa ganyang edad nga yata ang pinaka-taihen. Hindi dahil sa malikot at pasaway ang mga bata pero curious sila sa mga bagay na nakikita nila. Ang baby boy ko almost 1 year old na, pero sobra din genki. Ang liit liit pero parang higante ang naglalaro sa kalat namin sa araw-araw. Imbis na magalit, hinahayaan ko lang sya. Pero pag hindi pwede sasabihan ko lang ng "no/dame". Titigil sya ....pansamantala tapos maglilikot ulit :) . Patyagaan di ba?
Ginawa ko tinanggal ko yung mga bagay na hindi nya dapat galawin at itinago ko muna pansamantala. Walang laman ngayon ang kwarto at halos gamit at laruan na lang ngayon. Minsan magugulat na lang ako dahil yung sandok at ibang grocery supplies ko sa kusina, sinasama nya sa laruan nya:D . Iyan ngayon ang paborito nyang paglaruan, bukod sa remote controls ng tv/dvd at telepono.
Basta ang usapan namin mag-asawa hayaan lang namin sya na mag-"explore" ng mga bagay sa paligid nya, panimula para maging independent at confident sya. Kahit puro mansta ang carpet at halos sirain nya kurtina namin, pinipilit kong wag mag-init ng ulo. Mas pabor nga di ba, mapapalitan ng bago gamit sa bahay :) .
Sali din kayong mag-ina sa parent & child club sa lugar nyo. Check mo sa city hall meron sila. Nakakatanggal ng boredom at stress, matututo ka din sa ibang mommies ng ibang tips.
Sa gabi bago matulog ko sya kinakausap. May chance makinig pag walang kaagaw yung attention nya. Hindi man nya ako maintindihan, pero gusto kong makasanayan nya na merong kaming oras para mag-usap at makinig sa isa't-isa.
Wait ka pa ng advice sa mga expert mommies.
babyangel
01-24-2007, 05:41 PM

Arigatou po sa advice mo at ganyan na ganyan nga po baby ko sa baby mo grabe likot talaga,medyonakaka adjust na rin po ako ngaun:) Thanks po
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.