View Full Version : Hanggang saan ba ako magtitiis
ozy_m3
06-13-2006, 03:32 PM
:mad: asawa ko utos-ng utos walang namang ginawa kung di manood ng t.v,nakaupo basta nakakainis feeling ko tetsudaisan ako kahit na malapit na malpit na sa kanya ipaabot pa sa akin ,samantalang ako ay ishogashii hima jikan nai...sabi nya lalaki daw sya kaya dapat ay sinusunod daw sya parati.... kailangan" HAI" lang daw sagot para walng away...Tama ba yan???minsan wala na sa lugar ang pag-uutos nya...pag ako namn ang mag onegai eh "sukikiran"ang sagot....parents nya galit sa kanya dahil nga sa ugali nya...ano kaya maipapayo nyo sa kin mga a TF..:rolleyes:
PILIPINAS
06-13-2006, 04:39 PM
:mad: asawa ko utos-ng utos walang namang ginawa kung di manood ng t.v,nakaupo basta nakakainis feeling ko tetsudaisan ako kahit na malapit na malpit na sa kanya ipaabot pa sa akin ,samantalang ako ay ishogashii hima jikan nai...sabi nya lalaki daw sya kaya dapat ay sinusunod daw sya parati.... kailangan" HAI" lang daw sagot para walng away...Tama ba yan???minsan wala na sa lugar ang pag-uutos nya...pag ako namn ang mag onegai eh "sukikiran"ang sagot....parents nya galit sa kanya dahil nga sa ugali nya...ano kaya maipapayo nyo sa kin mga a TF..:rolleyes:
Isipin mo na lang na pagod ang asawa mo sa pagtratrabaho para sa inyo...para sa iyong kinabukasan na rin. Kailangan niyang magtanggal ng stress sa trabaho. But I know the feeling, minsan nakakapikon talaga. Hanapin mo na lang ang good points niya and count your blessings. At least, kakampi mo ang kanyang mga magulang. Maswerte ka!:)
chubby_kulot
06-13-2006, 04:49 PM
ang pag aasawa daw ay di isang kaning mainit na kung mapaso ka eh pwede mong iluwa...kapag nagpakasal tayo sa taong mahal natin...lahat daw kaya nating tiisin o dapat tiisin... dahil un daw ang pinili nating linya ng buhay natin... :)
kausapin mo sya ng heart to heart talk :love: para mailabas mo lahat ng kinikimkim mong sama ng loob dyan sa dibdib mo..mahirap kasi un may itinatagong sama ng loob lalo na sa mga asawa natin..baka kasi dumating un time eh di natin mapigilan ang sarili natin..mas grabe pa ang masabi natin kesa dun sa dapat lang natin sabihin na baka mauwi pa sa away o hiwalayan...mahalaga sa pagsasama ng 2 taong nagmamahalan ang communication... siguro naman kung kakausapin mo sya na in mood sya with matching cry cry ever ka :cry: [ kasi ganyang akits...] baka bigla eh magsorry na sya sau...with matching yakap to the bone pa :sweeties: ipaliwanag mo sa kanya lahat ng gusto mong sabihin... na di ka naman nagpakasal sa kanya para gawin nyang alila o utusan kundi para maging kasama o kabiyak ng buhay nya... okie lang naman kamo na utusan ka nya basta may onegai..o kung minsan kahit wala na..pero kung kaya naman kamo nya un iniuutos sau eh sya na lang kamo kasi busy ka rin [dito ba sa tf....] heheheh..dyoke lang ... peace tayo... :kiss:
ipaliwanag mo ng buong puso ang mga salita na gusto mong sabihin sa kanya para mas maintindihan nya... madrama ba???? hehehehe... :hihi: minsan kasi ang totoong drama eh hindi lang un napapanood sa television..ang totoong drama at mas nakaka antig ay ang buhay na siya mismo nating ginagalawan... :king:
o siya...gambatte ne... :king:
mikan1227
06-13-2006, 04:56 PM
hmmmm parang pareho tayo ng kalagayan kaya lang ang asawa ko nde naguutos ako na mismo ang gumagawa ng kailangan nya para nde na siya makapagutos hehehe:D minsan pagnaghuhugas ako ng pinggan napapatulala na lang din ako kasi nde ko akalain na ganito ang magiging buhay ko sa japan dami pagsubok!!!
well mapapayo ko lang po eh ganito bago pa siya makapagutos unahan mo na ilagay mo na lahat sa mesa lahat ng kailangan nya tapos yung mga bagay na madaling abutin ilagay mo sa isang lalagyan ilapit mo sa kanya para pagnagtanong kung nasaan yung bagay na kailangan nya sasabihin mo lang yung basyo lahat na nandun ganun kasi gawa ko eh meron ako isang kahon nandun na lahat salamin,shaver,charg er ng fone nya,nail cutter,etc... tapos nakalagay yung kahon na yun malapit sa pwesto nya so kahit nasa kitchen ako at naghanap siya sasabihin ko lang yung box...mahirap talaga pero sadyang ganun talaga ang paper natin sa mga asawa natin diskarte lang ang kailangan hehehe:rolleyes:
goodluck sana makatulong ang payo ko hehehe
sensei
06-13-2006, 05:01 PM
:mad: asawa ko utos-ng utos ...ano kaya maipapayo nyo sa kin mga a TF..:rolleyes:
swerte mo pah...kesa mabaling sa iba at iba na ang utusan:D
naglalambing lang yan, masanay ka na...
ozy_m3
06-13-2006, 05:39 PM
to all who reply my post thanks to all your advices it means a lot to me..
ichimar
06-13-2006, 05:43 PM
ganyan talaga sila,sabi nga ni sensei,lambing lang yan.........pero ung habibi ko naman,madalang nag uutos,lalo na pag may topak ako,he he he,ako pa nga ang nag uutos........kausapi n mo din sya ng mahinahon,baka sobra naman talaga ang pag uutos sa iyo,huwag ka mag sasawa,eto ang buhay na pinasok natin....lagi mong tatandaan,walang problemang di nalulutas.......gamb atte ne,god bless you....:)
myukasky
06-13-2006, 10:53 PM
Baka nga naglalambing lang sya pagbigyan mo na.:D Husband ko di naman sya pala utos, pero dahil nga sa busy sa trabaho ang husband ko minsan ako na lang ang nagkukusang gumawa. Ngayon nagwowork na ako hati na kami sa sa trabaho sa bahay. Last time nga dahil malalate na ako sa work iniwan ko na di pa hugas yung plato pagbalik ko hinugasan daw nila ng daugther ko. Shocked pa nga ako kala ko namali ako pasok ng kusina kasi iniwan ko yung daming hugasin. Uwi ko kasi sa bahay 5:30 pm na pag-uwi ko nakapag ofuro na silang tatlo, ako naman magluluto ng dinner namin. Tulungan kami ni hubby pero kapag nakikita ko na pagod na sya kahit ako na lang ang gagawa sinasabi ko sa kanya. Kahit sa pagluluto maaasahan mo sya, pagpapaligo ng kids namin at pati pagpapalit ng pampers ni baby boy.:D Di ko sinanay asawa ko na ako lang lahat, sabi ko pa sa kanya noon kung mauna ako sayo paano ka na at dalawang anak natin? Aba mahirap yata yung kung kailan wala na ako tsaka ka mag-aaral ng gawaing bahay. Kaya sis damihan mo pa pasensya mo kay hubby mo malay mo one of this days magbago ang ihip ng hangin:D
jade_24
06-13-2006, 11:44 PM
alam niyo po nakakarelate ako sa iyo. ganyan din kasi ang asawa ko nung una. naisip ko, dapat sa simula pa lang hindi na sanayin. kaya habang maaga, umisip ako ng iba't ibang ways na ipakitasa kanya at ipaintindi na hindi rin tama minsan ang ganun. minsan, sabi ko hindi ako robot ha? at hindi mo rin ako maid. may mga bagay kasi na minsan nakakatuwa at taos-puso nating gagawin pero may mga tamang oras at panahon. dati kasi yung asawa ko laging wrong timing mag-utos kung kelan may ginagawa ako saka mag-uutos. sinabi niya rin sa akin dati yung kapag nag-utos ang lalaki dapat puro hai ang babae. pinaliwanag ko sa kanya na kapag ginawa ko yon hindi na ako asawa kundi maid at sinabi ko na may puso ako dahil tao ako kaya nakakaramdam ako. sinabi ko pa nga na dapat bumili ka na lang ng robot kung yun pala ang gusto mo. minsan kasi hindi natin matutulungan ang asawa natin mag-grow kung alam natin na mali sila tapos kinukunsinti pa natin.
pero dapat po alam mo when to stop ha? kasi baka masobrahan namn. minsan kasi naglalambing lang iyang mga asawa natin. pakiramdaman na lang natin kung kelan yung sobra na at tama lang.
tama, sa masinsinang pag-uusap lang iyan. tulad ng asawa ko..ngayon nagbago na siya hindi na siya ganun. natutuwa siya kasi ako mismo ang gumagawa ng mga bagay para sa kanya at pag nag-uutos siya nagoonegai na rin kasi yun din ang tinuro ko sa kanya. para-paraan lang..matututo din sila.
prettylily_1203
06-14-2006, 02:55 AM
halos lahat yata ng Hapon na lalaki, ganyan ang ugali........... nakakasawa at nakakainis pero masasa:mad: nay ka rin
ANGELIKA22
06-14-2006, 05:29 AM
si hubby naman ang halos gumagawa sa mga gawaing bahay pero may kundisyon... kailangang sarapan ko daw ang mga luto ko hehehe;)
ozy_m3
06-14-2006, 10:50 AM
tama nga kayo mga ka TF nasanay yata!!!o ganyan talaga hapon....haayyy buhayy.......mmmm titiisin ko na lamang baka bumait pakiusapan ng mahinahon para huwag tupakin...laki kasi ng tupak ng asawa ko eh.....:grrr: :order:
ritzyu
06-14-2006, 12:51 PM
tama nga kayo mga ka TF nasanay yata!!!o ganyan talaga hapon....haayyy buhayy.......mmmm titiisin ko na lamang baka bumait pakiusapan ng mahinahon para huwag tupakin...laki kasi ng tupak ng asawa ko eh.....:grrr: :order:
Sabihin mo sa hubby mo di ako aso....kundi pusa :p na gets mo kaya ito..si hubby mo
tiyak nakuha yan...jowk.. Mababait naman ang mga Hapon, kaya nga lang marami sa kanilang ganyan na pag- uwi na nang bahay ayaw ng tumayo, pagod na kasi, kaya
utos na lang ng utos...pagpasensyaha n mo na lang.:) Mahaba pa ba pisi mo, kung
wala na, panay dugtong at buhol na lang gawin mo...mag fo -form na rosaryo
yan..di ka NIYA pababayaan, nakikita ni Lord ang litanya mo....lahat daw nang hirap
me katumbas na ginhawa.;)
summerghie
06-14-2006, 01:00 PM
alam mo ozy mukashi pa yan style nila ksi gnun daw tlg ang culture nila na ang babae talagang laging nasa likod lang ng lalaki..:drool: kung mapapansin nyo minsan kapag tumatawid naiiwan lagi ang babae hindi man lang inaalalayan ng lalaki kasi sabi ni hubby ganun daw talaga dati pa..ang babae sa bahay lang daw talaga pinagsisilbihan ang mga asawa yun parang tautauhan ang dating mo like what your husband said `hai` lang ng hai:yesyes: diba nga kapag irarank ang asawa sa kanila eh mas priority nila ang work,anak and then asawa ..may iba pa nga mas priority ang kaibigan kaysa sa asawa:firehead: (kainis diba)...panghuli lagi ang asawa..eh yan eh di naman in general ha,some of them na aadopt parin nila ang style noon unang panahon kaya ganyan ang ugali nila..:bowdown:
malalaman mo naman kung yun mukashi na style nila eh naadopt parin nila kasi makikita mo yun sa mga biyenan mo kung ganun ba un biyenan mo na lalaki sa biyenan mo na babae at kung di naman ganun well baka ugali na nya yun..may ganun kasing taong yun alam mo naman magagawa nila eh kailangan pa iutos..siguro naman kung nglalambing sya sayo eh di naman siguro oras oras ganun style ng paglalambing , siguro may ugali lang talaga siyang ganun..:chatter: pero malay mo mabago niya pa yun..
siguro mas maganda mong gawin katulad ng sinabi ng ibang ka tf natin na ngbigay sayo ng payo eh kausapin mo..take a seat and talk awhile:coffee: :gossip: ..iba kasi yun open kayo sa isat isa..tell him what you dont like about him and ask him too what he dont like about you so you both can change and live happily..:sweeties: im not that expert pero ako kasi i let my hubby get used to my attitudes,naku lalo na sa mga tantroums :rant: ko and my way of living but on the other hand ngadjust din ako syempre sa style na gusto niya..give and take lang.. nauutusan ko siya ,nauutusan niya ko...things should be fair kasi when you got married you became 1 diba so dapat both part nagaadjust di lang tayo mas malaki na nga inaadjust natin kasi ibang iba yun culture nila satin plus thier language atska wala tayong family dito so i think that is a big adjustment and sacrifices for us :furious: ....like my mom always telling me you chose your path ;deal with it...thats life ozy sometimes its easy but most of the time its hard..enjoy life and love each other ok..:love: :mushy: i hope it helps you a little..:tiphat:
melo825
06-14-2006, 01:27 PM
yes, tama silang lahat:D ako rin asawa ko palautos noon kaya ginagawa ko inuunahan ko na ang mga pangangailangan niya , kaya gulat na lang niya at nasa harap na niya:eek: so, pls be patient nalang sa mga asawa natin at baka hindi tayo mabigyan ng allowance at sa pilipinas odiba;) ....GAMBARIMASU:bowd own:
tagarp
06-14-2006, 01:36 PM
tama nga kayo mga ka TF nasanay yata!!!o ganyan talaga hapon....haayyy buhayy.......mmmm titiisin ko na lamang baka bumait pakiusapan ng mahinahon para huwag tupakin...laki kasi ng tupak ng asawa ko eh.....:grrr: :order:
OO nga, kahit ganyan ang hubby mo, meron naman syang good side talaga.. Pagod and stress lang yan sa trabaho.. Sige ka, mag na natsu bonus na.. SSHHH...:sssh: So stay as sweet as you are... LOL... :hihi:
ichimar
06-14-2006, 02:09 PM
OO nga, kahit ganyan ang hubby mo, meron naman syang good side talaga.. Pagod and stress lang yan sa trabaho.. Sige ka, mag na natsu bonus na.. SSHHH...:sssh: So stay as sweet as you are... LOL... :hihi:he he he,natawa naman ako sa iyo,mag na natsu bonus na daw:hihi: magkano kaya bonus ni habibi ko:rolleyes: :D joke lang po...nagpapasaya lang:D :p
ozy_m3
06-14-2006, 02:24 PM
iba talaga ang TF family marami kang makuhang advise salamat sa inyong lahat at medyo gumaan ang pakiramdam ko!!!!Salamat brad and sis.........:dowave:
Hello Kitty
06-14-2006, 02:27 PM
ganyan din ako nung una.nagluluto ako kung ano ano inuutos saken.sa una sigi lang akong sumunod pero nung tumagal na naasar nako.ako kasi pranka ako.hay sinabi ko sa kanya pag may ginagawa ako wagkang utos ng utos.isa lang katawan ko at hindi moko maid...sinabi ko sa kanya yung nasa loob ko.naintindihan nya naman.eh..hindi pa naman ako sanay ng inuutusan at hindi ako laki sa hirap.alam ng jowa koyun.kaya ngayon tawag nya saken ojousama:D kaya ayun bute nagbago,pag yasumi nya sya ang gumagawa.at ako naman:sleep: hahaha...
wolfgang
06-14-2006, 03:16 PM
ako noong una sunod- lang nang sunod ..sa lahat nang utos...pero noong nag-ka baby na kami...aba...talagan g inaaway ko na kasi sobrang busy ako tapos utos nang utos...pero ngayon give and take na lang kami sa pag-uutos...napag-uusapan naman kasi yang mga simpleng bagay lang yan......sabi nga ni chubby kulot..heart to heart talk lang ang sagot diyan.....:)
luvberry
06-14-2006, 03:54 PM
OO nga, kahit ganyan ang hubby mo, meron naman syang good side talaga.. Pagod and stress lang yan sa trabaho.. Sige ka, mag na natsu bonus na.. SSHHH...:sssh: So stay as sweet as you are... LOL... :hihi:
OO nga tagarp... May tama ka!! The idea of pagod and stress sa trabaho ng mga hubby natin.. totoo!! Kasi yung hubby ko pag nalalasing, kwento ng kwento na may ijime rin sa kaisha nila.. last 2 weeks ago, He was transferred in another branch .. yung mga staff daw nya (he was not a sacho but only salary man) mas matatanda pa daw sa kanya. Ayun, yung iba daw hindi nakikinig.. Kaya lately, stress na stress ang hubby ko. E kaya minsan nag nomikai sila para makuha nya ang kiliti ng mga nakakababa sa kanya. Pakikisama ba.. :) .. Pag ganon, hinahayaan ko lang. Minsan nga, pati ako, nakikipag inuman na rin sa kanya (but not much) para me makausap lang sya at maihinga ang mga sama ng loob nya. Good remedy naman.. As of now, I understand my hubby where he stand.. Sometimes, we need also to support and understand them.
pola228
06-14-2006, 04:11 PM
maganda lahat mga suggestion ng mga katf natin...sana ma apply mo...asawa ko rin po palautos...pero may kasamang onegai at smile:D ..kaya kahit tinatamad akong gawin..nagagawa ko kasi feeling ko naglalambing lang..minsan nga di nako makakain ng deretso sa kakautos nya:mad: ..pero lam ko namang di nya sinasadya..kaya kwela ang dating:p ...mahilig ko pang irapan yun:rolleyes: at sinusunod ko talaga kasi pag ako naman nagutos sinusunod nya rin;) hindi nalang po ako nag e-epron para diko ma feel na maid ako:biglaugh:
maimai
06-14-2006, 07:27 PM
lahat naman siguro tayo inuutusan ng asawa natin...yan po ang buhay may asawa,
kahit nga yung habibi ko minsan inuutusan ako..pero pag alam ko na naman na puede nyang gawin,sinasabihan ko sya talaga...syempre in a nice way para naman di sya ma-offend....:)
pero pagmay topak ako:D ...sya yung inuutusan ko,sumusunod naman sya..kasi pag di nya sinunod,kahit barok ang nihonggo ko eh! aawayin ko sya talaga...:D :D
siguro give in take lang po yan...
sa ngayun malapit na nga ang BONUS,kailangan maging mabait muna tayo~~hehehe~~:D :D tulad ng sinabi nila "Stay sweet as you are" :love:
kaya goodluck sa mga ka-TF..;)
tfcfan
06-14-2006, 07:46 PM
pero pagmay topak ako:D ...sya yung inuutusan ko,sumusunod naman sya..kasi pag di nya sinunod,kahit barok ang nihonggo ko eh! aawayin ko sya talaga...:D :D
siguro give in take lang po yan...
:biglaugh: Hmmm!parang nakakarelate ako sa'yo kumare,:p :)
Kase pag ako pagod na sa kalilinis at nakikita kong wala naman syang ginagawa,aba'y inuutusan ko rin sya kesehodang maghalo ang tagalog,bisaya at nihonggo ko,:hihi:
Pinakamahalaga talaga eh give in take na lang sa buhay may asawa:..:)
fisher
06-14-2006, 11:30 PM
:biglaugh: Hmmm!parang nakakarelate ako sa'yo kumare,:p :)
Kase pag ako pagod na sa kalilinis at nakikita kong wala naman syang ginagawa,aba'y inuutusan ko rin sya kesehodang maghalo ang tagalog,bisaya at nihonggo ko,:hihi:
Pinakamahalaga talaga eh give in take na lang sa buhay may asawa:..:)
Ummhhh......bakit kaya ganyan 'yang mga kabiyaks ninyo? Anong gusto ninyo? Sige,mamasahiin ko kayo.Ipagluluto,ipag lalaba,magwawalis ako ng bakuran.Anong gusto ninyong ulam? Lulutuin ko.Ako ang mamamalengke.Ako maghuhugas ng plato.Pagkagaling ko sa trabaho ako ang mag-aalaga sa mga bata.Ihahanda ko ang ofuro at isa-shampoo ko ang mga buhok ninyo at sasabunin ko ang buong katawan pati doon sa...hehehehehe:D .Gigising ako ng maagang-maaga para ipagluto ko kayo ng makakain habang ako'y nasa trabaho.Pero please lang huwag ninyo akong tawaging Andres ha!Mapagmahal lang talaga akow hihihihihihi:biglaug h: :biglaugh: :biglaugh: .O sino pa ang susunod na magrereklamo?:D .
tfcfan
06-15-2006, 09:18 AM
Ummhhh......bakit kaya ganyan 'yang mga kabiyaks ninyo? Anong gusto ninyo? Sige,mamasahiin ko kayo.Ipagluluto,ipag lalaba,magwawalis ako ng bakuran.Anong gusto ninyong ulam? Lulutuin ko.Ako ang mamamalengke.Ako maghuhugas ng plato.Pagkagaling ko sa trabaho ako ang mag-aalaga sa mga bata.Ihahanda ko ang ofuro at isa-shampoo ko ang mga buhok ninyo at sasabunin ko ang buong katawan pati doon sa...hehehehehe:D .Gigising ako ng maagang-maaga para ipagluto ko kayo ng makakain habang ako'y nasa trabaho.Pero please lang huwag ninyo akong tawaging Andres ha!Mapagmahal lang talaga akow hihihihihihi:biglaug h: :biglaugh: :biglaugh: .O sino pa ang susunod na magrereklamo?:D .
Asus ang Mang Fisher at di nakatiis at talgang nakisali sa sintemyento ng mga misis.:lol:
Kaya pala! pati nilagang baka nyo natutuyuan ng sabaw eh!Para pala kayong computer pwede ng multitasking,:hihi:
(nakikipag chat sa ym habang nagluluto:D :p ..
joke lang,peace po tayo...:)
katty0531
06-15-2006, 12:14 PM
Hi ozy m3, minsan siguro kailangan din nating magsalita sa asawa natin...like halimbawa ako noon pa umpisa palang sinabi ko na talaga sa kanya (asawa ko) na kung may stress ka sa trabaho mo iwanan mo don wag mong dalhin dito sa bahay dahil dito ako naman ang may stress kung hindi magkakabanggaan tayong dalawa, kaya hindi nag uutos yan sakin pinaghuhugas ko pa nga ng pinggan hehehehe....pero dahil sa pagod sya yong mga pinag inuman ng kape nya hindi na maiaabot sa lababo kaya pasensyahan nalang at ako ang taga sunod nya.
Kung feel mo na parang katulong kana, magsalita ka dahil hindi lang naman sila ang pagod ikaw din pagod...utangaisama diba...ganbarimashoo ....:D
kokorokara
06-15-2006, 01:20 PM
Tumpak talaga lahat yun sinabi ng mga ka TF,ganyan talaga ang buhay may asawa,konting tiis lang,kahit naman hindi hapon yun naging asawa mo minsan ganun din.Good communication is the Key to a good relationship kahit magkaiba pa tayo ng kultura,noon una rin ako dito sige sunod lang ng sunod wala rin lang reklamo kasi nasa Philippines palang ako pinag-aral ko na yun kultura nila na ganun talaga ang papel ng housewife,pero,pagfe eling mo sobra na siya kausapin mo na. sabi nga ng iba nadadala talaga yan sa tamang pag uusap,at paliwanagan mo yun asawa mo na asawa ka niya,pati yun feelings mo pagnapaguutusan ka niya,yun nga maging systematic ka nalang lahat ng bagay sa loob ng bahay niyo para mas lesser ang pagod mo tapos i educate mo rin ang hubby mo sa mga dapat na maging papel niya sa bahay yun maliliit na mga utos niya kung kaya naman niya gawin siya na ang gumawa kasi napapagod din tayo sa maghapon na kaiikot sa bahay,kasama na yun pakikipagpugad sa tf,pati yun pagmuni muni:D . Masipag naman maghanapbuhay ang husband mo dapat supportahan mo siya pagnasa bahay kasi yun nalang ang outlet nila sa stress nila sa work.Ang pinaka importante sa lahat naiibibigay naman ng tamang allowance niya sa iyo,kaya puwede mo naman i treat yun sarili mo para ikaw naman ay hindi rin ma stress sa kauutos niya sa iyo.at this time magpaganda ka ng husto treat yourself as a a queen,magshopping ka,makipagEB ka,para malibang naman ang beauty mo pagfeeling blues ka na.Then count mo yun mga blessings na natatamo mo ngayun kaysa noon.Siguro naman mas marami ang good points ng buhay mo ngayun kaysa noon.Be positive and enjoy the things that you are doing,makikita mo para ka nalang naglalaro mas gagaan ang pakiramdam mo.
Kokorokara at your service
tsokolate
06-15-2006, 07:03 PM
:) ohayou mga kapatid.. ganun ba talaga lahat ng mga hapon...1 year na kami kasal pero 6 months palang kami nagsasama... ang hirap mag adjust... nakakasawa na rin... parang nagsisisi na ko... :( o baka naman dahil kinalakihan na nila yung tradition na yun.... until now nga di pa rin kami nagkikibuan.. di nag uusap, nakakainis!!!!:mad: para kasing di asawa trato sakin eh.. para ngang maid...
tsokolate
06-15-2006, 07:08 PM
correct ka jan kapatid.. ang problema nga.. ni isang sentimo walang binibigay sakin asawa ko... katwiran nya may work naman daw ako.. tama ba yun! unfair naman ata yun di ba/ khit kimochi lang bang magtanong kung may pang taxi man lang ako to go work or kumain ka ba? wala me marinig... gggggggggrrrrrrrrr.. ..
tagarp
06-15-2006, 07:32 PM
correct ka jan kapatid.. ang problema nga.. ni isang sentimo walang binibigay sakin asawa ko... katwiran nya may work naman daw ako.. tama ba yun! unfair naman ata yun di ba/ khit kimochi lang bang magtanong kung may pang taxi man lang ako to go work or kumain ka ba? wala me marinig... gggggggggrrrrrrrrr.. ..
Mrs. Tsokolate.. Naku very complicated ang buhay mo sa asawa mo, di pa kayo nag uusap?? :confused: ... Wala ka bang budget?.. Baka nasanay sayo at nakikitang me pera ka.. Pano na yung Natsu bonus nyan?? Taihen ka naman.. Walang sweet things sa pag sasama nyo.. maybe you need a marriage counselor na.. Or i - divorce mo na kaya.. :D .. Wala syang silbi.. :ohlord: :D
ozy_m3
06-16-2006, 11:01 AM
tsokalate chan ganyan talaga hapon nakakainis marami na tayo:O minsan naman binibigyan ako kahit kunti ng may topak kung jowa...ewan ko di ko alam kung ano payo ko sayo tiis ka nalang kung kaya mo kasi ako ay nagtitiis rin may anak kasi eh di pwedeng iwanan:rolleyes: ito na rin ang buhay na pinili ko kaya pasenya lang ako baka magbago rin asawa ko ":cool: itsuka"mmmmm
wolfgang
06-16-2006, 11:09 AM
Tsokolate chan masyado pa yatang maaga para magsawa ka agad sa asawa mo siyempre andiyan pa ang adjustment....kung tutuusin ngayon mo pa lang siya nakikilala...siguro noong nag-asawa kayo ganyan na ang nakasanayan niyo na walang paki-alamanan sa suweldo...dapat bago ang lahat sinabi mo sa kanya na ikaw ang babae at ikaw dapat ang hahawak nang suweldo at mag-bubudget.....SA ngayon ang maipapayo ko lang ay mag-usap kayo nang masinsinan...tungkol sa problema ninyo...:)
Stacie Fil
06-16-2006, 12:09 PM
Tama sila, its really a matter of proper give and recieve or bigayan. Just be open to each other.
In regular couple situation, coming from same culture and background, sabi nila it takes atleast 5yrs bago pa talaga makapag adjust to a stable and good relation or buddy /partner team work ang couple. Kung ganoon nga, higit pa nga siguro ang adjustment na kailangan para sa dalawang tao(International couple) na halos dulo sa dulo ang agwat nang pagkakaiba sa kultura at lahat nang bagay.
Well, tayo ang nag decide at may malaking part sa pag habi nang kahihinatnan nang buhay atin. We have to find the best way or system good for us.
Godspeed sa lahat !
tagarp
06-16-2006, 11:05 PM
Mrs. Tsokolate.. Naku very complicated ang buhay mo sa asawa mo, di pa kayo nag uusap?? :confused: ... Wala ka bang budget?.. Baka nasanay sayo at nakikitang me pera ka.. Pano na yung Natsu bonus nyan?? Taihen ka naman.. Walang sweet things sa pag sasama nyo.. maybe you need a marriage counselor na.. Or i - divorce mo na kaya.. :D .. Wala syang silbi.. :ohlord: :D
oopppss .. continuation.. di pa talaga ako tapos.. I quote it again.. May I say na siguro din, ang hubby mo e nagseselos sa work mo kaya di ka nya pinapansin.. I got the experience when I got a part time job on teaching English noon. (4 hrs) pa lang yun ha.. I felt that parang di maganda ang communications namin noon. And he said to me na the Japs husband got their own pride na talagang ayaw nilang magwork ang mga oksan nila. Anyway,.. you need to talk to him in a good way and share your views.. :O .. maybe kulang lang sya sa lambing mo..
fisher
06-16-2006, 11:11 PM
Asus ang Mang Fisher at di nakatiis at talgang nakisali sa sintemyento ng mga misis.:lol:
Kaya pala! pati nilagang baka nyo natutuyuan ng sabaw eh!Para pala kayong computer pwede ng multitasking,:hihi:
(nakikipag chat sa ym habang nagluluto:D :p ..
joke lang,peace po tayo...:)Eh papaanong di matutuyuan ng tubig yung nilalaga kong baka e namamalantsa ako ng isusuot ng anak ko at naglalaba pa sa oras na iyon.Buhay nga naman oo makapag-asawa ka ba naman ng lahi ng mga samurai hihihihihi:D . Sa susunod kakantahan ko kayo hehehehehehe:p .
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.