PDA

View Full Version : mga talentong nahuli....


wolfgang
06-13-2006, 04:03 PM
Itatanong ko lang po kung may naka experience or may alam tungkol sa mga talento na nahuli nang immigration..at nakulong... kasi tinanong lko ito dahil sa kakilala kong talento....bale puro sila first timer...yung iba timer na...pinasok yung omise nila nang immigration ...ehhh wala pang arubaito noong oras na yon..bale sila ang nakaupo noon.....tapos ...hinuli sila....nagpunta sila sa aparto ng mga talento at kinalkal yung bahay...kinuha yung mga gamit nila....pero hanggang ngayon nakakulong pa rin sila...natataranta na yung mga magulang nila sa pilipinas...naawa ako kasi mababait na bata...yung mga yon..... Tanong ko po mapapauwi.. na ba sila or kakasuhan sila...mabablacklist po ba sila....at saka bakit ...napauwi yung iba ..sila lang ang natira silang mga naka-upo sa meg-meg....ano po kayang mangyayari sa mga ganoong kaso...:O

chubby_kulot
06-13-2006, 04:21 PM
hello wolfgang :wavey:


sa tamang alam ko lang po eh...baka po may tinanong un mig mig sa kanila na medyo foul sa patakaran ng omise kaya para makasuhan o mapenalty-han un sacho or mga promoter ng mga talento na nakakulong parin ngayon ay para sila ang maging testigo ng mga mig mig..

or baka naman wala un passport nila..di nila hawak kaya di pa sila napapauwi sa Pilipinas..

bakit po ba sila hinuli?kung may visa sila at tama ang omise na pinagtratrabahuhan nila now.. [i mean di sila flying booking..] walang dahilan para hulihin sila...unless kung may tnt or flying booking silang kasama eh madadamay nga po sila...

kaya ko po nasabi ito..kasi nung nasa nagano pa ako that was year kopong kopong...sikwet na lang po.. :shutup: nagkaron kami sa omise ng flying booking..that time mahigpit din ang migmig sa mga tnt at flying booking..napasok un omise namin at nataon na un fying booking namin ang nakaupo..kaya lahat kami huli pero di naman kami lahat dinala sa presinto dahil may hawak kaming mga passport with visa pati na ang ACR namin eh kami rin ang may hawak...kaya un flying booking lang namin ang nahuli..un nga lang... 1 buwan sarado omise namin at penalty si sacho...kaya kami non...nasa aparto lang..di naman kasi kami pinauwi eh... :rolleyes:

sensei
06-13-2006, 04:52 PM
Ang alam ko bawal umupo ang talent or i-table ng costumer. Ang pinirmahan sa contract eh magso-show lang, baka sila ang magwi-witness sa patakaran ng omise nila. Penalty po ang omise at shacho, wag kayo mag-alala mapapauwi din sila.

wolfgang
06-13-2006, 05:08 PM
@chubby kulot...@ sensei thank you po sa reply sana nga mapa-uwi na sila kasi close ko yung mga batang yon...mga first timer kasi kaya nakaka-awa talaga ..wala rin kasi silang alam sa mga ganoong bagay...siyempre sinusunod lang nila yung omise ..pero blacklisted na kaya sila ..pag-uwi...sa atin..

vectra1123
06-13-2006, 05:53 PM
Kung hindi po sila flying booking at tama naman ang hawak nilang papeles,irerelease din po sila ng mig-mig,maaaring may itinatanong lang sa kanila kaya sila dinala sa opisina at hindi naman sa kulungan.Ang mananagot po sa kasalanan nila sa pag-upo nila sa kostumer ay yung promoter at may-ari ng omise kaya wag kang mag-alala sa kalagayan nila.May dati akong kaibigan na ganyan din ang naging kaso pero sa awa naman nakabalik pa rin ng Japan kaya lang sa ibang promoter na at ibang lugar.:)

bara
06-13-2006, 06:17 PM
hi wolfgang maki singit lang n konti dito....base lang sa pagkakaalam ko tsaka sabi nung mga veteranang naging kasamahan ko nung talent pa ako,kasi naka base daw sa contractang pininpirmahan ng entertainers dito sa Japan na kanta at sayaw lang ang trabaho sa omise showtime lang bawal umupo or tumable sa mga customers,kasi base sa mga napagtrabahuhan kong omise dito sa aichiken kapag may signal na magcheck ang mig sa omise namin bigla kaming pinagpapalit ng damit pangshowtime tsaka di kami pinaupo sa tabi ng customer sabay derechong puro showtime.....kasi kapag nahuling naka table mapapasara po ang club tsaka penalty sacho....

wolfgang
06-13-2006, 10:12 PM
Thank you po ulit sa mga nag-reply....kasi ...sobra lang talagang sakit nang puso ko dahil yang mga batang nahuli ehh naging kasama ko rin sa trabaho...dahil nag-arubaito ako na kasama ko sila for 1 month at ako pa ang taga-ayos nila.....dahil di pa sila marunong mag-ayos nang mukha..nalungkot ako sa nagyari... nag talento rin ako pero di ko yan na experience......sana nga makauwi na sila dahil grabe... ang pag-aalala nang mga magulang nila.....

Tonyang
06-14-2006, 06:36 AM
Wolfgang, pakiforward kapatid sa embassy natin iyung kaso at baka di pa nila alam. Kung may problema sa mga papel nila, malamang papauwiin na sila.

Btw, ok iyung nabanggit ni bara... paano kaya mahuhuli ang mga omise na may dohan? Ito pa iyung isang rason bakit na-pollute iyung industriya ng mga Pinay entertainer.

wolfgang
06-15-2006, 02:02 PM
@ ka tonyang ang balita ko po inaasikaso na po nang promotion nila yung kaso ...alam na rin daw nang embassy..natin...
update lang ngayon.....tinawagan ko yung mga kasamahan nila na nakauwi na sa pilipinas...silang apat na nakauwi bale magkakasama sa isang selda....at pare-pareho daw nang sagot.....pero yung tatlo daw na naiwan bukod ng selda..kaya di daw nila alam kung bakit naiwan.....tapos yung isa sa tatlo ...nakahiwalay din daw.......halos three weeks na yung mga bata doon..yung isa expired na yung visa last week...di ko alam baka naman na extend nang migmig......
ang masaklap pa yung mga gamit nang mga bata di alam kung nasaan na....sarado na rin kasi yung apartment nang talento...balak ko pa namang pagsamasamahin sa isang karton at ipadala sa kasamahan nila kaya lang wala na .... pinagtatapon na daw noong staff noong naglinis..
tanong ko lang ulit.... ilang weeks ba tumatagal ang processing para mapa-uwi yung mga talentong nahuli :confused:

maimai
06-15-2006, 03:24 PM
hi wolfgang...makisingi t lang po ako dito..

sa pagkakaalam ko kasi...pagkumpleto naman ang documents mo...katulad na kung may passport at may pamasahe na sila makakauwi sila agad......isang linggo lang yata ang tatagal nila dun..

yung mga naiwan , siguro baka wala pa silang pamasahe kahit may documents sila..kasi dyan yata sa migmig...pagmaypamas ahe ka na,pa-uuwiin ka agad...:) ayaw din kasi nila pinatatagal ang mga nahuli dyan kasi mukhang maliit lang yung place..

at yung sinasabi mong expired yung visa nung isa...di na yata ma-eextend yun...papauwiin pa rin sya..

at tungkol dun sa mga gamit nila..kawawa naman sila..sana naman hinintay muna nila kunin ng mga kaibigan ng mga talento bago nila itapon..:(

wolfgang
06-15-2006, 03:38 PM
@ maimai ...friend thank you sa reply..ha...ako nga rin nagtataka ehh..bakit ang tagal nila doon ...mga first timer sila medyo di pa talaga marunong mag nihonggo pero yung mga napa-uwi ehh mga timer na...at saka yung mga gamit nag-bara-bara daw....ang sabi noong staff ....kasi bale yung aparto nila hanggang second floor yung baba doon sa mga talento nahuli...tapos yung taas para sa talento nang isa pang omise nang sacho...dalawa kasi omise noon ehh...ang pagkaka-alam ko yung mga talento sa kabilang omise ang kumuha nang mga gamit nang mga nahuling talento.....ehh sa ibang promotion daw yung mga yon ehh....yung mga alahas at pera noong mga nahuli ehhh sad to say pinag intresan na nang mga talento sa kabilang omise...pero yung mga gamit at damit ehhh tinapon na nang staff....nakaka-awa talaga .....kassi noong nagkahulihan...kinab ukasan pina-uwi na rin yung talento sa kabilang omise...kaya di talaga alam kung nasaan yung mga yung mga alahas at pera noong mga nahuli....ang hirap nga ehh nagkaganoon na nga pinagnakawan pa .....kaawawang mga bata:(