PDA

View Full Version : Foundation ba talaga??


tagarp
06-13-2006, 06:16 PM
Dito ko na lang po nilagay sa Visa and Legal Issues itong problem ng friend ko na ishe- share at ihingi ko daw ng payo dito sa TF. Katatawag lang niya kaninang tanghali at umiiyak. Wala naman akong ma comment kac very complicated ang problem nya.. Here's her story..

She was my neighbor in Manila before and she's married to a Japanese national 19 yrs. ago, have 18 yr. old girl and 16 yr. old boy. Pang 2nd wife na daw sya, 1st wife is Japanese and have a kid also. Pero she lives in Manila at punta lang sya here in Japan to visit his husband who owns a construction company. Her husband gave her an apartment for her buss, also a house and lot too. After a while, she discovers the selfish attitude of his husband and she discover na may babae daw when she visit him here in Japan. Hindi daw nya pinansin at nagtiis pa sya because that time, her husband is sick.. Hindi naman daw sya makapunta ng Japan lagi kasi nga may buss. din sya sa Pinas na bigay din ng kanyang husband. After that, 1996 she was shocked kac his husband filed a divorce here in Japan without consulting her na noon ay nasa Pinas sya by that time ay bedridden na daw ang asawa nya at mga relatives na lang daw ang nag aalaga ( hinala nya na ang mga relatives ang nag file ng divorced nya not his husbandkac nga bedridden na daw) Hindi na nga daw sya sumunod sa Japan kac daw hindi na nya mahal ang asawa nya. Years passed by, 1998 nagkaroon daw sya na boyfriend na Pinoy and they got kids too. Hanggang ngayon, yung Pinoy pa daw ang ka relasyon nya. 2002, his husband passed away na wala man lang daw silang mana na nakuha at pinahahanap daw sila ng late husband nya.

Last year, she asked help to a Pilipina owns a Foundation here in Japan (got a Japanese citizenship) that helps daw sa mga Pilipina na naanakan ng mga Japanese, nikkeijin, a second-third generation relatives of Japanese et al. This Foundation was sponsored by a Japanese Company daw. So, nakapunta sya dito last year with her 2 children, first as a tourist (then nag change daw sila ng visa status as a Long term kac Japanese surname naman daw silang lahat) at inutang daw muna nya sa Foundation lahat ang Airfare, food, board and logging. But they have a contract na mag wowork sya hanggang sa mabayaran ang ginastos sa kanila. Nakapag work sya, at pati daw yung 2 anak nya ay pinag trabaho. at nabayaran na daw ang ibang gastos ng foundation sa 2 bata. Sya na lang daw ang me kulang ng 12 lapad. The real reason that she was here in Japan daw kac para makakuha sya ng mana at mai Saiban nya ang relatives ng husband nya with the help of this Pilipina owned Foundation. Bago pa lang daw sila umalis sa Pinas last year, nai file na daw ang case sa Saiban. And the Foundation gave her a lawyer. One day, ikibigla na lang daw nya na dumating ang Pilipina na ito at may pinapirmang blank papers sa kanya. She signed it daw kasi nga she trusted the Lady na. Last January, dumating uli ang Pilipina at sinabi sa kanya na may resistance and relatives ng ex husband nya at wala silang makukuhang mana dahil pina private investigator daw sya ng ex husband nya noon sa Pinas kaya daw sya ni rekkon. Naghinala na daw sya. Last week, bigla daw pinauwi ang anak nya na 2 months ng buntis na wala man lang daw pasabi. Ikakasal daw sana yung anak nya sa Pinoy na may Long term visa din. Gusto din daw syang i hold kac may sumita daw sa lisensiya ng Foundation at parang lumalabas na illegal recruitment ito dahil connected pala sa mga job factories. so she manage to escape. Kasi sya daw ang nag start ng gulo at idedemanda sya. Tuloy naiwan pa doon ang anak nyang 16 yr.old boy na pinag wowork hanggang ngayon para sa naiwang utang pa, at ang passport ng bata ay hawak ng Pilipina. Hinohold din daw itong 16 yr. old kasi nakabuntis ng 22 yrs. old na employee ng Foundation na may 1 yr. visa lang. According to my friend, this Pilipina is connected daw sa Japan immigration.

Sa totoo lang, Nakaka loka ang problema nya.. Pero I gave her the Tokyo Lifeline tel. nos. at ng Phil Embassy. sinabi ko sa kanya na ihihingi ko ng payo dito sa TF ang kanyang problem. Baka may mai a advice kayo sa kanya. Yoroshiku daw.. :)

PILIPINAS
06-13-2006, 06:42 PM
Based sa kwento mo, very strange ang policies ng foundation na tinutukoy mo. If you go to the official website of our Philippine Embassy (http://www.tokyope.org/), may list doon ng mga NGO or Filipino Associations in Japan. Ito ang legal at accredited ng ating bansa.

tagarp
06-13-2006, 07:57 PM
Based sa kwento mo, very strange ang policies ng foundation na tinutukoy mo. If you go to the official website of our Philippine Embassy (http://www.tokyope.org/), may list doon ng mga NGO or Filipino Associations in Japan. Ito ang legal at accredited ng ating bansa.


I checked the embassy site, the name of the Foundation is not there.. Mukhang naloko ang kapitbahay ko.. Thanxs for the infos :)

proud me
06-13-2006, 08:07 PM
yong mga ganyang klaseng problema ang dapat din mabigyan pansin....alamin kong ano yong totoo...kawawa naman yong mga bata na pati sila napasok sa magulong buhay dito sa japan...

tagarp
06-13-2006, 08:37 PM
yong mga ganyang klaseng problema ang dapat din mabigyan pansin....alamin kong ano yong totoo...kawawa naman yong mga bata na pati sila napasok sa magulong buhay dito sa japan...

Oh yes, Naawa ako sa mha inabot ng mga bata.. as far as I know, bawal pagtrabahuhin ang menor de edad (16) yrs old full time here in Japan.. This kid is equivalent to a Koko sei na pwede lang mag parttime job up to 6 hrs... Kasi may Junior high school (Chu gakko) kid na rin ako at bawal pa siyang mag trabaho.. Ang masama pa nito, this kids sana have a priviledge to go to school here in Japan because he was a half Japanese with proper visa pa. :( ..

Stacie Fil
06-13-2006, 08:57 PM
Nagtataka lang ako. Legitimate ika mo yung visa nila nang mga bata. Bakit di sila humanap nang sarili nilang malilipatan na tirahan o trabaho at desisyon sa kanilang pamumuhay. Bakit iba ang may hawak nang personal nilang documents. Kung may complain sila, I think pwede naman silang dumiretso di ba? Magulo nga...

tagarp
06-14-2006, 01:28 PM
Nagtataka lang ako. Legitimate ika mo yung visa nila nang mga bata. Bakit di sila humanap nang sarili nilang malilipatan na tirahan o trabaho at desisyon sa kanilang pamumuhay. Bakit iba ang may hawak nang personal nilang documents. Kung may complain sila, I think pwede naman silang dumiretso di ba? Magulo nga...

OO nga e, In my own view, ito yatang friend ko nato ang tipong umasa na kaagad sa kalalabasan ng Saiban nila e talagang matagal ang process non at di makatiis.. Hindi naman yata maganda ang ganon at di rin nya pinag iisipan mabuti ang consequences na mangyayari sa mga desisyon nya.. Katatawag nga lang ngayon at sinabi nya na may na contact na daw syang immigration lawyer at mag rereklamo daw sila. Kaya naman I advice to her na put it all in legal and diplomatic way kasi naiwan ang 1 anak nya doon. I never expect this will happens kac documented naman sila and she can move in her own rights, naunahan lang siguro sya ng tiwala at takot.. Akala ko sa mga walang visa lang talaga nangyayari ito. Hope she can get through.. Anyway, PM nyo lang ako kung sino ang gustong maka alam ng name nitong Foundation na to.. Baka marami pang maloko ang Pilipina Foundation nato sa mga kababayan natin.. be aware lang po.
Thanxs sa mga helpful infos, views and comments ninyo.. :tiphat:

luvberry
06-14-2006, 03:08 PM
ah kaya pala, in my point of view, hindi lang talaga sanay ang friend mo sa buhay dito sa Japan. Yang Foundation na yan, mukhang front lang nila yan na kunwari NGO, dating sakin e Agency for factory jobs. Meron din kasi akong alam na mga Nikkeijin na ganito ang trabaho at may porsiyento itong mga Agency na to. naku, grabe daw ang trabaho nila, at hinohold daw talaga ang passport. But instead nga daw na kumuha sila ng workers sa Vietnam, They rather get the Japanese relatives na lang daw like mga naanakan sa Pilipina at mga generation ng mga Japanese. E kaso, yung mga kinukuha na japanese generation daw ay hindi naman daw lahat totoong japanese relatives. Yung iba, fake daw. At mismo sa NSO pa daw nag ii start ang faked documents involved ang big bucks.. Ang gulo naman kasi ng NSO na yan, bat di na lang gayahin ng Pinas ang katulad ng pag kuha ng Kosekitohon dito sa Japan. Sa atin may sa City Hall na, may NSO pa..Naku meron pa palang Malacanang Ribbon at DFA.. tuloy, doble-doble pa ang binabayaran natin.. Anyway, paano pa kayang nakalusot yon..