View Full Version : japanese employment contract
gratz
06-16-2006, 03:41 PM
hi! im just new here.
i have a question regarding sa labor laws ng japan. it is true that bawal sa japan na may bond ang contract for foreign workers? thanks
PACIFIC GP
06-17-2006, 06:59 AM
What do you mean by "bond"? Baka pwede i-explain mo in details para makatulong kami.
goldhorse
06-17-2006, 07:42 AM
Hi Gratz, and welcome to Timog Forum!
I hope you enjoy your stay here.
Regarding your question, I am hazarding a guess here, pending your clarification regarding the bond clause in the contract, as PACIFIC GP was asking, I think you meant a bond set in case the foreign worker resigns from the employer company before the end of the working contract.
In the Japanese Labor Standards Law it says that:
"Making a contract which fixes in advance the payment of a penalty or damages for non-fulfillment of a contract on the part of the workers such as resignation before the completion of the contract period, etc." is not allowed.(Article 16)
This would also seem to forbid the forfeiture of the bond (money), or rather the inclusion of such a clause in the cotract, in case of resignation before the end of the contract. This applies to any worker in Japan, whether Japanese or foreigner.
I hope this helps.
ganda_girl89
06-17-2006, 11:20 AM
Good morning senior member,this is not accutally,regarding this post .Meron lang po akong itatanong saan po ang training companies sa atin na puedeng mag apply.Kasi po gusto ko sanang pagapplyin ang brother ko.Marami na po kasi akong nababalitaan , na maraming trainees dito.Can you help me po,tatanawin ko pong malaking utang na loob.More power to TF.
meron akong mairerekomenda pero taga cebu/mandaue area at yung mga pinapadala ay nagti training dyan sa aichi area.
kung magrereply ka ulit sa post,mabuti siguro na gumawa ka ng panibagong thread kasi baka pagalitan tayo ng ''threadjacking'' ng mga mods.
houseboy
06-17-2006, 10:54 PM
Thanks Sir Goldhorse.
Pwede palang pumirma kahit may indemnity sa contract. Pwede rin palang magresign na alang babayaran.
Yokatta ne!:D
goldhorse
06-18-2006, 02:58 AM
Thanks Sir Goldhorse.
Pwede palang pumirma kahit may indemnity sa contract. Pwede rin palang magresign na alang babayaran.
Yokatta ne!:D
Hello Houseboy.
Actually, hindi.
Ang pinagbabawal ng Article 16 ay ang pag include ng clause sa contract ng indemnity kung sakaling hindi tapusin, or i-carry out ng employee ang terms ng contract. Hindi ibig sabihin pwede kang umalis sa kumpanya kahil kailan mo gusto ng walang mangyayari.
Ang tuntunin ng artikulo na iyon ay para hindi lagyan ng mabigat na restriction ang isang empleyado kung gustong magpalit ng kumpanya. Pero, kung kunyari bigla ka na lang nag resign na alam mong walang papalit sa iyo at ito ay makakasira sa negosyo ng kumpanya, maari ka pa ring kasuhan ng kumpanya na iyon.
Hindi rin maganda na mag-sign ka kung may nakasulat na indemnity clause. Sabihin mo na bawal iyon at paalis mo bago ka mag sign.
At isa pa, kung ang kontrata mo ay hindi diretso sa kumpanya dito sa Japan, kunyari sa isang outsourcing agent na base sa Pilipinas, hindi applied ang batas dito, kung hindi sa Pilipinas, dahil pareho Pilipino kayo.
Mas mabuti na makipagkunsulta sa POEA, kung galing kang Pinas, or kung nandita ka na sa Japan sa Labor Office ng Embassy, o di kaya sa Labor Office ng Japan na pinakamalapit sa iyo. Mayroon marunong mag English na tutulong sa iyo, lalo na kung sa Tokyo.
houseboy
06-18-2006, 04:23 PM
Hello Houseboy.
Actually, hindi.
Ang pinagbabawal ng Article 16 ay ang pag include ng clause sa contract ng indemnity kung sakaling hindi tapusin, or i-carry out ng employee ang terms ng contract. Hindi ibig sabihin pwede kang umalis sa kumpanya kahil kailan mo gusto ng walang mangyayari.
Ang tuntunin ng artikulo na iyon ay para hindi lagyan ng mabigat na restriction ang isang empleyado kung gustong magpalit ng kumpanya. Pero, kung kunyari bigla ka na lang nag resign na alam mong walang papalit sa iyo at ito ay makakasira sa negosyo ng kumpanya, maari ka pa ring kasuhan ng kumpanya na iyon.
Ang pag-alis, kung sakali mang balakin ko, ay ipapadaan ko pa rin sa proseso. Kasi Sir, magbibigay naman ako ng sapat na notice sa kanila at tatapusin ko ang sinabi ko na araw bago yung effectivity ng resignation.
Halimbawa Sir, Haken Shain ako, at ako ay lumipat, pero nagbigay ako ng notice na at least 30 days, at tinapos ko yun, pwede pa kaya akong kasuhan nun? Kumbaga e maayos naman ang pag-alis ko.
Hindi rin maganda na mag-sign ka kung may nakasulat na indemnity clause. Sabihin mo na bawal iyon at paalis mo bago ka mag sign.
Kaso kasi sa amin Sir, magtataas lang sila ng sahod kapag nag-sign ka sa contract na may indemnity clause. Dahil nga sa bawal maglagay ng indemnity clause, balak ko sana pumirma para tumaas sana ang sahod ko. Pagkatapos ko pumirma at makatanggap ng mas mataas na sahod, tsaka ako aalis pagkatapos ng isang taon, pag natapos na ang original na kontrata na pinirmahan ko na hindi magbabayad sa "bond" na nilagay sa kontrata.
Kumbaga e tuso sila nung pinapirma kami at pinapunta dito, dapat e maging tuso rin kami. Kumbaga e QUITS lang.:D
At isa pa, kung ang kontrata mo ay hindi diretso sa kumpanya dito sa Japan, kunyari sa isang outsourcing agent na base sa Pilipinas, hindi applied ang batas dito, kung hindi sa Pilipinas, dahil pareho Pilipino kayo.
Diretso po dito sa Japan ang kontrata na yun. Kaso nga lang, alang hanko ng kompanya yung kontrata. Nasa isip ko lang na nilagay lang yun para panakot sa amin para hindi magresign. Dami na kasi nagreresign sa amin dahil nga sa sobrang baba ng sahod.
Mas mabuti na makipagkunsulta sa POEA, kung galing kang Pinas, or kung nandita ka na sa Japan sa Labor Office ng Embassy, o di kaya sa Labor Office ng Japan na pinakamalapit sa iyo. Mayroon marunong mag English na tutulong sa iyo, lalo na kung sa Tokyo.
Marami na po nag consult sa POEA tungkol sa aming problema pero alang nangyari.;)
Labor Office ng Embassy? Tanging sagot ay "Titingnan natin." Hehehehe. Baka nagka-sore eyes na sa kakatingin. Or nagkaroon ng kuliti sa mata.
Pirmahan ko na lang kaya tapos alisan ko na lang sila?:eek: Kumbaga e non-existing yung kontrata kasi nga mali na sa umpisa pa lang.:( Sabihin na lang na tsaka ko lang nakita yung Article 16 ng Labor Law ng Japan pagkatapos ko pumirma. Pero sabi nga nila, "Ignorance of the law excuses no one".:D
To sign or not to sign? That's the kwischon.:p
goldhorse
06-18-2006, 05:23 PM
Pirmahan ko na lang kaya tapos alisan ko na lang sila?:eek: Kumbaga e non-existing yung kontrata kasi nga mali na sa umpisa pa lang.:( Sabihin na lang na tsaka ko lang nakita yung Article 16 ng Labor Law ng Japan pagkatapos ko pumirma. Pero sabi nga nila, "Ignorance of the law excuses no one".:D
Most probably, hindi magiging null and void ang buong contract dahil sa isang clause na iyon. Mayroon tinatawag na severability. Kung may isang clause man na illegal young ibang parts na legal naman ay pwedeng uphold. Isa pa, kahil walang nakasulat na ganoon, may paraan pa rin habulin ka kung hindi maayos ang pagalis mo. Pero mas maganda talaga kung maayos ang usapan ninyo, katulad nga ng siabi mo, 30 days advance notice etc. Basta naman nakakuha ka ng proper release letter, hindi ka hahabulin. Kung ayaw kang payagan pa din in spite of that, consult ka sa Labor Office ng Japan at tutulungan ka.
Siya nga pala, anong ibig sabihin na nag-consult ka sa POEA at walang nangyari. Pwede kayang malaman ang ilang detalye? Registered naman po kayo sa POEA? Kung registered kayo sa POEA, di ba dapat tumulong sila.
Isan opinyon lang tungkol sa case na ito, isa sa pinakaimportanteng human rights sa isang democracy ay ang pagpili ng pangakabuhayan. Walang may karapatan na magasabi sa iyo na kailangan magtrabaho ka sa isang lugar habang buhay, lalo na kung alam natin na walang patutuntunan ang career sa kumpanya na iyon. Ngunit may case na kung saan ang kumpanya ay nag invest ng pera at pagod sa pag hire at pag train sa isang empleyado. Masakit para sa kumpanya kung umalis ang empleyado na iyon. Kung baga iba ang umani sa tinanim nila. Ang pinakamaganda talaga ay balanse ng kalayaan natin at obligasyon sa iba. Kung sobra ang kalayaan, anarchy ang labas, kung puro obligasyon naman walang kalayaan. Ito lang ang isipin natin sa pagdesisyon.
Hello TF Share ko lang ito. 11 years na ako contract worker .
ang kontrata ko kahit anong oras puwede ni lang i out sa trabaho ako ang umalis or sila mag alis sa akin w/ notice 30 day's.Pag inalis ka sa trabaho at contract ka at may natitira kang buwan bayaran ka ng cash.ingat sa pag sign ng contract basahin mabuti walang epekto ang labor law pag nag sign ka company ng contract.Hindi madali maging contract kung galing sa pinas baka madali pero sa japan ka nakatira pahirapang.
gratz
06-20-2006, 08:24 PM
Thanks for the reply! Here is a clearer view on the situation...
There is a company here sa pinas, NSOV, which was put up together by several IT Jap companies. When we were hired there, trainee kami. OUt contract states that we agree to finish the training period of 6 months and be employed for 2 years upon. Kasama sa 2 years na yun yung probationary period. If we decide not to finish the training period, we have to pay them P300 000 plus any other related expenses that were incurred by the company.
now, 2 of my officemates will be sent to Japan for work. tapos na yung training period nila. the thing is, yung employment contract nila that they signed is with another company, let's say company a. kaso the owner of company a is one of the board of directors/investors of NSOV. dun sa employment contract nila, walang na ka state na they have to pay the company a certain amount just in case they dont finish the stated period of employement (in this employment contract, 3 years). btw, the Comoany A employment contract was drafted in Japan.
naguguluhan sila kasi may NSOV contract & may Company A contract. ang pinoproblema nila is the bond sa training contract nila. when they asked our boss sa company a, kung valid pa yung terms sa training contract, sabi nya oo. later on lang namin nalaman about sa Japan labor standards.
yun lang yung issue nila sa contract. our boss is out of reach, kasi he had to go back to Japan kasi his mother died. hindi naman sya macontact.
help! thanks
ganda_girl89
06-20-2006, 10:27 PM
i-try ko i-explain base sa nalalaman ko at opinion.
1.company A contract --sa pagaasikaso ng employer sa COE ng foreign employee working visa man o intra-company transfer,isang kailangan ay yung labor contract.para makapasa ang application ng COE,kailangan ang kontrata ay naayon sa labor law ng japan kasama na dito na dapat nasa standard ang salary,benefits,work ing hrs,etc.
dahil dapat nasa standard ang ang lahat,hirap ang employer financially na basta mag hire ng isang foreigner na bukod sa matagal turuan sa business line ng company ay di rin fluent ang japanese communication skills kumpara sa japanese counterpart.dahil dito,kadalasan ay pilit nilang inia-ayon sa standard sa pamamagitan ng pagtataas ng sahod or di paglalagay ng bond o clauses sa breach of contract.ito yung tinatawag na imitation keiyaku o immigration you keiyaku.
2.NSOV contract---maraming mga Filipino ang nagti- training sa japan na pagkatapos mag training ay lumilipat kaagad sa iba.yung iba naman ay tumatakas at nagti TNT.yung iba ay lilipat sa iba sa kalagitnaan ng duration ng kontrata.
ang nagyayari,ginagawa ng mga nagpapaalisna agencies o training agencies ay magpataw ng mga bond na tulad ng sinasabi mo para maprotektahan ang mga pinamuhunan sa employee o trainee.
3. anong gagawin o nalilito dahil sa 2 kontrata?
kung malabo talaga para sa iyo dahil 2 ang kontrata at feel mo na di maganda ang kundisyon at di nila maipaliwanag ng maayos---wag tumuloy.
base on experience i believe,from the start,naguusap kayo ng NSOV at ini-explain nila ang scenario,totoong salary,benefit at iba pa.dahil dito alam mo kung kuntento ka sa pupuntahan mo sa japan.if hindi ka kuntento,wag kang umalis at kung kuntento ka ay ituloy mo at i-accept mo ng naka ngiti kung ano man ang hirap sa buhay(adjustment sa kultura,environment, language,people,disk riminasyon,etc) na dadanasin mo sa jpn.
may ilan Filipino ang nagpunta sa japan na hindi kuntento sa kontrata nila pero tumuloy pa din.ang nagyari,pagdating sa japan ay puro reklamo.meron din kuntento ng umalis pero ng may makitang mas kesa sa tinataggap ay nag violate ng kontrata...which yun ang pinagalingan kaya meron bond at clauses ang ibang mga kontrata like sa NSOV.
goldhorse
06-20-2006, 11:26 PM
Hi Gratz,
May gusto lang ako linawin.
Sabi mo na ang unang kontrata nila ay may penalty pag di tinapos ang training period. Pero sabi mo din na natapos na ang training period. So wala na dapa penalty di ba?
Tapos tungkol sa dalawang kontrata, kung fulll time employee sila, either employee sila ng N, or employee sila ng Company A. Pero sabi nga ni Ganda_girl89, ang pangalawang kontrata ay malamang for show lang para ma circumvent ang VISA process. Kaya lang na realize na nila siguro ito, magkakaproblema talaga kapag may hindi totoo. Kung gusto nilang maayos iyan, dapat linawin nila kung kaninong empleyado sila. Kung sa N, ibig sabihin ay dispatch sila sa Company A, at ang magkokontratahan dapat ay ang N at yuong Company A. So buhay pa din ang unang kontrata sa N. Kung Company A ang employer nila, ibig sabihin wala nang hold ang kontrata sa N. Hingi sila ng release letter. Ika nga sa Bibliya, no man can serve two masters. Kung kapit sa patalim, at susugod pa din sila, later on magkakagulo at magkakagulo iyan.
EDIT: I just realized, di siguro magandang maglabas ng pangalan dito, kay N na lang linagay ko. If possible edit out natin mga real names.
makisingit (amoysingit) narin ako,
eto po ung situation:
1)gusto ka i-renew ng company kasi may naclose silang projects.
2)mag-eexpire ung employment contract after 1 month.
3)hindi ka nag pa-renew kasi hindi maganda ung mga nangyari sayo sa company during the 1year contract kaya tiniis mo na lang hanggang sa End Of Contract.
sa case na toh, malaking problem sa company ung hindi mo pag renew kasi naclose na nila ung projects sa customer.
ano sa tingin nyo?
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.