PDA

View Full Version : About Diet pills


vectra1123
06-18-2006, 03:55 PM
Hello tf friends! Yesterday its my rest day and I spent my whole day watching tv shows with my daughter. One program,featuring Miss Jessica Soho talk about diet pills imported or should i say smuggled from China or Hongkong as they have said.They did not mention the names of such pills but according to her it is very popular in our country for its effectiveness in weight-loss.Ang naka-agaw ng atensyon ko ay yung sa mga taong nagkaron ng masamang epekto sa paggamit ng nasabing pills.Katunayan isa ngang artista ang nainterview ni Miss Jessica at naospital pa raw.Nag sagawa ng testing ang BFAD yata sa nasabing pills at napatunayan nila na ang sinasabing all natural ingridients ay may halong kemikal at isang sangkap sa paggawa ng SHABU na nakakaadicct daw!Im writting this thread because I know many of us are using diet pills and diet drinks,and this will I think so na makapagbigay ng kahit konting babala na sana siguraduhin nyong ligtas ang pills na iinumin nyo,marami naman talagang mahuhusay at legitimate na company na gumagawa ng magandang gamot!:)

adechan
06-18-2006, 04:05 PM
mabuti na lang pala natural diet lang ang sinusubukan ko ngayon.

Combination diet ~~ after 6 diet, walking at leat 15 min to 1 hr a day, depende pag busy

Medyo nakaka temp gumamit nang mga diet pills and etc, para madaling pumayat kaya lang nakakarining ako nang mga side effects, and isa na iyan sa warning mo.

Thanks.

nhette120505
06-18-2006, 04:25 PM
na try ko na yan nung nasa pinas pa ko mga diet pills galing china, ang mura kasi at very effective. imagine after 1 week pumayat ako ng 1 or 2 kilos and a month before my wedding ang payat ko talaga ang sabi pa ng biyenan ko kung my sakit ba daw me hindi niya alam dahil yun sa diet pills. ang hirap nga lang kasi may side effects yan hindi ko naramdaman yun pero yung sister ko nanghina kasi hindi na siya kumakain eh nag-aaral pa kaya hindi nakayanan ng katawan niya. hindi na me gumagamit nun ngayon kaya ang taba ko na naman (malakas kasi kumain) ayaw ng hubby ko kasi hindi nga naman daw maganda kasi my side effects. advice lang sa mga nagdadiet pills, meron side effects yan kung hindi nyo man nararamdaman ngayon baka pag nagka edad na kayo kasi yun ang sabi ng doktor ng sis ko eh kaya mag exercise and proper diet nalang tau:yesyes:

tagarp
06-18-2006, 04:55 PM
Naku, ako may ininom ako noon na nabili ko last February sa Manila.. And its made from China.. :eek: .. When I drink that diet capsule, Lbm ang nararamdaman ko at go agad sa CR.. (Sorry po sa mga kumakain) its a yellow orange steel case na parang the same sa pencil case .. Yun ba yoon?? Gosshh naubos ko na nga ang 4 cases at parang nag rebound talaga ako.. :weep: .. Kasi itong hubby ko, gusto nya sabayan ko sya sa dinner nya with a glasses of wine pa kaya minsan napapakain ulit ako.. :weep: .. Sometimes nga I think to do Lypo like Sharon Cuneta.. :nuts: or go to Dra. Belo.. :hihi: Lolzzzzz (shame on u Tagarp) :D Desperately seeking advices..

myukasky
06-18-2006, 05:26 PM
Ganun ba buti na lang ako never ako nagtake ng diet pills kahit noon pa. Takot ako kasi may napanood ako before na kapag natake ka ng diet pills di mo agad mararamdaman yung epekto but sooner makakaramdam ka daw lalo na kapag magkakaidad ka na. Ang ginagawa ko after six and walking lang :D ;)

nhette120505
06-19-2006, 04:53 PM
Naku, ako may ininom ako noon na nabili ko last February sa Manila.. And its made from China.. :eek: .. When I drink that diet capsule, Lbm ang nararamdaman ko at go agad sa CR.. (Sorry po sa mga kumakain) its a yellow orange steel case na parang the same sa pencil case .. Yun ba yoon?? Gosshh naubos ko na nga ang 4 cases at parang nag rebound talaga ako.. :weep: .. Kasi itong hubby ko, gusto nya sabayan ko sya sa dinner nya with a glasses of wine pa kaya minsan napapakain ulit ako.. :weep: .. Sometimes nga I think to do Lypo like Sharon Cuneta.. :nuts: or go to Dra. Belo.. :hihi: Lolzzzzz (shame on u Tagarp) :D Desperately seeking advices..

tingin ko un nga un kasi ganun din ung akin kaya lang hindi lbm walang gana lang kumain un bang kahit hindi ka kumain ng isang araw hindi ka makakaramdam ng gutom. ganon!!!

sa tingin ko magandang mag dance lesson modern man o ballroom, kahit hindi tayo magaling sumayaw sigurado namang papayat tayo kasi galaw ng galaw yun diba.:D

chubby_kulot
06-19-2006, 05:42 PM
nakakatakot :eeek: talaga ang gumamit ng mga diet pills lalo na un makikita mo un ads nila at kung sino sinong tao ang ipapakita nila na kesyo pumayat daw in just 1 or 2 weeks lang..

nung talento pa ako at nasa pinas..
marami akong ka co-talent sa manager ko at sasabihin naman talaga na mabibigat sila... :hihi: kasi habang wait nila ang visa or ang masalang sa skill ay nag aarobaito sila sa club na pag aari din ng manager namin.. at talaga naman na napakalalakas nilang uminom ng ladies drink.. kaya naman napilitan silang magtry ng mga diet pills.. [diet pills from china..but i forgot the name..] at grabe ang naging epekto ha... :eeek:
isa na si daisy [not real name] in just 1 week talaga naman na pumayat siya.. kita sa katawan nya ang pagbagsak nito.. pati ang pisngi humuhumpak na..pero kasabay din noon ang pag labas ng side effect sa kanya... sa start daw ng pag inom nya nung pills eh talaga naman di na sya ginanahan pang kumain..tapos papasok sya sa omise sabay inom ng maraming ladies drink dahil di rin daw sya tablan agad ng kalasingan.. un nga lang 1 time na kakapasok pa lang nya sa omise..nagkataon na ako ang tao sa kaha [sa opis ng omise] dumating si daisy ng pawis na pawis at sabi nyang may humahabol daw sa kanyang naka itim na lalaki.. so, tinawag ko si mommy [un manager namin..] at sinabi ko un problema ni daisy..tinawag ni mommy un guard para bantayan mabuti un pinto bka kasi pumasok un sinasabi ni daisy na humahabol sa kanya... then dumating un DJ ng omise..may dala itong helmet at hiningi sa akin un susi ng DJ boot kaya naman pumasok ito sa loob ng opisina..laking gulat :eeek: namin ng biglang magsisigaw si daisy dahil un helmet daw eh halimaw :biglaugh: natatawa kami na naaawa kasi naman as in nagsisiksik si daisy sa ilalim ng table kung san nandon un paa ko...

after that incident, isa pa itong si monica [not real name] hindi pa man umiinom ng alak o ladies drink ay nagtatakbong bumaba papunta ng cr.. basta pumasok lang dun..so nag worry un isa naming kasamahan kaya sinundan si monica sa cr..nang makita nya na naghihilamos daw itong si monica sa may cr kung saan ang tubig na pinanghihilamos ay kinukuha sa loob ng inidoro [pasintabi sa lahat...] kaya takbo kaming lahat dahil ayaw daw paawat nitong si monica.. after that... nag meeting ang lahat at napag alaman namin na halos lahat pala ng mga talento dun sa omise na un ay gumagamit ng diet pills na syang iniinom nina daisy at monica..kaya ipinagbawal ni mommy un... sina monica at daisy ay naagapan pa un nga lang di na naagapan pa un pag balik ng bigat ng timbang nila..dahil after ng pagtigil nila sa pag inom ng pills ay di na rin nila napigil ang pagkain ng madami..kaya ayun, tuluyan ng di nakaalis pa punta ng japan :D

kaya po sa ibang mabibigat ang timbang... proper diet na lang po ..effective na safe pa :king:

adechan
06-19-2006, 06:14 PM
chubby_kulot ~~~ dahleng ~~~ ang hagalpak ko dito nang tawa:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: grabeh

chubby_kulot
06-19-2006, 06:21 PM
chubby_kulot ~~~ dahleng ~~~ ang hagalpak ko dito nang tawa:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: grabeh


ate adechan,

kahit po ako, basta maaalala ko yan eh natatawa :hihi: ako pero shoganai kasi totoo pong nangyari at dahil lang sa gusto nilang pumayat kaya nagawa nila un..


@vectra..sorry sa OT...

mas mabisa daw na pag diet is un uminom ka muna ng isang basong tubig bago kumain ng kanin para naman atleast medyo busog ka na at di na mapaparami pa ang kain mo... tulad din ng sabi nila... walking en jogging ang the best or i mean is exercise pala :D

love0308
10-16-2006, 10:51 PM
Before nung nag wo work pa ko i tried bangkok pills and ang effect ay ang gaan ng feeling para akong lumulutang sa hangin, ang bilis ko pumayat kaso naging genkinai ako di ko pansin sabi lang ng mga friends ko, kaya tinigil ko na takot ako eh:D

hayaren
10-17-2006, 12:20 AM
diet pills....not my call, work it out and maintain it:)