ranberzul
06-18-2006, 04:44 PM
Sa aking pamamahinga
Isang telegrama ang nakuha
Mga simpleng salita
Nagpatulo sa aking luha
Ako ngayon ay tulala
Namumugto ang mga mata
Nagsisisi, nanghihinayang
Sa mga oras na napabayaan
Gaano man katapang
Sa pagsuong ng buhay
Ngayo’y kailangan ng kaagapay
Na sa akin ay aakay
Tulala sa isang tabi
Hindi mapigil ang paghikbi
Ano mang gawing intindi
Pakiramdam ko’y tila manhid
Mga alaala’y muling nagbabalik
Noong tayo’y magkakapiling
Ngunit sa isang iglap
Ikay nawala ‘sing bilis ng kidlat
Panibagong yugto ng buhay
Tila nawalan ng kulay
Kung ano man ang saysay
Sa panaginip sana ay iparamdam
Isang telegrama ang nakuha
Mga simpleng salita
Nagpatulo sa aking luha
Ako ngayon ay tulala
Namumugto ang mga mata
Nagsisisi, nanghihinayang
Sa mga oras na napabayaan
Gaano man katapang
Sa pagsuong ng buhay
Ngayo’y kailangan ng kaagapay
Na sa akin ay aakay
Tulala sa isang tabi
Hindi mapigil ang paghikbi
Ano mang gawing intindi
Pakiramdam ko’y tila manhid
Mga alaala’y muling nagbabalik
Noong tayo’y magkakapiling
Ngunit sa isang iglap
Ikay nawala ‘sing bilis ng kidlat
Panibagong yugto ng buhay
Tila nawalan ng kulay
Kung ano man ang saysay
Sa panaginip sana ay iparamdam