View Full Version : fathers day
summergirl
06-19-2006, 05:27 AM
napaiyak ako ng manalo si sakura sa golf yesterday sa nichirei,dinededicat e nya ang panalo nya sa father nya,tapos sabi nya happy fathers day,naalala ko tuloy ang daddy ko na wala na.Na miss ko syang bigla dahil bigla syang inatake at hindi na nakapag paalam sa kanya kaya emote effect na naman ako.To all father,happy fathers day..
japphi
06-19-2006, 08:05 AM
napaiyak ako ng manalo si sakura sa golf yesterday sa nichirei,dinededicat e nya ang panalo nya sa father nya,tapos sabi nya happy fathers day,naalala ko tuloy ang daddy ko na wala na.Na miss ko syang bigla dahil bigla syang inatake at hindi na nakapag paalam sa kanya kaya emote effect na naman ako.To all father,happy fathers day..
Hi summergirl....huwag ka nang malungkot...dahil hindi ka nag-iisa......3 yrs ago iniwan na rin kami nang Tatay namin....pag ganitong father's day ay naaalala ko rin....lalu na pag b-day ko...magkasunod lang kasi kami...........yung last Father's Day nya dito sa mundo ay nasa Pinas ako noon....nag-party kami nang mga kapatid ko at isa-isang namin syang sinayaw .....at nagbiro pa nga na...."para akong nasa club nito na maraming costumer ah....napagod ako sa inyo"sabi nya....then bawat isa ay nagsalita o nag-comment about him....being our father.
He died of cancer at bago sya namatay ay nakausap ko pa sya oversea call.....yung aalis na pala parang alam..........walang tigil na pasasalamat ang ginawa sa akin....yun pala nag-papaalam na.....habang nag-uusap kami ay inubo sya at pinapahinga ko sya at nilipat sa isa kong kapatid ang phone.Aba.....yung mismong oras na yon nag-iba daw ang pakiramdam at pinasugod ko sa hospital............ .
Kinabukasan nang madaling araw...may tawag mula sa amin.....4:00am daw ay iniwan na kami....parang hinintay lang ako na tumawag at sinikap na magpaalam.Matanda na ang Tatay ko nung namatay(72)....kahit na nawala sya ay hindi ko na gaanong kinalungkot ....kesa naman sa nahihirapan sya sa sakit nya.Sa isip ko ay parang nasa US o Pinas lang sya.....kaya always buhay sya sa isip ko..........
Pero nung nagkasakit na sya........maraming bagay kaming napag-kwentuhan.......tula d nang halimbawa na mamatay sya.......may naihabilin ako sa kanyan at may naihabilin din sa akin.....may halong saya at lungkot yung kwentuhan namin about his death....kaya siguro natanggap ko kaagad yung pagkamatay nya.
Kaya summergirl....huwag kang malungkot....nasaan man ang Father mo ay lagi ka nyang binabantayan...alam nya sigurado ang nasa isip o loob mo....tanggapin mo na rin na wala na sya sa mundong ginagalawan natin.....pero lagi lang syang nasa tabi mo...cheer up...nauna lang sya at pagdating nang araw ay makakasama ulit.
summergirl
06-20-2006, 07:50 AM
at least hindi pala ako nag-iisa ,biglaan kasi ng mawala ang daddy ko at hindi naka-pagpaalam sa amin,at sa loob pa ng sasakyan nya sya mamatay kaya naloka ako,pinapauwi nya ako kaya lang 3 months pa lang ng kakauwi ko,kaya hindi ko masyadong piansin iyon,iyon pala mawawala na sya,sana pinakinggan ko sya at least nag-kausap kami,pero tama ka,i have to move on,at thanks dear
rubyuki
06-11-2008, 02:59 PM
sa lahat ng mga DADDY , PAPA , TATAY , ITAY
maligayang bati sa inyo
Happy Father's Day :sweeties: :kiss:
rubyuki
06-11-2008, 03:16 PM
ako rin wala ng father . ni hindi nya nakita ang family ko. ako pa naman ang bunso sa amin . naalala ko ni minsan di ako napalo nun. palibhasa ilonggo, pag nakukulitan na sya sa amin , sasabihin lang nun " sige pampitikin ko mga tenga nyo" takbo na kami ng ate ko. takot na kami paano laking Davao Bisaya. hindi namin alam ang ibig sabihin nun. sa ngayon natatawa na lang ako. at nasasabi ko na rin sa mga kids ko. takot din sila. "PITIK YARU YO ! " ayon titino na sila. behave na kala nila masakit. hi....hi......
wildflower
06-11-2008, 03:32 PM
happy fathers day sa lahat...na mi miss ko si father ko...
marina
06-11-2008, 06:58 PM
happy fathers day sa lahat na tatay,sa papa ko at lalo na sa hubby ko kahit wala pa kaming baby.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.