PDA

View Full Version : Please advise


keikoako
06-19-2006, 09:50 AM
Hi guys,
It's been a while since di ako naka-visit dito sa timog ..I just came back from Pinas.Init sa tin!But pag uwi mo dito problem agad ang sasalubong sa yo(but its ok ,damayan nman diito).So no matter how busy ako ,itong timog agad ang pumasok sa isip ko to ask advice .Kasi naawa na ko sa kasamahan ko sa trabaho ,her visa will expire 2 months from now.She is married to a Japanese a year pa lang.Her problem is since malapit na syang mag-encho yung husband nya nag-iinarte ,lagi syang inaaway which is pinagtitiisan nya kasi nga malapit na yung due ng visa nya.Like the other day gusto na raw makipaghiwalay with out any valid reason.Yung kasamahan ko naman yung talaga naman in love sya sa Japanese na hubby nya.Pag gusto ng makipahiwalay nung hapon eh ayaw mo naman ,regarding legal matters?I hope i can hear suggestions or advice coz 2 months is soon.

Thanks

japphi
06-19-2006, 10:09 AM
Hi keikoako....welcome sa TF....and Okaerinasai(kauuwi mo lang pala galing sa atin....)

Tungkol doon sa problem nang kasamahan mo.....medyo mahirap nga siguro yan ano.....may mga ganyang couples nga....lalu na sa mga baguhan at medyo bata-bata pa ang idad.Kasi kung minsan sa maagang pag-aasawa na hindi pa gaanong nagkakaalaman nang ugali ay ganyan ang laging lumalabas na scenes sa marriage....and'yan na ang awayan...kunwari ay sasabihin na makikipag-hiwalay etc.

Pero ewan ko lang..........sa palagay ko ay kasama na rin sa pinasukan naming/nating international marriage yan.Ang maganda nyan ay ang mag-usap silang dalawa ulit..pag-usapan ang ayaw nila sa isa't isa at i-try ulit na ituwid yung mali.

At dahil patapos na yung visa kamo.....kailangan na kaagad asikasuhin yon para hindi magka-problema.....mas maganda siguro sa kasamahan mo na maki-usap muna doon sa husband nya na asikasuhin muna yon.....huwag muna syang sumabay sa init nang ulo nang asawa nya....kausapin nya itong mabuti.Maghintay pa tayo nang iba pang ka-members para sa kanilang mai-a-advice.......

PILIPINAS
06-19-2006, 11:34 AM
Yung kasamahan ko naman yung talaga naman in love sya sa Japanese na hubby nya.Pag gusto ng makipahiwalay nung hapon eh ayaw mo naman ,regarding legal matters?I hope i can hear suggestions or advice coz 2 months is soon.



Kung ayaw niyang magkipag-divorce, maari siyang pumunta sa City Hall at kumuha ng NON-ACCEPTANCE OF DIVORCE REPORT, rikon-fujuri moushide (離婚不受理申出).

PILIPINAS
06-19-2006, 08:29 PM
Kung ayaw niyang magkipag-divorce, maari siyang pumunta sa City Hall at kumuha ng NON-ACCEPTANCE OF DIVORCE REPORT, rikon-fujuri moushide (離婚不受理申出).

Follow-up:
Here's a link about fujyuri-moushide (http://www.city.nagano.naga no.jp/ikka/shimin/kosekitodokede/fujuri.htm).
Sorry, at Japanese site lang ang nahanap ko.
Sa pagkakaintindi ko, if your friend submits this sa City Hall, kahit gustuhin pa ng hubby niya na i-divorce siya, walang magagawa ang hubby niya.

Well, this is the legal way to deal with your friend's problem. Pero, mas maganda pa rin ang advice ni (lowla)Jappi. Daanin muna sa magandang usapan ang lahat.

keikoako
06-19-2006, 11:38 PM
Hello Japhi and Pilipinas,
Salamat sa quick reply nyo .I text my co-worker about sa advice nyo and she's really happy to hear about rikon fujuri moushide na ako din i don't know about that.From the bottom of her heart daw maraming thank you !!!Sabi ko na nga ba dito lang ako sa timog magtatanong .At least ngayon parang nabuhayan na rin sya ,sana nga rin lang maayos nilang 2 na sila pa rin .Thanks talaga sa inyo Japhi and Pilipinas and sa iba rin if may ma-share thanks in advance...

summergirl
06-20-2006, 06:07 AM
dear,kung ayaw i encho ng asawa ng friend mo ang visa ng friend mo,tell her to go to the nearest city hall kung saan sya naka register,kumuha sya ng mga document na kailangan sa pag e encho kasi allowed naman ang wife na kumuha ng koseki tohong kahit asawa ka lang,tatanong naman nila sa iyo ang purpose sabihin mo para sa passport extension.papayag sila doon mag babayad ka lang ng certain amount tapos bibigyan ka na nila doon.Hindi naman pwedeng makipag divorce ang asawa kung walang both signature ang isat isa kaya wag sya kamong mag-alala.Ano ba yan,makikipag hiwalay ng walang certain reason.Praning di ba>>>Kung mauuto nya or malalambing nya ang asawa nya mas mabuti.Good luck

PACIFIC GP
06-21-2006, 12:55 PM
i agree with SUMMERGIRL (10 pts for you), di na kailangan na palakihin pa ang problema. dahil ang problema lang naman nya as of now ay extension of visa. sundin lang nya ang advice ni SUMMERGIRL .......

docomo
06-21-2006, 01:06 PM
Hindi naman pwedeng makipag divorce ang asawa kung walang both signature ang isat isa kaya wag sya kamong mag-alala.Ano ba yan,makikipag hiwalay ng walang certain reason.Praning di ba>>>Kung mauuto nya or malalambing nya ang asawa nya mas mabuti.Good luck


naku... wag pakasigurado.. may praning din na hapon na nakikipag ~divorce ng walang alam yung asawa (pinipirmahan magisa yung rekkon todoke ). marami ng case na ganyan kaya mag ingat.. ang better .. ipa~alam nyo dun sa city hall na kung saan kayo naka~ register na kung halimbawang mag sa~submit ng rekkon todoke yung asawa nyo eh ipaalam sa inyo.. pwede yun,ganon ang explanation sa city hall .
. may ganyan ng case ... meron na nyan dito sa TF na napagusapan yang issue na yan.. pakihanap na lang po... :)

aimi2819
06-21-2006, 01:09 PM
Pero kakailanganin pa rin ang employment certificate at tax certificate ng asawa nya kung sakaling mag e-encho sya, kaya mas mainam ngang mag-usap at lambingin muna nya yung husband nya:)

PoIsOn
06-21-2006, 02:23 PM
naku... wag pakasigurado.. may praning din na hapon na nakikipag ~divorce ng walang alam yung asawa (pinipirmahan magisa yung rekkon todoke ). marami ng case na ganyan kaya mag ingat.. ang better .. ipa~alam nyo dun sa city hall na kung saan kayo naka~ register na kung halimbawang mag sa~submit ng rekkon todoke yung asawa nyo eh ipaalam sa inyo.. pwede yun,ganon ang explanation sa city hall .
. may ganyan ng case ... meron na nyan dito sa TF na napagusapan yang issue na yan.. pakihanap na lang po... :)

tama si docomo,nangyari na yan sa kaibigan ko dito sa sapporo,nagulat na lang sya may rekon paper na dumating sa kanya,neretoke pala ng asawa nya yung signature nya,:)
mas maganda pa rin yung ipaalam nyo sa city hall,kahit papano may proteksyon sya sa sarili nya.

kei1124
06-21-2006, 02:58 PM
Hi,
On friday yasumi yung co-worker punta na sya ng city hall para kumuha ng kosekitohon(thanks summergirl!) and rikon fujuri moushide (thanks pilipinas!).
You are right pacific gp and poison maraming case nga na ganon ,hindi alam ng girl na rekon na pala sila !
@Aimi2819 (thanks din!)hawak nya yung employment certificate ng asawa nya but yung tax diba di ba sya pwedeng kumuha nun?
Ask ko na rin if ok lang ba na mag-encho sya na sya lang,what are the documents to bring?Kasi ako permanent na and pag nage-encho kasi ako dati husband ko kasama ko ,sign up lang ako ng application form.Eh wla si husband dito ,so tanong ko na rin sa mga may alam !
Maraming salamat talaga sa inyo ,print ko nga tong thread na to para maging booster nya pag nasa-sad sya kasi you all guys is a BIG help talaga!
Thanks again....

*Sorry po kanisingit lang ako sa cousin ko (kei1124) eh di ko nakalog-in sa name ko ,account nya pala!sorry po!(pinagtatawanan tuloy ako)

Keikoako

nikkichibi
06-21-2006, 03:10 PM
pwede syang kumuha ng tax ng asawa nya sa city hall din dyan sa kanila , kasi ako ay nakakuha noong ng utusan ako ng hubby ko , pero matagal na yung , ewan ko lang ngayon .

keikoako
06-21-2006, 03:32 PM
pwede syang kumuha ng tax ng asawa nya sa city hall din dyan sa kanila , kasi ako ay nakakuha noong ng utusan ako ng hubby ko , pero matagal na yung , ewan ko lang ngayon .

Thank you din nikkichibi ,sbihin ko i-try nya rin !Sana makakuha din sya.

aimi2819
06-21-2006, 04:15 PM
Requirements for Extension of Visa, Ito lang mga to ang natatandaan ko ha, kung may kulang, siguro madadagdagan ng iba pang makakabasa nito.:) Oo, pwedeng sya na lang mag isa ang mag encho, basta dala lang nya lahat ang requirements.

tax certification
employment certificate
residence certificate
koseki tohon
passport
alien card
application form

luccia
06-21-2006, 05:39 PM
Hi guys,

Kasi naawa na ko sa kasamahan ko sa trabaho ,her visa will expire 2 months from now.

Pag gusto ng makipahiwalay nung hapon eh ayaw mo naman ,regarding legal matters?




hi sis keikoako,

Regarding legal matters.... kung pupunta silang
mag asawa sa legal counseling. dun pag uusapan ang problema
nila kung bakit naging ganun ang pag sasama nila. parang
mamagitan lang ang counselor sa mag-asawa at ipapaliwanag
nila in both way dun sa mag-asawa ang mga bagay bagay na di
nila napag kakasunduan na walang bias na mamagitan.
pero kapag ang lalake ang nagbungat ng divorce at ayaw pumirma
ng babae ay di naman nila ipipilit dun sa babae na pumirma.

Pero ang problema ay 2 months na lang ang hawak ng visa ng friend mo.
di pwedeng gamiting reason ng babae ang fujyuri-moushide.
para lang ma ihold ang divorce paper na ipapasa ng lalake.
kahit mag-pasa man ang friend mo nyan sa city hall. meron expiration
dates yan at validated until 2,3 and 6 months.
at depende sa city hall na pag-papasahan
niyo. kung tatanggapin ba o hindi dahil di lahat ng city hall ay
tumatanggap ng fujyuri moushide.
pag nagpasa ang lalake ng rekon todokami sa city hall at nalaman
niya na may fujyuri moushide na pinasa ang babae. ipapatawag kayong
dalawa niyan. pag ayaw ng babae na pumirma talaga ang labas niyong
mag asawa ay bekuyou.
so papaano tatanggapin ng babae ang ganung set up
kung wala na siyang visa.


Fujyuri-Moushide--- ang purpose lamang ng kasulatan na yan ay
dapat alam ng babae/lalake na ididivorce siya at kailangan
na nandun ang both parties na mag didivorce.

Kung natapos ang visa na hawak niya kahit under pa siya ng asawa niya.
kahit nasa koseki tohon pa ang pangalan niya. kung pinanidigan ng lalake
na hiwalayan siya at yun ang sasabihin nung lalake sa Immig.
na hiwalay na sila at ayaw pumirma nung babae.
ang Immig. dina kikiaalam pag dating sa marriage life.
pag walang visa ang babae/lalake automatic nun illegal ang
paninirahan ng babae/lalake dito.
dahil di rin naman pipilitin ng Immig. ang hapon na bigyan
ang wife niya ng visa o mag enchou.

Pag-pasok palang ng kalahating taon ng 2005 dinag-dagan ng Immig.
ang paghihigpit nila pag dating sa enchou. 2004 pababa ng yr na yan
pwedeng si babae lang ang mag enchou ng visa niya as long as na bitbit
niya lahat ang dokumentong hihingiin ng Immig. Pero dina po pwede
ang ganung patakaran Ngayon. Bakit? dahil talamak na ngayon ang Illegal
Marriage or Money Marriage which is involve rin ang mga pilipino
sa ganitong set up. at may mga documents na rin silang hinihingi
sa babae na dimo maiisip na hihingian ka pala nila ng ganun.
dati mostly documents lang ng hapon ang hinihingi nila.at pwede rin
na dimo na kasama ang asawa mo pero ngayong whether we like it
or not kailangan kasama mo ang ASAWA mo.

Lahat ng documents sa pag enchou pwede siyang kumuha sa city hall
ang di lang niya pwedeng makuha ay ang Income Tax Certi. ng Mr. niya.
kung meron man pilipina na nakakakuha nito ay sa kadahilanang pinahihintulutan
siya ng asawa niya at tumatawag ang lalake sa city hall na ibigay
sa asawa niya ang income tax paper.o kaya ang city hall ng staff ang
tumatawag sa Mr. na yung asawa niya ay kumukuha ng ganitong document.
so it means kailangan pa rin ng pahintulot ng asawa niya.

luccia
06-21-2006, 05:50 PM
Hi guys,

She is married to a Japanese a year pa lang.

Her problem is since malapit na syang mag-encho yung husband nya nag-iinarte ,lagi syang inaaway which is pinagtitiisan nya kasi nga malapit na yung due ng visa nya.

Like the other day gusto na raw makipaghiwalay with out any valid reason.

Yung kasamahan ko naman yung talaga naman in love sya sa Japanese na hubby nya.


The only things she can do is TALK about it.
what is the main root ng problema nilang mag-asawa.
and Be A Wife,iba ang pag-titiis sa pag-papakumbaba.
sometimes kailangan din nating mga babae ang magpakumbaba.
H'wag niyang bigyan ng pag-kakataon ang asawa niya na mag-isip
ng kumikilos siya with out his knowledge. tulad ng sinabi mo
a yr. palang silang kasal. kung itanong ng asawa niya paano mo nalaman
ang mga ganitong bagay ano ang isasagot niya. sabi ng friend ko.
kung sagutin siya ng asawa niya na ganun pala di dun kana sa friend mo.
Mostly ganito ang ugali ng hapon imbes na matuwa sila at may knowledge
yung asawa nilang pilipina sa mga ganitong bagay. hindi ganun ang
ngyayari negative ang pag-tanggap nila.
we really dont know what is the real score between them
at bakit ganun ang desisyon ng husband niya,samantalang a yr.palang
silang nag-sasama.dapat andun pa sila sa stage ng lovey-dovey.
di naman natin alam kung ano talaga ang nangyayari dun sa loob
ng pamamahay nila. hindi tayo pwede maging bias kahit friend
mo pa yan o natin. dahil minsan yung advice na binibigay
natin ay di pala ukol dun sa problema nilang mag asawa.
H'wag niyang resolbahin ang problema niya sa panibagong problema.
tayong babae normal na nating nasasabi yung divorce na tayo
pag-nagagalit tayo sa asawa natin. Pero ang Hapon pag-nagbungat
ng Divorce ibig sabihin nun di lang yun sa bibig kundi nasa isip
at gawa yon. aminin ko man o hindi ang Friend mo ang talo sa ganitong
sitwasyon. dahil ang divorce dito sa japan legal kahit ipag-sigawan
mo pa na mahal ko ang lalake niyan. depende na lang kung may-anak siya.
sasabihin ko mismo sayo na lumaban siya. pero iba ang sitwasyon niya.
paano niya ilalaban kung wala na palang pagmamahal yung asawa.
there's no Legalities about Love. tell to your Friend be a Wife
at kausapin niya ang asawa niya at maging sincere siya sa
salitang bibitiwan niya sa asawa kung ano talaga yung
nasa isip at puso niya. ang problema talaga ng friend mo
ay natatakot siyang matapos na ang visa niya. Ang Makakatulong
lang sa kanya ay ang ASAWA niya. not you, not me, not evrybody here
nothing less nothing more.


so Lets Keep the Good Vibes Rollin to your friend.:)

luvberry
06-21-2006, 06:02 PM
Pero ang problema ay 2 months na lang ang hawak ng visa ng friend mo.
di pwedeng gamiting reason ng babae ang fujyuri-moushide.
para lang ma ihold ang divorce paper na ipapasa ng lalake.
kahit mag-pasa man ang friend mo nyan sa city hall. meron expiration
dates yan at validated until 2,3 and 6 months.
at depende sa city hall na pag-papasahan
niyo. kung tatanggapin ba o hindi dahil di lahat ng city hall ay
tumatanggap ng fujyuri moushide.
pag nagpasa ang lalake ng rekon todokami sa city hall at nalaman
niya na may fujyuri moushide na pinasa ang babae. ipapatawag kayong
dalawa niyan. pag ayaw ng babae na pumirma talaga ang labas niyong
mag asawa ay bekuyou.
so papaano tatanggapin ng babae ang ganung set up
kung wala na siyang visa.

@luccia.. ganon ho pala yon :eek: .. talagang wala pala tayong laban pag dinivorce tayo at wala pang anak. very strict talaga sila. thanxs for the information. Question po> ano po yung Bekuyou??

summergirl
06-21-2006, 07:04 PM
oo thats true pwedeng i retoke ng asawa lang ng friend mo,pero bawal yo at pwede mo syang i sue tungkol doon at pwedeng makulong ang isang tao dahl niretoke ang contract.Kasi dito sa japan hindi pwede ang walang both signature dahil ng pakasal kayo dalawa kayo.Kaya i hope makatulong ito.Marami na kasing salbahe dito sa japan kaya wag kang magtaka kung ganon ang maging takbo ng isip nya.Pero the best bolahin mo na lang ,if not better ask the nearest city hall about this

aimi2819
06-21-2006, 08:11 PM
Pag-pasok palang ng kalahating taon ng 2005 dinag-dagan ng Immig.
ang paghihigpit nila pag dating sa enchou. 2004 pababa ng yr na yan
pwedeng si babae lang ang mag enchou ng visa niya as long as na bitbit
niya lahat ang dokumentong hihingiin ng Immig. Pero dina po pwede
ang ganung patakaran Ngayon. Bakit? dahil talamak na ngayon ang Illegal
Marriage or Money Marriage which is involve rin ang mga pilipino
sa ganitong set up. at may mga documents na rin silang hinihingi
sa babae na dimo maiisip na hihingian ka pala nila ng ganun.
dati mostly documents lang ng hapon ang hinihingi nila.at pwede rin
na dimo na kasama ang asawa mo pero ngayong whether we like it
or not kailangan kasama mo ang ASAWA mo.

@luccia
Kaka enchou ko pa lang po ng visa ko this March 2006, di ko naman po kasama ang husband ko that time, kasi busy sa trabaho, pero di naman po nila hinanap yung husband ko, baka po meron lang lugar na kailangang kasama pa ang ASAWA pag nag enchou.

meteor
06-21-2006, 09:57 PM
yung sitwasyon ng kaibigan mo parehas sa sitwasyon ng pinsan ko.ganyan din ang asawa niya gusto siyang eh divorce na walang reason daw ah. enchohan na rin niya nung mga panahon na yun kaso lang talaga ayaw ng asawa niya na encho ang pinsan ko. buti na lang naggagaku
pa nun at na isodan niyan sa nihonnggo titser niya sinamahan kami sa shiyakshou. nagsodan kami ron ang sinabi sa amin ay kung dina talaga daw na maiiayos ang pagsasama nila wag na daw pilitin ang hingin na lang niya sa asawa niya ay eencho ang pinsan ko. kung hindi di siya pipirma ng divorce.ayun ayaw man nung asawa niya na eenecho siya tapos divorce din sila kaaagad.awang awa nga ako sa pinsan ko na mga panahon na yun dahil talagang down siya.
pero sabi nga dba kung mag bagyo may araw din. ngayon happy na pinsa ko sa pangalawa niyang hubby na hapon din at may baby na rin sila.tungkol naman dun sa echohan siguro nga depende rin sa lugar dahil yung kasabayan kung magencho na pilipina nung monday 2times na daw siyang magisa na magenchoay hinanap din ang asawa niya.....kahit tinatanong niya kung bakit di siya pwedeng magencho ang sagot lang sa kanya itsumo no yarikata onaji janai desu.
mou yadda yadda kibishi nman sila masyado ngayon :( buti na lang kasama ko hubby ko
kaya feeling oky na rin :D

pola228
06-23-2006, 03:04 AM
Requirements for Extension of Visa, Ito lang mga to ang natatandaan ko ha, kung may kulang, siguro madadagdagan ng iba pang makakabasa nito.:) Oo, pwedeng sya na lang mag isa ang mag encho, basta dala lang nya lahat ang requirements.

tax certification
employment certificate
residence certificate
koseki tohon
passport
alien card
application form

need po ba ng hanko ng husband ? kasi kung need di rin sya makakapag enchou magisa...sensya nakalimutan ko na e:D

luccia
06-24-2006, 07:08 PM
ano po yung Bekuyou??




Bekuyou

Legal ang paghihiwalay ng lalake at babae
at walang magaganap na demandahan if ever man na
may mabuntis si lalake at mabuntis si babae.
si babae walang karapatang humingin ng sustento kay lalake
kung wala man silang anak. Both of you can do anything with out no
inhibition .pero wala ni isa man sa inyo ang pwedeng magpakasal.
kung samadaling salita mata sa mata ngipin sa ngipin kayong mag asawa.
at ilalagay nila koseki ng lalake na kayo ay bekuyou kaya di pwedeng mag file
ng rekon si lalake kung wala si babae.

luccia
06-24-2006, 07:26 PM
@luccia
Kaka enchou ko pa lang po ng visa ko this March 2006, di ko naman po kasama ang husband ko that time, kasi busy sa trabaho, pero di naman po nila hinanap yung husband ko, baka po meron lang lugar na kailangang kasama pa ang ASAWA pag nag enchou.

Indeed, it depens on the places and the Immig. officer who assits you.
but we must accept na may mga ganitong pangyayari na kailangan
ng assistant ni lalake.
kung 1st enchou mo kailangan mo talaga ng assistant ng husband mo.
kung 2nd or 3rd enchou mo at si babae ay may anak.
which is pwede nilang tanggapin ang documents na ipapasa ni babae
in the absence of your husband.kung dala mo lahat ang documents na
kailangan nila.

but in your part your husband gives you authority bcoz he is busy.
at alam na ng Immig. off. yun dahil you can provide all the documents.
pero yung friend ni keikoako iba ang sitwasyon sayo. kaya diko pwedeng
sabihin na she can do by herself with out his husband.