PDA

View Full Version : Naniniwala ba kayo sa Spirits could reach us.


japphi
06-19-2006, 11:48 AM
Strange story siguro ito pero tutoo.....nung namatay ang Kuya ko ay ginawan ko sya nang virtual cemetery sa internet para mabisita namin sya nang mga kapatid ko through internet at makapag-alay nang bulaklak kahit papaano.

Sa pag-bi-visit ko sa page nya ay napa-tingin ako sa ibang andoon na virtual graves din na may mga ka-filipinos natin.Isa dito ay isang taga San Diego na navy na kagaya nang Kuya ko...binasa ko yung profile at mga messages doon.Isa doon ay ang message nung anak nyang panganay na babae....mararamdama n mo doon ang lungkot nang isang namatayan...lalu na't malapit na syang ikasal at dapat sana'y Daddy nya ang maghahatid sa kanya.

Nag-alay ako nang bulaklak at nakagawian na ang bisitahin din sya pag binisita ko ang Kuya ko....hanggang sa napansin ko na lagi yon...at parang may nagtulak sa akin na mag-email ako sa anak nya.Ganoon nga ang nangyari at sumagot din sya at nai-kwento sa akin ang kalagayan nilang mag-i-ina....na taga Mexico ang Nanay nya at hindi kasundo ang sa Father side nila.Malaking gap yon para hindi magkasundo at lagi raw ay out of place sila lagi lalo na pag may mga family occasions magmula noong mawala ang Daddy nila.Dahil sa panganay sya...malaking suliranin para sa kanya.....nagtaka ako at sya kung bakit ganoon na lang ang gaan nang loob namin.Ilang beses din kaming nagpalitan nang mga emails.....nagpapasa lamat sya na sa panahon na kailangan nya nang makakausap ay dumating daw ako at nai-confide nya yung mga suliranin nya.Dahil sa Filipino rin ako at ang Daddy nya...naging magaan daw ang loob nyang sumanguni sa akin.

Natuon na death anniversary nang Kuya ko noong 2004 at nagpasya ako na pumunta nang San Diego at naisipan na makipagkita din sa ka-email ko.Nagkita kami at naiyak sya dahil parang naalala daw nya yung mga kapatid nang Daddy nya na hindi na nya nakikita nang dahil nga sa fued nila samantalang nasa San Diego rin naman yung mga kapatid nang Daddy nya.

Ako naman....bago magpunta o nakipagkita ay may mga bagay ako na nakahandang sabihin sa kanya na parang nare-relay sa akin para sabihin sa kanya.Nung nagkita kaming yon ay sinabi ko lahat yung nasa isip ko...na palagay ko ay message nang Daddy nya para sa kanya.Nagtaka sya nung sabihin ko sa kanya na makipagkita sya sa Lola nya.....dahil sya rin daw ay missed na nya ang Lola nya at lagi daw na hinabilin sya nang Daddy nya noon dahil nag-iisang magulang nang Daddy nya.May isang oras din kami sa pag-uusap namin at tinanong ko sa kanya ang lugar nang puntod nang Daddy nya at gusto kong mapuntahan dahil parehong cemetery nang Kuya ko.Nung andoon na ako....para akong nasiyahan din...dahil kahit na hindi ko kakilala personally yung Daddy nya ay parang nasabi ko yung gustong ipahiwatig sa kanya.

Magmula noon kahit na buksan ko yung virtual cemetery/grave nang Kuya ko ay wala nang bumabagabag sa akin na puntahan o bisitahin pa yung virtual grave nung Daddy nya.....pero hanggang ngayon ay may communication pa rin kami.Sa naging experience kong yon...naniniwala ba kayo na kahit na wala na sila sa mundong ito ay naaabot pa rin tayo....by means of third person o kahit man lang sa mga pang-araw araw nating pamumuhay ay andyan lang sila at gumagawa rin nang paraan para maipahiwatig sa atin ang gusto nilang sabihin.Ano sa palagay ninyo?

alexb
06-20-2006, 01:01 PM
So why are you trying to find out the future by consulting mediums and psychics? Do not listen to their whisperings and mutterings. Can the living find out the future from the dead? Why not ask your God? --Isaiah 8:19 NLT

The living at least know they will die, but the dead know nothing. They have no further reward, nor are they remembered. --Ecclesiastes 9:5 NLT

adechan
06-20-2006, 11:05 PM
Japphi dear, since it is posted here in religion, okey lang siguro na puntuhin natin kung ano ang katuruan sa Bibliya at sa mga paniniwala nating ito.

Likas na talaga sa ating mga Pilipino ang mapaniniwalain sa mga paramdam, at mga nagdadasal pa tayo sa mga patay natin.

Pero kung aalamin natin talaga ang katuruan nang Bibliya at susundin lang ito nang simple. Pag ang tao namatay, ang kasunod noon ay ang kaniyang kahatulan, at ang isipan, lahat ay magbabalik sa Dios na pinanggalingan.

Maraming klase nang Espiritu. Iisa lang ang espiritu na dapat nating tanggapin at paniwalaan. Ang Banal na Espiritu Santo.

Spirits of the dead? @alexb referred scripture Ecclesiastes 9:5 is the answer.

We must learn to discern the Spirit coming from our Almighty Father through the Name of Christ Jesus .....

in 2Corinthians 11:14-15
Well, no wonder! Even Satan can disguise himself to look like an angel of light! So it is no great thing if his servants disguise themselves to look like servants of righteousness. In the end they will get exactly what their actions deserve.

So, kung ang batalyon nang kadiliman ay nakapagpapangap na kawal nang Dios, e di mas madali na magpanggap na mga pumanaw na mahal natin sa buhay.

Iyong feeling na gusto ninyong magkita, at nagkaroon kayo nang satisfaction when you met and relayed what you want, .... natural insticts. You are alive, you have your feelings, you even have powers in some levels to feel and understand other people and what your love ones feel even they already past away, and the capabilities to make actions on it.

The more we believe on other spirits, the more they rejoice, and they will work more ... let us be careful ... the deciever is good ... but he will not win over the souls who are covered by the blood of Jesus Christ, be sure we are truely covered.

richie
06-25-2006, 10:24 AM
Hello Japphi, osashibori!

naniniwala ako na ang mga nasa himlayan na ay totally oblivious sa mundo ng mga buhay. Noong sila ay buhay pa hanggang sa pinakahuling sandali ng buhay nila, hanggang doon lang ang "memory input" nila.

Basahin natin ang 1 Samuel 28, ito ay tumutukoy sa pagsangguni ni Saul sa witch of Endor sa patay ng si Samuel. But these kind of things are resisted by God as Alexb and Adechan explained earlier which I also agree.

Ang lungkot at pangungulila ay very strong emotions, kagaya ko ngayon kamamatay lang ng aking biyanang babae last May 30, biglaan ang pagkamatay, nag-inat lang siya na-erupted ang vein sa brain, na-comatose na agad. 24 hours passed she also passed away. :( oras na rin ng kanyang pagpanaw. Nakakalungkot ng kanyang pagpanaw dahil kasama namin sila sa bahay magmulat sapul.

Stacie Fil
06-25-2006, 02:58 PM
Naniniwala ba kayo sa Spirits could reach us.

Yes, very much ! But more so, it is man who should or can reach to relate with spirits. Why, because man has/is also a spirit being. We are basically flesh and spirit. Our biological body can relate and interact with others, so should also our spirit capable to relate in the spirit world connecting unity bitween physical and spirit world.

What do you think Heavenly Fathers is? The reason you have the Bible in your hand, it's because He inspired special people of the old time to relate His desires. If some people He really needs were not clearly open to accept his message, He would directly sent angels to personally deliver message. Such was the case like Abraham and Lot family.

Jesus converse directly with Moses and Elijah and was openly witnessed by some of his apostle at Mt of transfiguration.

What the Bible tells us, is to prevent ourself to be decieve by evil, unscrupulous, lower form of spirit.

Bible early part or stories shows us that sinless Adam & Eve has direct relation and connection to God our Father and angels. As man goes deep under sinfulness and further away to God, connection becomes less and later gone.

I believe that maybe after some generations of goodness, where man can illiminate his ties to sinning and live again to Gods Principle. Those coming generation or children can clearly percieve Gods desire or will. They can lead a good life in order following heavenly will, just as Jesus showed how He understand spirit world and relate Gods Heart to sinful man. The prime reason he came and will come again. To illiminate evil and sinning spiritually and physically. Then guide or teach us, so the coming generation has no ties to satan, thus be the real creation or children of God. Gods people in His Kingdom on earth, and in heaven.

Just as Jesus thought us; "your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven"


Oh, how I wish I could see or be in those moment...:) (this also shall give you hint just how hard for jesus to follow the way of cross, when the people of his time did not recognize him or did not recieve the full support he needs. How he groans and cried blood for his people, knowing his Father desires will be prolonged).

richie
06-26-2006, 10:30 PM
...naniniwala ba kayo na kahit na wala na sila sa mundong ito ay naaabot pa rin tayo....by means of third person o kahit man lang sa mga pang-araw araw nating pamumuhay ay andyan lang sila at gumagawa rin nang paraan para maipahiwatig sa atin ang gusto nilang sabihin.Ano sa palagay ninyo?


I just want to clarify that my reply (first paragraph) was on this bound.

ayumi
06-26-2006, 10:42 PM
spirits speaks louder than words?
HI! Richie..hajimemashit e...I just want to acknowledge your signature...NICE ONE!..
or I may say one of the best...
nothing really much to say about spirits...sorry po....
I believe in spirits..cause I believe in GOD.

richie
06-26-2006, 11:17 PM
spirits speaks louder than words?
HI! Richie..hajimemashit e...I just want to acknowledge your signature...NICE ONE!..
or I may say one of the best...
nothing really much to say about spirits...sorry po....
I believe in spirits..cause I believe in GOD.

Thanks Ayumi, pinayreyt ko yan sa Ecclesiastes. :D
Hajimemaste din...
para kanino pala yung question mo?

good night....

japphi
07-29-2006, 12:43 AM
Hi there....THANKS sa mga sumagot dito sa thread na ito.Binalikan ko ito para magpatunay na rin na spirits can/could reach us.

Tulad nang pagkakaalam nang marami dito sa forum na namatay ang husband ko last June 25,gusto ko lang ibahagi ang isang experience ko na hinabilin ko sa kanya o napag-usapan namin nung andito pa sya.

Sa mga biruan namin noon ay napag-kwentuhan namin na halimbawa na namatay ako....alam na alam nya na nasa tabi lang ako...sa pamamagitan nang amoy nang bulaklak.S'ya naman ay sa pamamagitan nang amoy nang sigarilyo o osake.Pero sabi ko...huwag yon....gusto ko ay yung bagay na pwedeng makita.

Bago mag-one week sa pagkamatay nya....lagi ay may mga pahiwatig na andyan lang sya...andyan na yung mag-ring yung 3 alarm clocks na gamit namin sa umaga pag ginigising ko sya...amoy nang sigarilyo o laging pag-iayk nang bunsio namin sa madaling araw o kung minsan na parang kausap nyang mag-isa.

Kahit na hindi pumupunta nang simbahan ang asawa ko ay nagbabasa sya nang Bible,marami syang naituro sa akin tungkol sa pakikipagkapwa tao,tungkol sa utos nang Diyos, etc.Kaya alam ko na hindi mahirap para sa kanya ang tanggapin ang kanyang pagkamatay.

Last July 1,nasa salas kami natulog sa may harapan nang picture at ashes nya,2 am ay gising pa ako...hindi ko namalayan na nakatulog ako....iisang oras pa lang ang naitulog ko nang bigla akong parang ginising..pagmulat nang mga mata ko may bulaklak sa may harapan ko....puting bulaklak na iisa lang ang stem na may 3 bulaklak sya.Naiyak ako nang hindi sa lungkot...kundi sa tuwa na nagbigay sya nang sign na kailangan na nyang lumisan at bumalik sa Panginoon....pangala wa no'n ay sign na binigay nya na tanggap na nya ang nangyari sa kanya at ang ang pangako namin sa isa't isa na magbigay nang sign.

Sa palagay ko ay madali sa kanya na tanggapin na oras na para magpaalam sa akin at kailangan nyang magbigay nang sign para malaman ko na aalis na sya.3 white flowers na ang ibig sabihin ay He love us at Goodbye.....na sa mga drama o pelikula lang makikita o maririnig na nangyari..........la gi ay dinadasal ko at kinakausap sya sa loob ko na sana ay matahimik na sya...huwag mag-alala sa amin na naiwan nya....mag-ga-ganbaru kaming mag-iina at huwag na nya kaming alalahanin.

Magmula nung araw na yon ay wala na akong nararamdaman na parang andyan lang sya,hindi na rin umiiyak pag madaling araw ang bunso namin.....unti-unti ay bumabalik kaming mag-iina sa dati naming routines na kahit malungkot ay sa tulong nang Panginoon ay nakakayanan namin ang lungkot at pakiramdam ko ay ako/kami yung person/s sa "Footprints in the sand" na akay-akay o karga nang Panginoon sa oras nang kalungkutan o mournings namin.

mOtt_erU
09-06-2006, 04:44 AM
hi Japphi san.:)
I do believe that Spirits could reach us..minsan kahit wala na sila physically eh mafeel naten yung presence nila, or minsan nagAappear sila sa DReams naten.