PDA

View Full Version : Talk tayo,mga baguhan mates,


ayanis-marie
06-20-2006, 02:26 PM
Hello,good afternoon sa lahat.Nawala ang anino ko sandali
dahilan sa may naganap dito.Namatay na yong Tiyuhin ng asawa
ko.(May he rest in peace.)Kahapon pa lang natapos,kakapagod.
I don't like to be there,sa totoo lang.Sumakit likod ko sa kaka
yuko,manhid pa paa sa kakaupo na parang palaka.
Di bali tapos na.Marami palpak.kasi di naman ako used sa mga
gano'n..never mind kasi sila mismo di naman nila alam eh.Buti
kung araw-araw may burol para makuha si perfecta.
Nakapunta na ba kayo sa burol dito?Share naman kayo para
palitan tayo ng mga balita.yoroshiku.... :) :) :)

friendly_me
06-20-2006, 02:31 PM
Ayanis marie san,

Nakakatuwa naman ang experience mo.Akala ko ay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat mong "Talk tayo,mga baguhan mates"..Sad to say that I dont have experience like what you have. But if ever na magkaganon man, maybe I will try my very best para naman maging maganda ang kalabasan diba. Kahit na di rin tiyak ako si perfecta :D Para na rin sa pakikisama ko dun sa namatay.

PoIsOn
06-20-2006, 02:35 PM
ako din di pa nakakapunta ng burol nila dito:) nakikita ko lang sa TV palagi,
sa totoo lang ayoko ko din pumunta ng burol nila ,kasi mukhang nakakapagod,kahit nga sa pinas di rin ako pumupunta:)
friendly_me new ka din dito??alam mo parang may similarities ka magpost dito,napansin ko lang sa ibang thread,korekara watashi mo yoroshiko ne,peace!

proud me
06-20-2006, 02:48 PM
sali ako dito...ako yong last ko...nong namatay yong biyenan kong lalaki...pero me mga upuan naman...nakaupo kami sa upuan lahat...kahit yong biyenan kong babae at yong chonan fufu nila...sabagay iba iba naman daw ang style dito eh,:)

ayanis-marie
06-20-2006, 02:52 PM
:O Hehehehe...heading ko lang actually yong burol.
The fact is,it could be the door to have good conversation.
friendly,friendly ka talaga.poison mo yoroshiku ne.Actually
third time ko nang naka attend ng burol,kaso iba-iba 'yong
style depende sa otera o obousan.May maganda namang
nangyari,kahit pagod,laging busog.:rolleyes: .Pero,no nukes pa
rin.Ando'n din pakikisama of course sa mga hapon.,may
mabait,may nagbait-baitan at may nawawalan ng bait.

nikkichibi
06-20-2006, 04:01 PM
sali din ako , by the way hello and welcome nga pala sa yo ayanis-marie
ako last april ay namatay din yung bayaw , d2 pa mismo sa bahay namin , totong nakakapagod ang burol d2 , ay nako wala nga akong ginawa kundi bow d2 bow doon gawa ng ocha serve sa mga kamag anak , ako lang kasi ang kumikilos , dahil wala ng kapatid at mga magulang ang asawa ko sa 2days na yung ay parang nagtrabaho na ako ng isang buwan , hehehehe kala ko nga hangan doon pero may kasunod pa pala yung padasal 35 days tapos yung 100 days , magpupuntahan nanaman lahat ng kamag anak , ganon din ang gagawin kailangan asikasuhin mo clang lahat , kung makapag utos pa ayyyyyyyy grabe , wala naman clang ginawa kundi ang mag daldalan lang , minsan nga naiinis ako eh feel nila may maid cla . :D sorry napahaba yata kwento ko ,

docomo
06-21-2006, 12:00 PM
Welcome to Timog Forum ayanis-marie! enjoy posting ... feel at home :)

ritzyu
06-21-2006, 08:34 PM
Welcome to TF....enjoy your stay...yoroshiku! :wave:

aimi2819
06-21-2006, 10:11 PM
Share ko din experience ko dito ha, last March 28, 2006, birthday ng panganay ko, sabay namang namatay yung lolo nya, dobleng lungkot ang naramdaman ko, kasi nawala yung byenan ko, tapos di ko pa na-celebrate yung ika 7 birthday ng anak ko.