PDA

View Full Version : Paano magpadala ng pera sa bangko?


crystal
06-27-2006, 09:13 AM
:) Good morning to all tf member:)

Meron na po ba sa inyong naka-experienced ng pag-papadala ng pera through account

number lang?kasi po yung pinsan ko nasa tokyo po siya ngayon,meron po siyang atm card

at

pareho po yung bank namin.gusto ko po sana siyang padalhan ng pera,ang kaso gusto ko po

ipadala na lang sa account number niya,pwede po ba yun?ipapadala ko sa account number

lang niya,o kailangan ko pa po ba isulat ko yung name niya dun?or account number na lang

ba

pwede na?

pasensiya na po, kasi first time ko lang po mag-papadala ng pera through bank to

bank.takot

po kasi akong mag-kamali.Please give some advise.And thank you po sa mga mag-rereply.:)

maverick_jp
06-27-2006, 09:38 AM
Kung required dun sa remittance form na isulat yung Account Name at Account number, mas mabuti na isulat mo pareho para maiwasan and delay at para madali rin ma verify ng bangko yung account na padadalhan nyo.:)

bell
06-27-2006, 11:13 AM
kung bank to bank ang gagawin mo,dahil sabi mo eh pareho kayo ng bank ok lang po yon,basta i enter mo lang ang no.nya then after non lalabas naman ang name nya kung kanino mo ipapadala yong pera.:D

Yujin
06-27-2006, 11:35 AM
Crystal,

Sa pagkakaintindi ko naririto ka rin sa Japan, Kung ganon.
Oo nakakatakot nga iyan kung unang beses mo at sa tingin ko ay hindi ka pa rin marahil sanay mag Japanese.
Huwag kang magalala dahil madali lamang ang proseso. I suggest ito ang gawin mo.
1) Bago ka mag punta ng bangko, alamin mo muna mabuti ang mga sumusunod:
-- Bank Account Number ng pinsan mo
-- Branch kung saan nag open ng account ang pinsan mo. (Ung tamang pangalan ng branch marami kasing halos magkakapareho). Isulat mona sa isang papel.

2) Magpunta sa bangko.
3) I-withdraw mo na kaagad sa cash ang halaga na ipapadala mo sa pinsan mo. (para safe)
4) Lapitan mo o tanungin mo na lamang ung staff nila duon sa bangko at sabihin mo na
現金振込みをしたいです。 Genkin Furikomi wo shitai desu.
5) Ipakita mo yung bank info na nakuha mo sa pinsan mo.
6) Tuturuan ka naman kung paano ang gagawin mo.

Siguro naman ay makakapagtransfer ka na ng pera nyan. Ganbatte ne. :)

tfcfan
06-27-2006, 02:53 PM
Hi Crystal,oo mas madali ngang magbank to bank kung pareho kayo ng banko,may mga empleyado naman ng banko na willing mag-guide, lalo na kung alam nila na foreigner ka..Tuturuan ka nila kung pano mag furikomi(bank to bank transfer) through your atm card tapos sa atm din ng pinsan mo.basta pag di mo alam kung pano gamitin yung atm machine sabihin mo lang sa empleyado ng bank na "kono kikai no tsukai kata,oshiete moraemasu ka."(Can you please teach me how to use this machine?)Tapos ayun tuturuan ka na nila,kung alin dun yung pipindutin mo sa atm machine,tapos ilagay mo lang yung acct number ng pinsan mo tapos automatic naman na lalabas yung name ng pinsan mo kung sa kanya yung acct na yun.Kung yung gagamitin mong atm card mo eh may laman na sapat para sa perang ipapadala mo sa pinsan mo ,di mo na sya kailangang withdraw-hin pa,diretso mo nang i select yung furikomi(bank to bank)transaction sa screen ng atm tapos ayun input mo na yung acct number or name ng padadalhan mo.tapos minsan tatanungin ka ng empleyado ng banko kung mapadalas ang pagpapadala mo ng pera sa pinsan mo ,pwede kang gawan ng furikomi card para sa susunod eh madali na lang ang pagpapadlaa,pwede rin namang hindi na, kung isang beses mo lang sya padadalhan,at sa mga susunod na araw eh hindi na..Good luck,ganyan lang talaga sa una,medyo mag- aalala ka kase baka mag kamali ka,pero ok lang yun ganyan din ako nung una hanggang sa matuto na kahit sa post ofc. acct ganun din...:)

Pahabol;di mo na kailangang mag fill up ng form(for bank transfer) kung may atm card ka ng bank.direct ka na dun sa atm machine..;)

crystal
06-27-2006, 04:45 PM
many thanks po sa mga nag-help sa akin,:yippee: correct nga po kayo diyan di pa nga po ako gaanong makipag-usap ng hapon,:scratch: kaya to YUJIN,TFCFAN,MAVERIC K AND OF COURSE BELL .....
SALUDO PO AKO SA INYONG LAHAT:thumb: :thumb: :thumb:


all for one and one for all.............