View Full Version : Bago mo ako lisan...
sensei
06-27-2006, 09:26 AM
Magandang araw sa iyo mahal ko, hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Alam kong masyado pang maaga, gusto lang kitang makausap.
Payakap naman mahal ko, medyo naluluha lang ako. Pahaplos ng iyong mukha, yakapin mo ako ng mahigpit, halikan mo ako sa noo para mawala ang takot ko. Wag mo ng itanong kung bakit, naglalambing lang ako.
Naalala mo pa ba nung una nating pagkikita, hinawakan ko ang kamay mo ng mahigpit. Hindi ko rin akalaing tayo rin pala ang magkakatuluyan. Sshhh...makinig ka lang, wag mo akong pakawalan sa iyong bisig. Marami akong gustong sabihin...
Mahal po kita, sa buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya. Huwag mo akong tawanan, akala mo nasisira na ulo ko. Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na ito, kung gaano tayo kaligaya...ikaw at ako.
Nalaala mo nung nag away tayo? Binato kita ng baso, tahimik ka lang....patawad po talaga lang mabilis ang kamay ko. Umalis ka noon, akala ko hindi ka na babalik. Nasa sasakyan ka lang pala at doon nagpalipas ng sama ng loob. Isinara ko ang pinto, sa totoo lang hindi ako galit. Umiiyak ako at nagsisisi...bakit ko nagawa yun sa iyo. Nalimutan ko wala ka palang susi...natanaw kong nakatulog ka na lang pala sa gilid ng hagdan. Nag aantay na pagbuksan...
Ang mga alaala natin, nakakapagpasaya. Pag binalik balikan nakakagaan ng damdamin. Ayokong palipasin ang isang araw na hindi kita nayayakap. Mga alaalang hindi pwedeng tumbasan ng kahit ano pa man.
Bakit nga ba hindi ka nakakatulog pag may sakit ako? Binabantayan mo pa ako eh hindi na ako bata. Sinusuutan ng sapatos kahit kaya ko namang gawin mag isa. Laging may pasalubong kahit hindi ko na makain sa dami. At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat...hinahaplos mo ang aking buhok bago ka matulog...
Tatlong taon na nakakalipas, wala tayong sinayang na pagkakataon. Ang pinapalangin ko lang sa itaas...makasama kita sa habang panahon. Kahit sa pagtanda, magkasamang akay akay...magkatabi sa pagtulog sa buong magdamag.
Natakot lang ako...hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko. Dumarating ang araw na may lumilisan, ayoko ng mag isip...hindi ko makakaya.
Sa higpit ng yakap mo nararamdaman ko, bilis ng pintig ng iyong puso at init ng pagmamahal...alam ko ang ibig mong sabihin. Bago mo ako lisan, sabihin mo munang mahal na mahal mo ako, ipangako mong nandito ka lang sa tabi ko....
Halika na sa baba...inom tayo ng tsaa.
sensei
06-27-2006, 10:37 AM
Every story told means something to our readers. If you read between the lines you would appreciate this early conversation of ours.
Here's the other version:
Magandang araw sa iyo Timog Forum, hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Alam kong masyado pang maaga, gusto lang kitang makausap.
Papost naman mahal ko, medyo naluluha lang ako. Pahaplos ng keyboard, yakapin mo at basahin mong maiigi ang aking sinasabi, damayan mo ako ng mawala ang takot ko. Wag mo ng itanong kung bakit, naglalambing lang ako.
Naalala mo pa ba nung una nating pagkikita, hinawakan ko ang keyboard at nagpipindot. Hindi ko rin akalaing tatagal pala ako sa TF. Sshhh...makinig ka lang, wag mo akong pakawalan sa iyong bisig. Marami akong gustong sabihin...
Mahal po kita, sa buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya. Huwag mo akong tawanan, akala mo nasisira na ulo ko. Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na ito, kung gaano tayo kaligaya...ikaw at ako.
Nalaala mo nung nagkasagutan tayo? Binato kita ng masasakit na salita, tahimik ka lang....patawad po talaga lang mabilis ang kamay ko sa pagtype. HIndi ko man lang pinagisipan ang aking sinulat.Umalis ka noon, akala ko hindi ka na babalik. Naka offline ka lang pala at doon nagpalipas ng sama ng loob. Isinara ko ang pinto, sa totoo lang hindi ako galit. Umiiyak ako at nagsisisi...bakit ko nagawa yun sa iyo. Nalimutan kong nasa Forum tayo...malamang nakatulog ka na lang pala sa kababasa kahit offline. Nag aantay ng magandang pagkakataon...
Ang mga alaala natin, nakakapagpasaya. Pag binalik balikan nakakagaan ng damdamin. Ayokong palipasin ang isang araw na hindi kita nasisilayan TF. Mga alaalang hindi pwedeng tumbasan ng kahit ano pa man.
Bakit nga ba hindi ka natutulog TF? Binabantayan mo pa ako eh hindi na ako bata. Tinuturuan sa bawat pagkakamaling nagawa. Laging may balita kahit hindi ko na mabasa sa dami. At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat...natuto akong makisama sa kapwa member dito. Nagkaroon ng pagmamahal...
Tatlong buwan na nakakalipas, wala tayong sinayang na pagkakataon. Ang pinapalangin ko lang sa itaas...makasama kita sa habang panahon. Kahit sa pagtanda, magkasamang akay akay...makita sa Internet sa buong buhay.
Natakot lang ako...hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko. Dumarating ang araw na may lumilisan, ayoko ng mag isip...hindi ko makakaya.
Sa dami ng nagkakaisa ay nararamdaman ko, pagmamhal ng bawat kapwa kahit hindi magkakakilala...alam ko ang ibig mong ipahiwatig. Bago mo ako lisan, gusto kong ipaalam sa iyo. Marami akong natutunang aral , ipangako mong nandito ka lang sa tabi ko....
Halika ng mag TF... move on!!!
Batutoy
06-27-2006, 12:52 PM

:bowdown: Nice one sensei
kaasar naman..naiyak ako..na-touch ako..yaadaa na!
naka relate ako dyan sensei ha!
inaiinaiba
06-27-2006, 11:24 PM
wala akong masabi sa tula mo sensei:thumb: ang haba nga lang.....muntik na kung masubsub sa laptop ko:noteeth: galing galing mo talaga sensei....wa....masa bi:bowdown:
fisher
06-28-2006, 12:11 AM
I felt you found my lost love letter and read it out loud.:D
Stacie Fil
06-28-2006, 01:21 AM
Wow!
Galing-galing!
sensei
06-28-2006, 08:44 AM
Pasensiy na po madalian lang yan, andami ko pang gagawin eh. Next time para masaya gawa din kayo ng version nio:D
ritzyu
06-28-2006, 03:05 PM
Wala na akong masasabi pa dito,kundi ang galing mo sensei! :)
docomo
06-28-2006, 10:18 PM
This piece is extraordinary, and wouldn't work without doing exactly what you have. wonderful piece sensei!:)
proud me
06-28-2006, 11:42 PM
sensei...:sweeties: :kiss:
maimai
06-29-2006, 04:54 PM
sensie..ang ganda naman ng tula mo:kiss:...nakakatou ch.. :love:
sensei
07-05-2006, 06:31 PM
Maraming salamat sa oras...sa mga nakabasa ng aking liham. Secret lang natin to ha:D
Magandang gabi sa iyo ex ko, hindi ako gaanong nakapagtrabaho ngayon. Alam kong masyado kang busy, gusto lang kitang makausap.
Makinig ka naman ex ko, medyo naguguluhan lang ako. Sagutin mo ang tawag ko, pansinin mo naman ang nais kong ipahiwatig, sagutin mo ang celfone para mawala ang takot ko. Wag mo ng itanong kung bakit, nagigipit lang ako.
Naalala mo pa ba nung una nating pagkikita, hinawakan mo ang kamay ko ng mahigpit. Hindi ko akalaing mangungutang ka pala. Sshhh...makinig ka lang, wag mo akong takasan. Marami akong gustong sabihin...
Mahal ko siya, sa buong buhay ko ngayon lang ako naging masaya. Huwag mo akong tawanan, akala mo nasisira na ulo ko. Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na ito, kung gaano katagal ang lumipas na panahon.
Nalaala mo nung nag away tayo? Alam ko hindi na, hindi naman memorable eh....patawad po talaga lang mabilis ang kamay ko. Umalis ka noon, akala ko hindi ka na babalik. Sana nga wag ka ng bumalik at magpalipas ka ng sama ng loob sa kalaguyo mo. Isinara ko ang pinto, sa totoo lang galit ako. Umiiyak ako at nagsisisi...bakit ikaw pa. Nalimutan ko wala ka palang susi...natanaw kong pauwi ka na ng bahay. Iniharang ko ang table sa pinto:D para lalong hindi ka makapasok...
Ang mga alaala natin, nakakatawa. Pag binalik balikan nakakasikip ng damdamin. Ayokong palipasin itong araw na hindi kita nakakausap. Mga alaalang gusto kong burahin magpakailan pa man...
Bakit nga ba hindi ako nakakatulog sa gabi? Kasi binabantayan ko ang pag uwi mo. Pinagtatrabaho mo ako kahit kaya mo namang gawin mag isa. Laging may utang kahit hindi naman ako ang nakikinabang. At ang pinaka ayaw ko sa lahat...ako ang pinagbabayad mo.
Tatlong taon na nakakalipas, sinayang ko ang pagkakataon. Ang pinapalangin ko lang sa itaas...magbago ka na habang may panahon. Kahit sa pagtanda, matutunan mong maging responsable...pagisi pan mo ito bago ka matulog sa buong magdamag.
Natakot lang ako...hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko. Dumarating ang araw na may lumilisan, ayoko ng mag isip...hindi ko makakaya.
Sa pag iwas mo nararamdaman ko, bilis ng pintig ng iyong puso at init ng usapan...alam ko ang ibig mong sabihin. Bago mo ako lisan, sabihin mo munang babayaran mo utang mo, ipangako mong huhulugan mo ito....
Sige ibaba mo na telepono...marami pa akong trabaho.:p
docomo
07-05-2006, 07:56 PM
hahaha .. singilin mo ha sensei :D :p
maimai
07-05-2006, 08:04 PM
natawa ako dun sa bandang huli.:hihi::hihi:... .
uy kung sino ka man...bayaran mo na yung utang mo.. :fence:
very nice sensie tsang..
proud me
07-05-2006, 08:20 PM
sensei...bang klase rin yong ex mo :hihi: ...sana maalala ka rin nya.:p ....bayaran!!!:hihi: :hihi:
Autumn
07-06-2006, 08:41 AM
parang nagyari din yata yan sa akin:biglaugh::bigla ugh:
kung sino ka man magbayad ka na.nakakahiya ka:D
sensei
08-01-2006, 09:43 AM
Magandang araw sa iyo kaibigan ko, hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Alam kong masyado pang maaga, gusto lang kitang makausap.
Payakap naman kaibigan ko, medyo naluluha lang ako. Pahaplos ng iyong kamay, yakapin mo mga kataga kong sinasambit, halikan mo mga pangaral ko para mawala ang takot ko. Wag mo ng itanong kung bakit, para rin sayo ito.
Naalala mo pa ba mga nai-post mo?, nagpipindot ka sa keyboard ng hindi nag iisip. Hindi ko rin akalaing hahaba lang ang usapan....wala rin namang patutunguhan.
Sshhh...makinig ka lang, kung makakarating at iyong babasahin. Marami akong gustong sabihin...
Mahal po kita, sa buong buhay ko ngayon lang ako nag isip sa kapwa kahit di ko kilala. Huwag mo akong tawanan, akala mo nasisira na ulo ko. Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na ito, kung gaano ako nag aalala. May ibang nagmamahal ba sa iyo?
Naalaala mo nung nagkasagutan tayo? Sinagot kita ng pabalang, sumagot ka rin pero wala akong maintindihan....pata wad po talaga dahil alam kong tama ang sinasabi ko. Nandito ka parin, parang hindi nagigising sa pagkakatulog ng mahimbing. Panay komento hanggang walang ng makasagot ng tanong mo. Naiiwan lang ang thread sa pangalan mo...walang sumasagot, walang nakikipag talo. Akala mo panalo ka na, sa totoo lang hindi. Walang nakakaintindi sa sinasabi mo...humahaba ang linya ngunit wala ng may ganang magbasa. Umiiyak ako at nagsisisi...bakit nagalit ako sa iyo. Nalimutan ko ikaw ay isang tao...kung wala ang isang kaibigang tulad ko ay walang iintindi sa kalagayan mo. May nagmamahal ba sa iyo?...
Ang mga katagang ito, sana'y kapulutan ng aral. Pag binalik balikan sana puso ay pagbigyan. Ayokong palipasin ang isang araw na hindi mo ito nababasa. Kaunting pagbabago lang kaibigan ko...kulang siguro ang pagmamhal na natatanggap mo. Wag mong hayaan na maglaho itong pagkakataon...may nagmamahal pa ba sa iyo?
Bakit nga ba hindi ako makatulog sa mga nabasa ko? Hindi ba tayo nagkaintindihan dahil sa magkaibang paniniwala?. Pinapangaralan ako kahit alam kong ako ang tama. Hindi ba bumabalik sa iyo ang pangaral na ito? Laging may pagkakamali na gustong ituwid, na kung tama pala'y mauuwi sa isip na makitid. At ang pinakaayaw ko sa lahat...hindi mo matanggap na isa ka rin sa may pagkakamali. Darating ang araw na ika'y magbabago...may magmamahal rin sa iyo!!!
Mahabang panahon na nakakalipas, marami kang sinayang na pagkakataon. Ang pinapalangin ko lang sa itaas...maituwid ka habang may pagkakataon. Kahit sa pagtanda, maaalalang may gumabay....mula sa isang paslit na sa iyo'y mag aakay. Alam mo bang may kapupulutan ng aral, mula sa isang batang walang muwang sa buhay? Dahil ang paslit na ito'y walang bahid o intensiyong gumawa ng masamang pakay.
Natakot lang ako...hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko. Dumarating ang araw na may taong naliligaw ang pananaw sa buhay. Ayoko sanang mag alala....ngunit pumasok sa aking isipan kaya ka nagkakaganito....bak a walang nagmamahal sa iyo.
Sa higpit ng yakap na ipadarama ko, pagbabago ng iyong puso na ikaliligaya mo...alam mo ang ibig kong sabihin. Bago mo ako lisan at mabasa ang post na ito, sasabihin ko lang na may isang kaibigan na nagmamahal sa iyo. Ipangako mong isapuso ang mga katagang binitiwan ko....
Halika na nga at mayakap...naawa ako sa iyo
sensei
Enjoy reading!!! This is just a poem from my heart;)
hayaren
09-02-2006, 09:29 PM
Sensei okay talaga ang script writing mo sobra pa nga sa okay eh, nasobsob ako…pero bandang huli napa isip ako ng malalim ano ba talaga? There’s something inadequate...gradual ly kahit nasa flat na ako nasa isip pa rin kita, interesting kasi ang mundong kinalalagyan mo, yun lang po;)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.