PDA

View Full Version : Palaging nag-aaway at na-in love sa iba


rizajoy
06-30-2006, 06:43 PM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:

jannaria
06-30-2006, 07:42 PM
kung saan ka magiging maligaya doon ka! follow ur heart pero dapat pag-isipan mu ang iyong desisyon ng maayos para sa huli, hindi ka magsisi ulit.

prettyjoyce
06-30-2006, 08:19 PM
Bakit di muna kayo mag-usap ng masinsinan ng asawa mo once and for all,kung pwede pang ma-solve ung problem about money.Mas mahirap kung sa babae kayo nag-aaway pero sa pera baka pwede pang mapag-usapan yan.Kung wala na talagang chance siguro tamang pagbigyan mo naman ang sarili mong lumigaya.Life is too short.:)

vhallotte
07-05-2006, 10:46 PM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:

kung di ka na masaya sa husband mo then go on, kaso sigurado ka ba sa bf mo ngayon na di mangyayari sa inyo ang nagyayari sa inyo ng husband mo? think thousand times before getting into another serious relation.;)

gemini_19
07-05-2006, 11:09 PM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:

Welcome to TF rizajoy, read TF rules.

Hindi yata magandang pakinggan na mag aaway kayo ng dahil sa lang pera, para sa akin ichiban saite yan. Bago ako nakasal sa asawa ko sinabi ko sa kanya kung ano ako sa buhay niya, at ipinaalam ko rin sa kanya na huwag na huwag kaming mag aaway kung pera rin lang ang dahilan. Pero siguro may dahilan para sa iyo kaya, mas mabuti sana kung nagbigay ka man lang ng konting paliwanag kung bakit pera ang dahilan ng away. Pero para sa akin at napakababaw lang ang dahilan, tila napakababaw din yata kung ito ang pag uugatan ng inyong away. Ang pera kasi madaling kitain, masipag ka lang kaya bakit kailangan mong makipag away ng dahil sa pera?

Tungkol naman sa binata mong lover, wala akong ma say diyan, well nasa sa iyo ang desisyon, kaya lang dapat na isipin mo rin ang mga consequences, ang tanong, hindi mo na ba mahal ang asawa mo? Kailangan na timbangin mo rin ang sarili mo, noong time na pakasalan mo ba ang asawa mo anong feeling mo sa kanya, at ano ang feeling mo sa current lover mo ngayon?

You have to decide it for yourself.

uragon
07-06-2006, 12:01 AM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:hi rizajoy,hindi ako eksperto sa ganyang sitwasyon pero try ko na din magpayo ha.sana pag usapan nyo mag asawa kase lahat naman ng bagay nadadaan sa magandang usapan diba,about naman sa binata na sinasabi mo pag isipan mong mabuti kase kapag nakapagdesisyon ka na dapat panindigan mo na yun.dala lang siguro yan madalas nyong away ng asawa mo kaya napapabaling ang atensyon mo sa iba.keep praying and hoping na sana maayos nyo na habang maaga.God Bless:p

ritzyu
07-13-2006, 11:07 AM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:


I agree with the most of the post on this thread, tama ang mga opinion nila.
When couples come into conflict over money..saite talaga. Pero nakakaawa naman
yung mga babae kung mag-hihigpit sa pera yung asawa niya, lalo na you're a good
wife, you don't deserve this. Kaya lang maraming pinay ( hindi po lahat ) na kaya
nag-asawa ng japanese they just want to make profit from this country. Wala sa
isip nila yung pag-pasok at magtaguyod ng sariling pamilya (sorry po kung natamaan)
mag-sacrifice naman sana ng konti po tayo.

Ang mga Hapon inaayos nila ang pag-gastos, tulad siguro ng asawa mo, maybe he is
budgeting like mad for your own home, seikatsu ninyo, hoken..etc. and life for him
was all work and no play..kaya lahat nasa ayos ang pera at natitipid ka. Kung hindi
naman financially stable si mister, e di magtrabaho ka, at least makakatulong ka pa
sa seikatsu ninyo, at makakapagpadala pa kala nanay mo sa pinas.

Sabi mo na-inlove ka na sa iba, iiwan mo na ang asawa mo, paano kung ganoon
din yang mag-higpit din sa pera..you will reject and desert him again tulad noong una.
Mag-isip ka pa rin, nasa iyo pa rin ang desisyon, dahil ikaw lang talaga ang nakakakilala
sa partner mo...ang sa amin ay opinion lang naman..God Bless..;)

ozy_m3
07-13-2006, 02:10 PM
what is the reason ba kung bakit palagi kayong nag-aaway dahil lang sa pera?SAITE pag pera ang dahilan sa pag-aaway:mad: pag-usapan niyo problem niyo rizajoy...meron na ba kayong anak?baka nagtipid lang yong husband mo sa gastusin lam muna dito marami babayaran:rolleyes: sino kayang may mali sa inyong dalawa?about naman sa lover boy mo no comment:eek: suki ni shinasai:p anata no shidai yo....:D

Stacie Fil
07-13-2006, 09:37 PM
ano ba ang magandang advice na maibi2gay nyo sa akin ksi may asawa akong hapon araw araw nlang kming nag aaway ang madalas nming pag awayan ay pera and after that na in love ako sa isang binata ano ba ang dapat kong gawin:mad:

I think ikaw ang mali! May asawa ka na, nagmamatyag ka pa nang iba. Kaya ka na-inlove dahil gusto mo rin. Binigyan mo nang puwang at in-intertain mo rin.

Mahirap nga ang walang pera at may gusto kang pag gamitan nito. Pero kagaya nang sabi nila, ang pera ay kinikita. Means, may paraan kung gugustuhin.Kaya hindi absolute na source nang daily away, tiis/higpit sinturon at shoganai ika nga. Hindi kaya dahilan mo lang ang away dahil gusto mong gumaan at magkaroon nang dagdag bigat dahilan (sa kabilang side)para sa inaakala mong mas masarap na pwedeng puntahan. Palagay ko eh Pinoy yung binata at mas masarap...kausap. Haaay iha, kasal ba kayo sa Pinas? Di kaya magkakasala ka lang niyang ginagawa mo?

May mahigit 5 taon na ba kayong nagsasama nang mister mo. Sabi kase nang iba riyan, after 5 years pa nga raw talaga ang simula nang tunay na pagkilala at pagsasama nang mag-asawa.

Ang advice ko sa iyo ay tigilan ang text speak at mahirap basahin, then understand TF rules. :D Kidding aside, one sided at kulang ang background/info na bigay mo kaya nanghuhula rin ako dito. Hindi rin namin alam ang side or point nang asawa mo. So,since I'm not sure, I'de better say NO! Maghunusdili ka sa plano mo. Wala kang ibang dapat gawin kundi i-focus mo ang sarili mo sa maraming kapaki-pakinabang na bagay na pwede mong gawin para sa maayos at ikatitiwasay nang buhay at sumpa/contrata na pinasok mo. Una sa lahat. Pag sinira mo yon, sira ang pagkatao/dangal mo at legally eh pwede ka pang makasuhan. Ikaw ang gumagawa nang multo at namimili nang bato na ipu-pukpok sa ulo mo.

Tandaan mo, may responsibilidad ang bawat desisyon. Ang hangad ko ay sana mapa buti ka!

Peace be with you.

honey
07-16-2006, 05:16 PM
rizajoy

ganun talaga kapag maraming problema mababaling ang attention mo sa iba...HALIMBAWA lalaki kapag may problema maglalasing o tatambay sa barkada o pede ring mainlove sa iba pansamantala o natutuluyan na....:)

PERA hindi naman dapat sobrang pagtalunan yan MAG-ISIP ng paraan MAGPURSIGE para walang pagtatalunan lahat naman ng bagay kung gusto mo pagpupursigihan mo o nyo ng asawa mo kung magtutulong kayo hindi mahirap ang pera.:D


KAMI NG ASWA KO BIMBO pero HINDI KAMI NAGTALO SA PERA LOVE NAMIN ISA'T ISA at BALANCE ANG PAGSASAMA NAMIN :).

mOtt_erU
09-03-2006, 02:57 PM
hi Riza Joy:)

First of all naiintindihan ko yang kimochi mo bilang babae....mahirap talaga yung madalas na pag-aaway tapos regarding pa sa pera..

Pero alam mo lahat ng mag-asawa dumadaan talaga sa "Crucial Stage" at "Adjustment Period "
mahirap pagdaanan ang mga ito pero pag naSurpass niyo na itong dalawa eh mas magiging Strong kayo at mas titibay ang AI at pagsasama niyo.


Sis "Hindi solusyon sa Problema ang paggawa ng Isa na naman Problema.."
Unfair yang ginagawa mong yan sa asawa mo......kung may mga problema kayo eh di pag-usapan niyo ng maayos..halimbawa sa pera eh di kung medyo tarinai/kulang eh di tight budget muna....or ipon ka muna..aayos din yang after a year....marami dito sa Tf na kagaya mo hindi malaki ang sweldo ng dana nila..so nagbubudget sila.

at Kasalanan yan sa Diyos ...kasal kayo diba?
kaya hindi ka na dapat makipagmabutihan sa ibang lalake bukod sa asawa mo.
at kung pwede nga sana hindi ka dapat nagCoconfide sa ibang lalake about sa problema mo...
pwede naman siguro sa pamilya mo o kaibigan....hindi sa lalake kase natural down ka at malungkot tapos siya lang ang nagCOconsole sayo...---sypemre mababaling yung attensyon mo sa kanya at magugulo ang isip mo...--at iisipin mo naiinLove ka na..which is ang totoo eh hindi , physchological lang yan at hindi tama sis.
, sis nagugulahan ka lang sa sitwasyon ...hindi love yan..naghahanap ka lang ng magpapagaan ng loob mo at sa kanya mo yon nahahanap.

Wala naman problema na hindi nadadaan sa magandang usapan kahit ano pang Language iyan.
Intindihan mo na lang muna yung asawa mo kung may mga pagkukulang siya sayo at sa mga financial na koto....aayos din yan.

Like you before madalas din kame mag-away ng asawa ko pero hindi about sa pera ..about sa busy niyang trabaho....so iniintindi ko nalang siya.,.i kept myself busy rin thru sa pagbabasa ng nihonggo para maging broad yung knowledge ko..

sis habang may chance at maaaga pa ..okoranaide ha pero yameru ho ga ii yo.
Try mong pigilan at kalimutan mo yung feelings mo sa lalake na yun..:)
Godbless..advice lang yun saken ..sayo parin naman ang Final decision.