PDA

View Full Version : Lote sa Pilipinas


camouflage
07-05-2006, 09:40 PM
Mga kabayan ito po ay naitanong lang din po sa akin ng aking kaibigan, mayron po syang 100 sqmtrs na lupa sa Pililla Rizal sa ngayon hindi pa po ito mapa tayuan ng bahay sa dahilang nag iipon pa daw sya. Mayron po ba kayong ma-i-a-advise kung anong pwede at paano ito mapag kakakitaan pansamantala habang hindi pa ma-tayuan ng bahay?:) salamat po!

mikan1227
07-06-2006, 10:17 AM
bakit nde nya po taniman para naman kahit panu eh kumita or parentahan nya na gawin munang parking ng truck or bus or bodega:D suggestion lang po ito

greatbarrier
07-06-2006, 07:37 PM
Mga kabayan ito po ay naitanong lang din po sa akin ng aking kaibigan, mayron po syang 100 sqmtrs na lupa sa Pililla Rizal sa ngayon hindi pa po ito mapa tayuan ng bahay sa dahilang nag iipon pa daw sya. Mayron po ba kayong ma-i-a-advise kung anong pwede at paano ito mapag kakakitaan pansamantala habang hindi pa ma-tayuan ng bahay?:) salamat po!
@camouflage, maliit lang yung 100sqm, enough lang talaga for a residential house. but pwede pa rin pagkakitaan depende sa location ng property. if it's located in commercial district, baka pwedeng site for billboards, or location for tiangge stores. pwede rin na kainan.

ok din yung suggestion ni mikan1227 pwedeng parking space.

at the very least, sabihin mo sa kaibigan mo na dapat i-advertise nya thru his networks or lagyan nya ng karatula yung property na it's for rent...

hope this helps.:)

ayumi
07-07-2006, 12:19 AM
Pag inaka puede kang mag-alaga ng manok,yung 45 days.At least hindi siya maiipon,after
45 days ibebenta mo na kase yun.Tapos bili ka ulet yung magkasya lang sa 100 sqm
na lupa,maliit kase pag baboy na,at talagang manukan ang gagawin mo.
Pag commercial area paninda ng iba-ibang pagkain,parkingan ng tricycle.Puedeng tindahan ng gulay or karneng baboy,manok at iba pa.Kahit maliit lang ang lupa pag nasa
commercial area maraming pagkakitaan.Pag nasa kulong na lugar,limitado ang magagawa
mo,kailangan malaki kase talaga.
o di kaya bili ka ng mga tricycle at doon mo i-parking mga anim na tricycle kasya na siguro.
or bili ka ng jeep mga dalawa at i-parking mo doon.
o di kaya gawa ka ng kahit bubong lang gawin mong billiaran,mga apat na billiard table
puede na, may binebenta na second hand billiard table naman eh.
o di kaya gawin mong karaoke house palawitin mo ng mga ilaw sa palibot para di mo na
kailangan ng "KABE",tapos bibili ka na lang ng mga upuan at table....meron ka nang.....
"CAMOUFLAGE mini karaoke and/or billiard hall"

camouflage
07-07-2006, 08:04 PM
@mikan1227
@greatbarrier
@ayumi

Salamat sa suggestions nyo tama kayo medyo looban nga daw ang lugar at hindi sa commercial area, maganda na nga siguro ang poultry tamang-tama sa location. salamat ulit!!:)