View Full Version : Ang kaisha ko, bow...
brgy.care
07-06-2006, 01:58 PM
hello sa inyong lahat!
magkwentuhan namn tayo tungkol sa mga/naging kaisha nyo...
tanong ko lng sa inyo kung nka-ilan kaisha na kyo mgmula ng dumating kayo sa japan (maalala mo kaya?:confused: ). naitanong ko lng ito para bigyan ng lakas loob ang mga kapwa natin pilipino na nahihiya/nawawalan ng pag-asa dahil sa palipat-lipat sila ng trabaho. pwede nyo rn banggitin kung ilan taon/buwan yung pinakamatagal at ilang oras/araw/buwan yung pinaka sandaling trabaho nyo d2 sa japan. maaari din kayo mag-kwento ng kaunti kung bakit kayo umalis/at nag-iisip na umalis/tumagal/pinagtiyagaan, magbigay ng payo o bigyan ng inspirasyon ang mga kapwa natin pilipino...:)
brgy.care
07-06-2006, 03:41 PM
ako, mag-2 years na d2 sa japan. nka-4 na ko na kaisha. yung pinakamatagal 8 months, 2 weeks nman yung sandali lng, palakasan kasi (uso din pla d2 yun):( ...mas mganda sana mgkwento yung mga matatagal na d2 sa japan, yung bang marami ng experience sa kakalipat ng kaisha. meron ba d2 nka-50+ na kaisha na? mag-share nman kyo...:)
Autumn
07-06-2006, 04:15 PM
One company .maybe im just lucky no problem at all sa work and co workers ;)
brgy.care
07-06-2006, 04:26 PM
One company .maybe im just lucky no problem at all sa work and co workers ;)
swerte mo nman, wla k nging problem s work:) . sana ako dn:rolleyes: ...
mhean
07-07-2006, 12:04 AM
this year 4 years a ako dito sa japan,pero pangalawa pa lang akong kaisha sa ngayon,but same work or type of job.almost 6months din ako sa 1kaisha that ive work for,its just that na di ko natagalan kasi kulang kulng kung magpasahod!sa hotel nga pala ako nag wo work chambermaid!:)
rainman
07-07-2006, 06:53 AM
ako sa loob ng four years naka anin na kaisha na ako,magaganda naman ang napapasukan ko
at ok din naman ang pasahod,minsan sa sobrang dali ng trabaho sobra akong inaantok kase that time ako lang cguro ang filipino kaya parang tsumaranai,minsan naman kapwa mo pinay na inaakala mong puwede mong kabody body,sa mga haponesa naman sumasama kaya tsumaranai parin sa akin yun,
pero ngayon sobra akong masaya sa shigotto ko kase turning to two years narin ako sa ngayon,mababait kase clang lahat pinay man o hapon kaya malamang dito na ako magtagal. sana makatagpo narin kayo ng magandang trabaho.....
purpletablet
07-07-2006, 10:50 PM
ako sa august 3 years na dito sa japan, nagstart ako ng work sept 2001 sa kaisha dito sa chiryu, yun ang first ever job ko, up to now dito pa rin ako work. gamay ko na kasi ang trabaho at walang masyadong problema kaya ok na ok.
myukasky
07-08-2006, 01:13 PM
Ako nakadalawa na kaso yung first kaisha ko kaya ako huminto nagbuntis ako at ng puwede na ako magwork ulit lumipat naman yung kaisha namin ng place. Medyo malayo na sa house kaya kahit puwede na ako work noon di na ako nagwork doon kasi malayo nga pero okey lang doon at walang problema at naka kalahating taon din yata ako dito. Sa second kaisha ko naman 1 month pa lang ako at okey naman shokai ako doon ng friend ko pinay kasi daw majime daw ako kaya pinasok nya.:rolleyes: Okey naman sa kaisha ko ngayon at mababait naman yung co-workers ko sarap nga ng feelings pagpasok ko may snack na nagdadala kasi sila then pinaghahatian namin. Kaya nagluto ako ng bico last time dinala ko at pinakain sa kanila aba aysus nagustuhan nilang lahat at next time luto daw ako ulit.:D Siguro isa lang ang maipapayo ko tiyagaan lang at pasensya. Yan lang kasi ang binabaon ko sa kaisha namin para maganda ang kalalabasan ng trabaho ko. At higit sa lahat pakikisama at di ikaw ang pakikisamahan:D ;) Opinion ko lang po peace to all
ANGELIKA22
07-08-2006, 09:29 PM
pangalawang kaisha ko pa lang ito sa loob ng 2 years, although 6 years na ako dito sa japan..late na po kasi ako nag-work. so far maganda naman ang kalagayan ko dahil na rin siguro sa mga benefits na natatanggap namin. like every 6 months ay meron kaming 15 days leave-with-pay, merong dagdag na 1 lapad ang sweldo kapag nakumpleto ang 20days na pasok sa loob ng isang buwan. at bongga ang mga parties...kapag bonenkai at shinenkai, minsan sa sheraton hotel at pan pacific.. last night nga po eh sa isang five-star hotel ginanap ang aming nuryokai or summer party...sobrang nalasing nga po ako eh hehehe:bonk: ang problema lang nga siguro eh ang TSISMIS... mapa-pilipina man o haponesa eh gustong-gusto talaga ang may pinag-uusapang ibang buhay... haaayy, hindi ko na lang pinapansin. :mad:
Chibi
01-04-2007, 12:01 AM
ang opis ko bow!!:p first kaisha ko at mukhang dito na yata ko tatanda!!okey naman kase co workers ko kahit ako lang Pilipina sa section namen di naman nila ko inaapi,sabi kase nila omoshiroi daw ako kaya kawaii2 nila ko!hehehehe!ang comment ko lang talaga walang taas ng sweldo,at tsaka medyo maraming madadaya sa trabaho(kahit wala ng trabaho,busy pa raw sila!:confused: )pero okey lang,baka mahigpit pangangailangan:p Okey din mag yasumi kahit 3 weeks pa kong umuwi sa 'Pinas.
Sabi nga ni hubby importante sa trabaho ang ningen kankei!:)
Fuzzy
01-05-2007, 12:01 AM
Ang kaisha ko eh ako na ang accountant (banking, bookkeeper, inventory control, etc.), tapos ako pa rin ang office asst. tapos ako pa rin ang sales asst. tapos eh ako pa rin ang ginagawa nilang in-charge sa mga official contracts at HR issues? anong tawag ninyo sa mga ganitong employer? Abusive di vah? Kaya after 3 months eh I told them - I would be happier if you just fire me now:D so I quit my accountant tasks and told them - I cannot do 3 things at the same time..... I quit my accountant tasks and focused on sales and bookkeeper/banking lang... what dya think? Tama ba ako?:confused:
Firipinjin
01-05-2007, 12:15 AM
Fuzzy
I would be interested to know who your employer is...so I can avoid them in the future. :D
scorpionApz
02-21-2008, 09:38 PM
buti pa kayo,ako kasalukuyang naghahanp ng magandang trabaho,i mean yung tumatanggap ng filipina,dati nakpasok ako sa hotel bed make ang shigoto d kaya ng katawan ko sumasakit palagi balakang ko halos di ako makakilos kaya yun kesa namn lagi yasumi huminto nalng ako,nakakinip namn dto sa haus kaya gsto ko rin magwork pero d me sinuswerte ng paghahanap...tag osaka ako kaya namn guys kung meron kayo pwede pagshokayan sakin pls let me know,pasasalamatan ko kayo ng buong puso ko....im 28 female..minasan yoroshiku onegaishimasu.
simplymystic
02-21-2008, 09:51 PM
just been in one comp... ako lang ang pinay.. lahat sila hapon at haponesa ... but i dont experience any inconveniences pagdating sa pakikisama sa kanila at sa work... :) mababait sila .. lucky ... :D
louvette_15
02-21-2008, 10:06 PM
ako naman 2 kaisha nung tourist pa ako..kelangan ng umuwi kaya umalis pero nung bumalik ako sa pang 3rd time ko sa japan na asawa ko kumuha sakin, kinuha ako ule ng yonekyo...mhigit 1 year kng sumahin stay ko dun. nang buksan ang ajinomoto hamburg sa night shift noong january2007 at puro pinoy kinuhang tao, pinag training nila ako para sa packing at trouble shooting ng makina sa packing...dahil nabuntis ako at medyo delikado dun sa workplace ko dhil sa hagdan at madulas sahig, pina subaraku yasumi ako nung june...after manganak, pa arubaito-arubaito lng..nung mag decide akong mag work ule, patapus na kontrata ng yonekyo sa ajinomoto at na dissolve ang night shift..
iningganyo nman ako ng hipag ko dito sa obentuhan na raku nga ang work kaya eto na ung pang 3rd kaisha ko.. mas mababa nga per ora sa obentuhan, ok lng sakin kasi hindi bugbog katawan ko at laging normal temperature sa workplace, unlike sa yonekyo na kahit sobrang init na ng panahon eh laging winter sa loob dahil sa building building na freezer...
rosby
02-22-2008, 06:49 PM
this coming april 2. 5 years nako sa kaisha 1st time ko nag trabaho dito at tumagal din.wla naman problema mababait co workers at mga kacho at bucho higit sa lahat ang sacho super bait.marami na din mga benefits na binigay sakin.sana magtagal pako na wlang maging problema ok naman ang trabaho..:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.