View Full Version : Sugal dito, sugal doon bwusettt
rainman
07-07-2006, 07:13 AM
my god,alam nyo ba ang pachinko mga igan,grabe talaga kakaadik,sa una lang masarap pero sa huli ang hirap,marami na akong hirap na naranasan dyan kaya sana po hwag ng tularan:D sabi nga nila pag may kagalit ka na hindi marunong magsugal turuan mo munang mag pachinko para sa ganon makaganti ka sa kanya:mad:
pero huwag po nating gawin yun, verrrry baddd po yun:p
ay sinabi mo pa,alam mo ba ang kalapit namin na bahay dito.ng dahil sa pachinko nawala ang bahay nila kasi puro utang sya,kaya pinagbili na lang ang bahay pambayad sa mga utang.syempre sa una masarap magpachinko(sabi nila)at nakakaadik talaga.kaya ngayon umuupa na lang sila sa isangmaliit na apartment.sana kapulutan ng aral ito...:O
uragon
07-07-2006, 09:05 AM
alam nyo mga katf minsan na ako nakapasok sa pachinko and wala akong nakikitang masaya sa pachinko nakikita ko lang kase nauubos lang pera ng mga tao dun pero meron nman daw swerte sabi ng asawa ko,pero ewan ko rin basta para sakin ayoko ng bumalik dun.kakaawa naman yung mga nabibiktima ng pagkalulong sa ganyan diba.:ohlord: :scratch:
prettyjoyce
07-07-2006, 10:31 AM
Alam mo,ang husband ko nag pa-pachinko pero minsan lng swerte na ang isang beses sa dalawang buwan minsan nga eh sa loob ng 6 months hindi pa, kapag naicipan nya kasama ako,pero di nyang ginawang habit un parang libangan lang kung minsan.Tama ka di magandang ma-addict sa pachinko.Dito sa amin matatawa ka sa mga japanese dahil nakapila pa sila at hinihintay mag open ung pachinko.hahahaha!!! Grabe no!:toofunny:
ozy_m3
07-07-2006, 10:40 AM
MASARAP PAGMANALO KA EH MINSAN LANG MANGYARI YON ONCE IN A BLUE MOON:confused: ASAWA KO DATI PALAGI NAGPUPUNTA AYON PALAGING TALO PAGNANALO NAMAN KULANG NA KULANG PA SA TALO NIYA.ATLEAST NGAYON DI NANAGPUPUNTA NATAUHAN YATA:) MAGOGOLF NA LAMANG DAW SIYA AT LEAST ENJOY PA DAW SIYA AT ME TAISO PA SIYA...SABIHIN MO IKASAMA TALAGA YANG PACHINCO!!!!!:mad:
ritzyu
07-07-2006, 10:54 AM
Hindi ako mahilig sa pachinko kahit yung asawa ko.
Pero kung gagawin lang siguro itong pampalipas ng
oras at kaya ng bulsa mo..walang masama...ang iba
nalulubog talaga sa utang..akala kasi nila pwede maging
bread and butter ( meshi no tane ) ang pachinko...:O
proud me
07-07-2006, 11:39 AM
pachinko...ewan ko ba hanggang ngayon hindi ko pa ma get kung ano yong sinasabing nakakalibang daw yan kaya maraming mga nalululon.ilang beses din ata ako dinala ng jowa ko dyan noong araw maliit pa yong bunso ko noon...maingay lumabas agad kaming mag-nanay iniwan namin si oto.1000yen wala pang minuto.kinain na agad nong dai nila...Hay!! naku 1week korin inisip yong natalo namin 5000yen.kasi si oto naglaro pa ng 4000yen..kulang nalang lagnatin ako sa panghihinayang :p :D
summerghie
07-07-2006, 01:03 PM
hi rainman welcome to tf..dont forget to read the rules of tf..:)
nakapunta na ko sa panchinko sinama ako ng hubby ko kaso di ko magets kung paano sya laruin:bonk: :nono: ..wala lang zutto mo lang hahawakan yun controller nya ba yun?! di ako nageenjoy pero yun hubby ko isyo keme na naglalaro:sssh: ..minsan lang din siya pumunta kapag sobra na stress at pagod sa work yun ang kanyang outlet para makarelax konti pero saan ang relaxation doon eh nakakangalay ata umupo maghapon at maglaro nun:confused: :confused: ..pero pinagbibigyan ko na kasi kung ako nga nastress siya pa kaya;PERO may limitasyon ang pera na pwede niya lang ilaro. hangang 2 lapad lang siya manalo man o matalo;minsanan lang naman di naman buwan buwan kaya ok lang sakin..buti na lang mas marami panalo niya kesya sa talo..lucky ata hubby ko sa panchinko kaya kapag talagang ikitai siya pinapabayaan ko sabi ko wag lang lagi ha dahil kungdi wala syang okuzukai sakin..:insane:
satsuki
07-07-2006, 01:13 PM
hay naku nung first time ko pa lang makapunta dyan s pachinko diko na talaga feel kasi mausok,maingay at matao e nakakasakit lang ng ulo..may frend nga akong pinay asawa nya hapon halos bahay na ata ang pachinko nun hubby nya,kawawa nga e halos di nakakapasyal kasi halos di na nauwi yung asawa ayun tuloy si pinay nalungkot nanlalaki tuloy...hay buhay...:scratch:
ANGELIKA22
07-07-2006, 02:46 PM
minsan napagkatuwaan naming mag-asawa ang pumasok sa pachinko... 500yen pa lang ang nababawas sa card ko, jackpot na sya ng jackpot!!! as in tuloy-tuloy talaga! gulat nga si hubby eh.. halos dalawang oras akong naka-upo ngalay na ngalay na ang puwet ko, gustong-gusto ko nang umuwi. ako na ang sumusuko, so sabi ko sa asawa ko uwi na kami. then, lumapit ang isang staff sa amin. sabi nya sa amin first time lang daw siyang naka-encounter ng okyaksan nila na titigil kahit jackpot siya ng jackpot. ayaw kaming patigilin! nge! alam nyo po ba, naka-10 lapad akong panalo that night! yun ang first and last kong paglalaro ng pachinko. ayaw ko na talagang bumalik doon, maingay at mausok. ang sakit pa sa mata.:mad:
sensei
07-07-2006, 03:23 PM
Nagpupunta lang kami ng pachinko pag delayed ako...pag natalo ibig sabihin hindi ako buntis hehe.
Minsan katuwaan lang 5000 yen, habang hinihintay ko siya.
kasi hindi ko hilig magpachinko eh I'm not used to ingay...hilig ko lang ubusin yung mga hot chocos and juices sa jidouhanbaikin. pagkatapos nun aayain ko na siya umuwi pag weewee na ako. alam nia ksi hindi ako pumapasok sa public toilets. utak ko noh?!!!
adechan
07-07-2006, 04:08 PM
Noong dalaga pa ako, at nagtatrabaho pa sa omise, may naging mama san akong adik adik sa pachinco. Yakag niya kami, at binibigyan niya kami nang tag-isang lapad, matalo man ok lang, pag nanalo, may balato kami. Grabe po, bago palang magbukas ang pachinco, nakapila na kami para makuha namin ang puwesto nang mga may malaking chance manalo.
Mga ilang beses lang, kami nang asawa ko for katuwaan, at wala ang mga bata. Pero lately, hindi na. Dahil iyong huling punta namin, mahilo-hilo ako sa sobrang baho nang sigarilyo. Tumatanda na yata, kaya hindi ko na makaya ang amoy nang pachinco. Kahit sa game center lang, hindi na ako hiyang sa amoy.
honey
07-07-2006, 09:14 PM
Yung kakilala kong pilipina asawa nya mahilig magpachinko.Tatanong pa yan sa akin kung swerte ba sya sa araw na ito o swerte ba sya sa pachinko :p (kahit naman kanino nagtatanung yun!) kala mo ba manghuhula e!:D sabi ko "subukan mo baka swerte!,kapag natalo ka ng isang lapad uwi ka na.." sinuswerte naman sya kasi mukhang magaling ata sa pachinko yung hapon na yun kapag tumama may pangdagdag na ng pang-ara araw di na kailangan magwithdraw.
Hindi ako mahilig sa pachinko ikaiin ko na lang busog pa ako :) .
Tonyang
07-08-2006, 12:29 AM
Ang problema kasi sa sugal... umaasa ka na manalo at iyung pagasa na iyun na talagang maliit ang tsansa na mangyari. Ang nakakadala rito sa tao iyung excitement para manalo. Karaniwang panatiko sa mga ganito iyung may problema sa pagdisiplina sa sarili at pag-value ng paghihirap sa buhay. Ika nga isang bisyo.
summergirl
07-08-2006, 06:20 AM
pag una ka lang siguro mananalo,bakit pa ginawang negosyo ang pachinko kung palagi nilang papanalunin ang tao sana pinamigay na lang nila ang pera nila.kaya ng sugal eh.ang usok usok ,ang ingay,ibat ibang tao ang makatabi mo.ano ang nakaka-enjoy doon.Hindi ko pa na ta try iyan.
myukasky
07-08-2006, 12:43 PM
6 years ago talento pa ako once ako nakapasok sa pachinko, di ko na matandaan kung ano itsura heheheh basta alam ko lang maingay mausok at daming tao. Husband ko di nagpapachinko asked ko nga sya before sabi nya di sya mahilig at di pala marunong.:rolleyes: :D May mga kakilala ako ayon baon sa utang dahil sa pachinko, siguro kung gagawin mo lang libangan walang masama kung gagawin mo bisyo eh nasa tao na yun. Ako nga inaaya ng friend ko pinay dati sabi ko isama mo na lang ako magkaraoke or bowling pero sa pachinko sorry baka matalo ako ng sen en di na ako makatulog.:D
barabara
07-08-2006, 04:17 PM
mga ka TF. iyan ang ayaw ko sa lahat sugal! bagong dating ko rito para mameet ko ang parents ng asawa ko,iyan agad ang sinabi sa akin wag akong Mag-Pachinko..minsan pasyal ako ni hubby para ipakita lang di ako nakatagal ang baho ng amoy usok ng tabako hate ko iyan diyan ako no.1 allergy..di na naulit iyon..Non nasa Tokyo pa kami dami kong friend over stay na naghirap dahil sa sugal or Pachinko..wag tularan..:wave:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.