PDA

View Full Version : Rousai hoken


lenemen
07-07-2006, 05:46 PM
Mga ka TFs,
Galing ako kahapon sa Immig. Center sa Ibaraki dahil may binisita akong kaibigan na minalas na nahuli ng Immigration sa raid sa kanilang kaisha. Bale hinatid ko sweldo nila at sa akin na binigay ng Shacho nila. Kahapon din na meet ko doon ang isa ring Pilipina na dumadalaw rin sa friend niya na naka detain doon. Heto po problema nya, dahil walang pamasahe sa plane kinausap daw niya Shacho na kung pwede ay ibigay ang sweldo nung tao pero ayaw daw ibigay sa dahilang noong maaksidente itong Pinay sa trabajo ay pinautang daw ng Shacho ng hospital bills niya. at kaya ayaw ibigay ang sweldo ay hindi pa daw bayad yung inutang niya noong nagpapagamot pa siya.
Ang tanong ko sana kung may nakaka-alam sa ating members kung covered ba ng "Rousai Hoken" ang kahit mga walang visa na trabahador? May kaltas din daw po ng taxes ang payment slip niya eversince.Paano kung dapat pala ay hindi niya kinailangang umutang ng pambayad sa ospital dahil may makukuha naman pala siyang hoken noon?At kaya nagkaganun ay dahil hindi nag file ng papers ang kaisha para sa kanya? Looking forward po sa inyong mga infos or any suggestions para matulungan po itong kababayan natin.:confused:

lenemen
07-08-2006, 11:43 AM
Sorry po nag post uli ako dito, nag post na rin kasi ako sa kabilang forum. Nag bakasakali ulit ako na baka ikako ay mayroong may alam at magka interest na magbigay ng information o suggestions tungkol sa "Rousai Hoken". Itatanong ko sana kung ang mga "gaijin" without proper visas ay entitled din sa rousai hoken? Maraming miscellaneous din daw ang kinakaltas sa sahod nila including taxes, etc. Noong maaksidente ang isa ay pinautang siya ng kaisha at yun pinambayad sa hospital bills. Kinakaltasan na lang sia sa sahod kada buwan. May consideration din na kaisha kaya grateful siya. Ngayon naman naka detain siya sa Ibaraki Immig. Center, walang pambili ng plane ticket dahil ayaw ibigay ng kaisha sahod niya dahil di pa siya bayad sa pinahiram sa kanya noong maaksidente siya (galing ng kaisha). Kung hindi entitled ang mga walang visa sa rousai hoken wala ng magagawa doon sa sahod nia. Naaawa lng sana ako sa kanya at doon din sa isang Pilipina na hindi rin alam gagawin para matulungan itong kabayan natin. Maraming salamat.

puting tainga
07-08-2006, 11:54 AM
>kung covered ba ng "Rousai Hoken" ang kahit mga walang visa na trabahador?

Coverd yata.

Heto ang link.



http://info.pref.fukui.jp/kokusai/tagengo/html_e/konnatoki/3sigoto/d_kega/a_2.html

lenemen
07-08-2006, 01:54 PM
Puting Tainga,
Maraming salamat sa pag sagot mo at dito sa link na ibinigay mo, i re-relay ko ito sa Pilipinang tumutulong sa kabayan natin na nangangailangan ng tulong din. Thanks a lot and God Bless! :)