richie
07-11-2006, 04:02 PM
Ang parusang kamatayan ay kautusan ng Diyos para sa mga karindi-rinding krimen.
~Sa Lumang Tipan~
Sa genesis 9:6; "Sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay buhay ang bayad sa kanyang ginawa, sapagkat ang tao ay nilalang , nilikha ayon sa larawan ng Diyos na dakila." Hangga't ang tao ay nasa anyo ng Diyos o ayon sa larawan ng Diyos, ang kautusang ito ay may bisa at balido. Ang kagustuhan ng Diyos na panatilihin ang dignidad at kabuluhan ng buhay ng tao'y kanyang iniutos ang pinakamataas na parusa, ang kamatayan, para sa mga bumabalewala at lumalabag nito.
Sa Exodo 21:12; "Sinumang manakit at makamatay sa kanyang kapwa ay papatayin din."
Bilang 35:16; "Ang sinumang pumatay ng kapwa sa pamamagitan ng.............ay papatayin pagka't buhay ang kanyang inutang.........."
Deuteronimio 19:11; "ibibigay sa pinakamalapit na kamag-anak ng napatay upang patayin din. Huwag ninyo siyang kaawaan."
Bilang 35:33; "Huwag kayong magpadanak ng dugo sa lupaing inyong tinitirhan. Ang dugo ay
nagpaparumi sa lupa, at walang ibang makalilinis nito kundi ang dugo ng nakamatay."
Sa sampung utos, "Huwag kayong papatay," hindi ito nangangahulugan na ipinagbabawal ng Diyos ang parusang kamatayan. Una, ang pagpatay o murder ("You shall not murder," New American Standard version) at parusang kamatayan ay may pagkakaiba.
Bilang 35:9-15; Hindi lahat ng pagpatay ay "murder," ang iba ay aksidente o di sinasadya.
May nakalaang mga lungsod taguan hanggang sila ay litisin para sila ay hindi mapatay ng mga ibig maghiganti.
Bilang 35:30-32; Sinumang pumatay ng kapwa ay papatayin din batay sa patotoo ng ilang saksi........sinuman g makamatay ng di sinasadya ay hindi maaaring tubusin ng salapi, dapat din siyang patayin.
may kasunod~~~~ ang sinasabi naman sa Bagong Tipan ~~~~~^^