View Full Version : Bakit marami ng kabataan ang nagaasawa ngayon sa pilipinas
mina210
07-14-2006, 09:00 PM
HI.... Hello.... po sa inyong . lahat...kaya po ako nag post ng ganito dahil napapansin ko po dumarami na sa lugar namin ang nagaaswa sa edad na 15, 16 ,17, yr old at yung iba namam po e after graduet ng high school magtatanan... sa lugar nyo rin po ba dumarami na?:confused:
Isa na po ang kapatid ko sa mga kabataan samin na nag asawa pag ka graduet po nya nagtanan at ayun nabuntis... ganun rin po ang mga kaibigan ko at karamihan po ng mga ka batch ko sa school ganun rin po ang nangyayari...
Bkit po kaya sila dumarami... sa tingin nyo po ba Kulang sa pagdidisplina...ng mga magulang o may iba pang dahilan...napansin ko lang po hnd namn po nagkulang ang magulang ko... sa pagdidisiplina... hindi ho kaya dahil sa sobrang higpit kaya nila nagagawa iyo... kasi ganun po magulang k sa sobra sigurong higpit kaya nagawa iyon ng kapatid ko...
Sa edad ko pong 16 nakisama na po ako sa japanese BF ko hanngang ngayon po... 18 na ako magkasama parin kami...pero siguro po kung nasa pilipinas ako masisiguro ko na hindi ko eto gagawin dahil alm ko po kung gano kahirap ngayon ang bumuo ng pamilya sa atin bansa ngaun dahil sa hirap ng ekonomiya...
pero bakit po ganun hnd naiisip ng mga kabataan saatin ang hirap ng buhay... ako naging pratikal lang po ako aaminin ko po sumama lang ako sa BF ko nuon dahil... alam kong giginhawa kahit paano ang buhay namin... hindi naman po ako nagkamali..dahil nakatulong po talaga siya ng malaki saamin... Ibig ko lang po sana sabihin ako naging paratikal sana po sila ganun din...
Yung kapatid ko po ngayon ayun nakaasa at patuloy ko pong sinusuportahan... nahihirapan narin po ako sa kanya... kaya nais ko po sana iparating sa mga kabataan ngaun na maging pratikal cla hnd puro pagibig dahil hindi sila bubuhayin nito... karamihan kasi ng alm ko kabataan na nagaswa sa aming lugar pagkatapos mabuntis... naghihiwalay... kaya dadamay pati musmos na bata sa mga maling disisyon nilang nagawa....
Naiinis po talaga ako sa mga kabataan ngayon na ganito ang ginagawa... lalo na sa kapatid ko bagamat napatawad ko na cya hindi ko makakalimutan ang ginawa nya... dahil po sa kanila... kaya po talaga ako nakapagasawa ng maaga dahil sila po ang inisip ko hndi ang sarili kong kaligayahan...aamini n ko po hindi ako sumama sa BF ko nuon dahil sa mahal ko siya dahil sa alam kong cya ang makaktulong para makahahon kami kahit paano sa kahirapan... pero mahal ko na po ang BF ko ngaun totoo na po iyon dahil po sa 2 taon mahigit na po kaming nagsasama... natutunan ko na po siyang mahalin...
IBIg ko lang po sanang sabihin sana bago sila makisama sa isang tao na mahal nila o ano pa man sana namn isipin nila rin ang kinabukasan nila rito..halimbawa ang kapatid ko nagaasawa sa hnd ko alm na dahilan... ayun ngayun naghihirap sya kasama ang bayaw ko kuno at ang naging baby nila...pati ako dinamay sa paghihirap nila...at ang masakit pa dun bago cya nag asaw pinagastos pa ako ng malaki...
Kasi po last year po yata yun... pinagaral ko ng nurse ang kapatid ko na iyon... 1 araw plang po sa klase huminto na halos nabayaran k na laht laht sa school nya napagsabihan lang ng mabait kong ama na bakit ka nahuli sa paguwi ayun naglayas na at sumama na sa bF nya ewan...kya eto nahihirapan tlga ako... sana naman naisip nila ang ginawa kong paghihirap para sa kanila...
Kasi po 15 yr old lang ako ng napunta ako dito sa japan... para sana mapagtapos ko 2 kong kapatid at para makatulong sa magulang ko pero eto pa ang ginawa ng mabait na kapatid ko kya hndi ko po talaga... makalimutan ang nangyari iyon... kaya po naiinis talaga ako sa mga kabataan ganito ang ginagawa kayo po ba... may kwento rin po ba kayong ganito....
ayumi
07-15-2006, 02:01 AM
hi MINA san,
hajimemashitte,GOD be with you.
hanga ako sa iyo,ang bata mo pa pero marunong ka nang bumalanse sa tama
at mali.I feel for you,kase medyo alam ko yung feeling na yan,napag daanan ko
na rin yan.Mahirap talaga,kase ang iniisip mo gumanda lahat ng buhay nyo,tapos
yung tinutulungan mo,iba ang napupuntahan,nabale-wala yung pinaghirapan mo.
Ikaw at ang kapatid mo ay magkaibang tao,magkadugo man kayo.Siguro iba ang
mga priorities nya sa buhay,iba naman ang sa iyo,kaya medyo mahirap i-control.
You can never control someones life.
Walang katapusang tulungan ang mangyayari dyan.Kaya mahalin mo ang sarili mo
muna mina san.Tapos bigyan mo ng control ang sarili mo kung hanggang saan
mo sila gustong tulungan.Isa lang naman ang siguradong pinakakailangan nila sa
iyo,masakit man pero totoo...PERA.(sana mali ako)
GOOD LUCK! pero di ba mas masarap i-share ang blessings from GOD,lalo na
kung isine-share mo ito sa mga mahal mo sa buhay?
CHEER-UP! thank GOD for the blessings you received,you deserve it.
mina210
07-15-2006, 02:16 AM
hi MINA san,
hajimemashitte,GOD be with you.
hanga ako sa iyo,ang bata mo pa pero marunong ka nang bumalanse sa tama
at mali.I feel for you,kase medyo alam ko yung feeling na yan,napag daanan ko
na rin yan.Mahirap talaga,kase ang iniisip mo gumanda lahat ng buhay nyo,tapos
yung tinutulungan mo,iba ang napupuntahan,nabale-wala yung pinaghirapan mo.
Ikaw at ang kapatid mo ay magkaibang tao,magkadugo man kayo.Siguro iba ang
mga priorities nya sa buhay,iba naman ang sa iyo,kaya medyo mahirap i-control.
You can never control someones life.
Walang hanggang tulungan ang mangyayari dyan.Kaya mahalin mo ang sarili mo
muna mina san.Tapos bigyan mo ng control ang sarili mo kung hanggang saan
mo sila gustong tulungan.Isa lang naman ang siguradong pinakakailangan nila sa
iyo,masakit man pero totoo...PERA.(sana mali ako)
GOOD LUCK! pero di ba mas masarap i-share ang blessings from GOD,lalo na
kung isine-share mo ito sa mga mahal mo sa buhay?
CHEER-UP! thanks GOD for the blessings you received,you deserve it.
Pati nga sa sarili ko naiinis ako dahil...hindi ko mapigilan ang sarili ko na tulungan sila...ganito yata mga sakit nating mga pilipino... tumulong sa pamilya kahit sobra kaht wlang matira para sa sarili tulong lang ng tulong...hindi k po nilalahat.. pero isa po ako sa mga iyon... alam k hindi masama tumulong sa mahal mo sa buhay pero kailngn magtira rin tayo para sa sarili natin... pero ewan hindi k magawa... laht binibigay k para sa kanila..
Nabwibiwisit ako sa kapatid ko hindi dahil sa pera kundi dahil wla silang ginawa para matulungan ang sarili nila... wla silang ginawa kung hindi umasa...ewan hndi ko namn sila mahindian dahil naawa ako sa anak nila...
Ate salamat ha.. buti may nakaintindi rin sa nararamdamn ko...thnks po sa reply....
ayumi
07-15-2006, 02:53 AM
hello mina san,
alam mo naalala ko pa ang first thread ko dito ay katulad ng question mo...
then,sinunod ko mga payo nila lalo na ang payo ni DOCOMO san,kaya eto
ako ngayon nalulong sa TF kahit gaano kadame ng trabaho ko,nakakasilip
talaga dito.....check this:
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=275 8&highlight=tawag+gali ng+pinas
mina210
07-15-2006, 07:04 AM
hello mina san,
alam mo naalala ko pa ang first thread ko dito ay katulad ng question mo...
then,sinunod ko mga payo nila lalo na ang payo ni DOCOMO san,kaya eto
ako ngayon nalulong sa TF kahit gaano kadame ng trabaho ko,nakakasilip
talaga dito.....check this:
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=275 8&highlight=tawag+gali ng+pinas
Salamat po ate nabasa ko na po yung post nyo... nakakarelate rin po ako sa ganyan... ayoko man silang pamiyasahin kaya lng po wala akong magawa dahil ang mama ko ang kawawa lahat sa mama ko sila umaasa kaya kahit hindi humihingin ang mama ko patuloy parin akong sumusuporta sa kanila... pero nitong mga nakaraang buwan huminto muna ako nang pag suporta dahil...naiinis ako sa papa ko sa mga kapatid ko dahil lahat sila inaasa nila lahat sa mama ko magisa lang po kasi ang mama ko kumikilos sa pamilya namin kaya wla akong magawa kaya po ako napunta dito.... mabaiit po kasi ang father ko... gusto nun... lagi nasa bahay... nakahiga... nanonood ng t.v ... at humingin at kumupit ng pera na kinikita ng mama ko sa palengke...at nakuha pang mangbabae... ang kapal po ng muka ano...
Kaya minsan naisip ko ihinto ko na kaya ang pagsuporta ko dahil... nabubuhay talaga sila na umaasa nalang saakin at sa mama ko... nahihirapan na talaga ang kalooban ko... nagsisinga po ako kung bakit pa ako pumunta dito...siguro kung nasa pinas lang po ako patuloy lang ako sa pagaaral ko at simple lang ang buhay namin... pero ngayon nang napunta po ako di2 naging magulo po ang lahat... yung sumunod saakin nagaswa... at may anak na ... yung bunso namn namin... ayun mukang gusto narin... sundan yapak ng kapatid kong nagasawa... aba bata parin po iyon pero napakatigas narin ng ulo... at yung Father ko namn po patuloy parin... sa kalokohan nya...at patuloy parin sa knya... kasipagan,,,,
Ewan ko ba sa mama ko napaka martir... ayaw lumaban...minsan hindi na siya umuuwi ng bahay sa palengke nalang siya natutulog dahil sa sama ng loob sa mga kasambahay nya... pero mga kasama nya sa bahay... balewala lang... kaya nga po ako ang dalas kong umiyak sa sama ng loob sa mga kapatid ko at sa father ko pero wla akong magawa dahil nandito ako gusto ko silang awayin lahat... para ipagtangol naman ang mama ko.. gusto kong umuwi para tulungan ang mama ko sa pagtitinda... biruin nyo po natitiis ng kapatid at ng papa ko na hnd samahan sa palenke ang mama ko kaya tlgang nagaapoy na ang galit ko sa kanila:grrr: gustuhin ko mang umuwi hindi pa pwede dahil ang dami ko paring inaayos dito... kaya nagtitiis nalng po muna ako...kya po sa cellphone ko nalng dinadamayan ang mama ko kasi baka maloka na sa dami ng iniisip at pinoproblema kaya ako eto todo suporta sa kanya Finalcially and emosionally...
Pero nung isang araw lang po napagalitan ko ang mama ko kasi sabi ko puro nalng ako suporta wala namang nagyayari buti sana kung una pangalawa beses lang ako sumuporta ...naparami na pong beses pero hindi parin nagbago pamumuhay nila...dahil sinananay ni mama ang mga kapatid at father ko na umasa sa kanya kaya sabi ko ... ititigil k na ang pagsuporta sa inyo... kung hndi kayo matutu lumaban at disiplinahin sila... siguro ako rin ang may mali dahil sinanay ko sila... 2 araw na akong na akong hindi tumatawag samin nagaalala na ako baka... dinidibdib ng mama ko yung mga nasabi ko sobrang sama po kasi ng loob ko kaya kung ano ano na ang nasabi ko... ayun hnd sila nagttxt saakin... pero umaasa parin ako na magbabago ang lahat... sana nga lang po ... matauhan na ang father ko at 2 kong kapatid... ako naman po sinasanay ko na ang sarili ko maging bato...ayoko na silang sanayin pang muli dahil...sobra na po tlga ang naitulong ko pero...wla nagbago sa kanila pamumuhay... kaya sabi ko siguro pag hininto ko ang pagsuporta ko may mababago...kahit paano baka matutu na sila huwag umasa...
hay salamt kaht paano nailabas ko rin sama ng loob ko... marami po salamat sa laht ng babasa... at salamat po ate ayumi...
jhamubo
07-15-2006, 08:54 AM
Alam mo iha, kasalanan na rin ng Nanay mo iyan, sinanay nya ang father mo at mga kapatid mo.. Kung ako sayo, kung ano lang ang makakaya mo sa pagtulong sa kanila.. yun lang ang ibigay mo at kailangan namang minsan tikisin mo rin sila. Nanggaling na rin ako sa pagtulong noon sa mga kamag-anak ko.. Lagi akong naaawa sa kanila.. Sa ibang banda, mga naging pala-asa sila at naging mga tamad.. Hindi na nila kinilala ang kahalagahan ng pera na pinadadala ko sa kanila.. Pero simula ng nag kapamilya ako ng sarili.. Hindi na nila ako masyadong inasahan pa.. Dahil inexplain ko sa kanila, na bago sila ang tutulungan ko, uunahin ko muna ang mga anak ko.. Unti-unti ko sa kanilang pinaramdam yon.. Sa wakas mga nagsikilos naman sila at natuto na rin sa buhay.. Kaya simula ngayon, bago ka mag abot ng tulong, pag aralan mo muna ang mga sitwasyon dahil hindi mo naman sila kargo lahat... :)
Tonyang
07-15-2006, 09:12 AM
Mina, alam mo nasanay mo na sila na tumatanggap ng suporta mula sa iyo. Kung nasanay mo sila na ganoon... unti-unti mo rin silang sanayin na nawawala na ang iyong suporta. Sanayan lang iyan at unti-unti ang approach.
First effects niyan iyung pag-iyak at pakikipag-away at samaan ng loob pero sanayan lang iyan.
Actually, mas tutulungan mo silang maging independent kaysa dependent. That way, lalaki silang marunong tumayo sa sariling mga paa. Di ba ganyan tayo rito? Tayo lang ang gumagawa ng paraan para mabuhay?
Tungkol sa mga nag-aasawa ng maaga, iba na ang henerasyon ngayon. Yes nasa mga magulang at tamang pagpapalaki at exposure ng mga kabataan iyan sa paligid. Kung anong nakikita nilang nangyayari sa karamihan, iyun ang nagagaya nila. Ika nga kung anong "in" o uso, gagayahin nila. Kahit na iyung "in" na iyon ay hindi naman tama. Actually di mapipigil ang kapusukan ng mga kabataan. Ang pinakamainam na paraan iyung preventive side... dapat makita na nila ang mga nangyayari bago pa nila pasukan ang isang bagay. Kaso sino ang magtuturo at magpapakilala sa kanila ng mga bagay-bagay bago nila pasukin? Media sana... pero palpak ang media natin sa Pinas.
May mga napalaki na akong mga pamangkin at mga pinsan. Sa awa ng Diyos, maaayos silang lumaki. May takot sila na subukan ang isang bagay na risky. Iyun naman ang mahalaga.
Actually ang formula na pinakaepektibo iyung mahinahong pakikipag-usap sa kanila... di pasigaw. Iyung pagbuo ng isang relationship open at pagkilala sa respeto... di sila matatakot na magsabi o maglabas ng problema na kahit ano. Kung secured ang isang kabataan dahil may alam niyang concerned sa kanya na hindi siya sisigawan, kahit magka-boyfriend siya o magka-girlfriend, may respeto iyan. Emphasis sa kanila palagi... mahalin mo ang iyong sarili at huwag gawing basura... sa bawat papasukin mong gusot sa buhay, siguraduhin mong kakayanin mong maiayos ito o kung hindi, huwag mo na lang pasukan.
mina210
07-15-2006, 02:04 PM
Mina, alam mo nasanay mo na sila na tumatanggap ng suporta mula sa iyo. Kung nasanay mo sila na ganoon... unti-unti mo rin silang sanayin na nawawala na ang iyong suporta. Sanayan lang iyan at unti-unti ang approach.
First effects niyan iyung pag-iyak at pakikipag-away at samaan ng loob pero sanayan lang iyan.
Actually, mas tutulungan mo silang maging independent kaysa dependent. That way, lalaki silang marunong tumayo sa sariling mga paa. Di ba ganyan tayo rito? Tayo lang ang gumagawa ng paraan para mabuhay?
Tungkol sa mga nag-aasawa ng maaga, iba na ang henerasyon ngayon. Yes nasa mga magulang at tamang pagpapalaki at exposure ng mga kabataan iyan sa paligid. Kung anong nakikita nilang nangyayari sa karamihan, iyun ang nagagaya nila. Ika nga kung anong "in" o uso, gagayahin nila. Kahit na iyung "in" na iyon ay hindi naman tama. Actually di mapipigil ang kapusukan ng mga kabataan. Ang pinakamainam na paraan iyung preventive side... dapat makita na nila ang mga nangyayari bago pa nila pasukan ang isang bagay. Kaso sino ang magtuturo at magpapakilala sa kanila ng mga bagay-bagay bago nila pasukin? Media sana... pero palpak ang media natin sa Pinas.
May mga napalaki na akong mga pamangkin at mga pinsan. Sa awa ng Diyos, maaayos silang lumaki. May takot sila na subukan ang isang bagay na risky. Iyun naman ang mahalaga.
Actually ang formula na pinakaepektibo iyung mahinahong pakikipag-usap sa kanila... di pasigaw. Iyung pagbuo ng isang relationship open at pagkilala sa respeto... di sila matatakot na magsabi o maglabas ng problema na kahit ano. Kung secured ang isang kabataan dahil may alam niyang concerned sa kanya na hindi siya sisigawan, kahit magka-boyfriend siya o magka-girlfriend, may respeto iyan. Emphasis sa kanila palagi... mahalin mo ang iyong sarili at huwag gawing basura... sa bawat papasukin mong gusot sa buhay, siguraduhin mong kakayanin mong maiayos ito o kung hindi, huwag mo na lang pasukan.
hi po ka Tonyang nice to meet you po...
Yun na nga po siguro ang problema sa pamilya namin kulang sa cummication... sa bahay po kasi namin hindi sila madalas magu-usap...at saka nga po ayun yung parents ko medyo mahigpit sila pagdating sa mga boyfrend... boyfrend...kaya nga po siguro iyon nagawa ng kapatid ko... pero aminado ako... hindi yun kasalanan ng magulang ko dahil... ginawa naman nila lahat... marahil iba na nga talaga ngayon ang kabataan....
Ngayun po sinusubukan ko ng controlin yung pagpapadala sa kanila kasi... pagod narin po ako naawa na ako sa BF ko na hingian ko ng pangsuporta sa kanila... sana nga matuto na silang kumilos... Marami pong salamat sa lahat ng nagreply....
d_southpaw
07-17-2006, 12:00 PM
Makikisabat dito sa usapan ninyo.
Sa aking opinyon, ang general na kasagutan kung bakit maraming mga kabataan na nag-aasawa ng maaga ay dahil sa wala silang ibang magawa. Bakit wala silang ibang magawa ? Dahil sa kahirapan. Dahil kulang ang mga makabuluhang bagay na nagagawa sa paaralan. Yong marami, kulang na rin sa gabay ng mga magulang, dahil yong mga magulang ay kulang rin naman sa karanasan nila sa buhay, at pagod at tutok sila sa trabaho araw-araw para lagyan ng pagkain sa hapag-kainan at mabigyan ng konting baon ang mga anak.
Kaya pagkatapos ng high school, kulang na kulang pa rin ang kaalaman at pananaw sa buhay.
Sa ganyang edad, yong mga kabataang kulang sa sariling ambisyon at pangarap sa buhay, ang tanging pag-asa na lang nila ay kung may gumabay sa kanila. Yong mga walang aalalay, kahit mag-college man, ay hindi pa rin sapat ang matututunan sa eskwelahan at sa karanasan sa labas ng eskwelahan, para humarap ng wasto sa hirap ng buhay sa Pilipinas.
Mas nakakarami siguro yong mga hindi na makakapagpatuloy mag-aral, kaya pagka-graduate ng high school, sa bahay lang sila o kaya ay magkaka-trabaho na hindi sapat ang kinikita at hindi rin makakapagbigay ng dagdag na kaalaman (learning) para lumago sila. Mahirap ang ganitong buhay. Napakadali para sa kanila na piliin ang pag-aasawa, na hindi naman nila alam na lalong magdadala sa kanila sa kahirapan. Lalo na sa probinsya, nakaranas ba kayong mabagot (ma-bore) ?
Isa pang opinyon ko lang naman, hindi naman ngayon lang yong maraming nag-aasawa ng maaga. Dati pa yan. Mula ng maging independent ang Pilipinas. Kaya nga patuloy ang population explosion sa Pilipinas.
Yong para sa pagtulong sa sariling pamilya, napakaganda nyan. Subalit gaya ng sabi Tonyan, sana ay makita ang tamang paraan. Para hindi nila ma-mis-interpret na napupulot lang dito ang pera. Para hindi ma-develop sa kanila ang pagiging dependent, dahil pag naging dependent sila, negative ang resulta. Sa halip na ibigay nila ang buo nilang makakaya sa pag-araw-araw na challenges nila, uupo at hihiga na lang sila, at maghihintay ng suporta.
Gayunpaman, ang tanging solusyon pa rin, sa aking palagay, ay ang ginagawa mo - ang magkaroon sila ng tamang edukasyon, dahil yon ang magiging armas nila habang buhay.
Mahirap, pero sana ay makayanan mo, at makita mo ang tama at positibong paraan para magkaroon sila ng magandang edukasyon sa loob at sa labas ng eskwelahan.
houseboy
07-23-2006, 12:03 PM
Ewan ko lang po pero marami pa rin naman ang mga hindi nag-aasawa ng maaga. Kumbaga parang mas dumarami pa ngayon ang "ayaw mag-asawa" ng maaga.
Eto po yung galing sa Census......
Edad ng Pag-aasawa (http://www.census.gov.ph/data/sectordata/2000/ms0002.htm)
Siguro medyo misleading din itong stat na ito dahil hindi nga naman pwede pang ikasal ang mga taong wala pa sa "tamang edad".
---------------------------------------
Yung sa pagtulong po sa pamilya, napakagandang hangarin po yan. Pero sabi nga nila, BIGYAN mo ng Tuna ang isang tao at mabubuhay siya ng isang araw, pero TURUAN mo ang isang tao na MANGHULI ng Tuna at mabubuhay siya ng matagal.
ritzyu
07-25-2006, 09:11 AM
Pasingit na nga rin dito.
Tama at totoo na maraming ayaw mag-asawa agad..kahit nga sa Japan ayaw
agad nilang lumagay sa tahimik. Sa atin kasi pag abroad ang pamilya o angkan nito,
malamang sa hindi, na ang mga kaanak nito ay makapag-asawa ng maaga (opinion
ko lang po) ..marami sa atin ang gustong makapag-abroad na di ma-abroad..kadalasan
ayaw nang pakawalan yung kaanak ng me abroad.. me itsura man o wala..
lakas ng appeal...hay naku, oras na nagkaanak nga naman kahit na anong galit mo
sa kanila, isasalang-alang mo na lang yung bata, magugutom...tama o mali man ang
opinion ko ay sorry na lang po ,hindi nga po lahat..pero marami na kasi akong nakita
at narinig na isa iyan sa mga dahilan at pinoproblema.:)
leftbehind
07-25-2006, 09:29 AM
akala kasi ng mga kabataan na ang pag-aasawa ang solusyon para makatakas sa ingay at paghihigpit ng mga magulang. mejo bata rin ako ng mag-asawa,age 18 pero pinanindigan naming dalawa at di kami umasa sa kahit na sino. wag kang mag-alalala, in due time mare-realize din ng kapatid mo ung pagkakamali niya.sa hirap ba naman ng buhay ngayon e ewan ko lang kung di siya mahimasmasan! at pag nahimasmasan na siyawag kang mag-alala, pwede na ulit siyang magsimula ng panibago...
poulain
07-25-2006, 12:57 PM
so far marami pa rin naman ang mga kabataan na hindi kaagad nag-aasawa, mga takot na rin sila sa resposiblities lalo na ngayon sobrang hirap ng buhay sa phils., sad to say, yung mga pinsan ko na mas bata saken mga may pamilya na kahit na mga 16-17 pa lang sila, at hanggang ngayon parents pa rin nila ang sumusuporta since tuloy ang studies nila, minsan din naiinis ako sa mga pinsan ko, pero i understand naman kasi halos lahat kami galing sa broken family, wala talaga guidance ng parents, pero ako, never ko naisip na mag-asawa kaagad, talagang pinatunayan ko sa mom ko na hindi nasayang yung paghihirap nya saken, hindi nasayang yung mga sacrifices nya... kaya proud na proud saken mom ko, yun ang jiman nya... at siguro depende talaga sa tao yung epekto ng pag-ibig... :D
Tonyang
07-25-2006, 10:49 PM
Ewan ko lang po pero marami pa rin naman ang mga hindi nag-aasawa ng maaga. Kumbaga parang mas dumarami pa ngayon ang "ayaw mag-asawa" ng maaga.
Eto po yung galing sa Census......
Edad ng Pag-aasawa (http://www.census.gov.ph/data/sectordata/2000/ms0002.htm)
Siguro medyo misleading din itong stat na ito dahil hindi nga naman pwede pang ikasal ang mga taong wala pa sa "tamang edad".
---------------------------------------
[i]
[I]Yung sa pagtulong po sa pamilya, napakagandang hangarin po yan. Pero sabi nga nila,
Salamat sa stats, kapatid. Malaking isyu na rin iyung pag-aasawa tapos maghihiwalay lamang. Siguro dapat iyung stats, di lang ilan ang nag-aasawa kundi ilan sa mga nag-asawa sa specific na taon ang naghiwalay pagkatapos ng 1 hanggang 5 taon? Sa mga kakilala ko na OFWs, sa 100 may-asawa, 5 lang ang buo pa ang pamilya.
leftbehind
07-25-2006, 10:59 PM
Salamat sa stats, kapatid. Malaking isyu na rin iyung pag-aasawa tapos maghihiwalay lamang. Siguro dapat iyung stats, di lang ilan ang nag-aasawa kundi ilan sa mga nag-asawa sa specific na taon ang naghiwalay pagkatapos ng 1 hanggang 5 taon? Sa mga kakilala ko na OFWs, sa 100 may-asawa, 5 lang ang buo pa ang pamilya.
gee, that's kinda scary! my husband and I have been a couple for almost five years now. I sure hope na di kami makakasama sa stats na un! oh, God forbid....pleaseeee? :(
Tonyang
07-25-2006, 11:09 PM
gee, that's kinda scary! my husband and I have been a couple for almost five years now. I sure hope na di kami makakasama sa stats na un! oh, God forbid....pleaseeee? :(
Papunta na kayo sa 6 years, Leftbehind... at I am sure, you will be working very hard for your 6th year. I will pray for the continued success of your marriage!:D
leftbehind
07-25-2006, 11:13 PM
Papunta na kayo sa 6 years, Leftbehind... at I am sure, you will be working very hard for your 6th year. I will pray for the continued success of your marriage!:D
uuuyy, salamat kapatid na tonyang! gulp, kinabahan kasi ako dun sa nabasa ko kanina e! hehe:)
poulain
07-26-2006, 12:14 AM
just keep the faith ate Leftbehind.. nalu im sure pag uwi ng hubby mo mas lalaki pa ang pamilya nyo.. ehhehe:)
brownman
07-26-2006, 03:21 PM
pasali na din po. pag teenagers kasi andaming changes sa hormones. kaya nagiging mapusok and curious ang mga bata sa ganitong age. ako rin, i felt like i can take on the world when i was a teenager. pero as i grew older, i realized how hard life is. meron din kaming relatives na 15-18years old nong nag-asawa. ngayon, naman namomroblema kami sa isang pamangkin namin who's only 12 years old pero may boyfriend na pala. we didn't see that coming kaya ngayon her mom is stricter with her. this is just my humble opinion. pero, i also think that the media has a lot to do with this. all those teenage love shows that they show on air and on the big screen i think has some effect on how teenagers think. malakas ang power ng media. isipin niyo nalang, naging President ng Pinas si Erap tapos ngayon andaming nanalong artista sa politics. :eek:
mina210
07-27-2006, 01:48 PM
Marami po salamat sa bumasa at bumisita sa post na eto marahil po ay nagkamali ako... hindi nga cguro sa buong pilipinas marahil sa aming lugar lamang sa bandang Bulacan, sa norzagaray... kahit sino po kasi ang tanungin nyo sa lugar namin alam na nila na marami na talaga roon ang kabataan na ng asawa.. nakakatakot nga kasi mga kabataan halos lahat pag aaswa na lamang ang iniisip... bihira na sa lugar namin ang nakakapagpatuloy ng pagaaral sa kolehiyo.45 percent po kasi ng ka bacth ko sa high school lahat may asawa na kaya ko po naisip na bakit kaya maraming kabataan ang nagaasawa ngaun... kundi man sa lugar.... namin ngayun nga po natatakot ako kasi yung bunso namin 13 yr old aba nagboboyfreind na yata kaya todo paalala ako sa kanya hindi ko sya hinihigpitan kasi baka pag hinigpitan ko lalong magwala baka matulad sa kapatid ko na magasawa rin sa batang edad... nakakatakod talaga sa lugar namin kaya marahil naisip ko baka ganun rin sa buong pilipinas, nagkamali pla ako.... pero di to sa japan maniniwala ako na kaunti lang ang nagaasawa na kabataan kasi lahat ng kakilala kong hapon age 35- 40 wala parin silang asawa at wala parin silang balak...mahirap daw kasi bumuhay ng pamilya dito sa japan...:rolleyes:
ay_me
08-20-2006, 12:23 PM
hi mina, maganda ang plano mo sa buhay,kaya lang maaga kang magmamature nyan.Mabuti ang tumulong sa pamilya natin, kaya lang bigyan mo din ng panahon ang buhay mo dito.Sana'y hindi da magsawa ng pagtulong sa inyo, kaya lang dahan-dahan lang at baka mamihasa din sila. Anyway,always take care of your self.
mina210
08-20-2006, 02:19 PM
hi mina, maganda ang plano mo sa buhay,kaya lang maaga kang magmamature nyan.Mabuti ang tumulong sa pamilya natin, kaya lang bigyan mo din ng panahon ang buhay mo dito.Sana'y hindi da magsawa ng pagtulong sa inyo, kaya lang dahan-dahan lang at baka
mamihasa din sila. Anyway,always take care of your self.
hi hello... mami ay!!!
marami po ulit salamat sa mga bumisita saakin post
hndi k namn po binababayaan ang akin sarili tumutulong
ako pero hindi na po sobra tulad ng dati, dahil alam ko po
may sarili nari akong pamilya na dapt pagtuunan nga pansin
mina ......
hayaren
08-26-2006, 05:42 PM
hello mina210 san....I salute you sa mga sacrifices na ginawa mo para sa family mo pero huwag mong stretch to the edge mag-iwan ka rin para sa sarili mo. Hayaan mo na ang kapatid mo later on makarealize din yan akala nila kasi ang pag-aasawa makakalutas sa problema na kung ano man yung hinaharap nila. You have to move on from this situation life has to go on...:) don't cry over spilled milk!
mina210
08-26-2006, 06:11 PM
hello mina210 san....I salute you sa mga sacrifices na ginawa mo para sa family mo pero huwag mong stretch to the edge mag-iwan ka rin para sa sarili mo. Hayaan mo na ang kapatid mo later on makarealize din yan akala nila kasi ang pag-aasawa makakalutas sa problema na kung ano man yung hinaharap nila. You have to move on from this situation life has to go on...:) don't cry over spilled milk!
thanks...hajimemashi te,hayaren...
thanks sa inyong,lahat medyo ok na
naman ako ngayun ,pero naawa ako
sa kapatid ko parang naulit lang sa
kanya kung anong nangyari sa mama
ko parehas na sila ngayun sila bumubuhay
sa pamilya imbis na ang asawa ng kapatid
ko naghihirap sa pagtatarabaho ngayun
kapatid ko ang hirap na hirap,kaya
medyo konti nagsusuport parin ako
naiiyak na nga lang ako sa gabi kasi
naawa tlga ako sa kapatid ko napaka
bata pa nyan pero naranasan na nya ang
napakahirap na buhay...thanks po talaga:)
hayaren
08-26-2006, 11:04 PM
thanks...hajimemashi te,hayaren...
thanks sa inyong,lahat medyo ok na
naman ako ngayun ,pero naawa ako
sa kapatid ko parang naulit lang sa
kanya kung anong nangyari sa mama
ko parehas na sila ngayun sila bumubuhay
sa pamilya imbis na ang asawa ng kapatid
ko naghihirap sa pagtatarabaho ngayun
kapatid ko ang hirap na hirap,kaya
medyo konti nagsusuport parin ako
naiiyak na nga lang ako sa gabi kasi
naawa tlga ako sa kapatid ko napaka
bata pa nyan pero naranasan na nya ang
napakahirap na buhay...thanks po talaga:)
mina210 san bayaan mo na..relax ka lang "THE CHOICES IN LIFE WE MAKE CAN NAIL OR WIN US" at minsan di talaga maasahan "History Repeat Itself"....pray ka kung wala ng ibang makakapitan Panginoon ka tumawag sa kanya walang bias patas lahat....relax ka lang ang pag iyak nakakatulong pero sister ang eye bugs natin diyos mio ang beauty natin iha reminder lang po!
mOtt_erU
08-28-2006, 12:52 AM
HI Mina210 ....haay naku , kanashii koto da ne.,..:( ,pero bilib ako sayo.
Anyways, alam mo sinabi mo pa..ganyan talaga yung ibang kabataan ngayon, hindi nila iniisip yung "future" nila , puro emosyon lang ang pinapagana kaya nakakalungkot .Kumbaga "Blinded by Love" sila as of the moment., ang mahirap pa dun ay minsan masyado pang bata yung iba, ni hindi pa nakakatapos sa pag-aaral , ni wala pang trabaho at pambuhay sa pamilya yung lalake .Mahirap talaga ang mga sitwasyon na ganito.Syempre ikaw mahal mo kapatid mo kaya kahit ganoon yung nagawa niya ay nanaig pa din sayo yung damdamin bilang kapatid, kahit naman siguro ako baka gawin ko din yung ginawa mo. Ang advice ko nalang sayo eh:
1. Tanungin mo kapatid mo kung gusto niya paba ipagpatuloy ang pag-aaral niya o magpapakasal na sila , dahil hindi magandang nagsasama sila ng hindi pa legal o walang basbas ng simbahan, dahil baka mabuntis /magkaanak sila ay hindi mabibinyagan ang bata pag hindi kasal ang magulang nito.
2. Kung gusto mag-aral bigyan mo ng chance pero dapat siguraduhin niya sayo na magtatapos siya at lilimitahan ang pagbBF niya,
3. Kung gusto na mag-asawa , mukhang wala ka ng magagawa ,ipakasal mo kahit sa huwes / simbahan, kahit simple lang.
4. Kahit maliit na puhunan bigyan mo ng pera para hindi nakaasa sayo o sa magulang ninyo,
at Matututo din sila ng salitang "Responsibilidad" ..pinili nila yan kaya dapat panindigan nila at paunlarin nila ang buhay nila.
5. Payuhan mo ang lalake o kaya kausapin mo sa denwa na alagaan ang kapatid mo, irespeto et "wag na wag sasaktan", minsan kasi may mga kabataan na dahil nga wala pa sa hustong edad ay "Mapusok" at padalos dalos pa, wag kamo nila pag-aawayan ang pera, magsikap nalang kamo sila pareho.
6.Payuhan mo din ang kapatid mo na siya kamo ang "gumagawa" at "magdedesisyon" kung anong "Klaseng Kinabukasan" magkakaroon siya , kaya wag kamo "padalos dalos". Isipin niya kamo mabuti.Hindi biro ang pag-aasawa.
Sana kahit konti natulungan kita sa mga payo ko sayo.May mga Kasamahan kase ako dati sa Omice na ganyan din ang koto kagaya ng sayo..Ganbate na..:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.