PDA

View Full Version : Break Muna...Lets Enjoy this!!!


mikan1227
07-16-2006, 09:09 AM
Prospective Employer to Applicant: " So why did you leave your previous job?"
Applicant: " The company relocated and they did not tell me where!"
____________________ ____________________ ____________________ ____
Bisaya 1: " Gara ng kutsi, siguro kay Miyur iyan."!
Bisaya 2: " Dili bay!"
Bisaya 1: " Kay Hipi?"
Bisaya 2: " Tuntu ka man. Kay FATHER iyan. Gisulat niya sa likud o, "'SAFARI'."
____________________ ____________________ ____________________ ___
Misis: " Sir, mananawagan po sana ako sa mister ko kasi dinala niya ang limang anak namin."
Radio Host: " Ok, g o ahead!"
Misis: " Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang sa iyo diyan!"
____________________ ____________________ ____________________ ___
Hello! Heto na naman ako. Gulu ng-gulo ulit ang isip ko. May nais lang sana akong itanong sa inyo. Alam ko matutulungan niyo ako Ang BIRDS FLU ba ay past tense ng BIRDS FLY?
____________________ ____________________ ____________________ ___
Nakasakay ka sa FX, ng ikaw ay mautot. Buti na lang malakas ang tugtog. Bawat pag-utot, sabay sa tugtog. Nang ikaw ay bumaba, ang sasama ng tingin nila sa iyo, bigla mong naalala...naka Walkman ka pala!
____________________ ____________________ ____________________ __
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", kaya ito uwi agad ako.
____________________ ____________________ ____________________ ___
1st night lola wore see thru dress, lolo didn't react...
2nd night lola wore t-back, lolo still deadma...
3rd night lola all naked, lolo said "anu yan suot mo, gusot-gusot!!"
____________________ ____________________ ____________________ ___
AMO: sagutin mo ang telepon inday!
INDAY: (baligtad ang hawak) hilo? hilo?
AMO: baligtarin mo!
INDAY: lohi? lohi?
AMO: telepon ang baligtarin mo!
INDAY: Puntili, puntili
____________________ ____________________ ____________________ ___
Juan: bday ng asawa ko
Pedro: ano regalo mo?
Juan: tinanong ko kung ano gusto niya.
P: ano naman sinabi?
J: Kahit ano basta may DIAMOND.
P: ano binigay mo?
J: Baraha.
____________________ ____________________ ____________________ ____
Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ko ng hearing aid. Grabe! ang linaw na ng pandinig ko!
Juan: Talaga?! Magkano bili mo?
Pedro: Kahapon lang
____________________ ____________________ ____________________ ____
Teacher: We are descendants of Adam and Eve!
Student: That's not true! My dad sez we are descendants of an Ape!
Teacher: We are not talking about your FAMILY!
____________________ ____________________ ____________________ ____
Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na to, let's make love.
Husband: Heh! tumigil ka nga. maaga pa akong gigising bukas, buti ikaw hindi na.
____________________ ____________________ ____________________ ____
KRIMINAL1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?"
KRIMINAL2: "Oo, nagta taka nga ako, 1 oras na tayo dito wala pa rin siya!
Sana naman walang nangyaring masama sa kanya."

ritzyu
07-16-2006, 02:50 PM
Mikan tsang, parang fiesta sa nayon ang kolay ng thread naten, iba-iba
kulay ng banderitas..alin ba poblacion diyan...jowk lang ha..pagkatapos matawa
ng mga moderators..mawawala na tayo sa mukha ng timog. :D


Sa isang mental hospital, kumakanta ang isang baliw habang
nakahiga sa kama, pagkatapos niyang kumanta, Siya ay dumapa
pero kumakanta uli, nagtanong ang nurse (nagtaka) bakit ka dumapa.
baliw: side B na kaseee.

Mister: Hindi na tayo magkakasundo, nagger ka masyado!
Misis: Napakawalang....ya mo mabisyo ka kasi!
Mister: Maghiwalay na tayo, sa akin si Jun-Jun at si Nene! sa
iyo si Jane at si Louie.
Misis: Sus! pinili pa yung di kanya.

Sulyapan lang po naten konti ang Timog Forum Rules and Regulations..peace tayo
mikan tsang :love:

mikan1227
07-18-2006, 11:20 AM
sensiya na po na carried away ako nde ko napansin napakacolorfull ng text ko nasobrahan kasi ako sa kakatawa eh...nde na po mauulit sensiya na po talga :)

fremsite
07-18-2006, 11:35 AM
ahihihihi~~~ mikan chan en ritzyu pren ~~~ :biglaugh: kakatawa naman mga jokes ... :p
and .. nag-enjoy din ako sa colorful fonts ~~~~ :roll: ahahahaha~~~~~!!!!
may papaluin ang mods ... :yikes: wait ~~~:scratch: parang may thread na ganito before ....:mushy:
anyways ... you made me tawa-tawa and that counts ! :grouphug: thanks for sharing ~~~:grinny:

Qoo
07-18-2006, 02:06 PM
ahahahahhh~~~~~~~ali w na aliw ako sa inyo:roll: :roll: :roll: @mikan1227 napatawa talaga ko pati mata ko na aliw:jiggy: @ritzyu ok joke mo pati moderators napasama..ahahahhh.. .@mommy fremsite de naman nag papatawa nag patawa na rin..hehehehhhhh~~~~ ~~~more pa mga sistah nakaka enjoy^^thanks for sharing:tiphat:

proud me
07-18-2006, 02:19 PM
wow~~~nakaka aliw~~~masarap talaga yong nakakabasa ng ganito~~~thank you sa inyo :D :thumb:

sensei
07-18-2006, 02:20 PM
.....ehto po ang tamang translation kasi sensei ako




Bawal daw pong iwan bukas ang pinto kaya nakalagay tong karatula sa harap

"BIRD'S FLEW"

hindi na pumasok yung dalawang hapon kasi ang pagkaintindi nila dito eh

....."TORI INFLUENZA"

sabi naman nitong kasamang Pilipino

......"TATLONG IMPLUWENSIYA" bakit po kayo natatakot pumasok eh tatlo naman tayong maimpluwensiya?


hirap magtranslate...hindi ako natawa sa joke ko


patawad po wala ako maisip...gutom na ako eh

hayaren
08-15-2006, 10:00 PM
Pasalai naman kayo lang ba ang may alam...wala lang nasa internet room lahat ang officemates ko...sila lang ba? ako din!:devil:

____________________ ____________________ ____________________ ______________

Ama: Hoy! Huwag kang babakla bakla ha?
Anak: Hindi po Itay, pupunta nga ako ng basketbolan eh!
Ama: Yan! Astig!
Anak: Inay? Nakita mo yung POMPOMS ko?
Ina: Alin? Yung Pink?:bonk:
____________________ ____________________ ____________________ ______________

Tatay(Farmer): Lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na, "ano ang plano mong itanim sa sakahan mo anak?"

Anak: FLOWERS PAPA! bongacious flowers!!!!:bouncy:
____________________ ____________________ ____________________ ______________

Hari : Anong gusto mong parusa? Ipakain sa LEON o pasukan ng BUBUYOG sa pwet?
Pedro: Mas gugustuhin ko pong pasukan ng bubuyog sa pwet
Hari: Mga kawal! Ilabas si Jolibee!!!!:lol:
____________________ ____________________ ____________________ ______________

Juan bumps a foreigner
Juan: Ay sori
Foreigner: Sorry too
Juan: Sori 3
Foreigner: What are you sorry for?
Juan: (kala mo bobo ako ha!) sori 5
Foreigner : i think you are sick!
Juan: hahahahahaha! sick daw, seven sunod!:scratch:
____________________ ____________________ ____________________ ______________

Women are physically stronger than men...
Why?
Because women can carry two mountains at a time! while men can carry only two eggs...
Take note! with the help of a bird pa!:roll:
____________________ ____________________ ____________________ ______________

wala lang killing the time...sorry din po nagawa kong maghighlight, parang kailangan kasi eh:(:wave:

DaVinci
08-16-2006, 05:58 PM
ok 'to ah, naaliw ako sa mga jokes nyo..eto naman ang share ko...

Parental Wisdom - Filipino Style


Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo
na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE : "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC : "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC: "Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY: "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA: "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER: "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE: "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION: "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS: "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY : "Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon
kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION : "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING: "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR: "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang
JUSTICE : "Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

leftbehind
08-16-2006, 09:01 PM
hehe, naaliw ako ah! mahal na talaga kita da vinci..........haha! !

DaVinci
08-16-2006, 11:07 PM
hehe, naaliw ako ah! mahal na talaga kita da vinci..........haha! !

salamat...:)

mOtt_erU
09-11-2006, 02:45 AM
Hi Mikan & Da Vinci...okey ha Omoshirokatta yo:)