ranberzul
07-16-2006, 04:31 PM
Sa buong araw ika’y kalaro
Kasama sa pag-akyat ng puno
Manunungkit may dalang buslo
Pag hindi naabot ay binabato
Laging may dalang posporo
Gagamba’y doon itinatago
Tutubing limilipad sa damuhan
Pag nahuli’y pakpak ay pinuputulan
Kasabwat sa pagtakas sa bintana
Palakpak lamang ang hudyat
Nang malaman ng lahat
Sipol ang ipinangtapat
Sa pagtalon sa luksong baka
Di maiwasang sumpungin ng hika
Teks na walang kamalay-malay
Numero’y gigawang pang lucky nine
Puno ng ipil-ipil ay tinatagtag
Para salagubang ay malaglag
Saranggolang nasa himpapawid
Nananalangin pisi’y wag mapatid
Sa pagsinghot ng tumutulong uhog
Sa kabilang butas naman lumulusot
Kaya’t sa tuksuhan binansagan kang onse
Nanlilimahid sa dungis hanggang pisngi
Alas singko dapat nang umuwi
Kung hindi’y may kurot sa singit
Pag iyong nakakaligtaan
Pinupuntahan ka ng lola mo sa laruan
Nang ika’y niyayang matulog
Buong bahay ay nabulabog
Sa panaginip ikaw ay umiihi
Kaya ang kamay ay naging mapanghi
Minsan nagkakaasaran
Minsan namay nagkakapikunan
Pag minamalas nagkakasuntukan
Hanggang sa magulang ay magkasuguran
Sa pag-ikot ng turumpo
Panahon ay nababago
Tulad ng larong taguan
Ikaw ngayon ay naglaho
Magkapatid kung magturingan
Saksi sa aking kabataan
Masarap pag binabalik-balikan
Mga pangyayaring mahirap ng makalimutan
Kasama sa pag-akyat ng puno
Manunungkit may dalang buslo
Pag hindi naabot ay binabato
Laging may dalang posporo
Gagamba’y doon itinatago
Tutubing limilipad sa damuhan
Pag nahuli’y pakpak ay pinuputulan
Kasabwat sa pagtakas sa bintana
Palakpak lamang ang hudyat
Nang malaman ng lahat
Sipol ang ipinangtapat
Sa pagtalon sa luksong baka
Di maiwasang sumpungin ng hika
Teks na walang kamalay-malay
Numero’y gigawang pang lucky nine
Puno ng ipil-ipil ay tinatagtag
Para salagubang ay malaglag
Saranggolang nasa himpapawid
Nananalangin pisi’y wag mapatid
Sa pagsinghot ng tumutulong uhog
Sa kabilang butas naman lumulusot
Kaya’t sa tuksuhan binansagan kang onse
Nanlilimahid sa dungis hanggang pisngi
Alas singko dapat nang umuwi
Kung hindi’y may kurot sa singit
Pag iyong nakakaligtaan
Pinupuntahan ka ng lola mo sa laruan
Nang ika’y niyayang matulog
Buong bahay ay nabulabog
Sa panaginip ikaw ay umiihi
Kaya ang kamay ay naging mapanghi
Minsan nagkakaasaran
Minsan namay nagkakapikunan
Pag minamalas nagkakasuntukan
Hanggang sa magulang ay magkasuguran
Sa pag-ikot ng turumpo
Panahon ay nababago
Tulad ng larong taguan
Ikaw ngayon ay naglaho
Magkapatid kung magturingan
Saksi sa aking kabataan
Masarap pag binabalik-balikan
Mga pangyayaring mahirap ng makalimutan