PDA

View Full Version : Pagbuwag ng Filipino Community sa Simbahan sa Japan


Kanlungan
07-20-2006, 10:18 AM
Bilang isang "concerned Catholic" na naninirahan dito sa Japan at naniniwala sa labis na maidudulot na tulong ng simbahan bilang "sanctuary" o "second home" para sa pagbubuklod-buklod at ugnayan ng mga Pinoy dito sa Japan, patuloy pa ring bumabagabag sa aking isipan hanggang ngayon ang impormasyon na nanggaling mula sa isang Pari dito sa lugar namin hinggil sa pagbubuwag ng Filipino Community sa ilang simbahan sa Tokyo, Kyoto at iba pang lugar dito sa Japan. Ilan sa mga dahilan na kanyang nabanggit sa homiliya ay ang mga sumusunod:

1) Ginagawa raw parang palengke ang simbahan
2) Sanhi lang daw ito ng pagkakaroon ng gulo ng Pinoy at iba pa

Nais ko rin pong malaman ang impormasyon galing mismo sa mga taong nakatira at aktibo rin sa simbahan ng mga lugar na aking nabanggit sa taas. Gaano po ba ito katotoo? Kung ito nga ay totoo, ano po ba talaga ang dahilan? Ano naman ang opinyon at kuro-kuro ninyo hinggil dito?

Firipinjin
07-20-2006, 12:18 PM
1) Ginagawa raw parang palengke ang simbahan
2) Sanhi lang daw ito ng pagkakaroon ng gulo ng Pinoy at iba pa


Kasi naman ang dami ng mga kababayan natin dito ay bitbit nila ang 'Quiapo' mentality. Marami and walang manners at etiquette.

mikan1227
07-20-2006, 12:34 PM
dapat nga po bigyan ng disiplina ang ilan sa mga filipino communities dito sa Japan kasi yung iba talaga naman ginagamit lang ang simbahan for their own motives...napapansin ko nga rin po kasi na everytime na nagsisimba ako dito sa lugar na tinitirhan ko ngayon karamihan sa ating mga kababayan ginagamit lang ang simbahan para makipagkamustahan, makipagtsimisan, magkaroon ng kontak sa ibang kababayan para pagbentahan ng mga produkto nila which i found very annoying kasi di ba pagkatapos mo magsimba ganito ang makikita mo??? ewan ko kaya nga everytime na nagsisimba ako pinipili ko yung pinakamalapit sa pari kasi pag sa likod ako naupo nde mo na halos marinig ang sermon kasi sa ingay ng katabi mo walang pakialam na nasa loob kayo ng simbahan.

sabi nga po ng pari sa simbahan na pinagsisimbahan ko na marami nga daw ang nabuwag na filipino community dito sa Japan dahil karamihan sa kanila ay lumabis na ginawa na nilang Pilipinas ang Japan which i believe sa Japan you do what the romans do kaya nga dapat sundin natin kung anuman ang rules and regulations ng japanese government dahil nakikitira lang tayo sa bansa nila kung nasa pinas na lang tayo dun na lang tayo gumawa ng kung anuman ang gusto natin dahil sa pinas iba ang utos ng gobyerno sa gusto ng tao....hayyyy kaloka na kung minsan!

swnko_bebe
07-20-2006, 01:28 PM
Makiki sabat na nga rin po sa usapan... Sa tingin ko ay wala naman po sigurong masamang makipag kumustahan o makipag kuwentuhan at makipag sayahan sa tuwing may makaka salamuha tayong mga kababayan natin lalo na sa mga organisasyon na maraming Pinoy na pumupunta,tulad ng simbahan. Di po talaga maiwasan ng ilang kababayan na matuwa ng sobra , nakakawala kase ng stress na makipag usap sa mga kababayan na naging kaibigan na natin sa pagsisimba at tuloy nakakalimutan na, na wala nga pala tayo sa Baclaran. Pero huwag naman po sanang kaliligtaan na nasa loob po tayo ng premises ng simbahan at hindi po koen na pinagdada usan ng EB. Saka iwasan namanpo sana natin na makatawag ng atensyon ng ibang nagsisimba sa malalakas nating usapan at hagikgikan. Minsan po kaseng napadaan ako ng simbahan at kahit walang misa ay makapag dasal man lang ng mabawasan ang lungkot at maibsan man lang ang mga problemang dinadala ko sa oras na yon, pero sa gitna ng taimtim na pag dadasal eh biglang may umali ngawngaw na boses ng ilang mga kababayan natin ang nakawala ng konsentrasyon ko, kahit ipikit ko ng madiin ang mata ko at mag bingi bingihan ay naririnig ko pa rin sa loob (nasa labas sila) kung ano ang mga pinag uusapan nila dahil nga po sa lakas ng boses at pagtatawanan na pati ilang di naman kalahi ayun at napapa tulala sa kanila. May nagbebenta rin po ng ulam ng tig 500yen ang 1pack habang tuloy ang iba sa pag tatawanan tungkol sa kanikanilang mga kwento. Medyo napadali na tuloy ang pagdasal ko, sabi ko kay Lord next time na lang po ulit.
Nga pala, di naman ako against sa mga ka amiga natin sa churh na masasayahing tao, lagay lang po natin sa lugar ang mga sarili nating emosyon at wag masyadong bulgar at malakas ang kwentuhan lalo at sa simbahan po. Please...;)

NemoySpruce
07-20-2006, 02:19 PM
tanong ko lang po kung ano yung "pagbubuwag"? bawal na magsimba ang mga Pilipino? Di po ata tama yun, kawawa naman yung mga tahimik na nagsisimba, damay po ba sila?

masasabi ko lang, sobrang nakakahiya naman talaga etong sitwasyon na to, ang nakikita kong paraan jan ay information campaign muna. bago kayo mag simba ay mag print kayo ng pamphlet, ilagay nyo sa magandang pamaraan ang lahat ng dahilan kung bakit dapat di magingay sa loob ng simbahan, kung pwedeng may drowing ay lagyan ng drowing parang komiks. Simple lang ang mga salita sa pamphlet, na parang kumakausap ka ng 10yrs old na bata, explain kung bakit dapat tahimik kapag nagsisimba, kung bakit nakakahiya sa mga hapon, at kung ano ang epekto nito sa buong bansa at lahing pilipino. At i-abot mo ito sa kung sino man ang magiingay habang nagsisimba.

kung medyo masipag kayo ay baka pwedeng mag organize ng parang "bible-study" before or after the mass, pero wag nyo nang asahan na magbabasa ng bibleya, tsismisan na lang yan malamang. ang point lang is isa-lugar ang dakdakan. these are just my ideas, im sure you can come up with better ones, more suitable for your community. tandaan na lang natin ang kasabihan na "if you are not part of the cure, you are part of the problem"

Kanlungan
07-20-2006, 03:09 PM
@NemoySpruce

Hindi rin malinaw sa akin kung ano ba ang ibig ipagkahulugan ng "pagbuwag" ng Filipino community. Marahil ang tinutukoy ng Pari, na nabanggit ko sa una kong post, ay walain ang organisasyon ng mga Filipino na nauugnay sa simbahan... at gawing isang community na lamang kasama ang mga Japanese. Ang posibleng maging dulot nito ay ang pagkawala ng misa sa Tagalog o sa English, kung saan marami sa mga Pinoy ang nagsisimba.

Nais ko pa ring malaman sa mga kaibigan nating Pinoy sa Tokyo at Kyoto na nagsisimba at mahilig ding magtambay dito sa Timog kung talaga bang nawala na o nabuwag na ang Filipino Community diyan o wala na ba talagang English o Tagalog masses diyan.

Kung totoo nga, ano na ang magiging implication ng "pagbuwag" nito?

Kanlungan
07-20-2006, 03:48 PM
sabi nga po ng pari sa simbahan na pinagsisimbahan ko na marami nga daw ang nabuwag na filipino community dito sa Japan dahil karamihan sa kanila ay lumabis na ginawa na nilang Pilipinas ang Japan which i believe sa Japan you do what the romans do kaya nga dapat sundin natin kung anuman ang rules and regulations ng japanese government dahil nakikitira lang tayo sa bansa nila kung nasa pinas na lang tayo dun na lang tayo gumawa ng kung anuman ang gusto natin dahil sa pinas iba ang utos ng gobyerno sa gusto ng tao....hayyyy kaloka na kung minsan!

@mikan1227 ... huwag mo sanang mamasamain ang opinion ko.
walang kinalaman ang rules and regulations ng japanese government sa pagpapatakbo ng simbahan. kahit saang lugar - sa pinas, sa japan, sa america, sa rome (when in rome, do what do romans do, not here in japan), sa iraq, at kung saan pa - iisa ang itinuturo, iisa ang dogma ng catholic church. pumupunta tayo sa simbahan para isakatuparan ang obligasyon natin bilang myembro nito. hindi nga lang para mapatibay pa ang ating paniniwala at pananampalataya para sa Diyos at kay Kristo kundi para rin isabuhay ito ("living faith"... wika nga). dahil sa "living faith" na ito, makikita nating involve din ang simbahan sa pagtalakay ng maraming issues sa buong mundo - social problems, injustices, etc.

tama ka na dapat ay hindi maingay sa loob ng simbahan, na di dapat maging palengke ang simbahan. pero di tama na "we need to practice our faith about Catholicism the japanese way" dahil lang sa nasa japan tayo.

summergirl
07-20-2006, 06:59 PM
so far dito sa Ibaraki<tsukuba>walang ganyang news dahil very active ang mga filipino rito lalo na ang mga studyante from Tsukuba University,siguro sa ibang place parang palengke pero hindi naman ganyan dito sa lugar namin,as a matter a fact,ang palaging nag ga gospel reading dito,volunteer groups,english school halos lahat pinoy ang namumuno,kaya hindi lahat ng iniisip ng catholic church ay pare pareho,dahil kung totoo iyon di sana inaannounce na dito sa chuch namin.Sorry sa mga tatamaan,kaya tayo pumupunta sa simbahan hindi para maki pag chikahan,sana sana naman ilagay natin sa tamang lugar ang sarili natin,para sa diyos ang ginagawa natin hindi para kung kanino man,nakakasira tuloy di da'''''''':confused:

michiko
07-20-2006, 07:15 PM
makikisali na nga po..

sa niigata po sa lugar namin eh walang namang nabanggit na ganyan sa katunayan eh gustong gusto nga ng mga japanese at ibang foreigner ang mga filipino halos 80% naman kasi ng nagsisimba eh mga filipino talaga..tapos once a month po ang simba na may english na mass tapos yung mga choir po ay mga filipino po..masaya dun kasi after ng mass may konteng selebrasyon pa kasama ang mga pari at mga japanese na nagmemeryenda..nakak alungkot namang pakinggan kung ganyan ang nangyayari sa ibang lugar dyan sa japan..:(

Owit
07-22-2006, 01:15 PM
Tama si Firipinjin sa comment niya..........

Noong nag tratrabaho pa ako sa abu dhabi, uae......every weekend ako nag sisimba at napansin ko na behave talaga ang mga tao doon. Klase klaseng mga tao, may mga puti, may mga arabs, maraming indian at of course mga pilipino.

Behave ang mga parishioners doon kasi super strict si father, lalo na yung puti na pari.... Ina announce niya pag may narinig siyang may nag uusap or nag riring yung mobile mo. May sariling kwarto ang may mga batang dala.

Siguro depende talaga yan sa tao........common sense yan eh, alam mo ang tama at hindi sa loob ng simbahan.

Lapu_lapu
07-22-2006, 09:21 PM
Tama si Firipinjin sa comment niya..........

Noong nag tratrabaho pa ako sa abu dhabi, uae......every weekend ako nag sisimba at napansin ko na behave talaga ang mga tao doon. Klase klaseng mga tao, may mga puti, may mga arabs, maraming indian at of course mga pilipino.

Behave ang mga parishioners doon kasi super strict si father, lalo na yung puti na pari.... Ina announce niya pag may narinig siyang may nag uusap or nag riring yung mobile mo. May sariling kwarto ang may mga batang dala.

Siguro depende talaga yan sa tao........common sense yan eh, alam mo ang tama at hindi sa loob ng simbahan.

Tama ka pareng Owit... Nasa tao na yon... Pero itong sa St. Ignatius, naku, hindi na ito mapigilan. May kareton pa ....

Tonyang
08-09-2006, 10:20 PM
Talagang imposibleng mabuwag ang Filipino community sa Simbahan dahil pag nabuwag tayo, ibig sabihin, sarado na ang simbahan. Ang mga Pilipino lang ang karaniwang mga tao sa mga simbahan sa Japan.

Kanlungan
08-10-2006, 07:07 PM
Talagang imposibleng mabuwag ang Filipino community sa Simbahan dahil pag nabuwag tayo, ibig sabihin, sarado na ang simbahan. Ang mga Pilipino lang ang karaniwang mga tao sa mga simbahan sa Japan.

ito nga marahil ang dahilan kung bakit nag-post ako ng thread na ganito. dahil hindi rin ako naniniwala na ganoon lang kadaling buwagin ang filipino community, lalo pa't kung ito ay nauukol sa simbahan - paglilingkod sa Diyos at sa tao.

di ko marahil malaman kung ano ang motibo ng pari na nagsasabi ng ganito sa kanyang kapwa filipino.