PDA

View Full Version : Panawagan tungkol sa nawawalang ina

sensei
07-25-2006, 11:56 AM
Magandang araw sa inyo Timog Forum moderators and members.

Isa sa ating kababayan dito sa Japan ang nananawagan sa ina ng mga batang ito. Kahit man lang sa pamamagitan ng Timog Forum ay mapag alaman ang kinaroroonan ni Mrs. Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). Sa mahigit na anim o pitong taon na pamamalagi niya sa Japan ay hindi man lang niya nakita ang paglaki ng mga anak nia. Wala pang isang taon ang edad ng bunso na si Kristoffer Chad ng magpunta ng Japan ang kanyang ina. Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa. Nakikiusap ang mga anak na kahit man lang isang beses ay makilala nila ito.

Isang sundot sa puso para sa mga tulad ng ibang magulang na nawalay ng matagal sa anak. Nawa’y pagbigyan ang kahilingan ng ating kababayan dahil hindi siya pwedeng basta na lang umuwi ng Pilipinas. Hindi rin siya miyembro ng Timog Forum ngunit umaasa pa ring may makakatulong. Ang tatlong batang ito ay kanyang pamankin, kasalukuyang pinag aaral ang mga bata at nasa pangangalaga ng lolo at lola. Ngunit sa matinding pangangailangan dahil tumatanda na rin sila, ipinapahanap po ang tunay na magulang para hindi naman maging kawawa ang mga bata sa paglaki.

Ang panganay na si Kyle Chevroe (grade 3), Klarenz Cyril (grade 2) at Kristofer Chad (grade 1) ay umaasa na makita nilang muli, mayakap at mahagkan si “mommy”.

Huling pagkakaalam na kinaroroonan ni Mrs Jonna Tiangson Kaneko ay sa Gunma.At balitang napadpad sa Yokohama, anim na taon na nakakalipas.

Ipagbigay alam kay sensei.
(Send me PM and I’ll give you her contact number)

Yoroshiku Onegaishimasu

Click for Photos:

-Jonna (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/Jonna.jpg)-
-Kyle Chevroe (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KyleChevroe.jpg)-
-Klarenz Cyril (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KlarenzCyril.jpg)-
-Kristofer Chad (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KristoferChad.jpg)-
Jonna Tiangson Kaneko, malubha ang sakit ng panganay mong anak. Baka gusto mo pa silang makita

Qoo
07-25-2006, 12:18 PM
ohayo sensei.nakaka awa naman mga batang yan!!!sana naman makita ang kanilang ina.....I pray to God namakita ito ng kanilang ina at sana gumaling ang sakit ng bata....salamat po

sensei
07-25-2006, 12:21 PM
ohayo sensei.nakaka awa naman mga batang yan!!!sana naman makita ang kanilang ina.....I pray to God namakita ito ng kanilang ina at sana gumaling ang sakit ng bata....salamat po

Salamat sa concern, nakakaiyak ....ampapayat ng mga bata.

Pakiusap lang po na sana kahit isang beses isang linggo ay i-update natin ang thread na ito.

proud me
07-25-2006, 12:40 PM
sensei...nakakatagos naman sa puso ko toh...dahil ako rin merong tatlong anak na lalaki sa dati kong asawang pinoy...parents ko rin ang nag-alaga sa mga anak ko ...pero alam nilang lahat ...lahat na ata nabangga ko na pagtungkol sa mga anak ko na..dumating pa nga halos yong hindi ko na nakita yong maling naging ugali ng anak ko sa pagtatanggol ko...pero na-realize ko rin yon na naging mali ako sa parteng yon..na-spoild baga...pero ngayon okey na...sana mabasa nya at makita ang mga anak nya...nanay yan..meron lang sigurong dahilan kung bakit naging ganon ang sitwasyon nila...:)

satsuki
07-25-2006, 01:32 PM
Sensei nakakaawa naman ang mga batang iyan...akong isang ina ay di ko gugustuhin na maging kanya ang buhay nila...san makita na nila ang kanilang ina..Lets pray for tehm mga ka TF

sensei
07-25-2006, 01:35 PM
..dumating pa nga halos yong hindi ko na nakita yong maling naging ugali ng anak ko sa pagtatanggol ko...pero na-realize ko rin yon na naging mali ako sa parteng yon..

...sana mabasa nya at makita ang mga anak nya...nanay yan..meron lang sigurong dahilan kung bakit naging ganon ang sitwasyon nila...:)

Mahirap talaga pag nawalay ang mga bata sa magulang. Lalong napapalihis ang landas...

Sana ay makarating sa puso ng mga ina ang panawagang ito. Hindi lang para sa tatlong bata na nasa larawan kundi na rin ang mga anak ng mga malalayo sa magulang. Iba pa rin ang pagmamahal ng sariling ina.

Ang kababayan po natin na kumakalinga ngayon sa mga bata ay menor de edad.
Nagpunta dito sa Japan para kumita ng pera, para makapagpatuloy sa pag aaral ang mga bata.
Nakikiusap ako sa tanging ina...hindi problema ang pera. Handa siyang tumulong dahil mahal niya ang pamangkin niya. Bilang pangalawang ina sa mga iniwan mong mga anak.
Hinihiling lang ng mga anak mo na bumalik ka sa piling nila, kahit mahirap ang buhay iba pa rin maranasan ang pag aaruga at pagmamahal ng isang ina.

@satsuki,
maraming salamat sa pang unawa, makakatulong ang inyong panalangin.

@aimi2819
salamat aimi2819, alam ko rin na kahit sinong magulang hindi kayang tiisin ang anak.
Sana nga ay nasa maayos na kalagayan ang kanilang ina.
Hinihintay siya ng mga bata....

aimi2819
07-25-2006, 01:41 PM
Sensei, idinadalangin ko na wala naman sanang masamang nangyari sa kanilang nanay, kasi wala naman sigurong magulang na makakatiis sa kanyang mga anak, lalo na sating mga pilipino, di natin matitiis ang ganyang kalagayan ng ating mga anak o kahit na kamag anak lang, sana talaga may makuha tayong information tungkol dito.

crystal
07-25-2006, 03:29 PM
Nakaka-awa yung mga bata ang papayat nila,,napaiyak :cry: :cry: :cry: mo ako sensei,

Mrs.jonna Tiangson,maawa naman po kayo sa anak nyo,kung nasaan ka man sana huwag mong kalilimutan yung anak mo,sana naman po makauwi ka ng pinas para maalagaan mo yung anak mong may sakit,kawawa naman.Bago mo pagsisihan ang lahat sa bandang huli..:( :( :(

prettyjoyce
07-25-2006, 03:37 PM

Tama ka crystal nakakaiyak nga...:( Parang kulang sila sa nutrisyon..at malulungkot ung mga mata nila...:ohlord: Kaya sa mga nakakakilala dyan kay Mrs. Jonna Tiangson parang awa nyo na,ipag-bigay alam nyo lang po or kay Mrs.Tiangson mismo nananawagan kami kamustahin nyo naman ung mga anak nyo...:(

proud me
07-25-2006, 04:09 PM
sensei...sana nga mabasa nya tong panawagan mo..:)

jonna san..kung mabasa mo tong panawagan ni sensei...kung gusto mong mag-share dito sa TF...para sa panig mo...wag-ka sanang mag-atubiling sumagot dito...lahat ng problema merong kalutasan...ang tao merong kanya-kanyang pananaw sa buhay...God Bless you at sa mga anak mo...:)

LEMON
07-25-2006, 05:59 PM
baka meron din akong maitulong ..sa pag hahanap sa mama nila ...sana hipuin ni LORD yung anak niyang may karamdaman...feel na feel ko rin ang nadarama ninyong mga t f members...kyoryoku shimasu...

PILIPINAS
07-25-2006, 07:16 PM
Pwedeng magtanong, 'yung picture ba ng babae na kasama 'nung baby ay si Mrs. Jonna Tiangson?

Kamakailan lang mayroon din nag-post dito tungkol din sa nawawalang kamag-anak. Check this thread (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=533 7).

I'm trying to look for a homepage for missing Filipinos abroad under DFA. Sad to say, I got no luck finding it.

Sana nga may makapag-bigay ng mga information tungkol sa mga nawawala nating kababayan.:(

sensei
07-25-2006, 10:44 PM

Siya po yung nasa picture, hindi lang ako sure kung pang ilan yang baby sa tatlong magkakapatid.

I was expecting na mae-edit yung post ko. Alam ko po na bawal sa rules ng TF na mag publish ng personal informations. But at this moment of time...I took the risks in the hope of helping these kids.

Sana lang po may makapag inform, baka kapitbahay/kamaganak/kakilala ng isang TF member...
please lend them a hand.

katty0531
07-26-2006, 12:11 AM
Nakakatouch......... ..ang gaganda ng mga names nila.........how come na yong ina di man lang nya na alala sila...........kawai iso....segi tatandaan ko yong mukha ng nanay baka napadpad dito sa may amin, sana no magkita na sila........mahigpit na ngayon ang koujin juho dito mahirap na humanap ng tao.

myukasky
07-26-2006, 01:00 AM
Nakakaawa naman yung mga anak nya.:( Kahit nakangiti sila sa pictures andoon pa rin yung lungkot. Sana gumaling yung bata at magkita pa sila ng mother nila wish ko lang.

maimai
07-26-2006, 01:32 AM
Nakakaawa naman yung mga anak nya.:( Kahit nakangiti sila sa pictures andoon pa rin yung lungkot. Sana gumaling yung bata at magkita pa sila ng mother nila wish ko lang.

oo nga~~kawawa yung mga bata~~kahit nakasmile sila..kitang kita talaga ang lungkot sa mukha nila..:O :O ..sana naman magparamdam na yung ina nila~~kawawa talaga~~tatlo pa naman sila~~:)

summergirl
07-26-2006, 05:30 AM
sana ok lang ang mother nila kasi walang magulang ang nakatiis sa mga anak unless kung talagang inabandon na sila,sana hindi naman dahil walang kasalanan ang mga bata ng isilang sila sa mundo,sana mabasa ng mother nila ang thread ni sensei dito para makita nya kung gaano kalalaki na ang anak nya without her presences

crystal
07-26-2006, 06:46 AM
`@ sensei,

ask ko lang po,kung mayroon pa po ba siyang latest picture?and yung info about her kung san siya dito sa japan pumunta,Kasi kung meron pa po sanang information about her,paki-add po,Sa tingin ko naman po maii-ntindihan po ito ng moderators ang bagay na ito kung sakali.Willing to help po:)

Hanki
07-26-2006, 10:57 AM
sana naman walang masamang nagyari sa mommy nila.kasi tayo nga eh kapatid,magulang di natin kayang tiisin ANAK pa kaya.
share ko lang yun nagyari sa frend ni sister ko.ang tagal na walang contact sa mother nya sa pilipinas yun pala matagal ng patay hindi man lang sinabi ng asawang hapon.hinahap sya ni sister at napag alaman na hindi nilagay sa libingan doon lang sa temple kawawa naman. wag naman sana kapareho her children are too little to be left. oh baka wala lang syang magawa sa sitwasyon nya ngayon.
sana magkita na sila at gumaling na yun anak nya

Galadriel
07-26-2006, 04:58 PM
Kung hindi ako nagkakamali, pwede yatang makahingi ng tulong sa City Hall yung mga problemang ganito. May napanood ako sa TV na similar yung case, pero mag-inang hapon naman. Basta valid at ma-explain lang ng maayos yung dahilan. Pwede nila ma-trace kung saan last nagpa-register ng residence yung taong hinahanap. Actually, pwede rin nila maibigay yung exact address. Sana nga lang updated ang record ng missing nanay. Kung may endorsement letter or representative galing ng Philippine Embassy, baka sakali mas makakuha ng magandang result from the city hall.

Kung may magandang loob na magvo-volunteer from Yokohama, baka sakali maging positive yung outcome nito. Hoping for the best!

sensei
07-26-2006, 10:57 PM
Huling address na napag alaman ko

Jonna Tiangson Kaneko
319-23 Kamigoka Chiyoda-ura Gunma Ken Japan

Magkaron lang po ako ng pagkakataon.......fo llow up ko na lang po ito sa Philippine Embassy. But at this point...nanghihingi po muna ako ng tulong sa kapwa natin Timog.

Requesting this thread to be post in the front page items.

Yoroshiku Onegaiitashimasu

Firipinjin
07-27-2006, 12:05 AM
Requesting this thread to be post in the front page items.

Front page na itong thread mo Sensei thanks to Crispee.

summerghie
07-27-2006, 12:52 AM
Huling address na napag alaman ko

Jonna Tiangson Kaneko
319-23 Kamigoka Chiyoda-ura Gunma Ken Japan

Magkaron lang po ako ng pagkakataon.......fo llow up ko na lang po ito sa Philippine Embassy. But at this point...nanghihingi po muna ako ng tulong sa kapwa natin Timog.

Requesting this thread to be post in the front page items.

Yoroshiku Onegaiitashimasu

sensei taga gunma ken po ako...kaso di ko alam kung saan banda yan pero itanong ko po sa asawa ko...andun pa kaya siya?

kawawa naman yun mga bata..

vectra1123
07-27-2006, 01:03 AM
sensei taga gunma ken po ako...kaso di ko alam kung saan banda yan pero itanong ko po sa asawa ko...andun pa kaya siya?

kawawa naman yun mga bata..Summerghie,yan g lugar yata na yan lampas ng Tatebayashi,yung papunta ng Oizumi,check ko bukas sa navi ang exact location!Sensei may picture ka ba ng taong hinahanap mo?Medyo malapit kasi ako sa Add.na ibinigay mo baka may nakakakilala sa mga kaibigan kong pinoy sa Gunma!:)

pisay81
07-27-2006, 03:33 AM
Mga kapatid, bakit hindi ko yata makita ang pics? :confused:
When I click the links ay may warning sign na "Invalid attachments" daw. :(

Mods, please help...

Magandang araw sa inyo Timog Forum moderators and members.

Isa sa ating kababayan dito sa Japan ang nananawagan sa ina ng mga batang ito. Kahit man lang sa pamamagitan ng Timog Forum ay mapag alaman ang kinaroroonan ni Mrs. Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). Sa mahigit na anim o pitong taon na pamamalagi niya sa Japan ay hindi man lang niya nakita ang paglaki ng mga anak nia. Wala pang isang taon ang edad ng bunso na si Kristoffer Chad ng magpunta ng Japan ang kanyang ina. Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa. Nakikiusap ang mga anak na kahit man lang isang beses ay makilala nila ito.

Isang sundot sa puso para sa mga tulad ng ibang magulang na nawalay ng matagal sa anak. Nawa’y pagbigyan ang kahilingan ng ating kababayan dahil hindi siya pwedeng basta na lang umuwi ng Pilipinas. Hindi rin siya miyembro ng Timog Forum ngunit umaasa pa ring may makakatulong. Ang tatlong batang ito ay kanyang pamankin, kasalukuyang pinag aaral ang mga bata at nasa pangangalaga ng lolo at lola. Ngunit sa matinding pangangailangan dahil tumatanda na rin sila, ipinapahanap po ang tunay na magulang para hindi naman maging kawawa ang mga bata sa paglaki.

Ang panganay na si Kyle Chevroe (grade 3), Klarenz Cyril (grade 2) at Kristofer Chad (grade 1) ay umaasa na makita nilang muli, mayakap at mahagkan si “mommy”.

Huling pagkakaalam na kinaroroonan ni Mrs Jonna Tiangson Kaneko ay sa Gunma.At balitang napadpad sa Yokohama, anim na taon na nakakalipas.

Ipagbigay alam kay sensei.
(Send me PM and I’ll give you her contact number)

Yoroshiku Onegaishimasu

Click for Photos:
-Jonna (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/Jonna.jpg)-
-Kyle Chevroe (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KyleChevroe.jpg)-
-Klarenz Cyril (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KlarenzCyril.jpg)-
-Kristofer Chad (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KristoferChad.jpg)-
Jonna Tiangson Kaneko, malubha ang sakit ng panganay mong anak. Baka gusto mo pa silang makita

japina
07-27-2006, 11:52 AM
hi! sa mga taga tf!!

hindi ko rin po makita nag graphics "invalid attachments" din ang nakalagay. pero ayon sa nabasa ko nakakaawa talaga ang mga bata . sana magkaroon ng miracle at magkita na silang mag-iina. mahirap mawalay sa ina lalo na at lumalaki na ang mga bata. tf family kasama nyo ako sa panalangin na sana mahanap na si jonna san.

mina210
07-27-2006, 01:56 PM
ako din hindi ko makita yung picture.... sana may makapagturo po saamin... nakaakawa naman ang bata.. mahirap maghusga sa kanilang magulang sana maayos sa siya saan man siya naroroon sana mabasa nya ang mga post na eto...:O

summerghie
07-27-2006, 05:30 PM
Summerghie,yang lugar yata na yan lampas ng Tatebayashi,yung papunta ng Oizumi,check ko bukas sa navi ang exact location!Sensei may picture ka ba ng taong hinahanap mo?Medyo malapit kasi ako sa Add.na ibinigay mo baka may nakakakilala sa mga kaibigan kong pinoy sa Gunma!:)

oo natanong ko na kay hubby sa bandang tatebayashi daw yun kaso nabasa ko sa kabilang page eh doon siya dati tas ngaun asa yokohama na daw sabi ni sensei...

OT..
malapit kaba tatebayashi? alam mo yun ootah?

crispee
07-28-2006, 12:57 AM
Hello everyone,

The links to the photos are fixed. Sorry for the inconvenience.

Tonyang
07-28-2006, 06:47 AM
oo natanong ko na kay hubby sa bandang tatebayashi daw yun kaso nabasa ko sa kabilang page eh doon siya dati tas ngaun asa yokohama na daw sabi ni sensei...

OT..
malapit kaba tatebayashi? alam mo yun ootah?

Malaking bagay na may address. Kaso baka lalong magtago ang nanay dahil sa kahihiyan pag nalaman niya na siya ay wanted o baka dahil sa may nangyari sa kanya na hindi natin nalalaman. Bago tayo maghusga, alamin sana natin ang totoong nangyari sa kanya. O baka may mga attempt na rin siyang ginawa noon pero di siya pinagbigyan ng kumukupkop sa mga anak niya ngayon o dahil sa ibang pangyayari pa...marami tayong baka baka... at baka alias din ang pangalan niya ngayon. Kung may retrato, mas madali.

sensei
07-28-2006, 08:04 AM
Good morning Timog!!!

Thanks to all, moderators members and guests of Timog Forum.

@summerghie & vectra1123
Yoroshiku onegaishimasu, malapit siguro kayo or mga friends niyo dyan sa place na yan.

@Tonyang
Sa tingin ko naman mas nakakahiyang magtago...atsaka wala pa akong naririnig na ganitong magulang na hindi man lang nagpapakita sa anak.
Kung ano man ang nangyari sa kanya, ano naman ang kailangan niyang itago sa sarili niang anak...wala siyang dapat ikahiya dahil siguro nagbakasali siyang bumalik ng Japan para gumanda ang buhay.
Kung nag attempt ba siya dating kunin ang sariling anak sa mga lolo't lola, bakit naman hindi ibibigay eh mas maaasikaso ito ng sariling ina.
Come to think of it, ang mga grandparents nitong mga batang ito eh nasa 60+ years of age. Hanggan kelan sa tingin mo kayang mag aruga ng apo kung uugod-ugod na at may sakit?
Wala akong anak pero may puso naman ako para sa mga ganyang abandoned children.

@crispee
Osewaninarimasu.
Nagpapasalamat ako sa Timog Forum.
Ehto pa lang din ang kaya kong itulong as of now.

Yoroshiku Onegaishimasu
sensei

vectra1123
07-28-2006, 12:52 PM
Sensei,oo malapit ako sa sinasabi mong lugar,at marami akong kilala doon,kung may litrato sana sya pwede kong ipakita sa mga friends ko sa area baka kilala nila!,matagal na rin ako dito sa place ko at marami nga rin akong kilala pero karamihan alias lang ang gamit nila!:)

ay_me
07-28-2006, 07:39 PM
Magandang araw sa inyo Timog Forum moderators and members.

Isa sa ating kababayan dito sa Japan ang nananawagan sa ina ng mga batang ito. Kahit man lang sa pamamagitan ng Timog Forum ay mapag alaman ang kinaroroonan ni Mrs. Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). Sa mahigit na anim o pitong taon na pamamalagi niya sa Japan ay hindi man lang niya nakita ang paglaki ng mga anak nia. Wala pang isang taon ang edad ng bunso na si Kristoffer Chad ng magpunta ng Japan ang kanyang ina. Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa. Nakikiusap ang mga anak na kahit man lang isang beses ay makilala nila ito.

Isang sundot sa puso para sa mga tulad ng ibang magulang na nawalay ng matagal sa anak. Nawa’y pagbigyan ang kahilingan ng ating kababayan dahil hindi siya pwedeng basta na lang umuwi ng Pilipinas. Hindi rin siya miyembro ng Timog Forum ngunit umaasa pa ring may makakatulong. Ang tatlong batang ito ay kanyang pamankin, kasalukuyang pinag aaral ang mga bata at nasa pangangalaga ng lolo at lola. Ngunit sa matinding pangangailangan dahil tumatanda na rin sila, ipinapahanap po ang tunay na magulang para hindi naman maging kawawa ang mga bata sa paglaki.

Ang panganay na si Kyle Chevroe (grade 3), Klarenz Cyril (grade 2) at Kristofer Chad (grade 1) ay umaasa na makita nilang muli, mayakap at mahagkan si “mommy”.

Huling pagkakaalam na kinaroroonan ni Mrs Jonna Tiangson Kaneko ay sa Gunma.At balitang napadpad sa Yokohama, anim na taon na nakakalipas.

Ipagbigay alam kay sensei.
(Send me PM and I’ll give you her contact number)

Yoroshiku Onegaishimasu

Click for Photos:

-Jonna (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/Jonna.jpg)-
-Kyle Chevroe (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KyleChevroe.jpg)-
-Klarenz Cyril (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KlarenzCyril.jpg)-
-Kristofer Chad (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KristoferChad.jpg)-
Jonna Tiangson Kaneko, malubha ang sakit ng panganay mong anak. Baka gusto mo pa silang makita Sensei, good afternoon.Bakit hindi nyo po ilapit sa Phil.Embassy ang tungkol dito,kawawa naman yung mga bata.Siguro naman kahit papano me magagawa ang ating embassy. I wish sana makita na yung mother nila.Good luck, sa TF

Tonyang
07-28-2006, 08:00 PM
Good morning Timog!!!

Thanks to all, moderators members and guests of Timog Forum.

@summerghie & vectra1123
Yoroshiku onegaishimasu, malapit siguro kayo or mga friends niyo dyan sa place na yan.

@Tonyang
Sa tingin ko naman mas nakakahiyang magtago...atsaka wala pa akong naririnig na ganitong magulang na hindi man lang nagpapakita sa anak.
Kung ano man ang nangyari sa kanya, ano naman ang kailangan niyang itago sa sarili niang anak...wala siyang dapat ikahiya dahil siguro nagbakasali siyang bumalik ng Japan para gumanda ang buhay.
Kung nag attempt ba siya dating kunin ang sariling anak sa mga lolo't lola, bakit naman hindi ibibigay eh mas maaasikaso ito ng sariling ina.
Come to think of it, ang mga grandparents nitong mga batang ito eh nasa 60+ years of age. Hanggan kelan sa tingin mo kayang mag aruga ng apo kung uugod-ugod na at may sakit?
Wala akong anak pero may puso naman ako para sa mga ganyang abandoned children.

@crispee
Osewaninarimasu.
Nagpapasalamat ako sa Timog Forum.
Ehto pa lang din ang kaya kong itulong as of now.

Yoroshiku Onegaishimasu
sensei

Sensei, thanks sa iyong paliwanag. Hihingi lang ako ng ilang impormasyon pa at baka may maitulong ako Kapatid. Konting history lamang sana:

1. kilala mo ba siya ng personal? gaano mo siya kakilala sensei?
2. kung kilala mo siya... ano sa iyong palagay ang rason niya kung bakit siya nagkaganyan kung nasa parehong address pa rin siya?
3. ang kumukupkop ba sa mga bata ay kanyang mga magulang?
4. kung hindi niya mga magulang ang mga kumukupkop sa mga bata, bakit nila pinapahanap ang ina ngayon lang? pinapahanap na rin ba siya noon pa?

Salamat sa iyong panahon. Mabuhay ka Sensei!

sensei
07-29-2006, 08:30 AM
1. kilala mo ba siya ng personal? gaano mo siya kakilala sensei?
2. kung kilala mo siya... ano sa iyong palagay ang rason niya kung bakit siya nagkaganyan kung nasa parehong address pa rin siya?
3. ang kumukupkop ba sa mga bata ay kanyang mga magulang?
4. kung hindi niya mga magulang ang mga kumukupkop sa mga bata, bakit nila pinapahanap ang ina ngayon lang? pinapahanap na rin ba siya noon pa?
!

1. Kilala ko siya personally, siya nagpakilala sa amin 5 talento sa manager namin
Gaano ko siya kakilala???......ang penmanship po niya pang grade 1, medyo mali mali ang spelling, hindi gaano nakakabasa. Ang sabi galing siya ng (Haro/Jaro or Haru) Iloilo kase nga may punto yung salita. Nagkaron ng kalive-in na Filipino tapos nabuo itong tatlong bata sunud-sunod na agwat. Hindi niya sinabi sa Filipino na may asawa siyang hapon. Hanggang sa pumunta ng Japan at hindi na nagpakita o tumawag. Kung hahanapin ang asawang Pinoy, patay na. Hindi man lang nabigyan ng pangalan ang mga bata, walang birth certificate record sa NSO.

2. Rason: Malamang ayaw ng obligasyon, takot sa hirap, tumatakas sa responsibilidad sa anak, natakot sa asawang pinoy or natatakot sa asawang hapon (personal na opinyon ko lang ito)

3. Lolo at lola

4. Matagal ng hinahanap ngunit hindi makakilos ang OS nating kababayan. Kaya hindi mapilit na pumunta man lang sa embassy para magtanong, wala pa siyang bala mga ka Timog. Kaya nandito ako, kahit man lang sa Timog Forum makapagbigay ng tulong. Sama sama magkaisa ang mga members, nagbabakasakali lang na may nakakakilala....
Kahit man lang liwanagin kung paano ang magiging sitwasyon. Makipag usap man lang siya, kumustahin ang anak niya lalo na ngayong may sakit.

Ka Tonyang, kung meron man lang kayo maitutulong nakikiusap ako para lang sa mga bata.

Yoroshiku Onegaishimasu

vectra1123
07-29-2006, 09:39 AM
Sensei! Yung picture ng taong hinahanap mo kung meron ka ,send mo na lang sa e mail ko! Mahirap mangapa sa dilim kung hindi mo makikita ang taong hahanapin mo!Sama mo na rin kung may tel,num nya kahit dati pa o putul na!:)

sensei
07-29-2006, 09:48 AM

hello vectra1123,
nakapost dito sa Timog yung picture, Jonna ang name post no. 1

yoroshiku ne.

vectra1123
07-29-2006, 10:13 AM
hello vectra1123,
nakapost dito sa Timog yung picture, Jonna ang name post no. 1

yoroshiku ne.A sya ba yun?hindi ko sya kilala pero parang pamilyar ang face nya, ok ipapahanap ko sya!:confused:

budhang19
07-29-2006, 06:55 PM
grabe naman.. hindi ko pa naranasan tumira sa japan ng matagal at alam ko naman na hindi lahat ng pumupunta jan ay nagiging maganda o masaya.. hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ina ng mga batang yan pero sana naman wag kahit isang minuto ay naisipan nyang tawagan ang mga anak nya o kaya man lang sumulat kahit paano.. kahit ano mang hirap ang dinadaanan nya, kun gusto nya talaga makakagawa sya ng paraan.. sana wag nya namang tuluyang pabayaan yung mga anak nya.

at sa mga bata, isasama ko sila sa prayers ko.

Tonyang
07-29-2006, 08:10 PM
1. Kilala ko siya personally, siya nagpakilala sa amin 5 talento sa manager namin
Gaano ko siya kakilala???......ang penmanship po niya pang grade 1, medyo mali mali ang spelling, hindi gaano nakakabasa. Ang sabi galing siya ng (Haro/Jaro or Haru) Iloilo kase nga may punto yung salita. Nagkaron ng kalive-in na Filipino tapos nabuo itong tatlong bata sunud-sunod na agwat. Hindi niya sinabi sa Filipino na may asawa siyang hapon. Hanggang sa pumunta ng Japan at hindi na nagpakita o tumawag. Kung hahanapin ang asawang Pinoy, patay na. Hindi man lang nabigyan ng pangalan ang mga bata, walang birth certificate record sa NSO.

2. Rason: Malamang ayaw ng obligasyon, takot sa hirap, tumatakas sa responsibilidad sa anak, natakot sa asawang pinoy or natatakot sa asawang hapon (personal na opinyon ko lang ito)

3. Lolo at lola

4. Matagal ng hinahanap ngunit hindi makakilos ang OS nating kababayan. Kaya hindi mapilit na pumunta man lang sa embassy para magtanong, wala pa siyang bala mga ka Timog. Kaya nandito ako, kahit man lang sa Timog Forum makapagbigay ng tulong. Sama sama magkaisa ang mga members, nagbabakasakali lang na may nakakakilala....
Kahit man lang liwanagin kung paano ang magiging sitwasyon. Makipag usap man lang siya, kumustahin ang anak niya lalo na ngayong may sakit.

Ka Tonyang, kung meron man lang kayo maitutulong nakikiusap ako para lang sa mga bata.

Yoroshiku Onegaishimasu

Ok thanks sensei sa iyong mga impormasyon. Samakatwid, magkakilala kayo at ang mga kumukupkop sa kanyang mga anak ay kanyang ama at ina.

I think alam niya na may responsibilidad siya... walang umuusig sa kanya kung halimbawang tama iyung hinala natin. Pero nasa kanya pa rin iyan kung gusto niya o hindi di ba?

Halimbawa lang, paano kung makita natin siya pero ayaw niyang gawin ang responsibilidad niya? May magagawa ba tayo sensei? Kahit anong klase ng pagkatao niya o kahinaan niya sa spelling, kung ayaw niya, anong magagawa ng mga katulad nating concerned lamang pero labas sa kaso? Di kaya dapat tayong mga concerned mismo may magawa ring kabutihan sa mga bata kung sakaling isnabin ng kapwa-Pinay nating ito ang ating panawagan.

Mas ok siguro kung ipaalam natin na gustung gusto siyang makita ng kanyang mga anak pero kung para usigin siya... I don't think may karapatan tayo para gawin iyun. Irespeto pa rin natin sana ang kanyang pagkatao kahit siya ang pinakasalbaheng nilalang na nakilala natin. Kung ilalagay natin ang sarili natin sa kanyang kinalulugaran, maaaring may mapuot na kahapon siya na naaalala niya sa presence ng kanyang mga anak. This is wrong pero anong magagawa natin kung ayaw niya dahil sa image na nabuo sa kanyang pag-iisip? Dapat maipakita natin sa kanya na labas ang mga bata sa sitwasyon o galit niya o kung anuman.

Tapos practical thinker lang ako sensei...kung makita man natin siya tapos ayaw niyang tumulong pa rin tapos alam natin ang mga pangangailangan ng mga bata sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola, natulungan ba natin sila?

Sana huwag kayong magalit sa akin sa pagkakataong ito... kilalanin natin ng husto ang sitwasyon. Gumawa tayo ng tulay para maging happy ending at hindi malungkot ang pagtatagpo ng kapwa-Pinay nating ito at ng kanyang mga anak na ayaw niyang makita.

O kung pumayag man siya na makita ang kanyang mga anak, anong responsibilidad ang dapat niyang harapin na di natin o kahit sinuman na idikta? Alam niya iyon na hindi siya welcome at tiyak, natatakot siya na masumbatan o mapagalitan dahil sa mga nagawa niyang mali. Ngayon, paano natin bubuuin ang tulay para di siya matakot at ang mga naghihintay ay naiintindihan siya kung ang tema natin ay usigin siya?? Kaya baka lalong magtago na lang siya niyan.

Pangbalanse lamang ito para happy ending ang mangyari. Sana nakatulong.

puting tainga
07-29-2006, 08:41 PM
>#1 Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa.

Heto ang link sa Tokyo Police tungkol sa mga unidentified bodies. (wikangHapon)

http://www.keishicho.metro. tokyo.jp/soudan/fumei/fumei.htm

Pink color is for women. Height and presumed age and date of findings are listed.
(Those who have watched “Tru Calling” (Eliza Dushku) know what kind of place these bodies are kept.)

Sorry, this may have upset some of you, but I think it is better to make sure she’s not there (sa morge) trying to say "Help me" (Imagine she suddenly opens her eyes and turns to you and says “Help me” You don't want her to be there.)
If she is a good mother, how come she doesn’t make contacts?
There is a possibility of an accident or crime, when she was without her ID, or her ID stolen.

Also, according to another homepage, if you apply for the “Sosaku-negai” (Search Request), the information is input into the Police database and accessible from the police stations all over Japan.
This means if she were found later than the application, dead or alive, it would identify her even if she was without her ID or her refusing to identify herself.

Since Sensei is not her direct relative, Sensei needs to get a letter of proxy (Ininjo) from her relatives, I think.

sensei
07-29-2006, 09:26 PM
Halimbawa lang, paano kung makita natin siya pero ayaw niyang gawin ang responsibilidad niya? May magagawa ba tayo sensei?

Opinyon ko lang ka Tonyang,
kung makita nga siya at buhay pa ngunit ayaw akuin ang responsibilidad, bigyan man lang niya ng pangalan ang mga bata. Iparehistro sa NSO dahil hindi na nakakakilos ang mga lolo't lola na kumukupkop dito. Ang pakiusap lang ni OS, may mag aalaga sa bata dahil willing siya mag provide financially.

anong magagawa ng mga katulad nating concerned lamang pero labas sa kaso? Di kaya dapat tayong mga concerned mismo may magawa ring kabutihan sa mga bata kung sakaling isnabin ng kapwa-Pinay nating ito ang ating panawagan.

Nasagot mo na rin yung tanong: tayong mga concerned ang dapat may magawang kabutihan...kaya nakapost ito sa Timog Forum. Ipaalam man lang sa ina ang kalagayan ng anak nia dahil bakasakaling masundot ang puso niya bilang ina.

pero kung para usigin siya... I don't think may karapatan tayo para gawin iyun. Irespeto pa rin natin sana ang kanyang pagkatao kahit siya ang pinakasalbaheng nilalang na nakilala natin.

Para usigin....siguro nga ito ang nararamdaman ko, galit at pagkamuhi. Bago ko isipin ang magulang nitong mga batang ito, mas mabuting isa-alang alang ang kapakanan ng mga batang lumalaking walang magulang.

Tapos practical thinker lang ako sensei...kung makita man natin siya tapos ayaw niyang tumulong pa rin tapos alam natin ang mga pangangailangan ng mga bata sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola, natulungan ba natin sila?

Isang malaking tulong na ang Timog Forum, pati na rin sa mga moderators at members na concerned. Makita man siya at ayaw makipag cooperate, shoganai to omoimasu yo. Basta naiparating sa kanya ang kalagayan ng anak niya...
Kung ikaw yung ina ng mga batang ito, anong mararamdaman mo pag nakita mo sariling anak mo na nasa ganito ang sitwasyon? Hindi kaya magbago isip mo?

Alam niya iyon na hindi siya welcome at tiyak, natatakot siya na masumbatan o mapagalitan dahil sa mga nagawa niyang mali. Ngayon, paano natin bubuuin ang tulay para di siya matakot at ang mga naghihintay ay naiintindihan siya kung ang tema natin ay usigin siya?? Kaya baka lalong magtago na lang siya niyan.

Hindi pwedeng ituwid ang mali sa pagtakas. Walang umuusig dito...alam ko nagagalit din ako.
Kung makita ba siya bakit hindi niya ipaliwanag yun side niya. Dapat pa siyang magpasalamat dahil nasa pangangalaga ng mabubuting tao ang anak niya. Kung ikaw si OS, hanggang kelan mo kayang magsakripisyo para sa pamangkin mo? Alam ko maraming susuko...dahil magkakaron ng pamilya si OS. Hindi maglalaon, mas bibigyan niya ng importansiya ang magiging pamilya niya kesa sa mga pamangkin. Kaya habang maaga, magkaron ng magandang usapan para sa ikabubuti ng buhay ng mga bata. Kung buhay siya, sa tingin mo tahimik ang konsensiya niya ngayon?

sensei
07-29-2006, 09:30 PM
>#1 Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa.

Heto ang link sa Tokyo Police tungkol sa mga unidentified bodies. (wikangHapon)

http://www.keishicho.metro. tokyo.jp/soudan/fumei/fumei.htm

There is a possibility of an accident or crime, when she was without her ID, or her ID stolen.

Since Sensei is not her direct relative, Sensei needs to get a letter of proxy (Ininjo) from her relatives, I think.

@puting tainga

this would help, I'll find time for this case...promise
But not for now, meron din akong asawa na inaasikaso. May trabaho din ako para maitaguyod ang pamilya sa Pilipinas. For the meantime, manghihingi muna ako ng tulong sa Timog Forum.

We have 1622 views.

Arigatou Gozaimasu.

Tonyang
07-30-2006, 09:07 AM
Sensei, ok gusto nating tulungan ang mga bata... Ang tulong na binabanggit mo rito iyung ituwid iyung sitwasyon. Wala na tayong maitutulong kundi gawin tayong mga tulay para magising siya sa katotohanan dahil sa palagay siguro natin, di niya alam na mali ang ginagawa niya.

Maganda iyung ginagawa mo Sensei...no doubt pero hanggang saan iyung pagtulong na gusto natin? Para maihatid ang galit o para maipamukha sa isang ina na hindi siya naging mabuting ina... baka reverse psychology dapat. Kumustahin siya muna bago ipamukha sa kanya ang ginagawa niyang pag-iwas sa responsibilidad niya sa mga bata. Ganito ba ang plano natin o sigawan siya agad?

Tayo ba ang apektado dahil tayo ang nagpapalaki o nagpapakain sa mga anak niya para magalit ng ganito? O may galit tayo sa kanya dahil sa image niiya ngayon? Di natin alam 100% kung bakit siya nagkaganyan di ba? Ang tinitingnan lang natin iyung mali... iyung rason, valid o invalid, walang halaga ba? Paano natin siya matutulungang ituwid ang sitwasyon kung iyung mali niya ang magiging ugat ng pakikitungo natin?

O may intensyon ba tayong magpalaki o magpakain sa kanyang mga anak dahil naaawa tayo o matulungan man lang ang lolo at lola sa ibang paraan dahil nahihirapan sila ngayon? Kung di natin plano ito... di ba iiwan din natin ang sitwasyon na pareho dahil di epektibo ang magiging pagtawag natin kung walang seguridad na papayag ang Pinay na ito na harapin ang obligasyon niya? Paano kung hindi? Sorry na lang sina lolo at lola at sila pa rin ang bahala. Anong solusyon ang gusto nating ipahatid sa lahat ng mga concerned dito sa Timog? Hanggang doon lang sa paghatid ng balita... ? Ok may Timog Forum at may mga concerned tulad mo sensei, vectra, ako etc. Pero paano kung ayaw niya at natakot siya lalo? Tatawagan natin siya ng tatawagan hanggang sa ipaputol niya ang telepono niya?

Kung ilang taon man siya, alam niya ang mali niyang ginagawa ngayon... 100% akong sigurado riyan. Tulad ng nabanggit ko, maaaring bakas ng isang malungkot na kahapon ang mga anak niya na sana'y mabago. That's our hope... Ang mahalaga sa ngayon, mabuo natin ang tiwala niya na tayo'y mga kaibigan para maihatid natin ang mabuting balita na gusto siyang makita ng kanyang mga anak.

OS ba kamo siya Sensei? The more it becomes complicated now... dahil tiyak ayaw niyang umuwi. Tiyak lalo siyang matatakot niyan.

No worries about me thinking what is better about the situation... may tinatawag tayong "ideal" situation... I am with you to correct the situation. Pero huwag rush at huwag sana masakit para sa kapwa-Pinay natin. Tao rin siya at may pakiramdam pa rin kahit siya nga ang pinakasalbaheng nilalang sa mundo. Unfortunately, di overnight change iyan sis para mabago niya ang takbo ng kanyang utak. It takes time. Kasama riyan ang patience at perseverance kung gusto nating magising siya sa katotohanan. In His time... let's pray that she will have a peaceful mind when we meet her.

sensei
07-30-2006, 10:15 AM
Ang tinitingnan lang natin iyung mali... iyung rason, valid o invalid, walang halaga ba? Paano natin siya matutulungang ituwid ang sitwasyon kung iyung mali niya ang magiging ugat ng pakikitungo natin?

...di ba iiwan din natin ang sitwasyon na pareho dahil di epektibo ang magiging pagtawag natin kung walang seguridad na papayag ang Pinay na ito na harapin ang obligasyon niya? Paano kung hindi?..........

Ka Tonyang, baka gusto mong basahin ang front page kung paano ako nanawagan. Hindi ba epektibo yang malumanay na approach na iyan? Sinasagot ko lang yung mga tanong mo dahil akala ko gusto mo malaman ang history. Habang unti unti ng nabubulgar ang pagkatao niya at nagiging negative ang paningin ng mga nakakabasa.

Pero paano kung ayaw niya at natakot siya lalo? Tatawagan natin siya ng tatawagan hanggang sa ipaputol niya ang telepono niya?

I don't get Tonyang, akala ko nasa counselling ka.....pero ang views mo eh puro "negative" sight......:O Matakot man siya at magtago, atleast naiparating ang balita. Putulin man niya telepono niya at lumipat kung saan saang lugar, sa tingin mo makakatulog siya ng mahimbing?

Hindi ko lang po maintindihan ang mahaba niyong post kung ano ba talaga gusto niyo ipaliwanag. Ganyan po ba kayo mag encourage sa mga taong nanghihingi ng advice niyo? Mas magiging magulo ang usapan kung ganyan...nakakadisco urage sa naghahanap at humihingi ng tulong.

I don't even think na OVERSTAY siya, kasal siya sa nagngangalang Mr. kaneko

sensei
07-30-2006, 10:39 AM
Pakiusap sa mga nakakabasa ng panawagan, iwasan ang masyadong personal na tanong na nagiging mahabang usapan na lang. Nauuwi ito sa pagbubulgar ng pagkatao ng hinahanap nating pilipina. Kung may personal na tanong kayo at gustong makatulong, ask me through PM. Kung may tanong kayo at hindi ko pwedeng sagutin sa post, I'll send it through PM.

Ang purpose ng thread na ito ay maparating sa kinauukulan na may tatlong anak siyang naghihintay. Hindi para ipamukha na mali ang pag abandona niya sa mga bata.

Walang nakakaalam kung ano talaga ang rason. Malay natin na hinahanap din ng ina ang kanyang mga anak...

Hindi ko hahayaang mapasara itong thread na ito dahil lang sa mga walang kabuluhang tanong.

Pakiusap lamang.

Yoroshiku Onegaishimasu,
sensei

myukasky
07-30-2006, 10:57 AM
Opinion ko lang. Okey itong thread na ginawa ni Sensie. Ang point nya malaman ng mother yung kalagayan ng anak nya. Siguro naman kahit sinong ina kapag nalaman mo na ganon na pala ang kalagayan ng anak mo ay mag-aalala ka. Nasa mother na kung anong hakbang ang gagawin nya di ba? Di na importante kung bakit sa haba ng panahon ay di man lang siya nagpakita. At kung ano man ang dahilan ay marahil siya lang nakakaalam. Sana Sensie di ka magsawa na tumulong sa kapwa mo.:D Peace to all;)

csbaby
07-30-2006, 11:33 AM
good day to all tf share ko lang din po about sa thread ni sensei san,may kaibigan din po ako 2 anak nya sa pinas din iniwanan sya sa asawa nyang pinoy.kaya sa hirap ng buhay sa atin nag japan po sya iniwan nya yong mga anak nya lolo at lola.din noong andito na sya sa japan nag OS sya ayaw na daw nyang umuwi sa pinas then mga ilang taon din no communication ni singko duling di nagpapadala ng pera sa mga anak na naiwan nya sa pinas kawawa sina lolo kasi matatanda na rin at may sakit pa kaya yon pong mga bata di nakapa-aral.din ang ginawa ng mga kapitbahay namin pinapahanap sya dito sa japan sa awa ng Diyos nakita namin sya at nakausap namin sya.marami kaming sinabi sa kanya sabi nya alam daw nya ang responsibilidad nya sa mga anak nyang iniwanan nya sa pinas sabi nya di pa panahon na magpakita ako sa kanila.darating din yong oras na magpakita ako sa kanila.sabi nya nag asawa sya ng Hapon at may anak din sila sa Hapon isa at di daw nya nasabi yong problema nya na may anak sya sa pinas kasi daw baka hiwalayan sya sa asawa nya kasi di naman lahat ng hapon na kayang tanggapin ang anak nya sa dating asawa.kaya ayun wala kaming magagawa disisyon nya yon din 15 years din siyang di nagpakita sa anak nya sa pinas.but now masaya na sya happy family na sila kasi for how many years din di nya nasabi ang problema bya sa asawa nya.at ngayon yong mga anak nya sa pinas naintindihan sya kasi sinabi nya lahat ng nangyayari nya dito noon sa japan.sa awa ng Diyos tanggap na ng Hapon yong anak nya at nagpapadala na sya ng pera monthly sa pinas at kailan lang last year yong 2 anak nya ng visit dito sa japan kasi gusto ng asawa nya na makita ang mga anak nya.Happy Family.....peace to all.....

aleckxis
07-30-2006, 12:59 PM
sensei, makisali na lang po sa inyong usapan. Napakasakit bilang ina ang makakabalita ka ng ganitong pangyayari. Una sa lahat may mga anak din ako at syempre isa ako sa mga ina na ayaw na may mangyayaring hindi maganda sa kanyang mga anak. Sana nga magpakita pa ang ina ng mga batang ito kung sakali man na walang masamang nangyari sa kanya kaya hindi nito makuhang dalawin ang mga anak.

Heto lang po ang views ko dito...

kung buhay pa ang nanay ng mga bata bakit nga ba hindi nagpapakita ito sa kanyang mga anak? marahil nga meron siyang isang mabigat na rason kung bakit at hindi natin alam yun.
Pero sa aking sariling opinyon dito.. kahit na ano man ang dahilan ng isang ina ay hindi pa rin mabuti ito para sa kanya at sa mga anak niya dahil hindi lang isa ang anak niya kundi tatlo. Mas maiintindihan ko pa siguro kung ang anak niya ay nag-iisa lang na inabandona niya dahil maaring nagkamali siya at TALAGANG HINDI niya kagustuhan ang mga nangyari at ang choice lang niya ay i abandona ang bata... pero sa sitwastyon na ito ay tatlo ang mga anak niya na iniwan niya. Hindi natin pwedeng sabihin na nagkamali siya at natatakot sa asawa niyang hapon o Pilipino o kung sinuman.. Marahil ay naging maligaya rin siya sa ama ng mga bata kaya nakatatlo siya. Hindi sa inuusig ko ang ina ng mga bata pero sa ganitong pagkakataon hindi kailangang utuin muna ang nanay na ito magpakita lang sa mga anak. Tungkulin niya at obligasyon na dalawin, asikasuhin at suportahan ang mga bata kahit na anong klaseng rason meron siya kung sakaling siya man ay nabubuhay pa. Kaya, walang rason na maganda mula sa kanya kung bakit kailangang pabayaan niya ang mga bata.

Minsan sa mga katulad nating mga critics maaring magkakaiba ang mga pananaw natin ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay halos nagkakaisa tayo ng pananaw. Nakakaawa at malaking haplos sa ating mga puso ang ganitong kalagayan na ating nakikita. Pero naniniwala ako na may sarili tayong tungkulin na dapat gampanan lalo na at tayo ay pare-parehong naninirahan sa dayuhang lugar. Sana po ay iwasan natin ang mga negative views na kung sakali ganito, baka, at paano kung. Iwasan po natin ang mga ganyan kasi sa tutoo lang hindi po nakakatulong sa problema, this time we need to think positive to help each other. Tulungan po natin ang isa't -sa na makatulong sa bawat isa.

Naisip ko rin sensei na kung pwede na maaari sanang may makapag-iprint ng pictures na nakapost sa 1st page at ilagay sa isang folder na ang picture ng ina ay nasa labas. Gumawa ng mga ilang kopya nito at ipamahagi sa mga Philippine store sa Yokohama kung sa Yokohama ang huling location ng nanay. Sa ganitong paraan, tingin ko ay malaking tulong ito upang mas madaling maiparating sa ina ang sitwasyon. Kung pwede sanang mapakiusapan ang mga store owners na ma ipost sa kanilang tindahan ang litrato at ang information ay maiwan sa tindahan kung sino man ang naka-tao o bantay dun. at sa bawat isang kababayan na bibili sa tindahan ay ituro man alng ang litrato na hinahanap ito.

Yun lang sensei at I'll pray na makita na sa lalong madaling panahon ang nanay ng mga bata. God bless you all.

puting tainga
07-30-2006, 06:14 PM
>nakakadiscour age sa naghahanap at humihingi ng tulong.
This post may discourage you again but I can’t help agreeing with Tonyang.

I think it is better to have an objective opinion now and be prepared, rather than really really disappointed after you found out the truth.
I think Tonyang tried her best to explain the most probable reality without really saying harsh words, or conclusion first.
Beating around the bush, so to speak.

By the way, there is another very old strategy.
If you met her and she was a “not six” (Japanese expression), then tell the kids,

“Your mother was a good person but she died in a traffic accident in Japan, and she loves you very much and watching over you from heaven.”

Tonyang
07-30-2006, 06:30 PM
Ka Tonyang, baka gusto mong basahin ang front page kung paano ako nanawagan. Hindi ba epektibo yang malumanay na approach na iyan? Sinasagot ko lang yung mga tanong mo dahil akala ko gusto mo malaman ang history. Habang unti unti ng nabubulgar ang pagkatao niya at nagiging negative ang paningin ng mga nakakabasa.

I don't get Tonyang, akala ko nasa counselling ka.....pero ang views mo eh puro "negative" sight......:O Matakot man siya at magtago, atleast naiparating ang balita. Putulin man niya telepono niya at lumipat kung saan saang lugar, sa tingin mo makakatulog siya ng mahimbing?

Hindi ko lang po maintindihan ang mahaba niyong post kung ano ba talaga gusto niyo ipaliwanag. Ganyan po ba kayo mag encourage sa mga taong nanghihingi ng advice niyo? Mas magiging magulo ang usapan kung ganyan...nakakadisco urage sa naghahanap at humihingi ng tulong.

I don't even think na OVERSTAY siya, kasal siya sa nagngangalang Mr. kaneko

Sensei, kapatid, yes nasa counseling ako at pasensiya ka na kung nalito ka sa pagkakataong ito. Sa gitna lang tayo ... ika nga alamin at balansehin ang magkabilang facts. Sa ngayon, isang side lang ang alam natin right? Simple lang iyung pakay ko...nag-iisa yata akong makikipag-usap ng mahinahon sa Pinay na ito if ever eh. Lahat kayo galit na sa kanya at baka pati sa akin, magalit na nga kayo hehe. So ang tulong natin... bubuo tayo ng tulay. I think malinaw ito. May kasalanan na siya pero Diyos lang ang may karapatang maghusga ng mga pagkakamali niya sa buhay.

Yes malinaw iyung panawagan mo sensei pero di malinaw kung anong mangyayari kung di magpakita o magparamdam iyung Pinay. Paano ang buhay ng mga bata? Iyun ang concern ko... hanggang saan ang pagtulong natin pagkatapos natin idiin ang Pinay na di natin alam kung magpapakita o magpaparamdam. Problema na nina lolo at lola iyun uli o basta tututukan lang natin ang panawagan na ito at iyun na iyon. Tama ba ako?

Tulad ng nabanggit ko... kilalanin natin siya bilang kapwa-Pinay. I think mas marami kang nalalaman sa pagkatao niya Sensei kaya siguro kung sa approach, mas marami kang input na mapapakinabangan. Huwag ka lang galit sana agad, Sensei. Cool ka lang... baka may mangyaring maganda sa iyong naumpisahan.

May nakasalamuha na kasi akong mga Pinay na ganyan, Sensei at mga kapatid. Di lang siya nag-iisang ganyan. Karaniwan, gusto nilang makalimutan ang nakaraan sa anong bagay man na itinatago nila. Totoong mali iyun... pero di tayo ang may katawan at wala silang kakilalang magiging gabay para sa kabutihan. In the end, ang mga anak nila, lumalaking nagiging problema rin ng lipunan dahil ang naging environment nila ipinakilalang may ina silang nag-abandon sa kanila. Naging rebelde ang mga bata at may vengeance na nabuo sa pag-iisip nila hanggang paglaki. I should know kasi may mga iskolar-candidate kami sa Tulong Pinoy na ganyan ang nangyayari. Sana di ganyan ang mangyayari sa mga anak ng ating kapwang Pinay.

Ok di na ako magpapakumplikado dahil may solusyon na si sensei at mukhang may nag-cooperate nang mga kababayan natin para makipagtulungan. Mukhang di rin useful ang mga ideya at experience na nababanggit ko rito dahil isa lang ang direksyon na gustong mangyari ng nakararami.

Good Sunday ahead pa rin... at cool down lang at wish ko lang muli, happy ending - open arms na magkikita ang 2 kampo. Walang sigawan... walang sumbatan. :D

Tonyang
07-30-2006, 06:58 PM
>nakakadiscour age sa naghahanap at humihingi ng tulong.
This post may discourage you again but I can’t help agreeing with Tonyang.

I think it is better to have an objective opinion now and be prepared, rather than really really disappointed after you found out the truth.
I think Tonyang tried her best to explain the most probable reality without really saying harsh words, or conclusion first.
Beating around the bush, so to speak.

By the way, there is another very old strategy.
If you met her and she was a “not six” (Japanese expression), then tell the kids,

“Your mother was a good person but she died in a traffic accident in Japan, and she loves you very much and watching over you from heaven.”

Wow, pareho pala tayo ng opinyon, Putingtainga! :D Akala ko nag-iisa lang ako rito. :rolleyes:;)

myukasky
07-31-2006, 12:00 AM
Wow, pareho pala tayo ng opinyon, Putingtainga! :D Akala ko nag-iisa lang ako rito. :rolleyes:;)

Makisingit lang po ulit. Sis Tonyang wala naman pong kampihan na nangyayari dito sa thread. Ang nais lang po ng lahat mahanap o makita yung ating kababayang nawawala. At iyon po ay sa madaling panahon dahil yung kanyang anak na may sakit ay nag-iintay sa kanya. Importante pa ba yung usigin sya o ipamukha sa kanya yung ginawa nya? Bakit di natin siya intayin na ipaliwanag sa family at anak na iniwan nya ang nangyari sa kanya at sa tagal ng panahon ay nakalimot sya. At di po ako o kami galit sa nanay at marahil yung iba din na nakabasa ng thread. Ang sa akin lang ano karapatan ko magalit at manumbat sa taon di ko naman nakikita at ni walang idea kung ano at nasaan na sya ngayon. Nasasabi lang po namin nakakaawa yung mga bata. Tama kayo may kanya kanya tayong opinyon.

Tonyang
07-31-2006, 05:40 AM

May panggamot kaya iyung bata habang hinahanap natin iyung ina?

sensei
07-31-2006, 09:22 AM
>nakakadiscour age sa naghahanap at humihingi ng tulong.
This post may discourage you again but I can’t help agreeing with Tonyang.

I think it is better to have an objective opinion now and be prepared, rather than really really disappointed after you found out the truth.

Hindi ako nadidiscourage sa pag agree mo kay ka Tonyang. We have our own opinion, hindi ko lang maintindihan kung ano yung gusto niyang mangyari. Nasagot ko yung ibang tanong...at nasagot din ng mga may pusong ina yung ibang tanong ni Ka Tonyang.

Kung negative ang outcome nai-post ko na rin ito

Ipaalam man lang sa ina ang kalagayan ng anak nia dahil bakasakaling masundot ang puso niya bilang ina.

Makita man siya at ayaw makipag cooperate, shoganai to omoimasu yo. Basta naiparating sa kanya ang kalagayan ng anak niya...
....baka lang hindi niyo nabasa.

At ang ang opinyon ni myukasky bilang ina...

malaman ng mother yung kalagayan ng anak nya. Siguro naman kahit sinong ina kapag nalaman mo na ganon na pala ang kalagayan ng anak mo ay mag-aalala ka. Nasa mother na kung anong hakbang ang gagawin nya di ba?

At ang post ni csbaby... na posibleng mangyari.

Pakibasa na rin ang post ni aleckxis dahil nasagot ni aleckxis kung anong ibig sabihin ng thread na ito. Hindi ito nai-frontpage para pagdebatehan ng mga kritiko. Hindi ako nakiusap na i-post ito sa frontpage para kalkalain ang nakaraan ng ina.

Ibinigay ko ang tunay na pangalan at larawan...ito'y isang panawagan at pakikiusap para sa kapakanan ng mga bata. Hindi pagalingan ng post kung sino ang tama...

May nakasalamuha na kasi akong mga Pinay na ganyan, Sensei at mga kapatid. Di lang siya nag-iisang ganyan.

@Ka Tonyang
Nakasalamuha mo ang mga ganitong klaseng pinay. Gusto ko lang itanong kung may anak ka rin? Sa mga naitanong ko sayo sa kabilang post kahit itong isang tanong lang ang sagutin mo. Kung mararamdaman mo sa ganitong pagkakataon ang pagiging ina. Na pag nakita ang sitwasyon ng mga bata eh nakakatunaw ba ng puso sa part mo. At kung magagawa mong talikuran ang mga naghahanap sa iyo kung ikaw ang nasa kalagayan ng ina? Nasa gitna tayo ka Tonyang, pero mas malaki ang possibility na uwian niya ang anak niya kesa magtago.

Ok di na ako magpapakumplikado dahil may solusyon na si sensei at mukhang may nag-cooperate nang mga kababayan natin para makipagtulungan. Mukhang di rin useful ang mga ideya at experience na nababanggit ko rito dahil isa lang ang direksyon na gustong mangyari ng nakararami.

Sino ngayon ang tumatalikod sa mga bata? Basahin po natin ang post ng bawat member ng Timog. Meron silang mga suggestions kahit iba iba. Iisa lang ang gustong mangyari ng nakararami, iparating sa ina ang kalagayan ng anak. Ka Tonyang, yung mga ideya mo maaaring makatulong yan. Iba ang paraan mo para makatulong sa paraan ng mga nai-post nila. Ang pagkakaiba lang, meron kang mga personal na tanong na mismong ina lang ang makakasagot.

Kaya nga nagpasintabi ako, pwede nating idaan sa PM ang ibang katanungan dahil nagiging negative impression sa ibang may puso ng pagiging ina.

Salamat sa pang unawa, pati sa mga moderators na pinagkaka utangan ko ng loob.
Alam ko ipinakiusap ko itong i-front page.

Read every post by heart, not with your minds.

Yoroshiku Onegaishimasu,
sensei

sensei
07-31-2006, 09:25 AM
Sana po ay iwasan natin ang mga negative views na kung sakali ganito, baka, at paano kung. Iwasan po natin ang mga ganyan kasi sa tutoo lang hindi po nakakatulong sa problema, this time we need to think positive to help each other. Tulungan po natin ang isa't -sa na makatulong sa bawat isa.

Naisip ko rin sensei na kung pwede na maaari sanang may makapag-iprint ng pictures na nakapost sa 1st page at ilagay sa isang folder na ang picture ng ina ay nasa labas. Gumawa ng mga ilang kopya nito at ipamahagi sa mga Philippine store sa Yokohama kung sa Yokohama ang huling location ng nanay. Sa ganitong paraan, tingin ko ay malaking tulong ito upang mas madaling maiparating sa ina ang sitwasyon. Kung pwede sanang mapakiusapan ang mga store owners na ma ipost sa kanilang tindahan ang litrato at ang information ay maiwan sa tindahan kung sino man ang naka-tao o bantay dun. at sa bawat isang kababayan na bibili sa tindahan ay ituro man alng ang litrato na hinahanap ito.

Salamat sa suggestion sana may makabasa nitong post mo na taga Yokohama at mag initiate.

God Bless.

myukasky
07-31-2006, 09:40 AM
May panggamot kaya iyung bata habang hinahanap natin iyung ina?

Sis Tonyang kaya nga po hinahanap upang ipaalam ang kalagayan ng anak nya at kasama na din dyan yung ipagamot nya anak nya sakaling makita sya. Baka po kayo may maitutulong habang hinahanap po yung nanay?

sensei
07-31-2006, 09:48 AM
May panggamot kaya iyung bata habang hinahanap natin iyung ina?

lumalayo po tayo sa objective ng thread.
hindi po kami nananawagan para manghingi ng pang gamot, baka po ma mis interpret.

"ang kailangan ay aruga ng isang tunay na ina"

myukasky
07-31-2006, 09:51 AM
Suggestion ko lang! Puwede kaya natin ito ilapit sa isang TV station like SOS? Yung Terebi no Chikara ba yun? Kasi madalas ako manood niyan at marami na rin silang natulungan.

sensei
07-31-2006, 09:53 AM
Suggestion ko lang! Puwede kaya natin ito ilapit sa isang TV station like SOS? Yung Terebi no Chikara ba yun? Kasi madalas ako manood niyan at marami na rin silang natulungan.

Hehe ngayon ko lang narinig ito.
By August susubukan ko yung sinabi ni puting tainga na sousaku negai.
At pag nagka time ulit...aalamin ko yang Terebi ni Chikara na sinasabi mo.

Arigato ne

csbaby
07-31-2006, 10:38 AM
Hehe ngayon ko lang narinig ito.
By August susubukan ko yung sinabi ni puting tainga na sousaku negai.
At pag nagka time ulit...aalamin ko yang Terebi ni Chikara na sinasabi mo.

Arigato ne

may suggestion rin po ako try po nyo yong philippine channel dito sa japan yong wins channel i post yong picture nong nanay.kasi di naman lahat yata meron pc or wlang pc meron silang wins channel.baka pwde po 先生ちゃん:)

sensei
07-31-2006, 11:10 AM

salamat ulit csbaby, natanggap ko sa PM yung number ng wins.

sana katulad din natin ang mga kapitbahay niyo....nagkakaisa:)

Tonyang
07-31-2006, 10:03 PM
Sis Tonyang kaya nga po hinahanap upang ipaalam ang kalagayan ng anak nya at kasama na din dyan yung ipagamot nya anak nya sakaling makita sya. Baka po kayo may maitutulong habang hinahanap po yung nanay?

Anong maitutulong ko Myukasky? Puwede kong malaman ang contact info ng lolo at lola ng batang maysakit, Sensei at Myukasky?

Tonyang
07-31-2006, 10:20 PM
Sensei, wala pa akong anak pero marami na akong napalaking bata at napag-aral na mga di ko anak pero inangkin kong parang mga anak. Siguro mahigit na sa 100 since 1998 pa sa Tulong Pinoy (www.tpmovers.org (http://www.tpmovers.org)) kapatid at nag-uumpisa ako muli at hinahanap ko naman, mga batang paslit tapos nawiwili rin akong tulungan ang mga batang prosti, bakal boys, mga batang katutubo at batang preso para sa Iskolar-Bulilit naman. Bakit ko kaya matiyagang tinutulungan ang mga batang iyon? Pakiramdam ba iyon ng isang kapatid, kaibigan o wala lang? Basta ang pakiramdam ko kailangan nila ng pag-aaruga at concern ng isang guardian. Puwede na ba iyon, Sensei? May karapatan na ba ako para maramdaman ko ang problemang nararamdaman ng mga batang ito o di pa rin ako isang ina o isang biological mother period???

Lilinawin ko ulit, Sensei...as you wrote lahat ito ay opinyon lamang kaya huwag tayong mag-conclude...lahat tayo rito ay mababait dahil gustong tumulong pero:

1. Di natin alam ang tunay na kalagayan ng Pinay kaya alamin muna natin ang totoo.
2. Kung nandiyan man siya, suggestion ko na kilalanin natin ang katayuan niya sa buhay ngayon.
3. Sa mga tutulong pag nalamang nandito siya sa Japan at may trabaho, pagplanuhan natin kung paano natin siya kakausapin para di siya umiwas agad... may tamang approach na puwede nating pag-usapan o kung ok ang relasyon ni Sensei sa kanya, mas maigi kung si Sensei ang makipag-usap (what do you think Sensei?)
4. Then parallel run of solutions natin... anu-ano ang mga pangangailangan ng mga anak na puwede nating ipagkaloob in the absence of this Pinay? Tutal gusto nating maging involved para matulungan ang mga bata di ba? Totohanin na natin. Tama ba o mali?

Ano pang di malinaw kapatid at lilinawin ko ulit.:D

sensei
08-01-2006, 08:43 AM
@ ka Tonyang,
Ok I understand...pareho lang naman tayo ng tinutumbok eh

sayaka_0912
08-01-2006, 06:11 PM

おわあああああ:thumb:Tonyan gさん、いい 意見 ですね。素晴らしい  おめでとうございます:dow ave:

Tonyang
08-01-2006, 11:33 PM
おわあああああ:thumb:Tonyan gさん、いい 意見 ですね。素晴らしい  おめでとうございます:dow ave:

@ ka Tonyang,
Ok I understand...pareho lang naman tayo ng tinutumbok eh

Salamat din, Sayaka at Sensei, mga kapatid. So I am sure patuloy lang tayo sa paghahanap sa ating kapwa Pinay...pag may balita tayo, pakisabi na lang. Titingnan ko rin ang magagawa ko:D

sensei
08-04-2006, 11:10 AM
Nagpapasalamat po ako sa mga tumawag, nag send ng PM at e-mails.
Alam ko maraming concerned sa mga members kahit hindi nakapost ang mga pangalan niyo dito sa thread. Ang maitutulong lang daw nila eh matandaan ang mukha ng hinahanap para kung sakali ay maibigay sa akin ang impormasyon.

Nakakataba po ng puso....

Nabasa ko yung isang mail ng isang Timog Forum member.
Kamukha daw ni Jonna yung nakasakay niya sa JAL three years ago. Hindi pa rin sigurado kung siya nga dahil may bitbit daw na babaeng anak pauwi sa Pilipinas. Pero ganun din daw yung hitsura ng mukha tska katawan...mas mataba nga lang yun nakita niya.
Ganon din daw ang punto ng salita na Ilonggo dahil nasa harapan daw ng inuupuan niya.
Paano niya natandaan ang mukha?...nakasagutan daw niya sa eroplano.
Wala pa ring kasiguraduhan...pero baka nga umuwi siya ng Pilipinas.
Ang tanong eh, bumalik pa kaya siya sa Japan?

salamat sa mga nakikibasa...at umuunawa sa kalagayan ng mga bata.

Tonyang
08-08-2006, 08:34 PM

What's next to work on, Sensei... kung walang positive sa mga search nating ginagawa sa ina? :confused:

mizo_shiru
08-11-2006, 11:24 AM
Hi, sensei, matagal ko nang sinusubaybayan ang mga bagong developments tungkol sa thread na ito. Nang una ko pong mabasa ay sobra po akong naawa sa kalagayan ng mga bata at naghangad na sa ay makita na ang ina nila. Sa nais ko pong makatulong nai-print at nai-post ko napo ang picture ni Jonna sa info. board ng church namin at iniwan ko narin ang contact # ko doon para sa sakaling makakakilalang Pilipino. I wish you all the luck and all the strength at sana ay magtagumpay ka.

boracay
08-11-2006, 01:11 PM
Japanese ba ang tatay nila? sana mag punta yung lola nila sa japanese embassy . Humingi sila ng tulong Para hanapin yung tatay nila. Baka may masamang nangyari doon sa nanay nila. pwede ring may mag tanong sa munisipyo ng gunma kung may naka register na pangalan ng nanay nila doon.

Tonyang
08-11-2006, 09:46 PM

Boracay, baka mahaba ang pila roon. Ang dami natin dito para di makaya ang mga pangangailangan ng mga batang maysakit kung sakali di ba?:D

sensei
08-12-2006, 09:03 AM
Hi, sensei, matagal ko nang sinusubaybayan ang mga bagong developments tungkol sa thread na ito. Nang una ko pong mabasa ay sobra po akong naawa sa kalagayan ng mga bata at naghangad na sa ay makita na ang ina nila. Sa nais ko pong makatulong nai-print at nai-post ko napo ang picture ni Jonna sa info. board ng church namin at iniwan ko narin ang contact # ko doon para sa sakaling makakakilalang Pilipino. I wish you all the luck and all the strength at sana ay magtagumpay ka.

Good morning mizo_shiru,

Salamat sa pagsubaybay, pero kahit wala ng gaanong nagpopost dito patuloy pa rin akong nakakatanggap ng e-mails at PM.

sensei_tmg@yahoo.com this is not actually my e-mail address but dito ako nakakatanggap ng response and cooperation from our Timog members.

I was so busy these past few days kasi mago-obon. Pero I took this chance para naman makareply sa thread na ito.

I would like to thank you personally for initiating such kind of act. Kahit hindi ako nakiusap na gawin mo, atleast nakatulong po. Gusto ko sanang i-PM ka na lang pero mas mabuti sigurong nababasa rin ng mga kapwa natin ka Timog ang pasasalamat ko sa iyo.

I sent my keitai and landline no. through PM. Kung ano man pong developments please feel free to call (or just give me a ring).

Thanks and God bless.

sensei
08-12-2006, 09:20 AM
What's next to work on, Sensei... kung walang positive sa mga search nating ginagawa sa ina? :confused:

What' up Ka Tonyang? Ano pong pwede ninyong i-share sa ka Timog natin?

What does positive search mean to you?

Para sa akin positive lahat ang nangyayari sa buhay ko. Malaking pasasalamat sa akin ang pagiging myembro ng Timog Forum. An alternative way kung paano mahahanap si Jonna is the PANAWAGAN THREAD that I posted here. And the other approach of finding her is "shempre my own way" na hindi na kailangan i-post pa dito para ipagmalaki kung anong ginagawa ko. I'm working on my own here. I am trying all the suggestions of our co-Timog members which is indeed helpful. Ka Tonyang ano pong suggestion niyo? Baka makatulong.
Kayo na rin po ang nagsabi na hindi madali ang ginagawa ko. Na hindi naman agad matutunton ang kinaroroonan ni Jonna kung sakaling nagtatago man.;)

Mata yoroshiku ne.

sensei
08-12-2006, 09:34 AM
Japanese ba ang tatay nila? sana mag punta yung lola nila sa japanese embassy . Humingi sila ng tulong Para hanapin yung tatay nila. Baka may masamang nangyari doon sa nanay nila. pwede ring may mag tanong sa munisipyo ng gunma kung may naka register na pangalan ng nanay nila doon.

hello boracay,
Filipino po ang tatay nila pero patay na, naipost ko ito somewhere here. Si lola naman hanggang palengke lang ang kayang puntahan. Naglalakad papuntang palengke kasi hindi na makasakay sa jeep. Balita ko meron silang katulong dati pero ninakawan lang sila. Wala naman daw problema sa pera, kaya lang siguro payat yang mga bata ayaw daw kumain sa tamang oras. Kahit tawagin eh patuloy ang paglalaro sa labas at hindi nakikinig. One time nagpahabol pa sa lolo sa oras ng pagkain, muntik ng mabangga si lolo dahil malapit ang bahay nila sa daanan ng sasakyan.

Ganito ang nangyayari pag walang magulang, tumitigas ang ulo, ayaw magpasaway at namimili ng pagkain.:(

By the way magaling na yung apo, nagkaron daw ng tubig sa baga pero naalis na yung tubo.
Ang gamot daw costs P4000 a day (metronidazole iri). Wala silang naging problema sa pambayad. At hindi po nanghihingi ng pera yung nananawagan. Ipinapahanap lang daw yung ina para may mag asikaso sa mga bata habang lumalaki. At mabigyan naman ng pangalan at maiparegister sa NSO para makapag aral ng maayos. Sa public school naipasok kasi doon tinanggap kahit walang Birth Certificate.

Where going to Gunma this Sunday night babalik ako on or before Miss Timog Forum 2006.

Salamat sa concern boracay.
God bless you all !!!

freeme
08-14-2006, 08:28 PM
Ate sensei, hanggang dito pala...salamat sa pagtulong. Kanina ko pa binabasa pero ngayon lang ako nag register. Kung kilala niyo lang si ate sensei maraming nagmamahal dyan kaya tinawag naming sensei. Hindi kayo pababayaan nyan kahit saan kayo mapunta.

Pamangkin ko yan mga bata...alam ko inako niya para maipost sa harap....naikwento niya sa akin. Patawarin niyo po siya, malaking tulong ang ginawa niya para sa amin, hindi kasi ako makapag trabaho...wala pa akong bisa. kakakasal ko lang naghihirap kami sa pliplinas pero si sensei ang tumutulong sa akin. mahal na mahal ko po si sensie wala siyang pinabayaan sa lahat ng kakilala niya.

sana po mahanap ang ina ng mga bata...sana po maintindihan ng may ari ng internet kung gaano kabait si ate. ginagawa po niya ito para sa amin...susunduin po niya ako bukas para makagamit ng compyuter sa kanila.

pasensiya na po naiiyak na ako

japphi
08-14-2006, 09:58 PM
Ate sensei, hanggang dito pala...salamat sa pagtulong. Kanina ko pa binabasa pero ngayon lang ako nag register. Kung kilala niyo lang si ate sensei maraming nagmamahal dyan kaya tinawag naming sensei. Hindi kayo pababayaan nyan kahit saan kayo mapunta.

Pamangkin ko yan mga bata...alam ko inako niya para maipost sa harap....naikwento niya sa akin. Patawarin niyo po siya, malaking tulong ang ginawa niya para sa amin, alam niyo ba na sinusuportahan ng asawa niya 5 lapad ang mga pamangkin ko bwan bwan, hindi kasi ako makapag trabaho...wala pa akong bisa. kakakasal ko lang naghihirap kami sa pliplinas pero si sensei ang tumutulong sa akin. mahal na mahal ko po si sensie wala siyang pinabayaan sa lahat ng kakilala niya.

Hi Freeme....WELCOME sa TF.....sana ay mag-enjoy ka rin sa stay mo dito sa forum......personall y hindi ko kakilala si Sensei....pero kahit na hindi ko pa sya na mi-meet ay nararamdaman ko ang kabaitan nya.

Nasa Gunma-Ken sila ngayon nang asawa nya para magtanong-tanong tungkol doon sa kaibigan nya.I just pray na sana naman ay hindi masayang ang pagpunta nilang mag-asawa doon.Can't say more....just wishing her the best...lalung lalo na sa hubby na mabait din..

mina210
08-16-2006, 11:58 AM

hello.. po kayo po pala ang tiyahin ng mga ng mga bata... napakasuwerte nyo po nagkaron kayo ng kaibigan tulad ni sensei napakabuti nya tao... hindi ko rin kilala c sensei personally pero, sa pinakita nya,pagmamalasakit sa mga bata, isang patunay ang kangyang kabutihan ikaw narin...sana makita na ang ina ng mga bata... napakabuti mo rin tiyahin... sana wag kang magsawang sumoporta sa kanila...naiintindih an ko ang kalagayan mo ngayun dahil isa ako sa katulad... Godbless you....:)

japina
08-16-2006, 12:13 PM
naku welcome po kayo dito freeme. ayon sa nabasa ko dama ko po angkabaitan na pinakita ni sensei. naku kahit hindi ko pa po nakikita si sensei alam ko na bukas loob sya at mabait na tao. swerte nyo po at nagkaroon kayo ng klaibigan na tulad nya. ingat po kayo and god bless you always!! at para kay sensei thumbs-up:king:

freeme
08-16-2006, 03:07 PM
Hi Freeme....WELCOME sa TF.....sana ay mag-enjoy ka rin sa stay mo dito sa forum......personall y hindi ko kakilala si Sensei....pero kahit na hindi ko pa sya na mi-meet ay nararamdaman ko ang kabaitan nya.

Nasa Gunma-Ken sila ngayon nang asawa nya para magtanong-tanong tungkol doon sa kaibigan nya.I just pray na sana naman ay hindi masayang ang pagpunta nilang mag-asawa doon.Can't say more....just wishing her the best...lalung lalo na sa hubby na mabait din..

Kayo po si lola nabasa ko po yung email ninyo isang linggo lang ako dito kasi pupunta daw kami sa pulis. Pero naikasal na ako kaya isinama ako ni ate. nagtatanong ako sa civil registration hindi ko alam yung sinasabi ng immigration

freeme
08-16-2006, 03:14 PM
hello.. po kayo po pala ang tiyahin ng mga ng mga bata... napakasuwerte nyo po nagkaron kayo ng kaibigan tulad ni sensei napakabuti nya tao... hindi ko rin kilala c sensei personally pero, sa pinakita nya,pagmamalasakit sa mga bata, isang patunay ang kangyang kabutihan ikaw narin...sana makita na ang ina ng mga bata... napakabuti mo rin tiyahin... sana wag kang magsawang sumoporta sa kanila...naiintindih an ko ang kalagayan mo ngayun dahil isa ako sa katulad... Godbless you....:)

hello din!!! si ate...nakakatakot magalit. kahit tulog ka gigisingin ka para sermonan. isusubo na lang ibibigay pa sa ibang tao kaya puro blessing meron siya. madaldal si ate pag sa kalokohan pero hindi nakikipagusap yan sa ibang tao. siya ang nagsabi na manghihingi ng tulong sa Timog akala ko doon pa sa south ng Japan. ito pala yung sinasabi niya kaya magpapabili ako ng internet sa asawa ko. wag lang kayo magagalit kay ate kasi suplada talaga. tulad nung dating okyaksan sa club hinawakan yung pwet ko. sinapak ni ate dumugo ang ilong nakakatakot pero mahal niya kaming lahat

freeme
08-16-2006, 03:22 PM
naku welcome po kayo dito freeme. ayon sa nabasa ko dama ko po angkabaitan na pinakita ni sensei. naku kahit hindi ko pa po nakikita si sensei alam ko na bukas loob sya at mabait na tao. swerte nyo po at nagkaroon kayo ng klaibigan na tulad nya. ingat po kayo and god bless you always!! at para kay sensei thumbs-up:king:

helloako po si freeme si ate po nagbigay ng lakas ng loob sa akin, bata pa rin si ate pero siya ang naging ate namin. magpasalamat daw po ako.

Maraming salamat po sa Timog forum filipinos in Japan na tumutulong sa amin mga nangangailangan, hindi po ako nakatapos ng pag aaral pero nakakabasa po ako. Mabubuti ang puso ng mga pilipino sa mga nakasulat dito nagpapasalamat po ako. Sana patuloy po ang internet na ito magpapabili ako sa asawa ko.

japphi
08-16-2006, 03:25 PM
hello din!!! si ate...nakakatakot magalit. kahit tulog ka gigisingin ka para sermonan. isusubo na lang ibibigay pa sa ibang tao kaya puro blessing meron siya. madaldal si ate pag sa kalokohan pero hindi nakikipagusap yan sa ibang tao. siya ang nagsabi na manghihingi ng tulong sa Timog akala ko doon pa sa south ng Japan. ito pala yung sinasabi niya kaya magpapabili ako ng internet sa asawa ko. wag lang kayo magagalit kay ate kasi suplada talaga. tulad nung dating okyaksan sa club hinawakan yung pwet ko. sinapak ni ate dumugo ang ilong nakakatakot pero mahal niya kaming lahat

hi Freeme,
Konnichiwa.....nataw a naman ako sa kwento mo.....nakakatakot nga yata si Sensei:p .....para yatang sa pelikula ano.Hindi uurong sa away he he he he he........

Paano kaya at sya yung nahipuan sa puwit...ano kaya ang dating nung okyakusan???baka maisasakay sya sa ambulansya ano......pero mabait.....biruin mo ipagtatanggol kayo.......

freeme
08-16-2006, 04:45 PM

wag po kayo matakot kay ate...pag walang toyo mabait yan.

balita po pala, nagpunta sila ng Gunma pero hindi na daw doon nakatira. Apat na taon na daw yata nakakalipas. Hindi din malaman kung hiniwalayan ng hapon o nag overstay. pangalan ng asawa YUKIO KANEKO. pupunta na lang kami ng embassy muna tsaka pulis.

salamat po sa mga tao sumagot sa panawagan pag nagkabisa ako uuwi ako agad.

mina210
08-19-2006, 01:23 AM
oo nga pabili kana para continuos ang pagpopost mo dito nkakatuwa ka naman,,, ingat palagi... mahirap ang mga katulad natin... sana makita nyo na ang hinhanap nyo gudluck ulit sa paghahanap.. sa kanya...gobless you... mina..

joeblack
08-20-2006, 09:48 AM
@ Freeme,
Matagal ko na ring sinusubaybayan ang thread na eto ni Sensei, super bait nya. Nagkainteres din akong makatulong sa paghahanap sa kay Jonna dahil ayon kay Sensei taga Iloilo sya. Ako din taga Jaro, Iloilo City... Kawawa naman yung mga pamangkin mo sabik sa pag-aaruga ng tunay na ina.... gayunpaman; we cannot condemn a certain person unless we can heared her explanation why she did these and that..... If we look only the situation in one perspective it's unfair di ba......
Gaya ng sinabi ko sa PM ko sa yo, may kaibigan ako sa Phil. Embassy dito sa Roppongi na Ilonggo din; taga Antique... Sya ang nilalapitan ko pag may mga Pilipino na nangangailangan ng tulong at nag oonegai sa akin......Baka malaking tulong sya sa paghahanap natin kay Jonna. Anyway; sa Yokohama rin ako nakatira magtanong tanong din ako dahil ayon kay Sensei dito daw sya napadpad......
God Bless and I am looking forward for the immediate result of our search...... MABUHAY!!!!!

sensei
08-21-2006, 08:00 AM
Gaya ng sinabi ko sa PM ko sa yo, may kaibigan ako sa Phil. Embassy dito sa Roppongi na Ilonggo din; taga Antique... Sya ang nilalapitan ko pag may mga Pilipino na nangangailangan ng tulong at nag oonegai sa akin......

God Bless and I am looking forward for the immediate result of our search...... MABUHAY!!!!!

Salamat po joeblack,
next month po pag nag yasumi ako plano ko pong pumunta ng embassy...salamat sa PM. Grabe anlaki ng naitulong ng Timog Forum, maganda po yung naibalita ni joeblack.

.......sorry po crispee.

chameleon
08-22-2006, 03:36 PM
Isang tip lang..why dont the kids post a picture of their mother? Who knows,may member ng Forum na maka-recognize sa mukha?

Tonyang
08-28-2006, 10:50 PM
Sensei, mga kapatid sa Timog, kumusta na ang mga bata at lolo at lola? Baka tayo rito puwedeng magkaisa para matulungan sila habang di pa natin nakikita ang kapwa-Pinay natin?:)

sensei
08-28-2006, 11:20 PM
Sensei, mga kapatid sa Timog, kumusta na ang mga bata at lolo at lola? Baka tayo rito puwedeng magkaisa para matulungan sila habang di pa natin nakikita ang kapwa-Pinay natin?:)

KOnnichiwa...mabuti naman po lagay ng pamilya nila.
Ang hindi mabuti eh, kung buhay pa nga ba ang hinahanap.
Sa tingin ko sa post niyo eh marami kayong kakilala sa PhilEmb...dyan naman po ang destinasyon ko this coming September, yoroshiku ne!!!

Kailangan ko lang malaman yung konting information like kung sinong magulang ni Jonna, etc. Para naman pwedeng ipacheck sa NSO at baka merong record ng death certificate and the like. Kung nakauwi ba sa Pilipinas ng buhay pa or kung nakapag asawa ba muli...

God is with us...don't worry freeme

Tonyang
08-29-2006, 07:11 AM
Ah ok sensei... so wala na silang kailangang tulong? Makita lang ang ina nila:)

Yes mayroon akong mga kilala roon. Puwede ko nang ipatanong o gusto mo ikaw na ang mag-asikaso pagpunta mo rito sa Tokyo, sensei? Let me know.:D

sensei
09-04-2006, 03:50 PM
To all the members:

For any information regarding this panawagan please ask lowla japphi and vectra for my keitai bangou. Hindi ko po pwede post dito eh.

Lola japphi and sexy vectra, yoroshiku onegaishimasu ne.

Salamat po sa Timog Forum !!!
Babalik po ako agad...ganbarimasu

Tonyang
09-09-2006, 07:03 AM

Bale mas naging isyu pa rito ngayon, sensei... kung nandito pa sa mundong ibabaw ang ina ng mga batang ito. For this, we should really pray for her.

jc2x
09-14-2006, 03:16 PM
Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). sana mabasa mo to... ang tagal nyo ng hindi nag kikita.. kwawa nman yung mga bata....

Tonyang
09-18-2006, 08:18 PM
Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). sana mabasa mo to... ang tagal nyo ng hindi nag kikita.. kwawa nman yung mga bata....

Nasaan na tayong part ng journey para sa solution? Baka busy lang si sensei sa pa-contest sa TF. Cheers!:)

goma_23
09-21-2006, 11:30 AM
possible kaya na sumulat sa bawat city hall? i mean , lahat naman ng pinoy may gaijin touroku diba? tapos paghati hatian na lang ng mga members na may access or malapit sa bawat city hall nila?

Sammy
11-01-2006, 01:46 PM
Sana walang nangyari masama sa iyo Joanna. Kawawa naman ang mga anak mo.
Magpakita ka lang sa kanila promise you tutulungan kita financially para sa mga anak mo.

sensei
11-14-2006, 09:20 AM
Anong ngyari sa panawagan ko? Hindi rin makarelax ang isip ko kasi marami akong naiwang hindi accomplished dito sa Timog Forum. Firstly, itong panawagan ko dahil parang wala na talaga yata si Jonna Kaneko dito sa Japan.

possible kaya na sumulat sa bawat city hall? i mean , lahat naman ng pinoy may gaijin touroku diba? tapos paghati hatian na lang ng mga members na may access or malapit sa bawat city hall nila?

@goma23,
Zero po ang search natin in every city halls...nilakad po yan ng husband ko. Maliban na lang kung OS na rin si Jonna.

Wala lang nakakalungkot lang....

hayaren
11-14-2006, 05:43 PM
Anong ngyari sa panawagan ko? Hindi rin makarelax ang isip ko kasi marami akong naiwang hindi accomplished dito sa Timog Forum. Firstly, itong panawagan ko dahil parang wala na talaga yata si Jonna Kaneko dito sa Japan.

@goma23,
Zero po ang search natin in every city halls...nilakad po yan ng husband ko. Maliban na lang kung OS na rin si Jonna.

Wala lang nakakalungkot lang....

sensei, kumusta na...makiki OT lang po. di ba dapat relax ka during these period for you and your baby? Kaya po isangtabi mo muna yan:) Masaya lang akong nakita ang quote mo.

mikaeru
01-10-2007, 12:05 AM
sensie san, kmusta ka na po? grabre nag-aalala kaya po ako sa iyo!ok lng ba kalagayan mo? i hope so! di ka na kasi nagpaparamdam sa akin eh!

well,ngayon ko lang na-click ito,gulat ako sa mga bata,parang ngayon ko lang napansin grabe ang payat nila, kakaawa talaga sila. you mean to say hindi pa nagpaparamdam ang nanay nila until now. hindi man lang niya naisip na galing sa sariling sinapupunan ang mga batang iyan. naiinis ako kung bakit may ganyang ina, sariling anak pinabayaan na parang basurang itinapon sa kahit saan. kakaawa talaga ang mga bata.
may awa ang Diyos , magkikita rin sila!

yorushiko ne sensie san!:)

yosi
06-02-2007, 01:04 PM
Magandang araw sa inyo Timog Forum moderators and members.

Isa sa ating kababayan dito sa Japan ang nananawagan sa ina ng mga batang ito. Kahit man lang sa pamamagitan ng Timog Forum ay mapag alaman ang kinaroroonan ni Mrs. Jonna Tiangson Kaneko(from Iloilo). Sa mahigit na anim o pitong taon na pamamalagi niya sa Japan ay hindi man lang niya nakita ang paglaki ng mga anak nia. Wala pang isang taon ang edad ng bunso na si Kristoffer Chad ng magpunta ng Japan ang kanyang ina. Walang tawag at sulat, hindi alam kung buhay pa. Nakikiusap ang mga anak na kahit man lang isang beses ay makilala nila ito.

Isang sundot sa puso para sa mga tulad ng ibang magulang na nawalay ng matagal sa anak. Nawa’y pagbigyan ang kahilingan ng ating kababayan dahil hindi siya pwedeng basta na lang umuwi ng Pilipinas. Hindi rin siya miyembro ng Timog Forum ngunit umaasa pa ring may makakatulong. Ang tatlong batang ito ay kanyang pamankin, kasalukuyang pinag aaral ang mga bata at nasa pangangalaga ng lolo at lola. Ngunit sa matinding pangangailangan dahil tumatanda na rin sila, ipinapahanap po ang tunay na magulang para hindi naman maging kawawa ang mga bata sa paglaki.

Ang panganay na si Kyle Chevroe (grade 3), Klarenz Cyril (grade 2) at Kristofer Chad (grade 1) ay umaasa na makita nilang muli, mayakap at mahagkan si “mommy”.

Huling pagkakaalam na kinaroroonan ni Mrs Jonna Tiangson Kaneko ay sa Gunma.At balitang napadpad sa Yokohama, anim na taon na nakakalipas.

Ipagbigay alam kay sensei.
(Send me PM and I’ll give you her contact number)

Yoroshiku Onegaishimasu

Click for Photos:

-Jonna (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/Jonna.jpg)-
-Kyle Chevroe (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KyleChevroe.jpg)-
-Klarenz Cyril (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KlarenzCyril.jpg)-
-Kristofer Chad (http://www.timog.com/gallery/files/9/0/KristoferChad.jpg)-
Jonna Tiangson Kaneko, malubha ang sakit ng panganay mong anak. Baka gusto mo pa silang makita
Gusto ko lang pong magpost dito para maibalik ang panawagan naito.sana kong sino man nakakakilala paki contact nalang po kay sensie.:) :) :) godbless po.may photos po dyan paki click nalang para makita mukha.

v_wrangler
06-02-2007, 05:05 PM
Gusto ko lang pong magpost dito para maibalik ang panawagan naito.sana kong sino man nakakakilala paki contact nalang po kay sensie.:) :) :) godbless po.may photos po dyan paki click nalang para makita mukha.

I'd advice immediate relatives to contact the Philippine Embassy to classify the mother as missing. If she is still in Japan and have been eversince within those six or seven years, she might have had her passports renewed or if she got in trouble - the Assistance to Nationals Office might have had some record of her and her contact address.

sensei
07-16-2007, 01:50 PM

Salamat po v_wrangler. May problema pa rin po, yung pangalan na ginamit niya dito sa Japan. Kung Jonna po ba talaga pangalan niya.

~~~Kung Jonna Tiangson Kaneko, kasi minsan daw Rosemarie ang tawag:confused:

Ibinabalik ko lang po...

Kino contact ko pa ang Philippine Embassy pero through phone pa lang.
~~~si miss operator po eh wala daw alam kaya through e-mail na lang po muna.

By October papunta po kami, hintayin ko lang lumaki konti si bebe.

For the meantime, sa mga baguhan ng TF, pakitignan po yung posted picture ng nanay sa first post baka kilala ninyo.

Yoroshiku Onegaishimasu.

jcby1321
09-19-2007, 09:38 PM
we just hope and pray that nothing happens to the mother...kz alang matinong ina na basta na lang kakalimutan ang kanyang anak...malayo nga lang ang anak ko sa akin ng isang araw nd na ako makatulog, un pa kayang matagalan...there might be something happens to her... kz nd naman talaga madali tumira sa ibang bansa...swertehan lang talaga....

tadashi
04-28-2008, 11:23 PM
ano na po nangyari sa issue na ito??:confused: nahanap na kaya yung nanay nung mga bata???