View Full Version : Bakit Wala tayong Filipino School sa Japan?
Tonyang
07-25-2006, 10:16 PM
Bakit sa Japan kung saan mas maraming Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan at kung saan mas mataas ang standard of living, WALA TAYONG SARILING FILIPINO SCHOOL?
Bakit ang mga Indian, Taiwanese, Brazilian, Intsik, Koreano, Indonesian may sariling school sa Japan?
Bakit sa bansang Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman at Bahrain kung saan maraming Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan, mayroong Filipino school?
Tulungan sana natin na maikalat ang magandang konsepto na tinawag na FISJ - Filipino International School in Japan at may BLOG ito sa http://fisj.wordpress.com :D I think di ito imposible.
PILIPINAS
07-25-2006, 10:47 PM
May kaibign ako sa Gunma-pref. Marami silang Filipino couples with their children living here in Japan. Since their children couldn't communicate well in Nihongo, they couldn't get accepted to public schools. So, they go to private international institutions for their education. And the tuition fees are so expensive. Kaya 'yung ibang bata, napipilitan pauwiin ng Pilipinas para mag-aral. I feel sorry for them kase kailangan nilang magkahiwa-hiwalay.
Sana nga matuloy ang project na ito, Ka Tonyang!
Tonyang
07-25-2006, 11:03 PM

Pilipinas, you know why it's taking time for us to cook this project? Advocacy kasi ay kailangan. Para makilala at maging sikat iyung idea.
Iyung idea ng subsidiary o branch, puwedeng i-apply sa business model ng proyektong ito. This project will have a foundation and a financing arm. So the school will be the foundation and it will be financed by a tieup financing institution. Iyung financing institution, marami ang puwedeng isali. Kahit sinong gustong mag-invest, welcome. Magkano? Next question siguro. We have to build the stock plan for this school. Tapos, ang maganda pa nito, pag nabuo na ang startup school halimbawa sa Tokyo o saan man, madali nang gumawa ng susunod nitong branch kasi buo na ang model. Actually, we only need demographics...pero di iyung stats na minadali as in kunin na lang sa embassy natin. Hehe! What's the purpose of advocacy? May learning curves iyan... dapat ma-internalize ng husto ng mga magulang ng mga JFC o Japanese-Filipino children iyan. Especially iyung konsepto ng bicultural orientation at iyung "pag-aaral ng iyong mga anak na hindi mo masundan o di mo maintindihan" - aminin :D .
Alam ko karamihan sa mga nandito di pa bilib na puwede itong mangyari. Kailan pa ba maniniwala ang kapwa-Pinoy natin? Wala namang tinatanong di ba Pilipinas? O kung sasagutin naman natin, di naman sasagot muli dahil ayaw talagang maniwala na puwedeng mangyari o marahil, natatakot pero natatakot saan? Sa corruption possibility ?? First challenge here - learn to know and discover our kababayans who are still trustworthy... kung tingin ay wala naman talaga... then just give up but don't block others' rights to carry on. Di ba? Basta Pilipinas kapatid, iwan na natin iyung mga paurong... pasulong tayo! :D
Sino pang pasulong sa inyo, mga Ka-TF?:) Baka gusto ninyong gawin nating beauty contest din ito... pagamit, Sensei, ng idea para bumenta ang FISJ project natin!:)
parang gusto ko ata ang ideang ito...may anak kasi ako 7months pa at gusto ko sana pagdating ng panahon makapasok na sya sa Filipino International School na yan...sana ma-materialize na...hehehe(nag-aapura ba) ...gusto ko kasi matuto ang anak ko ng mabuti sa ibat-ibang subjects kagaya ng mga natutunan ko sa atin....magaling ang school(mostly private) sa pinas with regards sa ENglish kumpara sa japan diba.... ayaw ko kasi yung mga naririnig at nakikita ko sa mga batang hapon...walang galang....(opinion ko kasi naririnig at nakikita ko)
Tonyang
07-27-2006, 08:54 PM

Salamat Meg...matanong kita kapatid at mga kasama natin sa TF. Kung matutuloy ang FISJ project, bakit di sasali ang ibang Pinay kaya? Sabi nila...di raw papayag ang mga asawang Hapon. Bakit kaya? Anong magiging problema natin sa mga asawang Hapon kaya?:eek:
hi tonyang sorry sa late reply...well sa case naming mag-asawa walang problema kasi payag naman sya may tiwala kasi sa sya system of education sa atin dahil din cguro sa pinapakita ko kung anong natutunan ko sa atin...cguro yung ibang daddy na hapon na ayaw aydahil sa maling pagtingin nila sa bansa natin...dahil nga sa hindi maunlad ng kagaya sa nihon...sana naman yung mga mommies ipakita natinyung strong points natin para bumilib sila...
supa_freak
08-01-2006, 11:04 AM
Bakit sa Japan kung saan mas maraming Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan at kung saan mas mataas ang standard of living, WALA TAYONG SARILING FILIPINO SCHOOL?
Bakit ang mga Indian, Taiwanese, Brazilian, Intsik, Koreano, Indonesian may sariling school sa Japan?
Bakit sa bansang Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman at Bahrain kung saan maraming Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan, mayroong Filipino school?
Tulungan sana natin na maikalat ang magandang konsepto na tinawag na FISJ - Filipino International School in Japan at may BLOG ito sa http://fisj.wordpress.com :D
I think di ito imposible.
bakit po kailangan natin ng filipino school,e nandto naman po tayo sa japan i think dapat na makihalubilo tayo sa kanila to see their cultures,sayang naman kung sasayangin natin yung opportunity to see their values and cultures.tsaka maganda din naman po yung standard ng turo nila dito:)
point of view ko lang ....
hindi naman ibig sabihin na kapag Filipino School eh lahat nalang Filipino subjects...lahat pinag-aaralan kaya nga lang may malawak na pag-aaral regarding sa pilipino at cultura...walang masama na malaman natin ang ibat ibang kultura at tradisyon ng ibang bansa tulad ng japan..pero mas maganda din malaman ng mga anak natin ang ganda ng pinagmulan ng mga ina nila...sa tingin nyo habang buhay kayo sa japan?hindi na ba kayo babalik ng pinas?maraming pwedeng mgawa ng Filipino School...
poulain
08-01-2006, 03:45 PM
sana rin mag karoon ng school dun sa gusto kumuha ng MBA di ba.. kasing sayang naman yung iba na nakatapos ng school sa phils, tapos pag dating dito sa japan, parang nasasayang lang ang pinagaralan di ba po?
Tonyang
08-01-2006, 10:12 PM
hi tonyang sorry sa late reply...well sa case naming mag-asawa walang problema kasi payag naman sya may tiwala kasi sa sya system of education sa atin dahil din cguro sa pinapakita ko kung anong natutunan ko sa atin...cguro yung ibang daddy na hapon na ayaw aydahil sa maling pagtingin nila sa bansa natin...dahil nga sa hindi maunlad ng kagaya sa nihon...sana naman yung mga mommies ipakita natinyung strong points natin para bumilib sila...
:p MEG, maraming salamat sa iyong sagot. Bigay tayo ng examples kapatid ng mga strong points na ito para practical thinking sa mga kasama natin dito sa Timog pag may chance.
bakit po kailangan natin ng filipino school,e nandto naman po tayo sa japan i think dapat na makihalubilo tayo sa kanila to see their cultures,sayang naman kung sasayangin natin yung opportunity to see their values and cultures.tsaka maganda din naman po yung standard ng turo nila dito:)
:p SUPA_FREAK, decision natin iyan bilang magulang ng ating mga anak para sa kanilang kinabukasan. Suggestion lang ito kapatid. Usual kasi sa mga JFC (Japanese-Filipino children) na nagiging Hapon na lang ang mga gawi nila at himbis na JFC identity... that is, may bicultural identity sila dapat. Ito ay maraming merits kung tutuusin dahil mas malawak o lalawak ang mundo nila at di lang limitado sa bansang Hapon.
sana rin mag karoon ng school dun sa gusto kumuha ng MBA di ba.. kasing sayang naman yung iba na nakatapos ng school sa phils, tapos pag dating dito sa japan, parang nasasayang lang ang pinagaralan di ba po?
:p Sister, puwedeng magkaroon ng MBA school o business classes ang FISJ bilang extension school nito o night school pag lumaki na ito. Puwede iyung setup na mga bata ang gagamit sa umaga at mga working naman sa gabi... Kaso iyung size ng mga upuan ang magma-matter... anyway, puwede iyun! I hope makatulong tayo sa pagkakalat ng mabuting balita.
Maraming salamat!
poulain
08-01-2006, 10:54 PM

Sana nga kasi po binabalak ko rin po kumuha ng MBA, kaya lang dito na ako sa Japan nakatira, walang problema sa upuan, basta makapag-aral muli..!!:):)
Sana nga po ma-implement ito, magandang idea po ito..!:)
Tonyang
08-06-2006, 09:18 AM
Sana nga kasi po binabalak ko rin po kumuha ng MBA, kaya lang dito na ako sa Japan nakatira, walang problema sa upuan, basta makapag-aral muli..!!:):)
Sana nga po ma-implement ito, magandang idea po ito..!:)
Populain, depende iyan sa suporta ng mga ka-barangay natin sa Japan... kahit pa maganda iyung idea pero di susuportahan, parang bula rin na mawawala iyan sis. ;)
Kaya tayo na at suportahan ang FISJ project sa http://fisj.wordpress.com .
Malaking bagay iyung inputs ng mga kapwa-Pinay natin dito sa Timog lalo na iyung mga nagpapalaki ng kanilang mga anak. Marami rin akong natanggap nang mga inquiry tungkol sa project at may mga wish na sana'y matuloy nga ito. Usual sa mga tanong nila iyung religion... bakit kaya particular ang mga kapwa-Pinoy natin sa usapang religion??
mOtt_erU
08-31-2006, 12:44 AM
Count me in!
Sana nga magkaroon na ng Filipino school sa Japan...para yung mga JFC , pati Ryooshin/parents nila may CHOICE kung sa Japanese school o FIlipino school ba sila pag-aaralin.:) :) :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.