PDA

View Full Version : KURIPOT SI BEBANG


satsuki
07-26-2006, 03:19 PM
Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang

kanyang ina na

nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa

kamahalan ng pamasahe

pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi

na lang niya ang kabaong

ng kanyang ina na mag-isa.



Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya

niya na nakadikit ang mukha

ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang

isang anak, "Ay, naku!

Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng

bangkay sa Amerika!

Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."



Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang

kabaong. Aba! May sulat

na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at

binasa. Ang nilalaman ng

liham na mula kay Bebeng:



Mahal kong tatay at mga kapatid:



Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa

pag-uwi riyan sa

Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang

gastos ko pa lang sa kanya ay

mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang

eksaktong halaga. Anyway,

ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...



Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na

karnenorte at isang dosenang

spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay

tatay. Ang limang pares ng

de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport

na backpack na inuunan ni

nanay. Tig-iisa kayo.



Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa

puwetan ni nanay. Para

sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte.

Sana'y hindi natunaw. Ang

pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para

sa bunso ni ate. Gift

ko sa first birthday ng bata. Ang

itim na Esprit bag ay para kay Nene.



Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,

japanese version ng pokemon

trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang

tatlong Ralph Lauren, apat na

Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para

kay Kuya at tig-iisa ang

mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang

mga iyan sa fiesta.



Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong

warmer para sa mga

dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May

isang dosenang NBA caps sa

may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya,

dikong, Tiyo Romy. Bigyan

nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at

'yong isa ay kay Pareng

Tulume.



Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee

caps na suot-suot din ni

nanay ay para sa mga anak mo, diko, na

nagbabasketball. Tigdadalawang ream

ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan

ng mga hita ni nanay.



Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang

dishwashing liquid, isang

Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua

Fresh ang nakasiksik sa

kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag

mag-aagawan.



Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang

tatak)gustong-gusto ni Tiya

Iskang society natin, suot-suot din ni

nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. anim

na lipstick lang ang

kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,

suot-suot ni nanay.

Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo

agad, Itay.



May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na

naglalaman ng $759

dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na

siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya

para pag namatay si

Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing

at kuwintas (na may

nakakabit pang anim na nail cutters) na

gustong-gusto mo, ditse, ay suot

suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.

Ibigay mo ang isang

nailcutter kay Jay bakla sa kanto.



Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may

isiniksik ako 3 diyamante

bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na

malalaglag na ang mga

iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.



Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay

Ninang Berta, hindi ko

na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may

bandang ulunan ni nanay.

Nasa pink na plastik na maliit. "Mga Adidas at

Champion na medyas, suot

suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga

pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton

buds, cotton balls, table

napkins

at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng

mga puting bath

towels...'yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong

ni nanay. Marami-rami rin

iyon. Parte-parte rin kayo.



Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang

parte gaya ng cafe, coffee

creamer, ilang vienna sausage na de lata, barbie

dolls, toothbrush, paper

cups, plastic

spoons and forks, paper at styrofoam plates,

perfume, cologne, ballpens,

stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys,

used t-shirts, hand

towels, CD. VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw

driver, plais, long

nose, atbp. Na hindi ko na na itemize dahil

nagmamadali ako at graveyard

shift ako ngayon.



Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka

mag-excess at si nanay

pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya,

ate, dikong, ditse.

Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.

Pamimisahan ko na lang

siya rito.



Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Alam ni ate ang email ko.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa

mga ipinadala ko.



Nagmamahal,

Bebeng





P.S.



Pakibihisan ninyo agad si Nanay! Sa takip pala ng

kabaong sa may paanan,

tis-tisin niyo ang tahi ng pulang sinulid at may

isinisik akong mga nail

polish at nipper para kay Mareng Ana sa ibayo. May

mga tuwalyang puti.

Iyong markang Days Inn para kay kuya, Holiday Inn

kay ditse, Econolodge kay

ate, La Quinta kay dikong, yung Mandalay Bay para

kay itay. Mag-iipon na

lang uli ako pag punta

namin sa Las Vegas

Hanki
07-28-2006, 10:58 AM
Darlin' ..i read it long time ago....pero kaloka kakuriputan ni bebang :D:D mabuti di nagiba Ataol anoh ?? stateside eh..? yun kabaong ng cousin ko sya lang nakahiga muntik pa syang malaglag lokal kasi ..bongga ??:rolleyes:

uvy
08-22-2006, 08:40 AM
grabe na ito,.........

hayaren
09-02-2006, 04:02 PM
hello there...I printed this out so the rest of my staff could partake reading...sabi ng staff ko they'll apply what Bhebeng did everytime magpacargo sila bahala na daw mapunit ang gilid ng cargo box, i-tape nalang daw at tali-an to the max hanggang kaya pang saksakan ang kawawang box:D :rolleyes:

satsuki
09-02-2006, 04:55 PM
nyahahaha..:D.di kaya magreklamo ang box...:biglaugh:

hayaren
09-02-2006, 05:25 PM
nyahahaha..:D.di kaya magreklamo ang box...:biglaugh:

hello there...buti nalang ang box hindi nakakapagsalita, kung makita mo lang paano nila saksakan ang box nakakaawa talaga, biyak na yung gilid gilid hala uupuan nila yan at may patalon talon pa...sadista ano:roll:

satsuki
09-02-2006, 05:37 PM
:eek: susme..kawawa naman ang magbubuhat na takyubin nyan..:furious:baka minumura na tayo ng sagawa o kuruneko...:weep:

hayaren
09-02-2006, 09:27 PM
:eek: susme..kawawa naman ang magbubuhat na takyubin nyan..:furious:baka minumura na tayo ng sagawa o kuruneko...:weep:



pagpinoy ang magpacargo dito medyo expected na yan kadalasan kasi free weight at bilhin mo yung box in a certain amount at bahala ka na kung ano at gaano kabigat ang timbang nung box:D

fremsite
09-02-2006, 09:45 PM
this is not funny .. do i have to elaborate more ? ..............
ganito ba talaga ? .. i hope ... kwento-kwento lang and ..
just for fun lang talaga ... but it's not funny for me ... sorry ....:(

ahccofharyne
09-02-2006, 11:13 PM
this is not funny .. do i have to elaborate more ? ..............
ganito ba talaga ? .. i hope ... kwento-kwento lang and ..
just for fun lang talaga ... but it's not funny for me ... sorry ....:(


hindi ko alam yung iisipin ko... totoo bang may ganun?

ahccofharyne
09-02-2006, 11:17 PM
hindi ko alam yung iisipin ko... totoo bang may ganun?


o patawa lang...siguro naman noh...:bonk:

hayaren
09-03-2006, 12:14 AM
this is not funny .. do i have to elaborate more ? ..............
ganito ba talaga ? .. i hope ... kwento-kwento lang and ..
just for fun lang talaga ... but it's not funny for me ... sorry ....:(

@fremsite san...on the other hand I agree with you kasi parang walang galang sa yuma-ong ina..over exaggerated na kasi:O

mOtt_erU
09-11-2006, 02:09 AM
....honestly miXed emotions ako sa thread mo Satsuki San.

nung unang part, medyo malungkot ang dating saken..:(
afterwards ..nung bandang gitna na eh nakakaGulat:eek: at medyo naPatulala ako na napaIsip.
After matapos kong basahin..iniisip ko "ano bang THOUGHT nitong poem o story na to?"

Pero alam mo I felt bad in a way...although I know na may message siya na iniImpart like yung pagiging maaalalahanin o pagkaGenerous ng Pinoy when it comes to family & relatives..eh okey yun..pero It won`t work kung ganito naman ang SCENARIO...

the thought simply didn`t work for me..it`s not applicable kase.