PDA

View Full Version : Parents of autistic children

mizo_shiru
08-07-2006, 02:20 PM
Hello po mga ka-TF. Matagal ko na pong gustong simulan ang thread na ito pero wala po akong sapat na lakas ng loob at nag-aalinlangan. Kahit anu'tpaman nangibabaw pa rin ang layunin ko na matulungan, maging sandalan, magbigay ng lakas ng loob, magbigay nga tamang impormasyon sa katulad kong magulang na may anak na may autism dito sa Japan.
Hindi po madaling trabaho ang maging magulang dahil kaakibat dito ang iba't ibang uri ng sakit ng loob, panghuhusga, at sakripisyo.Hindi naman bawat oras ay kailangan mong ipaliwanag sa bawat isa na may "kapansanan" ang inaalagan mong anak kasi nakadagdag lang ito ng frustration at sama ng loob.
Alam ko pong maraming Pilipinong magulang dito ang nangangailangan ng tamang impormasyon at sa pamamagitan ng TF ay sana'y magsilbing tulong at gabay ang thread na ito.
Huwag po kayong mag-alinlangan na mag-post dito.
Everybody welcome.:)

Please check here for first signs of autism...... (http://www.firstsigns.org/concerns/flags.htm)

mizo_shiru
08-07-2006, 02:24 PM
• Classic autism — This is the most severe form of autism. People with classic autism have problems talking and relating to people. They can be hypersensitive to their environment. Certain sounds, colors and textures can upset them. They compulsively cling to rituals, such as eating the same foods or watching the same TV show every day at the same time. Changes in routine can upset them.

• Asperger's Syndrome — A type of autism that causes problems with social and communication skills, but does not trigger language delays. People with Asperger's can be socially awkward, may not understand conventional social rules or may show a lack of empathy. They may make limited eye contact, seem to be unengaged in a conversation and not understand the use of gestures. They also have average or above-average intelligence.

• Childhood Disintegrative Disorder</STRONG> — A type of autism that develops in children who previously seemed perfectly normal. Sometime between ages 2 and 4, these children stop talking, lose potty-training skills and stop socializing. They can stop playing, lose motor skills and fail to make friends.

• Rett Syndrome — A condition that usually affects girls and is marked by poor head growth. People with this disorder have poor verbal and social skills. They have repetitive hand movements such as hand-wringing, excessive hand-washing and clapping. Mental retardation is common.

• Pervasive Developmental DisorderュNot Otherwise Specified — A condition in which some — but not all — of the symptoms of classic autism and another pervasive developmental disorderare seen. In these cases, there can be social and speech problems, as well as unusual sensitivities to specific sights and sounds.

Sources: Autism Society of America, Cure Autism Now, Yale Child Study Center at Yale University

darlene
08-07-2006, 03:43 PM
Hello, and ganda naman ng topic mo......... You know i have a brother and his an autistic nasa pinas siya ngayon. Talagang mahirap bantayan ang isang katulad nila but proud kami sa brother ko kasi may talent siya sa piano at saka painting.. Kung minsan naman pabago-bago ang kanyang isip kung minsan ay malikot at minsan din ay tahimik, kaya laging binabantayan siya sa loob ng 24 hrs. Minsan naman tumutulong siya sa gawaing bahay paghindi sinusumpong.......Ka ya binuhos namin sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga.

PILIPINAS
08-07-2006, 04:36 PM
Nice topic.
Aside from autism, there are other mental disorders that parents should pay attention to. I am referring to ADHD and dyslexia. Noon, kapag ang bata ay hindi maganda ang grades sa school (bagsak-bagsak), at grade six na, hindi pa rin makabasa, we use the term "bobo". But not anymore.
ADHD is a problem with inattentiveness, over-activity, impulsivity, or combination, which affects school performance and interpersonal relationships. Kaya, bagsak-bagsak ang grades ng bata.
While dyslexia is a brain-based type of learning disability that specifically impairs a person's ability to read. Kaya, grade six na ang bata, hindi pa rin makabasa.
Walang bata or taong "bobo". May medical definition na ang mga ito. At may proper training/therapy and solution sa ganitong disability. And they can join other normal children at school, because they are not physically handicap. Look at Tom Cruise (http://www.audiblox2000.com/tom-cruise_dyslexia.htm) . He has dyslexia but with medical attention since childhood, he's not different from anyone without the disability.
Read more about ADHD (http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/001551.htm) and Dyslexia (http://www.ninds.nih.gov/disorders/dyslexia/dyslexia.htm).
(propups, press "Ctrl" key when clicking)

RODSKI
08-07-2006, 05:54 PM

(propups, press "Ctrl" key when clicking) . . . . . . . . ..Nice topic:) when i was still in PHILS. somewhere in alabang i used to teach this kind of kids,yung may mga tinatawag nilang'ADHD'( swimming are one of their therapy) may mga na encounter na ako na mga parents mismo eh napipikon? sabi mo nga they're calling it 'BOBO' ,pero hindi in fact mataas pa nga ang 'I.Q' percentage nila sa ordinary kids so kailangan talaga sa batang ganito eh napakahabaaaaaaaaaan g patience,well sana magkaroon ng ganitong school for pilipino kids na narito sa japan,kung mag kakaroon willing ako to teach this kind of special kids. mahabang pang unawa lang po at dagdag na pagmamahal ang kailangan.

mizo_shiru
08-07-2006, 08:55 PM
Hello, and ganda naman ng topic mo......... You know i have a brother and his an autistic nasa pinas siya ngayon. Talagang mahirap bantayan ang isang katulad nila but proud kami sa brother ko kasi may talent siya sa piano at saka painting.. Kung minsan naman pabago-bago ang kanyang isip kung minsan ay malikot at minsan din ay tahimik, kaya laging binabantayan siya sa loob ng 24 hrs. Minsan naman tumutulong siya sa gawaing bahay paghindi sinusumpong.......Ka ya binuhos namin sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga.
Thanks sa response mo Darlene. Yeah, autistic persons are special. Minsan, di naiintindihan ang kalagayan nila, but deep inside, kung kikilalanin natin silang mabuti, they have a pure heart, ipinapakita nila ito sa ibang paraan. Naalala ko nga ang kwento sa akin ng encho sa dating pinapasukang youchien ng anak ko. Isang araw, ini-oobserbahan daw niya ang anak ko na gumagawa ng pathway, naghuhukay siya, mababaw lang naman,gamit ang kanyang kamay, gumagawa siya ng daan na paliko-liko. Di niya maintindihan kung ano ang ginagawa niya kaya't tinanong niya ito, kung para saan 'yung hinuhukay niyang daan. Ang sagot daw ng anak ko ay para sa kaklase niyang naka-bike na naglalaro malapit sa kanya. Ito ang paraan niya para makipagkaibigan, hindi niya ma-express sa salita kaya ipinapakita na lang sa ibang paraan.
May Asperger syndrome ang panganay kong lalaki, na-diagnose siya nuong 2 years old pa lang sya, pero sa mga panahong 'yun di pa matukoy ng mga clinicians at child therapist kung anong klaseng developmental disorder meron sya basta hindi siya sumasagot kapag tinatawag ang pangalan niya, walang reaksiyon ang mukha kapag kinakausap mo, hindi nakikipag-eye contact palagi lang siyang nag-iisa at sobrang tahimik kung naglalaro . Paulit-ulit siya sa mga laro at routine niya, kahit ilang oras ay ganoon pa rin ang gusto niyang gawin at hindi siya nagsasawa. Pagkatapos ng 2-year old check-up niya at doon ko nalaman, sinunod ko lang ang instructions at serbisyo mula sa health center kasama na rito ang mga therapy sessions at useful referrals sa iba't ibang doktor at institusyon.

Galadriel
08-09-2006, 05:42 PM
Hi mizo_shiru,

I have nothing but praise to you. You have been challenged as a mother but your great love and selfless devotion as a mother is really admiring. I hope you could encourage parents in the same situation to come out and discuss the problem positively. Had i been there too, i'd be really grateful to have this kind of help group.

Good luck.

japina
08-09-2006, 07:02 PM
mizo_shiru,

alam mo saludo ako sa mga mother na tulad mo. malaki sacrifice ang ginagawa ng mga mother na tulad mo sa kanilang anak. kaya lalo mo pang lakasan ang loob mo and keep on praying. buti na lang at nalagay mo sa thread ang ganitong topic. para mas maraming matutunan ang mga ibang magulang na nasa sitwasyon na tulad mo. ganbatte and god bless!!

mizo_shiru
08-09-2006, 07:24 PM
Hi mizo_shiru,

I have nothing but praise to you. You have been challenged as a mother but your great love and selfless devotion as a mother is really admiring. I hope you could encourage parents in the same situation to come out and discuss the problem positively. Had i been there too, i'd be really grateful to have this kind of help group.

Good luck.
Thanks Galadriel. I haven't thought much of what I have done for my kid. Basta, alam ko, nakakapag-aral siya kasama ang ibang na bata na nasa regular na klase, marami narin siyang kaibigan na naiimbita sa bahay ,he's good in math and science but poor in motor skills, palagi siyang kulelat sa takbuhan at sports activities sa school nila, pero di ko na 'yun pinapansin kung ikukumpara sa mga naging improvements niya these past few years, sobra-sobra ang pasasalamat ko, lately, nasasakyan na niya ang bike niya, it was unimaginable and unthinkable, nasasakyan na niya ang bike niya, it was like watching his first step again.

mizo_shiru
08-09-2006, 07:55 PM
mizo_shiru,

alam mo saludo ako sa mga mother na tulad mo. malaki sacrifice ang ginagawa ng mga mother na tulad mo sa kanilang anak. kaya lalo mo pang lakasan ang loob mo and keep on praying. buti na lang at nalagay mo sa thread ang ganitong topic. para mas maraming matutunan ang mga ibang magulang na nasa sitwasyon na tulad mo. ganbatte and god bless!!

Thanks, Japina. 'Yan ang main purpose ko nang simulan ang thread na ito, parang information-drive na rin sa mga magulang. Sana po ay marami ang maging aware at matuto dito. Hindi po dapat ipagwalang-bahala ang kalagayan ng anak natin, lalo na't bilang magulang ay may nararamdaman tayong di tama sa anak natin. Huwag po nating ipaubaya na gagaling din ito balang-araw kase maraming oras ang nasasayang sa bata kung may paraan naman, ma-enjoy ang sarili nila at ang mga taong nakapaligid sa kanila, itong mundong ginagalawan natin, yan na siguro ang pinakamagandang maiibigay natin.

bara
08-09-2006, 09:44 PM
makisingit lang po miss mizo shiru sang@ isa po kasi ako sa mga bagong ina na nagsisimula palang 2 months old na po ang baby girl ko.Maitanong ko lang po kung anung edad ng bata niyo po malalaman ang pagiging authistic at anu po ang mga signs para matukoy na may ganung kalagayan ang isang bata?very curious po akong malaman?

darlene
08-09-2006, 09:56 PM
Thanks sa response mo Darlene. Yeah, autistic persons are special. Minsan, di naiintindihan ang kalagayan nila, but deep inside, kung kikilalanin natin silang mabuti, they have a pure heart, ipinapakita nila ito sa ibang paraan. Naalala ko nga ang kwento sa akin ng encho sa dating pinapasukang youchien ng anak ko. Isang araw, ini-oobserbahan daw niya ang anak ko na gumagawa ng pathway, naghuhukay siya, mababaw lang naman,gamit ang kanyang kamay, gumagawa siya ng daan na paliko-liko. Di niya maintindihan kung ano ang ginagawa niya kaya't tinanong niya ito, kung para saan 'yung hinuhukay niyang daan. Ang sagot daw ng anak ko ay para sa kaklase niyang naka-bike na naglalaro malapit sa kanya. Ito ang paraan niya para makipagkaibigan, hindi niya ma-express sa salita kaya ipinapakita na lang sa ibang paraan.
May Asperger syndrome ang panganay kong lalaki, na-diagnose siya nuong 2 years old pa lang sya, pero sa mga panahong 'yun di pa matukoy ng mga clinicians at child therapist kung anong klaseng developmental disorder meron sya basta hindi siya sumasagot kapag tinatawag ang pangalan niya, walang reaksiyon ang mukha kapag kinakausap mo, hindi nakikipag-eye contact palagi lang siyang nag-iisa at sobrang tahimik kung naglalaro . Paulit-ulit siya sa mga laro at routine niya, kahit ilang oras ay ganoon pa rin ang gusto niyang gawin at hindi siya nagsasawa. Pagkatapos ng 2-year old check-up niya at doon ko nalaman, sinunod ko lang ang instructions at serbisyo mula sa health center kasama na rito ang mga therapy sessions at useful referrals sa iba't ibang doktor at institusyon.

Hello mizo_shiru I'm so proud both of you nang mother ko tatagan mo ang loob mo and you are so lucky to have a gifted child like your son. Skills lang ang kailangan nila like my bro his doing some activities sa kanyang school, hanggang naging magaling siya sa pinili nyang skills. At saka give him a chance like painting, guitar or any kind of skills na gusto nyang gawin... God bless you always.............. ....:)

myukasky
08-09-2006, 10:07 PM
makisingit lang po miss mizo shiru sang@ isa po kasi ako sa mga bagong ina na nagsisimula palang 2 months old na po ang baby girl ko.Maitanong ko lang po kung anung edad ng bata niyo po malalaman ang pagiging authistic at anu po ang mga signs para matukoy na may ganung kalagayan ang isang bata?very curious po akong malaman?

Alam mo bakit mo iisipin yung bagay na ganyan? Isipin mo maging healthy si baby mo. Baka sa sobrang kaiisip mo at may makita kang ibang signs ganon agad isipin mo. Iba iba kasing level yan at minsan late na rin malalaman. May two kids din ako at mula baby pa sila hinanda ko na sarili ko kung ano man yung kahihinatnan o kalalabasan nila habang lumalaki. Sa health center sasabihin naman nila sayo kung may di pangkaraniwan sa anak mo if ever. Thinking positive sis.:D

darlene
08-09-2006, 10:11 PM
makisingit lang po miss mizo shiru sang@ isa po kasi ako sa mga bagong ina na nagsisimula palang 2 months old na po ang baby girl ko.Maitanong ko lang po kung anung edad ng bata niyo po malalaman ang pagiging authistic at anu po ang mga signs para matukoy na may ganung kalagayan ang isang bata?very curious po akong malaman?

Hello sa iyo bara, sensya na ha kung ako ang sumagot sa tanong mo.
Pls. check this site sana makatulong sa iyo.

http://www.specialchild.com/disorder.html

PILIPINAS
08-09-2006, 11:08 PM
. . . . . . . . ..Nice topic:) when i was still in PHILS. somewhere in alabang i used to teach this kind of kids,yung may mga tinatawag nilang'ADHD'( swimming are one of their therapy) may mga na encounter na ako na mga parents mismo eh napipikon? sabi mo nga they're calling it 'BOBO' ,pero hindi in fact mataas pa nga ang 'I.Q' percentage nila sa ordinary kids so kailangan talaga sa batang ganito eh napakahabaaaaaaaaaan g patience,well sana magkaroon ng ganitong school for pilipino kids na narito sa japan,kung mag kakaroon willing ako to teach this kind of special kids. mahabang pang unawa lang po at dagdag na pagmamahal ang kailangan.

I also encountered a lot of "gifted children" (some were teenagers) when I was still in the Philippines. I used to work(for few years only) as a medical representative. Ang target consumers ng mga drugs na binebenta namin noon ay ang mga tao/bata diagnosed with autism, ADHD and dyslexia. I also think that they have high IQ level. Read this (http://www.answers.com/topic/people-speculated-to-have-been-autistic).
I praise and respect mizo_shiru's generosity for sharing her experiences regarding her son.
And to darlene, you are right. They are all gifted children.

bara
08-11-2006, 12:19 PM
Alam mo bakit mo iisipin yung bagay na ganyan? Isipin mo maging healthy si baby mo. Baka sa sobrang kaiisip mo at may makita kang ibang signs ganon agad isipin mo. Iba iba kasing level yan at minsan late na rin malalaman. May two kids din ako at mula baby pa sila hinanda ko na sarili ko kung ano man yung kahihinatnan o kalalabasan nila habang lumalaki. Sa health center sasabihin naman nila sayo kung may di pangkaraniwan sa anak mo if ever. Thinking positive sis.:Dmyukasy@hindi ko naman iniisip ang mga bagay bagay n ganyan sa baby ko para agad sabihan niyo ko ng ganyan.Masama po bang mgtanong sa mga nakakaalm regarding sa topic na to.Alam ko pong mas mtagal na kayong mother sakin kaysa sakin na ngsisimula palang di niyo po ko masisi dahil first time mother palang me at medyo ngaaral sa mga bagya tungkol sa bata.
Sino po b namang loka lokang ina ang isipan na magkaganun ang sarili niyang anak.Na curios lang naman ako dahil nabasa ko tong thread na to....at hindi rin po maalis sa isang ina na magalala para sa kanilang anak..hindi po ko negative thinker.syempre po gusto ko pong lumaking healthy baby ko..ito nga po ko halos mamaga ang nipples ko:D lagnatin :D mapuyat :D di makakain sa tamang oras ma pa breastfeed lang si baby youka ko:D
Siguro naman po yung mga ibang tf moms dito ay naiintindihan ang sideko.
miss myukasy@peace po tayo ha:pgusto ko lang naman po i clear my side kung bakit natanong ko yan...at kayo po bilang matagal ng mommy sana po eh mbigyan niyo din me ng mga advices about taking care sa babies..sa kagaya kong nangangapa magalaga ng baby:)

myukasky
08-11-2006, 04:24 PM
myukasy@hindi ko naman iniisip ang mga bagay bagay n ganyan sa baby ko para agad sabihan niyo ko ng ganyan.Masama po bang mgtanong sa mga nakakaalm regarding sa topic na to.Alam ko pong mas mtagal na kayong mother sakin kaysa sakin na ngsisimula palang di niyo po ko masisi dahil first time mother palang me at medyo ngaaral sa mga bagya tungkol sa bata.
Sino po b namang loka lokang ina ang isipan na magkaganun ang sarili niyang anak.Na curios lang naman ako dahil nabasa ko tong thread na to....at hindi rin po maalis sa isang ina na magalala para sa kanilang anak..hindi po ko negative thinker.syempre po gusto ko pong lumaking healthy baby ko..ito nga po ko halos mamaga ang nipples ko:D lagnatin :D mapuyat :D di makakain sa tamang oras ma pa breastfeed lang si baby youka ko:D
Siguro naman po yung mga ibang tf moms dito ay naiintindihan ang sideko.
miss myukasy@peace po tayo ha:pgusto ko lang naman po i clear my side kung bakit natanong ko yan...at kayo po bilang matagal ng mommy sana po eh mbigyan niyo din me ng mga advices about taking care sa babies..sa kagaya kong nangangapa magalaga ng baby:)

Kung may nasabi akong di maganda kung meron man sorry:D :D :D Pero ilang beses ko inulit ulit yung post ko wala akong makitang di maganda pero sa reply mo parang ganun ang dating. Pero wala na yun importante maging healty ang baby mo and goodluck

mizo_shiru
08-11-2006, 07:28 PM
makisingit lang po miss mizo shiru sang@ isa po kasi ako sa mga bagong ina na nagsisimula palang 2 months old na po ang baby girl ko.Maitanong ko lang po kung anung edad ng bata niyo po malalaman ang pagiging authistic at anu po ang mga signs para matukoy na may ganung kalagayan ang isang bata?very curious po akong malaman?

Hi, bara. Please click here (http://www.firstsigns.org/concerns/flags.htm)to check some signs and symptoms diagnostic of autism....
as
Here are some additional signs (these vary considerably from
child to child):
1.A child who socializes fine with adults but has no interest in
children his own age or a child who has absolutely no interest in
either adults or other children
2. A child who echoes everything another person says
3. A child who can make short sentences but cannot maintain a
conversation
4.A child who says nothing whatsoever
5. A child who spends hours each day lining up his parents or
family's shoes
6. A child who only plays with one toy repeatedly each day (kahit
may ibang laruan sa paligid niya ay wala siyang interes)

Sobrang kumplikado ang diagnosis ng autism kasi 'yung ibang
bata sobrang mild ang symptoms katulad ng batang maayos
kung magsalita pero nahihirapan naman sa pakikihalubilo sa
kapwa kaedad nito. Hindi nila alam ang tinatawag na "social
cues" at kailangan itong ituro sa kanila sa mga schools na nago
-offer ng special programs.
Dito sa Tokyo, maraming public elementary schools ang
assimilated o konektado sa iba't ibang special schools at
nagtatrabaho sila as a team. Puwedeng malaman ang iba pang
impormasyon sa pamamagitan ng mga Health Center sa bawat
area.

@ bara saludo ako sa kagaya mong mga magulang na in thirst for any information.
Autism is one of the most alarming, distraughtful diagnoses a parent can hear. It's no joke coz every parent has hopes and dreams for his/her child. Good luck to you at sana'y marami kang natutunan dito.

mizo_shiru
08-24-2006, 04:01 PM
. . . . . . . . ..Nice topic:) when i was still in PHILS. somewhere in alabang i used to teach this kind of kids,yung may mga tinatawag nilang'ADHD'( swimming are one of their therapy) may mga na encounter na ako na mga parents mismo eh napipikon? sabi mo nga they're calling it 'BOBO' ,pero hindi in fact mataas pa nga ang 'I.Q' percentage nila sa ordinary kids so kailangan talaga sa batang ganito eh napakahabaaaaaaaaaan g patience,well sana magkaroon ng ganitong school for pilipino kids na narito sa japan,kung mag kakaroon willing ako to teach this kind of special kids. mahabang pang unawa lang po at dagdag na pagmamahal ang kailangan.
Hi, Rodski, thanks sa pagpost po ninyo dito, yun nga ang masakit, nasa 21st century na tayo, tapos na ang"refrigerator moms" decade marami pa ring misinformation ang nangyayari. Di ko rin sila masisisi, marami pa rin kasing myth ang lumalaganap, na kapag ang bata ay may autism ay mentally retarded o di kaya genius, a Thomas Jefferson in waiting. Totoong may mga autistic person na geniuses, katulad ni Einstein at Newton, they had the characteristics of Asperger's base sa modern diagnostic criteria, pero di ibig sabihin lahat sila ay ganon, marami sa kanila ang katulad nating karaniwang mortal.

mizo_shiru
08-28-2006, 12:55 PM
Nice topic.
Aside from autism, there are other mental disorders that parents should pay attention to. I am referring to ADHD and dyslexia. Noon, kapag ang bata ay hindi maganda ang grades sa school (bagsak-bagsak), at grade six na, hindi pa rin makabasa, we use the term "bobo". But not anymore.
ADHD is a problem with inattentiveness, over-activity, impulsivity, or combination, which affects school performance and interpersonal relationships. Kaya, bagsak-bagsak ang grades ng bata.

Hi Pilipinas, thanks for posting and for the additional input. Totoong dapat tugunan ng mga magulang ng tamang pansin ang mga batang may ganitong "kapansanan".Katulad sa mga batang may ADHD na parang palagi ng nagmamaneho ng isang sasakyan pero di alam kung papano at kelan ito bi-brake, di alam kung kelan dapat tumigil o kung alam man nila di nila ito kayang kontrolin mag-isa. Kaya may mga batang kailangang mag-undergo ng medication for a while , para mabawasan ang kanilang overactivity, o di kaya impulsiveness. Mas mabisa pa rin yung patitingnan sila sa mga specialists trained in handling these kids para ma-evaluate ang daily progress nila.
May mga kilala kasi akong kapwa magulang dito sa Japan, na may anak na may symptoms of autism pero ayaw dalhin ang anak sa isang espesyalista kasi daw sobrang busy siya at kaya niyang disiplinahin at palakihin ng maayos ang anak niya na mag-isa. But, in contrast today, ganon pa rin ang reklamo niya sa akin, mga ilang taon na ang nakakaraan hanggang ngayon, na hindi matuto-tuto ang anak niya kahit ilang beses pa niyang turuan, pasaway, di mautusan, di na nakikinig sa kanya, ang hirap ispelingin, ang hirap magpalaki ng "blacksheep" na anak and so on..... Ini-explain ko na rin sa kanya ang symptoms kasama na ang ibang reference mula sa internet, baka kako autistic ang anak niya. Pinatingnan niya ang bata pagkatapos ng ilang buwang pangungumbinsi, ang resulta, may probability daw na may autism, pero kailangan niyang ng mag-undergo ng series of tests at kailangan dalhin niya ang bata sa isang child therapist for further evaluation. Kaso, di daw niya maintindihan ang kung anong sinasabi ng duktor at ang mga ipinapagawa nito sa kanya, nag-stop siya after one or two visits.
Naaawa ako sa bata, well, dalaga na siya ngayon, na kailangan niyang lumaki ang iba't ibang labels sa kanya, na hindi niya naman kasalanan na maging ganon, mismo sarili niya di niya maintindihan kung bakit ganoon ang ikinilos niya pati magulang niya di alam at lalo lang siyang nasasaktan kapag nagagalit ang mga mga ito sa kanya. Parehong masakit sa kapwa anak at magulang ang pagdaanan ang ganitong sitwasyon, marami na rin akong nakitang ganitong kaso kahit nasa Pilipinas pa, at mas lumalim ang pagkakaintindi ko nito ng pagdaanan ko ito personally , kaya wala naman siguro mawawala sa atin na alamin ang mga posibilidad kapag nararamdaman nating may di na tama o maintindihan sa ikinilos ng anak natin. Ika nga, mother's instinct. Minsan naman, ang magulang ang huling taong nakakaalam, sa iba-ibang kadahilanan na rin siguro, kasama na rin duon ang denial, which is very normal, which can help or become an obstacle to a child's progress.
Well, ito isa sa mga sad scenarios na nakita ko sa kapwa kababayan dito sa Japan, sana may gawin o di kaya may programa ang embassy natin, na tumulong sa mga Pinoy na magulang na may special kids o di naman kaya physically handicapped kids na walang kakayahang makaintindi o makipag-usap sa duktor nila gamit ang Nihongo para matulungan naman ang bata na ma-achieve ang best potential niya.

love0308
08-28-2006, 07:41 PM
hello miso_shiru you know what i admire you for being strong. as a mother ang hirap tanggapin na may ganyang kalagayan ang anak natin di ba. but di naman ibibigay ni God kung di natin kaya. just keep on loving your child and i think he or she is very proud to have you as a mother. God bless you...

mOtt_erU
08-28-2006, 10:15 PM
HI Mizu_shiru..saludo ako sayo kase you`re "Reluctant" to say about yung sa autism ng anak mo,,.,HIndi lahat malakas ang loob kagaya mo na mag-open ng ganyan..
Ganbate...Kaya mo yan..
Always remember na "EVERY CHILD IS A GIFT FROM GOD" , swerte ka dahil isa ka sa mga nabiyayaan ng anak kahit ganoon ang kalagayan niya.:)
I think you`re blessed.God Bless You & your Family.,

mizo_shiru
08-29-2006, 12:24 PM
hello miso_shiru you know what i admire you for being strong. as a mother ang hirap tanggapin na may ganyang kalagayan ang anak natin di ba. but di naman ibibigay ni God kung di natin kaya. just keep on loving your child and i think he or she is very proud to have you as a mother. God bless you...
Hi, love0308, Thanks, but I'm not as strong as you may think, maybe it's my love and determination that drives me to do whatever it takes for him to experience a happy life now and the future. Eventhough it means pushing off my own personal fulfillment for the betterment of his future , like any other parent, I'm ready to take the risks.
Thanks, again for posting.:)

mizo_shiru
08-29-2006, 12:54 PM
HI Mizu_shiru..saludo ako sayo kase you`re "Reluctant" to say about yung sa autism ng anak mo,,.,HIndi lahat malakas ang loob kagaya mo na mag-open ng ganyan..
Ganbate...Kaya mo yan..
Always remember na "EVERY CHILD IS A GIFT FROM GOD" , swerte ka dahil isa ka sa mga nabiyayaan ng anak kahit ganoon ang kalagayan niya.:)
I think you`re blessed.God Bless You & your Family.,
Konnichiwa.
Hi, mOtt_erU, thanks for posting! Yeah, I agree with you that "EVERY CHILD IS A GIFT FROM GOD" and must be treated equally with utmost love and attention . He has special talents in math and when we play darts, he would compute our scores thru' memory, and this is one of the things his younger sister really adores about him. Well, I lay all this things in God's hand, the Great Planner.:)

docomo
08-30-2006, 12:30 AM
@mizo shiru

I really feel for you especially when a child is involved...
I want you to know that you are one of a kind good "mommy" your son deserves to have. :)

mizo_shiru
08-30-2006, 01:33 PM
@mizo shiru

I really feel for you especially when a child is involved...
I want you to know that you are one of a kind good "mommy" your son deserves to have. :)

Thanks, docomo. I really feel elated by your comments which provides me with more enduring strength and positive outlook about the future. Thanks once again.:)

ahccofharyne
08-30-2006, 05:01 PM
@mizo shiru

I really feel for you especially when a child is involved...
I want you to know that you are one of a kind good "mommy" your son deserves to have. :)

i agree, kasi kung napunta sa akin yan kawawa ang bata. God is fair. Kaya naman yung binigay nya sa akin very mild lang. Nag alala din ako when my son was in his 4th year. Hindi pa sha maka pag deliver ng full sentence. He only got word, na minsan hindi ko pa maintindihan. Konti lang kaibigan nya sa daycare kasi nga hindi nila maintindihan yun sinasabi nya pati na yung sensei nya, hindi sha masyadong pinapansin. Lagi pang pinag sasabihan nung mga ka-klase nya na "Nani Itteru no? Imi wakaranai" miski na kaharap ako. Masakit pro wala akong magawa dahil na ako mismong mommy hindi ko sha maintindihan. Buti na lang hindi nya dinidibdib yung mga ganun. Hindi ko na rin sha masyadong kini-question about what his saying na pinag- alala ko baka mag karoon ng inferiority complex at hindi na mag salita. Dahil napa ka daldal nya. Kung pwede nga lang itape yung bibig nya...:)
I-sinodan ko sa daycaresensei at ipinakilala ako sa isang social worker at we set meeting para makita nila. Psychologist said na wala naman problem..tingnan for next one year, at eto ok naman...naka pag kwento na rin sha kung ano nang yari sa school. But there are times pa rin na hindi ko alam yung mga sinasabi nya...and with listening mga sinasabi nya pala halaw sa kanyang napaka lawak na kathang isip and inaapply in real word.
At his age, grade 1 next year minsan naiisip ko kung ok lang to? the way he act, the way he speak...compare to others. Napa ka hyper nya, grabe. Pero inisip ko na lang HE CAN DO IT. Matalino na man sha. Hindi naman autistic, pero kung seseryosohin ko yung lagay nya, i might say may slight ng konti. Kung lumaki siguro, wala shang aasahan sa akin.

Buti pa yung anak mo...has a mother like you.

dear_mommy
10-26-2007, 10:51 PM
hello po to everybody in this thread.i've been an avid reader of this forum but just a mere reader until i found this thread regarding parents with autistic children. I decided to join because my child too, is diagnosed autistic when he was 2yrs and 7mos. old.
Now my boy is turning 4 but his mental development based on his latest test is equivalent to 1yr.& 6 mos. while his physical development falls under the level of a 2yr. old toddler.
Like any parent with an autistic child, I and my husband have been into "denial phase", hoping everything is just a big mistake.To make the story short, I did what others did like researching in the internet, importing any goods with interesting promises, from herbal medicines to supplements and creams and even oral chelation. the result? he is still almost nonverbal. but it would be cruel if I say my child didn't have an improvement. though I couldn't share you a dramatic story, I am still hoping that one day I would be able to understand him more and he'll be able to say to us what he wants and what he thinks. Maybe raising an autistic child isn't that simple afterall. lalo na when you are a parent living in a foreign country where you don't know how to get help and so on..but as what old folks say,parents are child's first teachers..special child or not, i do believe in that.we raised our little boy like how we raised our firstborn.The fact that our child developed normally and even a bit faster until 1yr.& 8mos.(had his 1st tooth at 4mos.,began to crawl at 6mos. and walk on his own at 9.5 mos!) by then signs of autism wasn't visible.before he turned 2 he can brush and gargle, get his own diapers when being asked,he's good at coloring pictures and his memories are proven good..but, from the result of his test? he has severe autism.level 3. the bottom line is..autistic children are clever..and sensitive to our feelings...and not because they are autistic, they can't learn different things. from my own experience, my child is good in memory and imitates what he saw and loves to touch what gets his interest.ofcourse, he wont always raise his hands when i call his name, but i can ask him to do different things for me.i teached him to get his diapers by saying what i want him to do, and then i'll take his hand and guide him to where the diaper is, get it while holding his hand still ,tapos balik kami from the place where we started habang hawak ko pa rin kamay nya.same as pls. turn off the light, turn off the tv, close the door,smile and i'll take your pic etc...my child is mine..your's is your's..they may be different, others can do while others may not but what's important is the mother/parent's heart that's ready to support them, love them unconditionally..to end my share of story, let me share some things that has helped my child improve..
1)rehabilitation or ABA (he's able to sit for a long time and has exercised his patience)
2)hrythmic kiddie video (he has learned to imitate the rhythmics)
3)fish oil (speech language pathologists' recommended)(he's now saying papa, baba,and some words unclear but he's struggling to say something.
4)vitamins like vit. B and magnesium (mood moderator)
5)gfcf diet (clapping stops after 2 weeks, jumping and groaning gone.)
my baby isn't recovered and may never will, as what most doctors think .but isa lang po ang sure ako.i love my child more than my own life, there is no way i could treat him but i have my love to shower him and i'll be his guide as long as i am here.simply because i'm his mother.goodnyt and god bless us all.

docomo
10-27-2007, 11:59 AM
@dear_mommy

Your son can be anything he wants to be and he is lucky to have a mother who doesn't view him as "broken" or diseased. He will grow up to be a much more productive and happy person because of it.
Your hands maybe very full but you are so blessed ..welcome to Timog Forum dear_mommy :)

bonbon'79
10-27-2007, 12:19 PM
Hello po...

Gusto ko lang pong sabihin na ang swerte ninyo dahil binigyan po kayo ng PANGINOON ng anak na ganyan. God gave these children to all moms that He knows they can sacrifice, care, provide and do a lot of things for their special children.

Saludo po ako sa inyong lahat...

Naging teacher din po ako ng mga autistic children sa Pilipinas for 5 years. We have inclusion of the CSN (children with special needs kung sila'y aming tawagin) in our school wherein these children will go and study in the classroom with the normal ones. Doon po namin nakikita ang responsibility ng isang normal child sa mga CSN na katulad nila. Di po biro yung magturo ng ganyan na sabay at kasama ang mga normal kids. Di sila nakakaintindi, talagang they have their own world, yet they are more talented kesa sa mga normal na bata. Gifted children kumbaga. Masaya lang talaga kasi nakikita naman namin yung development nila para maka-learn eh.

Minsan naiisip ko, paano kaya kung lumaki na sila? Makapag-asawa pa kaya sila? Paano kaya yun?

May isi-share po akong kwento ng isang principal namin dati sa Pilipinas. Our principal has a friend po. Yung friend niya is an old woman already. But this old woman has an autistic son. This family is well-known daw sa isang lugar and they are very rich. Lahat kayang bilhin, lahat kayang gawin dahil may pera naman sila eh. Yung pino-problema lang po ng old woman na ito or let's call her "madam", eh kung paano makapag-asawa yung anak niya despite the fact na autistic nga. She would offer their properties sa girl na kayang magsakripisyo at magturo sa anak niya. Basta ang alagaan, gabayan at turuan lang ang anak niya bilang mapagmahal na asawa. Di ba, ang galing noon? Eh sino po kaya ang gagawa noon? Kaya hanggang ngayon di pa rin sila nakakita ng right girl for him. Kasi pag meron naman po, di naman nila sure kung trustworthy, responsible, loving, caring and can sacrfice yung girl kahit di na involve yung pera.
So, our principal would ask us, "Sino sa inyo ang available pa para sa lalaking iyon, gagawin ang lahat, pakakasalan at pakikisamahan habang buhay?"

proud me
10-27-2007, 01:13 PM
HI Mizu_shiru..saludo ako sayo kase you`re "Reluctant" to say about yung sa autism ng anak mo,,.,HIndi lahat malakas ang loob kagaya mo na mag-open ng ganyan..
Ganbate...Kaya mo yan..
Always remember na "EVERY CHILD IS A GIFT FROM GOD" , swerte ka dahil isa ka sa mga nabiyayaan ng anak kahit ganoon ang kalagayan niya.:)
I think you`re blessed.God Bless You & your Family., totoo yan...marami ang gustong mag-kaanak yung iba nga gumagawa na ng paraan para magka-anak sila ...masasabi ngang isang pamilya o me sariling pamilya ang mag-asawa kung merong anak...napaka suwerte din ng mga anak ninyo kasi nga meron silang mga mommy na katulad ninyong mapag mahal sa anak.:)

mizo_shiru
12-10-2007, 07:20 PM
Dear_mommy, thanks again for sharing your story. A lot of people may not understand our situation, but don't give up on your faith and hope for your child as any mother will want her child to be. Luckily, we have our Timog forum to share, our feelings, thoughts, information on varying topics, and that does not exclude autism, a very humbling condition.

Here below, I'd like to include my response to you last email for a lot people to reach and help at the same time.

I'm touched with your message. God is good and our sons will always be a blessing to us, we'll learn a lot from them and be humbled by their generosity of heart. Don't give up on him, sometimes it may come to a point that is so distressing, stay focus on the positive side always, in the end you'll reap the fruits of your labor.

Matagal ko na ngang hindi nabubuhay ang thread na ito, thanks for sharing your story. I'll try to put new info and new references in the thread, too, from now on. You can email me anytime. I'll be more than happy and glad to help people who are in the same situation as mine lalo na't kababayan ko.
Ganyan, din ang anak ko, when he was around that age, non-verbal, palagi lang nag-aact-out, naga-utter ng word na hindi mo maintindinhan, ah, uh uh, lang sya palagi, tapos pointing to something na hindi naman talaga maintindihan, tapos, magsisimula na ang tantrums nya, iiyak ng ilang oras, non- stop,and it comes to a point na sobrang frustrating na, gusto mo ring umiyak kasi di mo sya maintindihan, tapos sya naman di nya alam kung papano i-express ang gusto nya. Parang komedi, kapag naalala ko ngayon.

What I did, I introduce him flashcards, na may pics ng gamit sa bahay, spoon, fork, cup, names of foods, and keep it repeating to him many times. Kahit hindi sya attentive, tuloy pa rin ang pag-tutor mo sa kanya, mabibigkas din niya 'yan in due time. And you'll be surprised when that time comes. Mas nareretain kasi nila, when it is shown to them visually, rather than explaining then with words only.

My son is 8 years old, and he's in gr. 3 now, he's as interactive as the kids his age. He has improved a lot though he has minor social problems, pero manageable naman. Continous pa rin 'yung sessions nya once a week sa kanyang child developmental therapist, once a week he attends a special class from another school (aside from his regular school)that accomodates his special needs. We visit his specialist, once every 3 mos. na lang ngayon to check on his progress, they are very kind, caring and patient people and they gave me infos and advice that I needed.

I will always be here for you, and you can call me anytime. I'll incliude my number next email.
Stay healthy and happy.:)

Thanks for all the caring people on this list, mas pinalalakas pa po ninyo ang mga loob namin. God bless.:)

la_tina512
12-10-2007, 09:34 PM
i agree, kasi kung napunta sa akin yan kawawa ang bata. God is fair. Kaya naman yung binigay nya sa akin very mild lang. Nag alala din ako when my son was in his 4th year. Hindi pa sha maka pag deliver ng full sentence. He only got word, na minsan hindi ko pa maintindihan. Konti lang kaibigan nya sa daycare kasi nga hindi nila maintindihan yun sinasabi nya pati na yung sensei nya, hindi sha masyadong pinapansin. Lagi pang pinag sasabihan nung mga ka-klase nya na "Nani Itteru no? Imi wakaranai" miski na kaharap ako. Masakit pro wala akong magawa dahil na ako mismong mommy hindi ko sha maintindihan. Buti na lang hindi nya dinidibdib yung mga ganun. Hindi ko na rin sha masyadong kini-question about what his saying na pinag- alala ko baka mag karoon ng inferiority complex at hindi na mag salita. Dahil napa ka daldal nya. Kung pwede nga lang itape yung bibig nya...:)
I-sinodan ko sa daycaresensei at ipinakilala ako sa isang social worker at we set meeting para makita nila. Psychologist said na wala naman problem..tingnan for next one year, at eto ok naman...naka pag kwento na rin sha kung ano nang yari sa school. But there are times pa rin na hindi ko alam yung mga sinasabi nya...and with listening mga sinasabi nya pala halaw sa kanyang napaka lawak na kathang isip and inaapply in real word.
At his age, grade 1 next year minsan naiisip ko kung ok lang to? the way he act, the way he speak...compare to others. Napa ka hyper nya, grabe. Pero inisip ko na lang HE CAN DO IT. Matalino na man sha. Hindi naman autistic, pero kung seseryosohin ko yung lagay nya, i might say may slight ng konti. Kung lumaki siguro, wala shang aasahan sa akin.

Buti pa yung anak mo...has a mother like you.

My youngest daughter is not autistic pero her development is very slow. At her age of 7 years her mentality is that of a 3 or 4 years old. When she was growing up as a toddler I thought everything will be okay at inisip lang namin na late lang talaga ang development nya. But until the time that she turned 6 years old at dumating ang hagaki galing ng kuyaksho para ayusin na enrollment nya for grade 1 I became alarmed. At 7 years old naka-pampers pa rin siya kasi ayaw niya mag-toilet. Although nakakapagsalita siya pakonti-konti hindi pa rin enough for her para sa interview at hindi namin maintindihan pag nagsalita na siya lalo na pag mabilis. Pumunta kami ng city hall para mag-soudan. Binigyan kami ng mga referrals for further check-up. Ilang doctors/psychologist ang tumingin sa kanya and she was diagnosed with a low IQ on a moderate level. I give thanks to God dahil mula ng mag-Grade 1 siya napakalaki ng improvement/development niya. She's attending a special school provided by the government. She's using the toilet now at marami na rin siyang natatandaang words. Last Friday we went to the hospital for a brain check. Pinatulog siya at maraming nilagay sa ulo niya na parang mga wires for tests. Doon din daw malalaman kung meron siyang mga epileptic seizures. I prayed na sana maging normal ang test at ganon ang nangyari. The result was normal.

As of now I'm giving her all the attention and love that a mother can give. She's my fourth child here in Japan. Pinagtitiyagaan ko siyang turuan and she's responsive naman. She's also very inquisitive at napakamasayahing bata. At this point I'm looking for something na doon siya mag-e-excel para ma-develop lalo. She loves to dance and a very graceful one at that. I asked her doctor/psychologist if I can enroll her in a dance school and he advised me to get an appointment for some counseling of what to do best at para na rin sa speech therapy niya.

I am never frustrated nor disappointed of what had become of my youngest child. The hope is very strong in me that one of these days aayusin ng God anumang diperensya meron ang anak ko. I have this strong faith that when she gets a little older God will make her normal just like any other child.

katty0531
12-10-2007, 09:48 PM
Matagal ko ng napansin tong thread na to pero ngayong gabi ko lang nabasa talaga from page1 (siguro dahil di pa ako nanay non) at ang dami kong natutunan, maraming salamat sa thread starter ms. Mizu_shiro, bilang isang ina saludo talaga ako sa mga katulad mo at sana'y nakakuha ako ng sapat na lakas ng loob dito sa thread mo as a mother. Kore kara, ang dami palang hindi dapat ipag sa walang bahala pag may anak na, akala ko pagpa dede at palit lang ng diapers okey na...babantayan ko rin ang anak kong mabuti, (she is still 3 months).

hacaya
12-11-2007, 12:05 PM
minna-san, konnichiwa!

ako rin po ay isang ina na kaya alam ko kung gaano kahirap ang magpalaki ng normal na anak gaano pa ang special child.. dakila kayo dahil sa sobrang atensyon at pagmamahal ang ibinibigay nyo sa inyong mga anak..tama po every child is a gift from God!
lahat para sa anak gagawin ng mga magulang!

sana ay maging inspirasyon ito ng ibang mga magulang na gaya ko!
sapat na atensyon at buong pagmamahal natin silang alagaan!

bilang isang ina marami pa rin po akong hindi alam kaya nagpapasalamat ako sa mga nagbabahagi ng kanilang karanasan ang dami ko pong natututunan!:)

sta.rita
12-11-2007, 01:04 PM
mga katf good afternoon po.
alam nyo talaga na man pong saludo ako sa mga mommies na very strong at napakamapagmahal sa kanilang mga anak.share lang din po ako.ang daughter ko naman ay hearing impaired.mahirap din ang sitwasyon ko kung tutuusin.single parent ako.pero masaya ako kahit ganito ang sitwasyon ko.araw araw pumapasok ung anak ko sa school at buong umaga ko babantayan duon.kasama ko ung mga parents na may anak din na may kapansanan.masaya kami palagi.lalo na nung last month.nagcelebrate kami ng family day.lahat ng mga bata nag pakita ng kanilang mga talents,ung mga autistic nagsayaw ng itaktak mo,at ung mga vision impaired kumanta.at ung mga hearing impaired ay nagsayaw din.cguro po para sa mga iba eh mababaw po iyon,pero nung nakita ko po ung anak ko na sumayaw at ang galing galing,hindi ko po napigilan umiyak.napawi po lahat ng pagod at problema ko nung nakita ko ung anak ko na ganun.kasi po sa totoo lang ang dami kong worries para sa anak ko,na pano pag lumaki sya at nawala ako,pano sya?cno'ng mag aalaga?pero isa lang ang naisip kong sagot sa mga tanong ko.alam kong hindi sya pababayaan ng DIYOS.kaya hanggang ngayon,araw araw nabubuhay ako ng hindi nawawalan ng pag asa na hindi NYA kami pababayaan.......... proud na proud ako sa aking baby!!!!she's my angel...

dear_mommy
12-12-2007, 08:12 PM
mizo_shiru san, thank you so much po.:)
today we had my son's bday birthday party sa bahay..since he's 2, we haven't done any bonggang celebration for him..it's been a long time..
years when he seemed normal, we invited our close family friends and had a lot of fun at shidax, and once held his party at grandpa's house..
today, we had his behavioral training friends to celebrate with him..sa sobrang busy i haven't even manage to take a pic or video the party!..:eek: hahayyy:D
nakakatuwa po kasi kahit hindi sila masyadong makapag-communicate thru languange , they play together..and they look happy!
when i gaved them a whistle made of paper na pag hinipan ay humahaba, they are doing it together..my boy is trying to blow and blow at kahit di nya kaya i didn't see him cry, he just tried and tried..sobrang touched ako..
at the back of my mind, i thought this party will be a mess..dahil nga normal children at his age might never understand some of his acts, friends nya lang sa school ang inimbita ko..
napahiya ako doon..:D they were more than fine..pati eldest ko who's also at the party ay tuwang tuwa and even told his father about his adventures today.
totoo po, not all people might understand how we feel. there was a time when i bothered how they would look at my son but call it irrational, i thank GOD for giving me a wonderful child who's trying to live everyday coping up with his difficulties..like his kuya, he is my life, my joy and my pride..
hope we could have time to talk about their trainings, some activities, best schools for them and so on po..once again, salamat po sa inyo...God bless po..:)

twinklyblue
12-13-2007, 09:48 AM
share ko rin po ung sa cousin ko. he is also autistic and he has been going through weekly theraphy sa UP Manila (nasa Philippines po sya). Tinuturuan sila ng mga bagay na eventually in the future eh makapagpapa-independent sa kanila. For my cousin's case, isa sa mga natutunan nya ay kumain on his own

If anybody knows about the drama 'Boko no aruku michi', the story may give broader enlightment about autism (hmm.. i havent seen the entire drama yet.. so hindi ko alam kung malapit sya sa katotohanan)

dear_mommy
12-13-2007, 10:28 AM

yes,we've watched that j-drama sa ch 8 po ata if i remembered it well.:) dati di namin alam ni hubby na my son is autistic kaya di kami maka- relate...although at that time may mga konting hinala, at his very young age he was such an independent baby.
about naman sa drama, although the characteristics of autism varies from one person to another, masasabi kong siguro that was close...although di ko rin alam if nangyayari ang sudden development even in adults. di ko rin masasabing imposible kasi nobody really knows what's going on inside their mind...and in our case, my son is showing us wonders so often kaya i believe nothing is impossible..:)