PDA

View Full Version : mga pulis ba talags cila?


lenemen
08-08-2006, 10:15 AM
Share ko lang itong kuwento ng classmate ng bunso ko. Grupo sila ng mga exchange students (high sch. /"kokosei") pinadala sila ng sch. nila dito sa UP Los Banos, agriculture at Bio-technology research ang tema nila sa Pilipinas. May kasama silang tatlong professors then they stayed for 2 weeks sa Los Banos. Ang saya daw nila at talagang enjoyed nila trip nila sa ating bansa. Nagkaroon lang sila ng hindi magandang souvenir noon g nasa airport na sila (NAIA). Habang naghihintay ng boarding ng plane gumala gala muna sial sa tourist duty free for some "omiyage" shopping. Ang isang male professor nila ay hinipo daw sa pang-upo nung isang babaeng naka uniporme at saka daw biglang lumapit dito ang tatlong naka uniform ng pulis sinisita na "nag enjoy ka ng husto dito no?" at kung anu ano pang paninita na at pilit pinalalabas ang wallet ng Hapon at pinabilang pa daw ang lamang pera pati yung mga battery ng gadgets at devices na nasa handcarry ay pinag diskitahan samantalang naka daan na sa baggage checking mga bagahe nila kaya nga nasa duty free na at naghihintay ng lang ng boarding time. "Nanka okashii na" naisip nung isang Prof. na mahusay mag English lumapit siya at kinausap yung mga pulis kuno biglang nagsi-alisan. ano yung palabas nilang yun? Instead na nagkaroon ang mga bata ng magandang experience sa bansa natin nagkaroon pa ng negative view dahil sa mga opurtunistang tauhan sa loob ng airport natin. Kailangan pa ba nilang mambiktima ng turista o minsan maging kalahi natin para lang magkaroon ng extra income porket nasa posisyon silang pwedeng mambintang at sapilitang pagbayarin ang biktima para lang makaiwas sa gulo at antala sa biyahe? Grabe na talaga sa atin...sana naman may mga law enforcer din sa loob ng airport na nag ma-manman sa hindi magandang ginagawa ng kapwa opisyal nila. (kung di man cila taga labas na nag papanggap lamang).

fremsite
08-08-2006, 01:19 PM
lenemen san ~~~ wala akong magandang maii-share pag NAIA ang topic ... ganyan pa rin sila ? sabagay ... ndi na yata maaalis ang mga kotong family dyan ... hangga't makakaloko .. manloloko ... grabe mga tao dyan sa loob ... ayaw ko ng mag-comment at baka iba ang dating sa iba ... :( yung tanong mo kung mga pulis yun ? ... palagay ko .................... ....... :mad:

geminigirl
08-08-2006, 04:13 PM
Share ko lang itong kuwento ng classmate ng bunso ko. Grupo sila ng mga exchange students (high sch. /"kokosei") pinadala sila ng sch. nila dito sa UP Los Banos, agriculture at Bio-technology research ang tema nila sa Pilipinas. May kasama silang tatlong professors then they stayed for 2 weeks sa Los Banos. Ang saya daw nila at talagang enjoyed nila trip nila sa ating bansa. Nagkaroon lang sila ng hindi magandang souvenir noon g nasa airport na sila (NAIA). Habang naghihintay ng boarding ng plane gumala gala muna sial sa tourist duty free for some "omiyage" shopping. Ang isang male professor nila ay hinipo daw sa pang-upo nung isang babaeng naka uniporme at saka daw biglang lumapit dito ang tatlong naka uniform ng pulis sinisita na "nag enjoy ka ng husto dito no?" at kung anu ano pang paninita na at pilit pinalalabas ang wallet ng Hapon at pinabilang pa daw ang lamang pera pati yung mga battery ng gadgets at devices na nasa handcarry ay pinag diskitahan samantalang naka daan na sa baggage checking mga bagahe nila kaya nga nasa duty free na at naghihintay ng lang ng boarding time. "Nanka okashii na" naisip nung isang Prof. na mahusay mag English lumapit siya at kinausap yung mga pulis kuno biglang nagsi-alisan. ano yung palabas nilang yun? Instead na nagkaroon ang mga bata ng magandang experience sa bansa natin nagkaroon pa ng negative view dahil sa mga opurtunistang tauhan sa loob ng airport natin. Kailangan pa ba nilang mambiktima ng turista o minsan maging kalahi natin para lang magkaroon ng extra income porket nasa posisyon silang pwedeng mambintang at sapilitang pagbayarin ang biktima para lang makaiwas sa gulo at antala sa biyahe? Grabe na talaga sa atin...sana naman may mga law enforcer din sa loob ng airport na nag ma-manman sa hindi magandang ginagawa ng kapwa opisyal nila. (kung di man cila taga labas na nag papanggap lamang).

alam mo po lenemen, ang pag-uwi sa pinas ang lagi kong problema. para bang ang dali-daling hanapin ng pera sa ibang bansa?:( ilang beses din akong napaaway sa loob dahil sa mga ginagawa ng kapwa natin pinoy. nakakalungkot talaga! pati mga kaibigan kong hapon na inimbitahan kong pumunta rito, may sad experience din. so pag-uuwi ako dito sila pa ang nagtuturo sa akin kung ano ang dapat gawin pagdating sa airport at hindi ka i-hold o pakialaman. nakakahiya! siguro ganun na yata kahit noon pa.....:(
dapat sana at pinalitan na ang pangalan ng airport natin, nagbago na rin ang pamamalakad sa loob, at ang mga ugali ng karamihan sa loob.

proud me
08-08-2006, 04:30 PM
wala na sigurong pag-babago sa mga taong walang kuntento ata sa suweldong tinatanggap nila :mad: isa pang nakakahiya sa ugali nong iba dyan yong bulong na salita na minsan ang sarap barahin. o gusto kong tanungin bakit pabulong ka mag-salita?nahihiya kaba sa ginagawa mo o natatakot kang meron makaalam ng ginagawa mo?...pero siguro nasa palakad narin yan ng NAIA..kung talagang mahigpit sila bakit meron paring mga ganyang nangyayari....nakaka lungkot pakinggan minsan sa ibang lahi na meron tayong marinig na hindi maganda sa tenga pakinggan pero totoo naman kasi minsan.:(

tagarp
08-08-2006, 06:14 PM
Well, speaking of NAIA Officials and police guards there.. They are all faked.. Scam and mukhang pera ang mga mukha.. :cool: ... Di pa rin nagbabago.. I miss Manila but I don't like our Airport officials.. Shame on them!

uragon
08-08-2006, 08:08 PM
Naku powwww:nono: :nono: !Dati pa rin ang mga gawi nila wala pa ring pagbabago?pag hindi kurakot mga pinakekelaman ang gamit sa maleta ng mga passengers,ay kalungkot talaga naaalala ko tuloy ang aking malungkot na karanasan jan sa airport natin,nakakaiyak kase mga walang awa,naturingang kapilipinuhan at kababayan.tsk tsk tsk:nono: :nono:,Naransan ko po jan nung unang biyahe ko pauwi kinater yung zipper ng maleta ko eh kagagahan ko ...:scratch: :dun ko pa nailagay yung ibang alahas ko tapos nilantakan din yung mga pasalubong ko sa pamilya ko,hindi ko napansin na kinater pala ung maleta ko napansin ko na lang ng binuhat ko sa sasakyan:rant: :rant: wala nakong habol nakalabas nako sa airport kaya shoganai na...:banghead:,hind i ko akalain na mangyayari yun sakin sa sarili nating bayan.hayyyy pasensya na po napahaba ang aking kwento,kaya next tym madaming madaming ingat po....mga kababayan kong may ganyang pananaw sa buhay ang manlamang sa tao...Esep esep nakamasid satin palagi ang Diyos....God Bless you all...

honey
08-11-2006, 02:52 PM
Naku lenemen maraming loko loko sa loob ng airport NAIA akala nyo safe ang mga kaibigan o asawa nating turista mismong kahit tayong mga filipino pede nila tayong mabiktima.HINDI MAGANDANG GUMALA O MAGLIBOT SA LOOB NG NAIA :ohlord: maraming nangingikil dyan sa totoo lang.Ako nga kinikilan na dyan e! kaya kapag nagpapasundo ako sa tatay ko na na sundalo nakauniform pa yan ha kapag pumunta ng NAIA at direderetso sya sa loob walang makasita:p.Ayaw ko sana gawin yan na magpapasundo pa ako sa tatay ko kaso maraming masamang tao sa loob hingi ng hingi ng pera ayun di na sila makahingi.Saka para sa security na rin ng asawa kong hapon;) .lalo na kapag nasa labas ka na akala mo ba e pumunta ka ng muntinlupa ba!!! sa dami ng mga nagkakainteres sa mga balikbayan at turista nakakatakot.Kung ako sa inyo kapag umuwi kayo o yung kaibigan nyo pumasyal ng pinas ipasundo nyo na lang kung may kakilala kayong may jeep o kotse o van kesa sumakay pa sila ng taksi galing NAIA na sobrang mahal at sobrang madaya:furious:.

Sabi nga ng mga kaibigan kong hapon ang philippines daw e......hay kung alam nyo lang di ko maidepensa sariling bayan ko kasi totoo naman....:biglaugh: :biglaugh:

POKEMON
08-11-2006, 03:56 PM
Maraming raket dyan sa NAIA..un na lang excess baggage nila raket nila un...mga walang modo pa mga empleyado dyan..di naman lahat pero karamihan..halos lahat yata ng pinoy na balikbayan ay may masamang karanasan dyan pagdating sa airport...mapa airlines (PAL)...kaya ako gusto ko man tangkilikin ang sariling atin di ko magawa dahil nga sa mga asal ng mga tao sa atin.

cosmicbblgum
08-18-2006, 04:46 AM
Nakakahiya at nakakaasar at the same time yang ganiang raket. Kase although mangilan-ngilan lamang ang gumagawa niyan nadadamay ang ating buong pagka Filipino. Sana lang mga kabayan panatiliin niyong maganda ang imahe ng Pilipino at Pilipinas sa pamamagitan ng kabaitan na ipinapakita niyo sa mga kapatid nating mga hapon.

Di na magbabago ang ilan sa mga yan. The best we can do is not be like them and teach our friends, family and children to act differently from them.

xxxholic
08-18-2006, 05:11 PM
:rolleyes: nanibago ka pa sa mga officials in uniform natin!alam naman nating lahat na well-known
extortionists ang mga pulis natin sa Pinas (though meron din namang ibang matino rin!).
esp. at the airport.at madalas nagiging target ang mga Hapon,feeling kase nila porke Hapon
lahat okane mochi na.and most Japanese cannot speak english,kaya feeling din siguro nila
madali nilang maloloko.ung iba na hindi rin gusto 'yung ginagawa ng iba nilang kasamahan,
they just tend to keep quiet bec. majority of them is doing it.either mapaaway lang sila o
ma-harass.....or worst,mapatay!so sorry that they had a bad experience in Pinas.dagdag
"bad image" na naman sa mother country natin......










alam mo po lenemen, ang pag-uwi sa pinas ang lagi kong problema. para bang ang dali-daling hanapin ng pera sa ibang bansa?:( ilang beses din akong napaaway sa loob dahil sa mga ginagawa ng kapwa natin pinoy. nakakalungkot talaga! pati mga kaibigan kong hapon na inimbitahan kong pumunta rito, may sad experience din. so pag-uuwi ako dito sila pa ang nagtuturo sa akin kung ano ang dapat gawin pagdating sa airport at hindi ka i-hold o pakialaman. nakakahiya! siguro ganun na yata kahit noon pa.....:(
dapat sana at pinalitan na ang pangalan ng airport natin, nagbago na rin ang pamamalakad sa loob, at ang mga ugali ng karamihan sa loob.

summergirl
08-18-2006, 09:59 PM
ay marami niyan sa pinas,ang anak ko nga dahil 19yr old na sya hindi na ako masyadong takot,ng nasa immigration na sya hinahanap sa anak ko ang original copy ng recognition nya sa dualcitizenship nya,nagtaka ng anak ko dahil original ang pinakita nya hinold pa ang anak ko,buti na lang at andoon pa ang sis.ko pinagmumura nya ang immigration officer,iyo n pala ang lagay ,kung makakalusot lang,buti at sa loob nagtra-trabaho ang kapatid ko,kinuha ang nameng officer at ayun sya pa ang natakot,sana wag silang ganon.korap ..kotong..at iba pa.kawawa nman ang niloloko nila:confused: