PDA

View Full Version : Life story ng mga Japayuki

freeme
08-16-2006, 09:57 PM
Hello !!! Ito ang story ko sana mag share din kayo kahit malungkot, nakakatawa, nakakaiyak o nakakapagod na istorya ng pagiging japayuki.

Pagdating pala dito sa Japan kahit pagod ka sa byahe ay dapat ka ng magumpisa sa trabaho. Pagpasok ko sa omise pinagbihis agad ako. Nahihiya ako kasi hindi ako nagbibihis sa harap ng maraming tao kahit puro babae. Makikita nila yung dede ko na maliit. Pero sila kahit naka tback walang pakialam. Nakakagulat.:D ansarap maglagay ng gumagalaw teka:yippee: :dowave:

Pag upo ko pa lang nakita ko na si ate sensie, walang ginagawa kundi kumain at hindi nakikipag usap sa okyaksan. Hinid ako pinapansin, basta nakaupo lang siya at nagkakalikot ng celphone. Pag uwi namin sa apartment ng shacho siya pala ang tigaluto. Basta ilalabas niya lahat ng pagkain at sasabihin ubusin ninyo yan para makabawi sa kawalanghiyaan. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagtagal ng panahon nalaman ko din.

Pinipilit makipag date ang mga talento lalo na pag bago. Ipinasundo ako ng shacho sa isang okyakusan para i-date. Sabi ni ate sensie sasama siya pero hindi pumayag si shacho. Yun pala ang gusto ng okyakusan dalhin ako sa motel. Umiiyak ako noon kasi naawa ako sa sarili ko hindi ako bumaba ng sasakyan buti na lang hindi ako hinila palabas. Tapos non isinoli na ako sa omise kasi humahagulgol ako. Ito si ate sensie may dalang maliit na kahon. Ang sabi anong ginawa sayo? sabi ko wala kasi umiiyak lang ako. Nilapitan niya yung okyakusan tapos nginitian. Inilabas niya yung kahon na maliit sa likod ng upuan. Ang tawag pala doon gukiburi hoyhoy. Hinawakan niya yung ipis tapos inilagay sa ulo ng okyakusan. Tapos naghubad ng sapatos na mataas ang takong. Pinukpok yung ulo ng hapon, sabi niya dekai gukiburi tapos nagtakbuhan lahat. Pinukpok niya ng pinukpok yung ulo ng hapon kahit patay na yung ipis. Lumabas si shacho hinila siya. Dinala sa dressing room lumalagabog. Binubugbog pala si ate lumabas si ate pero hindi umiiyak, sinisigawan niya si shacho. Ang ibig sabihin pala ng nihonggo niya lumabas ka dito sa harap ng mga talento at humingi ng tawad. Kung hindi isusumbong siya sa pulis dahil binugbog siya. Umuwi yung shacho natakot yata.

Natakot ako ganito pala sa japan. sunod na araw kahit may pasa si ate nagshowtime. palakpakan lahat ng tao kasi akala mo haponesa kumanta. pag nagalit si ate ang lagi niyang sinasabi pag nandito ka sa japan iwasan mo makialam sa buhay ngmay buhay para magkasundo tayo. Nung una takot kami yun pala siya lang yung may lakas ng loob para lumaban. Lahat ng kinakain namin isinusumbat ng shacho pero pag si ate ang nagluto parang pyesta. Kainin daw lahat para hindi masayang. Pag nagtira ka ng isang butil na kanin sisigawan ka ni ate. Ewan ko ba gusto ko maging katulad niya.

Pagkatapos noon mababait na lahat ng okyaksan lalo na pag malapit si ate, wala ng nanghahawak ng pwet o dede. Wala ng namimilit lumabas para makipag date. Kung meron man puro kain sa restorant. Ito ang karanasan ko na hindi malilimutan sa buhay. Isang pilipina ang ate ko. kahit japayuki kami hindi namin ikinakahiya. marami pa akong kwento na nakakatawa pero gusto ko magkwento din kayo kasi baka pareho tayong lahat.

hayaren
08-17-2006, 06:41 PM

freeme san:)

May you be at your best always!....:halo: it takes a lot of nerve to undergo your personal experience and be subjected to a number of considered opinions....

....I ADMIRE your candid disclosure:tiphat:

mOtt_erU
09-03-2006, 01:04 AM
hi freeme:) .....

alam mo hindi ako mahilig magbasa ng Mahabang Thread..pero omoshiroii/interesting yun sayo kaya binasa ko hanggang sa dulo...nakaktuwa ka naman.:)
Tama yan maganda sa tao yung nakakaalala mo at nirerecognize mo yung mga taong may nagawang maganda o nakatulong sa buhay mo like yung ATE atehan mo,,,,:)

pinoydreamer
09-03-2006, 11:14 PM
That's my girl, freeme! Gutsy and palaban, pero na-memaintain ang self-respect at dignity. Hindi naman pala kailangan gawing yun mga bagay na labag sa kalooban para lang kumita, at pwede naman palang pakiusapan ang mga okyaksan na mag-behave, hindi porke't sila ang nagdadala ng pera sa omise ay papayag na lang ang mga talento sa lahat ng gusto nila? No way! Maswerte ka at mga kasamahan mo, dahil kakaiba rin ang inyong ate-atehan, hindi tumitingin sa pera lang, at kaya kayong ipagtanggol. Wala siguro akong makukwento freeme, kasi hindi ko naranasan mag-talento, although may mga friends ako na katulad mo na nag-gaganbate dito sa Japan. Kukuwentuhan na lang kita ng ibang jokes,..sa personal siguro, baka di ka matawa pag sinulat ko lang, hehehe...

honey
09-05-2006, 03:25 PM
freeme teary eyed ako habang binabasa kasi naalala ko nun talent pa ako.sina ate J at ate A mga mababait na leader tulad ng kwento mo na nirerespeto sila ng mga costumer at kapag umalis at bumalik papuntang japan hinahanap at pinupuntahan ng mga costumer.yung mga ganun bang tao ang dapat talagang umasenso at tularan di tulad ng iba sobrang salbahe.

yan na lang muna pasensya ka na naiiyak lang ako kapag naaalala ko experience ko sa sadista kong amo at mga warui na kapwa talent.saka na lang ako magkukwento kapag nagkalakas loob.

love0308
09-06-2006, 08:42 AM
Ako first time ko sa japan halo halong emotions takot, lungkot excitement. Iyak din ako nun dahil i felt pity with myself lalo na pag nag he help kasi di pa ako marunong mag nihonggo. Habang nag hehelp tumutulo ang luha ko. Nadala din ako sa motel pero umiyak ako at kahit di ako masyadong marunong mag nihongo nasabi ko sa kanya na dame desho habang umiiyak. Naawa sa akin yung hapon nag sorry sabay balik sakin sa omise. Kayalang next time di na ako shinime ok lang naman sakin kasi warui siya. Ater that incident sabi ko sa sarili ko mag 3 mos lang ako. Aba nag enjoy ako after 3 mos ganbateru na ako at na request pa ko dun sa omise na yun.:D :eek: