PDA

View Full Version : Bayanihan Spirit kaysa Crab Mentality


Tonyang
08-19-2006, 08:08 AM
:) Marami kaya tayong Edith sa Timog Forum? Alamin natin... magandang araw po sa inyong lahat. Isang sharing laman po ng isang kababayan nating concerned sa pagkakaroon ng isang Filipino School sa Japan...

*Comment ni Gng. Edith Ishikawa, Ichikawa-shi, Chiba tungkol sa FISJ Project para sa Filipino Community sa Japan (http://fisj.wordpress.com ):D

Dahil sa mga hapon ang mga anak ko, hindi ko ipagkakait sa kanila ang oportunidad na tumira dito at matuntunan ang kanilang kulturang Hapon pagdating ng araw, sabihin nang sa high school age man lamang nila. Pinag-aral namin sila ng husband ko sa Pilipinas dahil iyon ang kaya kong i-manage na lifestyle (can’t stand domestic life in Japan)at dahil na rin sa mas gusto namin ang International orientation para sa kanila, hindi lang puro japanese culture. Ang isa pang dahilan sa parte ko ay ang catholic at Filipino upbringing na mas gusto kong manaig sa pagkatao nila, hoping that they will turn into smart and sensible young adults who can handle the challenges of their dual identity. Kung darating ang panahon na dapat na nilang pag-aralan ang pagka-hapon nila, makakatulong ang isang transitional educational system na kagaya ng proyekto na ito. Siyempre, bukod pa rin iyon sa mga paghahandang gagawin naming mga magulang nila habang nasa Pilipinas pa sila.Kung nagawa ng mga Indonesian, Brazilian, at Hindu ang magkaroon ng sariling eskuwelahan ay kaya din natin ito, despite the fact na tayong mga Pilipino ay kadalasan mahilig mag- “rock-the-boat” (mangligalig), mag-hantai suru (kumontra) sa mga taong marunong mangarap. We can succeed with enough will power, at kung mas papanaigin lang natin ang “bayanihan spirit” kaysa sa “crab mentality”. At yun mga comment naman, they can be expressed in objective manner para maging kapaki-pakinabang.

“All support” ako sa ambitious project na ito, at tutulong sa abot ng aking makakaya. Mayroon lang akong isang personal concern, kung mamarapatin ninyo na maidagdag sa mga feedback.
Unang-una na siyempre ang quality of academic curriculum, na primary concern ng lahat ng magulang, sana lang mabigyan ng emphasis at focus. Pangalawa, bukod sa Filipino-Japanese orientation, mas magiging competitive sa outside world ang mga anak natin kung “global orientation” ang maibibigay nating edukasyon sa kanila. Masyadong mahigpit ang labanan, at kailangan mapatunayan natin na kahit saang parte ng mundo, pwedeng itapat ang Pilipino sa kapwa Asyano, o maging sa mga mas nakakahigit na mga “Puti”. At higit sa lahat, mapanatili ang ating Filipino spirit, isang karakteridad na hindi makikita sa mga ibang lahi, na kung maaari ay ma re-educate ang ating mga mis-educations (dala ng historical factors) at ma-”enrich” pa ang ating mga positive traits.

Sa palagay ko ay kahit hindi ko banggitin ang mga concerns na ito ay alam ko na kasama ito sa mga visions ng project na ito. I am looking forward to status report and updates. Mabuhay ang mga hangarin ng Filipino International School in Japan !

P.S. “Oo nga’t we control our destiny by making plans for our family, but since God is more knowledgeable, a lot of changes can still happen in between now and the future. As a parent, I am preparing for options, options, options. At kahit hindi man matuloy ang balak ko na makapag-aral sila dito, ay tuloy pa rin ang pagsuporta ko sa proyekto na ito, sa abot ng aking makakaya.”

*Edith, salamat sa iyong all support. Your message is a strong conviction serving as a motivation for many kababayans in Japan! For our other kababayans, why not share your comments too and let’s encourage our fellow kababayans in Japan to participate in our advocacy program to build a Filipino International School in Japan (FISJ) project. Please visit http://fisj.wordpress.com and become a part of the growing FISJ network. Pakitulungan po ang ongoing survey natin para mas marami tayong data para sa binubuo nating project.

mOtt_erU
08-31-2006, 12:40 AM
,,simple inspirational naman yang pinost mo Tonyang chan,,

Alam mo bayanihan is the Great Symbol of us Filipinos ...kaso habang tumatagal yata medyo nawawala na..and the worst pa yung crab mentality....sana itigil na nila kase it won`t help a person at all....kung gusto ng isang tao na mapabuti siya o umangat sa buhay eh di magsikap at pagbutihan niya hindi yung maninira ng ibang tao para lang maitaas ang sarili.:(